You are on page 1of 29

Uri ng Tayutay at

Pagpapakahulugan sa
Nilalaman ng Tula
GINA ASILO- BASILIDES
DALUBGURO-II

T.P. 2019-2020
GAWAIN -1
• PANUTO: TUKUYIN ANG LARAWAN
AT PAG-UGNAYIN ANG SALITA UPANG
MAKABUO NG BAGONG PAHAYAG.
ILAHAD KUNG ANO ANG
KAHULUGAN NITO.
Ang tao ay parang halamang kailangang diligin.=
alagaan
Hingin ang kamay ng dalaga= pakasalan
Pusong bato= matigas ang kalooban
Kamaong bakal= malakas
SIMBOLISMO
Korona= kapangyarihan
TAYUTAY
• Buhat sa salitang taytay( bamboo plank or bridge); tulay o
andamyo. Sa kolokyal ay itinatayong tulay.
• Ito ay sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga
salita upang gawing mabisa , matalinhaga, makulay at
kaakit-akit ang pagpapahayag. Karaniwang matatagpuan sa
mga akdang pampanitikan tulad ng tula, maikling kuwento,
nobela atbp.
• - mula sa aklat ni Paz M. Belvez, Ed. D (Retorika)
Uri ng Tayutay
• 1. Pagtutulad o (Simile)
•Paghahambing sa dalawang magkaibang
tao, bagay, pangyayari atbp. Ginagamitan
ng mga salitang katulad, tulad, parang,
kawangis, animo, kagaya atbp.
HALIMBAWA

• 1. Siya ay katulad ng kandilang unti- unting nauupos.


• 2. Bahagyang sumilay ang tipid mong ngiti
• Tila makahiyang dahon ay nasanggi
•.
PAGWAWANGIS
( METAPHOR)

•Isang tuwirang paghahambing na


hindi ginagamitan ng mga salitang
tulad ng, para ng, kawangis , animo
atbp.
Halimbawa
•1. Ang aking ina ay bituing tanglaw ko
sa landas ng buhay
•2. Si Lorna ay isang ibong humanap ng
kalayaan.
•3. Isa kang ahas sa loob ng aking
tahanan.
Pagtatao ( Personification )

•Nagsasalin ng talino, gawi


at
katangian ng tao sa bagay na
walang buhay. Ginagamitan ng
mga pandiwa.
Halimbawa

•1. Lumuha ang langit ng pumanaw


ang dating pangulong Corazon C.
Aquino.
•2. Umiiyak ang puso ko’t
sumisigaw( mula sa linya ng awit ni April Boy)
Pagmamalabis
( Hyberbole )

•Lubhang pinalalabis o pinakukulang


ang katunayan at kalagayan ng tao,
bagay, pangyayari atbp.
HALIMBAWA
• 1. Abot – langit ang pagmamahal niya sa aking
kaibigan.
• 2. Ulo’y nalungayngay, luha’y bumalisbis,
• kinagagapusang kahoy ay nadilig.
• 3. Bumaha ng dolyar sa bahay ni G. Richard
nang ang kanyang asawa ay dumating mula sa
Amerika.
Pag-uyam ( Sarcasm )

•Ito ay mga pananalitang


nangutngutya sa tao o bagay, tila
kapuri- puring pangungusap
ngunit sa tunay na kahulugan ay
may bahid na pag-uyam.
HALIMBAWA

• 1. Kay kinis ng mukha mong butas- butas sa


kapipisil mo ng ga tagihawat.
• 2. Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa
kundi matulog maghapon.
PAGPAPALIT- SAKLAW ( SYNECDOCHE)

•Ito ay pagbanggit sa bahagi ng


isang bagay o ideya bilang
katapat ng kabuuan.
HALIMBAWA

• 1. Hiningi ni Carlito ang kamay ng dalaga ni


Mang Teban.
• 2. Walong bibig ang umaasa kay Mang Kanor.
PAGPAPALIT-TAWAG ( METONYMY)

• Pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay


na magkaugnay.
• HALIMBAWA:
• 1. Dapat nating igalang ang puting buhok.
• 2. Si Don Juan ang nagmana ng korona .
•.
PAGTAWAG ( APOSTROPHE)
• Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para
bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao.
• HALIMBAWA:
• 1. O , tukso layuan mo ako.
• 2. O, pag-ibig na makapangyarihan, sampung mag-
aama’y iyong nasasaklaw, pag ikaw ang nasok sa puso
ninoman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.
TANONG RETORIKAL-
Isang pahayag na anyong patanong na hindi naman
nangangailangan ng sagot.

• HALIMBAWA:
• 1. Hanggang kailan ba masusupil ang kasamaan na
dulot ng ipinagbabawal na gamot?
• 2.Hahayaan ba nating malugmok sa kumunoy ng
kahirapan ang ating bayan?
Onomatopeya (Onomatopoeia)
Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa
pamamagitan ng tunog o himig ng mga
salita.

• HALIMBAWA:
• 1. Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng
matatalim na kidlat.
• 3. May pagkakaiba ba kung sakali—
• ang pisong ilalaglag sa iyong tabi,
• o kalansing nitong kawalan,
Ngayon ay nabatid mo na ang iba’t ibang uri
ng tayutay at pagpapakahulugan.

Subukin mo namang sagutin ang pagsasanay


at isulat sa isang buong maikling coupon bond.

Maaari ring i-print ang slide at doon sagutan.


Panuto: Basahin at suriing mabuti
ang bawat pangungusap. Isulat sa
patlang kung anong uri ng tayutay.
• _____1. Kumalabog sa matigas na lupa
ang bumagsak na kargamento mula sa
trak.
• _____2. . Isang Angel ang nagpapaligaya
sa mag-asawa.
• ____3. Kailangan bang ang magulang
ang luluhod sa anak?
• ____4. Animo’y isang diyosang bumaba sa
langit.
• ____5. Sampung kamay ang nagtulong- tulong
upang maisakatuparan ang Salingkurang
pagsasanay (INSET.)
• ___6. Pareho kasing sinaid ang ating
sikmura nang dantaon na paghingi ng
kalayaan
• ____7. Napakaganda naman ng damit mo,
ganyang- ganyan ang kurtina namin sa bahay.
_____8. Langit ang natagpuan ni Rosa sa piling ni
Kadyo .
_____9. Nagising ako sa malakas na dagundong ng
kulog.
_____10. Ang tao ay gaya ng halamang nararapat
diligin.

You might also like