You are on page 1of 23

Filipino

Unang Kwarter – Unang Linggo


Paggamit ng Naunang Kaalaman o
Karanasan sa Pag-unawa ng Teksto
Filipino – Grade 2
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Unang Linggo: Paggamit ng Naunang Kaalaman o
Karanasan sa Pag-unawa ng Napakinggan o Nabasang teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Jennifer O. Angeles


Illustrator: John Merick L. Cifra
Layout Artist: Bofel A. Trugillo
Language Editor: Katerina C. Montilla
Content Evaluator: Katerina C. Montilla
Layout Evaluator: Romnick C. Portillano
Management Team: Ramonito D. Cortes
Clint R. Orcejola

1
Rasyonal

Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay


angkop na tugon ng Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur
sa paghahatid ng mga pampagkatutong pangangailangan ng
mga mag-aaral na kahanay sa pagsusumikap ng mga
nakatataas na tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit nitong
lesson exemplar ay may kaaya-ayang format para sa guro at
mag-aaral na pinaigsi bilang bagong pamamaraan sa gitna ng
pangkalusugang krisis dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar na
ito ay sasamahan ng portfolio na tugma sa pansariling kakayahan
ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay


nagbibigay diin sa pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita
ito ng kaniyang pag-unlad, kakayahang mapagnilayan ang
sariling gawa, at kakayahang makabuo ng mga mithiin para sa
hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – Grade 2-
Quarter 1 Exemplar para sa araling Paggamit ng Naunang
kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng teksto.

Ang exemplar na ito ay pinagtulungang i-disenyo, likhain at suriin


ng mga edukador mula sa iba’t - ibang paaralan ng Division
upang tulungan ang mga mag-aaral na makamit ang mga
inaasahang layunin na nakaangkla sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) na itinakda ng Kagawaran habang
patuloy na nilulutas ang mga suliranin sa pag-aaral na dulot ng
pandemikong COVID-19.

2
Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang
mga mag-aaral sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan
at hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa
sariling bilis at oras. Dagdag pa rito, layunin din nitong
matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang
pang-21 siglong kakayahan habang isinasaalang-alang ang
kanilang pangangailangan at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-


aaral kung paano gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo
ring subaybayan ang kanilang pag-unlad habang hinahayaan
silang pangasiwaan ang sariling pagkatuto sa pamamagitan ng
pagtatasa ng portfolio.

Para sa Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino-Grade 2 - Quarter 1 Exemplar
para sa araling Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan sa
Pag-unawa ng Teksto.
Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng
nakatutuwa at makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung
saan ikaw ay ginagabayan at hinahayaang tapusin ang mga
gawain nang naaayon sa iyong sariling bilis at oras. Bilang
aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga nilalaman nitong
pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o
nasa paaralan. Upang tulungan kang maisagawa ito, ang
exemplar na ito ay may Lingguhang Pagtatasa ng Portfolio.
Ibibigay ng iyong guro ang template nito upang mabigyan ka ng
pagkakataong makagawa ang portfolio ayon sa iyong
malikhaing pamamaraan.

3
Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang
icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung


Alamin
anong kompetensi ang inaasahan mong
matutuhan sa exemplar na ito at ang
mga layuning dapat mong matamo.

Nakapaloob sa bahaging ito ang isang


Nalalaman
gawain na susubok sa iyong kaalaman sa
araling iyong tatahakin.
Ang seksyong ito ay magbibigay ng
Suriin
maikling diskusyon sa aralin. Tutulungan
ka nitong matuklasan at lubos na
maunawaan ang mga bagong konsepto
at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga
Isagawa
gawain na tutulong sa iyo upang mailipat
(1,2 & 3)
ang iyong bagong kaalaman at
kasanayan tungo sa panibagong
sitwasyon o hamon ng buhay.
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang
Isaisip
iyong antas ng kasanayan sa pagkamit
ng mga pampagkatutong layunin.
Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat
Susi sa
ng gawaing nakapaloob sa exemplar na
Pagwawasto
ito.
Dito ay mayroong instruksyon tungkol sa
Pagtatakda ng
pagtatala ng iyong positibo at
Mithiin sa
Portfolio makatotohanang mithiin bago ipagtuloy
ang paggamit ng exemplar.
Pagsagawa ng Mayroon itong mga instruksyon sa
Portfolio – pagsasagawa ng mga bahagi ng portfolio.
Pahiwatig ng
Mayroon itong mga instruksyon tungkol sa

4
Pag-unlad! pagsasagawa ng mga bahagi ng
portfolio. Mayroon din itong rubric na
gagabay sa iyo kung paano tatayain
ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang


konsepto o impormasyon na ginamit sa
paglikha ng exemplar na ito.

5
Mga mahahalagang paalala sa paggamit ng exemplar
na ito:
1.Gamitin ang exemplar nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng exemplar. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga gawain at pagsasanay.
2.Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
3.Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
4.Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
5.Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa exemplar na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Umaasa kami, sa
pamamagitan ng exemplar na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng
malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

6
Alamin

Sa exemplar na ito, matutunghayan mo ang wastong


paggamit ng naunang kaalaman o karanasan sa pag-
unawa ng napakinggan o nabasang kuwento. Saklaw
nito ang mga gawain na magpapaunlad sa iyong
kakayahan na gamitin ang kaalaman at karanasan sa
pag-unawa sa napakinggan o nabasang teksto. Ang
mga gawain ay inayos upang iyong masundan ang
wastong pagkakasunod-sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency:


Nagagamit nang wasto ang mga naunang kaalaman o
karanasan sa pag-unawa ng napakinggan o nabasang
teksto. (F2PN-Ia-2, F2PN-IIb-2, F2PN-IIIa-2)

Sub-Competency
Naipamamalas ang wastong paggamit ng naunang
kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggan o
nabasang teksto.

Layunin
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa exemplar na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: nakatukoy ng pangunahing ideya


mula sa napakinggan o nabasang teksto;

7
B. Kasanayan: nakasulat ng mga mahalagang
kaalaman mula sa nabasang teksto; at

C. Saloobin: napahalagahan ang bawat


kaalaman at karanasan sa pamamagitan ng
pagsuri sa ibat-ibang sitwasyon.

Tagal: Isang (1) Linggo

Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa


iyo ng iyong guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin
mo ang lingguhang pagtatakda ng mithiin. Gawing
patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga
positibo at makatotohanang mithiin na maari mong
makamit sa exemplar na ito. Itala ang mga ito bilang
iyong mga plano. Tandaan: Huwag ipagpatuloy ang
pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa
naisagawa ang pagtatakda ng mga mithiin.

8
Nalalaman

Basahin ang mga pangungusap at isulat ang Tama o Mali


sa iyong sagutang papel
1. Makikita ang pangunahing ideya sa unahan, gitna, o
huling bahagi sa teksto.
2. Maiuugnay ang sariling karanasan kung nauunawaan
ang tekstong napakinggan o nabasa.
3. Hindi nakatutulong ang pangunahing ideya sa pag-
unawa sa napakinggan o nabasang teksto.
4. Ang kaalaman o karanasan ay hindi mahalaga sa
pagtukoy ng pangunahing ideya sa teksto.
5. Ang teksto ay may ipinahayag na ideya

Suriin

Alam mo ba na ang pagtutulungan ay nakapagbibigay


ng ginhawa sa ating buhay o kahit anumang gawain
araw-araw?
Ngayon ay babasahin natin ang tula na may pamagat
na “Magtulungan Tayo”. Sa pagbasa ng tula o kahit
anumang teksto, kailangan nating maintindihan ang
bawat detalye upang madali nating makuha kung
anuman ang ideya na nais iparating sa tekstong binasa.

9
Magtulungan Tayo

Tayo nang maglinis ng ating bakuran


Dapat alagaan, mahalin ang kalusugan
Hirap at sakit ating maiiwasan
Kung tayo ay laging nagtutulungan

Kaya nga kumilos bata man matanda


Huwag hintayin, sakit ay mapala
Laging isaisip, maglinis sa tuwina
Pagtutulungan ang susi para guminhawa.

Sagutin natin ang mga tanong tungkol sa tula.


1. Kanino ipinatutungkol ang tula?
2. Bakit kailangang maglinis ng paligid?
3. Ano ang pangunahing ideya ng tula?
4. Saang bahagi ng tula makikita ang pangunahing
ideya?

10
Tandaan Natin
Ang teksto ay may ipinahahayag na ideya. Ang
pangunahing ideya ay maaaring matagpuan sa
pamagat, unahan, gitna at huling bahagi ng teksto.
Nakatutulong sa pag-unawa ng pinakinggan ang
pag-uugnay ng narinig sa sariling karanasan.

Pahalagahan natin
Ang paglilinis sa sarili at kapaligiran ay tungkulin nating
lahat nang tayo ay makaiwas sa anumang sakit.

Isagawa 1

PANUTO: Basahin at piliin ang pangunahing ideya o


kaisipan ng teksto. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ang COVID ay maiiwasan kung ibayong pag-iingat


ay isasaalang-alang. Laging magsuot ng mask sa
pampublikong lugar. Maghugas lagi ng kamay.
Maging malinis sa tuwina.
A. Mag-ingat at maglinis ng katawan upang
maiwasan ang COVID19.
B. Maghugas ng kamay.
C. Magsuot ng mask.

11
2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung
saan-saan. Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo
o bumabahing nang hindi makahawa ng iba.
Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
A. Mga dapat gawin kapag inuubo at sinisipon.
B. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
C. Takpan ang bibig kong umuubo.

3. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay


sapagkat maraming bitamina ang nakukuha sa mga
ito. Nakatutulong din ang mga ito upang
mapanatiling malusog ang katawan.
A. Ang mga prutas at gulay ay may maraming
bitamina.
B. Kumain ng prutas at gulay upang maging
malusog.
C. Piliin ang kakainin ng gulay at prutas

4. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa araw-


araw. Nakatutulong ito para sa mabilis na pagtunaw
ng ating kinain. Nasosolusyunan nito ang pagtigas ng
dumi sa loob ng katawan.
A. Bilang ng iinuming tubig araw-araw.
B. Kabutihang dulot ng sapat na pag-inom ng tubig.
C. Solusyon sa pagtigas ng dumi ang pag-inom ng
tubig.

12
5. Iwasang kumain ng junk foods at pag-inom ng mga
nakalatang inumin. May mga kemikal ito na hindi
mabuti sa katawan.
A. Ang junk food at nakalatang inumin ay
nakabubuti sa katawan.
B. May mga kemikal na makukuha sa junk foods.
C. Iwasan ang pagkain ng junk foods at pag-inom
ng mga nakalatang inumin.

Isagawa 2

PANUTO: Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong


ukol dito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel

Magkaisa
Tayo na, COVID-19 ating pigsain
Sapagkat ang nagkakasakit ay dumadami pa rin
Kalusugan natin ating pahalagahan
Sarili’t bansa ating tulungan.

Bata man o matanda tayo ay kumilos na


Sitwasyon ng bansa huwag ng palalain pa
Laging sundin paalala ng gobyerno
Nang matapos na at maging malaya na tayo.

13
Sagutin:
1.Kanino ipinatutungkol ang tula?
___________________________________________________
2. Anong sakit ang tinutukoy sa tula?
___________________________________________________
3. Ano ang pangunahing ideya ng tula?
___________________________________________________

4. Saang bahagi ng tula makikita ang pangunahing


ideya?
___________________________________________________
5. Bakit kailangang pahalagahan ang ating
kalusugan?
__________________________________________________

6. Batay sa iyong karanasan at kaalaman, ano ang


maaring gawin upang mapanatili ang
magandang kalusugan at hindi mahawaan ng
sakit na COVID-19?
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

14
Isagawa 3

PANUTO: Isulat ang (/) sa kahon kung tama at mahalaga


ang iyong karanasan sa bawat pahayag at ekis (x)
naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel
1. Nagtatapon ako ng basura sa tamang tapunan.

2. Iniuuwi ko ang aking basura.

3. Hindi ako tumutulong sa anumang proyektong


pangkalinisan sa aming barangay.

4. Inihihiwalay ko ang mga nabubulok sa di-nabubulok


na basura.

5. Tinatakpan ko ang basurahan upang hindi


mangamoy at maiwasan ang pagkalat ng
mikrobyo.

15
Isaisip

PANUTO: Basahin ang kuwento. Sagutin ang sumusunod


na mga tanong.
Kumilos at Magkaisa

Maraming patapong bagay sa ating paligid tulad ng


mga basyo ng bote at plastic na nakatambak sa mga
basurahan at looban ng
ilang kabahayan. Ang mga
lumang diyaryo at mga punit
na mga damit ay nagkalat
din kung minsan. Para sa iba
ang mga ito ay basura
lamang. Patapon, at wala
ng silbi kaya naman ang
ating kapaligiran ay punong-
puno ng mga kalat. Pinamumugaran tuloy ito ng mga
daga at insekto.
Pinagmumulan din ang mga ito ng pagbabara ng mga
kanal na naging sanhi ng pagbaha at nakakasama rin ito
sa ating kalusugan. Nagiging sanhi ito ng pagdumi at
pagbaho ng hanging ating nalalanghap.
Huwag na nating hintayin ang salot na idudulot ng mga
basura. Panahon na para tayo ay kumilos at magkaisa.

16
Gawain A-Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat
ito sa iyong sagutang papel.
1. Anu-anong mga patapong bagay ang makikita sa
ating paligid ayon sa kwento?
A. basyo at plastic
B. papel at dahon
C. patay na mga hayop

2. Bakit ito hinahayaan ng mga tao?


A. dahil hindi nila ito nakikita
B. dahil basura lang ito at wala nang silbi
C. dahil hindi ito pagmumulan ng pinsala

3. Ano ang mangyayari kung maraming basura sa


ating paligid?
A. Maraming mapagkukunan ng kabuhayan.
B. Mababara ang mga kanal at madali ang
pagbaha.
C. Mapapanatili ang kalinisan sa paligid.

4. Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?


A. Maraming patapong bagay sa ating paligid.
B. Ang basura ay pinamumugaran ng mga daga at
insekto.
C. Ang basura ang sanhi at pinagmulan ng mga
pagbara at pagbaha.

17
5. Paano makatutulong ang isang batang tulad mo sa
paglilinis ng ating paligid?
A. Ikalat ang mga basyo ng mga inumin at pakete
ng mga pagkain sa daan.
B. Huwag nang bumili ng pagkain upang walang
basura.
C. Pulutin ang mga nakikitang basura sa paligid at
ilagay sa basurahan.

Gawain B-Panuto: Batay sa iyong karanasan, alin sa mga


larawan ang dapat gawin upang mapanatili ang
kalinisan at kaayusan ng kapaligiran? Iguhit ang
masayang mukha kung ito ay nakakatulong at
malungkot na mukha kung hindi. Gawin ito sa iyong
sagutang papel

1. 2. 3.

4. 5. 6.

18
19
Isaisip
A.
1. a
Isagawa 3
2. b
Sagot)
3. b
1. /
4. c
2. /
5. c 3. X
4. /
5. /
B.
Isagawa
Nalalaman
1. Tayong lahat Isagawa 1
2. COVID-19 1. T
3. Pigsain ang Covid19 1. A 2. T
4. Nasa unahan 2. A 3. M
5. Para hindi madaling 3. A 4. M
madapuan ng sakit 4. B 5. T
6. -Kumain ng masustansyang 5. C
pagkain
6.
` -Hugasan lagi ang
Kamay
-magsuot ng mask
-manatili sa bahay
Susi sa Pagwawasto
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng
Pag-unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na


sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong
portfolio ay koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar.
Binibigyang diin nito ang iyong kakayahang makita at
mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa natamo mong
kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

LEBEL
Krayterya Baguhan Natuto Mahusay Napakahusay Iskor
(1-3) (4-6) (7-8) (9-10)
1. Pagtakda ng Nagtatakda ng Positibo at Nagtatakda Nagtatakda ng
Layunin mga layunin na makatotohana na mga malinaw na layunin
hindi n ang mga layuning at abot ng
____
(Lingguhang makatotohana layunin pangkalahata makakaya sa
mula sa
gawain) n para sa n at proseso na paghubog ng
10
kakayahan o positibo at kakayahan.
antas ng pag- makatotohana
unlad n
2. Subukan ang Nagpapakita Nagpapakita Nagpapakita Nagpapakita ng
pagsuri sa sarili ng kaunting ng sapat na ng mahusay napakahusay na
katibayan ng ebidensiya ng na katibayan pagmumuni-muni
____
pag munimuni pag mumuni- ng at pagtatasa sa
mula sa
at pagtatasa sa muni at pagmumuni- sarili ng may
10
sarili. pagtatasa sa muni at dokumentasyon.
sarili. pagtatasa sa
sarili.
3. Ang Nagpapakita Nagpapakita Mahusay ang Nagbibigay ng
mapanuring ng kaunting ng sapat na pagganap o napakahusay na
ako paglago at ebidensiya ng pangkalahata katibayan sap ag ____
nakamit paglago at ng ganap o mula sa
pagkamit pagpapabuti pangkalahatang 10
sa nakamit pagpapabuti sa
nakamit.
4. Ang aking
pinakamahusa
y na pagsubok
5. Ang aking Hindi sapat ang Nagpapakita Nagpapakita Nagpapakita ng
malikhaing pagsusuri sa ng kaunting ng mahusay buo at sapat na ____
koneksyon mga aralin. ebidensiya na ebidensya. ebidensiya at mula sa
napakasusay na 10
pagsusuri sa mga

20
aralin.
[1-2] [3] [4] [5]
Pangkalahatang Hindi maayos Mahusay ang Naisumiti ang Inilahad ang
pagtatanghal ang portfolio pag-ayos ng portfolio na masusing, malinaw
portfolio at ang maayos at at kompletong mga ____
mga item nito. mahusay ang item at ang mula sa
pagkasunodsu portfolio ay malinis 5
nod ng mga at matikas.
item nito.
Bilis ng Pagsumite Huli ang Huli ang Huli ang Naipasa sa tamang
____
pagsumite (5-6 pagsumite (3-4 pagsumite (1-2 oras at araw ang
mula sa
na araw)ang na araw)ang ang araw)ang portfolio.
5
Lumipas . lumipas . lumipas .

_______
PANGKALAHATANG (Pinaka
ISKOR mataas
na iskor:
50)

Sanggunian

Ang Bagong Batang Pinoy.Filipino 2 Kagamitan ng Mag-aaral,pp.


2-7

21
For inquiries or feedback, please write or call:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Carrascal

Address: Baybay, Carrascal, Surigao del Sur

Contact Number: 09098224633


Email Address: ramonito.cortes@deped.gov.ph

22

You might also like