You are on page 1of 14

9

FILIPINO
Ikatlong Markahan - Modyul 3:
Mga Akdang Pampanitikan ng
Kanlurang Asya
Aralin 2: Elehiya
Karapatang-sipi©2020 ng DepEd Bohol
Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas
sa anumang anyo, kasama na rito ang mga video nang walang nakasulat na pahintulot ang
tagapaglathala at may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-aklat na ilalathala sa mga
pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive,
Cogon District, Tagbilaran City Bohol.

May-akda:

Rovelyn L. Taylaran

Tagasuri:

Wilfreda O. Flor, Ph.D.


Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rovelyn L. Taylaran

Tagasuri: Wilfreda O. Flor, Ph.D.


Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.

Mga larawang guhit ni: Rovelyn L. Taylaran

Tagalapat: Rovelyn L. Taylaran

Tagapamahala: Bianito D. Dagatan, Ed.D, CESO V


Schools Division Superintendent

Carmela M. Restificar, Ph.D.


OIC-CID Chief

Josephine D. Eronico, Ph.D.


EPS, LRMS

Wilfreda O. Flor, Ph.D.


EPS Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education-Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone No. (038)412-4938 (038) 411-2544 (308) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
Email address: Deped.bohol@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling “Elehiya”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pansarili,
pamilya at pamayanang hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay-sa
aaral.
mag

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa “Elehiya”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay


at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag magaalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at interes.
Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng konsepto ng
nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol ang
kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa pagkagising ng kanilang
damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong
bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may iba’t ibang kompetensi para sa
ikalawang linggo ng Ikatlong Markahan. Ito ay ang mga:
Aralin 2.1 - Unang Araw: Pagsusuri ng Elehiya Batay sa Elemento
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:

Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa: tema, mga tauhan, tagpuan, mga mahihiwatigang
kaugalian o tradisyon, wikang ginamit, pahiwatig o simbolo, damdamin (F9PB-IIb-c-51)

Aralin 2.2 - Ikatlong Araw: Pagpapahayag ng damdamin sa Pagbigkas ng Elehiya


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:

Nabibigyang-puna ang nakitang paraan ng pagbigkas ng elehiya o awit (F9PD-IIIb-c-50)

Aralin 2.3 - Ikaapat Araw: Wastong Gamit ng Pang-uri na Nagpapasidhi ng Damdamin


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:

Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin


(F9WG-IIIb-c-53)

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin
at isulat sa sagutang papel ang titik na nagtataglay ng wastong
sagot.

Malungkot na lumisan ang tag-araw


Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.
Halaw sa Akdang: Elehiya sa Kamatayan ni Kuya

1. Ano ang tema ng tulang binasa?


A. Kaligayahan B. Kaluwalhatian C. Kamatayan D. Pagpupuri

2. Ang una at ikalawang linya ng tula ay nagpapahiwatig ng____.


A. Pag-iisa C. Panibagong araw na darating
B. Pagpanaw ng isang tao D. Paglubog ng araw

3. Ano ang damdaming nangingibabaw sa tula?


A. Galit B. Dalamhati C. Lungkot D. Pighati

4. Ang bawat nilalang ay nagtataglay ng hiram na buhay. Ano ang maaaring bumuo rito na detalyeng
pangungusap?
A. Ingatan natin ang ating kalusugan B. Iwasan ang masamang bisyo
C. Ipagtanggol natin ang ating karapatang mabuhay. D. Lahat ay tama.

5. Ano ang ginamit na himig sa pagbigkas ng elehiya/awit?


A. Matimpi at di masintahin C. Pagpupuri
B. Masuyo at masintahin D. Puno ng pagmamahal

6. Isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni na nagpapakita ng


masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
A. Awit B. Elehiya C. Epiko D. Tanaga
7. Ang mga sumusunod ay elemento ng elehiya maliban sa isa:
A. Damdamin B. Kaugalian C. Kaisipan D. Wikang Ginamit

8. __________________ ang taong nagmamalaki at nagmamahal sa kanyang bayan. Ano ang


angkop na kataga/pahayag ng pinasidhing damdamin ang ipuno sa patlang upang mabuo ang diwa
ng pangungusap?
A. Kahanga-hanga B. Hahangaan C. Hangang-hanga D. Hanga

9. Ang mga Pilipino ay dapat _____________ upang magawa ang mga bagay na nagawa ni Rizal.
Ano ang angkop na kataga/pahayag ng pinasidhing damdamin ang ipuno sa patlang
upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. Katapangan B. Magpakatapang C. Matapang D. Tumapang

10. Bukod sa pag-aaral ay ugaliin mo ring _____________ upang mas marami kang matutuhan
at maibigay para sa iyong bayan. Ano ang angkop na kataga/pahayag ng pinasidhing damdamin
ang ipuno sa patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. Magpakatanong B. Magtanong C. Magtatanong D. Tumanong

Aralin
2
Ikalawang
ELEHIYA
Linggo
Ang araling ito ay naglalaman ng elehiya na pinamagatang Elehiya sa
Kamatayan ni Kuya na akdang pampanitikan na mula sa Bhutan na isinalin sa Filipino ni Pat V.
Villafuerte. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga kataga o pahayag na nagpapasidhi ng
damdamin na makatutulong sa pagpapahiwatig ng saloobin o damdamin ng elehiya.

Dito lilinangin sa iyo ang kakayahan kung paano mo kontrolin ang damdaming nagtataglay ng
iba’t ibang emosyon tulad ng pagdadalamhati sa pagpanaw ng mahal sa buhay. Ito ang itinuturing na
pinakamabigat na damdamin sapagkat hindi lamang nito sakop ang ating puso kundi sakop din nito
ang kabuuan ng ating pagkatao.

Tuklasin
Paglakbayin ang iyong diwa sa pag-aaral mo sa bagong aralin. Nababatid kong muli kang
masisiyahan sa mga matutuklasan mo.

Gawain 1: Sumulat ng maikling paglalarawan tungkol sa mahal sa buhay na labis mong


pinahalagahan. Sino ang taong ito? Ano ang nagawa niya sa buhay mo para pahalagahan mo siya?
Isulat sa hugis puso ang taong pinahalagahan mo.

Paglalarawan sa Mahal sa Buhay Nagawa Niya sa Buhay Mo

________________________ ______________________________

________________________ _______________________________

_________________________ ________________________________

___________________________ __________________________________

__________________________________ _____________________________________

___________________________________ ________________________________________

Suriin
Simulan natin ang iyong pag-aaral….
Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni na
nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.

Mga Elemento ng Elehiya:


1. Tema – ang kabuuang kaisipan ng elehiya.
2. Tauhan – taong kasangkot sa tula
3. Tagpuan – lugar o panahon na pinangyarihan ng tula
4. Kaugalian o Tradisyon – nakaugalian o isang tradisyon na masasalamin sa tula
5. Wikang Ginamit – paggamit ng pormal at di pormal na salita.
6. Pahiwatig o Simbolo – paggamit ng simbolo para magpahiwatig ng isang ideya o kaisipan
7. Damdamin – damdaming nakapaloob sa tula

May katangian ang elehiya. Ito’y tula ng pananangis, pag-alaala at pagpaparangal sa mahal sa
buhay na ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni at di- masintahin

Basahin mo…
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya Walang katapusang pagdarasal
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan
Hindi napapanahon! Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa edad na dalawpu’t isa, isinugo ang buhay Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay
hindi na matanaw nawala
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di- O’ ano ang naganap,
mabigkas na pangarap Ang buhay ay saglit na Nawala
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok Pema, ang immortal na pangalan
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga Mula sa nilisang tahanan
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak! Walang imahe, walang anino at walang
katawan
Ano ang naiwan! Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba,
Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at ang bukid ay nadaanan ng unos
larawan, Malungkot na lumisan ang tag-araw
Aklat, talaarawan at iba pa. Kasama ang pagmamahal na inialay
Wala nang dapat ipagbunyi Ang isang anak ng aking ina ay hindi na
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na makikita
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang Ang masayang panahon ng pangarap.
hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, Kinopya mula sa Panitikang Asyano 9, pahina
ang halakhak 204-205
At ang ligayang di- malilimutan

Gawain 2: Suriin ang binasang elehiya batay sa elementong ginamit nito. Sagutin ang mga gabay
na tanong.
1. Ano ang tema ng binasang tula?
2. Ano ang damdamin na nararamdaman ng may akda sa tula?
3. Paano ipinadama ng may akda ang labis niyang pagdadalamhati?
4. Anong mga simbolo o sagisag ang ginamit sa akda?
5. Anong kultura/kaugalian ang masasalamin sa tula?
Pagyamanin
Basahin ang isang hymno….pagkatapos ay sagutin ang mga kaugnay na tanong.

Ang Mga Dalit Kay Maria Coro: Halina’t tayo’y mag-alay


Nang bulaclac cay Maria.
Mula sa unang hymno:
Matamis na Virgeng Pinaghahandugan Mula sa “Dalit”
Cami nangangaco naman pong mag -alay O Mariang sacdal dilag
Nang isang Guirnalda bawat isang araw Dalagang lubhang mapalad,
At ang magdudulot yaring murang kamay. Tanging pinili sa lahat
Nang Dios Haring mataas.
Coro: Tuhog na bulaclac sadyang salit-salit
Sa mahal mong noo'y aming icacapit
Coro: Itong bulaclac na alay
Lubos ang pag-asa't sa iyo'y pananalig
Nang aming pagsintang tunay
Na tatanggapin mo handog ng pag-ibig.
Palitan mo Virgeng mahal
Nang toua sa calangitan.
Mula sa ikalawang hymno:
Halina at magsidulog
Cay Mariang Ina ni Jesus
At ina ng tanang tinubos
nitong Poong Mananacop;
Sintahin nati’t igalang
Yamang siya’y ating Ina.

Gawain 3: Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Ano ang tema sa akdang binasa?
2. Ibigay ang mga simbolong ginamit sa akda?
3. Paano ipinadama ng may-akda ang pagtatangi niya kay Virgeng Maria?
4. Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng elehiya sa binasang dalit? Gamitin ang format sa
ibaba sa iyong sagot.

Elehiya Dalit
Isaisip

Pang-uri – ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip.


Sa pagpapahayag ay mahalagang maipakita ang damdaming nais bigyang diin o
pangibabawin upang higit na maipahayag ang kaisipan o bagay na nais na maiparating. Sa
ganitong sitwasyon ay mahalagang matutuhan kung paano mapasisidhi ang pagpapahayag ng
damdamin sa pamamagitan ng mga kataga o pahayag.

Mga Paraan upang maipahayag ang masidhing damdamin:


1. Pag-uulit ng Salita
Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino kapag binibigkas ang sariling
wika.
Mainit na mainit ang damdamin ng dalawang nagtatalo kanina.
2. Paggamit ng panlaping: napaka-, nag-an, pagka-, at kay-, pinaka, ka-an
Napakaganda ng wika nating mga Pilipino.
Nagtatangkaran ang mga dayuhan sa pagtitipon.
Pagkasaya-saya ng mga dayuhang bumibisita sa bansa.
Pinakanagustuhan ng tao ang balagtasan sa palatuntunan.
Kapita-pitagan ang mga Pilipinong gumagamit ng sariling wika.
3. Paggamit ng mga salitang gaya ng ubod, hari, sakdal, tunay, lubhang, at ng pinagsamang
walang at kasing
Walang kasing sarap sa tainga ang wikang Filipino.
Sakdal husay ang galing ng mga Pilipino sa pagbigkas ng tula.
Ubod ng lakas ang palakpak na natanggap niya mula sa manonood.
4. Pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa
A. Paggamit ng panlaping magpaka
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
Magsipag magpakasipag
Magsanay magpakasanay
B. Paggamit ng panlaping mag at pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat.
Magsalita magsasalita
Magtanong magtatanong
C. Pagpapalit ng panlaping -um sa panlaping mag- at nagkakaroon ng pag-uulit sa
unang pantig.
Bumigkas magbibigkas
Sumulat magsusulat
D. Pagpapalit ng panlaping -um sa panlaping magpaka-
Tumalino magpakatalino
Humusay magpakahusay

Gawain 4: Punan ng angkop na kataga/pahayag ng pinasidhing damdamin ang patlang upang


mabuo ang diwa ng pangungusap.
1. (hanga) __________________ ang taong nagmamalaki at nagmamahal sa kanyang bayan.
2. (marami) _________________ ng magagandang dahilan upang ating mahalin ang sariling
bayan.
3. Ang mga Pilipino ay dapat (tumapang) _______________ upang magawa ang mga bagay na
nagawa ni Rizal.
4. Bukod sa pag-aaral ay ugaliin mo ring (magtanong) ______________ upang mas marami kang
matutuhan at maibigay para sa iyong bayan.
5. Iwasang (sumagot) ______________ sa mga bagay na hindi lubos nauunawaan.
B. May iba’t ibang damdaming nangingibabaw o nadarama ang bawat tao.
Sumulat ng pangungusap kaugnay sa mga damdaming ito na nakatala sa
bawat bilang na may kaugnayan sa mga lider ng bansa o lugar sa kasalukuyan.

1. Pagkatuwa 3. Pagkadismaya
2. Pagkalungkot 4. Pagmamalaki

Isagawa

Manood Tayo!

Gawain 5: Panonoorin ang video na “Elehiya Para Kay Kamangmangan” sa link na ito

https://bit.ly/2Pys7qa Bumuo ng dalawang talatang reaksyon/puna na may limang

pangungusap sa bawat talata sa napanood na video. Gawing gabay ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang damdaming namayani sa pinanood na video?

2. Bakit gayon na lamang ang damdamin ng may akda para sa bayan?

3. Ano ang nararamdaman mo sa pinanood na video? Bakit?

5. Ano ang mensaheng nais ilahad sa video?


Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat sa sagutang
papel ang titik na nagtataglay ng wastong sagot.

Malungkot na lumisan ang tag-araw


Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.

Halaw sa Akdang: Elehiya sa Kamatayan ni Kuya

1. Ano ang tema ng tulang binasa?


A. Kaligayahan B. Kaluwalhatian C. Kamatayan D. Pagpupuri

2. Ang una at ikalawang linya ng tula ay nagpapahiwatig ng____.


A. Pag-iisa C. Panibagong araw na darating
B. Pagpanaw ng isang tao D. Paglubog ng araw

3. Ano ang damdaming nangingibabaw sa tula?


A. Galit B. Dalamhati C. Lungkot D. Pighati

4. Ang bawat nilalang ay nagtataglay ng hiram na buhay. Ano ang maaaring bumuo rito na
detalyeng pangungusap?
A. Ingatan natin ang ating kalusugan B. Iwasan ang masamang bisyo
C. Ipagtanggol natin ang ating karapatang mabuhay. D. Lahat ay tama.

5. Ano ang ginamit na himig sa pagbigkas ng elehiya/awit?


A. Matimpi at di masintahin C. Pagpupuri
B. Masuyo at masintahin D. Puno ng pagmamahal

6. Isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni na nagpapakita ng


masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
A. Awit B. Elehiya C. Epiko D. Tanaga

7. Ang mga sumusunod ay elemento ng elehiya maliban sa isa:


A. Damdamin B. Kaugalian C. Kaisipan D. Wikang Ginamit

8. __________________ ang taong nagmamalaki at nagmamahal sa kanyang bayan. Ano


ang angkop na kataga/pahayag ng pinasidhing damdamin ang ipuno sa patlang upang
mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. Kahanga-hanga B. Hahangaan C. Hangang-hanga D. Hanga

9. Ang mga Pilipino ay dapat _____________ upang magawa ang mga bagay na nagawa ni
Rizal. Ano ang angkop na kataga/pahayag ng pinasidhing damdamin ang ipuno sa patlang
upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. Katapangan B. Magpakatapang C. Matapang D. Tumapang

10. Bukod sa pag-aaral ay ugaliin mo ring _____________ upang mas marami kang
matutuhan at maibigay para sa iyong bayan. Ano ang angkop na
kataga/pahayag ng pinasidhing damdamin ang ipuno sa patlang
upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. Magpakatanong B. Magtanong C. Magtatanong
D. Tumanong

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN
1. C 6. B
2. B 7. C

3. C 8. A

4. D 9. B

5. A 10. C

TUKLASIN
Nasa pamamatnubay na ng guro ang pagmamarka

SURIIN
1. Ang tema ng binasang tula ay kamatayan
2. Ang damdaming nararamdaman ng may akda sa tula ay lungkot at pagdadalamhati
3. Ipinadama ng may akda ang labis niyang pagdadalamhati sa pamamagitan ng paggunita sa mga alaala na
iniwan ng isang mahal sa buhay at ipinadama ito sa pamamagitan ng isang tula.
4. Larawang guhit, poster at larawan, aklat at talaarawan, luha, lungkot, at pighati
5. Ang kultura/kaugalian na masasalamin sa tula ay pagpapahiwatig ng saloobin o damdamin sa isang mahal
sa buhay na pumanaw na at ipinadama ang emosyon sa pamamagitan ng isang tula.

PAGYAMANIN
1. Ang tema sa akdang binasa ay pagpupuri at pagpaparangal kay Virgeng Maria
2. Ang simbolong ginamit sa akda ay bulaklak at

ISAISIP
A. 1. Kahanga-hanga B. Nasa pamamatnubay na ng guro ang pagmamarka
2. maraming-marami
3. magpakatapang
4. magtatanong
5. magsasagot

ISAGAWA
Nasa pamamatnubay na ng guro ang pagmamarka

TAYAHIN
1. C 6. B
2. B 7. C

3. C 8. A

4. D 9. B
5. A 10. C

Sanggunian:
Panitikang Asyano 9, pahina 203 – 207
https://bit.ly/2Pys7qa

You might also like