You are on page 1of 11

Maging Positibo Upang maging Aktibo

Madalas na sinasabi at napapakinggan natin ang salitang stress, ngunit ano agad ang
pumasok sa iyong isipan? Minsan hindi natin nadadala ng tama ang ating stress dahil hindi
nakakatulog, tulala, pagod o kaya’y may problema tayo. Pero alam mob a na ang gumagawa ng
stress sa buhay ng isang tao ay ikaw mismo?

Ang pagnanasa na isang tao na kontrolin ang lahat ng nakapaligid sa kanya ngunit nagiging
makasarili tayo at nagiging abusado. Kaya ito ang pangunahing dahilan kung bakit mayroon tayong
dinadala na stress.

Sa panahon natin ngayon, nagiging biktima ng stress ay ang mga kabataan. Inaatupag lang
nila ang mga computer games at gumawa ng mga bagay na hindi kaaya-aya. Ang pagiging stress nila
ay nauuwi sa depresyon. Ang ibang mag-aaral kung bakit nade-depress sila ng dahil sa kakulangan ng
tulog at pagkain at walang ehersisyo, naiistress rin ang mga estudyante lalo kung napre-pressure na
makamit ang mataas na marka. Dahil sa matinding problema, suicide ang nakikitang solusyon ng
ilang mag-aaral para matakasan ang kinakaharap na problema.

Ang tanging paraan upang pamahalaan ang stress ay ang pagiging positibo sa lahat ng bagay
at ang pag lilimita ng sarili sa paggamit ng mobile phones. Ang kapayapaan o “peace of mind”, ang
pagtanaw ng ating kaisipan sa sentro ng buhay, ang ekspiritwalidad. Kung may kapayapaan sa pag-
iisip, madali na maalis ang stress, at ang pinakaimportante sa lahat na malaman natin na nasa Diyos
lamang nanggagaling ang positibong paggaling ng enerhiya at dumaan ito sa atin kapag mapayapa
ang ating kaisipan at ang ating puso.
Tanging Yaman, ang Kalusugan

Ang kayamanan na itinuturing ng isang Pilipino at ng buong lipunan ay ang ating kalusugan.
Bawat isa sa atin ay nagkakaroon ng kompyansa na makipag-usap, makipag-ugnayan at magkaroon
ng personal na relasyon sa taong iniibig natin. May sapat na kompyansa para mabuhay ng masaya,
ng may dignidad at ng may pagtanggap ng kaniyang uri, at sa lipunang kaniyang ginagalawan.

Kadalasan sa panahon ngayon, ang ganitong pangayayari ay hindi tinatamasa ng isang taong
may malalang sakit. HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay isang nakamamatay na sakit. Ang virus
ay umaatake sa sistema ng panlaban sa sakit ng tao, ang lymphocytes o T-helper cells. Ito ay isang uri
ng white blood cell (leukocytes) pangunahing depensa laban sa mga sakit. Sinisira nito ang mga
bacteria at virus at iba pang microorganisms. Ang normal values ng T-helper cells ay nasa 1000 cubic
millimeters. Kapag mas mababa sa 200 ang bilang, ang depensa ng katawan ay humihina, madaling
kumapit ang impeksiyon at kanser, at itinuturing nang indikasyon na ang biktima ay may HIV.

Ayon kay Nurse Kim Tecson, mayroon na ditto sa ating lugar ang nagging positibo sa HIV
ngunit ito ay kumpedensyal at hindi pwedeng banggitin ang mga naitala na kaso. Batay sa aming
pagsusuri, ang HIV ay hindi nakukuha mula sa paghahalikan, laway, yakapan, pag-ubo, luha, pawis,
pagbahing, paghiram ng kubyertos, kagat ng lamok o paggamit ng kubeta. Ngunit nakukuha ito sa
sex.

Paano mag-ingat at umiwas sa HIV? Ang abstinensiya o ang pagpigil at pagtanggi, maging
tapat sa iyong katalik, gumamit ng condom para sa proteksiyon, iwasan ang droga at maagang
pagpatingin at pagpapagamot sa doctor o pagamutan. Ang ating gobyerno ay nagpapatupad ng ilang
programa gaya ng mga seminar tungkol sa HIV upang malaman ng kabataan ang mga dapat gawin at
di-dapat gawin.
Basura Mo, Responsibilidad Mo

Sa panahon ngayon, marami na tayong kinakaharap na problema dito sa ating bansa. Isa na
dito ay ang maruming paligid. Kahit saan tayo magpunta, meron tayong makikitang basura na
nakakalat kahit saan. Kahit makita nila ang basura sa kanilang harapan, wala silang pakialam kung
ano ang magiging itsura ng paligid nila. May pinakamaraming kaso ngayon ang sakit na dengue hindi
lang sa ibang lugar kundi pati narin dito sa ating lungsod, ang Lingig. Ngunit paano natin maiiwasan
ang magkasakitk kung ang ating kapaligiran ay puno ng basura na nakakalat kahit saan?

Sa Lingig National High School, may ilang mag-aaral na nagkakasakit ng dahil sa mga basura
na hindi tinatapon sa wastong lalagyan. Bakit nga aba mahalaga ang pagtapon ng basura sa tamang
lalagyan? Sa panahon hindi pa pinapatupad ang wastong pagtapon ng basura sa paaralan ng LNHS,
makikita natin na kahit saan nakakalat ang basura sa ibat-ibang sulok ng paaralan kaya may
nagkakasakit na studyante. Pero ngayon, ipanapatupad ni Dr. Lourdes O. Orcullo, punong guro ng
Lingig National High School, ang pagpapairal ng wastong pagtapon ng basura ayon sa uri nito.
Pinapatupad ito para sa mga estudyante na malaman ang kahalagahan ng pagtapon ng basura sa
wastong kalagyan. Ang nabubulok at hindi nabubulok ay isa sa mga ipinapatupad ni Dr. Lourdes
Orcullo.

Nakikita naman natin ngayon na natuto na ang mga mag-aaral ng LNHS na itapon sa wastong
lalagyan ang mga basura. Wala ng estyudyanteng nagkakasakit. “ Ang bawat isa sa atin ay dapat na
ipatuloy ang pagpapairal, pagiging responsible, at disiplinado upang ito ay maging isang magandang
halimbawa sa kapwa mag-aaral na tulad natin”, ang sabi ni Eula Mae Day, magaaral ng LNHS, Grade
10 Humble.

Malaki ang naitulong ng ipinatupad na programa ni punong guro Dr. Orcullo, hindi lang sa
paaralan kundi pati rin narin sa mga mag-aaral.
Kalusugan, Pahalagahan at Pagyamanin

Sa panahon natin ngayon, hindi na bago sa ating pandinig ang sakit na DENGUE. Ang dengue
ay isang nakakahawang sakit na dulot ng dengue virus. Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, sakit ng
ulo, kalmnan at pananakit ng kasukasuan, at ang isang katangiang nagpapantal sa balat na katulad
ng sa tigdas. Sa isang maliit na bahagi ng mga kaso, ang sakit ay maaring maging banta sa buhay, na
magdudlot ng pagdurugo, mababang bilang ng platelet at pagtagas ng plasma o sa dengue shock
syndrome na kung saan ang mababang presyon ng dugo na magyayari ay mapanganib.

Alam mo ban a ang pinakamaraming kaso ngayon na sakit ayon sa DOH ay ang DENGUE?
Hindi lang sa ating lugar naapektuhan ang ating kalusugan kundi sa ibang lugar din. Ang dahilan kung
bakit maraming tao ang nagkasakit ng dengue ng dahil sa ating paligid. Ang kapaligiran natin na puno
ng basura at kung saan-saan tinatapon. Kaya naging resulta ito sa pagdami ng lamok at nauuwi ito sa
dengue.

Ayon kay Dr. Huber Evangelio, sa ating lugar ay patuloy na dumadami ang bilang ng taong
nagka dengue. Mahigit 10 tao sa isang araw ang may dengue. Nagbigay ng ilang hakbang si Dr.
Huber Evangelio upang maiwasan ang dengue. Ang unang hakbang ay ang paggamit ng mosquito net
dahil ito ang nagbibigay proteksiyon sa atin. Ikalawa, ang pagpapa-iral ng wastong paglagay ng mga
basura batay sa uri nito. Ang nabubulok at hindi nabubulok.
Coastal Cleaning, isinagawa

Upang mapanatiling malinis ang baybayin ng Poblacion, Lingig isinagawa ang Church and
Coastal Clean-up noong ika-27 ng Setyembre taong 2018 bilang parte ng inilunsad na 118th Philippine
Service Anniversary.
Pinangunahan ni Engr. Genevieve G. Aparece ng Municipal Engineering Office ang nasabing
programa kung saan nagsimula ito ng ika-6 ng umaga na dinaluhan ni G. Jesus B. Peñanueva, Human
Rights Resource Management Officer at iba pang kawani ng local government ng Lingig.
Nahati sa apat na pangkat ang mga dumalo kung saan ang naglinis sa Purok 3A-3B shoreline
ay ang mga kawani ng DSWD, MASSO, MTO, MEO, AFP, LCR, MBO, MACCO at mga guro ng Lingig
National High School Junior High, habang ang MO, UMO, SBO, PNP, DILG at implementing teachers
ang naglinis sa Purok 4 shoreline, ang mga naglinis sa Purok 1B-5C shoreline ay ang MPDO,
COMELEC, BIR, MAO, MHO, BFP, MDRRMO, at mga guro ng LNHS Senior High habang pinagtulungan
ng lahat na linisin ang paligid ng simbahan.
ICT Adviser: “Computer Units nasaan na?”

‘Nasaan na?’ giit ng isang computer teacher ng Lingig National high School matapos ang
maraming taong paghihintay sa ipinangakong computer units ng Department of Education (DepEd)
noong taong 2014.
Ayon kay Gng. Betsy G. Lofranco, isang ICT teacher, ang LNHS ay nangangailangan ng bagong
computer units dahil kahit ni isa ay walang gumaganang computer mula 2016.
“Last 2014 the school was promised to be the recipient of 50 computer units from Deped so
to prepare for its arrival we constructed an extension of the computer laboratory with complete set
of chairs and tables. Everything was ready since the announcement but it’s already 2018 and not
even a single unit has arrived. It seems like we are waiting in vain” pahayag ni Gng. Lofranco.
Dagdag pa niya, mahirap turuan ang mga mag-aaral tungkol sa computer dahil ang computer
lessons ay nangangailangan ng totoong computers at hindi pagtatalakay lamang kaya ang
pagkakaroon ng hands-on training ay imposibleng mangyari.
“Since there’s no available computer unit, what I do is bring my personal laptop and let my
students use it during hands-on activities. We don’t have a choice but to be contented with this
while waiting for the computer units to arrive” ani ni Lofranco.
Samantala, noong 2014 mayroong 50 units ngunit 11 lang ang gumagana, noong sumunod
na taong 2015, 3 na lang ang naiwang magagamit pa, habang noong 2016 ay wala nang gumagana.
Ang mga computer units na ito ay parte ng donasyon ng Department of Trade and Industry.
Kaligtasan, Paghandaan

Nagkaroon ng panahon kung kalian maaaring mahuhulaan ng sinuman ang araw sa


pamamagitan lamang ng pagtingin sa kalangitan ngunit sa mundo ngayon kahit na ang weatherman
ay may problema sa paghula.
Ang natural na kalamidad ay hindi maaaring mapigilan ng tao sa kasalukuyang naabot na
kaalaman at teknolohiya ng mundo. Hindi man mapigilan ang mga kalamidad, maaari naman itong
mapaghandaan. Bagyo, lindol, baha, sunog sa kagubatan, at iba pa. Ito ang sakunang laging
nararanasan, naririnig, nababasa at napapanood natin. Bakit nagkaganito an gating kapaligiran
ngayon sa kabila ng naabot na modernisasyon at abanteng sibilisasyon.
Maaari tayong maghanda bago pa man dumating ang sakuna. Ilan sa mga paghahanda na
maaari nating gawin ay ang mga sumusunod: Pag-iimbak ng maraming pagkain, malinis na inuming
tubig, malinis na mga damit, powerbank para sa mga cellphone at mga kandila o lampara kung
sakaling mawalan ng kuryente. Mahalaga rin ang panonood sa telebisyon at pakikinig sa radio ng
balita.
Ang National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na may
pananagutan at namumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na mararanasan ng
bansa. Tiyaking maghanda at manalig sa Diyos dahil sa kaniya lang an gating kaligtasan at kabutihan.
Umbak: Para sa lahat

Sikat na sasakyan sa buong Lingig, Surigao del Sur. Ikinagigiliwan ng bawat pasahero. Iba’t-
ibang kulay tulad ng pula, itim, bughaw, luntian, kahel, at iba pa. Ito ay may tatlong gulong na
kilalang-kilala sa pangalang “Umbak,” na tinatawag ding “rickshaw.”
Ang salitang Umbak ay galling sa palabas na Ongbak sa Thailand. Unang ginawa ang rickshaw
at itinayo noong 1880 at unang nagamit sa Singapore noong 1929. Naging sikat rin ito sa Thailand
(Bangkok) kung saan tinatawag nilang “tuktuk.”
Ang mga pasahero ay pwedeng umupo sa likod at halos apat hanggang lima ang kakasya,
depende sa sasakay. Sa gilid naman o sa bawat gilid ay isa-isa lang ang makakaupo malapit sa
drayber. Depende ito sa sasakay na pasahero.
Hindi maiiwasang maengganyo ang mga pasahero dahil sa bago pa ito at abot-kayang
pasahe. Maganda sa pakiramdam at komportable sa katawan. Pwedeng-pwede magpahinga o
magrelax. Dito kadalasang sasakay ang nagmamadaling pasahero dahil sa pambihirang bilis
tumakbo.
Gayunpaman, Malaki ang kita ng mga drayber sa sasakyang ito. Nakakatulong sa pangaraw-
araw na gastusin sa pamilya. At halos tao sa Lingig ay gusting magkaroon ng Umbak.
Sa pagkakataong mayro’n tayo ng isang bagay na importante, dapat natin itong
pahalagahan. Hindi sa lahat ng oras ay mayroon tayo nito. Ang Umbak ay isa sa nagging importante
sa buhay ng tao, bakit? Dahil ditto tayo kumukuha ng isinusustento sa bawat miyembro ng pamilya.
kahit man maliit o malaki ang ikinikita nito eh nakakatulong pa rin ito sa atin.
Lahat tayo ay nangangailangan nitong sasakyan. Tulad ng mga estudyante, mga guro, at iba
pa. Para mapadali ang pagpunta sa pupuntahan.
Values Formation, inilunsad

Dumalo ang mga mag-aaral sa ika-11 na baiting ng Lingig National High School sa
isinagawang Values Formation noong ika-20 ng Hulyo taong 2018 sa Lingig Barangay Hall.
Ayon kay Bro. Marck Anthony Tacgos, tagapagsalita sa programa, na maiging mahubog ng
mga mag-aaral ang magandang asal at maging handa sa mga pagsubok sa buhay.
“Our generation of students nowadays are slowly losing their moral values and this is very
alarming. Although academic knowledge is very important but let us not forget that ethical
knowledge is equally important too. These are basic values that govern our lives and these should be
developed. It is our character towards every situation that will define us as a person” sabi ni Tacgos
sa mga mag-aaral.
Tinalakay din ni Tacgos ang importansiya ng paghubog ng magandang asal sa mga mag-aaral
at kung pano ito makakatulong bilang gabay sa kanila lalo na kapag napasok sa mga mahihirap na
sitwasyon kung saan masusubukan ang lakas ng loob at kakayahang gumawa ng matinong desisiyon.
“We felt the need to have this values formation to remind our students the importance of
not only being functionally literate but also be morally upright individuals” pahayag ni Gng. Emigilda
Abraham, Guidance Counselor ng nasabing paaralan.
Samantala, itinalakay din sa nasabing programa ang tungkol sa HIV-AIDS, maagang
pagbubuntis, depresyon at kung paano mananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
“I really enjoyed the lecture of Bro. Marck because he was really engaging in the discussion
of his topic but most of all I gained so much insights especially on how to develop desirable values
not only within my family but also with others” ani ni Crisel Ann Jumao-as, mag-aaral ng ika-11 na
baiting.
LIHAM SA PATNUGOT

Mahal na Patnugot,
Ibig ko sanang gawing tulay ang pahayagang ito upang maipabatid ang problema sa paaralan
lalong-lao na sa mga sasakyang hindi maayos na nakaparada. Ang mga lugar po kasi na dapat
dinadaanan ay napapalitan ng mga sasakyang hindi nakaparada ng maayos. Kahit maliit lang po ang
problemang ito, isa itong repleksiyon ng kawalang disiplina ng mga mag-aaral.
Sana ay maiparating ang kahalagahan ng disiplina sa lahat dahil kahit po maliit na bagay ay
pwede tayong makaabala sa iba.

Sumasainyo,
Anthon James Consuegra
10-Humble

Mahal na Ginoo,
Lubos po naming ikinagagalak ang inyong pagmamalasakit sa paaralan at kapakanan ng mga
mag-aaral. Huwag po sana kayong magdalawang-isip na idulog pa ditto ang ilan ninyong mga
hinaing. Sisikapin po naming na sa abot ng aming makakaya, gamit ang kapangyarihan ng pahayagan,
ay mailathala naming ang mga artikulong kapaki-pakinabang sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa
kahalagahan ng disiplina sa sarili at kagandahang asal.

Lubos na Gumagalang,
Patnugot
PADERLAYA

 Bakit po kung minsan may nagmomonitor sa pagsuot ng uniporme at kung minsan


naman hinahayaan na lang ‘yung iba? #JusticeforMe
 Sana darating ang panahon na lahat ng classrooms ay may C.R. at may tubig para lahat
masaya. #Umaasa
 Malimit akong napapagalitan dahil sa paglalaro sa loob ng silid-aralan. Sana po ay
bigyan kami ng oras tuwing biyernes na makapag-ensayo. #Athlete
 Nakakainis talaga ‘yung ibang mga bata na hindi marunong magbasa. Kahit na may
nakalagay na “Plastic” at “Paper” hindi pa rin talaga marunong maghiwalay ng basura.
Gigil mo si ako. #Environmentalist
 Naaawa ako kay manong Guard kasi siya lang mag-isa ang sumasaway sa mga
estudyante. Sana may tumutulong sa kaniya para hindi na maging pasaway ‘yung iba.
#Helpful
 Bakit pinapabayaan na lang ‘yung ibang mag-aaral na magkasala? Hindi tuloy nagtitino
at nagiging mas masama pa ang ugali. #Hustisya
 Bakit sobrang mahal ng ilang bilihin sa canteen? #Gutom
 Sana po mahuli na ‘yung mga nagnakaw sa school. Makonsensya sana kayo!
#Parusahan
 Kawalan ng respeto, kagaya na lamang ng hindi pag-awit ng maayos sa Pambansang
Awit. Sana po ay mabigyan sila ng leksiyon. #Respeto

You might also like