You are on page 1of 27

8

Filipino
Unang Kwarter – Panlimang Linggo
Epiko- Bidasari
Filipino – Grade 8
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Unang Linggo: Epiko Bidasari
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Mequen L. Alburo


Illustrator: Rollie R. Cervantes
Layout Artist: Renelo E. Osico Jr.
Language Editor: Joyce L. Anahao
Content Evaluator: Ikki Vaughn M. Rupa
Layout Evaluator: Femabel B. Patis
Management Team: PSDS/DIC
ULDARICO B. LUAREZ

1
Rationale

Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop


na tugon ng Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa
paghahatid ng mga pampagkatutong pangangailangan ng mga
mag-aaral na kahanay sa pagsusumikap ng mga nakatataas na
tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit nitong lesson exemplar ay
may kaaya-ayang format para sa guro at mag-aaral na pinaigsi
bilang bagong pamamaraan sa gitna ng pangkalusugang krisis
dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay sasamahan ng
portfolio na tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay


nagbibigay diin sa pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita
ito ng kaniyang pag-unlad, kakayahang mapagnilayan ang
sariling gawa, at kakayahang makabuo ng mga mithiin para sa
hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino-Grade 8
Quarter 1 Exemplar para sa araling Epiko- Bidasari.
Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at
sinuri ng mga edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division
upang tulungan ang mga mag-aaral na makamit ang mga
inaasahang layunin na nakaangkla sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) na itinakda ng Kagawaran habang patuloy
na nilulutas ang mga suliranin sa pag-aaral na dulot ng
pandemikong COVID-19.

Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang


mga mag-aaral sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at
hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa sariling
bilis at oras. Dagdag pa rito, layunin din nitong matulungan ang
mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang pang-21 siglong

2
kakayahan habang isinasaalang-alang ang kanilang
pangangailangan at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-


aaral kung paano gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo
ring subaybayan ang kanilang pag-unlad habang hinahayaan
silang pangasiwaan ang sariling pagkatuto sa pamamagitan ng
pagtatasa ng portfolio.

Para sa Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino-Grade 8-Quarter 1 Exemplar
para sa araling Epiko- Bidasari
Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng
nakatutuwa at makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung
saan ikaw ay ginagabayan at hinahayaang tapusin ang mga
gawain nang naaayon sa iyong sariling bilis at oras. Bilang
aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga nilalaman nitong
pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o
nasa paaralan. Upang tulungan kang maisagawa ito, ang
exemplar na ito ay may Lingguhang Pagtatasa ng Portfolio.
Ibibigay ng iyong guro ang template nito upang mabigyan ka ng
pagkakataong makagawa ng portfolio ayon sa iyong malikhaing
pamamaraan.

Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang


icon:

Alamin Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung


anong kompetensi ang inaasahan mong
matutuhan sa exemplar na ito at ang
mga layuning dapat mong matamo.

3
Nalalaman Nakapaloob sa bahaging ito ang isang
gawain na susubok sa iyong kaalaman
sa araling iyong tatahakin.

Suriin Ang seksyong ito ay magbibigay ng


maikling diskusyon sa aralin.
Tutulungan ka nitong matuklasan at
lubos na maunawaan ang mga bagong
konsepto at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga
gawain na tutulong sa iyo upang
mailipat ang iyong bagong kaalaman at
Isagawa
(1,2 & 3) kasanayan tungo sa panibagong
sitwasyon o hamon ng buhay.
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang
Isaisip
iyong antas ng kasanayan sa pagkamit
ng mga pampagkatutong layunin.
Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat
Susi sa
ng gawaing nakapaloob sa exemplar na
Pagwawasto
ito.

Pagtatakda ng Dito ay mayroong instruksyon tungkol


Mithiin sa sa pagtatala ng iyong positibo at
Portfolio makatotohanang mithiin bago
ipagtuloy ang paggamit ng exemplar.

Pagsagawa ng Mayroon itong mga instruksyon


Portfolio – tungkol sa pagsasagawa ng mga bahagi
Pahiwatig ng ng portfolio. Mayroon din itong rubric
Pag-unlad! na gagabay sa iyo kung paano tatayain
ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang


konsepto o impormasyon na
ginamit sa paglikha ng exemplar
na ito.

4
Mga mahahalagang paalala sa paggamit ng exemplar na ito:

1.Gamitin ang exemplar nang may pag-iingat. Huwag lalagyan


ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
exemplar. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
gawain at pagsasanay.
2.Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay. 5
3.Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
Alamin
Sa exemplar na ito, mauunawaan mo ang isa sa mga halimbawa
ng Epiko at kung ano ang ibig sabihin ng epiko. Saklaw nito ang mga
gawaing magpapaunlad sa iyong kaalaman ukol sa epiko at sa akdang
nakasaad. Ang mga gawain ay inayos upang iyong masundan ang wastong
pagkakasunod-sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency:


Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng
napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at
mauri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari (F8PN-Ig-h-22)

Sub-Competency
Nauuri ang sanhi at bunga ng mga pagyayari sa epiko.

Layunin
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
exemplar na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: nakauunawa sa mahalagang pangyayari at


mensahe ng binasang akda;
: nakatutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari sa nilalaman ng epiko

B. Kasanayan: nakasusulat ng pangungusap gamit ang mga


hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa
halimbawang epiko.

C. Pandamdamin: nakabibigay halaga at hangarin sa mga


panitikan na umusbong sa panahon ng katutubo.

Tagal: Isang (1) araw

6
Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng


iyong guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang
pagtatakda ng mithiin. Gawing patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip
ng mga positibo at makatotohanang mithiin na maari mong makamit sa
exemplar na ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano. Tandaan: Huwag
ipagpatuloy ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa naisagawa
ang pagtatakda ng mga mithiin.

Nalalaman
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Bilugan
lamang ang titik na wastong sagot.

1. Ang epiko ay galling sa salitang Greyego na “epos” na ang ibig sabihin


ay ______?
a. Sawikain o awit c. Salawikain o awit
b. Bugtong o awit d. Kasabihan o awit

2. Ano ang sinaunang anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng


kabayanihan ng mag taong may taglay o naiibang lakas o
kapangyarihan noong sinaunang panahon.
a. Alamat c. Epiko
b. Maikling kwento d. Nobela

3. Ang akdang Bidasari ay halimbawa ng ____________.


a. Alamat c. Epiko
b. Maikling d. Nobela

4. Isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko sa panitikang


Filipino.
a. Bidasari c. Darangan
b. Hudhud at Alim d. Prinsipe Batugan

7
5. Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang umusbong at
lumaganap sa panahon ng katutubo?
a. Basahin at isantabi ang mga nalalaman sa binasang akda.
b. Huwag ng pagtutuunan pa ng pansin ang mga panitikang ito
sapagkat ito ay lumang-luma na at napag-iwanan nan g panahon.
c. Ipauubaya na lamang sa mga mananaliksik ang pag-aaral dahil
sila ang mas lalong makikinabang nito.
d. Pag-aralan ang mga ito na mapalawak ang kaalaman nang sa
gayon ang mga natutunan ay gagamitin bilang gabay sa pang-
araw-araw na pamumuhay.

6. Alin sa mga sumusunod na mga pangungusap ang hindi kakikitaan


ng sanhi at bunga?
a. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa
Bangka sa ilog.
b. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si
Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.
c. Nang Makita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas
dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha.
d. Natatakot si Lila Sari na umibig pa sa ibang babae ang sultan kaya
lagi niyang tinatanong ang sultan kung mahal na mahal siya nito.

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?


a. bunga nito c. ngunit
b. dulot ng d. tuloy

8. Ito ang tawag sa resulta o epekto ng isang pangyayari.


a. Bunga c. Layunin
b. Dahilan d. Sanhi

9. Ano ang tawag sa dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari.
a. Bunga c. Layunin
b. Dahilan d. Sanhi

10. Ano ang nais ipahiwatig sa akdang Bidasari?


a. Hindi lahat ng nakikita sa paligid ay totoo.
b. Hindi sapat ang ganda ng mukha, mas mahalaga ang ugali ng
isang tao.
c. Importante ang katayuan ng isang tao.
d. a at b

8
Gawain 2
Panuto: Itala ang iba’t-ibang pananaw tungkol sa kabayanihan.
Gawin ito sa pamamagitan ng word association.

Kabayanihan

9
Suriin

Ang pilipinas ay mayaman na sa iba’t ibang uri ng panitikan


bago pa man dumating ang mga mananakop sa bansa na tinatawag na
Panitikan sa panahon ng mga Katutubo. Patunay nito ang mga panitikang
pasalin-salin sa bibig ng bawat henerasyon na hanggang sa kasalukuyan ay
tinatangkilik pa rin ng mga Pilipino. Isa sa mga uri ng panitikan na
lumaganap sa ating bansa, ang Epiko.

Epiko
Ang epiko ay mula sa salitang Griyego na “epos” na
nangangahulugang salawikain o awit. Sa madaling salita, ang epiko ay
isang mahabang salaysay n may anyong patula na maaring awitin o lagyan
ng himig. Karaniwang paksa nito ay mula sa salindilang kaugalian,
paniniwal o pamahiin na ukol sa mgaS pangyayaring di-kapani-paniwala,
may kababaglaghan, katapangan, kabayanihan at pakikihamok ng ma
tauhan.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga epiko sa pilipinas:

 Kumintang (Epiko ng Tagalog)


 Ibalon (Bikol)
 Maragtas, Haraya, Lagda (Panay)
 Hinilawod (Negros)
 Labaw Donggon (Iloilo)
 Darangan (Epiko ng mga Muslim)
-isa sa pinakamatandang epiko at pinakamahabang epiko sa
panitikang Filipino
 Hudhud at Alim (Epiko ng mga Ifugao)
 Biag ni Lam-ang (Epiko ng Iloko)
 Bantugan (Epiko ng Mindanao)
 Tuwaang (Epiko ng Mindanao)
 Parag Sabil (Sulu- Epiko ng Mindanao)
 Agyu (Tribong Iliano- Epiko ng Mindanao)
 Dagoy (Tribong Tagbanua- Epiko ng Palawan)
 Sudsud ( Tribong Tagbanua- Epiko ng Palawan)

Ang mga epiko ay nagsisilbing daan upang maunawaan at maisalin sa


susunod na salinlahi ang sinaunang kaugalian at karunungang pantribo ng
iba’t ibang antas o kalagayan ng lipunan noon.

10
Basahin at unawain ang halimbawa ng epiko ng Mindanao.

BIDASARI

(Ang epikong Bidasari ng


Kamindanawan ay nababatay sa
isang romansang Malay.  Ayon sa
kanilang paniniwala, upang
tumagal ang buhay ng tao, ito'y
pinaalagaan at iniingatan ng isang
isda, hayop, halaman o ng
punongkahoy.)

Ang kaharian ng
Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon.  Ang ibong ito
ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao.  Ang
ibong ito ay ang ibong garuda.  Kapag dumarating na ang garuda,
mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga yungib.
Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao.
Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo
ang sultan at sultana ng Kembayat.  Ang sultana ng Kembayat ay
nagdadalantao noon.  Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na
babae sa may tabi ng ilog.  Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan
niya ang sanggol sa bangka sa ilog. May nakapulot naman ng sanggol.
Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian.
Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol.  Itinuring niya
itong anak.  Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari.  Habang lumalaki
si Bidasari ay lalo pang gumaganda.  Maligaya si Bidasari sa piling ng
kanyang nakikilalang magulang.

Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang


taon pa lamang kasal kay Lila Sari.  Mapanibughuin si Lila Sari.
Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan.  Kaya lagi
niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin
naman ng sultan ng : mahal na mahal ka sa akin.  Hindi pa rin
nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan.  Kaniyang itinanong na
minsan sa sultan:  Hindi mo kaya ako malimutan kung
may makita kang higit na maganda kaysa akin?  Ang naging
tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang
pinakamaganda sa lahat.  Nag-alala ang sultana na baka
may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan.  Kaya't
karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na
saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na
maganda sa sultana.

11
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na
maganda kaysa kay Lila Sari.
Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay
gagawing dama ng sultana.  Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim
na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan.
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya,
sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama.
Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik
sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay.  Pumayag
si Lila Sari.  Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si
Bidasari.
Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at
ibinabalik sa tubig kung gabi.  Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw
at muling nabubuhay sa gabi.  Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang
patayin si Bidasari.  Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa
gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.
Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat.  Nakita
niya ang isang magandang palasyo.  Ito'y nakapinid.  Pinilit niyang
buksan ang pinto.  Pinasok niya ang mga silid.  Nakita niya ang isang
napakagandang babae na natutulog.  Ito ay si Bidasari.  Hindi niya
magising si Bidasari.  Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si
Bidasari.  Bumalik ang sultan kinabukasan.  Naghintay siya hanggang
gabi.  Kinagabihan nabuhay si Bidasari.  Nakausap siya
ni Sultan Mongindra.
Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari.  Galit na galit
ang sultan.  Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang
pinakasalan si Bidasari.  Si Bidasari na ang naging reyna.
Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang
ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat.
Nagkaroon pa sila ng isang supling.  Ito'y si Sinapati.  Nang pumunta sa
Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati,
anak ng sultan at sultana ng Kembayat.
Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari.  Kinaibigan nito si
Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-
kamukha ni Sinapati.  Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung
wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila.  Pinasama ng ama si
Sinapati sa Indrapura.  Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay
kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-
magkamukha.
Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si
Bidasari.  Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang
pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.

12
Isagawa 1 – A

Panuto: Sagutan ang mga sumusod na tanong.

1. Bakit nabulabog ang kaharian ng Kembayat? Ano-ano ang ibinunga


nito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Sino ang nakakuha ng sanggol? Ilarawan kung paano itinuring si
Bidasari.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Makatuwiran bang umiiral ang inggit kay Lira Sari para sa dalagang
si Bidasari?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Sa iyong palagay, ano ang magiging kahihinatnan ng mga taong


katulad ni Lila Sari na nawalan ng tiwala sa sarili dahil sa inggit niya
kay Bidasari?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Sultan Mongindra, ano ang iyong
gagawin kung natuklasan mo ang ginawa ng iyong asawa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6. Ano-anong kultura ng mga Pilipino ang masasalamin sa epikong


Bidasari?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________

7. Matapos mabasa ang epiko, naging maayos ba para sa iyo ang


pagkabuo ng banghay o pangyayari? Ipaliwanag
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
8. Magbigay ng mga patunay kung bakit napabilang sa epiko ang
akdang Bidasari.

13
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

9. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Bidasari, ano ang iyong


mararamdam na iba ang iyong tunay na ina? Ipaliwanag
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

10. Magbigay ng sitwasyon sa epiko kung saan makikita ang sanhi


at bunga ng pangyayari.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Isagawa 1 – B

Panuto: Basahin at unawain ang bahagi ng epiko na “Bidasari”.


Pagkatapos ay tukuyin ang mga pangyayari na napabilang sa sanhi at
bunga.

Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon


pa lamang kasal kay Lila Sari.  Mapanibughuin si Lila Sari.  Natatakot
siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan.  Kaya lagi niyang itinatanong
sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin
naman ng sultan ng : mahal na mahal ka sa akin.  Hindi pa rin
nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan.  Kaniyang itinanong na
minsan sa sultan:  Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang
higit na maganda kaysa akin?  Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit
na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.  Nag-
alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito
ay makita ng sultan.  Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat
niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may
babaeng higit na maganda sa sultana.
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na
maganda kaysa kay Lila Sari.
Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay
gagawing dama ng sultana.  Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na
ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan.
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya,

14
sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama.
Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa
tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay.  Pumayag
si Lila Sari.  Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.
Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at
ibinabalik sa tubig kung gabi.  Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw
at muling nabubuhay sa gabi.  Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang
patayin si Bidasari.  Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa
gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Mga Pangyayari na
hudyat ng sanhi at Sanhi o Dahilan Bunga o Resulta
bunga

Isagawa 2

15
Panuto: Sumulat ng sariling talata tungkol sa larawang nasa Ibaba.
Gamitin ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.

https://www.google.com/search?
q=bayanihan+to+heal+as+one&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUK
Ewj6pZe_hO_qAhWREqYKHbqdA-
cQ_AUoAnoECBoQBA&biw=1370&bih=598#imgrc=RmsK5TUPeXYB9M&i

Pamantayan:

Kaangkupan ng paksa - -20


Organisasyon ng mga ideya - -15
Wastong gamit ng mga Hudyat ng Sanhi at Bunga - -15

Kabuuan - -50

Isagawa 3

16
Panuto: Suriin ang larawan na nasa ibaba na nagpapakita ng kaugalian,
tradisyon at kultura ng ating mga katutubong mindanawon. Pagkatapos ay
sagutin ang mga sumusunod na tanong.

https://
www.google.com/
search?
q=tradisyon+ng+mga
+mindanao&tbm=isc
h&ved=2ahUKEwiJ39
-6g-
_qAhUDfpQKHRc5De
wQ2-
cCegQIABAA&oq=trad
isyon+ng+mga+minda
nao&gs_lcp=CgNpbW
cQAzIGCAAQCBAeOg
IIADoFCAAQsQM6CA
gAELEDEIMBOgQIAB
BDOgYIABAFEB46BA
gAEBhQ5KACWK3dA
2Dw3wNoB3AAeAOA
Aa4BiAHtI5IBBTExLj
MxmAEAoAEBqgELZ
3dzLXdpei1pbWewAQ
DAAQE&sclient=img
&ei=cJ4fX4nnHYP80
QSX8rTgDg&bih=598
&biw=1370#imgrc=lgj
AyITttm5lQM&imgdii
1. Ano ang masasabi mo sa kulturang ipinapakita sa larawan?
=3H3U9M1IkHBUsM
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________________________

2. Ano sa tingin mo ang kaantasan ng kanilang pamumuhay?


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________________________

17
3. Masasabi mo ba na ang mga taong nasa larawan ay
kontento sa kanilang pamumuhay? Ipaliwang
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________________________

4. Kung ikaw ang nasa ganong sitwasyon, masasabi mo bang


sapat na ang kanilang pamumuhay? Ipaliwanag
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_____________________________

5. Sa iyong palagay, masasabi mo bang hindi nabago ang


kultura natin ngayon at kultura natin noon? Ipaliwanag
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________________________

Isaisip

18
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong pagkatapos bilogan
lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Ang Akdang Bidasari ay isang halimbawa ng ___________


a. Almat c. Epiko
b. Maikling Kwento d. Nobela

2. Ano ang tawag saa panitikan na nagsasalaysay tungkol sa


pakikipagsapalaran, katapangan at kabayanihan ng mga taong may
taglay o naiibang lakas o kapangyarihan noong sinaunang panahon.
a. Almat c. Epiko
b. Maikling Kwento d. Nobela

3. Isa ito sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko sa panitikang


Filipino.
a. Bidasari c. Ibalon
b. Darangan d. Maragtas

4. Ang epiko ay galling sa salitang Greyego na “epos” na ang ibig sabihin


ay ______?
c. Sawikain o awit c. Salawikain o awit
d. Bugtong o awit d. Kasabihan o awit

5. Alin sa mga sumusunod na mga pangungusap ang hindi kakikitaan


ng sanhi at bunga?
a. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol
sa Bangka sa ilog.
b. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang
si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.
c. Nang Makita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas
dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha.
d. Natatakot si Lila Sari na umibig pa sa ibang babae ang sultan
kaya lagi niyang tinatanong ang sultan kung mahal na mahal
siya nito.

6. Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang umusbong at


lumaganap sa panahon ng katutubo?
a. Basahin at isantabi ang mga nalalaman sa binasang akda.

19
b. Huwag ng pagtutuunan pa ng pansin ang mga panitikang ito
sapagkat ito ay lumang-luma na at napag-iwanan nan g
panahon.
c. Ipauubaya na lamang sa mga mananaliksik ang pag-aaral dahil
sila ang mas lalong makikinabang nito.
d. Pag-aralan ang mga ito na mapalawak ang kaalaman nang sa
gayon ang mga natutunan ay gagamitin bilang gabay sa pang-
araw-araw na pamumuhay.

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?


c. bunga nito c. ngunit
d. dulot ng d. tuloy

8. Ito ang tawag sa resulta o epekto ng isang pangyayari.


c. Bunga c. Layunin
d. Dahilan d. Sanhi

9. Ano ang tawag sa dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari.
c. Bunga c. Layunin
d. Dahilan d. Sanhi

10. Ano ang nais ipahiwatig sa akdang Bidasari?


a. Hindi lahat ng nakikita sa paligid ay totoo.
b. Hindi sapat ang ganda ng mukha, mas mahalaga ang ugali ng
isang tao.
c. Importante ang katayuan ng isang tao.
d. a at b

Gawain 2

20
Panuto: Gamit ang Ven Diagram. Ibigay ang mga Sanhi at bunga sa
Akdang “Bidasari”.

Sanhi Bunga

Bidasari

Susi sa Pagwawasto

21
Nalalaman
Isagawa 1 - A Isagawa 1 - B
1. c
2. c 1.Nang dahil sa
Hanay A Hanay B Hanay C
dambuhalang ibon na
3. c nagngangalang Garuda. Ang Mapanibug Natatakot Nakita si
4. c ibong ito ay namiminsala ng huin si Lila siyang Bidasari ng mga
mga panannim. Sari umibig pa tauhan ni Lila
5. d 2. Si Diyuhara at sa ibang Sari at itoy
6. b itinuturing niya itong babae ang kanyang
parang kanyang tunay na sultan pinahirapan at
7. c anak.
pinarusahan
8. a 3.Oo, dahil mas maganda si
Bidasari sa kanya.
9. d 4. Walang patutunguhan sa
10. d sarili
5. Magagalit din dahil hindi
makatarungan ang kanyang
ginawa.
6.Ang mapagkumbabang
ugali ni Bidasari
7.Oo, dahil madaling
maiintidihan ng mga
mambabasa.

Isagawa 3 Isaisip
(Hulwarang Sagot)
1. c
2. c
1. Ang kultura nila ay nagpapakita
ng kasaganahan sa kanilang
3. b
pamumuhay. 4. c
2. Ang kaantasan ng kanilang 5. b
pamumuhay ang simple lamang.
Wala silang mataas na ambisyon
6. d
at makikita mo sa kanila na sila 7. c
ay kuntinto sa kanilang
pamumuhay. 8. a
3. Ou, dahil makikita mo sa
kanilang larawan o mukha na
9. d
sila ay masaya. 10. d
4. Ou, dahil mas gusto ko ang
simpleng pamumuhay gaya ng sa
kanila.
5. May pagbabago naman ang
kultira ngayon pero nasusunod
pa rin ang kaugalian ng dating
kultura.

Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng


Pag-unlad!
22
Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na
sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay
koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang
iyong kakayahang makita at mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa
natamo mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

ANTAS
Krayterya Baguhan Nagsasanay Mahusay Napakahusay Iskor
(1-3) (4-6) (7-8) (9-10)
1. Pagtatakda ng Di maka-totohanan Positibo at Ang pangkalahatang Maliwanag ang
Hangarin ang mga hangarin makatotohanan proseso at hangaing paglalarawan ng mga
(Lingguhang Talaan para sa pag-unlad ang mga hangaring itinakda ay positibo itinakdang hangarin
____ sa 10
ng Hangarin) ng kakayahan. itinakda. at makatotohanan. na kayang abutin at
angkop sa pag-unlad
ng kakayahan
2. Ang Aking Nagpapakita ng Nagpapakita ng Nagpapakita ng Nagpapakita ng
Sariling Pagsusuri sa munting ebidensya sapat na ebidensya mainam na napakainam na
Pagsusulit ng repleksiyon at ng repleksiyon at ebidensya ng ebidensya ng
____ sa 10
sariling pagtatasa sariling pagtatasa repleksiyon at repleksiyon at sariling
sariling pagtatasa pagtatasa at mayroong
dokumentasyon
3. Ang Mapanuring Maliit lamang ang Sapat ang Mainam ang Napakainam at
Ako ebidensya ng pag- ebidensya ng pag- pagsagawa at napakalinaw ang
unlad at pagkatuto unlad at pagkatuto kakikitaan ng pagsagawa at ____ sa 10
pangkalahatang pag- pangkalahatang pag-
unlad unlad
4. Ang Aking
Pinakamahusay na
Sinagutang
Pagsusulit
5. Ang Aking Maliit lamang ang Sapat lamang ang Malinaw ang Napakalinaw at
Malikhaing ebidensya ng ebidensya ng ebidensya ng natatangi ang
Koneksiyon malikhain at malikhain at malikhain at ebidensya ng ____ sa 10
mapanuring gawa mapanuring gawa mapanuring gawa malikhain at
mapanuring gawa
[1-2] [3] [4] [5]
Pangkabuuang Di maayos na Naipakita ang Nailahad ang lahat Nailahad nang
Presentasyon nailahad ang mga halos lahat ng ng aytem na may malinaw, maayos at
aytem; at tila aytem; at ang pagkasunod-sunod; kumpleto ang mga
____ sa 5
magulo ang portfolio ay at ang portfolio ay ayte; at ang portfolio
kinalabasan ng maayos na maayos na ay malinis at elegante.
portfolio. nailahad. naisagawa.
Bilis ng Pagpasa Naipasa nang huli Naipasa nang huli Naipasa nang huli sa Naipasa sa tamang
____ sa 5
sa oras (5-6 araw). sa oras (3-4 araw). oras (1-2 araw). oras

_______
Kabuuan (Pinakamata
as na
puntos: 50)

23
Sanggunian

Aklat
Jimenez, Encarnation M., et al, Filipino I. 2011. United
Eferza Academic Publications, Co. Bagong Pook, Lipa City,
Batangas 4217. Pp 206-210

Website
24
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-
epics-mga-epiko-bidasari-epikong-mindanao_606.html/
page/0/1

https://www.google.com/search?
q=tradisyon+ng+mga+mindanao&tbm=isch&ved=2ahUKEwiJ
39-6g-_qAhUDfpQKHRc5DewQ2-
cCegQIABAA&oq=tradisyon+ng+mga+mindanao&gs_lcp=CgN
pbWcQAzIGCAAQCBAeOgIIADoFCAAQsQM6CAgAELEDEIM
BOgQIABBDOgYIABAFEB46BAgAEBhQ5KACWK3dA2Dw3w
NoB3AAeAOAAa4BiAHtI5IBBTExLjMxmAEAoAEBqgELZ3dzL
Xdpei1pbWewAQDAAQE&sclient=img&ei=cJ4fX4nnHYP80Q
SX8rTgDg&bih=598&biw=1370#imgrc=lgjAyITttm5lQM&img
dii=3H3U9M1IkHBUsM

https://www.google.com/search?
q=bayanihan+to+heal+as+one&source=lnms&tbm=isch&sa=
X&ved=2ahUKEwj6pZe_hO_qAhWREqYKHbqdA-
cQ_AUoAnoECBoQBA&biw=1370&bih=598#imgrc=RmsK5T
UPeXYB9M&imgdii=LFpuPbCxpldVgM

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Lianga I

Address: Purok -2, Poblacion Lianga, Surigao del Sur

Contact Number: 09383760691

26

You might also like