Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO
Ikatlong Markahan-Modyul 2:
Paghahambing at Pagsulat ng Tula
(Panudyo, Tugmang De-gulong at Palaisipan)
Subukin
A. Lagyan ng tsek ( ) bago ang bilang kung wasto ang paglalarawan sa katangian
ng mga kaalamang-bayan at ekis (X) kung mali.
Balikan
TULA
A. Tuklasin
A. Panimula
Isa ka rin ba sa mga nanonood o nakapanood ng rap battle na FLIPTOP?
Sinasabing ito na raw ang modernong Balagtasan subalit naiiba sa konteksto at
paraan. Madalas sa Fliptop ay mga nakatatawang asaran ang maririnig sa
magkabilang panig samantalang sa Balagtasan ay tagisan at pangangatuwiran.
Magtala ng paborito o narinig mong linya sa Fliptop na maaaring nakatutuwa
o makabuluhan. Iwasang magtala ng mga linyang may mura o kabastusan.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Suriin
KAALAMANG-BAYAN
1. Awiting Panudyo
Isang uri ng akdang patula na ang pangunahing layunin ay
manudyo o mang-asar, manlibak o mang-uyam. Kalimitan itong
pumupuna sa isang isyung panlipunan na dinadaan sa pabiro.
Halimbawa:
Tutubi,tutubi,
Wag kang papahuli
Sa batang mapanghi
2. Tugmaang de-gulong
Mga paalala o babala na nasa anyong patula na kalimitang
makikita sa mga pampubikong sasakyan. Sa ganitong paraan
ipinahahayag ng mga drayber ang kanilang mga danas sa
paglalakbay at maging kanilang mga mensaheng nais iparating sa
mga pasahero.
Halimbawa:
➢ Basta drayber, sweet lover
➢ Aanhin ko pa ang gasolina kung ang jeep ko ay sira na.
➢ Huwag magdekwatro sapagkat jeep ko’y di mo kuwarto
3. Palaisipan
Ito ay madalas na nasa anyong tuluyan. Inilalarawan ang isang
sitwasyon o kalagayan at nag-iiwan ng tanong na pasasagutan.
Layunin nitong pukawin at pasiglahin ang isipan ng mga
tagapakinig. Madalas itong pampalipas oras at ginagawang
sukatan ng talas ng isipan sa mga tao. Isa ito sa mga kaalamang-
bayan na laganap pa rin sa kasalukuyan.
Halimbawa:
➢ Ano ang nasa gitna ng dagat?
➢ May isang bola sa lamesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano
nakuha ang bola na hindi ginagalaw ang sumbrero?
➢ Mayroon akong time machine na kayang magdoble ng
laman kada minuto. Naglagay ako ng saging ng 10:00 ng
umaga at napuno ang machine ng 12:00 ng tanghali. Kailan
nangalahati ang time machine?
4. Bugtong
Isang maikling pahulaan na nasa anyong tula. Inilalarawan nito
ang isang bagay na nais pahulaan. Noon ay karaniwan itong
nilalaro sa oras ng lamay upang magbigay aliw sa namatayan at
kalaunan ay ginagawa na rin sa kapag may handaan o pistahan.
➢ Mataas kung nakaupo
Mababa kung nakatayo
➢ Nagtago si Pilo
Nakalabas ang ulo
➢ Hinila ko ang baging
Nag-iingay ang matsing
Awiting Panudyo
Tugmang de-gulong
Palaisipan
Bugtong
Isaisip
Matapos maunawaan ang katangian ng mga patulang anyo ng kaalamang-
bayan, sa iyong palagay, dapat pa ba itong buhaying muli at pahalagahan? May
katuturan ba ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Ipaliwanag ang
iyong sagot sa ibaba.
AWITING TUGMAANG
PANUDYO DE-GULONG
Pagkakatulad
PALAISIPAN
Pagkakatulad
BUGTONG
A. Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot
A - Tama ang una at ikalawang pahayag
B - Mali ang una at ikalawang pahayag
C - Tama ang una, mali ang ikalawang pahayag
D - Mali ang una, tama ang ikawalang pahayag
Suriin ang awiting Stsiritsit. Sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba.
Sitsiritsit
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang
Susi sa Pagwawasto
D 5.
C 4.
A 3.
C 2.
A 1.
Sagot sa “Tayahin”
5. /
4. X
3. /
2. /
1. /
Sagot sa “Subukin”
Sanggunian
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala
Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala
Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMS