You are on page 1of 45

Mga Gawing

Pangkomunikasyon ng
mga Pilipino
KONFILI 2020 – 2021
Module 3-Part 1
LAYUNIN:
✓Matukoy ang iba’t ibang katangian ng mga gawaing
pangkomunikasyon ng Pilipino

✓Maipaliwanag ang kabuluhan ng mga gawaing pangkomunikasyon


ng Pilipino bilang mabisang wika sa kontektwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.

✓Maiugnay ang bisa ng gamit ng wika sa pagpapahayag/pagsasagawa


ng iba’t ibang gawaing pangkomunikasyon ng Pilipino.
Gawaing Pangkomunikasyon
ng Pilipino
✓ Sa kabila ng bugso ng modernisasyon sa bansa at sa impluwensiyang kanluranin sa
anyo at pamamaraan ng pakikisalamuha natin sa kapuwa, matingkad parin ang
sariling kaakuhan ng komunikasyong Pilipino

✓ Ang komunikasyon ang nagbibigay buhay at nagpapadaloy sa ugnayan ng mga tao


habang hinuhulma nila ang kanilang lipunan at habang hinuhulma rin sila nito

✓ Hindi nahuhulma ang isang lipunan kung walang nagaganap na komunikasyon sa


pagitan ng mga taong naninirahan dito.

✓ Sa pag-iral ng komunikasyon, nililikha ang kultura na tumatagos sa lahat ng aspekto


ng isang lipunan, politikal, ekonomiya, at iba pa.
San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
Gawaing Pangkomunikasyon
ng Pilipino
✓ Kailangan din ng mga tao ng wika bilang behikulo ng komunikasyon, para sa
panlipunang pagkakaintindihan at pagkilos (Constantino & Atienza, 1996).

✓ Ang wika ang “daluyan, tagapagpahayag at impokan-kuhanan” ng isang kultura


(Salazar, 1996, p. 19) na umiiral at nakakahugis sa proseso ng komunikasyon ng mga
taong patuloy ang pakikipag ugnayan at pakikisalamuha sa isa’t isa.

✓ Nasa kulturang Pilipino rin ang kahilingan nating mga Pilipino sa pakikisalamuha at
ang pagiging bukas natin sa pagbuo ng mga relasyon sa kapuwa (Pertierra, 2010, p.
39 binanggit ni San Juan et al., p.81).

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
Gawaing Pangkomunikasyon
ng Pilipino
✓ Tatalakayin sa modyul na ito ang ilan sa mga gawaing pangkomunikasyon madalas
na nararanasan ng mga Pilipino na iba’t ibang bahagi ng bansa bilang pagtatampok
sa kaakuhan at kalingang ng mga Pilipino pagpapayaman ng pakikisalamuha ng sa
isa’t isa.

✓ Bibigyan ng masusing pansin ang tsismisan, umpukan, talakayan, pulong bayan,


pagbabahay-bahay, komunikasyong di-bebal, at mga ekspresyong lokal.

✓ “Hindi kapuwa ekslusibo sa isa’t isa ang mga ito. Bagkus may mga pagkakataong
nagaganap o nasasaksihan ang dalawa o higit pa nang makasabay o magkahalo sa
isang sitwasyon ng komunikasyon” (San Juan,2018, p81).

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
A. Tsismisan Istoryahan ng Buhay – Buhay
ng mga Kababayan

▪ pinakamalapit sa salitang Ingles na “gossip”, at mula sa salitang


Espanyol na “chisme”
▪ Pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay di tiyak
▪ Uri ng usapan sa pagitan ng dalawa o higit pang tao na
magkakapalagayang-loob
▪ Ang tsismis ay madalas nakakasira ng dignidad ng taong pinag-
uusapan sapagkat walang sapat na batayan at pruweba
(katotohanan) ang usaping ikinakalat.

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
A. Tsismisan
▪ Ang haba ng oras ng tsismisan ay di rin tiyak maari itong ay saglit
lamang o tumatagal ng isa o higit pang oras, depende kung may
mailalaang panahon ang mga nag-uusap at kung kailangan ng
mahabang panahon sa pag-uusap.

▪ Ang tsismis ay maaring totoo, bahagyang totoo, binaluktot na


katotohanan, dinagdagan o binawasang katotohanan, sariling
interpretasyon sa nakita o narinig, haka-haka, sadyang di totoo o
inimbentong kwento.

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
A. Tsismisan
• Ang tsismis ay may pinagmulan o pinanggalingan, mauuri ito sa tatlo;
✓ Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsitsismis;
✓ Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-uri sa kapuwa; o
✓ Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa
madla.

San
SanJuan,
Juan,D.M.,
D.M., Acerit,
Acerit,M.D.,
M.D.,Manalang,
Manalang,V.F.,
V.F.,Caja,
Caja,C.A.,
C.A.,Medina,
Medina,B.O.,
B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon
Komunikasyonsa saFilipino.
Filipino.Malabon:
Malabon:Mutya
MutyaPublishing
PublishingHouse,Inc.
House,Inc.
A. Tsismisan
• Ang unang uri ang obserbasyon ay maaaring naipamahagi nang walang
malisiya , at ito ay naging tsismis lamang, dahil kumalat ng hindi nabeberipika

• Sa pangalawa, ang pahayag ay may kaakibat na balaking maghasik ng intriga.


Ang intriga ay isang uri ng tsismis na nakasisira sa reputasyon o pagkakaibigan
(Tan, 2016).

• Ang pangatlong uri naman ay madalas kinakasangkapan ng naghaharing-uri


kagaya ng mga politiko, negosyante at dinastiyang politikal para manira ng
kalaban, lituhin ang taumbayan, o pagtakpan ang mga kabuktutan.

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O., Panganiban,
P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.
Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
A. Tsismisan
• Karaniwang inuuri ang tsismis bilang home-stretcher, pipe-dream, bogey at wedge-
driver (Knapp binanggit ni Dela Cruz, 2014, p4)

❖ Ang home-stretcher ay tsismis na kumakalat bago ang aktuwal na pangyayari.

❖ Ang pipe-dream ay optimistikong tsismis na nagtataglay ng mga imahen ng mga


positibong pangyayari sa hinaharap.

❖ Ang bogey naman ay tsismis na nagdudulot ng labis na pagkabalisa sa mga


sumasagap at nagpapakalat nito.

❖ Ang wedge-driver ay agresibong tsismis. Mapanira ito at kung minsan ay matindi


ang epekto.

De La Cruz, M.A. (2014). Kaya nakikinig ang lupa at lumilipad ang balita:ang
tsismis at ang tunggalian ng uri. Hasaan Journal,1(1)1-18
A. Tsismisan
• Hindi lamang sa Pilipinas mayroong tsismis. Sa ibang bansa, ang
katumbas nito ay gossip, rumor, at iba pang kaugnay na salita kagaya
ng hearsay, scuttlebutt, o chatty talk na dumadaloy sa pamamagitan ng
grapevine.

• Ang tsismis ay hinuhubog ng kulturang Pilipino at katutubong wika lalo


ng angking sigla at kulay ng bernakular na ginagamit sa pagtsismis.

• Ayon pa rin kay Dela Cruz, (2014) ang tsismis ay hindi lang tumatalakay
sa nangyayari sa personal na buhay kundi maging sa mga nangyayari
sa lipunan
De La Cruz, M.A. (2014). Kaya nakikinig ang lupa at lumilipad ang balita:ang
tsismis at ang tunggalian ng uri. Hasaan Journal,1(1)1-18
Mga Gawing
Pangkomunikasyon ng
mga Pilipino
KONFILI 2020 – 2021
Module 3-Part 2
A. Tsismisan
• Ang tsismis sa pag-aaral ni Dela Cruz(2014) sa isang banda ay positibo
dahil a) sa kasiyahang naidudulot nito bilang pangtanggal umay sa
monotoni ng buhay; b) ang tsismis ay hindi lamang simpleng
pagbabalita kundi ebalwasyon sapagkat pagtataya ito kung anoa ng
normal at karapat-dapat; c) ang tsismis ay proseso ng samahan kung
saan eksklusibo sa isang grupo; at d) bilang pakikipagkapwa ay
nagpapatibay ng samahan ng isa’t isa.

De La Cruz, M.A. (2014). Kaya nakikinig ang lupa at lumilipad ang balita:ang
tsismis at ang tunggalian ng uri. Hasaan Journal,1(1)1-18
A. Tsismisan
▪ Ang tsismis ay isang uri ng usapan o huntahan na posibleng nangyayari
na bago pa man dumating ang mga mananakop sa bansa (Tan, 2016).

▪ Sa kabila ng negatibong konotasyon ng tsismis, ito ay bahagi pa rin ng


daynamiks ng interaksyon ng mga Pilipino sa kapwa at maaring
magbigay sa mga magkakausap ng sikolohokal na koneksiyon at
kultural na ugnayan sa lipunang ginagalawan

▪ Nagbibigay rin ito ng mga panimulang ideya hinggil sa mga isyung


binibigyang pansin ng mga mamamayan.
San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
A. Tsismisan
▪ Ang tsismis ay maituturing na isang hamon sa pag-alam o paglalantad
sa katotohanan, lalo na kung may katuturang panlipunan ang paksa

▪ Sa mga mapaglaro ang isipan na sangkot sa “social marketing” maaring


magamit ang tsismis para takamin ang mga tao hinggil sa isang bagong
teknolohiyang panlipunang maaring ilako para mapakinabangan ng
marami.

▪ Sa politikal na pananaw, sinasabing ginagamit ng mga naghaharing –uri


ang tsismis bilang “instrumento ng kapangyarihan” para linlangin ang
taumbayan (Dela Cruz, 2014)
San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
B. Umpukan Usapan, Katuwaan at Iba pang
Malapitang Salamuhaan

▪ Kahit saan mang lugar sa Pilipinas o lugar sa ibang bansa na may


Pilipinong komunidad - ang umpukan ay isang karaniwang gawain.

▪ impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala para mag-


usap na magkakaharap

▪ ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugso ng pagkakataon

▪ Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga kusang lumapit para
makiumpok, mga di-sadyang nagkalapit-lapit, o mga biyayang lumapit.

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
B. Umpukan
▪ Sa pagkakataong hindi kakilala ang lumapit, siya ay masasabing isang
usisero na ang tanging magagawa’y manood at making sa mga nag-
uumpukan; kung siya ay sasabat, posibleng magtaas ng kilay ang mga
nag-uumpukan at isiping siya ay intrimitida, atribida o pabida

▪ Likas na sa umpukan ang kwentuhan kung saan may pagpapalitan,


“pagbibigayan, pagbubukas-loob at pag-uugnay ng kalooban”

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
B. Umpukan
▪ Walang tiyak o planadong daloy ang pag-uusap sa umpukan tulad ng tsismisan

▪ Ang umpukan ay puwedeng dumako rin sa seryosong talakayan, mainit na


pagtatalo, masayang biruan, malokong kantiyawan, at maging sa laro at
kantahan.

▪ Sa umpukan ng mga Pilipino’y madalas talagang maisingit ang biruan, na


minsa’y nauuwi sa pikunan.

▪ Taal na sa maraming Pilipino ang pagkapikon dahil sa “isang kulturang buhay


na buhay at masigla dahil sa pagbibiruan”( Enriquez (1976) ).

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
B. Umpukan
▪ Ang umpukan ay isang masasabing isang ritwal ng mga Pilipino para
mapanatili at mapalakas ang ugnayan sa kapuwa.

▪ Dito umuusbong at napapayabong ang diwa ng ating pakialam sa kapuwa

▪ Ang magkakaumpukan ay sinusubukang umugnay sa isa’t isa, may


pakialam sa isa’t isa, at nagbabahagi at sumasagap ng mga impormasyon
mula sa usapan ng mga magkakaumpukan bilang tanda ng kanyang
pagiging kasapi ng pamayanang kinabibilangan at kaniyang pakialam dito.

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
B. Umpukan
▪ Dito rin naisasalin at napapalaganap ang mga kuwento ng bayan, ang mga lokal na
pananaw, ang pagkaunawa sa mga katutubong kaugalian, at iba pang salik na panlipunan
at kultural na reyalidad

▪ Ang salamyaan ay isang halimbawa ng tradisyon kung saan tampok ang umpukan.

▪ Binigyang pansin ni Petras (2010) ang kahalagahan ng salamyaan bilang talastasang


bayan sapagkat kinapapalooban ito nng dinamikong salaysay ng iba’t ibang kalahok kung
saan makikita ang pagkakapantay-pantay at pagkakataong makapagbahagi ng sariling
salaysay na nagbubunsod sa pag-uugnay ng kalooban o pakikiisang-loob ng lahat ng
kasama sa usapan.

Petras, J. (2010). Bayan at pagkabayan sa salamyaan: Ang pagpopook ng marikina sa kamalayang-bayang


Marikenyo.Dalumat E-journal, 1 (2),93-104. https://ejournals.ph/article.php?id=6199
B. Umpukan
▪ Isa pang halimbawa ng komunikasyong pangkomunidad kung saan tampok din ang
umpukan at iba pang kagawiang pangkomunikasyon ay ang ub-ufon ng mga tubong
Kadaclan sa Barlig, Bontoc, Mt. Province na naninirahan sa Siyudad ng Baguio

▪ Madalas na ginagawa ang ub-ufon sa isang itinakdang ator o dap-ayan (lugar), ng


pagsasama-sama ng mga umuli (magkabahayan) para magpakilala, mag-usap hinggil sa
iba’t ibang isyu, magbigayan ng payo, magresolba ng mga alitan, magturo ng tugtukon
(customs/traditions) sa nakababata, mag-imbita sa mga okasyon, at magtulungan sa mga
problema kagaya ng pinansiyal na pangangailangan (Protectan, 2012 binanggit ni San Juan
et al. 2018, p86).

▪ Sa pananaliksik naman, maaaring gamitin ang umpukan bilang dulog sa pagtatanong-


tanong at pakikipagkwentuhan ( San Juan et al. 2018, p86)
San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
Mga Gawing
Pangkomunikasyon ng
mga Pilipino
KONFILI 2020 – 2021
Module 3-Part 3
C. Talakayan Masinsinang Palitan at Talaban
ng Kaalaman

▪ Pagpapalitan ng ideya ng dalawa o higit pang kalahok ukol sa isang paksa

▪ Ito ay maaring pormal, impormal o mediated ( ginamitan ng anumang midya)

▪ Ang pormal ay nagaganap sa talakayan sa paaralan, telebisyon o radio


samantalang ang impormal naman ay sa ano ng tsismisan o umpukan

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
C. Talakayan
▪ Ang karaniwang layunin ng talakayan ay ang pagbusisi sa isyu upang magkaroon ng
aral, linaw at pagkakaunawaan gayundin ang pagkakaroon ng solusyon o
makapagmungkahi ng solusyon

▪ Kahingian ang bukal sa loob na pagpapalitan, masinsinang pagsusuri at pagtatasa, at


pagtatahi ng mga opinion, kaalaman at proposisyon

▪ Inaasahan na magkakaroon ng pagpapalitan at pagbabanggaan ng magkakaibang


pananaw, pagkritik sa mga ibinahaging ideya at impormasyon, at maging ang marubdob
na pagtatalo-talo lalo na kapag kontrobersiyal o sensitibo ang paksa

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
C. Talakayan
▪ Sa isang pangkatang talakayan, hindi maiiwasan ang pagkakainitan ng mga kalahok

▪ Sa lipunang Pilipino, mas madalas mangyari ang harapan kaysa mediated na talakayan,
na maaaring iangkla ang pagiging makalipunan nating mga Pilipino at sa “personal” na
pakikipag-ugnyan natin sa kapuwa ( San Juan & Soriaga, 1985).

▪ Bagamat sa ibang pagkakataon, mainam ang mediated na talakayan ayon kay Quebral
(1988) dahil :

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
C. Talakayan
1. naiigpawan nito ang hadlang sa distansiya kung ang mga kalahok ay
magkakalayo

2. maraming tagapakinig o manonood ang naaabot ng talakayang


isinasahimpapawid

3. ang midyang pangkomunidad ay mainam gamitin sa mga talakayan hinggil sa


mga gawaing pangkaunlaran na nakatuon sa mga tukoy na pamayanan at may
dulog na partisipatori

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
C. Talakayan
▪ Nahahasa ang kakayahan ng isang tao sa pagsasalita, pagpapaliwanag at
pangangatwiran sa pamamagitan ng talakayan.

▪ Nagkakaroon ng talakayan sa oras na magkaruon ng hindi pagkakaunawaan


hingil sa mga isyu o detalye na nangangailangan ng paglilinaw upang
mangibabaw ang katotohanan.

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
C. Talakayan

• Mga Bagay na Dapat Isaalang-alang:


1. kaayusan ng mga salitang gagamitin

2. kalinawan ng mga punto at katibayang


ipinipresenta o gagamitin

3. kakayanahan at abilidad sa pagsasalita Sors:How to Prepare for Group


Discussion? https://bit.ly/2ZLvG12
Mga Uri Talakayan
Impormal – pagpapalitan ng mga kuru-kuro, malaya ang salitaan at walang pormal na
alituntunin o hakbang na sinusunod, ang kalahok ang nagmamaneho ng daloy sa
diskusyon

Pormal – may tiyak at kontroladong mga alituntunin at hakbang; may namumuno sa


talakayan at may kahandaan sa palalahad ng mga panig.

Hal: panayam, panel discussion, symposium, forum, lektyur

Sa parehong talakayan nagkakaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro na maaring


magbunsod sa pagbabanggaan dahil sa magkakasalungat na palagay ukol sa isyu ngunit
naroroon din ang pagkikritik sa mga ibinabahaging impormasyon

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
Pormal Impormal
▪ Nagaganap sa mga itinakdang pagpupulong ▪ Nangyayari sa umpukan at minsan sa
at sa mga palabas sa tv at radyo tsismisan o di- sinasadyang pagkikita kaya
may posibilidad na hindi lahat ng kalahok ay
mapipili

▪ Karaniwang may itinatalagang ▪ Ang mga kalahok mismo ang kusang


tagapagdaloy (facilitator) nagmamaneho sa diskusyon
Mga Gawing
Pangkomunikasyon ng
mga Pilipino
KONFILI 2020 – 2021
Module 3-Part 4
D. Pagbabahay-bahay
▪ ang pangangapitbahay ay nakapagpapatatag ng samahan sa mga mamamayan ng isang
komunidad
▪ nagaganap ang kamustahan o usisaan sa buhay ng bawat isa, bahagian ng iniisip at
saloobin, hingian p palitan ng mga material na bagay maging ang tsismisan at umpukan
▪ Layon ng Interaksyon: karaniwang intindihin at gawain sa araw-araw
▪ Ang pagbabahay-bahay ay karaniwan ding ginagawa ng mga kinatawan ng ahensya ng
pamahalaan, pribadong institusyon o NGO na may tiyak na layong panlipunan na
nagangailangan ng kontribusyon, pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga residente ng
isang komunidad

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
Marubdob na Usapang
E. Pulong Bayan Pampamayanan

▪ Ito ay ang pagtitipon ng isang grupo ng mga mamamayan sa tinakdang oras at lunan
upang pag-usapan nang masinsinan at pagdesisyunan kung maari ang mga isyu,
kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping pangpamayanan.
▪ Isinasagawa ito kapag may programang isinasakatuparan; problemang kailangang
lutasin; at mga batas na nais ipatupad sa isang komunidad
▪ Ang mga kalahok ay maaring – kinatawan ng iba’t-ibang sector sa isang pamayanan,
kinatawan ng pamilya o sinumang residenteng apektado ng paksang pinag-uusapan o
interesadong makisangkot sa usapin.

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
E. Pulong Bayan
▪ Sa isla ng Calauit sa Busuanga, Palawan ang tradisyunal na “saragpunan” o tipunan ng
mga Tagbanua ay nagaganap sa isang malilim na lugar kung saan may malalaking
batong nakaayos nang pabilog na nagsisilbing upuan ng mga kalahok sa pulong.

▪ Maaring layon ng pulong-bayan ay ang pagkonsulta sa mga mamamayan, paghimok sa


kanila na sumuporta o sumama, pagpaplano kasama sila, paggawa ng isang desisyon na
binalangkas nila, o pagmomobilisa sa kanila hinggil sa isang isyu, problema gawain o
programang panlipunan.

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
Pagpapahiwatigan sa
F. Komunikasyong Di-Verbal Mayamang Kalinangan

▪ Ito ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan o mensahe sa pamamagitan ng samut-saring


bagay maliban sa salita . Ang paggamit ng mga di-verbal na pamamahayag ay tanghalan din
ng mapagpahiwatig na komunikasyon.

▪ Mayaman ang kulturang Pilipino sa komunikasyong di-berbal na naoobserbahan sa mga


taong kalahok sa pakikisalamuha mula sa bahagi ng katawan ng mga kalahok hanggang sa
espasyo sa pagitan ng mga nakikisalamuha.

▪ Naisasagawa ito sa pamamagitan ng mga ss: 1)paggalaw ng isang bahagi ng katawan, 2)


kombinasyon ng ilang bahagi ng katawan,

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
F. Komunikasyong Di-Verbal

3) panahon ng pagsasalamuha, bilis o bagal kawalan o dalas at oras o araw ng interaksyon 4)


pook at kaligiran ng pagsasalamuha, 5)kasuotan at burloloy sa katawan at 6)iba pang
simbolismo gaya ng kulay

1. Ang galaw ng katawan ng tao ang pinakagamiting di berbal na senyales

▪ Ilan sa halimbawa ng pahiwatig na ito ayon kay Maggay (2012), ay panlalaki ng mata,
pagtaas ng kilay,pagkunot ng noo, pagnguso, pagkagat ng labi, pag-umang na nakakuyom
ang kamao,pagngisi, pagkibit ng balikat at pagkuyakoy ng mga hita o binti habang nakaupo.

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
F. Komunikasyong Di-Verbal
• Makikita sa mga pahiwatig ng kilos ng tao ang pagsasama-sama ng mga galaw na
nabanggit.
2. Ang panahon ng pakikisalamuha ay may iba’t ibang kahulugan din. Maaring:
• minamadali ng kalahok ang interaksyon dahil marami pa siyang gagawin
• nagtatagal ang interaksyon sapagkat nasisiyahan ang kalahok
• walang interaksyon na nangangahulugan ng galit o tampo
3. Lugar at kaligiran ng aksyon
• paghalakhak nang malakas sa simbahan -kawalan ng asal
• pagbabasa ng aklat sa parke – pagpapalipas oras
• manliligaw na nagyayasa mamahalin kainan- galante
• umiiyak sa sinehan habang nanoood ng drama- mababaw ang luha

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
F. Komunikasyong Di-Verbal
4. iba’t ibang piraso ng kasuotan at aksesorya
•kulay ng damit na suot- nagpapahiwatig ng emosyon
•tatak ng suot- sosyo ekonomik na kakayahan
•lapat o laki ng suot- hubog ng katawan
5. espasyo /proxemics
• mas malawak sa kanluraning bansa ang pagpapakahulugan sa espasyo
• ang mga Pilipino ay sanay sa malapitang pag-uusap tulad ng tsismisan at umpukan
•Hindi partikular ang Pilipino sa kaayusan kapag nagsasagawa ng talakayan sapagkat
karaniwan sa Pilipino ang magkakalapit kapag sumasali sa usapan (Maggay, 2012)

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
F. Komunikasyong Di-Verbal
6. kulay /colorics
• Iba’t ibang kahulugan sa ating kultura
• Pula –masaya at umiibig
• Itim- nagdadalamhati/malungkot
• Politika – dilaw- Aquino

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
Mga Gawing
Pangkomunikasyon ng
mga Pilipino
KONFILI 2020 – 2021
Module 3-Part 5
Tanda ng Matingkad, Masigla at
G. Mga Ekspresyong Lokal Makulay na Ugnaya’t Kuwento

▪ mga salita, parirala o pangungusap na na nasasambit dahil sa bugso ng damdamin ngunit


ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan o depinisyon ng bawat salitang ginamit

▪ Kadalasan ang kahulugan ng mga ekspresyong lokal ay nakadepende sa konteksto ng


usapan

▪ ang normal at likas na wika ay naiiba sa anyo at gamit ng pilosipya at lohika

▪ nagbibigay kaibahan sa ibang wika at maaring magdulot din ng kaguluhan sa taong hindi
bihasa sa lenggwahe

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
G. Mga Ekspresyong Lokal
▪ Ito ay ang mga salita o pararilang nasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng
damdamin kagaya ng – galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot,
dismaya, tuwa o galak.
▪ May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapaalam sa ibang-
ibang lugar ng Pilipinas
▪ Sa talastasang Pilipino, ang mga lokal na ekspresyon ang nagpapaigting at
nagbibigay kulay sa m,ga kwento ng buhay at sumasalamin sa kamalayan at
damdamin ng mga Pinoy.

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
G. Mga Ekspresyong Lokal
▪ Bawat lugar sa bansa ay mayroong kani-kaniyang ekspresyong ginagamit para
magpahiwatig ng mensahe sa kanilang nakakasalamuha/kausap
▪ Dahil kilala ang Pilipino na ayaw makasakit ng kapwa o umiiwas na makasugat ng
damdamin ng iba, madalas gumamit ng mga di tuwirang pahayag tulad ng pagbibiro
para masabi ang nais sabihin
▪ Sa mga Pilipinno, may tinatawag tayong birong totoo,- birong may halong ilang
hibla ng katotohanan at birong walang katotohanan pero nanghahamon

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
G. Mga Ekspresyong Lokal (cont.)
Halimbawa Kahulugan
Charot! Sinasabi pagkatapos bitiwan ang pahayag na di layuning
pangatawanan ang katotohanan
Ewan /Ewan ko sa ‘yo Kawalan ng tiyak na sagot/pag-iwas namakapagbitaw ng
salitang posibleng makasakit
Susmaryosep! Hesus, Maria , Jose (Joseph)
Anak ng tokwa! maaring magpahayag ng pagkamangha or pagkagalit
Nakupo!/ Susmaryosep! Pagkagulat o pag-aalala

Ano ba yan? Pagkadismaya o pang-uuyam


Wow! / Eh di, wow! Sarkastikong tugon sa pagmamalaki o di nagustuhang
pagsasabi ng totoo ng kausap

San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O.,
Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
Sanggunian
▪ San Juan, D.M., Acerit, M.D., Manalang, V.F., Caja, C.A., Medina, B.O., Panganiban, P.C....Unciano, M.J.D. (2018). Piglas-Diwa:
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House,Inc.
▪ Petras, J. (2010). Bayan at pagkabayan sa salamyaan: Ang pagpopook ng marikina sa kamalayang-bayang
Marikenyo.Dalumat E-journal, 1 (2),93-104. https://ejournals.ph/article.php?id=6199
▪ De La Cruz, M.A. (2014). Kaya nakikinig ang lupa at lumilipad ang balita:ang tsismis at ang tunggalian ng uri. Hasaan
Journal,1(1)1-18
▪ Maggay, M. (2002). Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino

You might also like