You are on page 1of 1

Gamit ang Internet, magsaliksik ukol sa mga teoryang nakapagbigay-interes sa iyo.

Ilahad
kung anong teorya ito at ang kahalagahan nito sa ating pamumuhay.
Habang ako ay naghahanap ng mga teorya sa internet ay bigla kong naalala ang aming pinag aralan
noong ako ay junior high school pa lamang at iyon ay teorya na tinutukoy kung paano ang pagkabuo
ng ating bansang Pilipinas. Kaya naman dali dali ko itong hinanap sa google upang basahin at
matandaan ang teoryang iyon at ito ang kinalabasan:

Ang teorya ng ito ay ang Teorya ng Tulay na Lupa na inihayag ni Fritj of Voss. Isinasaad ng
teoryang ito na kabit-kabit datiang mga lupain ng mundo at nagmukha lamang hiwa-hiwalay
dahil natunaw ang mgabundok ng yelo. Ito ang naging dahilan ang paglalakbay ng mga tao sa
iba’t ibang kontinente.

Ang Pilipinas ay bahagi ng Sunda shelf o isang malaking nakausling bahagi ng Asia. Sa pagtatapos ng
Panahon ng Yelo, ang tulay na lupa ay nahubog bunga ng paglusaw ng malalaking tipak ng yelo.

Maraming siyentipiko ang naniniwala sa Teorya ng Tulay na Lupa batay sa mga sumusunod na
kadahilanan;

1) Ang mga uri ng hayop at halaman ay magkakatulad at magkakahawig. Bunga ito ng pagtakas o
pagtwaid ng mga hayop gamit ang Tulay na Lupa sa Panahon ng Yelo.
2) Pagkakatuklas sa mababaw na lugar sa pagitan ng Asia at Pilipinas sa dakong China.
a) Pagitan ng Palawan at Borneo
b) Guinea at Mindanao
c) Borneo at Sulu – Mindanao
d) Celebes at Mindoro
e) Pilipinas, Taiwan at Asia
3) Nakarating ang mga Negrito sa Pilipinas mula sa kalakhang bahagi ng Asia
4) Kung bababa ang lebel ng dagat, makikita ang mga lupang nagdurugtong sa Samar at Luzon. Ang
Borneo at Palawan, ang nagdurugtong sa Mindanao at ang Bohol, Negros, Cebu at Panay ay
magiging isang malaking pulo rin
5) Ang natagpuang mga labi at buto ng mga sinaunang tao at hayop tulad ng elepante at iba pang
malalaking mammal ay sa tulay na lupa nagsipagdaan
6) Ang Pilipinas ay bunga ng tumigas at nagkapatong – patong na coral reefs.

Ano ang kahalagahan nito sa ating buhay? Sa palagay ko may rason kung bakit dumaan ito sa
isip ko bagaman ay naging parte ito ng pag tanda ko, simula nung iklase samin ito ng aming guro
ay para bang naka hanap ako ng sagot sa matagal ko nang tanong mula sa mundong nagbibigay
ng buhay sa atin. Hindi man ako sigurado kung mahalaga ito sa isip ng kapwa nating pilipino pero
para sa akin ay mahalaga ito upang kahit sa teorya lang ay malalaman natin kung saan nagmula
ang ating tahanan na ating minahal at nagmistulang ina narin sa ating mga pinoy.

You might also like