You are on page 1of 5

ANG ALIBUGHANG ANAK

Ang isang mayamang ama’y may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng batang
anak na ang ganang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa kanya. Nang
makuha na nang bunso ang kanyang mana ay tumungo sa malayong bayan at nilustay ang
kabuhayang ipinagkaloob ng ama.
Naubos na lahat ang kanyang salapi. Namumulubi siya at nang wala nang makain ay inisip
nang bumalik sa dating tahanan upang makain man lamang niya ang
kinakain ng alila ng kanyang ama. Gayon na lamang ang galak ngkanyang ama,
sinalubong ng yakap at halik ang bumalik na anak. Inutusan ang isang alila na bigyan ang
anak ngpinakamagarang kasuotan, ipinasuot sa daliri ang isang mamahaling singsing at
ipinagpatay ng isang matabang baka.
Namangha ang matandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan. Nang malaman
niya ang sanhi ngkasayahan ay nagalit nang gayon na lamang at sinumbatan ang ama. Akong
masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi ninyo
naipagpatay kahit isang guya man lamang. Ngayong dumating ang alibughang anak ninyo ay
gugugol kayo nang malaki at magdiriwang.
Sumagot nang marahan ang ama. Anak ko, ikaw ang lagi kong kapiling. Ang lahat ng akin
ay iyo. Tayo’y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay ay muling nabuhay,
nakita nating muli ang nawala.
ANG BALYENANG NAGHANGAD

Ang balyena marahil ang pinakamalaking nilalang sa mundo. Ngunit ito’y naging
dahilan upang magyabang ang isang balyena.
Ang sabi niya, Ako ang pinakamalaking nilalang sa mundo, kaya’t hindi ako nararapat sa
karagatan lang! Sa lupa, mas higit nila akong kikilalanin at hahangaan!
Sa ‘di kalayuan ng aplaya, nakita niyang maliwanag ang landasin doon.
At madalas din, naririnig niya sa mga mangingisdang naglalakbay sa karagatan ang mga
kuwento tungkol sa kabayanan. At kung papaanong kinikilala ang mga matatagumpay at
mahuhusay doon.

Ang balyenang mayabang ay naghangad.

Isang gabing kabilugan ng buwan, siya ay naglakbay at lumangoy nang matulin patungo sa
aplaya.

Masayang-masaya siya sa pag-aakalang katuparan ng pangarap ang naghihintay sa


kanya. Ang hindi niya alam, kamatayan pala ang nakaabang.

Dahil nang marating niya ang mababaw na bahagi ng karagatan ay hindi na siya nakalangoy
pa. At nang makita siya ng mga tao, siya nga’y pinagkaguluhan!
Ngunit hindi upang hangaan. Kundi upang pagpistahan sa taglay niyang laman.
Sinalakay siya ng mga mangingisda at pinatay.

Mensahe: Huwag maghangad ng higit pa sa dating kalagayan. Tanggapin natin ang ating
pinagmulan at kilalanin ang ating sarili.
ANG GININTUANG ARAL

May isang mag-asawang may anak na batang lalaki. Kasamang naninirahan ng


pamilyang ito ang ama ng Tatay. Noong una, maligayang nakakatulong ng mag-asawa sa
paghahanapbuhay ang ama at masayang nakakasama ng bata ang kanyang Lolo sa
paglalaro. Ngunit dumating ang sandaling tuluyan nang inagaw ng katandaan at madalas na
pagkakaroon ng karamdaman ang lakas ng matandang lalaki. At dahil dito, hindi na ito
napakinabangan sa bahay.
Sa tuwing kumakain sa hapag-kainan, parating nakakabasag ng pinggan ang matandang lalaki
nang dahil sa panginginig ng kamay.

Sa buwisit ng mag-asawa sa matanda ay ginawan na lang nila ito ng pinggan na gawa sa


kahoy, na animo isang aso.
Ang pinggan nga naman na gawa sa kahoy ay hindi na mababasag nito.

Naging saksi ang batang anak ng mag-asawa sa ginawa nila sa matanda.

Isang araw, nagtungo sa silong ang bata at kumuha ng magandang uri ng kahoy.

Nang makita siya ng kanyang ama ay kaagad nilapitan at tinanong.


Ano ang ginagawa mo?

Tumingin ang bata sa kanyang ama at sinabing, Gumagawa po ako ng pinggan na gawa sa
kahoy. Upang sa inyong pagtanda ni Nanay ay mapagkalooban ko rin kayo ng ganitong
kainan.
Biglang natauhan ang ama sa narinig.

Dali-dali niyang kinausap ang kanyang asawa. At magmula noon, nagbago na ang
pakikitungo nila sa matanda.
Mensahe: Kung ano ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa iba.
ANG MANOK AT ANG GINTONG ITLOG

May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke. At nang ito’y kanyang iuwi
sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito. Sapagkat ang itlog ng manok
na iyon ay ginto!
Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan! Tiyak na ito ang magbibigay sa
kanya ng kayamanan!

Ngunit ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog.


Hindi naglaon, hindi na naging sapat sa karangyaang pamumuhay ng babae ang minsan sa
isang buwang pangingitlog ng manok.
Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang manok ay
mas dumalas ang pangingitlog nito.

Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y
mabundat.

At dahil dito, namatay ang kanyang kawawang manok.


Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa. Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok
ay namatay. At gayon, mas lalo pa siyang nawalan.
Mensahe: Ang pagkagahaman ay walang kinahihinatnan. Ang naghahangad na
magkaroon ng maraming bagay sa maling paraan ay mas higit pang nawawalan.
ANG PINAKAMALIIT NA BATO

Ang guro at ang kanyang mga estudyante ay naglalakad sa isang bulubunduking


lugar. Malayo pa ang kanilang lalakbayin. Ang mga estudyante ay nakaramdam na ng
gutom. Wala naman silang nadaraanang puno na may bunga para makapitas sila ng
makakain. Dalawang batis na ang kanilang dinaanan. Uminom silang lahat sa dalawang
batis. Napawi naman ang kanilang uhaw. Ang hindi lang nawala ay ang nararamdaman
nilang matinding gutom.
Wala rin naman mga bahay at tindahan sa kanilang dinaraanan. Maaari sana silang bumili o
humingi ng anumang pagkain para mapawi ang kanilang gutom. Nahihiya naman silang
magsabi sa kanilang guro.

Alam nilang ang kanilang guro ay mayroong kapangyarihan. Kung gugustuhin nito ay maaari
itong makagawa ng pagkain para sa kanilang lahat. Kaya laking pasasalamat nila ng huminto
sa paglakad ang kanilang guro at humarap sa kanilang lahat.

Malayo pa ang ating lalakbayin, sabi nito.


Kailangang magkaroon tayo ng panibagong lakas. Dumampot kayo ng tig-i-tig-isang bato at
dalhin ninyo, dagdag pa nito.
Nagdamputan naman ang mag estudyante. Mayroong dumampot ng malaki at mayroong
maliit. Isa sa mga estudyante si Islaw. Naiinis siya sa kanilang guro dahil gutom na nga sila
at pagod ay pagdadalhin pa sila ng bato. Sa inis niya ay maliit na maliit na bato lang ang
kanyang dinala’t lihim pa niyang pinagtawanan ang ibang kasama dahil malalaki pang bato
ang kinuha ng mga ito.

Pagsapit nila sa isang batis ay sinabi ng guro na magpapahinga muna sila doon at kakain.

Saan po tayo kukuha ng kakainin? inis na tanong ni Islaw.


Iyang mga batong pinadala ko sa inyo ay gagawin kong tinapay, sagot ng guro. Iyan ang
magiging pagkain ninyo.
Sa isang pitik ng daliri ng guro ay naging tinapay nga ang mga batong dinala ng bawat
isa. Sising-sisi si Islaw dahil sa pinakamaliit ang dala niyang bato.

You might also like