You are on page 1of 216

UNIBERSIDAD NG PILIPINAS-DILIMAN

Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan

Lakbay-Aral
Pag-aaral kasama ang mga tao, tungo sa Pagpapaunlad ng
Komunidad

Bulacan Heights, Barangay Catacte


Munisipalidad ng Bustos
Lalawigan ng Bulacan

Isinumite bilang bahagi ng asignaturang


Field Integration Program (FIP)

Isinulat nina:

Bb. Gretchel N. Pelaez


G. Norby R. Salonga

Sa patnubay ni:
Dr. Leocito Gabo
Propesor
May 2015
0|Page
Table of Contents

PAGLALAPAT NG PANGUNAHING IMPORMASYON 2


PANGUNAHING IMPORMASYON
PAGLALAGOM NG PAGAARAL
LAYUNIN NG PAGAARAL
KAHALAGAHAN NG PAGAARAL
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAGAARAL

GABAY NA KONSEPTO SA PAGAARAL 16


KONSEPTONG BALANGKAS
GABAY NA TEORYA AT KONSEPTO

MGA METODOLOHIYA 22
AKTIBONG PAGAARAL AT PAKIKISALAMUHA
PAGBUO NG KOMITE
SABAY NA PAGAARAL AT PAGPOPROSESO

MGA RESULTA NG LAKBAY-ARAL 29


KAPASIDAD
SUSTEMA AT POLISIYA
VALUES
PAGPAPLANO

BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON 47


BUOD
KONKLUSYON
REKOMENDASYON

APPENDICES 73
TRANSCRIPTION
MATERYALES NG PAGSASANAY
ATTENDANCE
POLISIYA AT FORMS
MIDTERM SHARING SCRIPT

1|Page
PAGLALAPAT NG PANGUNAHING IMPORMASYON

I. Pangunahing Impormasyon

A. Ang Bulacan Heights

Ang Bulacan Heights ay nabuo at pinagtibay sa pamamagitan ng resettlement

agreement na nilagdaan ni Governor Wilhelmino Sy-Alvarado at ng National Housing

Authority (NHA). Ito ay may kabuuang sukat na 68,789 metro kwadrado at sa

kasalukuyan ay binubuo ng 1,100 yunits. Ang Bulacan Heights ay maituturing na On-

Site Relocation dahil

ang halos kalakihan ng

populasyon ng pamilya

na inilipat dito ay mula

din sa mga karatig

bayan ng Bustos tulad

ng Plaridel, Pulilan,

Norzagaray at Baliuag.

Sa loob ng isang taon at halos walong buwan mula ng turnover ceremony noong

ika-3 ng Oktubre 2013, ang Bulacan Heights ay binubuo ng isang libo’t tatlong daan at

dalawampu’t limang (1,325) pamilya o humigit kumulang na anim na libo anim na raan

at dalawampu’t limang katao (6,625) na nakatira sa limampu’t anim (56) na bloke ng

yunits. Ang sukat ng isang yunit ay nasa 24 metro kuwadrado o 4 na metro at 7

metrong sukat, na siyang maaaring lagyan ng pangalawang palapag.

2|Page
Sa kabilang banda, siyam (9) na yunits ang inilaan upang magsilbing gusali para

sa mga serbisyo tulad ng Health Center, silid aralan para sa Daycare Center,

Alternative Learning System at Kindergaten hanggang ikatlong baitang at model house

na tumatayong tanggapan ng developer ng nasabing lugar. Sa kasalukuyan, may

itinatayong gusali para sa mababang paaralan.

Dahil na rin sa patuloy na lumalaking populasyon ay nagkaroon ng

pagkakakilanlan sa mga bloke ng Bulacan Heights: ang Phase 1 at Phase 2. Ang

Phase 1 ay binubuo ng apatnapu’t apat (44) na bloke at ang Phase 2 ay binubuo ng

natitirang labindalawang (12) bloke.

B. Edukasyon

Sa kasalukuyan ay may apat na unit sa Block 8 ang

pansamantaang ginagamit na silid aralan para sa

mababang paaralan ng Bulacan Heights. Dahil sa

kakulangan ng pasilidad, karamihan sa mga

magaaral ay lumalabas ng relocation site upang

pumasok sa paaralan na matatagpuan sa Liciada, na tinatayang lima hanggang anim

na kilometrong layo mula sa Bulacan Heights.

Ang Department of Education ay

kasalukuyang nagpapatayo ng dalawang

palapag na gusali para sa mababang

paaralan ng Bulacan Heights. Ito ay

inaasahang makakatugon sa problema ng edukasyon sa lugar, lalo na sa kasalukuyang

3|Page
kalagayan na maraming mga bata ang mas pinipiling huwag na lang mag-aral dahil na

rin sa kalayuan ng eskwelahan tulad ni Take (10 taong gulang) na dapat ay nasa

ikalimang baitang na. Ayon sa kanya, ‘Nakakatamad pumasok [sa paaralan dahil sa]

layo nito.’

Mayroong ding isang yunit na matatagpuan sa Block 9 na siyang itinalaga upang

tumayong silid aralan ng Alternative Learning System (ALS) na sa kasamaang palad ay

di nagagamit dahil sa kawalan ng kagamitan at tao na hahawak.

C. Pangkalusugan

Ang nagiisang Health Center sa Bulacan

Heights ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes

at nagsisimula ng alas-otso ng umaga hanggang

alas-kwatro ng hapon. Ito ay kasalukuyang

pinamamahalaan ng isang kumadrona kasama ang

walong (8) Barangay Health Workers at dalawang

nars na nagpapalitan sa pag-asiste. Dahil ditto,

nagkakarron ng monitoring system para ng mga tao

sa Bulacan Heights lalo na ang mga kabataan,

nagdadalantao, at matatanda.

Ang Health Center din ay nagsasagawa ng libreng bakuna para sa mga sanggol,

check-up para sa buntis, nagbibigay ng gamit para sa mga sakit tulad ng tuberculosis,

at tuwing bakasyon ay nagkakaroon ng operation libreng tuli para sa mga batang lalaki.

4|Page
D. Pangkabuhayan

Ilan sa mga ikinabubuhay ng mga naninirahan sa Bulacan Heights ay ang

pagkakaroon ng sari-sari store, Piso Net (paghulog ng piso para makapag-internet),

pagpaparenta ng bisikleta, pagbebenta ng gasolina, pagtitinda ng mga pagkain,

paglalako ng mga gulay at pagkain tulad ng kwek-kwek, mani, togue at iba pa. May

mga negosyo din tulad ng pamamasada ng traysikel, pananahi, pagkakaroon ng

welding at barber shop, at salon.

5|Page
Bukod dito, karamihan din sa kanila ay simpleng manggagawa o manual laborers

na kinabibilangan ng mga construction workers, drayber, pahinante, security guard,

collector, kasambahay, labandera, at factory worker.

Isa sa mga kilalang negosyante na naglalako ng

pagkain sa Bulacan Heights ay si Carina ‘Ate Carina’

Bobiles. Siya ay pinakakilala sa paglalako ng kwek-

kwek at palitaw. Para makabenta nang marami, siya

ay gumigising ng ika- 3 ng umaga upang mamili sa

Baliuag bago magluto ng kanyang ilalako. Ayon sa

naya, ang kanyang kita mula sa pagtitinda ay

nakakatulong kahit papaano sa sweldo ng kanyang

asawa upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sa kabilang banda naman, ang tiangge

na pinamamahalaan ng AMBUH ay bukas

mula ika-6 ng umaga hanggang ika-12 ng

tanghali tuwing Sabado. Ito ay nagsisilbing

alternatibong pamilihan ng mga taga- Bulacan

Heights. Karaniwang mabibili dito ang mga

produktong karne, pansahog, gulay, prutas,

damit, at ibat-ibang gamit sa bahay. Mula sa alternatibong pamilihan na ito ay kumikita

ng 180 hanggang 200 piso ang AMBUH.

E. Transportasyon

6|Page
Sa kasalukuyan, ang Traysikel pa rin ang pangunahing moda ng transportasyon

ng mga tao sa Bulacan Heights. Tinatayang animnapung piso (P60.00) ang kabuuang

pamasahe papunta at pabalik mula sa Sentro ng Baliuag, ngunit umaabot din sa

isandaang piso (P100.00) ang pamasahe sa mga pagkakataon na magisa lamang ang

pasahero. Dahil dito, halos lahat ng mga naninirahan sa Bulacan Heights ay

nagsusumikap na magkaroon ng sariling motorsiklo upang makatipid sa pamasahe.

Sa bukana ng Bulacan Heights ay matatagpuan din ang maliit (not official) na

terminal ng traysikal na bumibiyahe hanggang sa bayan ng Baliuag. Humigit kumulang

na pito hanggang sampung yunit ang pumaparada at lumalagi sa nasabing terminal, at

karamihan sa kanila ay pawang mga kalalakihan na may edad tatlumpu hanggang

limamput lima. Dahil sa unti-unti paglaganap ng mga pribadong motorsiklo sa lugar ay

unti-unti ding nababawasan ang bilang ng pasahero ng sumasakay ng traysikel.

Ganunpaman, ito padin ang maituturing na isa sa mga pangunahing moda sa Bulacan

Heights.

7|Page
Mapapansin na marami din ang

gumagamit ng bisikleta sa loob ng Bulacan

Heights. Sa katunayan, may ilang residente pa

ang nagpapaupa ng bisikleta sa halagang Php

5.00 kada tatlumgpung minuto. Ayon sa mga

residente na kadalasang gumagamit ng bisikleta,

mas matipid ang nasabing moda sa kadahilanang di na ito nangangailangan ng

gasolina. Bagkus, sipag at malakas na resistensya lamang daw ang kailangan sa

paggamit nito.

F. Kapaligiran

Sa sector na pang-kapaligiran, masasabing na karamihan sa mga naninirahan sa

Bulacan Heights ay may pagkukusa para pangalagaan at panatilihing malinis ang

kanilang kapaligiran. Bukod dito, mayroon ding umiikot na garbage truck na lingguhang

humahakot ng mga basura.

Kapansin-pansin din ang mga tanim na gulay at halamang gamut sa mga

bakuran ng karamihan sa mga mamamayan.

8|Page
Ayon kay Edwina ‘Ate Wing’ Ruz, hilig niyang magtanim kahit pa sa lugar na

kanyang pinanggalingan. Ito ay minabuti niyang dalhin sa Buacan Heights upang

magsilbing modelo sa kaniyang mga kapit-bahay. Sa katunayan, ayon sa kanya, mas

nagiging maaliwalas at magandang tingnan ang bahay dahil sa mga tanim na halaman.

Mayroon din silang Community Garden

na kasalukuyang pinamamahalaan ni

Robin ‘Kuya Robin’ dela Cruz, kung saan

matatagpuan ang samut-saring gulay

gaya ng talong, kamatis, talbos ng

kamote, mais, kangkong, petchay at

kamoteng kahoy. Tulad ni Ate Weng,

nakahiligan din ni Kuya Robin ang

pagtatanim kung kaya nama’s nang

mabigyan ng pahintulot na magtanim sa bakanteng lote, ay agad niya itong sinimulan.

Dahil sa Community Garden, nagkakaroon ng alternatibong mapagkukunan ng pagkain

ang mga taga- Bulacan Heights.

G. Peace and Order

Sa kasalukuyan ay mayroong pinapatupad na curfew sa Bulacan Heights na may

kaugnayan sa oras ng paggala ng kabataan at hangganan sa paggamit ng videoke.

Pagpatak ng alas-diyes, bawal nang gumala sa labas ang mga kabataan upang

masiguro ang kanilang seguridad.

9|Page
Sa kabilang banda naman, ang curfew sa videoke ay pinapatupad para sa

katahimikan at kaayusan ng Bulacan Heights. Napagkasunduan na dapat katamtaman

lamang ang lakas ng speaker kung sakali man na aabutin ng gabi ang paggamit nito.

Gayunpaman, hanggang alas-diyes lamang ng gabi ang hangganan nang paggamit ng

nasabing kagamitan.

H. Imprastraktura

Sa kasalukuyan ay mayroong proyekto na para sa humps at streetlights na

isinagawa sa pangunguna ng AMBUH at sa pakikipagtulungan ng Barangay Catacte at

opisina ni Mayor Arnel Mendoza. Layunin nang paglalagay ng humps na maiwasan at

maibsan ang mga aksidente sa daanan at magabayan ang mga motorista sa paggamit

ng anumang uri ng sasakyan sa loob ng Bulacan Heights. Ang paglalagay naman ng

streetlights sa kabilang dako ay may layunin na magbigay liwanag sa mga lugar at

daanan na madilim tuwing sasapit ang gabi upang makatulong narin sa seguridad ng

lugar.

I. Gender

Sa aspeto naman ng gender, kapansin-pansin na aktibo ang mga kababaihan di

lamang sa pagaalaga at pagaasikaso ng kani-kanilang mga pamilya kundi sa

pagpapatakbo din ng maliliit na negosyo sa lugar. Sina Ate Meann and Ate Amy ay

buong tapang na pinasok ang mundo ng mga kalalakihan sa pamamasada ng traysikel.

Si Amalia ‘Ate Amy’ de Jesus ay pumapasada mula Bulacan Heights hanggang Sentro

ng Baliuag pabalik, habang si Mary Ann ‘Ate Meann’ Juanillo naman ay nagbibigay ng

10 | P a g e
probadong serbisyo sa mga kabataang pumapasok sa eskwelahan mula Lunes

hanggang Biyernes. Kung hinihingi din ng pagkakataon ay pumapasada din siya upang

tutgunan ang pangangailangan ng ilang pamilya sa lugar kahit tuwing araw ng Sabado.

Mapapansin din na marami sa mga kababaihan ang marunong gumamit ng

motorsiklo tulad na lamang ni Maura ‘Ate Maura’ Tuazon, na inaral ang pag-

momotorsiklo para makatipid sa pamasahe sa pamimili ng mga produkto para sa

kanyang sari-sari store.

II. Paglalagom ng Pag-aaral

Makalipas ang apat ng buwan na pakikipag-usap, pakikisalamuha at pagaaral sa

Bulacan Heights Relocation Site, ang mga magaaral ay nagkaroon ng pagkakataon na

matutunan ang proseso ng pagpapaunlad ng pamayanan sa pananaw at sariling

pamamaraan ng mga tao sa lugar. Ito ay nagsilbing pandayan ng mga bitbit nilang

pangunawa, kaalaman, at karanasan patungkol sa nabanggit na proseso.

Ang pakikipagusap o “proseso ng huntahan” na naranasan ng mga magaaral,

kasama ang mga tao ay nagbigay daan upang mas lalo nilang maintindihan ang buhay

ng mga mamamayan sa Bulacan Heights, ang kanilang mga pinagdadaanan, at

gayundin ang mga pangarap na nagsisilbing ilaw nila sa kadiliman ng kahirapan na

kanilang dinadanas sa laylayan ng lipunan. Ito din ay nagbukas ng kanilang kamalayan

na ang lahing Pilipino ay sadyang maabilidad at malikhain--- na kahit anumang hirap ng

buhay, gaano man kalalim ang bangin na kinalalagyan sa lipunang ito ay makakagawa

at makahahanap parin ng paraan upang maibsan ang hirap na dinadanas.

11 | P a g e
Sa kabilang dako naman, ang maikli ngunit makulay na pagkakataon upang

makisalamuha at makipamuhay sa mga tao ay nagbukas ng oportunidad sa mga

magaaral upang damhin at paglimian ang proseso ng kahirapan, at ang ibat-ibang

mukha nito ayon sa pagtingin at karanasan ng mga tao sa komunidad. Dito din

nabigyang linaw, na ang kahirapan ay salamin di lamang ng pangkalahatang kondisyon

ng pamayanan sa aspetong ekonomikal, bagkus, ito din ay sumasalamin sa indibidwal

at personal na istorya ng mga tao, at sa kung papaano nila pinagsusumikapang

hanapin at intindihin ang kanilang kaugnayan sa kalagayan ng kanilang kapwa tao at ng

pamayanan sa pangkalahatan.

Sa konteksto naman nang pagaaral, ang mga teorya na natutunan at bitbit ng

mga magaaral patungkol sa proseso ng pagpapaunlad ng pamayanan, ay mas

napatibay ng aktwal na karanasan sa Bulacan Heights. Ang konsepto ng “Mula sa Tao,

Para sa Tao” ay makatotohanang nailapat sa kabuuang proseso ng pagoorganisa ng

komunidad, na lalong nagpatingkad nang ipinamamalas na kahandaan at katatagan ng

mga opisyales at lider ng Bulacan Heights. Gayundin, sa pangkabuuang aspeto, ang

makabagong balangkas at perspektibo sa pagoorganisa ng komunidad patungo sa

pagkakaroon ng sariling pamahalaan, ay di maikakailang naging tuntungan ng buong

proseso at ng karanasang ito. Naitanim ng maayos ang punla sa puso at isip ng mga

tao, kaya naman naging matibay itong sangkalan sa pagsasagawa ng pagsasanay sa

mga miyembro ng komunidad, lalo na sa mga naitalagang opisyales.

Ang pagtatapos ng semestre na ito ay naging hudyat ng bago at mas malinaw na

simula para sa lahat. Ang pagbabagong naganap sa anyo ng mga komite mula “issue-

based” patungong “program-based” ay nagbukas ng pinto sa asosasyon upang

12 | P a g e
mapalawak ang kanilang mga gawain tungo sa mas ikagaganda at ikauunlad ng

kanilang lugar. Ito din ang nagsilbing daan upang mas lalong malinawan ang bawat isa

sa kani-kanilang mga responsibilidad bilang miyembro ng mga komite, at ng asosasyon

sa pangkalahatan. Sa tulong din nito, mas napatatag ang puso at nagsisilbing

pundasyon ng asosayon---ang tao o bawat miyembro nito.

III. Layunin ng Pagaaral


Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Lakbay-Aral: Pag-aaral kasama ang mga tao

tungo sa Pagpapaunlad ng Komunidad” ay isinagawa na bitbit ang mga sumusunod ng

layunin:

• Magsagawa ng mga pagsasanay upang mapaunlad ang kapasidad ng mga

opisyales at lider ng mga bloke ng Asosasyon ng mga Mamamayan sa Bulacan

Heights (AMBUH), lalo na sa aspetong pangkabuhayan (Livelihood), Pinansyal

(Finance), Pagka-kalihim, at Pamumuno (Leadership).

• Makapagbigay ng suportang teknikal sa pagbuo ng mga komite bilang

mekanismo sa maayos at mabuting pamamahala ng pamayanan ng Bulacan

Heights.

• Mapatatag ang pundasyon at liderato ng organisasyon sa pamamagitan ng

patuloy na dayalogo at “huntahan” kasama ang mga opisyal ng asosayon at lider

ng bawat bloke.

13 | P a g e
IV. Kahalagahan ng Pagaaral

Ang pagaaral na ito na pinamagatang “Lakbay-Aral: Pag-aaral kasama ang mga

tao tungo sa Pagpapaunlad ng Komunidad” ay naglalayong maibahagi ang makulay na

karanasan sa proseso ng pagpapaunlad ng komunidad (community development)

patungo sa pagbuo ng isang pang-komunidad na pamahalaan (community governance)

sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng mga responsibilidad o pagbuo ng komite

(committee system) at pagpapalakas sa kapasidad ng mga tao (capacity building) gamit

ang pormal at impormal na pamamaraan.

Nilalayon din ng pagaaral na ito na mapataas ang kamalayan ng bawat isa sa

proseso ng pagbabalanse ng aspetong pulitikal at ekonomika sa pagpapaunlad ng

komunidad, lalo na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na pundasyon sa

pamamahala, na inaasahang mag-uugat sa kamalayan ng mga tao sa nasabing

proseso. Ang mga karanasan at aral na napulot ng mga magaaral sa semestreng ito ay

inaasahang magsisilbing gabay sa mga susunod na magaaral, grupo, at organisasyon

na may layuning mapalakas at mapaunlad ang Bulacan Heights.

IV. Saklaw at Limitasyon ng Pagaaral

Ang pagaaral na ito ay tumutok sa karanasan ng dalawang magaaral (graduate

students) na itinakdang magsagawa ng pagsasanay para sa komite ng kabuhayan,

pinansyal, at sekretaryal, na may kalakip na pagsasanay upang mapatatag ang liderato

ng AMBUH. Gayunpaman, may mga bahagi sa pagaaral na ito na tumingin sa

14 | P a g e
pangkabuuan na aspeto ng pagpapaunlad ng komunidad patungo sa pagtatatag ng

isang pamahalaang pangkomunidad, gaya ng pagbuo ng mga sistemang pinansyal at

administratibo na saklaw ang paghahanda at pagsisiguro ng maayos na pagpapatakbo

ng AMBUH, na siyang minimithing maging isang barangay sa hinaharap.

Sa kabilang dako, di maikakaila na nagsilbing balakid para sa mga magaaral ang

limitasyon sa pagkakaroon ng sapat na panahon upang makisalamuha sa mga tao at

magbabad sa komunidad. Kaya naman, ang inaasahang pagsasagawa ng pagsasanay

para sa lahat ng block lider ay nalimitahan lamang sa mga opisyales ng asosasyon at

ilang aktibong miyembro na nakilahok sa programa at/o miyembro ng komite na

nagpupulong tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo.

Ngunit sa pagsusumikap parin na maipaabot at maibaba ang mga pagsasanay

na kinakailangang gawin, dinesenyo ang mga modyul sa paraang maibabahagi ng mga

kalahok sa pagsasanay ang mga kaalaman, proseso, at sistema na tinalakay dito sa

mga kasamahan nila.

15 | P a g e
IKALAWANG BAHAGI

GABAY NA KONSEPTO SA PAGAARAL

I. Konseptong Balangkas

Nagsimula ang lahat sa pagkilala na ang bawat tao ay may karapatan na

pinanghahawakan at kulturang kinalakihan. Ang mga karapatan at kulturang ito ang

nagsisilbing pundasyon ng bawat sambahayan na nakatapak sa lupa ng Bulacan

Heights pagkatapos silang mailipat dito. Ang kanilang karapatan ang siyang nagbibigay

ng kapangyarihang sa kanila na dumulog sa kinauukulan upang siguruhin na ang

kanilang pangangailangan ay matutugunan. Ang kanilang bitbit naman na kultura ang

nagsisilbing saligan nila sa proseso nang pakikisalamuha sa kapwa at pagtindig sa mga

hamon ng buhay---ang isang kalikasan sa ugali ng mga Pilipino.

Ang pinanggagalingang punto sa pagkakaroon ng karapatan ng mga tao (Rights

Holder) na dumulog sa awtoridad (Duty-bearer) upang siyang dapat tumugon sa

kanilang pangangailangan ay malinaw na bahagi ng teoryang sa pagunlad na kung

tawagin ay Rights-based Approach o RBA. Gamit ito, tiningnan ng mga magaaral sa

bawat sektor ang karapatan ng mga tao at binalangkas ang mga tungkulin ng mga

komite mula sa issue-based patungong program-based. Dito nagsimulang maglabasan

ang mga pangangailangan na nais tugunan ng bawat komite lalo na ang komite na

pangkabuhayan. Dito din nalinaw ang malaking bahagi ng pagiging bukas ng local

government na palakasin ang AMBUH upang maging daluyan ng mga interbasyon sa

anyo ng mga sebisyo na tumutugon sa pangangailangan ng tao tulad ng pabahay,

16 | P a g e
paaralan, at health center---na sa panghinaharap ay masasabing proseso ng

paghahanda sa kanila upang pamahalaan ang Bulacan Heights bilang isang barangay.

Figure 1. Konseptong Balangkas ng Rights-based Approach

Ngunit di maikakaila na sadyang ang realidad ng buhay ay nagiiwan ng agwat sa

pagitan ng pananaw ng tao sa kasalukuyan niyang kalagayan (kahirapan) at sa kung

ano ang dapat, kung babalikan ang mga karapatan na kanyang hawak. Dahil dito,

kinakailangan ang pagsasanay upang palakasin ang kapasidad ng tao, at gayundin ay

pagtibayain ang pundasyon ng organisasyon na kanilang kinabibilangan---ang

prosesong ito ay panimulang pagtatahi sa agwat na nabanggit.

Ang mga pagsasanay ang nagsilbing tuntungan ng mga tao upang abutin at mas

maintindihan ang realidad na may kaugnayan sa kahirapan. Ito din ang inaasahang

17 | P a g e
magiging daan para unti-unting maitayo ang ‘bahay’ na tumatayong sandigan ng mga

tao sa pamaayanan sa proseso ng pagpapaunlad ng komunidad.

Figure 2. Konseptong Balangkas ng Pagaaral na pinamagatang “Lakbay-Aral: Pag-


aaral kasama ang mga tao tungo sa Pagpapaunlad ng Komunidad”

Sa usapin ng komunikasyon, nabuo ang gabay na balangkas na ito matapos ang

pagpupulong ng mga opisyales kasama ang komite na Pang-pinansyal. Kasama ang

mag-aaral ay pinagusapan ang mga kadalasang nagiging hamon sa pamumuno at

pagmamahala ng AMBUH at mula doon ay tinukoy ang mga tamang pamamaraan ng

komunikasyon mula sa ibaba (miyembro) patungo sa itaas (Block Lider at Oposyales)

sa proseso ng pagpaplano na pangkalahatan at pagtugon sa mga suliranin. Sa kabilang

dako naman, ang opisyales, lalo na ang mga komite, ang siyang napagkasunduang

18 | P a g e
manguna sa pagbuo at pagbalangkas ng mga detalye ng plano na ibababa sa mga lider

ng bawat bloke, at ang huli naman ang siyang inaasahang magpaparating nito sa mga

miyembro. Ang bukas na komunikasyon na kagaya nito ay inaasahang magpapatibay

sa pundasyon ng AMBUH at sa samahan ng mga opisyales at miyembro patungo sa

isang maunlad na pamayanan.

Figure 3. Balangkas ng Komunikasyon ng AMBUH

II. Gabay na Teorya at Konsepto

Upang magkaroon ng matibay na batayan sa tamang pamamaraan sa

pagoorganisa ng komunidad tungo sa pagkakaroon ng pang-komunidad na

pamahalaan, ay minabuti ng mga magaaral na pagaralan ang ibat-ibang teorya at

19 | P a g e
proseso gaya ng Rights-based Approach, Community Organizing for Community

Governance, Enterprise Development and Mangement, Feasibility Study, at Financial

Management. Ang mga ito ang nagsilbing batayan ng mga pagsasanay na isinagawa

ng magaaral kasama ang mga opisyales, lalo’t higit ang mga miyembro ng komite na

Pang-kabuhayan, Pang-pinansyal, at Pang-sekretaryal.

A. Ang Rights-Based Approach- ayon sa depinasyon ng United Nations Population

Fund, ang Rights-Based Approach ay may layuning palakasin ang kapasidad ng

duty-bearers para magampanan ang kanilang tungkulin at mahimok ang right

holders na dumulog sa may awtoridad upang masiguro ang pagkakaroon ng mga

serbisyong tutugon sa kanilang mga karapatan. http://www.unfpa.org/human-

rights-based-approach

B. Community Organization for Community Governance- ayon kay Dr. Oscar P.

Ferrer ng Unibersidad ng Pilipinas, ang pamamahala sa komunidad ay may

layuning masusugan ang epektibo at mabuting pamamahala, na kung saan ang

mga pagkakataon para sa partisipasyon, pagkakaroon ng iisang layunin para sa

pagpapakilos, sama-samang pagkilos sa paghahatid ng mga serbisyong

panlipunan, bukas sa mga transaksyon sa lokal na pamahalaan, pananagutan

para sa mga resulta at mga mekanismo para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ay

maisagawa.

https://philippinessummercourse2012.files.wordpress.com/2012/07/summer-

course-hiroshima-theme-outline.pdf

20 | P a g e
C. Negosyo- ito ay ekonomikong aktibidad na kung saan ang mga tao ay nag-iisip,

nagpaplano, at nagpapatakbo ng kabuhayan na may kinalaman sa

pagpapaunlad ng kanilang buhay. Layunin nito na magkaroon sila ng

pagkukunan ng kabuhayan upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Kaugnay nito, ang business scoping naman ay proseso na ang pangunahing

layunin ay malaman at maunawaan ang mga uri ng negosyo sa komunidad, at

gayundin, upang maintindihan ang paraan nang pagpapatakbo nito.

D. Feasibility Study- ito ay isang mabusising pag-aaral patungkol sa isang

oportunidad na may layuning malaman ang potensyal ng isang negosyo at

gayundin ang posibleng balakid at suliranin sa pagpapatakbo nito. Sa proseso

ding ito, maidedetalye ang kalakasan, kahinaan, balakid at oportunidad ng isang

negosyo, lalo na sa mga aspeto tulad ng produkto, market, presyo, at

pamamaraang ekonomiko.

E. Financial Management- ito ay proseso nang pagsasaayos ng mga sistema at

pamamaraan kaugnay sa pinansyal na aspeto ng organisasyon, sa

pamamagitan ng pagbuo ng mga polisiya sa pagiimpok, paglabas at pagpasok

ng pera, gayundin ang tamang paggawa ng ulat pinansyal. Layunin din nitong

gabayan ang mga miyembro sa proseso at magkaroon ng iisang pangunawa

kasama ang opisyales na sila naming inaasahang magpapatupad ng nasabing

sistema.

21 | P a g e
IKATLONG BAHAGI

MGA METODOLOHIYA

Sa pagaaral na ito na pinamagatang “Lakbay-Aral: Pag-aaral kasama ang mga

tao tungo sa Pagpapaunlad ng Komunidad” ay pinahalagahan ang pagkakaroon ng

bukas at malayang proseso upang maintindihan ang kasalukuyang kalagayan ng

komunidad at sa gayon ay mapalawak ang kaalaman ng mga magaaral sa ibat-ibang

pamamaraan ng pagpapanday sa kakayanan ng mga tao sa komunidad. Kinailangan

ding paglimian ang anyo ng komunikasyon na siyang naging instrumento sa maayos at

malinaw na pangangalap ng mahahalagang impormasyon, upang matugunan ang

angkop na pangangaialangan ng mga tao sa komunidad.

Ang key informant interview (KII) at focus group discussion (FGD) ang siyang

naging mga pangunahing metodolohiya ng mga magaaral upang mangalap ng

impormasyon mula sa komunidad at naging daan din sa pagpapalalim ng mga ideya na

naibahagi ng mga tao. Upang mas maintindihan ang kwento ng ilang mga impormante

na nagpaunlak sa panayam, sinikap ng mga magaaral na sumama at magobserba sa

arawang gawain ng mga ito. Dito nila mas lalong napalalim ang kanilang kamalayan

kung papaano pinagsusumikapan ng mga ito na iraos ang kanilang arawang

pangangailangan kahit na ang kapalit nito ay pagkakaroon ng ilang oras na tulog

lamang upang makapaghanap buhay sila.

Gayundin, kinailangang intindihin ng mga magaaral ang relasyon ng proseso na

nabanggit sa bawat isa na nagsilbing gabay sa kanila upang maayos na maihanay ang

mga impormasyon na kinakailangan. Ang tinutukoy na mahahalagang pamamaraan ay

22 | P a g e
nahahati sa tatlong bahagi: ang (1) Aktibong Pagaaral at Pakikisalamuha, (2) Pagbuo

ng Komite, at ang (3) Sabay na Pagaaral at Pagpoproseso.

A. Aktibong Pagaaral at Pakikisalamuha

Sa unang bahagi na ito, pinagtuunan ng pansin ng mga magaaral ang

pangunahing impormasyon at datos na hawak nila, at mula doon ay sinubukang

intindihin at palawakin ang kanilang pangunawa tungkol sa kasalukuyang

kalagayan ng mga tao sa komunidad at ang mga umiiral na konspeto sa proseso

ng pagpapaunlad ng komunidad.

a. Pagbusisi at Pagaaral sa mga Dokumento (FIP Integration Papers)- upang

magkaroon ng inisyal na kaalaman patungkol sa kalagayan ng Bulacan

Heights, kasama ang pangangailangan at napagalamang kalakasan nito

bilang isang komunidad, binusisi at pinagaralan ang mga ulat ng mga

naunang grupo at sinubukang pagtahiin at tingnan kung papaano ito

makatutulong sa pagbuo ng gabay na pananaw at pagtingin sa kasalukuyang

konteksto ng komunidad. Gamit din ang mga impormasyon sa mga ulat na

ito, lalo na ang impormasyon tungkol sa ibat-ibang sector at gayundin ang

resulta ng pagaaral sa pangunahing pangangailangan na may kinalaman sa

kapasidad ng tao, nakabuo ng inisyal na plano ang mga magaaral na naging

gabay sa kung paano at anu-ano ang mga dapat pagtuunan ng pansin sa

unang pagtapak at pagpasok sa komunidad.

23 | P a g e
b. Pagiikot sa Komunidad- upang mas maintindihan at aktwal na makita ang

mga mahahalagang aspeto, bagay, impormasyon, at sistema sa komunidad,

minabuti ng mga magaaral na magikot at mag-obserba sa paraan ng

pamumuhay ng mga tao lalo na sa mga aspetong may kinalaman sa

kabuhayan, kapaligiran, libangan, at katahimikan. Gayundin, binisita ang mga

lugar gaya ng silid aralan at health center na siyang may kinalaman sa

serbisyong pang-edukasyon at medikal.

c. Pakikisalamuha at Bukas na Pakikipagusap sa mga Tao- sa proseso naman

na ito, ginamit ng mga magaaral ang kanilang abilidad upang magsimula ng

bukas na komunikasyon sa mga tao sa pamamagitan ng”huntahan”. Ito ay

kanilang sinimulan sa mga kapwa magaaral na naninirahan sa lugar at

gayundin ang mga opisyales ng AMBUH. Sa tulong ng proseso na ito,

nagkaroon ng mas malawak na pananaw ang mga magaaral at mas luminaw

ang kanilang pagkaintindi sa mga impormasyon na kanilang nabasa at

naobserbahan.

d. Konsultasyon sa Pagbuo ng Komite ayon sa Programa- dahil kinilala ng

Asosasyon ang pangangailangan upang gawing organisado at sistematiko

ang mga bagay-bagay sa Bulacan Heights, lalo na ang kasalukuyang anyo

ng komite, nagkaroon ng konsultasyon at paguusap tungkol dito ang mga

opisyales sa patnubay ng mga magaaral. Sa proseso na ito,

napagkasunduan na bilang bahagi ng paghahanda ng AMBUH sa hinaharap

24 | P a g e
at upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga

mamamayan, binago at binalangkas ang anyo at sistema ng Komite mula

“issue-based” patungong “program-based”.

B. Pagbuo at Paglalatag ng Pundasyon ng mga Komite (Program-based)

Sa proseso na ito, magkatuwang ang mga opisyales ng AMBUH at mga

magaaral sa pagpapalawig ng partisipasyon ng bawat lider ng bloke sa

binubuong komite bawat sektor. Binigyan ng kalayaan ang huli na mamili at

timbangin ang interes at kakayanan para sa komiteng sasalihan. Dito

nagsimulang mabuo ang bawat komite ng AMBUH.

a. Malayang Pagtimbang sa Interes at Kakayanan- nagkaroon ng kalayaan ang

mga lider ng bawat bloke na timbangin ang kanilang interes at kakayanan sa

pagpili ng komite na sasalihan. Dito nasubukan ang kakayanan nilang

magdesisyon di lamang para sa kanilang sarili kung hindi para sa

pangkalahatang interes din.

b. Paglalatag ng Pundasyon- matapos makapamili ng komite na sasalihan,

nagkaroon ng inisyal na pagpupulong ang bawat grupo upang magkakilanlan,

magbahaginan ng kani-kanilang pananaw/karanasan, at sa huli’y mailatag

ang pundasyon ng komite---ang mga tungkulin. Sa tulong ng mga mga-aaral

ay pinagusapan ang mga pangunahing tungkulin ng komite at binusisi kung

papaano ito nakaugnay sa pangkalahatang direksyon ng AMBUH bilang

25 | P a g e
isang asosasyon. Dito din napagkasunduan ang araw at oras ng pulong ng

bawat komite.

C. Sabay na Pagaaral at Pagpoproseso

Matapos ang pagpapalalim at pagpapalawig ng kanilang kaalaman tungkol sa

Bulacan Heights at gayundin ang pagbuo at paglalatag ng pundasyon ng mga

komite, isinagawa ng mga magaaral ang susunod na hakbang, ang sabay na

pagaaral at pagpoproseso ng mga kaalaman kasama ang komunidad. Dito

pumasok ang pagsasagawa ng mga pagsasanay na ang pangunahing layunin ay

ang mapaunlad ang kapasidad ng mga miyembro lalo na ang mga opisyales ng

AMBUH.

a. Pagsasagawa ng Pagsasanay- ang tatlong komite na pangunahing nagdaan

sa pagsasanay ay ang mga Komite ng Kabuhayan, Pinansyal, at Pagka-

kalihim (secretarial). Ang bawat komite na ito ay dumaan sa ibat-ibang uri ng

pagsasanay ayon sa pangangailangan ng bawat miyembro at tungkulin na

kanilang ginagampanan.

b. Pagbuo ng Sistema at Polisiya- matapos dumaan sa mga pagsasanay,

naging bahagi ng proseso ang pagbuo ng mga sistema at polisiya na

inaasahang makatutulong sa maayos na pagpapatakbo ng asosasyon at

parte nang paghahanda sa pagpapalakas ng kapasidad ng bawat isa na

pamahalaan ang kani-kanilang mga komite.

26 | P a g e
c. Paguulat at Konsultasyon sa mga Opisyales- ang sistemang pinansyal na

nangangailangan ng masusing pagsunod ay ibinahagi at iniulat ng Ingat

Yaman (na siya ring pinuno ng Komiteng Pangpinansyal) sa ibang opisyales

ng AMBUH upang makuha ang kanilang komento at suhestyon kung

papaano ito mas mapapaunlad at maipapatupad ng maayos at sistematiko.

Minabuti din ng Ingat Yaman na bigyan ang lahat ng opisyales ng kopya ng

nasabing polisiya upang mas lalo nila itong maunawaan at mabusisi.

Ang komite naman ng Pang-kabuhayan ay nagulat ng kanilang

napagkasunduang plano para sa ginanap na Summer Festival noong ika-23-

24 ng Mayo, na siyang nagsilbing paraan upang kanilang masubukan ang

mga natutunan nilang stratehiya at proseso sa mga pagsasanay. Gayundin,

ang Komite na Pagka-kalihim ay nakabuo naman ng mga gabay sa paggawa

ng katitikan at agenda para sa pagpupulong di lamang ng mga komite, kundi

ng buong asosasyon.

d. Pagsusuri sa nabuong Sistema at Polisiya- upang masubok ang pagiging

angkop at pagiging epektibo ng mga sistema at polisiya na nabuo ng mga

komite, napagkasunduan na subukan o “i-pilot-test” ang mga ito sa

pamamagitan ng Summer Festival na ginanap noong ika-23 hanggang 24 ng

Mayo, 2015.

e. “Huntahan Session”- upang mas lalong mapalalim ang pagbabahaginan at

pagpoproseso ng mga natututunan ng mga miyembro ng bawat kmoute,

27 | P a g e
nagkakaroon ng “Huntahan Session” kung saan nabibigyan ng pagkakataon

ang bawat isa na magbahagi ng kanyang natutunan at bigyang linaw ang

mga bagay na Malabo para sa kanya. Sa pamamagitan din nito, nagkakaroon

ng pagbabahaginan ng kani-kanilang mga karanasan at opinyon na siya

nagbigay daan upang mabuo ang mabuting samahan ng mga miyembro ng

bawat komite.

f. Pagbabahay-bahay- dahil sa pagiging abala sa mga gawaing bahay ng ilang

miyembro ng komite, regular na pinuntahan at dinalaw ng mga magaaral ang

mga ito upang kamustahin ang kanilang kalagayan at kahit panandalia’y

magkaroon ng malayang usapan na may kinalaman sa pagiging magulang, at

asawa ng mga miyembro ng komite. Dito mas naging bukas ang

komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng AMBUH at ng magaaral, na

naging daan upang mas lalong mapatibay ang relasyon bilang magkasangga

sa patuloy na pagpapaunlad ng komunidad.

28 | P a g e
IKAAPAT NA BAHAGI

MGA RESULTA NG LAKBAY-ARAL

Ang apat na buwang integrasyon sa komunidad ng Bulacan Heights ay nagbigay

ng pagkakataon sa mga magaaral upang mapaunlad at mahasa ang kanilang kaalaman

sa pagpapaunlad ng komunidad sa pamamagitan ng karanasang makisalamuha sa

mga tao at matuto mula sa mayabong na karanasan ng mga ito. Gayundin, dito din sila

nabigyan ng pagkakataon upang makapagbahagi ng kanilang mga talento at abilidad sa

pagbuo at pagsasagawa ng mga pagsasanay na nakalinang sa kakayahan ng mga

opisyales ng AMBUH at nakapagpagbuo ng mga sistema at polisiya na inaasahang

makatutulong sa pagpapaunlad ng asosasyon. Sa kabuuan, ang apat na aspeto ng

pagunlad ay ang mga sumusunod: (1) Kapasidad; (2) Sistema at Polisiya; (3) Values; at

(4) Pagpaplano.

A. Kapasidad

Sa pagsasagawa ng pormal ng pagsasanay kasama ang mga miyembro ng

komite na pang-kabuhayan, pang-pinansyal, at pag-sekretaryal ay nagkaroon ng

pagunlad sa abilidad ng mga opisyales at block leaders na pamunuan ang

taltong pangunahing komite na naging daan upang makabuo ng mga sistema at

polisiya na inaasahang makatutugon sa pangangailangan ng asosayon:

a. Pagnenegosyo- sa pagkabuo ng Komite na Pangkabuhayan, nagkaroon ng

malinaw na pangarap ang komite para sa Bulacan Heights bilang isang

sentro ng pamilihan “Ini-envision ko kasi na maging sentro ang Bulacan

Heights na magkaroon ng business center at maging sentro na pamilihan.”

Gayundin, nagkaroon ang grupo ng pagkakataon na mas maintindihan ang

29 | P a g e
kanilang responsibilidad at matutunan ang mahalagang aspeto nang

pagnenegosyo gaya ng brainstorming at pagbabahiginan ng karanasan. Ayon

kay Ate Meann “Responsibilidad ng komite na mag-participate sa seminar at

trainings para [maibahagi] din sa iba. Kailangan din kasi ang brainstorming o

pagbabahaginan.”

Sa pamagitan din nito, ang kanilang mga karanasan sa pagnenegosyo

ay napalalim “Unang-una, nalaman natin na marami pa lang negosyo dito [sa

Bulacan Heights] pero sa kalaunan ay nagdesisyon kami na pag-aralan [at

pagtuunan ng pansin] ang canteen, business center at catering. Kailangan

pala eh pag-aralan ang mga ito bago mag-negosyo,” ayon kay Ate Carina

nang matanong kung ano ang kanyang pangunahing natutunan. Ito ay

pinangalawahan ni Ate Nancy “Dahil po sa kaalamang naibigay nyo, maaari

ko ring ma-ibahagi ito sa iba ko pang kasama. Kumbaga mas alam na namin

ang gagawin. Ang pag-nenegosyo kasi [ay] di lang dahil bumebenta ay

tatagal na, dapat talagang alam mo kung saan patungo at dapat iyong

negosyong nakakatulong sa iba.

Matapos malaman ang mga business models na pagtutuunan ng pansin

ng asosasyon, nagsilbi itong inspirasyon para sa mga miyembro at sa

pamamagitan din nito ay nakita nila kung papaano sila kabahagi ng AMBUH

“Oo naman. Nakaka-inspire lang ung catering services nila. Pwede din tayong

mag-catering services para sa loob na mismo manggaling ung mag-

seserbisyo. Kikita pa ang organisasyon.” Ayon kay Ate Maura.

30 | P a g e
b. Pangunguna sa Pagpupulong- bukod sa pamamaraan sa pagnenegosyo,

nahasa din ang kakayanan ng mga pinuno ng komite na Pangkabuhayan at

Pang-pinansyal sa pangunguna tuwing sila ay may pagpupulong. Ang

mahiyain at tahimik na si Ate Maura na noong una ay ilag sa pagsasalita, ay

natutunang pamunuan ang kanyang komite sa pagpaplano ng mga aktibidad

na nasubukan sa Summer Festival ng Bulacan heights noong ika-23

hanggang 24 ng Mayo. Ang kanyang komite ang siyang nanguna sa

pagtitinda ng meryenda sa nabanggit na aktibidad.

Sa kabilang banda naman, si Ate Weng na medyo sensitibo sa puna ng

kapwa ay nagkaroon ng lakas ng loob na ipatupad ang Sistema at Polisiyang

Pang-pinansyal na nabuo ng komite na kanyang pinamumunuan. Ito ay binuo

upang masiguro ang maayos at epektibong pamamahala ng kaperahan at

kagamitan ng asosasyon.

c. Pagiging Organisado- ang pagsulat ng katitikan ay mas naging organisado at

mas naging maayos ang pagtatala ng mahahalagang impormasyon di lamang

ng mga pulong ng komite kundi lalo’t higit ang pulong ng pamunuan ng

AMBUH. Si Ate Rissa, na tumatayong kalihim ng Komite na Pang-pinansyal

ay isa sa mga magandang halimbawa ng pagiging organisado. Bukod sa

paggawa ng mga ulat ng komite, siya rin ang umasiste kay Ate Weng sa

pagsisiguro na ang mga kalihim na bawat komite ay makapagpasa ng

purchase request upang maipatupad ang sistemang pinansyal ng asosasyon.

31 | P a g e
d. Pagpapalakas ng Kapwa Lider- naging kapansin-pansin ang ginawang

pagtitiwala at pagsasanay na ibinigay ni Ate Weng kay Ate Rissa sa

nakaraang Summer Festival, kung saan pinamahalaan ng huli ang

pagsisiguro nang pagtupad ng mga opisyales at miyembro sa sistema ng

komite na Pang-pinansyal. Ang dating mahiyain at mahina ang loob na si Ate

Rissa ay naging aktibo sa mga aktibidad ng AMBUH, katulong si Ate Weng.

e. Pamumuno- sa tulong ng pagsasanay sa pamumuno ay mas naintindihan ng

mga opisyales ang kanilang tungkulin bilang lider kagaya ng ibinahagi ni Ate

Meann “Dapat maging mahinahon talaga. May kasabihan nga di ba na ‘Slow

to speak, quick to listen, slow to become angry.’ Ibig sabihan [nito] lagi dapat

mahinahon [ang lider] at di laging utos ng utos dapat ay [marunong gumawa].

‘Wag nating ilagay ang mga sarili natin sa pedestal.” Dito din mas nalinaw at

naipaliwanag ang mahalagang ugali ng isang lider na may malawak na

pangunawa, may pagkukusa, at mababang loob.

f. Self Reflection patungong Group Reflection- sa pagkakaroon din ng bukas na

komunikasyon ng mga miyembro ay nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa

na pagusapan ang kanilang mga sariling pananaw tungkol sa pamumuno,

mga balakid sa pagiging isang mabuting pinuno, at personal na limitasyon sa

pamumuno sa kani-kailang mga bloke. Sa pamamagitan din ng prosesong ito

ay nagkaroon sila ng pagbabahaginan ng kanya-kanyang karanasan kung

papaano nila ito hinarap. Naging emosyunal man ang proseso ay nagkaroon

32 | P a g e
parin ito ng mabuting epekto sa mga opisyales sapagkat nailabas nila ang

bigat na dala-dala nila sa kanilang mga puso. Si Ate Angel, na kakatalaga

lamang bilang lider ng kanyang bloke ay nagbahagi ng kanyang karanasan,

“Dahil bago ako, kung anu-anong batikos ang dinadanas ko, kahit na

tinutupad ko lamang ang aking tungkulin.”Ito ay pinangalawahan ni Ate Ritch

(kalihim ng AMBUH), na halos similar ang insidente na dinanas. Ayon sa

kanya, ito ay nagugat sa pagmamasama ng kanyang kapitbahay sa ginawa

niyang pagsaway dito dahil sa pagpapatugtog ng malakas sa alanganing

oras. Matapos ang pagbabahaginan na ito, napagtanto ng bawat isa na

anuman ang kanilang maranansan bilang pinuno, dapat nilang laging tandaan

na kung nasa tama silang katwiran at posisyon, wala sila dapat ipangamba.

Sa mga pagkakataon man na sila ay nasasaktan, sa isat-isa padin sila

huhugot ng lakas.

g. Aktibong Partisipasyon- sa patuloy na pagunlad ng AMBUH bilang isang

asosasyon ay napagtanto ni Ate Meann ang pangangailangan ng aktibong

partisipasyon ng bawat isa. Ayon sa kanya “[sinabi] nga ni Pablo sa isang

berso sa Bible, ‘Huwag kayong tumigil sa takbuhin.’ Ang ibig sabihin lamang

nito na ang AMBUH ay dapat naming [ituring na parang isang] karera na

kapag nanalo ay mayroong ginto. Ang ginto na iyon ay magsisilbing mga

pangarap naming na gustong ma-[abot]. Kahit di man namin marating ang

finish line sa karerang ito, at least may mag-cocontinue sa sinimulan namin.”

33 | P a g e
h. Pagkukusa- ang mga ulat pang-pinansyal na ginangawa ni Ate Weng na

kanyang inilalagay sa labas ng kanyang tahanan para sa kaalaman ng lahat

ay magandang indikasyon ng kanyang pagkukusa na pagbutihin ang kanyang

trabaho bilang isang ingat yaman. Gayundin, ang pagiging bukas niya sa

komento at puna ng kayang kapwa opisyales patungkol sa kanyang trabaho o

sa mga polisiya at sistema na kanyang ipinatutupad ay nagsisilbing

pundasyon ng mabuting pagganap sa kanyang tungkulin. Sa isang pulong na

kanyang ipinatawag kasama ang mga opisyal, kanyang hiningi ang aktibong

partisipasyon ng mga ito para sa pagsasakatuparan ng Financial

Management System. Ayon sa kanya “Nais ko pong ipaalam sa inyo ang

polisiyang pang-pinansyal na nagawa ng komite. Kung mamarapatin ninyo

po, bibigyan ko kayo ng kopya isa-isa at kailangan ninyo po itong [basahin].

Ito po ay para rin po sa kapakanan nating lahat at ng [asosasyon].”

Si Ate Meann naman, na siyang pangulo ng AMBUH, ay patuloy na

nagpakita ng sigasig na pagsilbihan ang kanyang kapwa sa Bulacan Heights

sa pamamagitan ng kanyang maayos at tuwid na pamumuno, kasama ang

iba pang opisyales ng asosasyon. Ang pagkakaroon ng mga komite at

pagkabuo ng constitution and by laws ng AMBUH ay ilan sa malalaking

kontribusyon at pagkukusa ni Ate Meann na gampanan ng mabuti ang

kanyang mga tungkulin. Ang paniwala niya “Ang AMBUH ay dapat naming

[ituring na parang isang] karera na kapag nanalo ay mayroon kang ginto. Ang

ginto na iyon ay magsisilbing mga pangarap naming gustong ma-[abot].”

34 | P a g e
i. Pagkakaroon ng lakas ng Loob- sa mga unang pagpupulong ng mga komite,

naging kapansin-pansin ang pagiging tahimik at walang imik nila Kuya Gerry,

Ate Angel, at Ate Rissa. Madalas, sila ay nakikinig lamang sa mga opinyon ng

kanilang mga kasama. Ngunit ng lumaon, natutunan nilang ibahagi ang

kanilang mga ideya at magkomento sa mga bagay na sa tingin nila ay

mahalaga at makatutulong sila. Si Kuya Gerry, bilang miyembro ng Komite na

Pang-pinansyal ay masigasig na dumalo sa mga pagpupulong at pagsasanay

na ginawa. Isa din iya sa mga naging instrumento sa pagbuo ng mga sistema

at polisiya, kasama si Ate Weng. Si Ate Rissa na siyang tumayong kalihim ng

komite na Pang-pinansyal ay aktibong nakikilahok sa mga aktibidad at

mahigpit na ipinatutupad ang mga polisiya na nabuo nila. Si Ate Angel na

maituturing man na bago sa AMBUH, ay nagpakita ng sigasig na magbahagi

ng kanyang oras lalo na para sa ginanap na Summer Festival. Ang mga

opisyales na ito ang nagpatunay na ang pagkakaroon ng lakas ng loob ay

maaring makamptan at mapaunlad ng kahit na sinuman---oras at tiyaga

lamang ang kailangan.

j. Pagpaplano- naging kapansin-pansin na sa simula na AMBUH ay nawawalan

ng direksyon ang kanilang pagpupulong kapag may isang isyu na bigla

naidudulog ng simnuman sa opisyal. Dahil dito, humahaba ang pulong at di

natatapos ang lahat ng agenda na nakatalagang pagusapan sa mga araw na

iyon. Upang masolusyunan ito, ang mga magaaral ay tumulong sa pagaayos

ng template, forms, at guidelines na kasalukuyang ginagamit ng asosasyon

35 | P a g e
sa pagpapatakbo ng mga komite. Ito ang nagsilbing gabay nila upang

masiguro na napaguusapan ang mga importanteng bagay sa pulong at

nasosolusyunan ang anumang suliranin na ipinaabot sa kanila ng mga

miyembro. Nang matanong patungkol sa lebel ng pagunlad ng AMBUH bilang

isang organisasyon, ibinahagi at inahalintulad ito ni Ate Meann sa lebel ng

pagaaral sa paaralan “Kung dati Grade 1 pa lang kami ngayon ay nasa Grade

2 na kami, komento niya.”

B. Sistema at Polisiya

a. Financial Management System- matapos magdesisyon ang pamunuan na

subukan ang sistema na pang-pinansyal na binuo ng Finance Committee,

para sa ginanap na Summer Festival, mas nagkaroon ng linaw ang tungkulin

at responsibilidad ng bawat pinuno ng komite at mga kalihim na panatilihing

maayos ang proseso ng kani-kanilang komite lalo na sa aspetong pinansyal.

Ang mga komite ay nagsumite ng purchase request, na siyang binusisi ng

Finance at pangulo ng AMBUH para sa kawastuhan. Matapos ito, ay inihanda

ang purchase order na nagsilbing pinal na basehan ng asosasyon sa

paghingi ng liquidation report. Ayon kay Ate Meann “Ang sistema na ito ang

magsisilbing proteksyon at gabay ng asosasyon lalo na sa aspetong

pinansyal”. Ito ay pinangalawahan ni Ate Weng na binigyang diin ang

kahalagahan ng ulat sa pagpapanatili ng tiwala ng mga miyembro “Mas

maganda na mayroong ganito, para kung may tanong ang miyembro, may

ipapakita tayo sa kanila.”

36 | P a g e
Ang Financial Management System din ang kasalukuyang nagsisilbing

saligan ng lahat kung sakaling sila nalalabuan sa proseso ng paguulat ng

pinansyal na aspeto ng asosasyon di lamang sa lebel ng komite, kundi

maging sa pangkalahatan. Sa pulong na ipinatawag ng ingat yaman kasama

ang iba pang opisyales ng AMBUH, ay nagkaroon ng konsesus ang lahat na

kanilang pagtutuunan ng pansin ang pagsasakatuparan ng polisiyang ito para

sa ikabubuti at ikauunlad ng AMBUH.

b. Logistics Management System- pagkatapos na ilang pagpupulong at

pagsasanay, kinilala ng asosayon ang pangangailangan upang

mapamahalaan ng epektibo ang mga kagamitan at masiguro na mapapanatili

itong maayos. Nagdesisyon ang AMBUH sa pangunguna ng komite na pang-

pinansyal na bumuo ng sistema na inaasahang magiging gabay ng mga

mamamayan ng Bulacan Heights sa paggamit ng mga ito. Kaugnay din nito,

gumawa ng mga monitoring at request forms na siyang magagamit ng mga

miyembro at opisyales sa pagpapatupad ng nasabing sistema.

c. Secretarial Management- dahil kinilala ng asosasyon ang kahalagahan ng

maayos at malinaw na paggawa ng mga ulat at katitikan para masiguro na

magiging maayos at opisyal ang mga dokumento ng asosayon, gumawa ng

mga gabay na template ang komite para sa pagsasagawa ng mga

pagpupulong, paggawa ng proposal, paggawa ng opisyal na sulat, at agenda.

37 | P a g e
d. Komunikasyon- nabuo ang gabay na balangkas na ito matapos ang

pagpupulong ng mga opisyales kasama ang komite na Pang-pinansyal.

Kasama ang mag-aaral ay pinagusapan ang mga kadalasang nagiging

hamon sa pamumuno at pagmamahala ng AMBUH at mula doon ay tinukoy

ang mga tamang pamamaraan ng komunikasyon mula sa ibaba (miyembro)

patungo sa itaas (Block Lider at Oposyales) sa proseso ng pagpaplano na

pangkalahatan at pagtugon sa mga suliranin. Sa kabilang dako naman, ang

opisyales, lalo na ang mga komite, ang siyang napagkasunduang manguna

sa pagbuo at pagbalangkas ng mga detalye ng plano na ibababa sa mga lider

ng bawat bloke, at ang huli naman ang siyang inaasahang magpaparating

nito sa mga miyembro.

e. Roles and Responsibilities (committee system) - sa kabilang banda ay nakita

naman ni Ate Meann ang kahalagan ng pagkakaroon ng komite at ng

malinaw na deskripsyon ng mga tungkulin nito upang mas maging organisado

ang asosasyon. Ayon sa kanya, “dahil nagkaroon ng mga komite, mas madali

ng gumalaw o mas [naging] organized na [ang asosasyon]. Kung dati ako

lang sa lahat ang gumagalaw, ngayon ay marami ng pwedeng gumalaw.”

Ang opisyal na listahan ng mga tungkulin at reposibilidad ng bawat komite

ay bahagi ng kanilang constitution and by laws na magsisilbing saligan ng

AMBUH bilang isang asosasyon at magpapatibay sa pundasyon nito at

pagkilala ng ibat-ibang mga organisasyon. Sa kasalukuyan, ang CBL ay

38 | P a g e
napirmanhan na ng punong barangay ng Barangay Catacte at nasa kamay

na ng lokal na pamahalaan upang kilalaning opisyal.

f. Organizational structure- sa kabuuan, ang pagkabuo ng mga komite ay

nakatulong upang luminaw ang direksyon ng AMBUH bilang isang

asosasyon. Sa pamamagitan nito, mas naintindihan ng mga opisyales ang

kani-kanilang mga tungkulin at mas naunawaan ang kanilang koneksyon sa

isat-isa. Ayon kay Ate Meann “Kung dati nangangapa pa kami, ngayon ang

nagkakaroon na ng linaw. Kung dati Grade 1 pa lang kami ngayon ay nasa

Grade 2 na kami. Tumataas na ang lebel namin at paangat na nang

paangat.”

Sa pamamagitan din ng maayos na istraktura ng organisasyon ay

nagkaroon ng appreciation sa unti-unting pagunlad ng AMBUH at

pagkakaroon nito ng malinaw at maayos na direksyon.

g. Pilot-testing- upang masiguro ang tagumpay at mabawasan ang posibilidad

na magkamali sa pagpapatakbo/pagsasakatuparan ng anumang sistema,

programa, at polisiya, ay minabuti ng mga magaaral na ipasok ang konsepto

ng “pilot-testing’ sa mga opisyal ng AMBUH, lalong-lalo na sa komite na

pangkabuhayan. Isa ito sa mga bagay na natutunan ni Ate Carina bilang

negosyante. Kung dati, nakasanayan niya na basta-basta na lamang

magtinda, pagkatapos dumalo ng mga pagsasanay ay mas naunawaan niya

39 | P a g e
ang kahalagahan ng masusing pagaaral sa negosyo “Kailangan pala eh pag-

aralan ang mga ito bago mag-negosyo.”

Sa katunayan, ginamit ng komite na pang-kabuhayan ang pagkakataong

subukan ang kanilang mga natutunan at napagaralan sa nakaraang Summer

Festival ng AMBUH.

Gayundin, ang sistemang pang-pinansyal naman ay sinubukan din ng

komite ng pang-pinanasyal sa preparasyon para sa nakaraang aktibidad sa

kanilang lugar. Ang lahat ng komite ay nikiisa sa pagsubok kung epektibo nga

ba talaga ang sistema na nabuo—na magandang indikasyon nang

kahandaang matuto ng AMBUH bilang isang organisasyon.

C. Values

Ang pagsasanay na pinagdaanan ng mga opisyales ng AMBUH, kasama ang

mga miyembro ng komite na pang-kabuhayan, pang-pinansyal, at pang-

sekretaryal, ay di maitatangging nakaagpaunlad ng kanilang mga kapasidad, na

naging daan upang mabuo ang mga sistema, polisiya, pamamamaraan, at

programa na mayroon ngayon ang asosasyon. Ngunit bukod dito, mayroon pang

isa aspeto ng mga tao ang natuklasan, napunlad at mas napatibay---ang

kanilang mga positibong paniniwala at kaugalian gaya ng mga sumusunod:

a. Openness- ang pagiging bukas ng bawat isa sa mga bagong kaalaman at

karanasan ang isa sa mga prosesong naging daan upang maging malinaw

ang direksyon ng AMBUH bilang isang asosasyon. Ito ay naipakita noong

mga pagkakataon na binubuo ang bawat komite at binabago ang anyo nito

40 | P a g e
mula issue-based patungong program-based. Noong mga panahon na iyon,

naging kritikal ang pagkakaroon ng bukas na isip ng mga miyembro sapagkat

ang pagbabago ng anyo at pamamaraan ng organisasyon ay dalawang

bagay na mahirap gawin kung hindi bukas ang pangunawa ng mga tao sa

kahit anumang uri ng organisasyon.

b. Acceptance- ang bukas-palad na pagtanggap ng mga opisyales at miyembro

ng AMBUH sa mga magaaral at mga kaalaman at proseso na kanilang

ibinahagi ay nagpapatunay ng kanilang maturity at acceptance di lamang

bilang mga opisyales kundi bilang mga responsableng tao.

c. Transparency and Accountability- ang pagkilala sa pangangailangan ng

asosasyon na magkaroon ng mga sistema at polisiya na ang pangunahing

layunin ay ang pagkakaroon ng maayos, epektibo, at tapat na pamamahala

ay isang magandang indikasyon na ang AMBUH ay handang maging isang

responsable at mapagkakatiwalang asosasyon.

d. Participation- nagsimula ang AMBUH sa aktibong partisipasyon ng iilan

lamang, na karmihan ay mga opisyales ng asosasyon. Ngunit sa paglipas ng

panahon ay unti-unting nabuo ang tiwala ng mga mamamayan di lamang sa

mga opisyales kundi sa kani-kanilang mga sarili na may kaya silang gawin

para sa kanilang komunidad. Dahil dito, nabuo ang ibat-ibang komite na may

41 | P a g e
kanya-kanyang programa ngunit may iisang layunin---ang mapaunlad ang

Bulacan Heights at maging isang magandang halimbawa sa bansa.

e. Initiative- ang pagkukusa ng mga opisyales at miyembro ng Bulacan Heights

na ayusin ang kanilang lugar sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga

programa kagaya ng Damayan, kontribusyon sa pagpapagawa ng Humps, at

Summer Festival na may mga mabubuting layunin, ay maganda simula

patungo sa pangarap para sa lugar na maging isang maunlad na pamayanan.

f. Honesty- ang pagiging responsable ng mga opisyales ng AMBUH sa

paghawak at paguulat ng pinansyal na aspeto ng asosasyon, at gayundin ang

pagiging masigasig ng mga ito sa kani-kanilang tungkulin na walang

inaasahang kapalit, ay malinaw na pagpapakita ng tapat na panunungkulan

sa mga mamamayan ng Bulacan Heights.

g. Perseverance- iba’t-ibang lugar man ang pinanggalingan, bitbit ang

magkakaibang suliranin at hamon sa buhay, ang pagsusumikap na ipinakikita

ng mga tao sa Bulacan Heights upang mapaunlad ang kanilang buhay at

makapagbahagi para sa ikagaganda ng kanilang lugar ay malinaw na

batayan na ang mga tao ay handang magsumikap para paunlarin ang

kanilang buhay at komunidad.

h. Humility- maraming pagkakataon na nasasaktan ang mga opisyales at block

leaders sa mga komento ng ilang mga miyembro ng asosasyon, na may

42 | P a g e
kaugnayan sa pamamahala, sistema, o minsan sa mga personal na bagay

pa. Sa kabila nito, nananatili padin ang karamihan sa kanila na maging

mapagkumbaba at maunawain bilang pagpapakita ng respeto sa lahat ng

opinyon. Si Ate Angel, na kakatalaga lamang bilang isang block lider ay

nagbahagi ng kanyang karanasan, “Dahil bago ako, kung anu-anong batikos

ang dinadanas ko, kahit na tinutupad ko lamang ang aking tungkulin.”Ito ang

isang halimbawa ng isang lider, na sa kabila ng batikos na nararanasan ay di

padin sumusuko at nagpapatuloy padin sa kanyang mabuting gawain.

i. Selflessness- ang pangulo ng AMBUH ay isang magandang halimbawa ng

lider na buong pusong iniaalay ang kanyang sarili upang makapaglingkod sa

kapwa. Maraming pagkakataon na kinailangan niyang isakripisyo ang

pamamahinga sa bahay para lamang gampanan ang kanyang mga tungkulin.

Dahil dito, di maitatanggi na isa siya sa mga iginagalang na miyembro ng

komunidad sa Bulacan Heights. Ang respeto na ipinakikita ng mga tao sa

kanya ay isang indikasyon na tunay at malinis ang kanyang paglilingkod.

j. Malasakit ng isat-isa sa kahalagahan ng pamilya bilang sentro ng

Pagpapaunlad ng Komunidad- Ang pagkakaroon ng malasakit sa isat-isa ng

mga tao hindi lamang sa kapamilya kundi maging sa lahat ay isang

mahalagang kultura nagiging pundasyon nang pagunlad sa Bulacan Heights.

Ito din ay nakatutulong sa proseso ng pagpapatibay ng relasyon di lamang sa

konteksto ng isang pamilya kundi ng isang komunidad sa kabuuan.

43 | P a g e
Ayon sa obserbasyon at karanasan ni Ate Meann, ang kanyang

ginagawang pamamasada kung minsan ay malaki ang naging tulong di lang

sa kanyang pamilya kundi pati narin sa mga kapit bahay niya. “Kumbaga may

mga estudyante [din sa aming lugar] na kahit papaano ay natutulungan ko,

lalo na ang kanilang mga magulang na kadalasan ay buwanan din ang kita,

kaya naman hindi nakakabayad agad. Pero dahil sa malasakit, tutulungan mo

parin para makapag-aral sila.

Dahil sa pagkakaroon ng malasakit sa kanyang kapwa, di lamang

kanyang pamilya natutulungan kundi pati ang iba pa. Dito din luminaw, na

ang konsepto ng malasakit sa isat-isa ay naguugat din sa pagkakaroon ng

pangarap na mapaunlad ang buhay ng iba. Ang pagpapahalaga na ipinakikita

ni Ate Meann, sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong pang-

transportasyon sa kanilang bloke ay pagpapakita nang pagpapahalaga sa

kinabukasan ng kapwa—at ito ay magandang panimula sa pagpapaunlad ng

isang komunidad.

D. Plans

Kaakibat ng mga magagandang simulain ng AMBUH ay ang mga plano na ang

pangunahing layunin ay mas mapaunlad pa ang sistema, polisiya, at programa

na ipinatutupad ng asosasyon.

a. Livelihood (3 business models)- pagkatapos dumaan sa mga pagsasanay ng

mga miyembro ng komite ng pang-kabuhayan sa pamamaraan ng

pagnenegosyo, brainstorming at business scoping, enterprise development,

44 | P a g e
feasibility study, at pagsu-survey, ay kanilang napagdesisyunan ang tatlong

business models na pinagpapalanuhan nilang isakatuparan. Ito ay ang mga

sumusunod:

 Catering Service- napansin ng mga miyembro ng komite ng pang-

kabuhayan na nagiging madalas ang pagkakaroon ng mga selebrasyon

sa komunidad at kadalasan ay sa labas pa nanggagaling ang

tagapaghanda. Dahil dito, napagisipan nila ang pagbuo ng grupo na

maaring magluto tuwing may selebrasyon, gamit ang mga

kagamitan/materyales na mayroon sila sa kani-kanilang bahay bilang

panimula. Isa din sa naging dahilan ng plano nilang ito ay ang abilidad at

kakayanan ng kanilang mga kasama na magluto ng pagkain. Karamihan

sa kanila ay may karanasan sa pagluluto at pagpapatakbo ng karinderya o

food house. Dahil dito, napagtibay ang kanilang plano patungkol sa

catering service.

 Canteen- kaugnay naman sa itinatayong eskwelahan sa loob ng Bulacan

Heights, napagtanto ng mga miyembro na maari itong maging magandang

oportunidad para sa asosasyon upang kumita. Nais nila sa hinaharap ay

patakbuhin ang kantina sa loob ng paaralan. Sa pamamagitan din nito, ay

masisiguro nila na ang mga pagkain na ihahanda at ibebenta, na maaring

kainin ng kanilang anak ay masustansya at nakabubusog.

 Business Center- sa kasalukuyan ay mayroong tiangge sa loob ng

Bulacan Heights tuwing araw ng Sabado hanggang ika-12 ng tanghali.

Ang pamamahala ng tiangge na ito ay ipinamana lamang sa asosasyon,


45 | P a g e
kaya naman hindi pa gaanong naayos ang sistema. Kaugnay nito,

napagisipan ng mga miyembro ng komite na kunin itong magandang

oportunidad para sa kanila na magpatupad ng sistema at polisiya sa

tiangge bilang paghahanda sa planong gawin itong isang business center

kung saan, lahat ng maaaring kailanganin ng komunidad ay mabili na

doon.

b. Finance (Finalization of Systems and Policies)- matapos dumaan sa pilot-

testing ng mga polisiya at sistemang pang-pinansyal na nabuo sa

pamamagitan ng pagsasanay, ay nakatakdang magkaroon ng assessment

ang komite upang pagusapan ang mga bagay na dapat linangin sa mga ito.

Pagkatapos nitong maayos ay ipapatupad na ang mga polisiya at sistema sa

buong asosasyon. Nilalayon nitong magabayan ang opisyales at miyembro

sa pagpapanatili ng tapat, epektibo, at maayos na asosasyon sa aspetong

pinansyal.

c. Secretarial (Documentation)- ang pagkakaroon ng mga template para sa

sulat, proposal, katitikan, at agenda ang siyang nagsisilbing gabay ng

asosasyon sa tamang pagtatala at paggawa ng ulat ng AMBUH tuwing may

pagpupulong. Ang agenda naman ang inaasahan na siyang gagamitin sa

gaganaping general assembly ng asosayon sa hinaharap.

46 | P a g e
IKALIMANG BAHAGI

BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

I. Buod

Ang apat ng buwan na proseso nang pakikipag-usap, pakikisalamuha at

pagaaral sa Bulacan Heights Relocation Site, ay nagbigay ng pagkakataon para sa mga

magaaral na matutunan ang proseso ng pagpapaunlad ng pamayanan sa pananaw at

sariling pamamaraan ng mga tao sa lugar. Ito ay nagsilbing pandayan ng mga bitbit

nilang pangunawa, kaalaman, at karanasan patungkol sa nabanggit na proseso.

Ang proseso ng huntahan na naranasan ng mga magaaral, kasama ang mga tao

ay naging daan upang mas lalo nilang maunawaan ang buhay ng mga tao sa Bulacan

Heights, ang kanilang mga pinagdadaanan, at gayundin ang mga pangarap na

nagsisilbing ilaw nila sa kadiliman ng kahirapan na kanilang dinadanas bilang bahagi ng

laylayan ng lipunan. Ito din ay nagbukas ng kanilang kamalayan na ang lahing Pilipino

ay sadyang maabilidad at malikhain--- na kahit anumang hirap ng buhay, gaano man

kalalim ang bangin na kinalalagyan sa lipunang ito ay makakagawa at makahahanap

parin ng paraan upang maibsan ang hirap na dinadanas nila.

Ang lahat ay nagsimula sa pagkilala ng mga magaaral sa katotohanan na ang

bawat tao ay may karapatan na pinanghahawakan at kulturang kinalakihan. Ang mga

karapatan at kulturang ito ang nagsisilbing pundasyon ng bawat sambahayan na

nakatapak sa lupa ng Bulacan Heights pagkatapos silang mailipat dito. Ang kanilang

karapatan ang siyang nagbibigay ng kapangyarihang sa kanila na dumulog sa

kinauukulan upang siguruhin na ang kanilang pangangailangan ay matutugunan. Ang

kanilang bitbit naman na kultura ang nagsisilbing saligan nila sa proseso nang

47 | P a g e
pakikisalamuha sa kapwa at pagtindig sa mga hamon ng buhay---ang isang kalikasan

sa ugali ng mga Pilipino.

Ang pagkakataon upang makisalamuha at makipamuhay sa mga tao ay

nagbukas ng oportunidad ng mga magaaral upang damhin at paglimian ang proseso ng

kahirapan, at ang ibat-ibang mukha nito ayon sa pagtingin at karanasan ng mga tao sa

komunidad. Dito din nabigyang linaw, na ang kahirapan ay salamin di lamang ng

pangkalahatang kondisyon ng pamayanan sa aspetong ekonomika, bagkus, ito din ay

sumasalamin sa indibidwal at personal na istorya ng mga tao, at sa kung papaano nila

pinagsusumikapang hanapin at intindihin ang kanilang kaugnayan sa kalagayan ng

kanilang kapwa tao at ng pamayanan sa pangkalahatan.

Sa konteksto naman nang pagaaral, ang mga teorya na natutunan at bitbit ng

mga magaaral patungkol sa proseso ng pagpapaunlad ng pamayanan, ay mas

napatibay ng aktwal na karanasan sa Bulacan Heights. Ang konsepto ng “Mula sa Tao,

Para sa Tao” ay makatotohanang nailapat sa kabuuang proseso ng pagoorganisa ng

komunidad, na lalong nagpatingkad nang ipinamamalas na kahandaan at katatagan ng

mga opisyales at lider ng Bulacan Heights. Gayundin, sa pangkabuuang aspeto, ang

makabagong balangkas at perspektibo sa pagoorganisa ng komunidad patungo sa

pagkakaroon ng sariling pamahalaan, ay di maikakailang naging tuntungan ng buong

proseso at ng karanasang ito. Naitanim ng maayos ang punla sa puso at isip ng mga

tao, kaya naman naging matibay itong sangkalan sa pagsasagawa ng pagsasanay sa

mga miyembro ng komunidad, lalo na sa mga naitalagang opisyales.

Ang pagtatapos ng semestre na ito ay naging hudyat ng bago at mas malinaw na

simula para sa lahat. Ang pagbabagong naganap sa anyo ng mga komite mula “issue-

48 | P a g e
based” patungong “program-based” ay nagbukas ng pinto sa asosasyon upang

mapalawak ang kanilang mga gawain tungo sa mas ikagaganda at ikauunlad ng

kanilang lugar. Ito din ang nagsilbing daan upang mas lalong malinawan ang bawat isa

sa kani-kanilang mga responsibilidad bilang miyembro ng mga komite, at ng asosasyon

sa pangkalahatan. Sa tulong din nito, mas napatatag ang puso at nagsisilbing

pundasyon ng asosayon---ang tao o bawat miyembro nito.

II. Konklusyon

Ang integrasyon sa kabuuan ay nagpatunay na ang proseso ng pagpapaunlad ng

komunidad ay isang abilidad na nakaukit sa isip ng tao na nagbibigay ng matalinong

pamamaraan at proseso; puso na handang makiramdam sa pangangailangan ng iba; at

kaluluwa na nagsisilbing konsensya upang magtulungan. Ang pagaaral na ito sa

pamamagitan ng pakikisalamuha sa mga tao sa laylayan ng lipunan ay nakapagbukas

ng kamalayan ng mga magaaral upang makabuo ng mga sumusunod na konklusyon:

E. Magsimula sa pagkilala ng Karapatan ng Tao- ang gabay at konsepto na

community organizing for community governance ay dapat kumilala at tumuntong

sa karapatan ng mga tao. Ito ay sa kadahilanang ang tao ang siyang bubuo sa

proseso na ito, yayakap sa pagsasakatuparan, at sisiguro na magkakaroon ng

tapat, epektibo, at maayos na pamahalaan sa kanilang lugar. Ang ipinamalas ng

mga mamamayan, lalo na ang mga opisyales ng AMBUH na palawakin ang

kamalayan sa realidad ng buhay at paunlarin ang kapasidad na mayroon sila, ay

konkretong halimbawa na ang pinagugatan ay ang tanong tungkol sa kanilang

karapatan: (1) sino?; (2) paano?; (3) saan?; at (4) kalian?. Ang mahaba at

49 | P a g e
mabungang pagpapanday sa kapasidad ng mga tao ay nagdulot ng magandang

resulta di lamang dahil napalakas ang kanilang kapasidad o dahil sa maayos na

pagoorganisa, bagkus, kasama din dito ang pagkilala na mayroon silang

karapatan na dapat igalang at dapat matugunan di lamang ng pamahalaan na

sumasakop sa kanila, kundi lalo’t higit ang pamahalaan na madalas malimutan at

di pinapansin. Ang pamahalaan na mayroon sila sa komunidad---at ito ay sila

mismo.

F. Ang pagkakaiba sa paraan ng Pamumuno ay isang Oportunidad- ang

pagkakaiba-iba sa paraan ng pamumuno ng mga opisyales ng Bulacan Heights

ay hindi naging hadlang upang makapagpunla sila ng binhi ng isang matatag na

asosasyon. Ang pagkakaibang ito ay higit na nakatulong upang maging sensitibo

at bukas ang bawat isa sa mungkahi at ideya na maaaring bago man sa kanila,

ay makatutulong sa pagpapaunlad ng AMBUH. Ito din ay nakatulong sa aspeto

na may kinalaman sa komunikasyon.

Sa simula ay nagkaroon ng di pagkakaintindihan sa pagitan ng mga

opisyales dahil sa pagkakaiba ng personalidad at paraan ng pamumuno. Ngunit

nang matutunan nilang kilalanin at maging bukas sa mga pagkakaibang ito, unti-

unting nawala ang tensiyon at mas naging malaya ang kanilang usapan.

G. Pagkatuto sa pamamagitan ng Karanasan- karamihan man sa mga natututunan

ng tao ay kadalasang nagmumula sa paaralan o pormal na institusyon, di pa din

maitatanggi na ang karanasan ang siyang tanging makapagbibigay ng mas

50 | P a g e
malalim at matatag na pundasyon sa pagkatuto. Ang proseso nang

pagbabahaginan ng kanya-kanyang karanasan ng mga miyembro ng AMBUH sa

bawat isa ay di lamang nakapagpatibay ng kanilang relasyon kundi ng kanilang

kaalaman.

Ito ay nakita ng mga magaaral sa komite na pangkabuhayan. Gamit ang

mayabong na karanasa ng ilang miyembro sa pagnenegosyo kagaya ni Ate

Carina, nagkaroon ng pagkakataon ang iba na matuto mula sa kanya at sa

malawak niyang karanasan sa pamamagitan ng pagbabahaginan.

Sa kabilang dako naman, ang pakikibahagi ng mga komite na pang-

pinansyal, pang-kabukayan, at pang-sekretaryal sa nakaraang Summer Festival

ay nagdulot ng magandang karanasan sa kanila. Ang sistemang pang-pinansyal

na ipinatupad ng komite ay nasubukan, naunawaan at nabusisi di lamang ng

mga miyembro ng nasabing komite, kundi lahat ng opisyales. Ang komite naman

ng Pang-kabuhayan ay sinubukan ang kanilang mga natutunan na stratehiya at

proseso sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga pagkain sa

loob ng dalawang araw. Gayundin, ang Komite na Pagka-kalihim na nakabuo

naman ng mga gabay sa paggawa ng katitikan at agenda para sa pagpupulong

ay aktibong nakiisa sa pagbibigay ng adminitratibong suporta sa naganap na

aktibidad na pinangaunahan ng AMBUH.

Ilan ito sa mga bagay na nagpapatunay na ang karanasan ang siyang laong

mas magpapalalim at magpapaunlad sa kaalaman ng tao na maaring mang

natututunan sa loob ng paaralan ay kailangan paring maranasan upang mahasa

ang kapasidad na taglay ng bawat tao.

51 | P a g e
H. Ang mga Lider ay dapat matutong Maglimi- ang paglimian ang sariling salita,

obserbasyon, kaalaman, at ideya ay isang proseso na dapat matutunan ng mga

lider, lalo na sa komunidad. Ang pagiging bukas ng mga lider sa Bulacan Heights

na paglimian ang mga bagay-bagay ay naging dahilan upang magkaroon ng

bukas na usapan ang asosasyon. Sa pamamagitan nito ay natutunan nilang

balansihin ang pagkakaiba ng personalidad at paniniwala nila na nagpakita ng

paggalang sa pananaw ng bawat isa.

Kung ang oras ng paglilimi ay matutunan ng bawat lider sa anumang uri

ng organisasyon, maiiwasan ang di pagkakaunawaan at mas titibay ang

samahan ng mga miyembro at lider sa pangkabuuan. Isang magandang

halimbawa nito ay si Ate Meann, ang pangulo ng AMBUH. Dahil sa pagiging

bukas ng kanyang ispan at puso sa ideya, kaalaman, o puna ng mga miyembro

at kapwa opisyales, mas natutunan niyang maging mahinahon at matatag lalo na

sa mga oras na hinihingi ng pagkakataon. Sa pamamagitan din nito, mas

nagkakaroon siya ng malalim at matatag na ugnayan sa lahat sapagkat

natutunan niyang ipaliwanag ang mga bagay-bagay sa pamamaraan na

malinaw, maayos, at magalang.

Ang magandang resulta nito ay mababatid sa paraan nang pakikitungo ng

mga miyembro at kapwa opisyales kay Ate Meann. Ang paggalang at respeto na

kadalasang hihihiling ng mga lider sa kanilang nasasakupan ay di

maipagkakailang ibinibigay ng mga miyembro ng AMBU sa kanya. Ito ay isang

pagpapatunay na ang lider na marunong gumalang ay tunay na iginagalang.

52 | P a g e
I. Ang maayos na Komunikasyon ay kritikal sa Organisasyon- ang maayos na

balangkas ng komunikasyon ay nakakatulong upang mapatibay ang puso ng

organisasyon---ang tao. Sa pamamagitan din nito ay maagap na

nasosolusyunan ang mga isyu at suliranin, at nagkakaroon ng konkretong plano

ang organisasyon patungkol sa direksyon at stratehiya nito

Hindi maikakaila na sa simula ng AMBUH ay nagkaroon nang di

pagkakaunawaan sa pagitan ng mismong pamunuan ng asosasyon, na minsang

naging personal. Ngunit nang matutunan nilang tanggapin ang pagkakaiba-iba at

pagkakapantay-pantay ng lahat, ay naging bukas ang komunikasyon ng grupo at

naiwasan ang di pagkakaunawaan. Sa pagbabalangkas din ng mga linya ng

komunikasyon, ay naging epektibo ang pagsasagawa ng pulong sapagkat

nabibigyan na ng tama at sapat na oras ang lahat ng dapat pagusapan, at

gayundin ay nabibigyan ng pagkakataon ang lahat na ibahagi ang kanilang ideya

at mungkahi.

J. Ang ‘Political will’ ay mahalaga sa Pagoorganisa ng Komunidad- ang pagiging

bukas ng lokal na pamahalaan ng Bustos ay nakatulong sa pagoorganisa ng

komunidad, at pagpapalakas sa kanilang kapasidad. Ito din ay naging daan

upang mas maging mabilis ang pagkabuo ng asosasyon sa Bulacan Heights,

ang AMBUH. Ang sabay na interes ng dalawang panig, ng mga tao na siyang

may hawak ng karapatan, at ang lokal ng pamahalaan na siyang may tungkulin

53 | P a g e
na tugunan ang mga karapatang ito, ay nagsilbing matibay na pundasyon ng

asosasyon.

Hindi din maikakaila na sa tulong nito ay mas lumakas ang loob ng mga tao

at mas nagkaroon sila ng tiwala sa sarili dahil nararamdaman nila na ang ama ng

kanilang bayan ay nakasuporta sa mga magaganda nilang simulain.

K. Ang Pagsasanay ay di lamang dapat tumugon sa abilidad, kundi sa interes at

karanasan din ng Tao- kadalasan, ang tinutumbok ng mga pagsasanay ay ang

pagpapaunlad lamang ng abilidad ng mga tao, at hindi nabibigyan ng tamang

pansin ang kanilang interes at karanasan na siyang nagpapalalim sa proseso ng

pagsasanay. Kaugnay nito, naaapektuhan ang kalidad ng partisipasyon ng mga

miyembro, na karaniwan ay nagiging dahilan nang di tuluyang pagdalo ng mga

ito sa pulong/pagsasanay. Sa karanasan ng mga magaaral sa AMBUH, nabigyan

ng pagkakataon ang mga lider ng bloke na mamili ng komite na nais nilang

lahukan ayon sa kanilang interes at karanasan. Dahil dito, kapansin-pansin ang

pagdalo ng karamihan sa kanila sa regular na pagpupulong lalo na ang komite

ng pang-kabuhayan. May mga pagkakataon man na may ilang miyembro na

dumalas ang pagliban sa pulong dahil sa mga personal na dahilan, ito ay

inagapan sa pamamagitan nang pagdalaw sa kani-kanilang mga tahanan.

L. Ang Pagkakaroon ng “Informal Systems” ay nagsisilbing pundasyon ng isang

Organisasyon- bago mabago ang anyo ng komite sa pagiging program-based,

may nakasanayan nang mga sistema ang AMBUH patungkol sa pamamahala ng

54 | P a g e
asosasyon gaya ng Damayan, logbook system, at pangkalahatang pulong ng

mga opisyales. Ang mga impormal na sistemang ito ang nagsilbing pundasyon

ng asosasyon sa pagsisimula nito, at nagsilbi ding daan sa pagpapaunlad ng

mga polisiya, sistema, at pamamaraan.

Isang konkretong halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng “program-

based” na komite na nagsimula mula “issue-based. Ang sariling proseso at

pamamaraan ng mga tao sa Bulacan Heights kung paano pinaguusapan ang

mga isyu at suliranin sa pagpapaunlad ng komunidad ay nagdulot ng tatalong

magandang bunga:

 Nagkaroon ng kasanayan ang mga opisyal na ibahagi ang kanilang

sariling pananaw sa mga isyu na may kinalaman sa komunidad.

 Nagkaroon ng bukas at malinaw na komunikasyon sa pagitan ng

miyembro at opisyales ng asosasyon.

 Gayundin, nagbukas ito ng pagkakataon para sa AMBUH upang

magsagawa ng mga konkretong proyekto na direktang nakatutulong sa

mga tao gaya ng pagpapagamit ng bangko/lamesa/tent tuwing may

okasyon o aktibidad sa komunidad.

M. Ang pagkakaroon akbidad ay isang pamamaraan sa pagpapatibay ng

Organisasyon- karaniwang ginagawa ang aktibidad na ang pangunahing layunin

ay may kaugnayan lamang sa fund raising, kampanya at adbokasiya, libangan, o

pagpapataas ng kamalayan ng mga tao. Ngunit kung pagtutuunan ng pansin,

55 | P a g e
may naidudulot din itong maganda sa aspeto ng pagbubuklod ng mga tao at

pagpapatibay sa relasyon nila sa isat-isa bilang kabahagi ng asosasyon.

Ito ang isa sa mga mahahalagang konklusyon na nakita ng mga magaaral

sa AMBUH. Ang mga aktibidad na kanilang ginawa ng sama-sama ay di lamang

nakapaghasa sa kanilang kakayanang manguna sa pagsasagawa ng aktibidad,

bagkus, naging paraan din ito sa mas malalim na pagkakakilanlan ng mga

opisyales sa isat-isa at ng mismong organisasyon sa mga miyembro nito.

III. Rekomendasyon

Ang mga sumusunod na rekomendayon ay bahagi ng mabusisi at malalim na paglilimi

ng mga magaaral patungkol sa kanilang karanasan, obserbasyon, at mga kaalamang

natutunan sa apat na buwang integrasyon sa proseso ng pakikipag-usap,

pakikisalamuha at pagaaral sa Bulacan Heights:

1. Matapos makagbigay ng mga pagsasanay sa pagnenegosyo, pamumuno,

paggawa ng sistemang pinansyal, pagggawa ng pagaaral, paguulat, at

pagpoproseso ng pagpupulong, nabatid ng mga magaaral na may ilang teknikal

na kasanayan pa ang dapat pagtuunan ng pansin upang maipatupad ng maayos

ang mga sistema/polisiya na nabuo at gayundin ay mas maging handa at

epektibo ang AMBUH bilang isang asosasyon.

A. Book keeping- sa kasalukuyan ay may nabuong sistema at paraan nang

paguulat ang komite na pang-pinansyal ng AMBUH, ngunit batid padin ang

kakulangan sa karanasan at teknikal na abilidad ang mga miyembro ng

nasabing komite. Kaugnay nito, ipinapayo padin ang patuloy na

56 | P a g e
pagsasagawa ng pagsasanay lalo na sa bookkeeping upang mas lalong

maging maayos at sistematiko ang ulat na pinansyal ng asosasyon.

B. Business Plan Writing- ang mga teknikal na proseso at pamamaraan na

natutunan ng mga miyembro ng komite ng pangkabuhayan tulad ng

brainstorming, business scoping, enterprise development, business planning,

pilot-testing, at basic of feasibility study ay magandang panimula at

pundasyon upang matutunan ng mga tao ang paggawa ng business plan.

Kung matututukan ang mga tao sa paggawa nito, mas magiging madali para

sa kanila ang magpatakbo ng kanilang negosyo, o makahingi ng suporta sa

ibat-ibang organisasyon na maaring makatulong.

C. Events Management- magandang simula ang pagiging matagumpay ng mga

aktibidad na pinangunahan ng AMBUH sa mga nakaraang buwan, ngunit di

maikakaila na may ilan pa ring aspeto na dapat linangin gaya ng

pagpapaplano, koordinasyon, at komunikasyon, na kritikal sa paghawak ng

aktibidad. Dahil dito, ipinapayo na mabigyan ng pagsasanay ang ilang mga

interesadong miyembro ng AMBUH upang mas maintindihan nila ang

mahahalagang aspeto ng event management. Kung sakaling magkakaroon

ng event managers ang AMBUH, mas madadagdagan ang mga tao na kikilos

at mababawasan ang responsibilidad ng mga opisyales na kadalasang

tumututok sa aktibidad. Gayunpaman, inaasahan padin na ang lahat ng

miyembro ay makiisa sa pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga aktibidad

57 | P a g e
sa hinaharap. Ang tungkulin ng mga taong dadalo sa pagsasanay ay

manguna at tumutok sa detalye ng mga aktibidad at hikayatin ang aktibong

pakikiisa ng mga mamamayan sa Bulacan Heights.

D. Strategic Planning- upang mailatag ng maayos ang kabuuang direksyon na

pinapangarap ng mga miyembro ng AMBUH, kailangan nila ng pagsasanay

sa pagpaplano kung paano ito maisasatatuparan, at kung papaano

maipagpapatuloy ang magagandang simulain ng asosasyon sa hinaharap.

Sa kasalukuyan din, hindi masyado nagagawa ng maayos ang

konsultayon sa lahat ng miyembro dahil sa kakulangan ng lugar at resources.

Kaugnay nito, ang pagkakaroon ng teknikal na kaalaman sa proseso ng

pagpaplano ay makatutulong sa limitasyon na nabanggit, upang magkaroon

ng pang-kabuuang plano ang AMBUH.

E. Audit- ang kahalagahan ng pag-aaudit ay dapat maisama sa pangkabuuang

proseso ng AMBUH bilang isang asosasyon. Ngunit dahil sa limitasyon sa

kaalaman at abilidad ng mga taong mayroong tungkulin sa prosesong

nabanggit, hindi ito naisasakatuparan ng maayos. Kaugnay nito,

iminumungkahi na magsagawa ng pagsasanay patungkol sa kahalagahan ng

audit process at ang ibat-ibang pamamaraan sa pagsasagawa nito. Ito ay

upang mahikayat ang mga opisyales na mas maging responsable sa kanilang

mga tungkulin at mas mapatibay ang tiwala ng mga miyembro sa asosasyon.

58 | P a g e
F. Conflict Management- di maiiwasan ang mga pagkakataon na magkakaroon

ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tao sa Bulacan Heights, dahil

narin sa pagkakaiba-iba ng ugali, kultura, at pananaw sa buhay. Dahil dito,

mahalaga na maging handa ang mga opisyales na pamahalaan ng maayos

ang ganitong klaseng sitwasyon upang maiwasan ang gulo at mapanatili ang

kaayusan sa Bulacan Heights.

Ngunit kaakibat nito ang teknikal na kaalaman at kasanayan sa tamang

pagpoproseso ng ganitong klase ng sitwasyon. Dahil dito, ipinapayo na

magkaroon ng pagsasanay sa conflict management upang maihanda ang

asosasyon sa mga sitwasyon na di inaasahan.

2. Teambuilding- upang mas mapatibay ang samahan ng pamunuan sa isat-isa at

mas lalong lumalim ang kanilang samahan, ay ipinapayo na magsagawa ng

regular na teambuilding ang asosasyon. Gayundin, ipinapayo na ang bawat

bloke ay magkaroon ng regular na paguusap at maikling aktibidad upang mas

makilala ng mga tao ang lider ng kani-kanilang bloke at mas lumalim ang

kanilang relasyon bilang mga miyembro ng komunidad. Sa pamamagitan nito, di

lamang mapapaunlad ang relasyon sa isat-isa, kundi mas titibay din ang

pundasyon ng organisasyon at mas magiging bukas ang komunikasyon ng

AMBUH.

3. Fieldtrip/Exposure Visit- upang lumawak ang karanasan at pangunawa ng

opisyales at lider ng asosasyon, ipinapayo din na magkaroon ng regular na

59 | P a g e
paglabas o pagdalaw sa ibat-ibang komunidad na may magandang kwento o

karanasan na maaring matutunan ng asosasyon. Ito rin ay magiging daan upang

maibahagi din ng AMBUH ang magagandang kaugalian o practices na mayroon

ang asosasyon o mga miyembro ng komunidad.

4. Registration- sa kasalukuyan ay napirmahan na ng kapitan ng Barangay Catacte

ang Constitution and By Laws ng AMBUH bilang isang asosasyon, at ang kopya

nito ay nasa kamay na ng lokal na pamahalaan ng Bustos upang kilalaning

opisyal ng konseho. Ang pinakamahalagang bagay na dapat tutukan dito ay ang

pagsisiguro na opisyal na makilala ng konseho ang AMBUH upang maipagpatuloy

nito ang mga magagandang simulain at opisyal na magawa nito ang tungkulin na

pamahalaan ang Bulacan Heights, patungo sa pangarap na maging isang barangay.

5. Recreational Activities- ang pagkakaroon ng mga aktibidad (maliit man o malaki) sa

Bulacan Heights ay makatutulong sa pagpapatibay sa relasyon ng mga

mamamayan at makakahikayat sa kanila na aktibong makilahok sa mga programa

ng asosasyon. Ito din ay maaring makapagpapaunlad sa abilidad ng mga opisyal ng

AMBUH.

60 | P a g e
APPENDICES

Initial Meeting with Livelihood Committee Members

February 28, 2015/ Block 8 Lot 23, Bulacan Heights, Barangay Catacte

Municipality of Bustos, Province of Bulacan

TRANSCRIPTION

Norby: So, magandang hapon po. Siguro po, bago tayo magsimula, tayo muna pong

manalangin (Ate Mean led the prayer): Panginoon, nawa’y gabayan ninyo po sa aming

Gawain ngayong hapon

Norby: Salamat po. Siguro po’y magkaroon po muna tayo ng pagpapakilanlan.

Banggitin lang po ang pangalan, saang bloke po tayo at ang ginagawa po natin na may

kinalaman sa kabuhayan.

(Nagpapakilala isa’t isa)

Ate Carina: Ako po si Carina Bobiles, nakatira po sa Blk 41 Lot 17. Marami po akong

alam na lutuing meryenda. Kaya ako’y nagtitinda ng mga kakanin, kwek-kwek at mani

kaya halos 26 taon na akong nagtitinda.

Ate Julieta: Ako po si Julieta Etac, taga Blk 22 Lot 22. Bali po nag.rerepack ako ngaun

ng chicharon pero dati sa Poblacion, nagtitinda ako ng fishball, shake. Kasu dahil sa

sulok ung bahay kaya nag.rerepack na muna.

Ate Emma: Ako naman po si Emma Borja, Blk 34 Lot 3. Gumagawa po ako ng turon at

banana cue at pinapatinda sa Mama ko.

61 | P a g e
Ate Maura: Ako si Maura Tuazon nakatira sa Blk 9 Lot 1. May Sari-Sari Store ako para

extra income.

Ate Meann: Ako si Mary Ann Juanillo. Blk 11 Lot 8. Nag-seserbis po ako sa estudyante

ngayon gamit ang trysikel naming pero dati nagluluto po ako ng mga ulam at kakanin.

(Norby and the rest nagpapakilala na rin)

Norby: Maraming salamat po. So, lahat po tayo na nasa unit na to ay may mga

experience na sa pagnenegosyo like si Ate Maura sa Sari-Sari Store, ung iba ng

nagtitinda ng mga kakanin at nilalako, si Ate Meann, nasa transport sector. Bale may

tatlo na tayong business models na-identify. Transport, Mobile inspired at sari-sari

store.

(Norby showed picture: Desert): Ano po ung unang pumasok sa ating mga isipan pag

nakikita po ang picture na ito?

Ate Meann: Para siyang nasa lugar ng disyerto. Mineral water sa negosyo.

Ate Maura: Mahirap ang transportasyon kasi malayong lugar.

Ate Meann: Camel lng pwede jan.

(Norby showed pictures: Bulacan Heights): Noong unag punta po natin sa Bulacan

Heights, ano po ung unang pumasok sa isip nu?

Ate Meann: Napakalayo. Mahirap ang transportasyon.

Ate Carina: Ay, napakainit para kang nasa disyerto. Masakit sa balat ang init.

62 | P a g e
Ate Julieta: Mahirap. Malayo sa school.

Norby: So mahirap, lahat nag-uugat sa salitang mahirap at ito agad pumasok sa isipan

natin pag nakikita ang picture ng Bulacan Heights.

(Norby showed pictures: Jelly Fish): Eto naman po. (di pa kilala) Jelly Fish po. Dikya.

Ate Carina: Naku, Makati yan. Maaring ikamatay mo.

Lahat: Oo nga.

Norby: So ganun din po sa pagnenegosyo na sa unang tingin po natin ay maganda.

Promising o may ipapangakong magandang buhay, magandang kinabukasan pero

kung titingnan natin ang detalye baka nabubulagan lang tayo sa ganda pero kung

titingnan ang negosyo maaring maging mitsa po ito ng pagbagsak ng ating

organisasyon. So iyon po ang una bagay na dapat nating matutunan bago

magnegosyo. Dapat nating siguraduhin, kilalanin ang negosyong ating papasukin.

Lahat: Dapat lang.

(Norby showed pictures: Flowers – Tulips): Ano naman po ung nakikita natin?

Lahat: Mga bulaklak.

Norby: Kayo po iyan. Bakit natin masasabi na kayo iyan? Naiintindihan po natin na may

kanya-kanya tayong negosyo pero dapat po nating isaisip na tayo ay nasa iisang

kumunidad na kung sabay-sabay mamumulaklak, sabay sabay din tayo mamumunga.

Di po mas maganda iyon? Kesa isa lang ung mamumukadkad. So dahil isa po tayong

kumunidad dapat po tayo ay sabay at sama.sama.


63 | P a g e
(Norby showed pictures: Big and Nice House (Seaside): Eh eto po? Ano pong

masasabi nu dito?

Ate Meann: Para syang bahay sa tabi ng dagat.:

Ate Maura: Palasyo.

Norby: Bahay napapaligiran ng anyo ng tubig/dagat, na di natin masukat kung kagaano

kalalim. Parang buhay din natin dito sa relocation site. Kunyari napapaligiran tayo ng

dagat at di natin alam kung kaagano kalalim. So ano po ang dapat nating gawin? Tingin

nu po?

Ate Meann: Sukatin. Sukatin natin ng sama-sama.

Norby: Tama. So ngayon po, may mga katanungan ako bago tayo mag.proceed? Una

po, dahil may mga negosyo na tayo ngayon, sa paanong paraan nu po nakikita ang

mga negosyo bilang paraan sa pag.ahon sa hirap? Tingin nu po ung negosyo nu ay

natulungan kayo sa pagpapaunlad ng buhay nu? Ung wala dati na meron na ngaun?

Ate Maura: Sa kita ko sa tindahan, nakakabili ako ng mga gusto ko na di na kelangan

hingin pa sa asawa ko.

Ate Meann: Malaki ung naging tulong di lang sa pamilya ko kundi pati sa mga

kapitbahay ko. Kumbaga me mga estudyante na ung mga magulang ay buwanan ang

kita so hindi nakakabayad agad. So nakakaawa naman kung di mo tutulungan eh di rin

cla makakapag.aral. Tapos ngaun, makakapasok na ung anak at di na kelangang

64 | P a g e
umabsent kasi minsan kulang ung pera dahil lingguhan ang sahod ng asawa ko. Kaya

sobrang laki ng tulong ng kita ko sa pag.seserbis.

Ate Carina: Nakakatulong sa pagpapabaon ng mga anak kong nag.aaral.

Ate Julieta: Dahil sa pagbebenta, nakabili kami ng motor.

Norby: Nabanggit na rin ni Ate Mean ito kanina. Ung susunod ko na tanong ay, mula po

sa mga nakuha/nabili/naitulong ng pagnenegosyo nu ay naisip nu rin po ang mga

naitulong nito sa paligid at kumunidad ninyo. Sa paanong paraan?

Ate Carina: Sa akin pinapautang ko. Meron nga ung anak na mismo nangungutang.

Kaya ayun pinapautang ko kasi kawawa at sa tingin ko sa ganung paraan ako

nakakatulong kaya pinapautang ko kahit di na makabayad.

Ate Maura: Meron nga na bumili ng gatas sa akin eh wala akong gatas na tinitinda

kaya binigyan ko ng pera para bumili ng gatas. Naku di na binalik sa akin hanggang

ngayon. Nakadalawa pa cia sa akin.

Norby: So malinaw po sa inyo na sa pag.nenegosyo, kelangan ding intindihin ang mga

customers kahit na syempre ang negosyo ay negosyo pa rin pero pag kelangan

tumulong ay tutulong kayo.

Lahat: Oo.

Norby: Ung huli ko pong katanungan, bakit po sa lahat ng komite ay livelihood ang

napili nu?

65 | P a g e
Ate Meann: Sa akin di lang ito para sa akin kundi para sa lahat para sa Bulacan

Heights. Baka sakaling maging daan to para mapaunlad ang buhay ng mga tao dito.

Ate Emma: Napili ko ito kasi gusto kung mapalawak ang aking kakayanin sa

pagnenegosyo. Experience din at di mangapa.

Ate Carina: Mapalawak din ang aking kakayanin sa pagnenegosyo para rin ditto.

Ate Julieta: Ganun din para sa sarili ko at para din dito.

Ate Meann: Ini-envision ko kasi na maging sentro ang Bulacan Heights na magkaroon

ng business center at maging sentro na pamilihan.

Norby: Maganda po ang nakikita nu para sa kinabukasan. Pero bago po natin makamit

iyon, my bagay na dapat nating gawin. So atin pong busisihin ang mga tungkulin at

responsibilidad ng Livelihood Komite. Kayo po ano sa tingin nu ang mga tungkulin at

responsibilidad?

Ate Meann: Responsibilidad ng komite na mag-participate sa seminar at trainings para

mai.share din sa iba. Kelangan din kasi ang brainstorming o pagbabahaginan.

Ate Emma: Mabigyan ng kaalaman ang mga nag.nenegosyo dito.

Ate Carina: Para mahikayat ung iba ng maging aktibo sa sa pagnenegosyo imbes na

magsugal.

Norby: Andito po ung mga tungkulin at responsibilidad na critical na gagawin ng komite

na ung iba dito ay nabanggit na ni Ate Meann.

66 | P a g e
- Pagsagaw ng Business Scoping – kelangan mag-brainstorming at hanapin ang

patok na negosyo dito

- Pagsagawa ng Feasiblity Study at Market Study gamit ang datos mula business

scoping

- Pagbuo ng Business Plan – Plano ng Pangkabuhayan

- Pagbuo ng sistema upang maisaayos ang pagpapatakdo ng negosyo

- Pakikipa-ugnayan sa mga awtoridad upang masiguro ang maayos ang

pagpapatakbo ng mga negosyo at masolusyunan ang problema na may

kinalaman sa pangnenegosyo - tulad ng permit

- Pakikipa-ugnayan sa organisasyon na interesado magsagawa ng trainings

- Pagsasagawa ng regular ng pulong

- Mag-ulat ng mga pagbabago sa komite at kaunlaran

Norby: Pagkatapos nu pong malaman ang mga dapat gawin, matatanung natin sa ating

sarili, possible kaya to? May i-shashare po ako sa inyo na success story. Ito po ung

istorya ng Sikhay Multi- Purpose Cooperative. Tulad din po ninyo, dumaan din sila sa

ganito. May pagpupulong ding nangyayari………

Norby presented the success story.

Norby (after the story): So malinaw po ba ung patutunguhan ng livelihood komite sa

nu?

67 | P a g e
Ate Maura: Oo naman. Nakaka-inspire lang ung catering services nila. Pwede din

tayong mga.catering services para sa loob na mismo manggaling ung mag.seserbis.

Kikita pa ang organisasyon.

Norby: Kaya po natin un basta magtutulungan tayong lahat. Lahat matutunan naman.

So ito po ung gagawin natin, next week, magkakaroon tayo ng business scoping. So

bilang assignment, maglilista po tayo ng mga kasalukuyang negosyo dito. Confirmed

schedule March 7, 7pm for Business Scoping.

Norby: Sabihin ko lng din po sa inyo na magkakaroon din tayo ng Capacity-building on

Cooperative Development, Leadership, and Management after ng business scoping at

may mga susunod pa na trainings.

Ate Carina: Wow. Kaya yan. Kung kaya ng mga bata mas kaya ko.

Ate Maura: Kayang- kaya basta’t sama-sama!

Norby: So bilang pagtatapos, tapusin po natin ito sa isang closing prayer.

(Ate Meann led the prayer)

68 | P a g e
Initial Meeting with Finance Committee Members

4 pm March 7, 2015/ Block 8 Lot 23, Bulacan Heights, Barangay Catacte

Municipality of Bustos, Province of Bulacan

TRANSCRIPTION

Norby: So, siguro po para mas malinaw po iyong pag-uusap natin, simulan po natin sa

isang panalangin.

(Ate Meann led the prayer)

Norby: Magandang hapon po Welcome po sa unang meeting ng Komite ng

Pangpinansyal. Bago po tayo magsimula, kahit naman po magkilala na po tayo dahil

unang meeting poi to ng komite ng pangpinansyal, tayo po ulit magpakilala. Ako po si

Norby, istudyante ng UP kasama ko po si Gretch.

Ate Wing: Ako si Wing. Treasurer.

Kuya Jerry; Ako naman si Jerry.

Ate Meann: Meann po ito.

Norby: Maraming salamat po, ngayon po may ipapakita po akong mga imahe. (Norby

showed bar graph with different colors) Ano po ung unang pumasok sa isipan nu?

Ate Wing: My pagtass at pagbaba.

Kuya Jerry: Iba-ibang taas at kulay.

Ate Meann: Taas at baba ng graph.

69 | P a g e
Norby: So bale po c Ate Meann tumingin po siya sa kabuuang pagtaas at pagbaba.

Ganun din po si Ate Wing. Si Kuya Jerry tiningnan ang pisikal na anyo. (Norby showed

below picture)

Ate Meann: Magulo.

Ate Wing: Magulo at iba-iba.

Kuya Jerry: Magulo at makalat.

Norby: So, nagkakasundo tayo na magulo. So next po, (please below picture)

Norby: Ano po sa tingin nu?

70 | P a g e
Ate Meann: Organized na.

Ate Wing: Maayos na.

Kuya Jerry: Di na magulo.

Norby: So tatlo po kayo nag.aagree na maayos. Ang ibig sabihin kapag maayos

especially po sa pinansal na aspeto ng organisasyon ay mas maganda. Kapag magulo

tulad ng nasa picture, dalawa sa inyo nagsabing magulo at isa inyo napansin ang

pagkakaiba. Ganun din po ang magiging tingin sa inyo nga mga tao, magulo. Dahil hindi

maayos, iba-iba ang magiging tingin pero kapag maayos ay maayos ang magiging

tingin sa inyo. Dito po papasok ang financial management. (Norby showed below

picture)

Norby: Last picture poi to, ano sa tingin nu?

Ate Meann: Listahan to eh.

Ate Wing: Listahan ng collection.


71 | P a g e
Norby: So eto po ang mayroon tayo ngayon pagdating sa pinansyal na aspeto ng

asosasyon. So tingin nu po ano po an gating gawin para mas lalong mapaunlad an

gating sistema?

Ate Wing: Ang sa akin naman dapat tama at tapat ang maging tungkulin. Dapat mula

sa puso. At dapat alam ng pamunuan ang lahat ukol sa pera kaya lage ko silang lahat

ina-update sa pamamagitan ng pag.txt.txt.

Ate Meann: At dapat maayos ang pag.tago ng dokumento.

Kuya Jerry: Dapat maayos ang pag.uulat at pagsusuri ng paglabas at pagpasok ng

pera.

Norby: Maraming salamat po. So meron po kaming na-identify na tungkulin at

gampanin ng komite na pang-pinansyal. Bale ung iba ditto nabanngit na rin ninyo

kanina. (Norby enumerated)

Ate Meann: Lahat ng yan nakuha ang dapat gawin ng komite.

Kuya Jerry at Ate Wing: Oo nga.

Norby discussed the timeline of trainings and they have decided to have their next

session at 4pm same venue. They have also considered Ate Melissa to Ate Wing’s

Asst. Treasurer but to be confirmed by the officials.

72 | P a g e
Brainstorming and Business Scoping with Livelihood Committee Members

7 pm March 7, 2015/ Block 8 Lot 23, Bulacan Heights, Barangay Catacte

Municipality of Bustos, Province of Bulacan

TRANSCRIPTION

Norby: Welcome po sa 2nd session ng Livelihood Committee. Ang magiging layunin po

ng meeting na ito ay:

 Magkaroon ng pagpapalalim ng kaalaman tungkol sa mga negosyo na mayroon

sa komunidad.

 Mag-bahaginan patungkol sa mga negosyong pangkomunidad na maaring

isagawa sa Bulacan Heights.

 Makagawa ng profile ng mga negosyong mayroon sa komunidad.

Norby: Para po sa inyo, ano po ang negosyo?

Ate Carina: Pagbebenta, iyong kumikita ka.

Ate Maura: Para extra income.

Norby: Maraming salamat po. Bali ang negosyo ay ekonomikong aktibidad kung saan

ang mga tao ay nag-iisip, nagpaplano, at nagpapatakbo ng kabuhayan na may

kinalaman sa pagpapaunlad ng kanilang buhay. Layunin nito na magkaroon ang mga

tao ng pagkukunan ng pera upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Tulad

nga ng sinabi ni Ate Maura maari din itong pang-extra income.At dahil din po diyan ay

syempre po mayroong mga uri nito:

Una, negosyo na may kinalaman sa Paggawa ng Produkto- ito ay uri ng negosyo na

kung saan, ang mga negosyante ay gumagawa ng produkto upang ibenta sa merkado.

a. Noodles Shop
73 | P a g e
b. Bakery Shop

c. Manufacturing Companies

At pangalawa ay Serbisyo (Service). Ito ay isang uri ng negosyo na kung saan ang

pangunahing pinanggagalingan ng kita ay ang mga serbisyo. Ang halimbawa nito ay

ang mga sumusunod:

a. Barber Shop/ Salon

b. Spa

c. Schools

Norby: Dito po sa Bulacan Heights, ano-anung negosyo ang inyong nakikita?

Ate Julieta: Marami. Merong naglalako, nag-rerepack tulad ko, sari-sari store.

Ate Mer: May Barber shop din dito.

Norby: Maraming salamat po. At dahil po diyan, kailangan natin mag- Business

Scoping. Ano po ba ang Business Scoping?

Ate Meann: Scoping, pag-aaral sa mga negosyong andito na?

Norby: Maraming salamat Ate Meann. Ang Business Scoping ay proseso na ang

pangunahing layunin ay malaman at maunawaan ang mga uri ng negosyo sa

komunidad, at gayudin, upang maintindihan ang paraan ng pagpapatakbo nito.

Sa ngayon po ba, anu-ano ang karaniwang negosyo na nakikita mo sa inyong

komunidad ayon sa Sektor? Cge Unahin natin sa kalusugan?

Ate Julieta: Iyong nag-BBP ung 5 kada serbisyo.

Ate Meann: Iyong Botika.

Norby: Sa Transportasyon po?

Ate Maura: Traysikel, Pagpaparenta ng bike

74 | P a g e
Ate Carina: Hulugan sa motor.

Norby: eh sa Livelihood?

Ate Maura: Sari-sari Store, Paglalako ng Meryenda, Food Stall

Norby: Eh sa teknolohiya po?

Ate Meann: Video Games, Xerox, Piso Net

Norby: Sa Sports po?

Ate Julieta: Poll, Bilyaran

Norby: Maraming Salamat po. Next naman po ay anu-ano ang karaniwang negosyo na

nakikita mo sa inyong komunidad ayon sa Lugar?

Ate Julieta: Ung hati kasi, Phase 1 ata dito sa bukana banda. Phase 2 banda sa likod.

Phase 3 sa likod papuntang bukana.

Ilan sa mga negosyo ay mga sumusunod (consolidated)

Phase 1 - Tindahan, Piso Net, Computer Shop, Junk Shop, Taho-an, Paglalako ng Isda,

salon, balot (wholesale), direct selling (avon), loading station, basahan, shoe repair,

water station, bigasan, technician, sugalan, 5-6, lumber

Phase 2 - Bike rentals, food stall, piso net, tindahan, ihaw-ihaw, bakery, tiangge, Vulcanizing,

tahian, beauty care, massage, botika, food house, Repacking (chicharon), candle making, balot,

direct selling (avon), loading station, basahan, uling, water station, bigasan, technician, 5-6

Phase 3 - Paglalako ng meryenda, Trisikel, Food Stall, Junk Shop, Vulcanizing, Repacking

(chicharon), ukay-ukay, ihaw-ihaw, taniman, tahian, barber shop, massage, loading station,

basahan, tindahan, water station, bigasan, technician, sugalan, 5-6

Norby: Mula po sa mga ito, Anu-ano ang mga negosyong sa tingin mo ay papatok o

maaring magtagumpay?

75 | P a g e
Ate Meann: Ako sa tingin ko ang Business Center. Dahil pwede iyong lugar sa tiangge

gamitin.

Ate Maura: Oo nga dahil dito naman yan eh. Lahat customer. At saka pwede din ang

catering service para sa birthday, kasal at libing. Eh bakit pa kelangan sa labas, meron

na dito.

Ate Meann: Oo nga. May gamit pa ako dun. Pwede nating gamitin.

Ate Julieta: Pwede din ang canteen, di ba may eskwelahan diyan.

Ate Carina: Oo nga, pwedeng tayo na lang magbenta diyan.

Norby: Maraming Salamat po. Next question po, ano sa tingin ninyo ay papatok o

maaring magtagumpay?

Ate Meann: Syempre ang Business Center

Ate Maura: Catering at iyong canteen

Lahat: Oo nga, pwede na yon.

Norby: Ngayon naman po may ipapakita kaming imahe, sabihin nu lang po kung may

potensyal o wala at kung bakit?

Ate Mean: May potensyal dahil maraming naglalaro, walang kuryente magagamit at

mababa lang ang maintenance.

76 | P a g e
Ate Meann: May potensyal naman

Ate Nancy: Kasu depende pa rin sa pwesto at sa nagtitinda.

Ate Maura: May potensyal namankahit papano dahil naging necessity na ito at

maraming customers kahit mga istudyante malakas magpa.load.

Ate Julieta: Mas mura, madali, at maraming customers.

77 | P a g e
Ate Meann: Syempre may potensyal dahil para sa service ito at maraming pumapasok.

Ate Mer: Walang masyadong potensyal dahil seasonal lang.

Ate Julieta: May potensyal kasu di gaano dahil seasonal lang din.

Ate Evangeline: May potensyal naman kasi laging ginagamit at alternatibo din sa

motor.

78 | P a g e
Norby: Maraming salamat po. So marami tayong nakitang business models at may

listahan na rin po tayo ng mga patok na negosyo o pagkakakitaan. Ngayon po ay

palalimin natin ang mga ito sa pamamagitan ng brainstorming. Ano po ba ang

Brainstorming? Ito ay isang uri ng komunikasyon kung saan, ang mga tao ay

maguusap-usap upang makapag-isip at makabuo ng mga suhestyon at ideya tungkol

sa isang bagay o pangyayari. So sa paanong paraan po ninyo nakikita itong mga

negosyo na ito ay magtatagumpay? Negosyo: Business Center, Catering Service at

Canteen

Ate Meann: Iyong tatlo ay maaring pagmumulan ng pondo ng asosasyon na

magagamit sa mga proyekto

Ate Carina: Mapapaigi pa ang kakayahan ng mga miyembro at pamilya namin.

Ate Maura: Dagdag hanapbuhay para sa mga walang hanapbuhay

Norby: So bale po may dalawang uri ng kadahilanan kung bakit ang negosyong ito

magiging matagumpay ito ay: dahilan na may kinalaman sa pamilya at dahilan na may

kinalaman sa komunidad tulad ng proyektong, mga ano po kayo ang mga iyon?

Ate Meann: Clean and Green, Pag-aayos ng Garden. Ung circle diyan ay maisasayos.

Ate Maura: Dahil may pondo na mas madaling isagawa ang proyekto.

Norby: So iyon po ba ay nagugustuhan ng iba?

Lahat: Oo naman.

Norby: Maganda po kasi naiisip ninyo po ang mga iyan kasi diyan magsisimula ang

magandang hinaharap dahil sa mga pangarap na iyan. So bale po dito na muna

79 | P a g e
magtatapos ang ating Business Scoping at Brainstorming. Gusto ko lang pong ipaalam

ang mga susunod pa nating trainings:

1. Enterprise Development

2. Conduct of Feasibility Study & Presentation

3. Business Management

4. Creation of Business Plan and Presentation

5. Capacity-building on Cooperative Development, Leadership, and Management

Note: Everybody agreed on Friday at 7pm – Next meeting – TBA – venue

(Ate Meann led closing prayer)

80 | P a g e
Enterprise Development with Livelihood Committee Members

6 pm March 13, 2015/ Block 11 Lot 8, Bulacan Heights, Barangay Catacte

Municipality of Bustos, Province of Bulacan

TRANSCRIPTION

Norby: Magandang gabi po sa inyong lahat. Bago po tayo magsimula, tayo po’

manalangin muna.

(Ate Carina led the prayer)

Norby: So narito po ang mga layunin ng ating pagsasanay ngayong gabi:

 Magkaroon ng pag-uusap upang maunawaan ang konsepto ng pamumuno sa

Komite, o sa asosasyong pangkalahatan.

 Maintindihan ang koneksyon/relasyon ng Komite ng Pangkabuhayan sa Bulacan

Heights (Asosasyon) bilang isang organisasyon at pamayanan.

 Magkaroon ng paguusap sa panimulang proseso ng pag-nenegosyo.

Gretch: May mga tatlong katanungan po kami sa inyo at gusto lang po naming makuha

ang inyong mga konsepto: Ano po para sa inyo ang pamumuno?

Ate Carina: Ang pamumuno para sa akin ang iyong sinusunod ng lahat.

Ate Emma: Ganun din po.

Ate Nancy: Ako din.

Ate Mer: Magsilbing modelo.

81 | P a g e
Ate Vangie: Siyempre bukod sa sinusunod ay modelo rin.

Ate Meann: Ung sama-sama kayong nag-iisip ng solusyon at bukas sa mga

suhestiyon.

Ate Maura: Tulad din kay Pangulo.

Gretch: So mayroon pong, Authoritarian, Service Leadership, Inspirational Leadership

at Participatory. Sa tingin niyo po, ano po ang mga dapat taglayin ng isang Lider?

Ate Carina: Ung laging siya ang nangunguna sa mga Gawain.

Ate Maura: Marunong makinig at makisama

Ate Vangie: Di na kelangan sabihan, ma inisyatibo.

Ate Meann: Mahinahon at marunong makisama

Gretch: So mukhang nasagot na rin ata ang pangatlong natanong na paano dapat

makitungo ang isang Lider? May maidagdag pa po ba kayo?

Ate Meann: Para sa akin bilang lider, dapat lagi kang mahinahon, may kasabihan nga

di ba, na ‘Slow to Speak, quick to listen, slow to become angry.’ Ibig sabihan laging

dapat mahinahon. Di laging utos ng utos dapat my ginagawa din at huwag nating ilagay

ang mga sarili natin sa pedestal.

Norby: Maraming salamat po. So bilang paalala lang po narito po ulit ang mga

tungkulin ng Komite na Pangkabuhayan:

 Pagsasagawa ng business scoping

82 | P a g e
 Pagsasagawa ng Feasibility Study at Market Study

 Pagbuo ng plano na pangkabuhayan (business plan) ng komunidad

 Pagbuo ng sistema upang maisaayos ang pagpapatakbo ng mga negosyo

 Pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad upang masiguro ang maayos na

pagpapatakbo ng mga negosyo o masolusyunan ang mga problema na may

kaugnayan dito.

 Pakikipag-ugnayan sa mga organisasyon na interesadong magsagawa ng

aktibidad, proyekto, o programa na may kinalaman sa kabuhayan ng mga tao sa

BH.

 Magsagawa ng regular na pulong ng Komite

 Mag-ulat ng mga pagbabago o pagunalad na nagaganap sa Komite, at mga

gawain nito.

Norby: Paano ninyo po ba nakikita ang komiteng ito sa kabuuan?

Ate Meann: Nakikita ko ang komiteng ito na parte ng kabuuan at may mahalagang

gampanin sa kabuuan. Sa pamamagitan ng komiteng ito, matutulungan tayo sa

negosyo.

Norby: Salamat Ate Meann. So ihahalimbawa ko lang po ang relasyon ng komite sa

kabuuan. Ito ay parang sa isang Pizza. Di po kasi mabubuo ang pizza pag may isang

parting ay nawala.Tulad po ng komiteng ito, hindi mabubuo ang AMBUH kung wala ang

komiteng ito.

83 | P a g e
Bulacan Heights Pizza

Ate Carina: Sarap naman ng Pizza.

Norby: (tawa) So halina na po kayo at tayo’y magnegosyo. Paalala lang po na ang

negosyo ay ekonomikong aktibidad kung saan ang mga tao ay nag-iisip, nagpaplano, at

nagpapatakbo ng kabuhayan na may kinalaman sa pagpapaunlad ng kanilang buhay.

At uulitin ko po, layunin nito na magkaroon ang mga tao ng pagkukunan ng pera upang

matugunan ang kanilang pangangailangan.

Norby: So noong nakaraan ay nalaman po natin ang mga karaniwang negosyo sa

komunidad, mga negosyong maaring gawin, at mga karaniwang negosyo na nakikita sa

inyong komunidad ayon sa Sektor. At nalaman din po natin ang tatlong pwedeng i-

negosyo, ng Business center, Catering Service at Canteen. So ung next ko na tanong

ay bakit po kayo nagnenegosyo?

Ate Carina: Pangkabuhayan namin

Ate Maura: Dagdag income

Ate Julieta: Makatulong sa pamilya

Norby: Maraming Salamat po. Dagdag ko lang din po iyong mga karaniwang dahilan:

◦ Pagbibigay ng trabaho sa mga tao

◦ Upang magkaroon ng Kita

◦ Upang makatulong sa komunidad

84 | P a g e
◦ Pansariling hangarin

◦ Makapaghanap-buhay

◦ Upang masiguro ang kabuhayan ng pamilya at sarili

Ito po ay ayon kay Roberto Medina, Ph.D

Norby: Paano po ba natin dapat simulan ang isang negosyo?

Ate Meann: Syempre dapat alam natin ang gusto ng tao

Ate Carina: Iyong kailangan din.

Norby: Cge po. Tama po kayo doon. Idagdag ko lang din po ang mga ito:

 Alamin ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao (market)

 Mamili ng isang pangangailangan na gustong tugunan

 Pag-aralan ang mga posibleng negosyo na may kaugnayan dito

 Magisip ng produkto o serbisyo na maaring isagawa

 Magsagawa ng malalim na pag-aaral patungkol sa negosyo

 Ihanda ang mga kinakailangang capital at resources

Norby: Cge po isa-isahin natin mula sa Business Center

85 | P a g e
(Summary ng mga suhestiyon nila.)

Catering Service

(Summary ng mga suhestiyon nila.)

Norby: Alin po sa mga negosyong ito ang una ninyong nais gawin?

(Ang bumuto sa Catering Services ay walo dahil may available resources at di kelangan

ng malaking puhunan. Dahil dito ay naging Priority 1 ito. Pumangalawa ang Canteen

na may pitong boto at panghuli ang Business Center.)

Norby: So uulitin ko lang po, ang priority o uunahin natin ay Catering Services tapos

Canteen at last na po ang business center. Maraming salamat po sa inyong mga oras.

(Ate Meann led the closing prayer.)

Note: Everyone agreed next meeting on 15 March 2015 at 8:00 am

86 | P a g e
Financial Forms Lecture with Finance Committee Members

4pm March 14, 2015/ Block 11 Lot 8, Bulacan Heights, Barangay Catacte

Municipality of Bustos, Province of Bulacan

TRANSCRIPTION

Norby: Magandang hapon po sa inyong lahat. Bago tayo magsimula, tayo po’y

manalangin.

(Ate Melissa led the prayer.)

Norby: Bale po pangalawang meeting na po ito ng komite. Kung iyong nakaraan ay

pinagusapan natin ang tungkulin at reponsibilidad ng komite ngayon po ay pag-usapan

natin ang mga forms na gagamitin ninyo para sa aspetong pang-pinansyal at mga gamit

nito. Pero bago po iyon, mag-kumustahan po muna tayo.

(Ate Wing presented the statement of the account/expenses of AMBUH)

Norby: So bago po natin simulan ang meeting, narito po ang mga layunin:

87 | P a g e
 Magkaroon ng pag-uusap upang maunawaan ang konsepto ng pamumuno sa

Komite, o sa asosasyong pangkalahatan. (Binasa ni Ate Meann)

Gretch: Sa nabanggit po na layunin, Ano para sa inyo ang

pamumuno/liderato/leadership?

Gretch: Cge po Ate Wing kayo po muna.

Ate Wing: Ung liderato, ay dapat angat ka sa iba at kita sa gawa. Iyong maaring

kapitan ng taong nangangailangan o iyong nagbibigay ng lakas sa mahihina. Dapat

maging modelo at marunong makisama ang isang lider. Tapos iyong pwedeng maka-

impluwensya sa lahat. Ayon nga kay PNOY, para sa tuwid na daan.

Ate Melissa: Sa lahat ikaw dapat magsilbing magandang halimbawa. Parang si Ate

Meann.(tawa)

Kuya Jerry: Bilang lider, ikaw ang lagging nakakataas lagi at ang tama ay ipakita mo.

Gretch: Salamat po sa mga sagot ninyo. Ano po ang dapat taglayin ng isang lider?

Ate Melissa: Parang si Ate Meann. Iyong tipong kahit tambak ang labahan ay may oras

pa. Iyong dedikasyon.

Ate Wing: Parang si Pangulo din. Iyong nangunguna sa lahat ng bagay. Tapos dapat

bilang lider dapat kunin mo muna ang suhestyon ng iba.

Ate Gerry: Dapat marunong makinig o sumangguni sa ibang kasamahan.

88 | P a g e
Gretch: Maraming salamat po sa mga sagot ninyo bale nasagot na rin ang pangatlong

tanong, paano dapat makitungo ang isang Lider. May idagdag pa po ba kayo?

Ate Meann: Iyong lagi ko naming sinasabi, dapat laging mahinahon at marunong

makinig sa sinasabi ng mga kasama.

Norby: Maraming salamat po. Para po kay Ate Melissa, balikan lang po natin ang mga

tungkulin at responsibilidad ng komite. Bigyan po naming kayo ng ilang minuto. (After 3

minutes). So bale po ang ang mga responsibilidad ng komite ay umiikot sa

pangangalaga sa pinansyal na aspeto ng asosasyon. Dahil po diyan kaya tayo may

training po tayo ngayon. Narito po ang mga mga layunin ng ating training ngayon:

 Maintindihan ang koneksyon/relasyon ng Komite ng Pangkabuhayan sa

Bulacan Heights (Asosasyon) bilang isang organisasyon at pamayanan.

 Malaman ang ibat-ibang uri ng dokumento na kailangan ng Komite ng Pang-

pinanasyal, at maunawaan ang kahalagahan ng mga ito sa pagpapanatili ng

maayos ng ulat

 Matutunan ang tamang paggamit nito

 Makabuo ng Sistema na pang-pinansyal para sa AMBU

Norby: May mga ibat-ibang uri ng dokumento ng komite na pang-pinansyal dito na

makakatulong sa komite. (binigyan ng kopya bawat isa). Sige po unahin po muna natin

ang Polisiyang Pang-pinansyal. May mga bagay tayong dapat sagutin, bale iyong tatlo

representative AMBUH na karapatang humawak ng mga dokumentong may kinalaman

sa pinansyal tulad ng withdrawal slip, deposit slip, petty cash voucher, financial

89 | P a g e
statement, request letter at iba pa. So sino po ang mga iyon? Automatic po ang

Presiden, Treasurer at Auditor. Sa pagpatuloy, sa pagbili ng mga kagamitan, kailangan

mag-sumite ng Purchase Request na kailangan isulat lahat ng bibilhin na kailangan i-

review for approval dahil request pa lang. So dalawa copy po ito. Pagkatapos po nito,

ay Purchase Order ang gagawa nito ay ang Purchasing Officer na dapat i-review ulit

para sa pirma ni Pangulo. So sa tingin ninyo bakit may ganito?

Ate Wing: Para lahat ay naka-document at may pruweba sa transaksyon. At kapag

nag-audit ay mabilis makita.

Norby: Tama po kayo jan. Para po may control system tayo. Next po mayroon din po

dapat limitasyon sa amount na pwedeng pirmahan ni Ate Meann para sa paglabas ng

pera, magkano po kaya iyon?

Ate Wing: Parang hangganan lang ba ito?

Ate Meann: Oo, parang limitasyon siya na hanggan magkano pwede.

Norby: Para lang po my control system tayo. So kailangan ninyo lang pong malaman

kung magkano iyon?

Kuya Gerry: So pag-sumobra doon sa pwedeng pirmahan ni Pangulo ay dapat may

mas nakakataas na pipirma.

Norby: Opo. So, ano po iyong maximum?

Ate Wing: Siguro hanggang 5,000 lang tapos iyong 5,001 iyon na kailangan ng adviser.

90 | P a g e
Norby: Pero di naman po for approval iyon, para siyang note lang.So sino po ang may

karapatan magissue ng pera?

Ate Wing: Siyempre ako po.

Norby: Pag halimbawa may liquidation report, sino ang pwedeng mag-review aside sa

Auditor, may gusto pa po ba kayo?

Ate Meann: Eh di iyong dalawang Auditor.

Norby: Para naman po sa pagbili ng mga malalaking kagamitan, sino po ang kailangan

magsulat ng letter for approval?

Ate Meann: Eh di iyong mga komiteng gagamit.

Norby: So bale kung sino ang mag-rerequest siya ang gagawa pagkatapos po?

Ate Meann: Ibibigay sa Secretary for approval ng Pangulo sabay sangguni din sa

Pamunuan, parang proposal.

Norby: Ah ok. So para lang din maraming mata ang titingin. So pag-naapprove na,

gagawa ng Purchase Order para ma-approve ni Ate Meann. Sino po ang sasama sa

pagbili ng gamit?

Ate Wing: Eh di ako tapos iyong Purchasing Officer tapos si Pangulo.

Norby: Ok. So, sa uulitin bago maglabas/withdraw ng pera dapat ilatag ito sa lahat.

Ate Meann: Parang banig lang siya. (tawa)

91 | P a g e
Norby: So ok na tayo sa Polisiyang Pang-pinansyal. Dagdag din naming itong form

para sa supplies at mga gamit. Ito para sa pagkalahatan. Kasi di po ba nagpapahiram

kayo ng tent, mesa at upuan. Ito po ay pwede ninyong gamitin.

Ate Meann: Ah oo nga.

Norby: May mga katanungan pa po ba tayo tayo?

Lahat: Wala naman.

Ate Wing: Pag meron, tatanungin ko kayo agad.

(Ate Wing led closing prayer)

92 | P a g e
First and Second Meeting with Secretarial Committee Members

4 pm March 14, 2015/ Block 11 Lot 8, Bulacan Heights, Barangay Catacte

Municipality of Bustos, Province of Bulacan

TRANSCRIPTION

Norby: Siguro po umpisahan natin isang panalangin.

(Ate Meann led the prayer.)

Norby: Bale narito po ang mga layunin ng ating meeting:

 Magkaroon ng pag-uusap upang maunawaan ang konsepto ng pamumuno sa

Komite, o sa asosasyong pangkalahatan.

 Maintindihan ang koneksyon/relasyon ng Komite ng Pangkabuhayan sa Bulacan

Heights (Asosasyon) bilang isang organisasyon at pamayanan.

 Malaman ang mga tungkulin at responsibilidad ng Secretarial Committee

Gretch: Ate Jocelyn, may tatlong katanungan lang po kami sa inyo:

 Ano para sa inyo ang pamumuno?

 Ano ang mga dapat taglayin ng isang Lider?

 Paano dapat makitungo ang isang Lider?

Ate Jocelyn: Ang pamumuno ay leadership. Bilang lider marunong kang makisama,

mahinahon at alam ang ginagawa.

93 | P a g e
Norby: Maraming salamat po. So bilang kasapi po ng komiteng ito, anu-ano sa tingin

nyo ang mga responsibilidad ng Secretarial Committee?

Ate Jocelyn: marunong magtago ng secreto

Ate Mean: Responsibilidad ang tamang pag-miminutes, laging present sa meeting,

tagatago ng mga dokumento

Norby: Tama po kayo doon. May idagdag lang po kami:

 Maayos at malinaw na pagtatala ng mga ulat ng organisasyon

 Pagbuo ng mga polisiyang may kinalaman sa maayos ng pagtatala, pagiingat, at

paguulat ng mga Komite ng organisasyon upang magsilbing gabay sa lahat ng

miyembro

 Magbigay ng suporta sa pangulo sa pagpapanatili ng kaayusan sa pamunuan sa

pamamagitan nang paggawa ng pangkalahatang ulat ng organisasyon tuwing

may pagpupulong.

 Paggawa ng opisyal na komunikasyon, resolusyon, at polisiya na may kinalaman

sa pagpapatakbo ng organisasyon

 Masusing pagiingat at pamamahala ng lahat ng dokumento ng organisasyon

 Pagsisiguro na lahat ng miyembro ng organisasyon ay may maayos at

kumpletong profile.

 Pagsasagawa ng buwanang pagpupulong ng Komite

94 | P a g e
 Pamamahala sa pagsasagawa ng general assembly o mga espesyal na

pagpupulong ng organisasyon.

 Pagsasagawa ng regular ng pulong upang pagusapan ang mga bagay-bagay na

may kinalaman sa administratibo na aspeto ng organisasyon.

Norby: Parang kayo po ang galamay ng Pangulo. Kayo po ang taga-ingat ng

dokumento ng asosasyon. Sa kabilang banda po, anu-ano po ba sa inyong palagay ang

mga dapat pag-usapan sa pulong ng Asosasyon?

Ate Jocelyn: Ang mga pinag-usapan noong nakaraang pulong.

Ate Meann: Agendang dapat pag-usapan, ulat ng mga komite, ulat ng ingat ng yaman,

Norby: Maraming salamat po. Sa nabanggit ninyo, narito po ang format ng agenda sa

pagpupulong at katitikan:

Format ng Agenda sa Pagpupulong

95 | P a g e
Format ng Katitikan (Minutes)

Norby: May mga katanungan po ba kayo?

Ate Jocelyn: Wala naman po.

Norby: Maraming salamat po.

Note: Next meeting 28 March 2015 at 1 pm.

96 | P a g e
Feasibility Study Training with Livelihood Committee Members

8 am March 15, 2015/ Block 11 Lot 8, Bulacan Heights, Barangay Catacte

Municipality of Bustos, Province of Bulacan

TRANSCRIPTION

Norby: Magandang umaga po sa inyong lahat.

Norby led the prayer.

Norby: Kumusta po kayo ngaung umaga?

Ate Maura: Ang daming gagawin at mainit.

Ate Meann: Ok lang. Nakatulog ako ng maayos.(tawa)

Norby: So narito po ang mga layunin ng pagsasanay na ito:

 Maunawaan ang kahalagahan ng pagsasagawa ng malalim na pag-aaral bago

magsimula sa pag-nenegosyo.

97 | P a g e
 Maintindihan at matutunan ang mga proseso sa pag-sasagawa ng feasibility

study.

 Malinaw ang layunin at mithiin sa pagsasagawa ng feasibility study.

Norby: Ano po ung unang pumasok sa isip nu ng marinig ang feasibility study?

Ate Meann: Study ay pag-aaral, feasibility, ung posibilidad ng negosyo

Ate Maura: Pag-aaral.

Norby: Pag.aaral. Maraming salamat po. Bale ang ang feasibility study ay isang

mabusising pag-aaral patungkol sa isang negosyo na may layuning malaman ang

potensyal ng isang negosyo at gayundin ang posibleng balakid at suliranin sa

pagpapatakbo nito. Ito po ay may layuning maidetalye ang kalakasan, kahinaan, balakid

at oportunidad ng isang negosyo, lalo na sa mga aspeto tulad ng produkto, market,

presyo, at pamamaraang ekonomiko.

Norby: Bakit kailangang magsagawa ng feasibility study?

Ate Meann: Para masiguro na bebenta ang negosyo.

Ate Carina: Para mapag-aralan talaga ang negosyo.

Norby: Tama po kayo diyan. Idagdag ko lang po. Upang malaman at maunawaan ang

potensyal ng negosyo. Upang mapaghandaan ang mga balakid at posibleng suliranin

sa pagpapatakbo ng negosyo. Mapataas ang porsyento ng tagumpay sa negosyo. At

mapalalim ang kaalaman tungkol sa negosyong papasukin.

98 | P a g e
Norby: Paano po ba isinasagawa ang Feasibility Study? (Ano-anu ang proseso?)

1. Magdesisyon sa layunin at sakop ng pag-aaral (Feasibility Study).

2. Pag-usapan ang disenyo ng pag-aaral.

3. Mag-desisyon sa metodolohiya sa pagsasagawa ng Feasibility Study.

4. Pag-usapan at buuin ang mga katanungan na gagamitin sa Feasibility Study

(Survey Form).

5. Mag-desisyon sa bilang ng tao na magiging bahagi ng pag-aaral.

6. Mag-desisyon sa schedule sa pagsasagawa ng Feasibility Study.

7. Subukan (Pilot Test) ang mga instrumento o proseso na gagamitin sa

pagsasagawa ng Feasibility Study.

8. Isagawa ng Feasibility Study.

9. Iproseso at pag-aralan ang mga resulta.

10. Pagplanuhan ang susunod na hakbangin.

Norby: So may mga katanungan pa po ba kayo?

Lahat: Wala naman.

Norby: Pag-usapan po natin ang schedule?

Note: Everyone agreed next meeting on 28 March 2015 at 3pm

99 | P a g e
One on One/ Reflective Meeting with Livelihood Committee Members

18 April 2015, Bulacan Heights, Barangay Catacte

Municipality of Bustos, Province of Bulacan

TRANSCRIPTION

Inumpisahan ang meeting sa pamamagitan ng pangungumusta dahil sa mid semester

break. Nasundan ng tanong kung ano-ano ang mga natutunan, sinundan ng mga

inaasahan sa komite at ano ang maitutulong bilang miyembro ng komite. Unang

nakausap si Ate Carina (gustong maging Asst Block Leader).

Norby: Pagbabalik tanaw lang po tayo Ate Carina, may naalala po ba kayo sa mga

napagdaananang training?

Ate Carina: Unang-una nalaman natin na marami pa lang negosyo dito pero sa

kalaunan ay nag.desisyon kami na pag-aralan ang canteen, business center at catering.

Tapos kelangan pala eh pag-aralan ang mga ito bago mag.negosyo.

Norby: Anu-ano po iyong inaasahan ninyo sa amin?

Ate Carina: Sa totoo lang inaasahan ko na mabigyan ninyo kami ng capital at dagdag

na kaalama.

Norby: Sa totoo lang po Ate Carina kami po ay andito para matulungan kayo di po sa

puhunan. Mga istudyante po kami at aming layunin ay matulungan kayo kung papano

po kayo makabuo ng plano sa pakikipagharap sa tao at magkaroon ng sistema sa

pagnenegosyo.

100 | P a g e
Ate Carina: Ah ganun ba. Akala ko kasi bibigyan ninyo kami ng bagong recipe para sa

pagluluto.

Norby: Bale idagdag ko lang din po na tinutulungan po naming kayo para makatulong

din kayo sa mga kasama ninyo at para sa buong Bulacan Heights.

Ate Carina: Ah ok. Ganun ba, sige.

Norby: Sa tingin nu po, ano po ung maitutulong ninyo sa komite.

Ate Carina: Una-unang marami akong alam na recipe na mituturo ko din sa aking mga

kasamahan. Maaasahan nila ako doon.

(Next was Ate Nancy, same set of questions).

Ate Nancy: Sa totoo lang wala akong maalalala.

(Norby reviewed details to Ate Nancy.)

Ate Nancy: Ayun naalala ko na.(tawa). Ang inaasahan ko ay baka mabigyan ninyo

kami ng puhunan para makapag-negosyo.

Norby: Andito po kami para matulungan kayo di po sa puhunan. Mga istudyante po

kami at aming layunin ay matulungan kayo kung papano po kayo makabuo ng plano sa

pakikipagharap sa tao at magkaroon ng sistema sa pagnenegosyo.

Ate Nancy: Ah ganun ba. At syempre matulungan ninyo kaming hatiin ang pera nasa

sa amin.(tawa)

Norby: (tawa) So, bilang miyembro ng komite, ano po ang maari ninyong maitulong?

101 | P a g e
Ate Nancy: Dahil po sa kaalamang naibigay ninyo, maari ko ring ma-ibahagi ito sa iba

ko pang kasama. Kumbaga mas alam na naming ang gagawin. Ang Pag-nenegosyo

kasi di lang dahil bumebenta ay tatagal na, dapat talagang alam mo alam mo kung saan

patungo at dapat iyong negosyong nakakatulong sa iba.

(Pinuntahan sa bahay si Ate Vangie.)

Norby: Kumusta po kayo Ate Vangie?

Ate Vangie: Pacensya na di ako nakapunta napakainit kasi. Ok naman.

Norby: May itatanong lang po kami sa inyo. Ano po ang i-eexpect ninyo sa amin?

Ate Vangie: Kayo ay syempre istudyante. Tutulungan ninyo kami sa paano ang

negosyo.

Norby: Ok po. Ano po iyong mga natutunan ninyo?

Ate Vangie: Siguro ang natutunan ko eh. Kung paano pumasok sa isang negosyo.

Dapat maingat ka.

Norby: Salamat po. Bilang miyembro ng komite, ano po ang maitututlong ninyo?

Ate Vangie: Unang- una, suporta ko siguro sa pamamagitan ng lagi akong anjan sa

meeting.

Norby: Salamat po Ate Vangie.

(Pinuntahan sa bahay si Ate Mer. Tumigil sa paglalaba.)

Gretch: Kumusta po Ate Mer?


102 | P a g e
Ate Mer: Heto medyo maraming labahin. (ngiti)

Gretch: Bilang miyembro ng komite, ano po ang inaasahan ninyong tulong mula sa

amin.

Ate Mer: Eh sa puhunan sana.(tawa) Joke lang! Siyempre ang galing ninyo sa

pagnenegosyo. Iyong alam na maaring ipasa sa pamamagitan ng pagsasanay.

Gretch: Salamat po. Ano-anu naman po ang mga natutunan ninyo?

Ate Mer: Madami kaya ayoko ko munang mag-negosyo kasi kailangan maingat ka at

pag-aralan mabuti ang negosyo. Alam ninyo, gusto ko talagang makatulong sa mga tao

kaya nagdesisyon akong maging miyembro ng komite.

Gretch: Salamat po Ate Mer.

(Pinuntahan sa bahay si Ate Julieta. Tumigil sa paggawa ng suman.)

Gretch: Mukhang masarap iyan Ate Julieta ah.

Ate Julieta: Siyempre. (tawa)

Gretch: May mga katanungan lang kami ni Norby. Kayo po ba ay natutunan sa mga

trainings na aming ibinigay?

Ate Julieta: Oo naman. Dahil sa mga trainings na naibigay, naging maingat ako sa

mga negosyong pinapasok ko. Pinag-aaralan ko talaga. At epektibo siya. Salamat pala.

Norby: Salamat po. So bilang miyembro ng komite, ano maari ninyong maitulong?

103 | P a g e
Ate Julieta: Siguro sa ngayon wala pa kasi tinutulungan ko pa sa sarili ko sa negosyo.

Pero alam ninyo gusto ko talagang makatulong.

Norby: Maraming Salamat po.

(Napagkasunduan na ang regular na meeting ng komite ay tuwing 6:30pm sa bahay ni

Ate Maura. Naging blessing in disguise ang nangyaring pag-cancel ng meeting dahil

mas nakilala namin silang lahat at nalaman ang mga iniisip. Sa ganitong paraan ay

nakapag-reflect kami ni Norby at mas nakapag.plano sa susunod na atake.Napag-

alaman ding medyo napaghihinaan ng loob si Ate Maura ng loob kung kaya kailangan

siyang matutukan.)

104 | P a g e
Meeting with Other Secretaries - Secretarial Committee Members

5pm 18 April 2015/ Health Center, Bulacan Heights, Barangay Catacte

Municipality of Bustos, Province of Bulacan

TRANSCRIPTION

Norby: Welcome po sa inyong lahat. Sa tingin nu po anong kaibahan ng trabaho ninyo

sa trabaho ng Secretary ng kabuuan.

Ate Romela: Sa amin, sa komite lang ang focus.

Norby: Tama po!

Greta: Bali po ung mangyayari ay, ung minutes ng meeting ninyo sa mga komite ninyo

ay ibibigay ninyo kay Ate Rich para si Ate Rich ay maibigay kay Ate Meann.

Norby: So may ibinigay po na papel na may listahan ng tungkulin at responsibilidad,

kung maari po sana ay idikit o ipaskil nu po ito sa pader o dingding ninyo para maalala

ninyo po. So may mga hawak po kayong mga kopya ng mga tungkulin at

responsibilidad ng Secretarial Committee.

 Maayos at malinaw na pagtatala ng mga ulat ng organisasyon

 Pagbuo ng mga polisiyang may kinalaman sa maayos ng pagtatala, pagiingat, at

paguulat ng mga Komite ng organisasyon upang magsilbing gabay sa lahat ng

miyembro

105 | P a g e
 Magbigay ng suporta sa pangulo sa pagpapanatili ng kaayusan sa pamunuan sa

pamamagitan nang paggawa ng pangkalahatang ulat ng organisasyon tuwing

may pagpupulong.

 Paggawa ng opisyal na komunikasyon, resolusyon, at polisiya na may kinalaman

sa pagpapatakbo ng organisasyon

 Masusing pagiingat at pamamahala ng lahat ng dokumento ng organisasyon

 Pagsisiguro na lahat ng miyembro ng organisasyon ay may maayos at

kumpletong profile.

 Pagsasagawa ng buwanang pagpupulong ng Komite

 Pamamahala sa pagsasagawa ng general assembly o mga espesyal na

pagpupulong ng organisasyon.

 Pagsasagawa ng regular ng pulong upang pagusapan ang mga bagay-bagay na

may kinalaman sa administratibo na aspeto ng organisasyon.

Ate Joann: Ah ok, so parang nasa gitna si Rich at siya ang tutulong kay Meann. Pero

kami ay suporta kay Rich. Kung walang report mula sa amin,ay wala din.

Greta and Norby: Tama po kayo diyan!

Norby: So far, may katanungan pa bo kayo?

Ate Joann at Ate Romela: Wala naman.

106 | P a g e
(Sa nangyaring meeting, nagkaroon ng paglilinaw ang tungkulin at responsibilidad ng

Secretarial Committee at kung gaano ka-importante sa Bulacan Heights at sa

paparating na Summer Weekends Festival.)

Fifth Meeting (Activity Proposal) with Livelihood Committee Members

24 April 2015/ Blk 9 Lot 1, Bulacan Heights, Barangay Catacte

Municipality of Bustos, Province of Bulacan

TRANSCRIPTION

(Norby led the prayer)

Nag-kumustahan at si Ate Maura nag-open na mayroong gaganaping Summer

Weekend’s Festival.

Ate Maura: Nakakahiya lang kasi ang livelihood lang walang plano. Sa tingin ninyo, ano

pwede nating gawin?

Ate Carina: Ano bang meron?

Ate Maura: Ang ibang komite gusto ng fun run, marathon, volleyball, basketball, dance

contest.

Ate Carina: Pwede tayong magbenta ng malamig.

Ate Mer: Fishball, Kikiam

Ate Julieta: Maganda iyon.

107 | P a g e
Ate Maura: Pwede sa malamig ang mais con yelo.

(Dahil maraming suggestions, napagkasunduan ang mga ito:)

Malamig - Banana, Mais Con Yelo

Food: Fishball, Kikiam, Chicken Ball, Cheese Sticks, Mineral Water, Bread with Egg

Shifting Schedules:

Ate Julieta and Ate Nancy - Saturday

Ate Carina and Ate Mer – Sunday

Budget: 1,5 K

Gretch: So iyong kikitain po, saan po dadalhin?

Ate Maura at Ate Carina: Eh di itatago, para sa susunod mas malaki na capital.

Sa nangyaring meeting, napagkasunduang si Ate Julieta ang magiging kalihim at

dadalo sa meeting ng Secretarial Committee.

Ang proposal ay aayusin para ready na sakaling kakailanganin ng asosasyon.

108 | P a g e
Proposal Training - Secretarial Committee Members

7pm 25 April 2015/ Blk 20 Lot 8, Bulacan Heights, Barangay Catacte

Municipality of Bustos, Province of Bulacan

TRANSCRIPTION

Ate Rich: Welcome po sa inyong lahat. (She led the prayer). Nagpa.meeting po ako

para po makilala kop o kayo ng lubusan at i.discuss na rin po ang mga tungkulin at

responsibilidad natin bilang parte Secretarial Committee. Simulan po natin sa

pagpapakilala.

Ate Angel: Ako si Angel ng mula Phase 2, Block 2 Lot 7 ako.

Ate Joann: Ako po si Joann, taga- Block 12 lot 18 sa Peace and Order naman po ako

Ate Rich: (sinulat ang mga tungkulin at responsibilidad ng Secretarial Committee sa

Manila Paper), bale sa narito po ang mga tungkulin natin:

 Maayos at malinaw na pagtatala ng mga ulat ng organisasyon

 Pagbuo ng mga polisiyang may kinalaman sa maayos ng pagtatala, pagiingat, at

paguulat ng mga Komite ng organisasyon upang magsilbing gabay sa lahat ng

miyembro

 Magbigay ng suporta sa pangulo sa pagpapanatili ng kaayusan sa pamunuan sa

pamamagitan nang paggawa ng pangkalahatang ulat ng organisasyon tuwing

may pagpupulong.

109 | P a g e
 Paggawa ng opisyal na komunikasyon, resolusyon, at polisiya na may kinalaman

sa pagpapatakbo ng organisasyon

 Masusing pagiingat at pamamahala ng lahat ng dokumento ng organisasyon

 Pagsisiguro na lahat ng miyembro ng organisasyon ay may maayos at

kumpletong profile.

 Pagsasagawa ng buwanang pagpupulong ng Komite

 Pamamahala sa pagsasagawa ng general assembly o mga espesyal na

pagpupulong ng organisasyon.

 Pagsasagawa ng regular ng pulong upang pagusapan ang mga bagay-bagay na

may kinalaman sa administratibo na aspeto ng organisasyon.

Norby: Maraming Salamat po Ate Rich. Ngayon dahil po magkakaroon ng Summer

Weekend Festival dito sa Bulacan Heights, kailangan po natin magsanay sa paggawa

ng proposal at letter. Handa na po ba kayo?

Lahat: Oo.

Norby: So iyong una ay siyempre ang Title o Pangalan ng Event, tapos ang Tema.

Then Lugar, Petsa at Layunin. Pagkatapos nito ay mga Activities ng bawat komite.

Dapat masagot ang mga WH and H Questions. Syempre di pwedeng wala ang budget.

Iyong panghuli ay mga panauhing nais kumbidahin. Tapos siyempre ang Prepared by at

Approved by. Bale kayo po sa prepared by Ate Rich tapos si Ate Meann sa approved

by.

110 | P a g e
Ate Rich: Ah ok.Na.gets ko.

Norby: May katanungan pa po ba o klaripikasyon?

Lahat: Wala naman.

Norby: Ngayon naman po ay paggawa ng sulat/ letter:

Date:

Salutation:

Greetings:

Body of Letter (will include Objectives of the activity, objective of the letter and

request/invitation)

Closing:

Signature:

Ate Rich: Maari akong matulungan ni Ate Meann dito.

Norby: Bali po Ate Rich, ung sa proposal kailangan po munang makuha ninyo ang mga

proposal ng bawat committee para makumpleto at maibigay ninyo kay Ate Meann.

Ate Rich: Ah ok. Salamat naman.So mga Ate’s, maraming salamat sa pag.attend ng

ating meeting.

Note: Napagkasunduan na ang susunod na meeting ay tuwing Linggo ng gabi, 7pm sa

bahay nila Ate Rich.

111 | P a g e
Survey Training with Livelihood Committee Members

09 May 2015, Health Center Bulacan Heights, Barangay Catacte

Municipality of Bustos, Province of Bulacan

TRANSCRIPTION

Norby: Magandang gabi po sa inyong. Bali ung purpose ng meeting na ito ay para

maturuan po kayo kung paano maging field researcher at mas lalo ninyong malaman

kung papaano ang maayos na pag.susurvey. Ngayon po kasi may oportunidad na

binibigay na maaring kayo po sa livelihood ay makakatulong. So umpisahan po natin sa

layunin ng pagsasanay na ito. Mga Layunin:

- Magkaroon ng pagsasanay kung papaano mangalap ng impormasyon na may

kinalaman sa pagnenegosyo.

- Sama-samang pagbusisi ng paggawa ng questionnaire may kinalaman sa

pagnenegosyo.

- Paghahanda sa pagsagawa ng Survey.

1. Maayos na pananamit

2. Magsuot ng ID

3. Unawaan ang Survey

4. Magdala ng Ballpen, Notebook at Salamin (kung kinakailangan)

5. Tamang pagpapakilala (Name, Blk, Layunin ng interview)

6. Pamamaalam (Salamat)

Norby nagbigay ng sample (Sikhay na sample survey)

112 | P a g e
Ate Maura: Kailangan bang kami magsabi.

Norby: Opo, pero kasi iyong sinasabing oportunidad ay kailangan pa pong pag-usapan

ng mabuti.

Gretch: Bali, ngayon po nasa pamunuan po muna iyon pero dahil negosyo po iyon

baka po sa inyo po ibigay ang gawain.

Norby: Parang paghahanda po ito na kung sakali man. At least ready na po kayo.

Norby explained the parts of survey questionnaire.

1. Personal Information – Name is optional, Educational Background,

Work/Trabaho, Religion, Buwanang Kita ng pamilya (may range), Kasapi ng

Organisasyon, Pinagmulan na lugar ng pamilya, Pinagmulan na lugar bago ditto

nalipat

2. Work/Business Information – Work(Where), Buwanang Kita - importante para

malaman ang market, Klase ng trabaho, Arawang Kita, Ilang araw nagtratrabaho,

Payday,

3. Transportation – Magkano ang Pamasahe,

(Norby explained the importance of transportation)

Norby: Sa pamamagitan ng survey na ito, nagkakaroon ng numero ang

nangangailangan ng ganitong bagay or pagkain.

4. Isyung Pang-kumunidad tulad ng seguridad at kaligtasan – may epekto sa pag-

nenegosyo

113 | P a g e
Norby: So bale po last training na po ito namin sa inyo at sana po ay may natutunan

kayo. Kasi nagkakaroon na pong mukha ang AMBUH at marami na pong oportunidad

na lumalapit sa inyo.

Norby and Gretch: Salamat po sa inyo.

114 | P a g e
Financial Forms Lecture with Finance Committee Members

8:30 am May 10, 2015/ Block 23 Lot 26, Bulacan Heights, Barangay Catacte

Municipality of Bustos, Province of Bulacan

TRANSCRIPTION

Ate Wing: Ako po ay nagpatawag ng meeting dahil nais ko pong ipaalam sa inyo ang

polisiyang pang-pinansyal na nagawa ng komite. Kung mamarapatin ninyo po, bibigyan

ko kayo ng kopya isa-isa at kelangan ninyo po itong pirmahan. Ito para rin po sa

kapakanan nating lahat. (see attachments)

Ate Meann: Para po itong proteksyon sa ating lahat.

Inexplain ni Ate Wing ang gamit ng Purchase Order at Purchase Request kasama rin

ung Confirmation of Payment. Dinagdag niya rin ang sinusunod nyang format ng

financial report.

Ate Wing: Idagdag ko na rin po dahil nalalapit na po ang Summer Weekends Festival

ay may plano po ang komite na mangolekta na rin ng pre-registration fee na Php 20

para sa Fun run bali isasabay siya Damayan para sa Humps.

Ate Rowena: Ah ganun ba. Cge para mas madali yan.

Kuya Gerry: May iskedule na rin kasi tayo sa pangungulekta.

Ate Wing: May mga katanungan pa po ba?

Lahat: Wala naman.

115 | P a g e
Norby: May isasanguni lang po sana kami. Ito ay tungkol sa sulat o letter na isasama

po sa proposal para sa Summer Weekends Festival, kung ok po sa inyo?

Gretch: May idagdag lang din po sana para lang po makumpleto ang proposal.

Kailangan po kasi ng tema.

Madaming suhestiyon:

Ate Rowena: Sama-Sama, Kayang, Kaya tungo sa katahimikan at kaunlaran ng

Bulacan Heights

Kuya Boyet: Progresibo at Aktibong sama-sama para sa kaunlaran ng Bulacan Heights

Tay Manding: Kilos na! Tara na sa Bulacan Heights.

Ate Meann: Sama-sama, nagkakaisang damdamin para sa Bulacan Heights

Napagkasunduan ang nasa ibabang tema:

‘Sama-sama at kayang-kaya tungo sa progresibo at mapanlahok na paghakbang

para sa kaunlaran ng Bulacan Heights.’

Ate Wing: Maraming salamat po sa pagpunta at excited na ko sa proyektong ito.

Note: 11 out of 14 Officers ang present.

116 | P a g e
117 | P a g e
118 | P a g e
119 | P a g e
120 | P a g e
121 | P a g e
122 | P a g e
123 | P a g e
124 | P a g e
125 | P a g e
126 | P a g e
127 | P a g e
128 | P a g e
129 | P a g e
130 | P a g e
131 | P a g e
132 | P a g e
133 | P a g e
134 | P a g e
135 | P a g e
136 | P a g e
137 | P a g e
138 | P a g e
139 | P a g e
140 | P a g e
141 | P a g e
142 | P a g e
143 | P a g e
144 | P a g e
145 | P a g e
146 | P a g e
147 | P a g e
148 | P a g e
149 | P a g e
150 | P a g e
151 | P a g e
152 | P a g e
153 | P a g e
154 | P a g e
155 | P a g e
156 | P a g e
157 | P a g e
158 | P a g e
159 | P a g e
160 | P a g e
161 | P a g e
162 | P a g e
163 | P a g e
164 | P a g e
165 | P a g e
166 | P a g e
167 | P a g e
168 | P a g e
169 | P a g e
170 | P a g e
171 | P a g e
172 | P a g e
173 | P a g e
174 | P a g e
175 | P a g e
176 | P a g e
177 | P a g e
178 | P a g e
179 | P a g e
180 | P a g e
181 | P a g e
182 | P a g e
183 | P a g e
184 | P a g e
185 | P a g e
186 | P a g e
187 | P a g e
188 | P a g e
189 | P a g e
190 | P a g e
191 | P a g e
192 | P a g e
193 | P a g e
194 | P a g e
195 | P a g e
196 | P a g e
197 | P a g e
198 | P a g e
199 | P a g e
200 | P a g e
POLISIYANG PANG-PINANSYAL

 Ang Pangulo, Ingat Yaman, at Auditor ang mga opisyal na representante ng AMBUH,
na may karapatang humawak at pumirma ng mga dokumentong pang-pinansyal ng
asosasyon tulad ng mga sumusunod: (a) withdrawal slip, (b) deposit slip, (c) financial
statement, (d) petty cash voucher, (e) liquidation report, (f) pay slip, (g) request letter at
iba pang dokumento.

 Sa pagbili ng anumang kagamitan, kinakailangang magsumite ng purchase request


upang maihanda ng purchasing officer ang purchase order (PO). Ang pangulo ay may
karapatang pumirma sa PO na ang halaga ay mula Php 1.00 hanggang Php 5000.00.
Kung ang PO ay may halagang Php 5001 pataas, kinakailangang ang pirma ng mga
tagapayo.

 Ang Ingat Yaman ang siyang may karapatang mag-issue ng pera sa taong inatasang
mamili, gamit ang petty cash voucher.

 Pagkatapos mamili, kinakailangang magsumite ng liquidation report, kung saan


nakadetalye ang lahat ng pinamili at mga resibo nito. Ito ay bubusisiin ng Auditor upang
masiguro ang kawastuhan ng detalye.

 Sa pagbili ng mga bagong kagamitan (equipment) kailangang magsumite ng sulat ang


Committee Head sa Pangulo upang ipaliwanag ang dahilan sa plano nang pagbili. Ito ay
paguusapan sa management meeting upang masiguro ang kawastuhan ng proseso,
kasama na ang pagsasagawa ng bidding. Kung ito ay ma-aprubahan, ang purchasing
officer ang siyang tututok sa proseso ng pagbili sa patnubay ng Pangulo at Ingat Yaman.

 Sa proseso nang pag-withdraw ng pera sa bangko, kailangan itong pagusapan sa


pulong, bago pumirma ang Pangulo, Ingat Yaman, at Auditor.

 Ang Ingat Yaman ang siyang opisyal na mag-issue ng sales invoice/official receipt sa
customer. Siya, kasama ang Pangulo ang dapat pumirma sa nasabing dokumento.

201 | P a g e
 Ang ulat pang-pinansyal ay dapat gawin ng Ingat Yaman tuwing ikaanim na buwan at
dapat busisiin ng Auditor. Sa kabilang banda, ang ulat ng ingat yaman ay dapat gawin
buwan buwan.

 Ang petty cash ng AMBUH ay di dapat lalampas sa halagang Php 500 piso, habang ang
kaparehan ay dapat naka-deposit sa bangko.

Pinagtibay nina:

Petsa

Gng. Mary Ann C. Juanillo Gng. Rowena R. Juarez Bb. Ann Richelle Q. Javier
Pangulo Pangalawang Pangulo Kalihim

Gng. Edwina M. Ruz G. Gerry D.G. Lagunsad Gng. Maura L. Tuazon


Ingat Yaman Taga-suri Taga-suri

Gng. Alma G. Escubido Gng. Amalia L. De Jesus Gng. Jocelyn E. Balacano


Tagapagbalita Tagapagbalita Tagapagbalita

Gng. Flordeliza P. Sebastian G. Maximo G. Rosales G. Percival Perez


Tagapagbalita Tagapamayapa Tagapamayapa

G. Armando Cayetano
Tagapamayapa

202 | P a g e
LOGISTICS MANAGEMENT SYSTEM

 Ang mga sumusunod ay ang miyembro ng Komite ng Logistics: inventory officer,


purchasing officer, at asset management officer.

 Ang mga opisyales na ito ang tanging may karapatan at may awtoridad na gawin ang mga
responsibilidad ng nasabing komite, maliban na lamang kung magdedesisyon ang
pamunuan na magdagdag ng karadgang miyembro ng nasabing komite ayon sa
pangangailangan.

A. PURCHASING MANAGEMENT (PAGBILI NG KAGAMITAN)

(a) Pagbusisi ng Purchase Request- pagkatapos maisumite ang purchase request (2


kopya), bubusisiin ito ng purchasing officer upang siguruhin ang kawastuhan ng
mga detalye. Kung ito ay maayos na, ito ay ipapasa ng purchasing officer sa
pangulo for approval.

(b) Paggawa ng Purchase Order- kapag naa-prubahan ang purchase request,


ihahanda ng purchasing officer ang purchase order for approval ng pangulo.

(c) Ang unang kopya ng purchase order (approved) ay dapat itabi ng purchasing
officer, habang ang ikalawang kopya naman ay dapat isumite sa kalihim ng
asosasyon.

(d) Sa pagbili ng kahit anumang kagamitan ng asosasyon, kinakailangang sundin


ang polisiyang pang-pinansiyal at pagbili.

B. INVENTORY MANAGEMENT

(a) Ang Komite ng logistics sa pangunguna ng inventory officer ay magsasagawa


ng inventory (pagbibilang) ng supplies, kagamitan, at equipment kada buwan.
Ayon sa pangangailangan, maaaring magsagawa ng special inventory.

(b) Pagkatapos nang pagsasagawa ng inventory, dapat magsumite ng ulat ang


inventory officer sa pangulo. Sa mga pagkakataon na may problema, dapat
magisip ng agarang solusyon ang pangulo katuwang ang inventory officer. Ito ay
dapat iulat sa regular na meeting upang mapagusapan.

203 | P a g e
(c) Upang ma-monitor ng maayos ang paggamit ng supplies, ang lahat ay
inaasahang gamitin ang supplies monitoring form. Ito ay palagiang imo-monitor
ng inventory officer upang masiguro ang kawastuhan.

C. ASSET MANAGEMENT

(a) Bago gumamit ng kahit anumang kagamitan, dapat magsumite ng request form
for approval ng inventory officer o asset management officer. Walang sinuman
and pinapayagang gumamit ng kahit anumang kagamitan ng AMBUH ng walang
approval ng awtoridad. Ang inventory at asset management officers lamang ang
may karapatan na magpahiram/magissue ng mga kagamitan kapag naaprubahan
ang request.

(b) Kada buwan, ang asset management officer ay dapat magsagawa ng check up
at maintenance ng lahat ng equipment.

Pinagtibay nina:

Petsa:

Gng. Mary Ann C. Juanillo Gng. Rowena R. Juarez Bb. Ann Richelle Q. Javier
Pangulo Pangalawang Pangulo Kalihim

Gng. Edwina M. Ruz G. Gerry D.G. Lagunsad Gng. Maura L. Tuazon


Ingat Yaman Taga-suri Taga-suri

Gng. Alma G. Escubido Gng. Amalia L. De Jesus Gng. Jocelyn E. Balacano


Tagapagbalita Tagapagbalita Tagapagbalita

Gng. Flordeliza P. Sebastian G. Maximo G. Rosales G. Percival Perez


Tagapagbalita Tagapamayapa Tagapamayapa

G. Armando Cayetano
Tagapamayapa

204 | P a g e
PURCHASE REQUEST
(Please prepare two copies)

PR No.:

Item/s Unit Price Quantity Sub-Total

TOTAL

Prepared by: Checked by: Approved by:

Name: Name: Name:


Position: Position: Purchasing Officer Position: President
Date: Date: Date:

205 | P a g e
PURCHASE ORDER
(Please prepare two copies)

Name of Supplier/s: Date:


Address: PO for PR No.:
Contact Person:
Contact Details:

Item/s Unit Price Quantity Sub-Total

TOTAL

Prepared by: Approved by:

Name: Name:
Position: Purchasing Officer Position: President
Date: Date:

206 | P a g e
PROPERTY MAINTENANCE FORM

Name of Asset: Price:


Date of Purchase: Purchased by:

Date Findings/Recommendations Signature

Checked by:

Name: Date:

SUPPLIES MONITORING FORM

Name of Items: Price:


Date of Purchase: Purchased by:

Inventory (Count) Date Counted by/Signature

Checked by:

Name: Date:

207 | P a g e
REQUEST FOR THE USE OF SUPPLIES/TOOLS/EQUIPMENT
Name:
Date:
Purpose:

Ingredients (Supplies) Tools Equipment

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Qty. Qty. Qty.

Requested by: Approved by:


Name: Name:
Position: Position:

208 | P a g e
Ika- 10 ng Mayo 2015

______________________________
______________________________
______________________________

Magandang araw po!

Kami po sa Asosasyon ng mga Mamamayan ng Bulacan Heights (AMBUH) ay lubos na


nagpapasalamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa aming asosasyon, at sa buong komunidad
ng Bulacan Heights. Ang suporta na inyo pong patuloy na ipinagkakaloob sa amin ay
nagsisilbing pundasyon at inspirasyon namin sa AMBUH upang ipagpatuloy ang aming
mga magagandang simulain.

At upang ipagdiwang ang mga ito, napagkasunduan po namin sa AMBU na magsagawa ng


isang Summer Weekend’s Festival na may temang “Sama-sama at Kayang-kaya tungo sa
progresibo at mapanlahok na paghakbang para sa kaunlaran ng Bulacan Heights” sa
darating na ika- 23 hanggang 24 ng Mayo sa Bulacan Heights. Layunin po nitong
mapagigting pa ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan sa aming lugar, at
gayundin ay mapataas ang kanilang kamalayan patungkol sa mga programa ng bawat
komite ng AMBUH. Ilan po sa mga mahahalagang aktibidad ng nasabing pagtitipon ay ang
mga sumusunod:

Ika-23 ng Mayo 2015/Sabado Ika- 24 ng Mayo, 2015/ Linggo


Opening Ceremony Zumba Session
Fun Run 2015 Marathon
Philippine Games Dance Contest
Art Contest Awarding and Closing Ceremony

Kaugnay po nito, nais po sana naming humingi ng suportang pinansyal o materyal


(medal/premyo) mula sa inyong opisina upang maisagawa ng matagumpay ang mga
nabanggit na aktibidad. Asahan po niyo na gagamitin ng maayos at wasto ang anumang
halaga/bagay na inyong maipagkakaloob. Maaari din po ninyong asahan na ang AMBUH ay
magsusumite ng ulat pinansyal patungkol sa nasabing aktibidad.

Kung inyo pong mamarapatin, nais din po sana namin kayong imbitahan na dumalo sa
nasabing Summer Weekend Festival, upang magkaroon po tayo ng pagkakataon na
ipagdiwang ng sama-sama ang ating magagandang nasimulan. Kung mayroon po kayong
katanungan, maaari po kayong makipagugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming pangulo
na si Gng. Mary Ann C. Juanillo (09192763895) o sa aming ingat yaman na si Gng.
Edwina M. Ruz (09234862349).

209 | P a g e
Muli, marami pong salamat sa inyong walang sawang pagsuporta.

Lubos na gumagalang,

Gng. Mary Ann C. Juanillo Gng. Rowena R. Juarez Bb. Ann Richelle Q. Javier
Pangulo Pangalawang Pangulo Kalihim

Gng. Edwina M. Ruz G. Gerry D.G. Lagunsad Gng. Maura L. Tuazon


Ingat Yaman Taga-suri Taga-suri

Gng. Alma G. Escubido Gng. Amalia L. De Jesus Gng. Jocelyn E. Balacano


Tagapagbalita Tagapagbalita Tagapagbalita

Gng. Flordeliza P. Sebastian G. Maximo G. Rosales G. Percival Perez


Tagapagbalita Tagapamayapa Tagapamayapa

G. Armando Cayetano
Tagapamayapa

210 | P a g e
FIELD INTEGRATION PROGRAM MIDSEM SHARING
“Talk Show Format: Aquino and Abunda Tonight”
Written by: Norby R. Salonga

[BACKGROUND SONG; LIGHTS OFF; AT THE COUNT OF 5 THE HOSTS WILL INTRODUCE THEMSELVES]

BOY: LAHAT NG MAIINIT NA BALITA NG BAYAN

KRIS: MGA PINAGUUSAPANG PANGALAN AT LAHAT NG DAPAT NINYONG MALAMAN

BOY: ITO PO ANG AQUINO

KRIS: AND ABUNDA

BOTH: TONIGHT

BOY: GOOD AFTERNOON KRISSY!

KRIS: HELLO BOY. HAHAHA (HAWI NG HAIR).

BOY: YOU LOOK GORGEOUS TODAY KRISSY…DAHIL BA ‘YAN NALIPAT NA TAYO NG TIMESLOT?

KRIS: HAHAHA, BOY, NAKAKATAWA KA, OFCOURSE NOT, I’M ALWAYS GORGEOUS YOU KNOW…

BOY: I LOVE YOUR OUTFIT TOO!

KRIS: THANK YOU BOY, O SIGE NA, MAUPO NA TAYO. PAGAGALITAN NA NAMAN TAYO NG DIRECTOR
PAG-NAG-OVERTIME TAYO. 30 MINUTES LANG DAW ANG SHOW NATIN, INTRODUCTION PALANG EH 5
MINUTES NA. HAHAHA (HAWI NG HAIR)

BOY: TAMA KA DYAN KRISSY. BY THE WAY, EXCITED AKO NGAYON SA ATING PAG-UUSAPAN.

KRIS. ME TOO BOY! SOBRANG BAGO AND THIS IS GOING TO BE THE FIRST TIME THE WE’LL BE
DISCUSSING THIS KIND OF TOPIC AND INTERVIEWING PEOPLE FROM THE DEVELOPMENT FIELD.

BOY: AND YOU KNOW KRISSY, IT EXCITES ME EVEN MORE WHEN I LEARNED THAT WE’RE GOING TO
TALK ABOUT AN INPIRATIONAL STORY OF A RELOCATION SITE IN BULACAN.

KRIS: YES BOY, TAMA KA DIYAN, SO PAANO, LET’S START?

***

BOY: MGA KAPAMILYA, NASA INYO PONG MGA TV SCREEN ANG MGA LARAWAN NG BULACAN
HEIGHTS—ISANG RELOCATION SITE NA MATATAGPUAN SA BARANGAY CATACTE, BUSTOS BULACAN.
NAGMULA PO ANG MGA TAO SA MGA KARATIG NA BAYAN NG BUSTOS GAYA NG BALIWAG O DI KAYA
MISMONG NANGGALING SA LOOB NG BAYAN .

211 | P a g e
KRIS: OH MY GOD BOY, THERE’S SO MANY PEOPLE OUT THERE NA PALA… I THINK THAT’S ONE OF THE
PROGRAMS OF NATIONAL HOUSING AUTHORTY, RIGHT? WELL, UNDER THE OFFICE OF MY KUYA, SI
PNOY. (HAHAHA; HAWI NG HAIR)

BOY: TAMA KA DIYAN KRISSY! AT ALAM MO BA? [‘DI PA BOY, HAHA] , AYON SA PAGAARAL NG
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS-CSWCD, ANG KARANIWANG DAHILAN NG PAGLIPAT NG MGA TAONG ITO
AY ANG MGA SUMUSUNOD: (1) RE-DEVELOPMENT PROJECT NG GOVERNMENT; O DINA KAYA NAMAN
AY DAHIL (2) MALAPIT SA DANGER ZONES NA TINATAWAG GAYA NG ILOG.

KRIS: AH GANUN BA? AH I FEEL SORRY FOR THEM, ANG HIRAP SIGURO NG BUHAY DOON BOY NO?

BOY: YES KRISSY, BUT WHAT’S SURPRISING IS THAT NAGSIMULA NANG MAGING ORGANISADO ANG
LUGAR. KATANUYAN, MAYROON NA SILANG ASOSASYON NA ANG PANGALAN AY ASOSASYON NG
MAMAMAYAN NG BULACAN HEIGHTS O AMBU KUNG TAWAGIN.

KRIS: AY BONGGA, SI PNOY NA TALAGA! HAHAHA

BOY: NO KRISSY, SILA NA TALAGA! ANG MGA TAO ANG MAGALING!

KRIS: WAIT LANG BOY, EH HOW DID THEY DO THAT? WHO HELPED THEM? HOW DID THEY GET THERE?

BOY: YAN AT ANG IBA PA, SA PAGBABALIK NG AQUINO

KRIS AND ABUNDA

BOTH: TONIGHT!

[SOUNDS, LIGHTS OFF; ENTRANCE OF ONE REP FROM UNDERGRAD FOR INTERVIEW]

***

KRIS: HELLO KAPAMILYA, WELCOME BACK! HAHAHAHA (HAWI NG HAIR)

BOY: KRISSY, KASAMA NATIN NGAYON ANG ISANG ESTUDYANTE NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS.

KRIS: OH MY GOSH, UP! HI KAPITBAHAY, I’M KRIS, I’M A GRADUATE OF AB ENGLISH LITERATURE FROM
ATENEO DE MANILA UNIVERSITY.

BOY: OK NA KRISSY, ELMER IS HERE TO SHARE WITH US HOW THEY STARTED ORGNIZING THE PEOPLE OF
BULACAN HEIGHTS AND THE STORY BEHIND AMBU.

BOY: ELMER, TELL US, HOW DID YOU START? I MEAN, PAANO NYO INORGANISA ANG MGA TAO?

[ELMER WILL PROVIDE QUICK OVERVIEW OF THE CO PROCESSES OF LAST’S SEMESTER; BOY AND KRIS
MAY THROW QUESTIONS FOR CLARITY]

212 | P a g e
KRIS: OH, THAT’S INTERESTING BOY! NOW IN UNDERSTAND, THAT IT’S THE PEOPLE OF AMBU WH MADE
EVERYTHING POSSIBLE.

BOY: YES, KRISSY, I’D LIKE TO SHARE A WORLDWIDE TRENDING STATEMENT OF DR. MANALILI OF
CSWCD: FIND WHERE THE PEOPLE ARE AND BUILD FROM WHAT THEY HAVE

KRIS: OH BOY, THAT’S SO BONGGA HA!!! I SUDDENLY FEEL PRESSURED, I NEED TO HAVE ONE
WORLDWIDE TRENDING STATEMENT TOO! I’M THE QUEEN OF ALL MEDIA YOU KNOW, BOY! HELP ME

BOY: KRISSY, KAKASABI LANG EH.

BOY: OKAY, ELMER, SA KASALUKUYAN, ANO ANG INYONG GINAGAWA? I MEAN, UPANG ITULOY ANG
INYONG MAGANDANG NASIMULAN?

[ELMER WILL SHARE WHAT ARE THE ONGOING CD/CO THEY DO WITH GRADUATE STUDENTS; BOY AND
KRIS MAY THROW QUESTIONS FOR CLARITY]

KRIS: THAT SOUNDS INTERESTING! OKAY, I’D LIKE TO KNOW MORE ABOUT THIS YEAR’S OBJECTIVE OF
THE FIP AS WELL AS THE…WELL, IF THERE ARE OPPORTUNITIES AND CHALLENGES ALONG THE WAY

BOY: PLUS, THE CD/CO STRATEGIES. IYAN AT IBA PA SA PAGBABALIK NG AQUINO

KRIS: AND ABUNDA

BOTH: TONIGHT

[SOUNDS, LIGHTS OFF; ENTRANCE OF NORBY FOR INTERVIEW]

KRIS: OH, WE’RE BACK, SORRY, BOY WENT TO ANOTHER STUDION FOR A WHILE…HE’LL BE BACK LATER.

KRIS: MGA KAPAMILYA, THIS IS NORBY, ANOTHER STUDENT OF UP, BUT A MASTERAL STUDENT.

KRIS: OH, BESO-BESO MUNA. HAHAHA (HAWI NG HAIR)

KRIS: OKAY, NORBY, IT HEARD THAT THIS IS YOUR FIRST SEMESTER IN THE AREA, COULD YOU TELL US
MORE ABOUT THE TEAM’S OBJECTIVE OF FIP?

[NORBY WILL SHARE WHAT ARE THE OBJECTIVES; KRIS MAY THROW QUESTIONS FOR CLARITY]

KRIS: OKAY, MAYBE YOU KNOW THAT I’M NOT SO FAMILIAR WITH CD (HAHAHA) BUT I WANNA ASK,
COULD YOU TELL US YOU TEAM’S STRATEGIES AND WHY DID YOU CHOOSE THEM?

[NORBY WILL SHARE ABOUT THE STRATEGIES; KRIS MAY THROW QUESTIONS FOR CLARITY]

KRIS: AH, NICE. OKAY, I KNOW THAT YOU’RE DOING CO/CD INITIATIVES IN THE AREA USING THE
OBJECTIVES/STRSTEGIES THAT YOU MENTIONED AS GUIDING LIGHT. BUT I’D LIKE TO ASK…WELL

213 | P a g e
BECAUSE I’M CURIOUS LANG AH (YOU KNOW, I AM THE QUEEN OF TALK), HAVE YOU ENCOUNTERED
DIFFICULTIES/CHALLENGES ALONG THE WAY? AND WHAT DID YOU DO TO ADDRESS THEM?

[NORBY WILL ANSWER; KRIS MAY THROW QUESTIONS FOR CLARITY]

KRIS: AH SO MAY MGA GANUNG EFFECT PALA. HAHAHAHA (HAWI NG HAIR)

NORBY: SMILE

KRIS: OKAY, I LOVE THIS… I’M LEARNING A LOT. MAYBE I SHOULD TELL PNOY AND BINAY TO ENROL
THEMSELVES IN CD. HAHAHA (HAWI NG HAIR)

KRIS: OKAY, SUSUNOD, PAGUUSAPAN NATIN ANG PERSONAL REFLECTIONS OFCOURSE NI NORBY, AT NG
ISA PANG GRADUATE STUDENT NA SI GRETA. ‘YAN AT IBA PA SA PAGBABALIK NG AQUINO AND ABUNDA
TONIGHT!

[SOUNDS, LIGHTS OFF; ENTRANCE OF GRETCH FOR INTERVIEW]

BOY: WELCOME BACK TO ME IN AQUINO AND ABUNDA TONIGHT. OKAY, HW SHOULD I CALL YOU,
GRETHCHEN, GRTHECH OR GRETA (LA VENDETTA). HAHA (JUST KIDDING HIHIHI).

GRETCH: GREAT NALANG PO TITO BOY

BOY: PARA PO SA KAALAMAN NG LAHAT, KRISSY HAD TO GO BECAUSE BIMBY CALLED HER FOR A
LULLABY SONG. HAHAHA.

BOY, ANYWAY, WELCOME TO SHOW GRETA. OH, YOU HAVE THE SAME DRESS AS KRISSY!

GRETA: GANUN PO, IM FLATTERED.

BOY: YOU SHOULDN’T, I HAVE A SUGGESTIONS, YOU SHOULD HIDE WHEN SHE COMES BACK OR ELSE.
HAHAHA (KUST KIDDDING)

BOY: YOU’VE BEEN THERE FOR ALMOST 2 MONTHS ALREADY, COULD YOU SHARE ABOUT YOUR
PERSONAL REFLECTIONS?

[GRETA WILL SHARE ABOUT THE REFLECTIONS; POWERPOINT WILL BE SHOWN ON SCREEN; BOY MAY
THROW QUESTIONS FOR CLARITY]

BOY: OH, THAT’S INPIRING REALLY INSPIRING (HIHIHIHI)

BOY: I HAVE A MISS UNIVERSE QUESTIONS FOR YOU GRETA, IF YOU WERE TO TELL THE WORLD A
LESSON FROM YOUR FIELDWORK EXPERIENCE, WHAT WOULD IT BE AND WHY?

[GRETA WILL ANSWER]


214 | P a g e
BOY: THANK YOU GRETA.

[GRETA TO EXIT; THEN KRIS WILL COME IN]

KRIS; HI BOY, SORRY, I HAD TO LEAVE EALIER. HELLO KAPAMILYA, THE QUEEN OF ALL MEDIA IS BACK!

BOY: LET’S THANK OUR SPONSORS FIRST  PLAY BACKGROUND MUSIC AND SHOW BACKGROUND ON
PPT

KRIS: AH YEAH, THANK YOU PROF. GABO CONSULTING FOR 1 MILLION WORTH OF GUIDANCE

BOY: PROF. FERRER FOR 1 MILLION WORTH OF DIRECTION. AND PROF. SAM FOR 1 MILLION WORTH OF
FREE TRANSPORTATION AND GUIDANCE AS WELL.

KRIS: OFCOURSE, THANK YOU DEVELOPER FOR THE FREE HOUSE AND LOT UNIT IN BUSTOS

BOY: MAYOR’S OFFICE FOR THE FREE FOLDING BED, STOVE, AND CHAIRS. (HAHAHAHA)

KRIS: AND TO OUR GUESTS, ELMER, NORBY, AND GRETA, WITH PAUL AND MYRON

BOY: OK, MAGANDANG HAPON SA INYONG LAHAT, ITO PO ANG SA AQUINO

KRIS: AND ABUNDA

BOY: TONIGHT

PLAY BACKGROUND MUSIC AND SHOW BACKGROUND ON PPT

[END OF SHOW]

215 | P a g e

You might also like