You are on page 1of 3

Bernadette B.

Galang GE FIL 2

BS BIO 1-A

INTRODUKSYON

Ang bayan ng Laur ay dating maliit na Barrio ng Bongabon, Nueva Ecija. Ang Bongabon

ay kilalang Santor, na unang Munisipyo sa probinsya sa Nueva Ecija na itinatag noong taong 1636

ng mga Augustiniyang Misyonaryong Espanyol. Ito ay kinikilala bilang Barrio San Esteban na

hinango sa pangalan ng patron na si San Estaban Hari ng Hungarya.

Ang pangalang Laur ay hinango bilang parangal sa asawa ng yumaong si Heneral Manuel

Tinio na si Doña Laureana Tinio. Ang mga imigrante sa komunidad ng Laur, karamihan ay mga

Tagalog at mga llocano na nagmula sa mga lalawigan ng Rehiyon ng llocos at Pangasinan

kasama ang ilang mga Kapangpangan mula sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac.

Sa mga nag daang panahon, maraming paniniwala na rin ang naisabuhay ng mga tao rito.

Katulad na nga nang paniniwala sa mga Herbal na halaman bilang gamot na s’yang nakakatulong

sa mga sakit katulad ng Tawa-Tawa na laban para sa Dengue, Lagundi para sa Ubo at marami

pang iba na s’ya na ring unti-unting nakakalimutan ng bagong henerasyon dahil na rin sa pag

usbong ng mga makabago at modernong paraan nang panggagamot. Paniniwala rin ng mga tao

rito na may nag iisang Diyos na nangangahulagang na pangunahing pagtanggap sa mga salita ng

Diyos bilang buhay realidad, pamamanhikan bago ikasal kung saan maghaharap sa isang piging o

munting salo-salo ang pamilya ng lalaki at babaeng nagnanais na mag isang dibdid, pag kakaroon

ng utang na loob sa paniniwalang dapat mo ibalik ang pabor sa taong nagmagandang loob sa’yo

at marami pang iba.


Ang bayan ng Laur ay isang agrikultural na bayan kung saan ang palay, sibuyas, gulay at

mais ang pangunahing mga produkto. Dito rin inihango ang isinasagawa na kapiyestahan na

tinawag na Pagulyas Festival na inihango sa pananim na Palay, Gulay at Sibuyas na

pinagdiriwang tuwing buwan ng Abril. Pag sapit naman ng Mayo at Hunyo, nag titipon-tipon ang

mga karamihan sa mamayan ng Laur sa Partisyon na sakop ng Barangay Uno (1) tuwing pa-patak

ang alas singko ng hapon, kung saan ang mga ito ay tumatawid ng ilog Canlas pa-Betania dala-

dala ang kanilang mga basyo ng bote at flashlight upang manghuli ng mga salagubang. Kilala rin

ang Laur dahil sa pagiging rehilyoso ng mga mamayan dito, kung saan napupuno ang simbahan

mula misa ng Sabado hanggang Linggo. Pinagdiriwang din nila ang kapiyestahan ng Patron nilang

si San Estaban Hari tuwing sasapit ang ikalabing-anim ng Agosto, kung saan nag kakaroon ng

malaking salo-salo pagkatapos ng kanilang Banal na liturhiya.

Maituturing nga ng mga mamamayan na taga rito o mula man sa malalayong lugar na

hindi lamang dahil sa mga kinagigiliwan na mga tanawin na meron ito ngunit pati na rin sa mga

kabutihang asal na i-pinapakita ng mga tao rito na ang bayan ng Laur ay isang tunay nga na

pamayanang nagkakaisa at sama-sama ay pamayanang buhay na masigla at maligaya .

Liwanag C. Bulandan

78 taong gulang

Eufrocina B. Cariaga

70 taong gulang
Zenaida P. Bulandan

72 taong gulang

Neogencia G.

Galang

83 taong gulang

Luzviminda A. Tomas

62 taong gulang

You might also like