You are on page 1of 13

10

FILIPINO
Ikatlong Markahan-Modyul 4:
Pagsusuri sa Kasiningan at Bisa
ng Tulang Napakinggan

May-akda: Daniel A. De Guzman


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.


Aralin – Pagsusuri sa Kasiningan at Bisa ng Tulang Napakinggan

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. nakikilala ang kasiningan at bisa ng tula;
B. natutukoy ang mga suliraning nangingibabaw sa akdang binasa;
C. naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan;
D. nasusuri ang kasiningan at bisa ng tulang pinakinggan; at
E. nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang salita/pahayag

Subukin

Magtala ng tatlong tula na iyong natatandaan o nabasa sa nakalipas na


mga taong pag-aaral mula pa noong elementarya hanggang ngayong nasa
ikasampung baitang ka na. Isulat din ang pangalan ng may-akda.

PAMAGAT NG TULA MAY-AKDA


1
2
3

Sagutin:
1. Gaano kasining ang mga isinulat mong tula? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang mga suliraning nangibabaw sa mga nasabing akda?
3. Ano sa tingin mo ang kaugnayan ng mga nasabing tula sa
pandaigdigang isyu?

Pagsusuri ng Kasiningan at Bisa


Aralin
ng Tulang Napakinggan
Sa araling ito ay pag-aaralan mo kung paano sumuri ng tula kaugnay sa
kasiningan at bisa nito. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang
matapat ang lahat ng gawain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1
Balikan

Ating pagbalik-aralan ang iyong mga natutunan mula sa pag-aaral


ng panitikan. Sagutin ang sumunod na mga tanong.

_____1. Anyo ng panitikan na saknungan na ang bawat taludtod ay


maaaring may bilang o sukat ang mga pantig at may
magkakasintunog o magkakatugmang pantig sa hulihan. Maaari
ding malaya at wala ang mga nabanggit.
a. Patuluyan b. Patula c. Patanghal
_____2. Isang mahabang salaysay na hango sa tradisyong oral tungkol sa
mga pangyayaring supernatural o kabayanihan na nasa anyong
patula at maaaring awitin.
a. Bugtong b. Haiku c. Epiko
____3. Sino ang sumulat ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”?
a. Jose P. Rizal b. Andres Bonifacio
c. Amado V. Hernandez
____4. Tulang isinulat bilang paggunita sa alaala ng taong namayapa.
a. Elehiya b. Dalit c. Oda
____5. Ang sukat, tugma, kariktan, talinghaga, taludtod at saknong ay
mga elemento ng anong akda?
a. nobela b. Dula c. Tula

Tuklasin

A. Panimula

Pagmasdan ang larawang iginuhit ni Karen Bettison. Ano ang iyong


masasabi sa larawan? Sa iyong palagay, paano naipadadama ng isang ina
sa kaniyang anak ang pagmamahal nito? Isulat sa susunod na pahina ang
iyong sagot.

Mula sa: https://www.pinterest.ph/pin/197384396142526738/

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2
Pagsusuri sa larawan:
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

B. Pagbasa

Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga talasalitaan at ang


mga tanong sa bahagi ng “Pag-unawa sa Binasa.”

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay na Anak


A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?


Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y
panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y ‘di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.


Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.


Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,

Ako’y wala nang mahihiling.

C. Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na sinipi


sa akda.
1. Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
____________________________________________________________________
2. At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan
____________________________________________________________________
3. Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
____________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
4. Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
____________________________________________________________________
5. Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
____________________________________________________________________

D. Pag-unawa sa Binasa

1. Ano-ano ang pinapangarap ng ina sa kaniyang supling pagdating ng


panahon?
2. Bakit nahihirapan ang ina sa pagbibigay ng pangalan sa kaniyang
anak?
3. Sa maikling paliwanag, ano ang nais ng ina na gawin ng kaniyang
anak sakaling dumating ang panahong mamatay na ang kaniyang
Ama?
4. Paano naiparamdam ng ina sa kaniyang supling ang matindi nitong
pagmamahal sa anak?
5. Ano ang iyong naramdaman matapos mabasa ang tula?
6. Anong pandaigdigang pangyayari ang maiuugnay mo sa pinapaksa
ng tulang binasa? Magbigay ng kaunting paliwanag.
7. Sa iyong palagay bilang isang mag-aaral sa baitang sampu, madali
ba para sa iyong unawain ang tula? Mabisa ba nitong nailarawan
ang ugnayang namamagitan sa Ina at kaniyang supling? Kung
mahirap, ano-ano ang nakita mong mga balakid upang hindi
maunawaan ang mensahe ng tula? Ipaliwanag ang iyong tugon.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5
Suriin

Bahagi na ng pag-aaral sa kurikulum sa Filipino (at maging sa Ingles)


ang pagbabasa, pagsusuri at pag-aaral ng tula bilang panitikan. Mula
elementarya ay nakababasa na tayo ng mga tula sa teksbuk, hanggang
hayskul.
Gayunpaman, sa kabila ng pangyayaring humigit kumulang sampung
taong pinag-aaralan ang larang ng tula sa ating bansa, hindi lahat ng mga
mag-aaral ay may kabihasaan sa pagtarok at paghihimay ng tula upang
lubos na malirip ang bisa nito. Madalas, nagiging balakid sa isang estudyante
ang limitado niyang kaalaman sa mga salitang ginamit sa tula. Ngunit
malinaw sa atin na hindi dapat maging balakid ito sa isang tunay na nais na
maunawaan ang isang katha. Nariyan ang diksiyonaryo kung kinakailangan.
Bukod sa kahulugan ng mga salita, kinakailangan ding isaalang-alang
ng isang mag-aaral ang paggalugad sa ilang mahahalagang detalye ng tula
gaya ng sino ang sumulat, panahon kung kailan ito isinulat, maaaring
dahilan kung bakit ito isinulat, at para kanino ito isinulat sapagkat ang lahat
ng ito ang bubuo sa mas malinaw na kahulugan at mensahe ng tula na
madalas na naisasantabi. Ilan lamang sa mga tulang nangangailangan ng
mga nabanggit na pagsusuri ay ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas,
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio, Sa Anak ng Bayan ni Emilio
Jacinto, Bayan Ko ni Jose Corazon De Jesus, Republikang Basahan ni
Teodoro A. Agoncillo, Kung Tuyo na Ang Luha Mo, Aking Bayan ni Amado V.
Hernandez, Ang Sariling Wika ni Lourdes C. Punzalan, at Ang Pag-ibig ay Di
Kasal ni Ruth Elynia S. Mabanglo.
Nagiging mabisa ang isang tula kung naigigiya nito ang mambabasa
na mag-isip. Sa pamamagitan ng pag-iisip, napalalawak nito ang kaniyang
hiraya at nabibigyan nito ng bagong pagtingin tungkol sa anomang inilalahad
na paksa ng akda.
Isa pang masasabing indikasyon na ang tula ay mabisa kung
nasasalamin nito ang mga karanasang mahalaga at bahagi ng ating
magkakaugnay na danas. Dito natin natatagpuan ang halaga at ang gamit ng
tula sa ating buhay.
Higit sa lahat, sa ganang akin lamang, nagiging mabisa ang tula kung
nakapagpapakilos ito ng tao. Nangangahulugang dahil sa tula, gumagawa ito
ng mga hakbang upang sumubok na maitama ang mga mali, o patuloy na
makibaka nang sa gayon ay magtamo ng mas maayos na kalagayan at
kapaki-pakinabang na pag-iral.
Paalala sa lahat ng mag-aaral, huwag tangkain o ugaliing makipag-
ugnayan sa manunulat o makata upang magtanong kung ano ang mensahe o
kahulugan ng tulang isinulat nila. Ang pag-unawa sa nilalaman o mensahe
ng isang akda ay hindi trabaho ng mismong nagsulat, kundi ng mambabasa
nito.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
Pagyamanin

Suriin ang tula batay sa bisa nito sa iyo bilang mambabasa.

Kung Ang Tula ay Isa Lamang


ni Jesus Manuel Santiago

Kung ang tula ay isa lamang


pumpon ng mga salita,
nanaisin ko pang ako’y bigyan
ng isang taling kangkong
dili kaya’y isang bungkos
ng mga talbos ng kamote
na pinupol sa kung aling pusalian
o inumit sa bilao
ng kung sinong maggugulay,
pagkat ako’y nagugutom
at ang bituka’y walang ilong,
walang mata.
Malaon nang pinamanhid
ng dalita ang panlasa
kaya huwag,
mga pinagpipitaganang makata
ng bayan ko,
huwag ninyo akong alukin
ng mga taludtod
kung ang tula ay isa lamang
pumpon ng mga salita.

Mula sa https://jacoblaneria.wordpress.com/2014/07/15/kung-
ang-tula-ay-isa-lamang-ni-jesus-manuel-santiago/

Pagsusuri sa Binasa:
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Isaisip

Isang anyo ng sining ang tula. Samakatuwid, sino man ang nais na
makasulat ng tula ay nangangailangang pagbuhusan ito ng talino, lakas, at
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7
damdamin. Gaya sa nabanggit, gayundin ang dapat na gawin ng isang nais
na maunawaan ang nilalaman ng isang tula. Tulad ito ng pag-ibig, na
upang makamit ay pinaghihirapan. Larangan itong iginagalang sa buong
mundo at nananatiling matatag mula noong panahong sinauna hanggang
sa kasalukuyan.

Isagawa
Pumili ng isang tula na nagustuhan o naibigan mo. Isiping kailangan
mong gumawa ng isang rebyu tungkol sa isang tula. Paano mo ito bibigyan
ng rebyu?

Sa pagbuo ng isang simpleng rebyu, maaaring sundin ang


sumusunod:

1. Ano ang pamagat ng tula at sino ang sumulat?


2. Tungkol saan ang tula?
3. Bakit ito ang napili mong tula?
4. Bakit nais mo itong mabasa rin ng iba?
5. Ano ang naidulot sa iyo ng tula matapos mabasa?
6. Kung ihahambing mo ang tulang ito sa isang mahalagang materyal na
bagay sa iyong buhay, ano ito at bakit?

Sagutin ang mga tanong na ito sa paraang pasanaysay sa halip na


paisa-isang pagsagot.

Ang Aking Rebyu sa Tulang ________________ na isinulat ni _________

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman ng Rebyu 10 puntos


Organisasyon 3 puntos
Kawastuhang Gramatikal 2 puntos
KABUOAN 15 puntos

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
Tayahin
Suriin ang tula batay sa nakatalang mga aspekto sa talahanayan sa
susunod na pahina.

KUMINTANG
Ang nuno nating lahat
Sa kulog di nasindak
Sa labanan di naawat
Pinuhunan buhay, hirap
Upang tayong mga anak
Mabuhay nang mapanatag

Itong ating mga bakuran


Pati bukid at tahanan
Ibig nilang kuning tunay
Maagaw sa ating kamay
Tayo baga’y mag-aasal,
Gayong buhay,tila patay.

Halina nga at usigin


Ang aliktaya’t mga haling
Ipagtanggol ang bukirin
Ang mga anak natin
Tayo nama’y may patalim
Dugo’t buhay puhunanin.

Mula sa Panitikang Filipino, Pampanahong Elektroniko (Arrogante et.al)

ASPEKTO PAGSUSURI
Paksa o Ipinapahayag
(Tungkol saan ang tula?)
Panahong naisulat
(Kailan ito naisulat o unang narinig)
Bisa sa Damdamin
(Ano ang naramdaman mo habang
binabasa?)
Mga Salitang Ginamit
(Malinaw, Mabulaklak, o madaling
maunawaan ba ang mga talinghaga?)
Epekto sa Mambabasa
(Ano ang maaaring maging epekto nito sa
mga makababasa?)

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9
Lalong palawakin ang iyong kakayahan. Suriin ang tulang “Kung Ang
Tao ay Isinilang Upang Maging Tao Lamang (1987)” ni Emelita Perez Baes
mula sa librong Panitikang Filipino J. Arrogante et.al 2010. Gamitin ang
batayan sa pagsususuri.

Kung Ang Tao ay Isinilang Upang Maging Tao Lamang


Emelita Perez Baes

Kung ang tao’y isinilang


upang maging tao lamang . . .
Mabuti pang ako’y naging ibon na lamang
Na lilipad-lipad sa lawak ng kalangitan;
O nanaisin ko pang ako;y naging isang bulaklak
Na maaaaring pitasin sa mabangong halamanan;
O kaya’y naging isang punong may malagong
Mga daho’t sangang malalabay;
Dili kaya’y isang kalabaw sa gitna ng kabukirang
Napag-aanihan ng ginintuang palay;
Sapagkat sa pagiging ibon, bulaklak, puno o kalabaw
Ay natitiyak akong may halaga ang aking buhay;
Na ako ay may kabuluhan!
Tulad ng isang taong isinilang
Upang magpakatao at di maging tao lamang!

BATAYAN NG PAGSUSURI SAGOT


Nilalaman
Kaugnayan ng paksa sa pandaigdigang
pangyayari o napapanahong usapin

Simbolismo
Pumili ng ilang simbolismong ginamit at
ipaliwanag ang kahulugan nito

Damdamin
Ano ang naramdaman mo matapos mabasa
at maunawaan ang tula?
Kabisaan
Bahagi ng tulang tumatak sa iyong isipan at
ipaliwanag kung bakit

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati


kita! Sige, hanggang sa muli!

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Ikasampung Baitang, Modyul para sa Mag-aaral, pahina 279 – 280


Arrogante et.al 2010, Panitikang Filipino, Pampanahong Elektroniko (2010)
https://jacoblaneria.wordpress.com/2014/07/15/kung-ang-tula-ay-isa-
lamang-ni-jesusmanuel-santiago/
https://www.pinterest.ph/pin/197384396142526738/

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
11
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Daniel A. De Guzman (Guro, SRNHS)


Mga Editor: Ma. Grace Z. Cristi (Guro, THS)
Kimberly M. Capuno (Guro, MHS)
Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like