You are on page 1of 12

Senior High School

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Filipino
First Quarter – Week 3
Unang Wika, Pangalawang Wika at Iba pa
EIM – Grade 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Quarter 1 – Week 3: Unang Wika, Pangalawang Wika at Ipa Pa
First Edition, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa exemplar na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Development and Quality Assurance Teams


Writers: JOHN REY M. MARTINEZ_
Illustrator:
Layout Artist:
Language Editor:
Content Evaluator:
Layout Evaluator:
Management Team: PSDS/DIC
___________________

Rationale
Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop na tugon ng
Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa paghahatid ng mga
1
pampagkatutong pangangailangan ng mga mag-aaral na kahanay sa
pagsusumikap ng mga nakatataas na tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit
nitong lesson exemplar ay may kaaya-ayang format para sa guro at mag-aaral na
pinaigsi bilang bagong pamamaraan sa gitna ng pangkalusugang krisis dulot ng
COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay sasamahan ng portfolio na tugma sa
pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay nagbibigay diin sa


pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita ito ng kaniyang pag-unlad,
kakayahang mapagnilayan ang sariling gawa, at kakayahang makabuo ng mga
mithiin para sa hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Filipino – Grade 11-Quarter 1 Exemplar para sa araling
Unang Wika, Pangalawang Wika at Iba Pa.

Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri ng mga


edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division upang tulungan ang mga
mag-aaral na makamit ang mga inaasahang layunin na nakaangkla sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) na itinakda ng Kagawaran habang
patuloy na nilulutas ang mga suliranin sa pag-aaral na dulot ng pandemikong
COVID-19.

Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang mga mag-aaral
sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at hinahayaang tapusin ang mga
gawain nang naaayon sa sariling bilis at oras. Dagdag pa rito, layunin din nitong
matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang pang-21 siglong
kakayahan habang isinasaalang-alang ang kanilang pangangailangan at
kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-aaral kung paano
gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo ring subaybayan ang kanilang pag-

2
unlad habang hinahayaan silang pangasiwaan ang sariling pagkatuto sa
pamamagitan ng pagtatasa ng portfolio.

Para sa Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Filipino – Grade 11-Quarter 1 Exemplar para sa araling
Unang Wika, Pangalawang Wika at Iba Pa.
Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa at
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung saan ikaw ay ginagabayan at
hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa iyong sariling bilis at
oras. Bilang aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga nilalaman nitong
pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa paaralan.
Upang tulungan kang maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may Lingguhang
Pagtatasa ng Portfolio. Ibibigay ng iyong guro ang template nito upang
mabigyan ka ng pagkakataong makagawa ng portfolio ayon sa iyong
malikhaing pamamaraan.
Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung anong


Alamin
kompetensi ang inaasahan mong matutuhan sa
exemplar na ito at ang mga layuning dapat
mong matamo.

Nakapaloob sa bahaging ito ang isang gawain na


Nalalaman
susubok sa iyong kaalaman sa araling iyong
tatahakin.

Ang seksyong ito ay magbibigay ng maikling


Suriin
diskusyon sa aralin. Tutulungan ka nitong
matuklasan at lubos na maunawaan ang mga
bagong konsepto at kasanayan.

Sa seksyong ito nakapaloob ang mga gawain na


Isagawa
tutulong sa iyo upang mailipat ang iyong
(1,2 & 3)
bagong kaalaman at kasanayan tungo sa
panibagong sitwasyon o hamon ng buhay.

3
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang iyong
Isaisip
antas ng kasanayan sa pagkamit ng mga
pampagkatutong layunin.

Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng


Susi sa
Pagwawasto gawaing nakapaloob sa exemplar na ito.

Dito ay mayroong instruksyon tungkol sa


Pagtatakda ng
pagtatala ng iyong positibo at makatotohanang
Mithiin sa
Portfolio mithiin bago ipagtuloy ang paggamit ng
exemplar.

Mayroon itong mga instruksyon tungkol sa


Pagsagawa ng
pagsasagawa ng mga bahagi ng portfolio.
Portfolio –
Pahiwatig ng Mayroon din itong rubric na gagabay sa iyo
Pag-unlad! kung paano tatayain ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang


konsepto o impormasyon na ginamit sa
paglikha ng exemplar na ito.

Alamin
Sa exemplar na ito, matutunghayan mo ang wastong paggamit ng
pangngalan at ang mga uri nito. Saklaw nito ang mga gawain na magpapaunlad
sa iyong kakayahan na gamitin nang wasto ang pangngalang pantangi at
pangngalang pambalana sa iba’t ibang sitwasyon. Ang mga gawain ay inayos
upang iyong masundan ang wastong pagkakasunod-sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency:


Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
( F11PT-Ic-86)

Sub-Competency
Naibabahagi ang kaalamang tungkol sa unang Wika.

Layunin

4
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar na ito,
ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: nalalaman ang gamit ng unang wika, Ikalawang wika


at ikatlong wika;

B. Kasanayan: nakasusulat nang isang dialogo sa iba’t ibang


setwasyon gamit ang unang wika; at

C. Pandamdamin: naipakikita ang pagmamahal at pagpapahalaga sa


unang wika.

Tagal: Isang (1) araw


P
Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio
Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng
iyong guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang pagtatakda
ng mithiin. Gawing patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga
positibo at makatotohanang mithiin na maari mong makamit sa exemplar na ito.
Itala ang mga ito bilang iyong mga plano. Tandaan: Huwag ipagpatuloy ang
pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa naisagawa ang pagtatakda ng
mga mithiin.

Nalalaman
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra
sa sagutang papel.

1. Ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang


tao.
a. pagsasalita c. wika
b. pangalawang wika d. unang wika
2. Ang unang wika ang kilala din sa tawag na
a. katutubong wika c. sariling wika
b. lingguwahe d. tao
3. Mas naipapahayag ng isang tao ang kanyang saloobin kung ang wikang
kanyang ginanagamit ay
a. pangalawang wika c. unang wika
b. pangatlong wika d. tagalog
4. Ano ang ibig sabhihin ang L1, L2, L3?
a. Learning 1-3
b. unang wika, ikalawang wika, ikatlong wika

5
c. mother tongue 1-3
d. katututong wika 1, katutubong wika 2, katutubing wika 3
5. Habang lumalaki ang bata nagkakaroon siya ng exposure sa isa pang wika sa
kanyang paligid. Ang wikang wikang ito ay tinatawag na
a. unang wika b. ikatlong wika
b. ikalawang wika d. ikaapat na wika

Suriin
Sa araw-araw na pakikipag-usap natin sa mga tao sa paligid o sa
mga kaibigan natin kapag tayo ay nakikipagkuwentuhan, isa sa madalas
nating ginagamit ay ang unang wika.

Unang wika- ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at


unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother
tongue, arterial na wika at kinakatawan din ng L1. Sa wikang ito pinakamataas
o pinakamahusay na naipapaliwanag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan at
damdamin.
Habang lumalaki ang bata nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang
wika sa kanyang paligid gaya ng telebisyon,radio, kaibigan, at iba pa. mula sa
ikalawang wika ay nagkaroon siya ng sapat na kakayahan sa pakikipag-usap
ang pangalawang wikang ito ay tinatawag na L2.
Sa pagdaan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata.
Dumarami pa ang nga tao nakasalamuha niya, gayundin ang lugar na kanyang
nararating, mga palabas na kanyang napapanood sa telebisyon, mga aklat na
kanyang nababasa, at kasabay nito’y tumataas din ang mga antas ng kanyang
pag-aaral. Dito’y may iba bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na
kalauna’y natututuhan niya at nagagamit na sa pakikipagtlastasan sa mga tao sa
paligid niyang nagsasalita rin ng wikang ito. Ang wikang ito ay ang kanyang
magiging ikatlong wika o L3.

Isagawa 1
Panuto: Mula sa larawan sa ibaba gumawa ng isang
dialogue ayon sa sitwasyong makikita sa larawan gamit
ang unang wika o L1 na iyong natutunan. Isulat sa
kalahating bahagi ng papel
6
Isagawa 2
Panuto: Mula sa larawan sa ibaba gumawa ng isang dialogue
ayon sa sitwasyong makikita sa larawan gamit ang ikalawang wika o L2
na iyong natutunan. Isulat sa kalahating bahagi ng papel

Isagawa 3
Panuto: Mula sa larawan sa ibaba gumawa ng isang dialogue
ayon sa sitwasyong makikita sa larawan gamit ang ikatlong
wika o L3 na iyong natutunan. Isulat sa kalahating bahagi ng
papel

7
Isaisip
I- Panuto: Basahin at unawain ang talata sa ibaba at
sagutin ang mga susunod na tanong.

Si John ay isinilang sa bayan ng Anao, Tarlac ang wikang ginagamit


doon ay Ilocano gumagamit din si John ng salitang Tagalog sa pakikipag-
usap sa mga dayuhang nagmula sa maynila. Siya ay nakapag-asawa ng
isang ilongga at nagbakasyon sa ilo-ilo at natuto ng salitang Ilonggo.
Kasalukuyan siya ngayong nasa America, nagtatrabaho bilang accountant
ng isang malaking kompanya.

1. Ano ang Unang wika o L1 ni John?


2. Ano ang ikalawang wika o L2 ni John?
3. Ano ang ikatlong wika o L3 ni John?
4. Ano ang iba pang wika na alam ni John?
5. Saan ginagamit ni John ang kanyang ikalawang wika?
II- Unawain ang mga katanungan. Isulat ang T kung ito ay Tama at M naman kung
ito ay Mali.

1. Ang Unang wika ay tumutukoy sa wikang wikang kinagisnan ng isang tao.


2. Ang Ikalawang wika ang tinatawag din L3.
3. Kung malayang nagagamit ng tao ang isa pang wika na parang kanyang katutubong
wika ito ay ang kanyang ikalawang wika.
4. Mas madaling maipahayag ang damdamin, pananaw at opinyon kung
unang wika ang gagamitin.
5. Habang lumalawak ang kapaligiran ng isang bata ay mas lumalawak din ang kanyang
kaalaman sa wika kaya natututo ito ng isa at higit pang wika.
6. Dahil sa unang wika nahihirapan ang isang bata sa pagsasalita.
7. Kadalasan ay mga magulang ang unang nakakaimpluwensiya sa pagkatoto ng unang
wika.
8. Ang PIlipinas ay may mahigit 150 na wika kaya pangkaraniwan lang ang
pagkakaroon ng mga mamamayan ng ikatlong wika o higt pa.
9. Sumisibol sa tao ang ikatlong wika kasunod sa unang wika nito.
10. Ang pangyayari sa buhay ng isang tao na maaring magresulta sa pagkakaroon niya ng
ikalawang wika ay dahil sa pakikipagkaibigan, telebisyon, sosyal media at iba pa.

8
Susi sa
Pagwawasto

Nalalaman Isaisip

1. d I-
2. a
3. c 1. Ilocano
4. b 2. Tagalog
5. b 3. Ilonggo
4. Ingles
5. Dayuhan taga maynila

II-

1. T
2. M
3. T
4. T
5. T
6. M
9
7. T
8. T
9. M
10. T

Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng


Pag-unlad!
Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na sumusunod sa
iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay koleksiyon ng
iyong gawa sa tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang iyong kakayahang
makita at mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa natamo mong kakayahang
maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos nitong portfolio, gawing
patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

Magaling Pagbutihin
Napaka-husay
Krayterya din pa Kabuu-an
5 pts. 3 pts. 1 pt.
Nilalalaman at
kaugnayan ng
bawat salita
Kaisahan ng mga
salitang ginamit
Kalinisan at
kaayusan ng
awtput

10
Kabuuan

Sanggunian

Alma M. D. at M.G del Rosario Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at


Kulturang Filipino. Aralin 2: Unang Wika, Pangalawang Wika, at Iba Pang
Wika. Phoenix Publishing House, pp. 28-29

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Tago III

Address: _______________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Contact Number:
Email Address:

11

You might also like