You are on page 1of 1

Paano maiilarawan ang kalagayan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika

ng Edukasyon at Pananaliksik.

Maiilarawan ang kalagayan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa ayon sa (Art.XIV, Sek. 6,
Konstitusyon, 1987) patuloy na nililinanng at pinapaunlad salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba
pang wika. Sa Wika ng Bayan maiilarawan ang kalagayan ng Wikang Filipino sa pamamgitan ng pagiging
wikang opisyal nito sa ating pamahalaan. Dumako namna tayo sa Wika ng Edukasyon at Pananaliksik
maiilarawan ang kalagayan n gating wika sa dalawang ito sa pamamagitan ng pagbabalewala at hindi na
masyadong nabibigyan ng pansin o pagpapahalaga katunayan lumabas sa ilang mga balita na ang
asignaturang Filipino ay aalisin na sa mga kolehiyo subalit may iba parin naman na patuloy na
ipinaglaban ang Wikang Filipino lalong higit ang mga nagpapakadalubhasa sa Wikang Filipino. Iba’t iba
ang kalagayan ng ating wika sa iba’t ibang aspeto subalit tayo bilang mga Filipino hindi dapat natin
pinagdududahan ang kakayahan ng ating Wika sapagkat ito na ang kinagisnan natin ito an gang
magbibigay ng mga bagong kaalaman sa pananaliksik ng ating lipunan at upang hindi tayo manatiling
isang bayang walang tiyak na tunguhin, walang maaasahang pag-iral sa kinabukasan at lalong higit
walang pagkakakilanlan.

Paano nauugnay ang pagpapalakas ng Wikang Pambansa sa pagpapatibay ng kolektibong identidas at


pagkakamit ng bansang pagkakaisa at kaunlaran.

Nauugnay ang pagpapalakas ng Wikang Pambansa sa pagpapatibay ng kolektibong identidas at


pagkakamit ng bansang pagkakaisa at kaunlaran sapagkat ang ating Wikang Pambansa ang siyang
nagbibigay daan para magkaisa tayong mga Pilipino at patuloy na yakapin ang ating pagkakakilanlan na
kung saan ito ang magdadala ng kaunlaran at katagumpayan bilang isang bansa. Hindi naman lingid sa
ating kaalaman na ang Wika natin ay siyang tumulong at gumabay upang magkaroon tayo ng sariling
hangarin na magtagumpay bilang isang malakas at maayos na bansa.

You might also like