You are on page 1of 21

10 FILIPINO

Ikalawang Markahan-Modyul 3:
Tula
Karapatang sipi@ 2020 ng Deped Bohol

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o
ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang mga video nang walang nakasulat na
pahintulot ang tagapaglathala at may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-aklat
na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at Inilimbag sa Pilipinas ng Deped Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto


Drive, Cogon District, Tagbilaran City Bohol.

May-akda:
Jasmin M. Lim

Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, Ph.D.
Josephine D. Eronico, Ph,D.
Jocelyn T. Rotersos, R L.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jasmin M. LIm


Tagasuri: Wilfreda O. Flor, Ph.D.
Josephine D. Eronico, Ph,D.
Jocelyn T. Rotersos, R L.

Tagaguhit: Ginalyn O. Quimson


Tagalapat: Marianne C. Avila
Tagapamahala: Bianito D. Dagatan, Ed.D, CESO V
Schools Division Superintendent
Carmela M. Restificar, Ph D.
OIC-CID Chief

Josephine D. Eronico, Ph D.
EPS, LRMDS
Wilfreda O. Flor, Ph D.
EPS Filipino

Inilimbag sa Pilipinas sa Pansangay ng Bohol


Department of Education-Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone No. (038)412-4938 (038) 411-2544 (308) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
Email address:
Deped.bohol@deped.gov.ph
10
FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 3:
Tula
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa araling “Tula”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang
pansarili, pamilya at pamayanang hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa


“Tula”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at
interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng konsepto
ng nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol
ang kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa pagkagising
ng kanilang damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel
ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may ibat-ibang kompetensi para sa ikatlong
linggo ng Ikalawang Markahan. Ito ay ang mga:
 Aralin 1-Unang Araw: Pagsusuri sa elemento ng binasang tula
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nasusuri ang mga elemento ng tula.(F10PB-IIc-d-72)

 Aralin2-Ikalawang Araw:Pagbibigay ng kahulugan sa matatalinghagang


pananalita
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa
tula.(F10PT-IIc-d-70)

 Aralin3-Ikatlong Araw:Pagsulat ng Sariling Tula


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula.(F10WG-IIc-d-
65)

 Aralin4-Ikaapat na Araw: Pagsulat ng Sariling Tula


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay.
(F10PU-IIc-d-72)

Subukin

Panuto:Sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Titik lamang ang isulat.

1. Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay na ipinahahayag sa pananalitang


may angking kariktan at kadakilaan; naglalayong maipahayag ang karanasan,
damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na pagmamahal sa sariling
karanasan
a. Maikling Kuwento b. Nobela c. Sanaysay d.Tula
2. Anong elemento ng tula ang naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng
sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal.
a. . kariktan b. saknong c. simbolismo d. talinghaga
. 3. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?”
a. pag-ibig sa ama/ina c. pag-ibig sa kaibigan
b. pag-ibig sa kapatid d. pag-ibig sa kasintahan/asawa

Iniibig kita ng buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na narating
Ang dulo ng hindi maubod isipin

bahagi ng tulang “Ang Aking Pag-ibig”

4. Alin sa mga salita ang nagpapahayag ng talinghaga?


a. buong taimtim c. lipad ng kaluluwa
b. iniibig kita d. walang kahambing

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

5. Anong uring tayutay ang napapaloob sa binasang saknong?


a. metapora c. pagsasatao
b. pagmamalabis d. pagtutulad

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na


Ngiti luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita

bahagi ng tulang “Ang Aking Pag-ibig”

5. Ano ang ibig sabihin ng mga matalinghagang pananalita na mapapansin sa tula?


a. may hangganan ang pagmamahal
b. nahihirapan dahil sa pag-iibig.
a. nagtataksil sa minamahal
b. may wagas na pag-ibig

6. Tumutukoy sa bilang ng isang taludtod ay tinatawag na ______


a. sukat c. tugma
b. sining o kariktan d. talinghaga

7. Batay sa tula sa itaas, alin sa mga salita ang may tugma?


a. ngiti-malibing c. hininga-ipagtalaga
b. na-aking d. lahat-iibigin
9-10Tukuyin kung anong uri ng tayutay mga sumusunod:

9. “Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga.”


a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d. pagtatao

10 “Tila anghel sa kabaitan ang mga bata.”


a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d. pagtatao
Ikatlong TULA
Linggo
Ang araling ito ay naglalaman ng akdang “Ang Aking Pag-ibig” mula sa Italya na isinalin
sa Filipino ni Alfonso O. Santiago. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa kahalagahan ng
angkop mabisang paggamit ng matatalinghagang pananalita sa pag-unawa mo sa tula
gayundin ang paraan ng paglalarawan nito.

Aalamin natin kung naging mabisa bang paraan ang tula sa paglalarawan ng karanasan
at damdamin ng mga bansang Kanluranin. Gayundin kung paano nakatutulong ang angkop at
mabisang paggamit ng matatalinghagang.

Balikan
Gawain 1.
Panuto: Magbigay ng mga salita o pahayag na may kaugnayan sa salitang nasa bilog.

TULA

Sa pagsagot sa Gawain, kumuha ng isang pirasong papel at isulat ang inyong tamang sagot.
Tuklasin
Basahin ang mga teksto sa loob ng kahon. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Tula – isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay na ipinahahayag sa pananalitang


may angking kariktan at kadakilaan; naglalayong maipahayag ang karanasan, damdamin,
pananaw, kabayanihan at ang maigting na pagmamahal sa sariling karanasan

Mga Elemento ng Tula:


1. Tugma –halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat taludtod ng tula
a. Tugmang Patinig na walang impit- nagtatapos sa patinig na walang glottal na
pasara sa pagbigkas
Hal: _________ dalaga
_________ maligaya
b.Tugmang Patinig na may impit- nagtatapos sa patinig na may glottal sa pasara sa
pagbigkas.
Hal: _________binata
_________balisa
c. Tugmang katinig mahina, nagtatapos sa mga titik na l,n,m,ng,w,y
hal: _____malaman
_____pagmamahal
d. Tugmang katinig malakas, nagtatapos sa mga titik na b,k,d,g,p,r,s,t,
hal: _______ alab
_______palad
2. Sukat –bilang ng mga pantig sa bawat taludtod
hal.Ibig mong mabatid, ibig mong malaman = lalabindalawahing pantig
3. Saknong –pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula
4. Kariktan-Ito ay malinaw at di malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mga
mambabasa.
5. Simbolismo –Naglalahad ng mga bagay,at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga
bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay,pangyayari, tao o hayop na may
kaakibat na natatanging kahulugan.
hal. ilaw --- pag-asa
gabi- kawalan ng pag-asa
ginto-kayamanan
6. Talinghaga –ay tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita, mga salitang malalalim
ang ibig ipakahulugan at ang mga tayutay, pumupukaw sa imahinasyon ng bumabasa
Suriin
Basahin mo…

Tunghayan ang sumusunod na tulang liriko ng tanyag na manunulat na si Elizabeth Barrett


Browning ng Inglatera (hango sa Sonnet 43) at isagawa ang hinihingi ng kasunod na Gawain.

Ang Aking Pag-ibig


( How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning )
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubod-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangalawa ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.
Gawain 2: Pagsusuri sa Tula

Suriin ang tulang“Ang aking Pag-ibig” batay sa taglay nitong elemento.

Saknong Sukat Tugma Kariktan Simbolismo Talinggaha

Unang saknong

Ikalawang saknong

Ikatlong saknong

Ikaapat na saknong

Ikalimang saknong

Ikaanim na saknong

Pagyamanin

Isang katangian ng tula ang paggamit ng matatalinghagang pananalitang hindi


tuwirang ipinahahayag ang literal na kahulugan nito.

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan


Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula. Isulat sa loob ng tsart
ang iyong sagot.

1. Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

2. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita

Ang Aking Pag-ibig

Bilang 1 Bilang 2
Isaisip

Madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag ng patayutay o tayutay.


Ang tayutay ay isang matalinghagang pahayag na nagbibigay ng mabisang kahulugan
upang lalong maging mabisa at makulay ang isang paglalarawan. Itinuturing na palamuti
ng tula dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula
Uri ng Tayutay:
1. Pagtutulad/Simile – paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa
pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian; ginagamitan ng mga
salita’t pariralang panulad tulad ng, parang, kawangis ng, anakai’y, animo, tila, at iba pa
hal. Ang dalagang Filipina parang tala sa umaga (Dalagang Filipina)
2. Pagwawangis/Metapora – naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang
ginagawang paghahambing. Hindi na ginagamitan ng mga salitang panulad.
hal. Ang buhay ay isang munting paraiso lamang.(Batang-bata Ka Pa)
3. Pagmamalabis/Hyperbole – pagpapalabis sa normal na pagpapahayag upang bigyan
ng kaigtingan ang nais ipahayag.
hal. Nagdurugo ang puso ko dahil sa sinabi mo. (Di Ko Kayang Tanggapin)
4. Pagtatao/Personipikasyon – paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga bagay na
walang buhay.
hal. Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa.(Tuwing Umuulan)
5. Pagpapalit-tawag (metonymy) – pangbanggit ng mga salitang panumbas sa isang
pahayag.
Hal.Sa tindi ng kanyang gutom nakain niya ang dalawang plato.
6.Pagpapalit-saklaw (synecdoche) – maaari dito banggitin ang bahagi bilang pagtukoy sa
kabuuan at maaaring isang tao ang kumakatawan sa isang grupo
hal: Maglakad tayo ngayon wala tayong dalang gulong.

Gawain 4.
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang uri ng tayutay na
ginamit.
______1. Ang mga mata niya ay tila mga bituing nagniningning sa tuwa.
______2. Rosa sa kagandahan si Prensesa Sarrah.
______3. Gusto kong hingin ang iyong kamay sa iyong mga magulang.
______4. Saksakan ng gwapo ang binatang nasa aking panaginip.
______5. Ang hangin ay dumadampi sa aking pinsngi.
______6. Ang panulat ay mas makapangyarihan kaysa espada.
______7. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
Isagawa

GAWAIN 5:
Sumulat ng isang tula na may lalabindalawahing pantig sa bawat taludtod na
naglalarawan at pumapaksa sa pag-ibig ( pag-ibig sa Diyos, kapwa, o iba pa). Gumamit ng
matatalinghagang pananalita sa iyong bubuuing tula. Salungguhitan ang mga ito.
Gawing gabay ang mga pamantayan sa ibaba.
Pamantayan Puntos

Nalapatan ng wastong damdamin

Angkop ang lakas at hina ng tinig

Angkop ang kilos at ekspresyon ng mukha sa tula, kumpas ng


kamay, at galaw ng mata
Kawili-wili at nakahihikayat sa manonod

Kabuuang Puntos

1 puntos - sadyang di mahusay 4 puntos - mahusay


2 puntos - di-gaanong mahusay 5 puntos - napakahusay
3 puntos - katamtaman

Tayahin
Panuto:Sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Titik lamang ang isulat.

1. Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay na ipinahahayag sa pananalitang


may angking kariktan at kadakilaan; naglalayong maipahayag ang karanasan,
damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na pagmamahal sa sariling
karanasan
b.Maikling Kuwento b. Nobela c. Sanaysay d.Tula
2. Anong elemento ng tula ang naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng
sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal.
b. . kariktan b. saknong c. simbolismo d. talinghaga
3. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?”
a. pag-ibig sa ama/ina c. pag-ibig sa kaibigan
b. pag-ibig sa kapatid d. pag-ibig sa kasintahan/asawa

Iniibig kita ng buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na narating
Ang dulo ng hindi maubod isipin

bahagi ng tulang “Ang Aking Pag-ibig”


4.Alin sa mga salita ang nagpapahayag ng talinghaga?
a.buong taimtim c. lipad ng kaluluwa
b.iniibig kita d. walang kahambing

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

5. Anong uring tayutay ang napapaloob sa binasang saknong?


c. metapora c. pagsasatao
d. pagmamalabis d. pagtutulad

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na


Ngiti luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita

bahagi ng tulang “Ang Aking Pag-ibig”

6. Ano ang ibig sabihin ng mga matalinghagang pananalita na mapapansin sa tula?


a. may hangganan ang pagmamahal
b. nahihirapan dahil sa pag-iibig.
c. nagtataksil sa minamahal
d. may wagas na pag-ibig

7. Tumutukoy sa bilang ng isang taludtod ay tinatawag na ______


c. sukat c. tugma
b. sining o kariktan d. talinghaga

8. Batay sa saknong ng tula sa itaas, alin sa mga salita ang may tugma?
a. ngiti-malibing c. hininga-ipagtalaga
b. na-aking d. lahat-iibigin
9-10.Tukuyin kung anong uri ng tayutay mga sumusunod:

9. “Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga.”


a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d. pagtatao

10. “Tila anghel sa kabaitan ang mga bata.”


a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d. pagtatao
Karagdagang Gawain
Mula sa nabuong tula na may matatalinghagang salita at mga tayutay, ilahad ang
mensahe o ang ipinapahiwatig ng mga piling pahayag at ibigay ang uri nga tayutay na ginamit.

Saknong Matalinghagang pahayag/Tayutay Pahiwatig Uri ng Tayutay

Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
1. d 6. d
2. c 7. c
3. d 8. c
4. c 9. d
5. d 10. d
GAWAIN 1
Panuto: Magbigay ng mga salita o pahayag na may kaugnayan sa salitang nasa bilog.

Sukat
Saknong
Tugma

TULA

Simbolo/simbolismo
Tayutay
Taludtod/linya

Gawain 2: Pagsusuri sa Tula

Suriin ang tulang“Ang aking Pag-ibig” batay sa taglay nitong elemento.

Saknong Sukat Tugma Kariktan Simbolis Talinggaha


mo
Unang 12 Tugmang katinig Ipinabatid ang Mga
saknong mahina pagmamahal paraan
Ikalawang 12 Tugmang katinig Lawak ng kaluluwa Sa tayog at saklaw
saknong mahina pagmamahal ay walang
kahambing
Ikatlong 12 Tugmang katinig Pangakong Liwanag Yaring pag-ibig ko’y
saknong mahina nandiyan karimlan katugon kabagay
karamay sa Nga kailangan mong
anumang kaliit-liitan
pagkakataon
Ikaapat na 12 Tugmang patinig Wagas na pag- bayani Kasinwagas ng mga
saknong (ganap) ibig bayani
Ikalimang 12 Tugmang katinig Kabanalan ng banal Na nang mangwala
saknong mahina Pag-ibig ay parang nanamlay
Ikaanim na 12 Tugmang patinig Pag-ibig na Ngiti, Malibing ma’y lalong
saknong may impit walang hanggan Luha iibigin kita
Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula. Isulat sa loob ng tsart
ang iyong sagot.
1. Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
2. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita
Ang Aking Pag-ibig

Bilang 1 Bilang 2
pagpapahiwatig ng tunay at wagas na pag-ibig Pagpapahiwatig na kasinghalaga ng kanyang
sa kanyang irog. buhay ang kanyang iniibig.

GAWAIN 4
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang uri ng tayutay na
ginamit.
Pagtutulad1. Ang mga mata niya ay tila mga bituing nagniningning sa tuwa.
Pagwawangis 2. Rosa sa kagandahan si Prensesa Sarrah.
Pagpapalit-saklaw 3. Gusto kong hingin ang iyong kamay sa iyong mga magulang.
Pagmamalabis 4. Saksakan ng gwapo ang binatang nasa aking panaginip.
Pagtatao 5. Ang hangin ay dumadampi sa aking pinsngi.
Pagpapalit-tawag 6. Ang panulat ay mas makapangyarihan kaysa espada.
Pagtatao 7. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
GAWAIN 5:
Sumulat ng isang tula na may lalabindalawahing pantig sa bawat taludtod na
naglalarawan at pumapaksa sa pag-ibig ( pag-ibig sa Diyos, kapwa, o iba pa). Gumamit ng
matatalinghagang pananalita sa iyong bubuuing tula. Salungguhitan ang mga ito.
Gawing gabay ang mga pamantayan sa ibaba.

Pamantayan Puntos

Nalapatan ng wastong damdamin

Angkop ang lakas at hina ng tinig

Angkop ang kilos at ekspresyon ng mukha sa tula, kumpas ng


kamay, at galaw ng mata
Kawili-wili at nakahihikayat sa manonod

Kabuuang Puntos

1 puntos - sadyang di mahusay 4 puntos - mahusay


2 puntos - di-gaanong mahusay 5 puntos - napakahusay
3 puntos - katamtaman
Karagdagang Gawain
Mula sa nabuong tula na may matatalinghagang salita at mga tayutay, ilahad ang
mensahe o ang ipinapahiwatig sa iyong tula na nabuo at ibigay ang uri nga tayutay na ginamit.

Saknong Matalinghagang Pahiwatig/kahulugan Uri ng tayutay


pahayag/Tayutay

TAYAHIN

1. d 6. d
2. c 7. c
3. d 8. c
4. c 9. d
5. d 10. d

Sanggunian

Filipino Modyul Para sa Mag-aaral, ph.186-192

https://youtu.be/2tcvyfujcRI

You might also like