You are on page 1of 2

ADRIAN D.

SIRAY ECE201 Final Output

a.Ayon sa artikulo, ano ang ideyolohiyang nagpapairal at nagpapalakas ng di pantay na


hatian ng gawain batay sa kasaraian?
 Ang ideyolohiyang nagpapairal at nagpapalakas ng di pantay na hatian ng gawain batay
sa kasarian ay ang ideyolohiyang familism.
b. Ipaliwanag ang ideyolohiyang ito?
 Ito ay ang pagdidikta o pagtuturo sa mga kababaihan na ang kanilang kahahantungan ay
ang pagiging ilaw ng tahanan, o di naman kaya'y tagapangalaga ng bahay. Itinuturo rin
ng ideyolohiyang ito na ang buong pagkatao at responsibilidad ng isang babae ay
nakatuon sa kung papaano siya makakabuo ng tahanan at pamilya.
c. Ano-ano  ang mga institusyon sa lipunan na nagpapalaganap ng nasabing ideyolohiya?
 Ang mga institusyon na nagpapalaganap ng ideyolohiyang familism ay ang mga
eskwelahan, simbahan, at midya.
d.Ano ang dahilan sa maagang paghinto sa pag-aaral ng mga kababaihan?
 Ang kakulangan sa pinansyal na pantustos sa pag-aaral. Bagamat libre ang edukasyon,
may mga kagamitan na kailangan ng estudyante sa kaniyang pag-aaral. At dahil na rin sa
kaisipan na ang kahahantungan lamang ng kababaihan ay ang "pag-aasawa", hanggang
primarya lamang ang kanilang tinatapos, o di kaya nama'y hindi na nakakapagtapos at
napipilitang huminto dahil sa mga dahilang aking binanggit.

e.Paano nakapag-ambag  at pina-iral ng primaryang edukasyong inilatag /itinatag ng mga


Amerikano ang  pagpapanataili sa mababang posisyon ng kababaihan sa lipunan? Ilahad
ang mga konkretong batayan na nabanggit sa artikulo.
 Itinuturo ng mga paaralan ang magkaibang mga gawain batay sa kasarian ng mga mag-
aaral. Halimbawa na lamang ay ayon sa The Board of Educational Survey (288-289),
para sa mga kalalakihan sa Grade 4, nararapat na pagtuunang pansin ang pagsasanay sa
gardening, poultry raising, basketry, woodworking, pottery, atbp. na nasasabing
mahalaga sa komunidad. Samantalang ang kababaihan ay dapat pagsanayan ang garment
making ang care of clothing ang household textiles, cooking and food studies,
housekeeping, at marami pang iba. Dahil dito, nagkakaroon ng ideya ang mga
kababaihan kung ano ang kahahantungan nila sa hinaharap. At dito na sisingit sa kanilang
isipan ang ideyolohiyang familism, lalo na't ang resultang hinahangad ng mga paaralan
para sa mga kababaihan ay "The girl is a good house keeper and will make a real home."

You might also like