You are on page 1of 5

Aralin 4

INDIOS BRAVOS
Sa pamamasyal nila sa pinagdarausan ng
Eksposisyon, si Rizal at ang mga miyembro ng
Samahang Kidlat ay humanga sa palabas na
Buffalo Bull. Kung saan itinanghal ang mga Indian
na Amerikano.
Buong pagmamalaki ang mga Indian, na
nakasakay sa matitikas na kabayo, sa kanilang
marangal na katutubong kasuotan na may
balahibong pandigma at pintura.
Naging inspirasyon kay Rizal ang mga Indian
na Amerikanong may pagmamalaki sa kanilang
sarili.
Sinabi niya sa mga kaibigan: “Bakit nga ba
natin ikagagalit na tayo’y tawaging Indio ng
mga Espanyol? Tingnan ninyo ang mga Indio
mula Hilagang Amerika hindi nila ikinahihiya
ang kanilang ngalan. Tularan natin sila.
Ipagmalaki natin ang ngalang Indio nang
baguhin ng mga kaaway nating Espanyol ang
kanilang konsepto sa terminolohiyang ito.
Maging Indios Bravos tayo!”
Kaya isinilang ang isang bagong samahan ng
mga makabayang Pilipino sa Paris – ang Indios
Bravos (Matatapang na Indian). Pinalitan nito ang
Samahang Kidlat. Nanumpa ang mga miyembro
nito na magsisikap tungo sa ikahuhusay ng pag-
iisip at pangangatwiran nang sa gayo’y makamit
nito ang paghanga sa kanila ng mga dayuhan,
lalung-lalo na ang mga Espanyol. Naging
masigasig sila sa pagsasanay sa paggamit ng
espada at baril. Tinuruan sila ni Rizal ng Judo,
isang sining ng pagtatanggol sa sarili ng mga
Asyano na natutunan niya sa Japan.
1. Palabas na kung saan si Rizal at ang
Samahang Kidlat ay humanga.
2. Naging inspirasyon ni Rizal upang
maitatag ang samahang Indios
Bravos?
3. Ano ang layunin ng samahan Indios
Bravos?
4. Ano ang sinumpaan ng mga miyembro
ng Indios Bravos?
5. Ano ang sining ng pagtatanggol sa
sarili na natutunan ni Rizal sa Japan na
itinuro niya rin sa mga miyembro ng
Indios Bravos?

You might also like