You are on page 1of 6

FILIPINO 1

KOMUNIKASYON SA
AKADEMIKONG FILIPINO

MIDTERM
MODYUL 1
KALIKASAN AT URI NG
KOMUNIKASYON

GINALYN O. QUIMSON
Guro
KALIKASAN NG KOMUNIKASYON

 KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON
- Isang sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya at kaalaman ng isang tao sa kanyang kapwa tao.
- Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communicare na ang ibig sabihin ay maibahagi. Ito ay pagtatalaga ng kahulugan
sa mensaheng kilos o pangyayari.

- “Ang komunikasyon ay isang paraan ng paghahatid at pagtatanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng magkakambal na
proseso ng pagsasalita, pakikinig, at pag-unawa. Walng nagaganap na komunikasyon kung walang nagsasalita o kung may nagsasalita
man subalit walang nakikinig”
LORENZO ET.AL., (1994)

- “Ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.”
WEBSTER

-
“Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay ang pasalita o pasulat na pagpapahayag o pagpapabatid ng iniisip o dinarama sa isang
paraang mabisa at kalugod-lugod.”
BUENSUCESO (1984)
 KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
1. Nagbibigay-pagkakataon na ibahagi ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang nadarama
2. Nagkakaroon ang tao ng ganap na kabatiran tungkol sa sariling pagkatao batay sa perspektiba
3. Napaglalapit ng komunikasyon ang mga pusong magkakalayo kahit sa espasyo, dingding, tubig o pulo man ang pagitan.
4. Napag-iisa kundi man ay napaglalapit ang dalawang taong may hidwaan.
5. Nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga kaalamang mahalaga at kailangan sa kanilang buhay.
6. Nauunawaan ng tao ang tamang paggamit ng kanyang WIKA.

 LAWAK NG KOMUNIKASYON
 Ito ay tumutukoy sa dami ng bilang ng mga kalahok sa proseso ng komunikasyon o lawak na sakop ng komunikasyon.
 Ilan sa mga uri nito:
(1) Intrapersonal na Komunikasyon
(2) Interpersonal na Komunikasyon
(3) Komunikasyong Panggrupo
(4) Komunikasyong Pampubliko
(5) Komunikasyong Pangmadla

1. Intrapersonal na Komunikasyon
Kilala rin bilang komunikasyong pansarili. Madalas, hindi maikakailang ang ganitong lebel ng komunikasyon ay nagpapatunay na likas
sa isang indibidwal ang maging rasyonal. (panaginip, meditasyon, kontemplasyon)

2. Interpersonal na Komunikasyon
Tumutukoy sa dalawang indibidwal na nagpapalitan ng mga ideya batay sa karanasan, trabaho, at mga kaugnay nito. Kadalasan,
ayon kina Knapp at Daly (2000) ang mga sangkot dito may malinaw na relasyon sa isa’t isa. Sa lebel na ito mahalaga ang pakikinig at
pagtugon upang makabuo ng relasyon ayon kina Verderber.

3. Komunikasyong Panggrupo
Ayon kina Beeve at Masterson (2006), ito ay lebel ng komunikasyon na kinasasangkutan ng 3 hanggang 20 tao. Kung saan ang
proseso ng komunikasyon ay pwedeng gawin sa mediated o face to face na pamamaraan.

4. Pampublikong Komunikasyon
Lebel ng komunikasyon na pormal (planado ang pagdiriwang) na maituturing. Ito ay kinasasangkutan ng mahigit 20 tagapakinig. Sa
lebel na ito ay inaasahang handa ang tagapagsalita.

5. Komunikasyong Pangmadla
Ito ay lebel ng komunikasyon kung saan hindi malinaw sa tagapaghatid ng mensahe kung anong uri o saang pangkat kabilang ang
kanyang mga tagapakinig/manonood. Ito ay isang uri ng mediated communication. At itinuturing bilang pinakapormal at
pinakamagastos na lebel ng komunikayson.

 URI NG KOMUNIKASYON
I. Berbal na Komunikasyon
 Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaaring
pasulat o pasalita.

II. Di berbal na Komunikasyon


 Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw.
 Ito rin ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita,
titik o tunog.
 Isang detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.
 IBA’T IBANG ANYO NG DI- VERBAL NA KOMUNIKASYON

1. Kinesika (Kinesics)
o Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi
man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating
iparating sa iba. (kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at kilos, kumpas ng kamay)
a. Ekspresyon ng Mukha
 Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis,
tulala kung naguguluhan o nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang ipinapahayag.
b. Galaw ng Mata
 Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba ang mensaheng ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng
kilos ng mata.

c. Kumpas
 Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas,
pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipag-alitan,mga
pagpapakita ng karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang iba. Ang anumang sinasabi ng isang tao ay
naipahahayag na may kasamang kumpas at nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe.

d. Tindig o Postura
 Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.

2. Proksemika (Proxemics)
o Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo o distansya, isang katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang
antropologo.

3. Pandama o Paghawak (Haptics)


o Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon.
Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob. Halimbawa: -
Pagyakap – Paghaplos

4. Paralanguage
o Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita
o Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa
bahaging ito ang pagsutsot, buntung- hininga, ungol at paghinto.
o Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita o
pangungusap.

5. Katahimikan/Hindi Pag-imik
o Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-
organisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe na
sasabihin pa ng tagapagsalita.
o May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang kalooban ng iba.
o Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang tao sa ibang tao.

6. Kapaligiran
o Nagsisilbing komunikasyong di-verbal sapagkat ito ay kailangan ng tao upang maganap ang interaktibo at komunikatibong
gawain sa buhay.
o Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng
kapaligiran.
o Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang magaganap na pulong, kumperensya o seminar.

7. Bagay (objectics)
o Paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang partikular na bagay
nailalahad ang intensyon at mensahe na nais iparating ng isang tao.

8. Kulay (Chromatics)
o Maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon ang kulay ng isang bagay na suot o ibinibigay ng
nais magparating ng mensahe.

9. Simbulo (Iconics)
o Mga simbolo sa building, lansangan, botelya, reseta atbp. Na may mensaheng nais iparating sa mga makakakita nito.
 PROSESO NG KOMUNIKASYON
 Encoding
- ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gagamitin, paano isasaayos, anong daluyan
ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap.
 Decoding
- ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya tutugunan
at paanong paraan niya ito tutugunan.

 ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
1. Kalahok/Partisipante
 Tumutukoy sa bawat indibidwal na sangkot sa proseso ng komunikasyon. Ito ay maaaring tagapagpadala ng
mensahe (sender/source) o tagatanggap ng mensahe (receiver).
2. Mensahe
 Ito ay elemento ng komunikasyon na siyang bibigyang kahulugan ng tagatanggap ng mensahe. Maaari itong
berbal at di- berbal na mensahe.
3. Tsanel/Daluyan
 Ito ang elemento ng komunikasyon na nagsisilbing daluyan ng mensahe mula sa tagapaghatid ng mensahe.
Maaari itong sensory organs at mediated channels. Ilan sa mga halimbawa ng sensoring daluyan ay ang
pandinig, paningin, at pandama. Samantala, ang pahayagan, pelikula, radio, telebisyon at Internet ay
itunuturing bilang mediated na daluyan.
4. Tagatanggap ng Mensahe
 Ito ang nagbibigay kahulugan o mag-dedecode sa mensaheng kanyang natanggap.
5. Ingay o Interference
 Ang isang o interference ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing sagabal na proseso ng komunikasyon.
Tandaan na hindi lamang ito nakapaloob sa tunog. Sa katunayan, sakop nito ang pisikal/teknikal na sagabal,
semantikong sagabal, pisyolohikal na sagabal, at sikolohikal na sagabal.
a. Ang mga inagy sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning teknikal na kaugnay ng sound system, hindi
mahusay na pag-iilaw at hindi komportableng upuan ay mga halimbawa ng pisikal na sagabal.
b. Ang mga semantikong sagabal ay matatagpuan sa salita o pangungusap mismo. Halimbawa nito ay mga
salita o pangungusap na may dalawa o higit pang kahulugan.
c. Ang mga pisyolohikal na sagabal ay iyong matatagpuan sa katawan ng nagpapadala o tagatanggap ng
mensahe tulad ng kapansanan sa paningin, pandinig o pagsasalita. Ang pagkakasakit ay isa ring
halimbawa ng pisyolohikal na sagabal
d. Ang mga halimbawa naman ng mga sikolohikal na sagabal ay ang mga: pagkakaiba-iba ng mga
kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kultur ana maaring magbunga ng
misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe.
6. Tugon o Feedback
 Ito ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing tugon sa mensaheng ipinadala ng sender. Gaya ng
mensahe, ang tugon ay maaari ring berbal (pasalita/pasulat) at di- berbal (simbolo).
1. Relasyunal
o di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap.
2. Panlinggwistika
o pasalita, gamit ang wika. Uri ng FeedbackUri ng Feedback

 GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sasagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang
kaalaman tungkol sa paksang tinalakay.
Pagnilayan at Unawain

Gawain.IBAHAGI ANG KAALAMAN.


I. Panuto: Gumuhit ng isang larawang kumakatawan sa sariling emosyon o damdamin gamit ang
anyo ng komunikasyong di-berbal na kinesika (kinesics). Pumili lamang kung ekpresyon ng muka o
tindig/postura.(20 puntos)

(Iguhit ito sa malinis na bond paper.)

II. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod:


(15 puntos)
1. Ibigay ang kahalagahan ng bawat isa bilang gamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
a. Kenisics
________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
b. Proxemics
________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
c. Haptics
________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
d. Chromatics
________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

e. Iconics
________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Magbigay ng mga pangangailangan o mga dapat isaalang-alang upang ikaw ay maging


epektibong partisipant ng isang prosesong pangkomunikasyon.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________

You might also like