You are on page 1of 12

9

FILIPINO
Ikatlong Markahan - Modyul 4
Mga Akdang Pampanitikan ng
Kanlurang Asya

Aralin 3: Maikling Kuwento


Hashnu, Ang Manlililok ng Bato
Karapatang-sipi©2020 ng DepEd Bohol
Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas
sa anumang anyo, kasama na rito ang mga video nang walang nakasulat na pahintulot ang
tagapaglathala at may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-aklat na ilalathala sa mga
pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive,
Cogon District, Tagbilaran City Bohol.

May-akda:

Rovelyn L. Taylaran

Tagasuri:

Wilfreda O. Flor, Ph.D.


Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rovelyn L. Taylaran

Tagasuri: Wilfreda O. Flor, Ph.D.


Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.

Mga larawang guhit ni: Jonnie Mar M. Taylaran

Tagalapat: Rovelyn L. Taylaran

Tagapamahala: Bianito D. Dagatan, Ed.D, CESO V


Schools Division Superintendent

Carmela M. Restificar, Ph.D.


OIC-CID Chief

Josephine D. Eronico, Ph.D.


EPS, LRMS

Wilfreda O. Flor, Ph.D.


EPS Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education-Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone No. (038)412-4938 (038) 411-2544 (308) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
Email address: Deped.bohol@deped.gov.ph
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling “Maikling Kuwento”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pansarili,
pamilya at pamayanang hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay -sa aaral.
mag

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa “Maikling
Kuwento”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay


at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
magaalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong


kakayahan at interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng
konsepto ng nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano
sumibol ang kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa
pagkagising ng kanilang damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa
lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may tatlong aralin na may iba’t ibang kompetensi para sa
ikaapat na linggo ng Ikatlong Markahan. Ito ay ang mga:
Aralin 3.4 - Unang Araw: Pagpapatunay sa Transpormasyong Naganap sa Tauhan ng Kuwento

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:

Napatutunayang ang mga pangyayari at/o transpormasyong nagaganap sa tauhan ay


maaaring mangyari sa tunay na buhay (F9PB-IIId-e-52)

Aralin 3.5 - Ikalawang Araw: Pag-uugnay ng mga Tunggaliang Napanood sa Programang


Pantelebisyon

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:

Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggalian (tao vs. tao at tao vs. sarili)
napanood na programang pantelebisyon (F9PD-IIId-e-51)

Aralin 3.6 - Ikatlong Araw: Pagsulat ng Maikling Kuwento na may Pagbabago sa


Ilang Pangyayari

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:

Muling naisusulat ang maikling kuwento nang may pagbabago sa ilang


pangyayari at mga katangian ng sinuman sa mga tauhan (F9PU-IIId-e-54)

Aralin
3
Ikaapat na
MAIKLING KUWENTO
Linggo
Matutunghayan mo sa araling ito ang maikling kuwento ng Tsina na pinamagatang
“Hashnu, Ang Manlililok ng Bato” na isinulat ni Ailene G. Baisa-Julian, et.al.
Dito lilinangin sa iyo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa maikling kuwento. Dito mo rin
mababatid ang iyong angking kakayahan o kasanayan sa pagsulat at pagsagot sa mga gawain. Higit
pa rito, marami kang mapupulot na aral na tiyak magagamit mo sa pang-araw-araw na buhay.

Balikan

Balikan natin ang ating tinalakay noong nakaraang linggo sa pamamagitan ng pasulit.
Gawain 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang tanong ng amang hari sa kanyang bunsong anak na prinsesa?
2. Ano ang naging tugon ng prinsesa sa tanong ng ama?
3. Bakit nagalit ang ama sa anak na prinsesa?
4. Ano ang ginawa ng ama nang magalit siya sa ikapitong prinsesa?
5. Kung ikaw ang prinsesa, magagawa mo rin ba ang ginawa niya?

Tuklasin
Gawain 2: Lahat ng tao ay nilikha ng Diyos na may natatanging kakayahan, talento at pangarap sa
buhay. Ikaw, gaano mo kakilala ang iyong sarili? Isulat sa loob ng kahon kung ano ang
pinakamagandang katangian o kakayahang mayroon ka gayundin ang pangarap mong maging sa
hinaharap. Sa nakalaang patlang ay ipaliwanag ang iyong sagot.

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

Suriin
Simulan natin ang iyong pag-aaral….
Ang maikling kuwento ay isang kuwentong maaaring basahin sa isang upuan
lamang. Hindi ito lagom o buod ng nobela o ng dula. May mga uri ang maikling
kuwento.

Uri ng Maikling Kuwento


1. Kuwento ng Pakikipagsapalaran – sa ganitong uri ng kuwento, ang
pagkawili ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan.
2. Kuwentong Kababalaghan – ang ganitong uri ng kuwento ay pumaimbulog
dahil sa paniniwala ng mga tao sa mga kababalaghan at kataka-taka.
3. Kuwentong Sikolohiko – ang ganitong uri ng kuwento ang pinakamahirap
sulatin sapagakat sinisikap nitong pasukin ang kasuluk-sulukang pag-iisip ng tauhan at
ilahad ito sa mga mambabasa.
4. Apologo – Ang layunin ng kuwentong ito ay hindi lumibang sa mga
mambabasa kundi ang mangaral sa kanila.
5. Kuwentong Pangkatauhan – ang nagingibabaw sa kuwentong ito ay ang
katangian ng pangunahing tauhan.

Basahin mo…
Hashnu, Ang Manlililok ng Bato

Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa bayan ng Nanjing sa Tsina ay naninirahan si


Hashnu, isang manlililok ng bato. Ginagawa niya ang pag-ukit ng bato sa matagal na panahon. Ang
trabahong ito ay halos araw-araw niyang ginagawa sa ilalim ng matinding sikat ng araw.
Mapapansing buong tiyaga niyang ginagampanan ang kanyang gawain. Ngunit isang araw ay
nasambit niya sa sarili, "Naku! Pagal na pagal na ang aking katawan sa kahuhugis ng matitigas na
bato. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho para hindi na magdala
ng pait at maso rito araw-araw. Uupo na lamang ako at magpapahinga. Hindi ko na kailangang
magdala ng maso paroo't parito araw-araw sa kalsada."

Tila nagdilang-anghel naman si Hashnu sa kaniyang sinabi. Parang isang panaginip ang
naganap sa kanyang buhay. Nang nagkakagulo ang mga tao sa daang malapit sa kanyang inuukit ay
nakita niyang naroon pala ang hari. Napansin niya kaagad sa dakong kanan ang mga sundalong
ayos na ayos ang pananamit at may sandata na handang sumunod sa ipag-uutos ng hari. Sa kaliwa
naman ay Nakita niya ang mga taga-sunod nitong gumagawa ng paraan para lamang mautusan ng
hari. Habang nakatingin si Hashnu, nag-isip siyang maganda palang maging isang hari at magkaroon
ng mga alalay na sundalo at mga tagasunod na nag-uunahan para mautusan. Agad may narinig
siyang tinig, "Magiging Hari ka."

Isang himala! Naging ganap na hari si Hashnu. Maligayang-maligaya si Hashnu. "Hindi na ako
taga-ukit ng mga bato na nakaupo sa gilid ng daan na may hawak na pait at mabigat na maso. Isa na
akong hari na nakasuot ng baluti, helmet, at nakasakay sa pagitan ng mga sundalo, at may
tagasunod na pawang mapitagan sa akin." Mayabang siya sa paglakad kaya't ang kanyang mga
tauhan ay talagang gumagalang sa kanya.

Mabigat ang baluti at ang kanyang helmet na lubhang dikit sa kanyang ulo na umaabot sa
may kilay kaya naramdaman niya ang pitik ng ulo. Nahirapan siya. Namumutla at napagod siya dahil
sa matinding sikat ng araw. Naisip niyang kaya palang panghinain at talunin ng Araw ang
makapangyarihan at iginagalang na hari. Muli niyang naisip: "Mas makapangyarihan ang Araw.
Napanghina niya ang aking katawan!" Naisip naman niyang maging Araw at pagkasabi nito ay isang
milagrong muli na siya'y nakarinig ng tinig na narinig noon at dagli siyang naging Araw.

Isang Araw na siya ngayong nagliliyab sa kaitaasan at sumisikat nang matindi sa kalupaan.
Hindi siya sanay magbigay ng sinag ng liwanag kaya ang nakahihilakbot na sinag nito ang bumagsak
sa mundo. Kaya ang mga nabubuhay sa mund0 ay nangatuyo. Ang mga tao ay lubhang nanangis sa
pangyayaring ito. Nagpatuloy pa rin sa kapangyarihan ang Araw hanggang sa mapansin niyang ang
Ulap pala ay maaaring makulob sa pagitan ng Araw at ng Mundo. Napatunayan niya na higit na
makapangyarihan ang Ulap sapagkat kaya nitong takpan ang kanyang sinag. Dahil sa kaisipang ito
ay ninais naman niyang maging Ulap.

Nilukuban niya ang Araw. Hindi naglaon ay bumigat ito at bumagsak na parang ulan sa
mundo. Umapaw ang tubig sa mga lawa at sapa dahil hindi niya napigilan ang pagbagsak ng dami
ng ulan. Ang matinding ulan ang naging sanhi naman ng pagkamatay ng mga
halaman at iba pang nabubuhay sa daigdig maging malakas na hangin ang naging sanhi ng
pagkabuwal at pagkabunot ng mga puno. Nawala ang mga tahanan at ang mga naninirahan dito.
Pinagmasdan niya ang Lupa at napako ang kanyang paningin sa mga bato na hindi man lang
natinag sa kanyang kinalalagyan pagkatapos ng mga sakunang nagdaan tulad ng malakas na ulan
at hangin at maging matinding sikat ng araw. Muli siyang napaisip. Ninais naman niyang maging
isang Bato at hindi siya nabigo. Tulad ng dati may tinig siyang narinig upang sabihing siya'y maging
isang bato. Nang siya ay Bato na, narinig niyang muli ang tunog ng pait habang ito'y ipinupukpok sa
kanya. Pati na rin ang maso na ramdam niyang malakas na tumatama sa kanyang katawan at ulo.
Nalaman niya ngayon na hindi nga siya natibag sa malakas na ulan at hangin subalit siya ay
nakayang hugisan ng ano mang anyo ng isang manlililok. Nagmuni-muni siya. Napagtanto niyang
walang ibang pinakamalakas kundi siya. Mulat sa katotohanan, muling humiling si Hashnu na ibalik
siya sa pagiging manlililok. Kagyat siyang nanumbalik sa dating gawain at natagpuan niya ang sarili
sa gilid ng kalye na nakaupo at nagsisimula na namang humugis ng iba't ibang anyo sa mga bato.

Magmula noon, masaya nang nagtrabaho nang buong husay si Hashnu. Panatag ang
kanyang kalooban araw-araw sa pagiging manlililok.

Mula sa Pinagyamang Pluma 9 (K to 12) nina Ailene G. Baisa-Julian et al,2018

Gawain 3: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwento na may pamagat (Hashnu, Ang Manlililok
ng Bato). Pagkatapos, Pumili ng isang pangyayari sa kuwentong binasa na naranasan mo o ng isang
kakilala at isulat ito sa kahon sa ibaba. Sa sumunod na kahon naman ay isulat ang transpormasyong
naganap sa tauhan sa kuwento at transpormasyong nangyari sa iyo o ng iyong kakilala. Pagkatapos ay
sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Pangyayari sa kuwentong binasa:


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Karanasan ko o karanasan ng isang kakilala:


________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Transpormasyong naganap sa tauhan:


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Transpormasyong naganap sa akin o sa kakilala:


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Balikan ang isinulat mong pangyayari sa kuwentong naranasan o natunghayan. Nakakatulong ba ito
sa iyo o sa nakaranas ng pangyayari? Kung ikaw ang nakaranas nito o kahit isa ka lang saksi, ano ang
aral na napulot mo sa pangyayaring ito?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Pagyamanin
Gawain 4: Panonoorin ang video na “ Maalaala Mo Kaya: Mansanas at Juice” sa link na ito
https://bit.ly/3dCKl7e . Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang tema ng pinanood na video?


2. Ano ang damdaming namayani sa pinanood na video?
3. Sa anong makabagong kuwento mo maihahalintulad ang tunggaliang nangingibabaw sa video ?
4. Maiuugnay mo ba ang pangyayari sa kuwentong “Hashnu, Ang Manlililok ng Bato” sa pinanood
na video? Sa paanong paraan?
5. Paano mo maiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggalian sa pinanood na video?

Isaisip
Gawain 5: Naniniwala ka bang may dahilan ang lahat ng nangyayari sa atin? Gaano man ito
kasaklap ay may maagandang bagay tayong mapupulot mula rito. Katulad ng pinagdaanan ni
Hashnu, maraming mga pangyayarig halos magpagupo sa atin, ngunit sa bandang huli ay nalalaman
nating ang mga pangyayaring ito ay pumapanday sa atin upang tayo ay tumibay. Bukod sa
pangyayari at transpormasyong isinulat mo ay umisip ka pa ng isang pangyayari sa iyong buhay na
hindi naging maganda sa umpisa ngunit sa bandang huli ay nakatulong pala sa iyo. Ano ang
natutuhan mo sa pangyayaring ito? Sikaping makabuo ng 1-2 talataan na may tig-limang
pangungusap.

Pamantayan sa Pagsulat ng Talata

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Nilalaman 5

Organisasyon 5

Gamit ng Wika 5

Kabuuan 15

Isagawa
Gawain 6: Mula sa kuwentong binasa, baguhin mo ang ilang pangyayari at katangian ng tauhan nang
hindi masyadong nalalayo sa orihinal na kuwento. Maaaring ito ay kabaligtarang katangian ng tauhan.
Gagamitin mo ang iyong angking pagkamalikhain upang maging kawili-wili ang iyong kuwento. Sikaping
makabuo ng 2 – 3 talataan na may tig-limang pangungusap.

Pamantayan sa Pagsulat ng Maikling Kuwento


Pamatayan Puntos Puntos na
Nakuha
Maayos ang pagkakasunod ng mga pangyayari 5
Malikhain at masining 3
Maikli at may kaisahan ang ideyang nabuo 2
Nabago ang katangian ng mga tauhan at pangyayari sa kuwento 5
Kabuuan 15
Tayahin
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda?
2. Anong pangyayari ang naganap sa kanyang buhay kung saan sa unang pagkakataon ay nabago ang
kanyang kalagayan mula sa pagiging manglililok ng bato?
3. Ano-ano ang kanyang mga ninanais na mangyari sa kanyang buhay?
4. Matapos ang mga pangyayari sa buhay ni Hashnu, bakit muli niyang ninais na magbalik sa pagiging isang
manlililok ng bato?
5. Anong katangian ang masasalamin mo sa buhay ni Hashnu?

Susi sa Pagwawasto

BALIKAN
1. Sino ang nagkakaloob ng lahat ng inyong kinakain?
2. “Ama, Diyos po ang nagkakaloob ng lahat. Lahat ng nasa atin, lahat ng ating kinakain, kinukuha natin sa
Kanya”
3. Dahil hindi nagustuhan ng ama ang sagot ng anak at gusto ng ama na sabihin niya na siya ang nagkaloob
ng lahat.
4. Pinalayas niya ang ikapitong anak na prinsesa
5. Oo dahil tama naman ang anak na prinsesa sa kanyang tinuran. Walang masama sa kanyang sinabi.

TUKLASIN

Nasa pamamatnubay na ng guro ang pagmamarka

SURIIN
Pangyayari sa kuwentong binasa: "Naku! Pagal na pagal na ang aking katawan sa kahuhugis ng
matitigas na bato. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho para
hindi na magdala ng pait at maso rito araw-araw. Uupo na lamang ako at magpapahinga. Hindi ko na
kailangang magdala ng maso paroo't parito araw-araw sa kalsada."

Transpormasyong naganap sa tauhan: Napagtanto niyang walang ibang pinakamalakas kundi siya.
Mulat sa katotohanan, muling humiling si Hashnu na ibalik siya sa pagiging manlililok. Kagyat siyang
nanumbalik sa dating gawain at natagpuan niya ang sarili sa gilid ng kalye na nakaupo at
nagsisimula na namang humugis ng iba't ibang anyo sa mga bato.

PAGYAMANIN

1. Tungkol sa isang anak na nangarap makapagtapos ng pag aaral upang makaahon sila sa kahirapan.
2. Awa dahil minamaliit sila ng kanyang mga tiyahin at hindi siya sinusuportahan ng kanyang ama sa kanyang
nais na makapagtapos ng pag-aaral.
Kasiyahan rin dahil may pagpapahalaga siya sa kanyang sarili at determinado siyang tapusin ang kanyang
pag-aaral sa kabila ng kagipitan o kahirapan sa buhay.
3. Katulad ng napanood na video, may mga magulang pa rin sa ngayon na hindi sinusupurtahan ang pag-
aaral ng kanilang mga anak dahil mas gusto nilang tumulong na sa paghahanapbuhay ng pamilya upang
may makakain araw-araw. May mga anak rin sa ngayon na sa gitna ng kahirapan sa buhay ay gumawa ng
paraan para lang makapag-aral.
4. Oo, si Hashnu at ang anak ay parehong nangarap na mabago ang kalagayan sa buhay. Ang pagkakaiba
lamang nila ay si Hashnu hindi niya pinapahalagahan ang kakayahan o talento na mayroon siya bilang
isang manlililok. Samantalang ang anak ay pinapahalagahan niya ang kakayahan na mayroon siya. Iyon ang
pagiging matalino niya sa klase. Sinikap niyang makapagtapos ng pag-aaral.
5. Sa kasalukuyan, may mga anak/tao na higit naging makabuluhan ang buhay dahil sa pagkakaroon ng tama
at maayos na pagtingin sa sarili at may determinasyon sa buhay kahit paman mahirap ang kalagayan nito.
Hindi hadlang ang kahirapan sa pag-aaral sa halip makakatulong pa ito nang malaki para magsikap,
magtiyaga, umangat at guminhawa ang buhay. Mayroon ring mga tao sa kasalukuyan na hindi nagkaroon
ng kasiyahan sa talento o gawaing ipinagkaloob sa kanya ng Maykapal o mga taong hindi ganap na
tanggap ang kanilang sarili lalo’t higit ang kanilang mga kahinaan bilang isang indibidwal.

ISAISIP

Nasa pamamatnubay na ng guro ang pagmamarka

ISAGAWA

Nasa pamamatnubay na ng guro ang pagmamarka

TAYAHIN

1. Hashnu

2. Naging ganap na Hari si Hashnu

3. Naging, hari, araw, at ulap


4. Dahil nalaman niyang hindi siya natibag sa malakas na ulan at hangin, Napagtanto
niyang walang ibang pinakamalakas kundi siya.

5. Kawalan ng pagpapahalaga sa mga talento at katangiang mayroon siya bilang


isang manlililok

Sanggunian:
Pluma 9, pahina 198 - 205
https://bit.ly/3dCKl7e

You might also like