You are on page 1of 5

Chrizza May Sabarre

Ulat sa Filipino 3:

ANG PAGLALARAWAN
Layunin:
1. Maintindihan ang kahulugan ng paglalarawan.

2. Matukoy ang dalawang uri ng paglalarawan.

3. Malaman kung paano mag deskripsyon sa pamamagitan ng paglalarawan.

4. Mauwanaan ang aralin sa pamamagitan ng pagsuri ng mga halimbawa.

Paglalarawan:
• Ang paglalarawan ay isang diskurso na ang layunin ay ipamalas sa nakikinig o
nagbabasa ang nakikita ng mata, ang naamoy ng ilong, ang nararamdaman ng balat o
ang naririnig ng tainga.

• Pinaparamdam o ipinaparanas mo ang iyong sariling karanasan sa mga iyong


mambabasa at nakikinig.

• Ang paglalarawan ay nagpapagalaw at napapaikot ang ating mga guni-ghuni,


imahinasyon, at nakakatawag ng pansin sa mga mambabasa.

Iba’t-ibang pananaw na magagamit


1. Distansya

2. Sariling palagay o damdamin

3. Batay sa narinig o nabasa


Dalawang uri ng Paglalarawan

• Karaniwang Paglalarawan

• Masining na Paglalarawan

Karaniwan:
• ito ang uri ng paglalarawan na kung ano ang nakikita, nadarama, nairinig, o di kaya’y
nalalasahan, iyon ang ilalaman sa ginagawang paglalarawan. Ika nga, sa uring ito,
mailalarawan sa balintataw ng  nakikinig o nagbabasa ang sinasabi ng manunulat dahil
ito ang uri ng pahayag na napakamakatotohanan.

 Mga impormasypon na ibinibigay nito:

1. Pisikal na anyo

2. Pag-uugali

3. Mga karanasan

Halimbawa ng Karaniwang Paglalarawan

1. Ang silid ay maliit, maayos, yari sa kahoy at may maliit na bintana.

2. Maganda si Mate’t, maamo ang mukha lalo pang pinapatingkad ng mamula-mula nyang
pisngi. Mahaba ang kanyang buhok na umaabot ng baywang.

Masining:
• Ito ay paglalarawang abstrak na di mo nakikita nang kongkreto ang larawan o imahing
isinasaad ng manunulat.

• Pinupukaw o Binubuhay nito ang guni-guni at damdamin ng mambabasa.

• Gumagamit ito ng mga salitang napakaganda.

Mga uri ng Masining na Paglalarawan:


• Tula

• Nobela
• Maikling kwento

Halimbawa ng Masining na paglalarawan:


TULA:

Daloy aking luha.

Sa tigang kong mata.

Isang iyak ng hinanakit.

Kahit ako ay puno ng pait.

Isang buhos mo lang sa akin.

Alam ko ako ay iyong alipin,

Luhang bawat patak,

Alam ko ang iyong yapak,

Hangga’t mahal kita, dadaloy itong luha,

Sapagka’t ang sakit ay di mawawala.

Ngunit ang ulan ay tumitila.

Ikaw pa kaya?

By: *pays*

Guro
Ang nagpabatid ng mga kaalaman
Sa atin at sa buong sambayan
Nagtuturo ng magandang asal
At itinuturing na pangalawang magulang
Sila ay lubos na iginagalang
Ng lahat ng nilalang
Ng lahat na noo’y
Mga batang walang muwang lamang

Kadalasan sila ay mabait


Ngunit minsa’y nagsusungit
Ngunit sa likod nito
Ay mga labing masaya at nakangiti

Tayo ay natututo
Sa kanilang mga itinuturo
Tayo ay kanilang sinasagip
Upang sa tamang landas di malihis.

By: Rose Ann D. Gaspar

Nabilanggo si Don Rafael sa iba’t-ibang kasong isinakdal sa kanya. Siya ay nagkasakit sa


bilangguan at namatay. Iniutos ni Padre Damaso na ipahukay ang kanyang bangkay at ilipat sa
libingan ng mga Intsik. Dahil umuulan noon ay hindi na nagawang ilipat ng libingan ang
matanda at sa halip ay ipinasyang itapon na lamang ng tagapaglibing sa lawa ng Laguna.

-Noli Me Tangere

Kaibigan Daw – Maikling kwento

Isang hapon, naglalakad ang dalawang binatang magkaibigan sa gubat. Masaya nilang pinag-
uusapan ang mga karanasan nila nang bigla na lamang nilang narinig ang kaluskos sa may
gawing likuran. Nang lingunin nila ay natanaw nilang dumarating ang napakalaking oso. Mabilis
na umakyat sa katabing puno ang isa sa binata. Hindi niya naala-alang pagsabihan man lang
ang kasama sa laki ng takot sa mangyayari sa sarili.

Naiwan ang kasama na di na makakibo dahil sa aabutan na ng oso. Naisipan na lamang niyang
dumapa sa kinatatatayuan niya at magkunwaring patay. Alam niyang hindi inaano ng oso ang
mga taong patay.

Lumapit nga ang oso, inamoy-amoy ang taong pigil na pigil naman ang paghinga. Pagkaraan
ng ilang sandali, iniwan na siya ng oso at lumayo na ito.

Bumaba sa puno ang unang lalaki.


“Ano ang ibinulong sa iyo ng oso?” ang pabiro niyang tanong sa kasama.

“Sabi niya sa akin,” sagot ng binatang dumapa, “hindi raw maaasahan ang isang kaibigang
iiwan sa iyo sa gitna ng kagipitan. Hindi raw ganoon ang tunay na kaibigan.”

Naghiwalay ang dalawa, ang isa’y nahihiya, at ang isa’y nagdaramdam.

Aral ng Maikling kwento:

• Ang tunay na kaibigan, bukod sa hindi nang-iiwan, dapat din ay maasahan at hindi ka
ilalagay sa sitwasyong iyong ikapapahamak.

• Maraming magsasabi na sila ay totoong kaibigan, ngunit ang taong daramay lamang sa
iyo sa panahon ng kagipitan ang matatawag na tunay na kaibigan sa kanilang lahat.

• “Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita’y kapatid na


tumutulong.” (Mga Kawikaan 17:17)

Tatlong paraan ng paglalarawan:

1. Batay sa pandama – nakikita, naamoy, nalalasahan at naririnig.

2. Batay sa nararamdaman- bugso ng damdamin.

3. Batay sa observasyon – Batay sa observasyon sa mga nangyayari.

You might also like