You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322

Module #2

Name: Asuncion, Alwin C. Date: July 02, 2021

Course and Block: BSED-MATHEMATICS 2A

Description
1.1 Gumawa ng sariling comic strip. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1.2. Ano ang pagkakaiba ng komiks sa ibang uri ng babasahin?
1.3. Paano makakatulong ang pagbabasa ng komiks sa pagiging malikhain ng isang bata?
1.4. Paano nakakaapekto ang komiks sa paghuhulma ng isang bata para maging isang mabuting
Pilipino?
Ilagay sa PDF Format ang inyong mga Activity.

1.1 Gumawa ng sariling comic strip. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Huhhhhh!!! wow
Hmmm try ko
grabe ang ganda ko
nga itong
nagmukha akong
Barbie filter
Barbie.hahaha
ng tiktok.

Hmmm matry ko Gosh!!! Anong


nga rin itong genawa mo sa aken
Barbie filter na ito tektok bakit nung
tignan natin kung sila ang gumamit
anong magiging nagmukha silang
etsora ko. barbe.

Tapos nung ako na.


ano na ang nangyare
sa aken tektok
nagmokha akong
kasamahan ni
Annabelle. Umayos ka
tektok.grrrrr
Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322

1.2 Ano ang pagkakaiba ng komiks sa ibang uri ng babasahin?

Ang komiks ay nagbibigay aliw sa mga nagbabasa ang ibang babasahin tulad ng ibat ibang uri ng
aklat na ginagamit paaralan o sa ibang larangan ng pag-aaral, diyaryo, o ensayklopedya ay mga
seryosong babasahin. Ang Komiks ay isang makalumang babasahin na hanggang sa ngayon ay
tinatangkilik nating mga Filipino isang kathang isip na nagbibigay aliw o pampalipas oras upang
hindi tayo mabagot. Kahit sino ay madaling maintindihan dahil sa mayamang istorya at mga
kathang isip na nilalang na gawa ng mga malilikhaing pag-iisip ng ating mga script writer. Ito ay
kakaiba sa lahat dahil ito ay naging bahagi rin ng ating kasaysayan ginamit din itong paraan upang
mamulat ang kaisipan ng ating mga ninuno laban sa mga dakilang mananakop. Ito rin ay may ibat
ibang bersyon tulad ng horror, love story, science fiction, action, suspense at drama na pwedeng
pagpilian ng mga mambabasa. Kadalasan ito naihahalintulad sa buhay ng mga mambabasa kung
kaya’t ito ay kanilang kinahuhumalingan.

1.3 Paano makakatulong ang pagbabasa ng komiks sa pagiging malikhain ng isang bata?

Nakakatuong ito upang lumawig ang pagiging malikhain ng isang bata sa sining tulad ng pagguhit
o pagdrawing, nakakatulong din ito bilang isang kasanayan sa pagbabasa ng isang kabataan
upang bumilis ang kanilang reading comprehension. Nagiging bukas din ang kanilang kaisipan sa
mga nagaganap sa kapaligiran. Dahil dito sila ay nagiging aware sa kanilang kapaligiran at sa mga
pangyayaring nagaganap maging ito man ay sa loob o labas ng tahanan at pati na rin sa ating
lipunan. Hindi lang puro kwento ang kanilang makukuha rito dahil ito rin ay naglalaman ng ibat
ibang kaalaman o aral maging ito ay pisikal, kultural o ispiritwal.

1.4. Paano nakakaapekto ang komiks sa paghuhulma ng isang bata para maging isang mabuting
Pilipino?

Nakakaapekto ito sa paghuhulma lalo ng kaisipan ng isang kabataan dahil sila ay nalilibang sa
pagbabasa at nalalayo sa mga masasamang gawi tulad ng pagdodroga, paggagala o iba pang mga
bagay na hindi katanggap tanggap sa ating lipunan sa panahon natin ngayon. Dahil dito ay mas
nagkakaroon sila ng interest na mapalawig ang kanilang kaalaman sa ibat ibang aspeto ng paglago
ng kanilang kaisipan katulad ng mga mabubuting kultura nating mga Filipino. Nakakatulong din
ito sa kanila upang mas higit na mapalago ang kanilang mga kakayahan maging ito man ay pisikal,
intelektwal o ispiritwal na kasanayan.

You might also like