You are on page 1of 35

ANG G

S TO N
TEK IB O
I P T
DESKR
LEARNING
a. COMPETENCIES
magamit ang kakayahan sa
paglalarawan ng isang bagay o
konsepto;
b. matukoy ang isang teksto bilang
isang tekstong deskriptibo;
c. magamit ang kahusayan sa
paglalarawan ng isang kaisipan
tungo sa pagsulat;
"MGA
IDYOMA"
Ang pagaaral ng mga idyoma o idioms
ay kaugnay ng kaalamang
panretorika. Ang idyoma ay:

*di tuwiran o di tahasang pagpapahayag ng


gustong sabihin.
*malayo sa literal o denotatibong kahulugan
ng salita.
*tinatawag na idyomatiking pahaag o
sawikain sa ating wika.
Mga halimbawa ng idyoma:

1. "Mababaw ang luha" ng guro namin.

2. Hindi siya sanay na "maglubid ng


buhangin".

3. Matutuo kang "magbatak ng buto".


4. "Parang nilibugan ng araw" si Jay
dahil may kasintahan na ang mahal
niya.

5. Si Israela ay "itinulak sa bangin" ni


Faye ng iwan niya ito sa party.

6. Si Jiji ay isang bata na "laman ng


lansangan"
7. Maswerte si Angelika dahil
pinanganak siyang "nakahiga sa
salapi".

8. Hindi makapili si Saldi kung sino ang


kanyang liligawan. Siya ay "hilong-
talilong".
9. Tumakas na naman si Jonard sa
bahay nila, kaya pala "nagpuputok ang
butse" ng nanay niya.

10. Sabi ni Aling Dionisia na sa LBC


"maraming kuskos-balungos" buti pa sa
Palawan express.
Mga Tayutay
Ano ba ang tayutay?
Ito ay tumutukoy sa matalinghagang
pagpapahayag o paglalarawang
kakaiba sa pangkaraniwang paraan.

Ito rin ay ginagamit upang


maging mabisa , masining at
kawili-wili ang paglalarawan.
Ito ay isang sinadyang paglayo sa
karaniwang paggamit ng mga
salita upang gawing mabisa,
matalinghaga, makulay at kaakit-
akit ang pagpapahayag
1. Aliterasyon
Paggamit ng mga salitang
magkasintunog ang mga unang pantig.

Halimbawa:
1. Ang kakayahang makagawa ng
katanungan ay magkakaroon din ng
kasagutan.
2. Asonans
Pag-uulit naman ito ng mga tunog-
patinig sa alinmang bahagi ng salita
Halimbawa:
1. Isang paraan ang pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng ating
pandinig.
2. Nakapagpapalawak ng kaalaman
at karunungan ang karanasan.
3. Konsonans
Katulad ng aliterasyon,pag-uulit itong
mga katinig, ngunit sa bahaging pinal
naman (kahapon at ngayon/tunay na
buhay/ulan sa bubungan).
Halimbawa:
1. Ang halimuyak ng mga bulaklak ay
mabuting gamot sa isang pusong wasak.
2. Hiniwalayan at nilayuan ni May
Ann ang kanyang kasintahan.
4. Onomatopiya
Sa pamamagitan ng tunog o himig ng
salita ay nagagawang maihatid ang
kahulugan nito.
Halimbawa:
1. Langitngit ng kawayan,lagaslas ng
tubig, dagundong ng kulog,haginit ng
hangin
2. Lumalakas ang tibok ng puso ko sa
tuwing dumarating siya.
Tulad ni Bisa,may
binabanggit din si
Alejandro tungkol sa pag-
uulit, ngunit hindi lamang
ng tunog kundi ng buong
salita.
Pansinin ang mga
sumusunod:
5. Anapora
Pag-uulit sa unang bahagi ng
pahayag o ng isang taludtod.
Halimbawa:
Kabataan ang sinasabing pag-asa
ng ating bayan.
Kabataan ang sanhi ng pagsisikap
ng bawat magulang. Ngunit kabataan
din ba ang sisira sa kanyang sariling
kinabukasan? At kabataan din ba ang
wawasak sa pangarap ng kanyang
6. Epipora
Pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng
pahayag taludtod.
Halimbawa:
1. Ang konstitusyon sa Saligang-
Batas ay para sa mamamayan, gawa ng
mamamayan at mula sa mamamayan.
2. Noon sa kanya umiikot ang aking
mundo, ngayon ay siya parin ang aking
mundo.
7. Anadipolasis
Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit
ay sa una at huli.
Halimbawa:
1. Hindi niya matagpuan ang hinahanap.
Hinahanap parin niya ito upang matagpuan.
2. Magtala ng mga detalye. Detalye ng
impormasyon.
Pagtukoy sa mga talinghaga para sa pagpapasidhi
ng guniguni at damdamin
8. Pagtutulad o Simili
Di-tuwirang paghahambing ng magkaibang
bagay, tao o pangyayari pagkat
gumagamit ng mga pariralang tulad
ng,kawingis ng,para ng, at gaya ng.
Halimbawa:
1.Tumakbo siyang tulad ng isang mailap
na usa nang makita ang papalapit na
kaaway.
2. Tulad siya ng isang mabangong bulaklak
kapag aamuyin.
9. Pagwawangis o Metapor
Ito ay tuwirang paghahambing pagkat
hindi na gumagamit ng mga nabanggit
na parirala sa itaas.
Halimbawa:
1. Ang masayang mukha niya ang
nagpapaganda ng araw ko.
2.Isang bukas na aklat sa akin ang iyong
buhay, kayat huwag ka nang mahiya pa.
3. Siyay sakit na hindi ko kayang tiisin.
10. Pagbibigay-katauhan/
Personipikasyon

Inaaring tao ang mga bagay na walang


buhay sa pamamagitan ng pagkakapit
sa mga ito ng mga gawi o kilos ng tao.
Halimbawa:
1. Dahil akoy nag-iisa tuwing pasko,
ang simoy ng hangin ang yumayakap sa
akin.
2.Mabilis na tumakbo ang oras
patungo sa kanyang malagim na wakas.
PASULIT

I. Piliin ang pinakaangkop na


kahulugan ng mga idyomang
nakasulat ng pahilig sa loob ng
sumusunod mga pangungusap.
1. Ang pangyayaring iyon ay
kinalugmukan ng kanyang mga
pangarap sa buhay.
a. Nagpatuloy sa pag-asa
b. Dahilan ng kanyang mga layunin
c. Pinagmulan ng kanyang mga adhikain
d. Sumira ng kanyang magandang
hinaharap
2. Napakatamis ng dila ni Randy
kaya niya naakit si Rachel.
a. Nanloloko
b. Napakatapat
c. May diabetes
d. Magaling mangusap
3. Lumayas si Eric dahil magaan ang
kamay ng kanyang tiyahin.
a. Madaldal
b. Madaling manakit
c. Magaling magmura
d. palautos
4. Ano ka ba? Ang laki-laki mo,
patabaing baboy ka!
a. Malusog
b. Marumi
c. Tamad
d. Mabaho
II. Uriin ang mga tayutay na ginagamit
sa bawat pangungusap.
1. Kagabi, dinalaw ako ng mapapait
mong alaala.
a. Pagtatambis
b. Pagbibigay-katauhan
c. Pagmamalabis
d. Paglumanay
2. Abalang-abala sa gawain ang haligi
ng tahanan.
a. Pagpapalit-tawag
b. Pagtawag
c. Pagpapalit-saklaw
d. Pagmamalabis
3. Sinaksak mo ang puso ko nang
sabihin mong akoy wala nang pag-asa
sayo.
a. Pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Pagbibigay-katauhan
d. Pagmamalabis

You might also like