You are on page 1of 4

GE 5 – Malayuning Komunikasyon

Aralin 1
Mga Proseso, Prinsipyo, at Etika ng Komunikasyon

Inaasahang Matutuhan:

• Mailarawan ang kalikasan, mga elemento, at gamit ng komunikasyong verbal at di-verbal sa iba’t
iba at multikultural na konteksto.

Ipahayag:
Malaki ang naging gampanin ng proseso sa pakikipag-komunikasyon kung paano ang isang tao ay
makipag-usap sa kanyang kapwa at kung paano ipinapadala ang mensahe sa kanyang kausap at kung paano
ito tugunan ng kanyang kinakausap.
Ano ang Komunikasyon?

• Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communicare na ang ibig sabihin ay
maibahagi. Ito ay pagtatalaga ng kahulugan sa mensaheng kilos o pangyayari.

• Ayon naman kay Berlo (1960), ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag- ugnayan. At ang
prosesong ito ay bumubuo ng interaksyon at ang bawat elemento/sangkot sa komunikasyon ay
nakakaapekto sa isa’t isa.

• Sa libro naman ni Hernandez (1989), itinuturing niya ang komunikasyon bilang isang cooperative
enterprise. Sa isang cooperative enterprise may 2 o higit pang tao na nagbibigayan at kung gayon,
ang bawat isa sa kanila ay nakapagdedebelop ng 2 kakayahan - ang makinig at magsalita nang
mahusay.

• Ayon naman kay Stewart Tubbs (2010), ang komunikasyonkomunikasyon ay “bahaginan ng


karanasan” saay “bahaginan ng karanasan” sa pagitan ng isa o higit pang mga tao.pagitan ng isa o
higit pang mga tao.

• Sa aklat naman ni Roberto Ampil (2014), ang komunikasyon ay binigyang kahulugan bilang
pinagsamang pagkaunawa ng mensahe, at malaking bahagi ng pagtatagumpay nito ay ang
pagkakaroon ng komon na “wika” ng mga kasapi sa komunikasyon at ang kanilang kahusayan sa
paggamit nito.

Mga Uri ng Komunikasyon


1. Berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay
naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaaring pasulat o pasalita.
2. Di berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay
naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw.
3. Komunikasyong Biswal. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi
o naihahatid sa pamamagitan ng larawan, o simbolo na maaaring kumatawan sa salita.

Mga Lebel ng Komunikasyon


Ang lebel ng komunikasyon ay kilala rin bilang “LAWAK NG KOMUNIKASYON”. Ito ay
tumutukoy sa dami ng bilang ng mga kalahok sa proseso ng komunikasyon o lawak na sakop ng
komunikasyon. Ilan sa mga uri nito:

• Intrapersonal na Komunikasyon. Kilala rin bilang komunikasyong pansarili. Madalas, hindi


maikakailang ang ganitong lebel ng komunikasyon ay nagpapatunay na likas sa isang indibidwal
ang maging rasyonal. (panaginip, meditasyon, kontemplasyon)
GE 5 – Malayuning Komunikasyon

a. Internal na Diskurso
b. Isahang Pasulat na Komunikasyon
c. Isahang Pasalitang Komunikasyon

• Interpersonal na Komunikasyon. Tumutukoy sa dalawang indibidwal na nagpapalitan ng mga


ideya batay sa karanasan, trabaho, at mga kaugnay nito. Kadalasan, ayon kina Knapp at Daly (2000)
ang mga sangkot dito may malinaw na relasyon sa isa’t isa. Sa lebel na ito mahalaga ang pakikinig
at pagtugon upang makabuo ng relasyon ayon kina Verderber.

• Komunikasyong Panggrupo. Ayon kina Beeve at Masterson (2006), ito ay lebel ng


komunikasyon na kinasasangkutan ng 3 hanggang 20 tao. Kung saan ang proseso ng komunikasyon
ay pwedeng gawin sa mediated o face to face na pamamaraan. Sa lebel na ito mahalaga ang paglutas
sa suliranin.

• Pampublikong Komunikasyon. Lebel ng komunikasyon na pormal (planado ang pagdiriwang) na


maituturing. Ito ay kinasasangkutan ng mahigit 20 tagapakinig. Sa lebel na ito ay inaasahang handa
ang tagapagsalita.

• Komunikasyong Pangmadla. Ito ay lebel ng komunikasyon kung saan hindi malinaw sa


tagapaghatid ng mensahe kung anong uri o saang pangkat kabilang ang kanyang mga
tagapakinig/manonood. Ito ay isang uri ng mediated communication. At itinuturing bilang
pinakapormal at pinakamagastos na lebel ng komunikayson.

Sangkap at Proseso ng Komunikasyon


1. Nagpapadala/sender - Tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe.
2. Mensahe - ang ideya o salitang nabuo na ipapadala sa kausap. May dalawang uri ng mensahe na
dapat na mabigyan ng tuon ng nagpapadala at ng taong tatanggap.
a. Mensaheng Pangnilalaman – ito ang kahulugan ng loob ng mensaheng ipinapadala
b. Mensaheng Pangrelasyunal – binibigyang tuon dito ang relasyon o pagitan ng dalawang
nag-uusap.
3. Daluyan – ito ang namamagitan o pinagdadaanan ng mensahe at ito ay nakategorya sa dalawa.
a. Sensori – kung saan ginagamit ang limang pangunahing pandama ng katawan bilang daan
sa pakikipagkomunikasyon.
b. Institusyonal – tumutukoy ito sa mga makabagong teknolohiyang ginagamit ng tao bilang
daan sa pag-unlad ng panahon sa pakikipagkomunikasyon.
4. Tagatanggap o decoder – siya ang nagdedecode ng mensaheng ipinadala ng kanyang kausap. Ang
pagbibigay pakahulugan sa mensaheng ipinadala ay nakasalalay sa kanyang pag-unawa.
5. Tugon/Fidbak – dito nakatuon kung naging mabisa ang pagpapadala ng mensahe sa kanyang
kausap sapagkat ito ang magiging sukatan ng siklo ng komunikasyon. Ito ay nauuri sa tatlo:
a. Tuwiran – ang mensaheng agad-agad na natatatanggap ng kanyang kausap.
b. Di-tuwiran – ang mensahe kung ito ay natanggap sa pamamagitan ng paggamit ng di-
berbal.
c. Naantala – kung ang mensaheng ipapadala ay nangangailangan pa ng oras at panahon.
6. Ingay o Interference - Ang isang ingay o interference ay elemento ng komunikasyon na
nagsisilbing sagabal na proseso ng komunikasyon. Tandaan na hindi lamang ito nakapaloob sa
tunog. Ito ay may apat na uri:
a. Semantikang Sagabal – natatagpuan sa salita o pangungusap mismo. Kadalasan itong
nakapokus sa konotasyon at denotasyon.
b. Pisikal na Sagabal – tinutukoy dito ang pisikal na anyo ng kapaligiran.
GE 5 – Malayuning Komunikasyon

c. Pisiyolohikal na sagabal – nakatuon ito sa katawan ng nagpapadala o ng tumatanggap


ng mensahe.
d. Sikolohikal na Sagabal – nakapokus ito sa pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid
at pagkakaiba-iba ng kinagawiang kultura na maaaring magbunga ng
misinterpretasyon sa kahulugan ng mensahe.
7. Konteksto (Context) - Ang konteksto bilang bahagi ng komunikasyon ay tumutukoy sa sitwasyon
at pinangyayarihan ng proseso ng komunikasyon. Ang konteksto ng komunikasyon ay mahahati sa
apat: pisikal na konteksto, sosyal na konteksto, historikal na konteksto, at sikolohikal na konteksto.

Upang lubos na mailarawan ang proseso ng komunikasyon, marami nang iskolar ang nagdisenyo ng
mga modelo sa komunikasyon at ang bawat isa ay may kanya-kanyang kapakinabangan upang higit na
maunawaan ang proseso ng komunikasyon.
• Sa dayagram na binuo ni Dell Hymes na may akronim na SPEAKING, ipinapakita ang kakayahang
komunikatibo na dapat isaalang-alang sa proseso ng komunikasyon lalo na kung pag-uusapan ang
sosyo-kultural.
S etting Saan nag-uusap?
P articipants Sino ang nag-uusap?
E nds Ano ang layunin ng pag-uusap?
A ct sequence Paano ang takbo ng pag-uusap?
K eys Pormal ba o impormal?
I nstrumentalities Pasalita o pasulat?
N orms Ano ang paksa ng usapan?
G enre Paraan ng pagpapahayag na ginamit?

• Inoculation Model (Lasswell Model)

Mapapansin na sa inoculation model o tinatawag din itong action model ay may pinagmumulan ng
mensahe at daraan sa tsanel ang mensahe na siyang tatanggapin ng tagatanggap at dito
magkakaroon ng epekto sa tagatanggap. Mapapansin na hindi ipinakita ang anumang impluwensya
ng awdyens sa kanyang ispiker. Samakatuwid ang galaw ng modelong ito ay linyar o patungo
lamang sa isang direksyon.
• Interaction Model – sa modelong ito naniniwala sina Beebeet et. al (2004) na ang modelong ito
ay higit na makatotohanan sapagkat binibigyang diin dito ang pidbak at konteksto/ Kung kayat ang
modelong ito ay naniniwala sa prinsipyong “Sa bawat aksyon ay may reaksyon”.
GE 5 – Malayuning Komunikasyon

Mga Prinsipyo ng Komunikasyon


Ang komunikasyon ay ang dalawahang proseso ng pagtanggap at pagkuha ng impormasyon mula
sa iba’t ibang tao, lugar, o pinanggagalingan (sources o channels). Ilan sa mga halimbawa ng prinsipyo ng
komunikasyon ay ang mga sumusunod:
• Alamin o kilalanin ang iyong tagapakinig;
• Alamin o kilalanin ang iyong sadya o nais na ipabatid;
• Alamin ang iyong topic;
• Asahan ang mga pagtuligsa o mga taliwas na opinyon;
• Ipakita ang kabuuan;
• Gawing mas kapani-paniwala ang sarili sa iyong mga tagapakinig;
• Huwag paputol putol;
• Magkaroon ng koneksyon sa iyong tagapakinig;
• Magpakita ng impormasyon sa iba’t ibang pamamaraan;
• Magisip ng isang magandang paraan upang makuha ang opinyon ng iyong tagapakinig; at,
• Gumamit ng iba’t ibang paraan ng komunikasyon.

Sampung Pangunahing Etika sa Komunikasyon


1. Laging gawing mahusay ang pakikipagkomunikasyon na magkaroon ng interaksyon sa kausap,
indibidwal man o grupo.
2. Makinig kapag nagsasalita ang kausap.
3. Iwasang maging mapanghusga sa pagpapahayag, pagsasalita man o pasulat.
4. Magpahayag nang mula sa sariling karanasan at perspektibong maibahagi ang sariling naiisip,
pangangailangan at damdamin.
5. Sikaping maunawaan ang kausap kaysa igiit na talagang tama ang iyong sinasabi.
6. Iwasang magsalita para sa iba na hindi naman makatitiyak na pareho ang inyong pag-unawa, o
sinasabing iyon din ang mga opinyon ng nakararami.
7. Magkaroon ng limitasyon sa mga ipinapahayag na kung ano lamang ang hangganan ng iyong
nalalaman ay iyon lamang ang ibahagi.
8. Igalang din kung ano lamang ang nalalaman ng kausap.
9. Iwasan din ang biglang pagsingit habang may sinasabi pa ang kausap at huwag magbigay ng
biglaang komento sa sinasabi ng kausap.
10. Tiyaking ang kausap o mga kausap ay nakakapagsalita rin at hindi nadodomina ang usapan.

Sa pakikipagkomunikasyon, magagawa ng pagkakaroon ng etika na maging katanggap-tanggap ang


mga ipinapahayag, makapagpapaunlad ng proseso ng pagdedesisyon at nagkakaroon ng tiwal sa isa’t isa
ang mga nag-uusap.

Pagtatasa:
Maghanda para sa isang pagsusulit gamit ang Google forms. Ang link ay ibibigay sa group chat at
Google classroom.

Mga Reperensiya:
• Kontekstwalisadong Filipino sa Malayuning Komunikasyon ni Acorpa, J., Soriano, M., et al (2018)
• https://www.slideshare.net/CNuggets/komunikasyon-56876352

You might also like