You are on page 1of 1

John Marvin M.

Santoyo FLIN02G

ME – 301 23/02/21

AKTIBI 2-Pre-Assessment/ Guide Questions

2.a Ano-ano ang mensaheng iniiwan ng mga nasabing awitin na hindi karaniwang maririnig sa mga
awiting Ingles?

Nais sabihin ng kantang “mamayani ang mamayan” ay dapat mamayani ang mga mamayan na
nakatira sa sariling pamayanan nito. Halimbawa nito ang pilipinas na may roong mamamayang Pilipino.
Pinapakita rin sa video kung paano magkaisa ang sambayanan. Bihira mo itong maririnig sa awiting
ingles sa dahilang ito ay kinomposa para sa mga Pilipino upang maging aral sa papaano dapat mamayani
ang mga Pilipino sa sarili nitong bansa.

2.b Paano sinasalamin ng mga awiting ito ang mahigpit na ugnayan ng wikang Filipino at ng pagbibigay
prayoridad sa mga hinaing at pangangailangan ng mga ordinaryong mamamayan?

Sinasabi ng mga awiting ito na kinomposa sa wikang Filipino na dapat unahin ang mga sarili lalo
na ang pagtulong sa mga nangangailangan. Unahin ang pamamayani sa mamayan at hindi ang
pansariling interes. Maiaaplika ang ganitong sitwasyon sa panahon ngayon. Tayo ay naiipit sa panahon
ng pandemya na kung saan tayo ay nagaantay ng bakuna mula sa ibang bansa. Dahil dito maglalabas o
maglalaan nanaman ng pondo na gagamitin ang pamahalaan para sa kaligtasan ng mga mamayan. Dito
ay pinaguusapan ang kaligtasan ng mga mamayang Pilipino at naway wag ang pansariling interes ang
mangibabaw. Di dahil mura ang nasabing bakuna ito na ang pipiliin dahil may kaakibat itong mas
mababang porsyento ng kaligtasan.

You might also like