You are on page 1of 3

Ebalwasyon

Malalim ang mga pakahulugan sa kwento. Kinakailangan ng masusing pang-unawa at pagbabasa


dahil sa pabago-bagong panahon na pokus sa storya. Nariyang bigla biglaang magbabalik-tanaw sa
nakaraan. Ang kwento ay inilalahad ni Esteban. Naisip niyang isulat ang kwento habang siya raw ay may
pagkakataon pa. Habang siya raw ay nabubuhay pa. Hindi katulad nina Boboy at Estella na literal ng
namatay at nina Bino at Selya na waring namatay na rin dahil sa pagkakakulong nila sa kanilang mga
sarili. Ang lahat pagbabalik tanaw na lamang niya sa nakaraan, sa lahat ng magaganda at masasalimuot na
mga pangyayaring napagmasdan ng kanyang mga mata.
Sinimulan ni Teban ang pagkukwento sa pagpapatiwakal ng buntis na si Estella, nobya ni Boboy.
Nagkaroon na siya ng pangitain sa mangyayari nang makasalubong niya ang dalaga at nakitang pugot ang
ang ulo nito. Sa ating mga paniniwala, kapag nakita mong pugot ang ulo ng isang tao, siya ay nalalapit na
sa kanyang kamatayan na nangyari sa nobela. Dahil sa pagkamatay ni Estella, napauwi si Boboy galing
ng Maynila na nag-aaral ng abogasya sa UP. Labis siyang nalungkot dito kayat ilang araw siyang di
nakakakain at panay lamang ang pagtulog. Sinubukang tulungan ni Teban si Boboy sa pagdala sa binata
sa kanyang kubo sa may gubat na matagal na rin niyang hindi nababalikan. Subalit bigo rin siya dahil
isang araw naabutan na lamang niya si Boboy na palutang-lutang sa may ilog na may mga lilang
nimpeya.
Ikinuwento rin niya ang naging buhay ni Nene. Kung papaanong ito ay tinawag na Babae ng mga
Simulain. Siya ay nagpasimula ng kung anu-anong mga negosyo sa Sagrada. Mula sa pagtitinda ng yelo,
pagpapalaki at pagbebenta ng manok at baboy, at pagpapatayo ng sari-sari store. Lahat ng itoy sinimulan
niya sa Sagrada na ginaya ng kanyang mga kapitbahay. Dumating rin ang panahon na si Nene ay umibig,
ito ay si Benjamin. Nagbunga ang kanilang patagong pag-iibigan ng isang batang lalaki. Subalit namatay
rin kalaunan si Benjamin dahil sa pakikipaglaban sa gobyerno. Nasaksihan din ni Teban kung papanong si
Nene ay sumugod sa Malacaang upang hanapin ang Mahal na Birhen na Peafrancia na ninakaw
diumano ni Imelda. Ginawa niya ito dahil desperado na siyang gumaling ang anak sa malubhang sakit
nito. Nariyan ring inilublob niya ang anak sa maraming tubig sa ilog pagdaan ng pagoda ng Birhen. Dito
makikita nating kung papaanong sa modern nating panahon, tayo ay naniniwala pa rin sa mga tradisyon
na ito.
Nang dumating sa Sagrada si Mr. Edwards, ang ma-inang Selya at Nene ay nag-agawan sa pagasang ang isa sa kanila ang mapapaibig rito at dadalhinin sila sa Amerika. Nagtulong si Mr. Edwards at
Nene sa pagbebenta ng kung anu-anong mga panindang imported sa mga tao sa Sagrada na
napagalamang sa Divisoria sa Maynila lamang pala ito kinukuha ni Mr. Edwards. Nangako si Mr.

Edwards kay Nene na babalikan niya ito at dadalhin sa Amerika ngunit walang Mr. Edwards na bumalik.
Kung kaya naman napagdesisyunan ni Nene na sumunod sa lalaki sa Maynila at doon na ito hanapin.
Umalis si Nene at hindi na nagbalik pa. Hindi na rin alam kung ano ang kinahantungan ng pag-alis niya.
Naiwan ang kanyang anak na si Boboy sa pangangalaga ng kanyang ina na si Selya. Ipinahayag dito na si
Nene, isang babae ng mga simulain, ay nagsimula ng maggaya katulad ng marami pa nating kababayan
na nasisilaw sa mga pangako ng mga hilaw na banyaga ng magandang kinabukasan, iiwan ang lahat ang
lahat.
Si Selya ay nagsimula bilang katulong ng mga Nueva, pamilya ni Bino na siyang napangasawa
niya. Kung ibabase sa paglalarawan sa kanya, isa siyang magandang dalaga kaya naman ang magpaparing
unico hijo ng mga Nueva ay napaibig niya. Hindi rin nakaligtas sa kariktan niya si Teban na lihim na
umiibig sa kanya ngunit laging naduduwag hanggang sa maunahan na nga siya ni Bino. Noong dumating
ang mga Hapon sa Sagrada, minadali ni Bino ang pagpapakasal kay Selya at idinahilan niya na buntis raw
ang dalaga. Sabay na lumaban para sa mga Huk sina Bino at Teban. Nang isang beses na nadakip sila,
sabay na nakatakas sina Bino at Teban. Hinabol sila ng mga Hapon at pinagbabaril. Nabaril si Bino sa
kanyang ari kaya naman siya rin ay nawalan rin ng kakayan na bigayan ng anak si Selya.
Hinanap si Bino sa kanilang bahay. Dito sinunog ang kanyang mga magulang sa loob ng kanilang
imbakan ng palay. Tapos ay hinalay si Selya ng pangkat ng sundalong Hapon na pumunta sa hacienda ng
mga Nueva. Pinanood itong lahat ni Teban. Nang hahalayin na si Selya, tinangka niyang iligtas ang
babae. Dito niya naranasan ang sandal ng mga mata kung saan lahat ng mata ng mga naroroon ay
nakatutok sa kanya at sa susunod niyang gagawin. Inilahad ni Teban na noong sandaling iyon, parang
biglang bumagal ang oras. Nagdaan sa kanyang isipan ang mga alaala niya kay Selya, mula sa unang
pagkakakita niya rito; sa pagsunod niya rito sa prusisyon; at sa pagpapakasal nito kay Bino. Bigla siyang
natakot kaya imbis na dumiretso at tulungan si Selya, tumalikod siya at tumakbo sa palayo sa lugar.
Simula noon, nangako si Selya na hindi na muli pang hihingi ng tulong kay Teban. Nagbunga ang
ginawang paghahalay ng mga Hapon kay Selya. Malayo ang loob ng babae sa kanyang anak dahil sa
bunga lamang ito ng ginawang panghahalay sa kanya. Kaya hindi ginampanan ni Selya ang pagiging ina
sa sanggol. Naawa si Bino sa bata kaya siya ang tumayong ama at ina nito. Kumuha si Bino ng magiging
taga-alaga ni Nene na si Agatha, isang agta. Pinasuso ni Agatha si Nene na noon pa lamang nakatikim ng
gatas ng ina.
Dumating ang panahon na si Bino ay unti-unting nakulong sa mga tradisyon at pamahiin.
Napabayaan niya ang hacienda nila at iniwan ito kay Lope. Napabayaan na rin niya si Nene. Naiwan na

siyang lugmok sa kanyang tumba-tumba na ginawa ni Teban samantalang si Selya ay nahilig sa


pagsasabong.

You might also like