You are on page 1of 46

MG A ID Y O M A

IDYOMA
• ito ay mga ‘di-tuwiran o ‘di-tahasang pagpapahayag ng gustong
sabihin na may kahulugang patalinghaga.
• ito ay nagpapabisa, nagpapakulay at nagpapakahulugan sa
pagpapahayag.
Pansinin kung paano ginamit sa pangungusap ang ilang halimbawa ng idyoma sa
ating wika:

• 1. Mababaw ang luha ng kasintahan ko.


-madaling umiyak
• 2. Hindi ako sanay na maglubid ng buhangin.
- magsinungaling
• 3. Matuto kayong magbatak ng buto kung nais ninyong umasenso sa buhay
- magtrabaho
• Kayod kalabaw
- halos walang tigil sa pagtatrabaho
• Nagtaingang-kawali
- nagbingi-bingihan
• Walang itulak-kabigin
- parehong-pareho ang katangian
• Anakpawis
- manggagawa
• May utak
– matalino
• Pabalat-bunga
- hindi tapat sa loob ng anyaya
• Amoy lupa
– malapit nang mamatay/matanda na
• Nagsusunog ng kilay
– nagsisikap sa pag-aaral
PAGSASANAY:
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na idyoma:

1. Basa ang papel


2. Biniro ng tadhana
3. Butas ang bulsa
4. Di-makabasag pinggan
5. Di-mahulugang karayom
6. Ilista sa tubig
7. Pagputi ng uwak/pag-itim ng tagak
8. Malikot ang kamay
9. Ningas kugon
10.Halang ang bituka
11. Pusong mamon
12.Balat sibuyas
13.May krus sa dibdib
14.Mabangin
15.Isip-lamok
PAGSASANAY:
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na idyoma:
1. Basa ang papel- lantad ang pagkatao
2. Biniro ng tadhana- nakarma, mga pagsubok
3. Butas ang bulsa- walang pera
4. Di-makabasag pinggan- mahinhing kumilos
5. Di-mahulugang karayom- siksik na siksik, napakaraming tao
6. Ilista sa tubig- kalimutan na
7. Pagputi ng uwak/pag-itim ng tagak- imposibleng mangyari
8. Malikot ang kamay- magnanakaw
9. Ningas kugon- pakitang-gilas, sa una lang masigasig, maganda o magaling, ngunit kalaunan ay hindi na
naitutuloy ang nasimulan
10.Halang ang bituka- barumbado
11. Pusong mamon- maawain
12.Balat sibuyas- matampuhin, sensitib
13.May krus sa dibdib- matiisin
14.Mabangin-delikado
15.Isip-lamok-makitid ang isip/utak
Nosebleed: Ang Kwento ng Pag-ibig ni Inday

We’ve been friends for a long time ago. We come from the same
Alma Mother. Actually our paths crossed one time on another. But it’s
only now that I gave him a second look. I realized that beauty is in the
eyes. The pulpbits of my heart went fast, really fast. Cute pala siya. And
then, he came over with me. He said, “I hope you don’t mine. Can I get
your number?” Nag-worry ako. What if he doesn’t give it back? He
explained naman na it’s so we could keep intact daw. Sabi ko, “Connect
me if I’m wrong, but are you asking me ouch?” “The!?!!??”… ang
sarcastic na sagot niya.
Aba! The verb! Parang siya pa ang galit! Persona ingrata!!! Ang kapal niya! I cried
buckles of tears. Na-guilty yata siya. Sabi niya, “Isipin mo na lang na this is a blessing in the
sky.”

Irregardless daw of his feelings, we should go ouch na rin. Now, we’re so in love.
Mute and epidemic na ang past. Thanks God we swallowed our fried. Kasi, I’m 33 na and
I’m running our time.

After two weeks, he plopped the question. “Will you marriage me?” I’m in a state of
shocked. Kasi mantakin mo, when it rains it’s four! This is true good to be true. So siyempre,
I said “YES”.

Love is so many splendor. Pero nung inaayos ko na ang aming kasal, everything
swell to pieces. Nagdi-dinner kami noon nang biglang sa harap ng aming table, may babaeng
humirit ng, “Well, well, well. Look do we have here.”
What the fuss! The nerd ng babaeng yon! She said they were still on. So I told her,
“Whatever is that, cut me some slacks!” I didn’t want this to get our hand kaya I had to sip it
in the bud. She accused me of steeling her boyfriend. As is!!! I don’t want to portrait the role
of the other woman. “Gosh, tell me to the marines!” I told her “Please, mine your own
business!” who would believe her anyway?

Dahil it’s not my problem anymore but her problem anymore, tumigil na rin siya ng
panggugulo. Everything is coming up daisies. I’m so happy. Even my boyfriend said
liketwice. He’s so supportive. Sabi niya, “Look at is this way. She’s out our lives.”

Kaya advise ko sa inyo, take the risk. You can never can tell. Just burn the bridge
when you get there. Life is shorts. If you make a mistake, I will just pray for the internal
repose of your soul. I second emotion.
MG A TAY U TAY
Ayon kay Bisa (1999) …

•ang tayutay ay mga kasangkapang panretorika at


pampanitikan na mahahati sa dalawa:
•kasangkapan sa paglikha ng tunog o musika at;
•kasangkapan sa pagpapasidhi ng guni-guni at damdamin
Kasangkapang Panretorika at Pampanitikan sa paglikha ng
tunog o musika:

• 1. ALITERASYON
• Halimbawa:
• Ang huling hiling, hinaing at halinghing ni Hermano Huseng ni Pat V. Villafuerte.
• Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi
sa mahal niyang bayan.

– pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng salita


(pag-ibig, pananampalataya at pag-asa, lungkot at ligaya,
masama o mabuti)
•2. ASONANS
Halimbawa:
• Nasisiyahan ka palang manghiram ng ligayang may hatid na kamandag at lason.
• Hindi mapasusubalian ang kanyang pag-ibig para sa magandang dalaga.
– pag-uulit nama ito ng mga tunog-patinig sa alin mang
bahagi ng salita (pighati, salamat, paalam, pagulong-
gulong)
•3. KONSONANS
•Halimbawa:
Ang halimuyak ng mga bulaklak ay mabuting gamot sa isang
pusok wasak.

– katulad ng aliterasyon, pag-uulit ito ng mga katinig,


ngunit sa bahaging pinal naman (kahapon at ngayon, tunay
na buhay, ulan sa bubungan).
•4. ONOMATOPIYA
•Halimbawa:
Dinig ko ang langitngit ng kawayan, lagaslas ng tubig, dagundong ng kulog
at haginit ng hangin sa kubong iyon sa gitna ng gubat.

– sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay


nagagawang maihatid ang kahulugan nito.
Ayon kay Alejandro (sa Bernales, et.al., 2002), may tayutay ding pag-uulit ngunit
hindi ng tunog kundi ng buong salita katulad ng mga sumusunod:

•5. ANAPORA
Halimbawa:

Kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating Inang Bayan. Kabataan ang


sanhi ng pagsisikap ng bawat magulang. Ngunit kabataandin ba ang sisira sa
kanyang sariling kinabukasan? At kabataan din ba ang wawasak sa pangarap ng
kanyang kapwa?

– pag-uulit ito sa unang bahagi ng pahayag o ng isang


taludtod
•6. EPIPORA
•Halimbawa:
Ang Konstitusyon o Saligang Batas ay para sa mamamayan,
gawa ng mamamayan at mula sa mamamayan.

•– Pag-uulit naan ito sa huling bahagi ng pahayag o taludtod


•7. ANADIPLOSIS
• Halimbawa:
Matay ko mam yatang pigili’t pigilin,
Pigilin ang sintang sa puso’y tumiim;
Tumiim na sinta’y kung aking pawiin,
Pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin…

– Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa una at huli.


Mga tayutay na nagpapasidhi ng guni-guni at
damdamin:

• 8. SIMILI o PAGTUTULAD
Halimbawa:
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako’y tila isang nakadipang krus.

• – Hindi tuwirang paghahambing ito ng magkaibang bagay, tao o pangyayari pagkat


gumagamit ng mga pariralang tulad ng, kahawig, kawangis ng, para ng, gaya ng.
•9. METAPORA o PAGWAWANGIS
Halimbawa:
Ang daigdig ay isang tanghalan.

– itoay tuwirang paghahambing sapagkat hindi na


gumagamit ng mga nabanggit na parirala sa itaas sa
sinundand tayutay.
• 10. PERSONIPIKASYON o PAGBIBIGAY-KATAUHAN
Halimbawa:
Mabilis na tumakbo ang oras patungo sa kanyang malagim na bukas.
Pinsan ng magsasaka ang matapat na araw.

• – inaaring tao ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa


mga ito ng mga gawi, kilos o katangian ng tao.
11. HAYPERBOLI O PAGMAMALABIS
Halimbawa:
…at kung mangyayari, hanggang sa malibing ang
mga buto ko, kita’y sisintahin.

– lagpas ito sa katotohanan o eksaheradong


pahayag.
12. METONIMI O PAGPAPALIT-TAWAG
Halimbawa:
Nagpulong-pulong ang mga ilaw ng tahanan ng
barangay.

–nagpapalit ito ng katawagan o ngalan sa


bagay na tinutukoy.
12. SINEKDOKI O PAGPAPALIT-SAKLAW
Halimbawa:
Kagabi’y dumalaw ako, kasama ang aking mga
magulang, upang hingin ang kamay ng pinakamamahal
kong si Nena.

– binabanggit dito ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan, o ang kabuuan


para sa bahagi.
13. EUPEMISMO O PAGLUMANAY
Halimbawa:
Magkakaroon din lamang siya ng babae ay bakit sa isa
pang mababa ang lipad.

- mga salitang nagpapabawas sa tindi ng kahulugan ng


orihinal na salita.
•RETORIKAL NA TANONG
Halimbawa:
Nasaan kayo, mga kabataan, sa sandaling ang Inang Bayan ay inaalipusta
ng mga dayuhan?

– Pagtatanong ito na hindi naman talaga kailangan ng sagot.


Ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig o mambabasa
ang mensahe.
•KLAYMAKS O PAGSUSUKDOL
Halimbawa:
Mabilis na humupa ang hangin, napawi ang malakas na ulan,
muling sumilay ang liwanang ng araw na nagbabadya ng
panibagong pag-asa!

- Paghahanay ito ng mga pangyayaring may papataas na


tinig, sitwasyon o antas.
•ANTIKLAYMAKS
Halimbawa:
Noon, ang bulwagang iyon ay puno ng mga nagkakagulong
tagahanga, hanggang sa unti-unting nababawasan ang mga
nanonood, padalang nang padalang ang mga pumapalakpak at ngayo’y
maging mga bulong ay waring sigaw sa kanyang pandinig.

- Ito naman ang kabaligtaran ng klaymaks.


•OKSIMORON O PAGTATAMBIS
Halimbawa:
Ang buhay sa mundo ay tunay na kakatawa: May lungkot at
may tuwa, may hirap at ginhawa, may dusa at may pag-asa!

– Paggamit ito ng mga salita o pahayag na


magkasalungat.
•PARELELISMO
Halimbawa:
Iyan ang disiplinang militari: Sama-samang lulusob sa mga
kaaway, sama-sama rin kaming mamamatay at magtatagumpay.

– Sa pamamagitan ng halos iisang esktruktura,


inilatag dito ang mga ideya sa isang pahayag .
•PAG-UYAM O SARCASM
Halimbawa:
Kahanga-hanga rin naman ang babaeng iyan! Matapos
mong pagmabutihan at tulungan ay siya pa ang unang mag-isip ng
masama sa iyo.

-May layuning mangutya ngunit itinatago sa paraang


parang nagbibigay-puri.
•IRONIYA O BALINTUNAAN
Halimbawa:
…Ang naglitson Ang nagbihis Ang yumari
ng malutong sa makisig sa salapi
patay gutom. walang damit. nanghihingi

- Pagpapahayag ito ng kabalintunaan. Huwag itong


ipagkamali sa pag-uyam.
•PARADOKSO PARADOHIYA
Halimbawa:
Sapagharap sa dambana, ang dalawa ay nagiging isa.

– Pahayag itong sa unang isip ay parang taliwas sa


katotohanan o sentido kumon, ngunit kapag sinuring
mabuti ay maiisip na mayroon palang metatag na
kahulugan.
• APOSTROPI O PANAWAGAN
Halimbawa:
O, maliwanag na buwan,
nakikiusap ako.
Ang aking minamahal,
sana ay hanapin mo…
– Mga bagay na walang buhay o isang taong yumao na ay
waring kinakausap.
• PROSOPOPIYA O PAHIRAYA
Halimbawa:
Huwag nang makita, banggitin na lamang.
Sadyang ang ngalan ko ay nakasusuklam;
Ang pinagmulan ko ay kasalaulaan;
Ang katwiran ko ay tira-tirahan…
– Nangungusap naman dito sa isang bagay, taong yumao na o
maaaring buhay pa, ngunit wala namans a harapan ng
mambabasa/tagapakinig
MG A A L U S Y O N
Ayon kina Bisa at Sayas (1966) …

•Ang alusyon ay tinatawag na tukoy. Ito ay isang


pamamaraang panretorika na gumagamit ng pagtukoy sa
isang tao, pook, katotohanan, kaisipan o pangyayari na
iniingatan sa pinakatagong sulok ng alaala ng isang taong
may pinag-aralan.
URI ng ALUSYON

1. Alusyon sa Heograpiya

Ang Mt. Apo, ang pinakamataas na


bundok sa ating bansa, ang Mt. Everest ng
Pilipinas.
2. Alusyon sa Bibliya

Nagsilbi siyang isang Moises ng kanyang lipi


na nagligtas sa mga kababayan sa kamay ng mga
mapang-aliping mananakop.
3. Alusyon sa Mitolohiya

Kung si Filomena ang dila’y may tamis,

ang sa kay Apolo, sa kanyang pagsilip,

sa may kabukira’t bundok na masungit,

ang may dalang awit.


4. Alusyon sa Literatura

Walang alinlangang isa siyang Ibarra na puno ng


pag-asang kanyang maililigtas ang kanyang
bayan sa isang ideyal na paraan.
5. Alusyon sa Kulturang Popular

Tinuturing si Floyd bilang Justin Bieber ng lungsod ng Cagayan


de Oro at ang kapatid niyang si Luisa bilang Taylor Swift ng
buong Mindanao.
ANG D I K S Y O N
Ito ay binigyang-kahulugan bilang estilo ng
pagsasalita o pagsulat na tumutukoy sa
pagpili ng mga salita ng tagapagsalita o
manunulat.
•Pagpili ng salita
•Kailangang akma ang mga salita sa konteksto
•Ang mga piniling salita ay kinakailangang
nauunawaan
•Ang mga manunulat ay gumagamit ng mga salita upang
maglikha ng tipikal na damdamin o mood, tono at
atmospera

You might also like