You are on page 1of 10

Uri ng Pananaliksik at Etika

sa Pananaliksik
DISIFIL 2020-2021
Module 2A- Part 2
Uri ng Pananaliksik
ayon sa Pamamaraan
Kwalitatibong Pananaliksik
• pananaliksik na eksploratori
• ginagamit upang maunawaan ang mga dahilan, opinyon at motibasyon ng
isang tao o pangkat
• naglalahad ng kaisipan hinggil sa isang suliranin o kaya nakalilinang ng
mga ideya o hipotesis para sa isang potensyal na kwantitatibong
pananaliksik
• ang pamamaraan sa isang kwalitatibong pananaliksik ay iba-iba at maaring
gumamit ng hindi binalangkas o bahagyang nakabalangkas na mga teknik.
• Ilan sa mga halimbawang pamamaraang ito ay FGD, interbyu, obserbasyon,
tala mula sa diary, pag-aanalisa ng dokumento
• Kadalasang ang partisipant ay maliit lamang ang bilang at pinili ayon sa
layunin ng pag-aaral

Qualitative Research Methods Overview.


(n.d.).https://bit.ly/3gu7lDz
Kwalitatibong Pananaliksik
• Ang isang kwalitatibong pag-aaral ay ginagamit upang magkaroon ng mas
malalim na pag-unawa sa kilos at gawi ng tao, sa kanilang karanasan,
attiyud, layunin at motibasyon sa pamamagitan ng obserbasyon at
interpretasyon upang matukoy kung paano mag-isip at ano ang
nararamdaman ng tao
• Anyo ng pananaliksik kung saan ang mananaliksik ay higit na nagbibigay ng
pagpapahalaga sa pananaw ng partisipant
• Ang paggalugad sa karanasan ng partisipant ay tinatawag na penomenolohikal
na dulog (phenomenological approach)
• Case study, grounded theory, ethnography, historical at phenomenology ang
mga uri ng pananaliksik na kwantitatibo

McLeod,S (2019).What’s the difference between qualitative and


quantitative research? Simply Psychology. https://bit.ly/3gvFvXM
Kwalitatibong Pananaliksik
• Ang analisis ng datos sa isang kwalitatibong pananaliksik ay maaring content
analysis, grounded theory (Glaser & Strauss, 1967), thematic analysis (Braun
& Clarke, 2006) or discourse analysis (McLeod,2019)
• Sa isang kwalitatibong pananaliksik, ibinababad niya ang sarili sa natural na
kapaligiran
• Interaktibo ang pananaliksik na ito sapagkat hinahayaan ang partisipant na
magsalita at magbigay ng perspektiba sa pamamagita ng salita o kilos
• Nababago ang disenyo ng pag-aaral sa pagsasagawa pananaliksik
• Ang teorya ay lumalabas sa proseso ng pananaliksik at nabubuo mula sa datos
na makokolekta

McLeod,S (2019).What’s the difference between qualitative and


quantitative research? Simply Psychology. https://bit.ly/3gvFvXM
Kwantitatibong Pananaliksik
• ginagamit upang matukoy ang problema sa pamamagitan ng mga numerikal na
datos o datos na maaring mailipat sa isang magagamit na estadistika
• ginagamit ito upang maipahayag sa pamamagitan ng numerikal na datos ang
mga atityud, opinion, kilos at iba pang mga baryabol kung saan ang
nakapagbibigay ng pankalahatang resulta mula sa mas malaking bilang ng
populasyon
• gumagamit ng mga nasusukat na datos upang makabuo ng katotohanan at
makadiskubre ng patern sa pananaliksik
• higit na may balangkas ang metodo ng kwantitatibong pananaliksik

McLeod,S (2019).What’s the difference between qualitative and


quantitative research? Simply Psychology. https://bit.ly/3gvFvXM
Kwantitatibong Pananaliksik
• ilan sa mga metodong ginagamit ay - onlayn na sarbey, sarbey sa papel,
mobile na sarbey, personal na panayam, longitudinal na pag-aaral, online polls
at sistematik na obserbasyon,eksperimento
• Layunin nitong matukoy ang dahilan at epekto ng ugnayan sa pagitan ng
dalawang baryabol gamit ang matematikal, kompyutasyonal at estatistikal na
metodo
• Tinatawag din itong empirikal na pananaliksik sapagkat ito ay maaring sukatin
nang tiyak
• Ang mga datos na makokolekta ay mahahati sa kategorya o ranggo, o maaring
masukat sa pamamagitan ng yunit ng sukat
• Gumagamit ng mga grap at talahanayan ng mga datos upang mas madaling
maanalisa ang resulta.
McLeod,S (2019).What’s the difference between qualitative and
quantitative research? Simply Psychology. https://bit.ly/3gvFvXM
Kwantitatibong Pananaliksik
• Ginagamitan ng estadistika upang maibuod ang datos, maglarawan ng pattern,
ugnayan at relasyon
• Layunin ng pananaliksik na ito na maging obhektibo
• Ang disenyo ngn pag-aaral ay naitakda na bago pa simulan ang pag-aaral
• Ginawa ang pananaliksik upang tayain ang teorya- tanggapin o hindi

McLeod,S (2019).What’s the difference between qualitative and


quantitative research? Simply Psychology. https://bit.ly/3gvFvXM
Hambingan ng kwalitatibo at kwantitatibong
pananaliksik
PAGHAHAMBING KWALITATIBO KWANTITATIBO
Kahulugan Metodo ng pagtatanong na nadedebelop Ginagamit upang makakalap ng
ang pag-unawa sa tao at agham numerikal na datos at katotohanan
panlipunan, layuning matukoy ang gamit ang estadistikal, lohika at
paraan ng pag-iisip gayundin ang teknik pangmatematika
nararamdaman ng tao

Kalikasan Holistik Particularistik


Dulog Sabjektiv Objectiv
Tipo ng pananaliksik Eksploratori Konklusib
Pagbibigay ng rason Indaktiv Dedaktiv
Sampling Purposive Random
Datos berbal Nasusukat

Qualitative Research Methods Overview. (n.d.).https://bit.ly/3gu7lDz


Hambingan ng kwalitatibo at kwantitatibong
pananaliksik

Qualitative Research Methods Overview. (n.d.).https://bit.ly/3gu7lDz

You might also like