You are on page 1of 3

Dagacay, Kenneth TF 7:00am – 8:30am

FILDIS 2BSIS-2
OUTLINE

Yunit 4
Metodolohiya-ay tumutukoy sa Sistematikong paglutas sa mga sulirani, tanong,
layunin ng pananalaiksik.
Walliman(2011)-isa sa pinakakilalang manunulat hinggil sa praktika ng
pananaliksik.
Kategorisasyon-tumutukoy sa pagbuo ng tipolohiya o set ng mga pangalan o
pagpapangkat-pangkat ng mga bagay.
Deskripsyon-Tumutukoy sa pagtitipon ng datos na nakabatay sa mga obserbasyon.
Ebalwasyon-tumutukoy sa pagsusuri sa kalidad ng mga bagay, pangyayari at iba
pa.
Pagkukumpara-tumutukoy sa pagsusuri ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawa o higit pang bagay at iba pa.
Relasyon o Korelasyon-tumutukoy sa pag iimbestiga para makita kung
nakakaimpluwensya ba ang isang penomenon sa isa pa at kung nakakaimpluwensya
nga siya sa paanong paraan.
Paglalahad-Tumutukoy sa paglalahad ng mga paraan upang ang isa o higit pang
bagay ay maisailalim sa kontrol ng mga tao.

ETNOGRAPIYA
Ayun kay Genzuk(2003) ay nakasandig sa “malapitan, personal na karanasan at
posibleng partisipasyon, hindi lamang obserbasyon ng mga mananaliksik” na
karaniwang nagsasagawa ng pag aaral sa mga pangkat na multidisiplinari.
PAG-OOBSERBA,PAKIKIPAMUHAY,PARTICIPANT OBSERVATION O PAGMAMASID
Ang pagmamasid ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtala ng mga makabuluhang
pagmamasid ng mananaliksik sa mga pinapaksa ng pananaliksik.
KWENTONG BUHAY
Ay malikhaing pagsasalaysay ng talambuhay o bahagi ng talambuhay ng isang tao
o ng pangkat ng mga tao na paksa ng pananaliksik.
PAGTATANONG-TANONG
Ang interbyu ay maaaring Structured o Non-Structured. Structured ang interbyu
kung ibinibigay na kaagad na tanong bago pa ang interbyu. Non-Structured
naman kung higi na impormal ang interbyu at karaniwang maraming follow up na
tanong.
VIDEO DOCUMENTATION
Ang dokumentasyon sa pamamagitan ng video ay isinasagawa sa pagrerekord ng
mga imahe at tunog gamit ang video recorder.
WHITE PAPER O PANUKALA
Ay tumutukoy sa isang saliksik o ulat mula sa isang ahensya ng gobyerno,
opisyal ng gobyerno, think tank, akademikong departamento o eksperto na
naglalahad ng makabuluhang impormasyon.
DESKRIPTIBONG PANANALIKSIK
Tumutukoy ito sa deskriptibo o paglalarawang paglalahad ng mga katangian ng
isang tao.
KOMPARATIBONG PANANALIKSIK
Tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang pagkukumapara sa mga pagkakatulad
at pagkakaiba ng dalawang grupo, tao, sitwasyon at iba pa.
CASE STUDY
Tumutukoy ito sa deatlyadong paglalarawan sa sitwasyon ng isang tao, bagay,
lugar, pangyayari at iba pa.
PAGSUSURING TEMATIKO AT PAGSUSURI NG NILALAMAN
Ang pagsusuring tematiko ay isang pamamaraan ng pagtukoy at pagatala sa mga
tema ng naratibo sa loob ng isang teksto. Malapit sa paraang ito ang
pagsusuri ng nilalaman na tumutukoy naman sa pagsusuri ng nilalaman ng
teksto.
SECONDARY DATA ANALYSIS
Tumutukoy ito sa pagsusuri at pag-uugnay ugnay sa mga umiiral na datos at
estadistika tungo sa layuning sagutin ang mga panibagong tanong at makabuo
ng mga bagong konklusyon na angkop sa kasalukuyang sitwasyon.
PAGBUO NG GLOSARYO/PANANALIKSIK NA LEKSIKOGRAPIKO
Tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagtatala ng depinisyon
ng mgatermino alinsunod sa kontemporaryong gamit ng mga salita.
PAGBUO AT BALIDASYON NG MATERYALES SA PANTURO
Tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagbuo at balidasyon ng
mga modyul at iba pa.
PAGSUSURI SA DISKURSO
Tumutukoy ito sa pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag ng mensaheng
nangingibabaw sa teksto,awit,video,pelikula at iba pang materyales.
SWOT ANALYSIS
Tumutukoy ito sa kalakasan(STRENGTH) at kahinaan(WEAKNESSES) ng isang
programa at mga oportunidad(OPPORTUNITY) ng mga bagay na makakatulong at mga
banta(THREAT).
KRITIKAL NA PAGSUSURING PANGKURIKULUM
Tumutukoy sa pagsusuri sa negatibong aspekto ng isang kurikulum tungo sa
layuning baguhin pa ito.
PAGSUSURING ETIMOLOHIKAL
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pinagmulan ng kahulugan ng mga salita ,
orihinal konteksto at iba pang kaugnay na detalye.
ACTION RESEARCH
Pananaliksik na nakatuon sa paglutas ng ispesipikong suliranin sa loob ng
silid aralan o pagkatuto sa isang partikular na sitwasyon.
PAGSASAGAWA NG SARBEY
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagpapasagot ng talatanungan sa mga taong
makakapagbigay ng saloobin, opinyon o impormasyon hinggil sa pananaliksik.
REBYU NA KAUGNAY NG LITERATURA
Tumutukoy ito sa pagkalap ng at pagsusuri sa impormasyon hinggil sa paksa ng
pananaliksik mula sa umiiral na sanggunian at pananaliksik.
TEXT ANALYSIS
Kung ang primaryang sanggunian gaya ng pahayagan, dokumentong historical mga
talumpati ay maaring gamitin sa textual analysis.
EKSPERIMENTASYON
Pananaliksik na nakatuon sa pag eeksperimento o proseso ng paghahambing sa
resulta ng pagmamanipula ng variable na kasangkot sang dalawang subject ng
pananaliksik.
PAGTUKOY SA SANHI AT BUNGA
Pananaliksik na nakatuon sa pagtukoy ng sanhi at bunga ng isang pangyayari.
HISTORICAL NA PANANALIKSIK
Pananaliksik ito na nakatuon sa pagtukoy sa pinagmulan ng mga makabuluhang
pangyayari kaugnay sa isang penomenon at iba pa.
TRANSLATION PROCESS STUDIES
Nakapokus ang ganitong pananaliksik sa pagtalakay sa mga obserbasyon,
natutuhan, praktikal na aral at iba pa.

TREND STUDIES
Tumutukoy ito sa pananaliksik na nag-iimbentaryo o nagsusuri sa tren ng mga
pananaliksik sa isang larangan bilang gabay sa mga susunod pang mananaliksik.
PANANALIKSIK SA ARKIBO
Isa itong porma ng pananaliksik na historical na nakatuon sa pagsusuri ng mga
dokumento sa arkibo gaya ng mga manuskrito, diyaryo at iba pa.

You might also like