You are on page 1of 34

ANTAS NG KAMALAYAN SA LARONG LAHI NG MGA ILONGGONG

KABATAAN SA SURALLAH, SOUTH COTABATO

Isang Papel-Pananaliksik na Inihaharap


sa Departamento ng mga Wika
Pamantasan ng Notre Dame ng Marbel
Lungsod ng Koronadal

Bilang Bahagi ng Pagtupad


Sa Pangangailangan ng kursong Filipino 2:
PananalikSOX sa Kulturang MULUSIYANO

Jewel Renz C. Aprosta

Hazel Anne D. Banzon

Krizza S. Camisura

MAYO 2021
PAGKILALA

Ipinagmamalaki ng mga mananaliksik na sila ay nakapag-aral sa

Pamantasang Notre Dame ng Marbel, kung saan sila ay hinubog at

tinulungang maging isang matagumpay na mga mananaliksik. Ang pag-aaral

na ginawa ng mga mananaliksik ay hindi maisasagawa ng maayos kung wala

ang mga taong patuloy na nagpapayo at sumusuporta sa kanilang pag-aaral.

Nais ipaabot ng mga mananaliksik ang kanilang taimtim na pasasalamat sa

Poong Maykapal sa paggabay at pagbibigay ng kanilang mga kailangan at

mga bagay na nararapat sa kanila, sa talino, sa lakas upang matapos ang

kanilang pag-aaral, at sa paghimok sa kanila na harapin ng may lakas ng

loob ang mga problemang dumarating sa kanilang buhay.

Nais ding magbigay ng pasasalamat ang mga mananaliksik sa

kanilang mga magulang na lubos na sumusuporta lalong-lalo na sa

pananalapi at sa pagpapalawak ng moral at espirituwal na suporta.

Nagpapasalamat din ang mga mananaliksik sa kanilang guro sa

asignaturang PananalikSOX: Pananaliksik sa Kultura ng MULUSIYANO,

Gng. Aneyl L. Romero, na parating nariyan upang umunawa sa mga

pagkukulang at pagkakamaling nagawa ng mga mananaliksik. Dagdag pa,

nagpapasalamat din sila sapagkat ang kanilang guro ang naging dahilan

upang maibahagi ng wasto at may kalinawan ang napiling pag-aaral ng mga

mananaliksik.
At sa huli, nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa kanilang mga

napiling respondente na kung saan ay ang iilang mga kabataang Ilonggo sa

Surallah, South Cotabato para sa kanilang partisipasyon sa pagsagot ng mga

katanungang ginawa ng mga mananaliksik na walang pinapanigan at

sinisiraan, at kung hindi dahil sa kanilang kooperasyon, hindi makakalikom

ang mga mananaliksik ng wastong datos para sa kanilang pag-aaral.

SA INYONG LAHAT, MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

Mga Mananaliksik
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Panimula 1

Kaligiran ng Pag-aaral 2

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 3

Konseptual na Balangkas 4

Layunin ng Pag-aaral 8

Kahalagahan ng Pag-aaral 9

Depinisyong ng mga Terminolohiya 10

Metodo 14

Disenyo ng Pananaliksik

Lokal ng Pag-aaral 15

Respondente 11

Sampling Teknik 11

Instrumento ng Pananaliksik 13

Paraan sa Pangangalap ng Datos 13

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 14

Resulta at Diskusyon ng Pag-aaral 14


Kongklusyon 15

Rekomendasyon 15

Mga Sanggunian 16

Mga Dahong dagdag 19

Liham 21

Talatanungan 23

Curriculum Vitae
Page |2

PANIMULA

Kaligiran ng Pag-aaral

Simula pa noong unang panahon, naging parte na ng kultura ng isang

bansa o tribu ang iba’t ibang mga larong lahi. Kasabay ng mga paniniwala,

kaugalian, katutubong sayaw at kasuotan, norms, sining, at iba pa, ang mga

larong ito ay tunay ngang naka-ambag sa paglago at pagkakilanlan ng isang

partikular na bansa. Kaya dapat maging mulat tayo sa kahalagahan ng mga ito

sapagkat ang kultura ay ang naging daan para ating matanghal ang mga

tradisyon ng nakaraan. Mula noon hanggang ngayon, ang mga aral, kaugalian,

at tradisyon na kasama sa ating kultura ay patuloy pa rin na nagbibigay sa atin

ng gabay (Ki, 2021).

Ang Larong Lahi ay mahalagang simbolo ng ating pagiging Pilipino. Ito

ang pagkakakilanlan ng isang pagkatao at pagkabansa. Dito unang nalinang

ang ating pakikipagkapwa, natutong mag-isip at gumawa ng desisyon na alam

nating makakabuti para sa atin (WordPress, 2015). Dagdag pa ng Samahang

Makasining, INC. (2007), ang laro ng bawat lipi ay pagkakakilanlan ng isang

pagkatao at pagkabansa. Humuhubog rin ito ng isang masining na kaisipan at

masining na damdamin. Paghubog sa pag-uugali at paghahanda sa mga

susunod pang mga karanasan ng pagiging propesyonal ay dulot rin ng

kabataang paglalaro.

Kapansin-pansin rin na halos lahat ng mga larong lahi ay kinakailangan

ng enerhiya upang malaro ito ng lubos. Katulad na lamang ng panagu-ay,


Page |3

tumba lata, taksi, paupas damang at iba pa. Ngunit sa kabila nito, walang

humpay na kasiyahan naman ang dulot. Ito rin ay nagbigay ng buhay sa mga

kanto, mga bahay, at iba pang mga sulok sa isang komunidad dahil sa saya

nitong dala. Dagdag pa, isa rin ito sa mga kadahilanan na naging mas malalim

at mas matatag ang isang samahan ng mga kabataan.

Ngunit sa paglipas ng panahon, mas naging malago na ang kaalaman ng

mga tao sa iba’t ibang mga bagay dito sa mundo. Maraming natuklasang mga

aral, at marami ring mga imbensiyon ang nabuo. Isang halimbawa nito ay ang

makabagong mga teknolohiya na siyang patok sa halos lahat, mapabata man o

matanda. Tulad na lamang ng mga cellphone, computer, tablet, laptop, atbp.

Kasabay naman ng pag- usbong ng mga teknolohiyang nabanggit ay ang

pagkalat din ng iba’t ibang mga larong pangteknolohiya katulad na lamang ng

Candy Crush, Mobile Legends, DOTA, at marami pang iba. Dahil sa

pangyayaring ito, kapansin-pansin na tila wala nang mga kabataan na nakikita

sa mga kanto’t sulok na naglalaro ng mga larong lahi. Dagdag pa ay halos lahat

ng mga kabataan sa ngayon ay tila nakakalimutan na ang mga larong ito at mas

pinipili na lamang laruin ang mga larong pangteknolohiya.

Ayon rin kay Kiko (2011), ibang-iba na ang panahon ngayon, hindi

katulad noon na mas madalas nasa kalsada at naglalaro ng mga larong pang-

bata. Hindi katulad ngayon, ang mga kabataan ay madalas maglaro ng video

games at nasa bahay lang, nakakalimutan na ang mga tradisyunal na mga

larong pambata.
Page |4

Sa panahon ngayon, ang mga larong ito ay unti-unting naglalaho at

napapalitan ng mga modernong kagamitan na umuudyok sa mga ilan na

kalimutan na ang mga larong tradisyunal. Kaya ito ang nag-udyok sa mga

mananaliksik na pag-aralan ang kamalayan ng mga kabataang ilonggo sa

Surallah, South Cotabato patungkol sa mga larong lahi ng mga Ilonggo.

Sapagkat ayon sa WordPress (2015), Ang sagot sa ilang problemang paglalaho

ng kulturang Pilipino ay ang paggunita at aktong paggawa ng mga ito. Dahil sa

pag-unlad ng teknolohiya ay umunti na ang naglalaro ng mga larong Pinot. Ang

katutubong laro ay maituturing na palatandaan ng isang lahi, kung kaya’t dapat

na balikan, pangalagaan upang mabigyang buhay itong muli

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ayon sa fka Children’s Services, Ang laro ay nagtataguyod ng

pagkakataon para bumulas ang pangangatawan na siyang nagbubunsod ng

tiwala ng mga bata sa kanilang sarili, nagpapalakas ng malalaki at maliliit na

masel at umaagapay sa pagpapaunlad ng kanilang koordinasyon. Dagdag pa

nito, Sa kanilang laro, magagamit ng mga bata ang taglay nilang kaalaman at

mga ideya upang makabuo ng bago at mga interesanteng kaalaman.

Halimbawa, kapag ang tubig ay ibinuhos sa tuyong buhangin, sisipsipin ito

hanggat makakaya ng buhangin, ang sobrang tubig ay lilikha ng lam-aw.

Maitataya ng mga bata kung ilang lalagyan ng tubig ang kailangan para

makabuo ng lam-aw. Hahantong ito sa mas mahalagang pagkatuto kasama na

ang pagtuklasng mga katunayang siyentipiko at pangmatematika.


Page |5

Ayon sa WordPress (2020), Sa pamamagitan ng malikhaing isip nating

mga Pilipino nabuo ang ang mga tradisyonal na larong Pilipino. Ang mga larong

ito ang naging libangan ng ating mga ninuno ilang taon na ang nakalipas.

Nagbibigay ito ang kasiyahan sa atin sa pagkakataong tayo’y nababagot.

Nagbibigay rin ito ng magandang benepisyo sa ating kalusugan. Napupuno ng

masasayang tawanan ang paligid dahil sa kakaibang siglang naidudulot ng

paglalaro sa atin.

Aniya pa ng WikiFilipino (2021), Ang mga tradisyunal na larong Pilipino

ay sadyang nakapang-aakit, kakaiba, at bunga ng malikhaing imahinasyon. Sa

magkakasabay na hiyawan ng bawat manlalaro ay hindi mo mapipigilang

mapasali sa kasiyahan. Sa katunayan nga, kahit na magalit pa ang ina kapag

umuwi ang batang marumi, pawis, at amoy araw, bawat batang Pilipino’y hindi

inaalintana maski pa mapingot ang kanilang mga taynga makasama lang sa

paglalaro nito. . Isang napakagandang bagay pa tungkol dito ay pwede itong

laruin ng kahit sino ng walang bayad.

Ayon naman sa Festive Iloilo (2015), Bagaman nakatira tayo sa isang

mundo ng digital age at advanced na teknolohiya, gayon pa man, may mga

bagay na hindi madaling makalimutan at naging ating yabang sa kultura. Ang

isa sa mga ito ay ang aming tanyag na tradisyunal na mga laro para sa mga

bata na lahat ay bahagi ng aming mga aktibidad na libangan at naipasa sa

maraming henerasyon. Kahit ngayon, sa malalayong probinsya at kanayunan,

ang mga tanyag na tradisyunal na larong ito ay nilalaro pa rin ng mga bata sa

panahon ng kanilang paglilibang. Dagdag pa nito, iilan sa mga larong lahi ng


Page |6

mga Ilonggo ay ang Luksong Tinik, Lukso baka o milo-milo, Ins o lantay-lantay,

Shatong, piko o tenten-kros, pitik-bulag, kick o sipa, panagu-ay o luko- luko

kabayo, tumba patis o tumba lata, paupas damang, taksi, at iba pa.

Totoo ngang malaki na ang ambag ng larong lahi sa mga tao at maging

sa bayan rin mismo. Nakatulong ito sa pag-unlad ng kultura at naghahatid rin ng

kasiyahang hindi mararamdaman sa iba. Ito rin ay may malaking naitutulong sa

katawan at kaalaman mismo ng mga bata. “Ang laro ay nagbibigay ng mga

pagkakataon sa mga bata na matuto habang tumutuklas, lumilikha, kumakatha

at naghihiraya. Nagagawa ng laro na maging kaenga- enganyo ang kapaligiran

upang ang mga bata ay magtanong, lumutas ng problema at sumabak sa

kritikal na pag-iisip. Napalalawak ng laro ang pag- iisip ng mga bata at

pinalalakas ang pagnanasang umalam at matuto.” (EYLF, 2009 p. 15). Dagdag

pa ni Eli (2009), Ang laro ng bawat lipi ay pagkakakilanlan ng isang pagkatao at

pagkabansa. Humuhubog rin ito ng isang masining na kaisipan at masining na

damdamin.

Paghubog sa pag-uugali at paghahanda sa mga susunod pang mga

karanasan ng pagiging propesyonal ay dulot rin ng kabataang paglalaro. Ang Laro ng

Lahi ay mahalagang simbolo ng ating pagiging Pilipino. Dito unang nalinang ang

ating pakikipagkapwa, natutong mag-isip at gumawa ng desisyon na alam nating

makakabuti para sa atin.

Ngunit sa paglipas ng panahon, hindi natin maipagkaila na unti-unti na ngang

nawawala sa kabataan ang paglaro ng mga larong lahi. Ayon pa sa WordPress


Page |7

(2015), Sa paglipas ng panahon, unti unting nawawala ang mga larong Pilipino.

Bibihira na lamang makatagpo ng mga batang naglalaro at nagbabad sa init ng araw.

Dala ng modernisasyon, naglabasan ang iba’t ibang uri online games sa mga

kompyuter. Ito ang mga larong kinawiwilihan ng mga kabataan ngayon. Nilalaro na

lamang ito sa loob ng tahanan. Hindi na nila nakikita ag kahalagahan ng paglalaro ng

mga larong Pilipino pati na rin ang benepisyong naidudulot nito sa kalusugan.

Dagdag pa ni Oliver G. Flavier (2016), Sa patuloy na pagbabago ng panahon, unti-

unting naglalaho ang mga larong pinoy na siyang humubog sa atin upang ihanda

tayo at gawing responsibleng indibidwal nang sa gayon ay maging produktibo tayo

sa oras ng ating pagharap sa reyalidad ng buhay.

Ang mga larong ito ay minana pa natin sa ating mga ninuno at

inaasahang maipapamamana sa mga susunod pang henerasyon, ngunit tulad

ng inaasahan ang mga kabataan sa modernong panahon ay madaling

magsawa at mawalan ng gana sa mga bagay na sa kanilang panananaw ay

wala ng kuwenta o halaga.

Ngunit hindi pa huli ang lahat. Alam naman natin na marami pang mga

paraan upang mabigyang buhay ulit ang mga larong ating kinagisnan. Mga

paraang simple lamang ngunit nakakasigurong epektibo at ang lahat ay may

kakayahan itong gawin. Katulad na lamang ng paglaro nitong muli, o hindi kaya

ang pag-iimbita ng mga kabataan na laruin ang mga larong ito. Katulad na

lamang sa sinabi ng WordPress (2015), Ang sagot sa ilang problemang

paglalaho ng kulturang Pilipino ay ang paggunita at aktong paggawa ng mga ito.


Page |8

Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya ay umunti na ang naglalaro ng mga larong

pinoy. Ang katutubong laro ay maituturing na palatandaan ng isang lahi, kung

kaya’t dapat na balikan, pangalagaan sa pamamagitan ng aktong paggawa o

paglaro ng mga ito.

Dagdag pa ni Garcia (2020), magkaroon ng iba’t ibang fiesta na kung

saan ay magpapalaro sila at sa larong iyon ay maaari tayong makisali upang

maipakita ang ating laro bilang mga Pilipino. Tulad rin sa sinabi ni Talon (2020),

laruin mo yung mga larong Pilipino tulad ng luksong baka luksong tinik at iba pa,

huwag yung mga online games kasi pwede manlabo ang iyong paningin sa

kakalaro ng online games.


Page |9

Konseptwal na Balangkas

Antas ng kamalayan Mga Kabataang Ilonggo sa


Surallah, South Cotabto

Pagkakilanlan ng mga Larong


Lahi ng Ilonggo

Figyur 1. Konseptwal na Balangkas

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang antas ng kamalayan ng

kabataang Ilonggo sa munisipalidad ng Surallah, probinsiya ng South Cotabato

patungkol sa larong lahi ng mga Ilonggo. Layunin ng mga mananaliksik na

mabigyan ng kasagutan ang sumusunod na suliranin:

1. Gaano kalawak ang kamalayan ng kabataang Ilonggo patungkol

sa mga laronglahi ng mga Ilonggo?

2. Ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagtangkilik ng

kabataang Ilonggo sakanilang sariling larong lahi?

3. Ano ang mga salik na nakakaapekto sa hindi pagtangkilik ng

kabataang Ilonggosa kanilang sariling larong lahi?


P a g e | 10

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang antas ng kamalayan ng

kabataang Ilonggo sa larong lahi ng mga Ilonggo. Sa pamamagitan nito ay maaaring

mapalawak ang kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa mga kinagisnang ng mga

Ilonggo, lalo na sa mga kabataan ngayon. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga

sumusunod na indibidwal:

Mga Ilonggo - maging sariwa sa kaisipan ng mga mambabasang Ilonggo ang kanilang

mga sariling larong lahi.

Mga Kabataang Ilonggo - makakatulong ito sapagkat malalaman nila ang mga

kinagisnang laro natin noong hindi pa uso ang teknolohiya. Mas matututuhan nilang

magbigay halaga sa mga larong ito.

Mga Kabataang Nabibilang sa Ibang Pangkat-Etniko - mabigyang kaalaman

ang mga kabataan sa ibang pangkat-etniko patungkol sa mga larong lahi ng mga

Ilonggo.

Mga Guro - magagamit ito sa pagbigay impormasyon sa mga mag-aaral patungkol sa

mga larong lahi ng mga Ilonggo.

Mga Mananaliksik - ang mga impormasyong nakalap sa pananaliksik na ito ay

magagamit ng mga sumusunod na mananaliksik bilang basehan ng kanilang pag-aaral

na may kinalaman sa mga larong lahi ng mga Ilonggo.


P a g e | 11

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang sumusunod ay mga pangunahing katawagan na binigyang-kahulugan ayon

sa kung paano ito gagamitin sa gagawing pag-aaral.

Antas - lebel o posisyon ng isang tao sa isang partikular na bagay.

Kamalayan - hango sa salitang ugat na malay na nagbabatid ng kaalaman sa isang

bagay.

Ilonggo - pangkat-etniko na kabilang sa Pilipinas, partikular na matatagpuan sa

Visayas at Mindanao.

Kabataang Ilonggo - mga kabataang nabibilang sa pangkat-etnikong Ilonggo.

Larong Lahi - mga larong kinagisnan at nakasanayang laruin noong hindi pauso ang

teknolohiya
P a g e | 12

METODO

Disenyo ng Pananaliksik

Isang kwantitatibong pamamaraan ng pananaliksik ang ginamit ng mga

mananaliksik sa isinagawang pag-aaral upang magkaroon ng malalimang pagsusuri

sa antas ng kamalayan ng kabataang Ilonggo sa Surallah, South Cotabato patungkol

sa mga larong lahi ng mga Ilonggo.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay isinagawa sa loob ng Surallah, South Cotabato

lamang.

Figyur 2. Kaligiran ng Pananaliksik


P a g e | 13

Respondente

Ang naging respondente ng pag-aaral na ito ay ang kabataang Ilonggo

na may edad sampu (10) hanggang labinlimang (15) taong gulang lamang. Ang

mga kabataang respondente ay nakatira rin sa loob ng Surallah, South

Cotabato.

Sampling Teknik

Ang sampling teknik na ginamit ay purposive sampling teknik. Ang mga

mananaliksik ay gumamit ng ganitong teknik upang maisiguro na pasok sa

batayan ang mga respondente na sasagot sa pag- aaral.

Instrumento ng pananaliksik

Ang instrumenting ginamit ng mga mananaliksik ay talatanungan. Ang

talatanungan ay binubuo ng apat na tanong. Ang unang tanong ay mayroong

apat na pagpipilian (mga larong lahi ng Ilonggo) na siyang pagpipilian ng mga

respondente kung ano ang alam nilang mga laro sa mga nakalista.

Nakadepende naman sa sagot ng mga respondente sa pangalawang tanong

kung anong susunod na katanungan ang kanilang sasagutan; ikatlong

katanungan ba o ika-apat na katanungan.


P a g e | 14

Ang ikatlo at ika-apat na mga katanungan ay parehong may nakalistang

pagpipilian. Sa pagpili ng sagot ng mga respondente, lalagyan lamang nila ng

tsek ang kahon sa gilid ng kanilangninanais na sagot.

Paraan sa Pangangalap ng Datos

Ang mga hakbang na kinailangang gawin sa paggawa ng pananaliksik na

ito ay ang pagpili ng mga respondenteng naka-ayon sa batayan ng mga

mananaliksik (purposive sampling). Pagkatapos ay bumuo ang mga

mananaliksik ng talatanunang inaprobahan ng kanilang guro sa Filipino.

Matapos inaproba, binigay nila ito sa kanilang mga napiling respondente at

pinasagutan.

Binigyang saysay ang mga datos na makakalap sa pamamagitan ng mga

sumusunod na paraan; Una, itinala ng mga mananaliksik at kinuha ang

kabuuan ng mga resulta na nakalap. Pagkatapos, kinuha nila ang porsyento ng

bawat sagot at inalarawan ito sa pamamagitan ng pie graph at pagpapaliwanag.

Pag-aanalisa ng Datos

Ang bawat porsyentong nakuha ay nagamit upang matukoy ang bilang

ng mga respondenteng sumagot sa bawat pagpipilian ng sagot. Nakuha ng mga

mananaliksik ang porsyento sa pamamagitan pagdidibayd ng mga sagot (a) at

ang kabuuang bilang ng mga respondente (N). Matpos makuha ang sagot ay

ini-multiply ito sa isang daang porsyento upang makuha ang kabuuang

porsyento ng sagot.
P a g e | 15

𝑎
𝑥% Na kung saan:

𝑁 a= bilang ng napiling sagot ng mga respondente

N= kabuuang bilang ng mga respondent at

kabuuang bilang ng mga respondenteng sasagot

ng Oo/Hindi

%= 100%

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng antas ng

kamalayan ng kabataang Ilonggo sa Surallah, South Cotabato patungkol sa

larong lahi ng mga Ilonggo. Ang mga kabataan ay nasa sampu (10) hanggang

labinlima (15) ang kaedaran at nakatira sa loob ng Surallah, South Cotabato

lamang.
P a g e | 16

RESULTA AT DISKUSYON NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik mula sa mga respondenteng kabataang Ilonggo sa Surallah, South

Cotabato.

TALAHANAYAN 1: Ano-ano ang mga larong lahi ng mga Ilonggo na alam mong

laruin?

Upas Damang 60%

Taksi 53.03%

Tumba Lata 80%

Panagu-ay 93.03%

0% 20% 40% 60% 80% 100%

Makikita sa Talahanayan 1 ang sagot ng mga respondente batay sa mga

larong lahi ng mga Ilonggo na alam nilang laruin. Sa labinlimang respondente,

labing-apat na may 93.3% ang sumagot ng Panagu-ay. Labing-dalawa na may 80%

ang sumagot ng Tumba Lata, Walo na may 53.3% naman ang sumagot ng Taksi, at

9 na may 60% ang sumagot ng Paupas Damang. Ito ay nagbabatid na ang Panagu-

ay ang pinakapatok na larong lahi ng mga Ilonggo sa mga kabataang Ilongngo sa


P a g e | 17

panahon ngayon. Ayon pa sa Festive Iloilo (2016), Nakatala ang larong Panagu-ay

bilang ika-siyam na pinakasikat na mgatradisyunal na laro ng mga Ilonggo.

TALAHANAYAN 2: Sa panahon ngayon na patok ang teknolohiya sa lahat,

tinatangkilik mo pa ba ang mga sariling larong lahi?

80%
Oo

20%
Hindi

0% 20% 40% 60% 80% 100%

Makikita sa Talahanayan 2 ang sagot ng mga respondente batay sa kung

nilalaro pa ba nila ang mga larong naitala sa unang katanungan o hindi na. Ayon sa

nakalap na datos, labindalawang respondente ang sumagot ng “Oo” na kung saan

ay may 80% at tatlo lamang ang sumagot ng “Hindi” na kung saan ay may 20%.

Nagbabatid lamang ito na buhay pa rin at patuloy na itinatangkilik ng mga kabataang

Ilonggo ang kanilang sariling larong lahi. Ngunit mayroon ring iilan na tila

nakakalimutan na ang ang mga larong ito.


P a g e | 18

Ang sumusunod na talahanayan ay naka-ayon sa sagot ng mga respondente

sa ikalawang katanungan. Dahil labindalawang respondente ang sumagot ng “Oo,”

ito ang naging batayan sa pagkuha ng porsyento ng mga sagot sa ikatlong tanong.

Sa kabilang banda, dahil tatlo lamang ang sumagot ng “Hindi,” tatlo rin ang naging

batayan sa pagkuha ng porsyento ng mga sagot sa ika-apat na katanungan.

TALAHANAYAN 3: Ano ang mga rason kung bakit nilalaro mo ang mga larong ito?

Sumagot ng "Oo"
Ito ay nakakaaliw laruin 91.7%

Ito ang aking libangan 58.30%

Ito ay nakakalakas ng aking sistema’t 50%


resistensiya

Ito ang nagiging paraan ko upang mapaunlad 33.3%


ang kasanayan sa isports

0% 20% 40% 60% 80% 100%

Makikita sa Talahanayan 3 ang sagot ng labindalawang respondente na

sumagot ng “Oo” (ikalawang katanungan) batay sa kung ano ang mga salik kung

bakit nilalaro nila ang mga larong nabanggit. Labing-isa na may 91.7% ang sumagot

ng unang salik na kung saan ito ay “Ito ay nakakaaliw laruin.” Parehong pito na may
P a g e | 19

58.3% naman ang sumagot sa mga salik na “Ito ang aking libangan” at “Ito ay

nakakatulong sa aking pakikisalamuha sa ibang mga kabataan.” Anim na may 50%

naman ang sumagot ng “Ito ay nakakalakas ng aking sistema’t resistensiya.” At

panghuli, apat na may 33.3% naman ang sumagot ng “Ito ang nagiging paraan ko

upang mapaunlad ang kasanayan sa isports.” Nabigyang linaw ng mga mananaliksik

na ang pangunahing salik kung bakit tinatangkilik ang mga larong lahi na mga ito ay

dahil nakakaaliw itong laruin. Ayon pa sa WikiFilipino (2021), Ang mga tradisyunal na

larong Pilipino ay sadyang nakapang-aakit, kakaiba, at bunga ng malikhaing

imahinasyon. Sa magkakasabay na hiyawan ng bawat manlalaro ay hindi mo

mapipigilang mapasali sa kasiyahan.

TALAHANAYAN 4: Ano ang mga rason mo kung bakit hindi mo nilalaro ang mga

larong ito?

Sumagot ng "Hindi"

Kulang ako sa kaalaman sa kung paano laruin 100%


ang mga larong ito.

66.7%
Ito ay nakakasawang laruin

0% 20% 40% 60% 80% 100%


P a g e | 20

Makikita sa Talahanayan 4 ang sagot ng tatlong respondente na sumagot ng

“Hindi” (ikalawang katanungan) batay sa kung ano ang mga salik kung bakit hindi

nila nilalaro ang mga larong nabanggit. Dalawa na may 66.7% ang sumagot ng

unang salik na kung saan ito ay “Ito ay nakakasawang laruin.” At tatlo na may 100%

naman ang sumagot ng “Kulang ako sa kaalaman sa kung paano laruin ang mga

larong ito.” Nabigyang linaw at natuklasan ng mga mananaliksik ang pangunahing

salik kung bakit hindi nilalaro ng iilang mga kabataang Ilonggo ang mga larong lahi

ng mga Ilonggo, at ito ay dahil sa kakulangan nila ng kaalaman at karanan sa

paglaro ng mga larong ito. Ayon pa sa WordPress (2015), Sa paglipas ng panahon,

unti-unting nawawala ang mga larong Pilipino. Dala ng modernisasyon, naglabasan

ang iba’t ibang uri ng online games sa mga kompyuter. At dahil dito, nakukulangan

na ng kaalaman ang mga kabataan sa mga tradisyunal na mga laro.

Kongklusyon

Base sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pag-sarbey ng mga

kabataang Ilonggo sa Surallah, South Cotabato, ang mga mananaliksik ay nakabuo

ng mga sumusunod na pakakahulugan at kongklusyon.

Una, malaking porsyento pa rin ng mga kabataang Ilonggo sa kasalukuyang

panahon ang mayroon ng sapat na kaalaman sa mga larong lahi ng mga Ilonggo.

Nabigyang linaw rin na ang larong Panagu-ay ang pinakapatok sa lahat kahit na

makabago na ang henerasyon ngayon.


P a g e | 21

Pangalawa, patuloy pa ring itinatangkilik ng mga kabataang Ilonggo ang

kanilang mga sariling larong lahi. Ang kabataang Ilonggo mula sa Surallah, South

Cotabato ang magiging saksi sa pahayag na ito. Subalit, hindi rin maipagkaila na

may roon na ring iilan na hindi na malayang itinatangkilik ang mga larong ito.

Pangatatlo, ang pangunahing salik na nag-udyok sa mga kabataang Ilonggo

na ipatuloy ang pagtangkilik sa mga larong lahi ng mga Ilonggo ay ang kaaliwan

nitong laruin. Ngunit, mayroon ding iba pang mga salik tulad ng ginagawang

libangan, pampalakas ng resistensya, gawing ehersisyo pang-isports, at

ginagawang daan upang makipagkaibigan sa iba pang mga kabataan.

Panghuli, ang pangunahing salik na naging dahilan upang tuluyan nang hindi

tangkilikin ang mga larong ito ay ang kakulangan sa kaalaman at karanasan ng mga

kabataan ngayon. Isang dahilan rin ay ang pagsasawa sa mga laro nito kung kaya ay

naghahanap na ng ibang mga laro ang mga kabataan.

Bilang kongklusyon, natuklasan ng mga mananaliksik na ang kinagisnang laro

ng mga kabataang Ilonggo noong unang panahon ay nakapreserba pa rin at patuloy

pa ring nagbibigay ng mga magagandang dulot sa mga kabataan sa kasalukuyan.

Patok man ang mga makabagong teknolohiya, ipinaglalaanan pa rin ng oras ng

halos lahat na mga kabataan Ilonggo ang paglalaro sa labas. Ito ay magiging

patunay na patuloy pa rin ang pagtatangkilik ng mga Ilonggo sa sarili nitong kultura,

mapa-bata man o matanda.


P a g e | 22

Rekomendasyon

Kaugnay sa isinagawang pag-aaral, buong pagpapakumbabang

iminumungkahi ng mga mananaliksik sa iba pang mga indibidwal ang mga

sumusunod na rekomendasyon ng pag-aaral.

Para sa mga Ilonggo

1. Maging gabay ang pag-aaral na ito upang malaman ang kalagayan ng sariling

mga larong lahi lalo na’t makabago na ang panahon ngayon at nagsisilitawan na ang

mga larong pangteknolohiya. Maging instrumento rin ito upang malaman kung

itinatangkilik pa ba ang pansariling larong lahi o hindi na.

Para sa mga kabataang Ilonggo

2. Nais ng mga mananaliksik na irekomenda ang pag-aaral na ito sa mga kabataang

Ilonggo upang magbigay ng kaalaman batay sa mga salik kung bakit itinatangkilik

ang mga larong lahi ng mga Ilonggo. Maging rason din ito sa pag-udyok ng mga

kabataan Ilonggo ngayon na laruin ang mga larong ito.

Para sa mga kabataang nabibilang sa ibang pang-etniko

3. Maging instrumento ang pag-aaral na ito upang mas mapalaganap ang kulturang

Ilonggo sa iba pang mga pangkat. Ito rin ay posibleng maging daan upang mahikayat

ang iba pang mga kabataan sa paglaro ng mga larong lahi ng mga Ilonggo.
P a g e | 23

Para sa mga guro

4. Ang pananaliksik na ito ay maging daan upang madagdagan ang kaalaman ng

mga guro batay sa mga larong lahi ng mga Ilonggo. Posible ring maibahagi niya ito

sa kaniyang mga estudyante lalo na kapag ang topiko niya ay may koneksyon sa

mga larong lahi.

Para sa susunod na mga mananaliksik

5. Likas na inirerekomenda ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sapagkat

maging gabay ito at posibleng gawing kaugnay na pag-aaral o karagdagang

kaalaman sa mga mananaliksik na nais pag-aralan ang mga larong lahi ng mga

Ilonggo. Inirerekomenda rin ng mga mananaliksik na pag-aralan din ang mga larong

lahi ng iba pang mga pangkat-etniko upang mas malawak ang saklaw at makalap na

mga datos ng susunod na mga mananaliksik.


P a g e | 24

Mga Sanggunian

10 Pinakasikat na Larong Tradisyunal ng Pilipino - Wikfilipino. (2021,


March23)WikiFilipinohttps://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=10_Pinakasikat_na_La
rong_Tradisyunal_ng_Pilipino
G. (2016, February 28). Laro ng Lahi (ekspositori). Gmc21blog.
https://www.google.com.ph/amp/s/gmc21blog.wordpress.com/2016/02/28/laro-ng-
lahi-ekspositori/amp/

J. (2015, March 12). Ang mga Laro ng ating Lahi. Laro Ng Lahi.
https://www.google.com.ph/amp/s/adiktosonse.wordpress.com/2015/03/07/ang-mga-
laro-ng-ating-lahi/amp/

K. (2021, January 22). Kahalagahan Ng Kultura Sa Kasalukuyang Panahon


Halimbawa. Philippine News.

https://philnews.ph/2021/01/22/kahalagahan-ng-kultura-sa-kasalukuyang-panahon-
halimbawa/

O. (2017, September 27). Larong Pinoy: Pamanang unti-unting


kinalimutan.WordPress.Com.https://www.google.com.ph/amp/s/intellectwarriorssite.w
ordpress.com/2017/09/24/first-blog-post/amp/

R. (2016b, May 16). Popular Ilonggo Traditional Games to Enjoy.


Festiveiloilo.https://festiveiloilo.wordpress.com/2016/05/16/ilonggo-traditional-games-
to-enjoy/amp/

Top10na tradisyunalna larong pambata(2011, December 7)Kritikong Kiko.

https://kritikongkiko.wordpress.com/2011/02/23/top-10-na-tradisyunal-na-larong-
pambata/
P a g e | 25

MGA DAHONG DAGDAG

LIHAM SA MGA RESPONDANTE

Mahal naming respondente,

Kami ay mga mananaliksik na napabilang sa unang taon ng Bachelor of Science

in Nursing sa Notre Dame of Marbel University. Sa kasalukuyan, bumubuo kami ng

isang pananaliksik at ikinalulugod po naminng maging bahagi kayo sa

pagsasakatuparan ng aming pag-aaral na may pamagat na “ANTAS NG KAMALAYAN

SA LARONG LAHI NG MGA KABATAANG ILONGGO SA SURALLAH, SOUTH

COTABATO” hinggil sa PananalikSOX: Pananaliksik sa Kulturang MULUSIYANO.

Nawa’y sagutin ninyo ang mga katanungan nang may katapatan, walang

pinapanigan, at walang sinisiraan na tao, pangkat, institusyon at iba pa. Dagdag pa,

ang aming mga makakalap na mga datos mula sa inyo ay mananatiling pribado at hindi

maipahahayag sa kahit sino magpakailanman.

Maraming salamat at pagpalain nawa kayo ng Maykapal.

Mga Mananaliksik
P a g e | 26

Sample ng Talatanungan

1). Lagyan ng tsek (/) ang bawat kahon kung alam mong laruin ang mga larong lahi ng
mga Ilonggo na nakatala sa ibaba.
Panagu-ay
Tumba lata
Taksi
Paupas damang

2.) Sa panahon ngayon na patok ang teknolohiya sa lahat, tinatangkilik mo pa ba ang


mga sariling larong lahi?
Oo
Hindi

Direksyon: Kung ang sagot mo sa pangalawang katanungan ay “OO” sagutin ang


ikatlong katanungan. Kung ang sagot mo naman ay “HINDI” sagutin ang ika-apat na
katanungan.

3.) Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ito ay isa sa mga rason kung bakit mo nilalaro
ang mga sariling larong lahi.
Ito ay nakakaaliw laruin. Ito ang aking libangan.
Ito ang nagiging paraan ko upang mapaunlad ang kasanayan sa isports.
Ito ay nakakalakas ng aking sistema’t resistensiya.
Ito ay nakakatulong sa aking pakikisalamuha sa ibang mga kabataan.

Iba pang rason:_________________________________________________________


P a g e | 27

4.) Lagyan ng tsek (/) ang bawat kahon kung ito ay isa sa mga rason kung bakit
hindi monilalaro ang mga sariling larong lahi
Ito ay nakakasawang laruin.
Ito ay mahirap laruin.
Ito ay walang magandang naidudulot sa akin.
Walang gustong makipaglaro sa akin.
Kulang ako sa kaalaman sa kung paano laruin ang mga larong ito.

Iba pang rason:_________________________________________________

______________________________________________________________
P a g e | 28

CURRICULUM VITAE

Jewel Renz C. Aprosta


Cell No. +639284715879
E-mail: rensaprosta2104@gmail.com
Adress: Purok Rosas, Dajay, Surallah, South Cotabato

PERSONAL INFORMATION

Sex: Male

Age: 19

Civil Status: Single

Date of Birth: 04 August 2001

Height: 5’10’

Weight: 53 kg

Place of Birth: Purok Rosas, Dajay, Surallah, South Cotabato

Citizenship: Filipino

Religion: Catholic
P a g e | 29

Hazel Anne D. Banzon


CellNo.+639352155730
E-mail: banzonhazelanne@gmail.com
Adress: 997 Luwaan St. Zone 4 Brgy. Libertad
Surallah, South Cotabato

PERSONAL INFORMATION

Sex: Female

Age: 19

Civil Status: Single

Date of Birth: 13 June 2001

Height: 5’4’

Weight: 41 kg

Place of Birth: Zone 4 Brgy. Libertad Surallah South Cotabato

Citizenship: Filipino

Religion: Catholic
P a g e | 30

Krizza S. Camissura
CellNo.+639654869888
E-mail: kcamisura0513@gmail.com
Adress:

PERSONAL INFORMATION

Sex: Female

Age: 20

Civil Status: Single

Date of Birth: 13 May 2001

Height: 5’2’

Weight: 49 kg

Place of Birth:

Citizenship: Filipino

Religion: Catholic

You might also like