Professional Documents
Culture Documents
01 Online Worksheet 1
01 Online Worksheet 1
Liham ng Pag-ibig
ANG PAGSUSULAT, TEORYA, AT KONSEPTO
Direksyon: Basahing maigi ang liham at sagutin ang mga tanong. Maaring gamitin ang likuran nitong
papel.
Sa Aking Mahal,
Wala naman masyadong ginagawa ngayon. Sumulat lang ako para kumustahin ka at ipaalam sa iyo
kung gaano kita kamahal.
Nakikinig kami ngayon kay Bob Hope at nakalimutan ko palang sabihin sa iyo na bumili kami ng isang
radyo sa Italya. Nagpunta kami doon at marami kaming ginawa. Buti na lang din at nagkaroon ng
kaunting oras para mamasyal at makabili ng ibang gamit. Huwag ka mag-alala, malayo naman kami
sa mga tropa ng Aleman at konting araw pa ay mahuhulog na rin ang buong Italya at mababawi ito
ng Alyadong Pwersa.
Ako ay bahagyang nangingitim kasi lagi na lang namin kinukumpuni yung mga eroplano. Nakabilad
kami sa araw kaya rin siguro ganoon. Namumula na ang aking mukha. Sana matapos na ito at
makauwi na rin ako.
Kailangan ko na munang magpaalam at wag ka makakalimot lumiham sa akin. Medyo may katagalan
na ang pagdating ng sulat ngayon. Tatlong araw na akong hindi nakakakuha ng liham sa iyo o kung
kanino man. Mahal na mahal kita ng buong puso, katawan, at kaluluwa.
Fernando
2. Mas makabuluhan ba ang liham o pagsulat kaysa kung sinabi ito ng piloto sa kanyang
asawanang personal?
Sa aking opiniyon ay makabuluhan ito pareho, ang pag sulat ng liham at ang pagsabi sa
personal. Dahil ang layunin neto ay ang pag imporma ng piloto sa asawa niya, ang pinagkaiba
nga lang ay kung sa personal pa niya ito sasabihin sa asawa niya ay bagaman magiging
matagal pa ito sapagkat ang unang layunin ng pagpadala ng liham ay nagliliwanag na hindi pa
maaring maka punta sa personal ang kanyang asawa na piloto.
3. Sa inyong palagay, gaano kaimportante ang pagliham o pagsulat lalo na noong mga
panahon naiyon?
Kung gaano kahalaga ang social media natin ngayon, sobrang importante ang pagsusulat ng
liham lalo na sa mga panahong iyon dahil ito lang ang natatanging paraan upang
makapagbigay nang impormasyon kapag nasa malayo ang taong mahalaga sa atin.