You are on page 1of 23

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Panahon ng Digmaang Pilipino-
Amerikano
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa naglalathala.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Sangay ng Bohol
Superintendent: Bianito A. Dagatan EdD,CESO V
Assistant Superintendent:

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Chona C. Tigbas


Editor: Paterno Alupit, Donabel M. Datahan EdD.
Tagasuri: Maria Petra B. Ocio
Tagapamahala:
Bianito A. Dagatan EdD, CESO V
Schools Division Superintendent
Marina S. Salamanca PhD. Casiana P. Caberte PhD.
Asst. Schools Division Superintendent OIC Asst. Schools Division Superintendent

Carmela M. Restificar PhD. Jupiter I. Maboloc PhD.


OIC – CID Chief EPS-Aral. Pan
Josephine D. Eronico PhD.
EPS -LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Division of Bohol

Office Address : 50 Lino Chatto Drive, Barangay Cogon, Tagbilaran City


Telefax: : (038) 501-7560
E-mail Address : deped.bohol@deped.gov.ph
6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Panahon ng Digmaang Pilipino-
Amerikano

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa


mga pampublikong paaralan. Hinikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
depedboholrmds@gmail.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling “Panahon ng
Digmaang Pilipino-Amerikano”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambulikong institusyon upang gabayan ka at upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Most
Essential Learning Competencies ( MELC) ng K to 12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa “Panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano”!

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa aralin
ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng


anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

iv
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong


kakayahan at interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol
sa tunay na kahulugan ng konsepto ng nasyonalismo o damdaming
makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol ang
kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong
sa pagkagising ng kanilang damdaming makabansa. Ang mga salitang
ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng
mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul, inaasahan sa iyo na:


Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang
Pilipino-Amerikano
 Unang Putok sa panukulan ng Silencio at Sociego, Sta.Mesa
 Labanan sa Tirad Pass
 Balangiga Massacre

1
Subukin

Piliin sa loob ng kahon ang inilalarawang pangyayaring nagbigay-


daan sa digmaan ng mga Pilipino laban sa Estados Unidos sa bawat bilang.
Isulat ang letra sa tamang sagot sa linya.

a. Gregorio Del Pilar k. Januario Galut

b. Disyembre 2, 1900 l. Samar

c. Major Peyton March m. Koronel Frederick Funston

d. Abril 1, 1901 n. Emilio Aguinaldo

e. Labanan sa Balangiga o. Setyembre 28, 1901

f. Hen. Vicente Lukban p. Koronel Jacob Smith

g. Apatnapu q. sampung taon pataas

h. Panulukan ng Silencio at Sociego Sta. Mesa

i. Sta. Mesa r. Silencio

j. Unang Putok sa Panulukan

_____1. Kailan nangyari ang labanan sa Pasong Tirad?


_____2. Bayani ng Pasong Tirad.
_____3. Pinakatanyag na labanan sa pagitan ng mga Amerikano at mga
Pilipino.
_____4. Ilang sundalong Amerikano ang namatay sa paglusob ng mga
Pilipino sa kanilang kampo?

2
_____5. Saan nagmula ang direksyon ng magkabarilan na ang pwersang
Pilipino at Amerikano?
_____6. Anong kalye sa Sta. Mesa, Maynila matatagpuan ang Blockhouse 7
kung saan nagkabarilan ang pwersang Pilipino at Amerikano?
_____7. Sinong kristiyanong Igorot ang nagturo ng lihim na daan sa mga
Amerikano papasok sa Pasong Tirad?
_____8. Siya ang pinagtanggol ni Gregorio Del Pilar na naging sanhi ng
kanyang kamatayan.
_____9. Ilang taong gulang ng mga batang lalaki ang iniutos na ipapatay ni
Heneral Smith?
_____10. Saang banda ng Maynila kung saan matatagpuan ang Blockhouse
7?
_____11. Ito ang naging mitsa ng digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at
Amerikano.
_____12. Kailan nahuli si Emilio Aguinaldo ng mga Amerikano?
_____13. Kailan naganap ang labanan sa Balangiga?
_____14. Sino ang namumuno sa labanan sa Balangiga?
_____15. Siya ang namumuno sa mga grupo ng mga Amerikano na tumungo
sa tuktok ng paso na ikinasawi ni Del Pilar.
_____16. Sino ang namumuno nang mahuli si Aguinaldo at sumumpa sa
katapatan sa Estados Unidos?
_____17. Saang lugar matatagpuan ang Balangiga?
_____18. Ang Heneral na nag utos na patayin ang mga batang lalaki mula
sampung taong gulang pataas.

3
Modyul Digmaang Pilipino-
6 Amerikano

Sa araling ito ay mararanasan mong maipamalas o maipakita ang


iyong pagpapahalaga sa kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan.

Balikan
Gamit ang graphic organizer ay talakayin kung paano nagsimula ang
katipunan at kung paano ito lumaganap sa bansa. Talakayin ang dahilan
kung bakit hindi ito nagpatuloy.

Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan


(KKK)

Paano Nagsimula? Paano lumaganap?


_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________

Paano Nagwakas?
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
__________________________________________

4
Sa pagsagot sa Gawain, kumuha ng isang pirasong
papel. Maaring gumamit lamang ng isang salita o parirala
sa pagsagot sa semantic web basta’t kaya nitong
maipaliwanag ang gusto mong ipahiwatig.

Tuklasin

Ano ang gagawin at mararamdaman mo kung ang itinuturing mong


kaibigan ay hindi pala tunay at siya pang magpapahamak o magiging
dahilan ng kapahamakan mo? Ibahagi moa ng iyong sagot sa loob ng
pusong nahati sa dalawa.

5
Marahil ang inilagay mong sagot ay ang mga bagay na naramdaman
din ng mga Pilipino nang kanilang matuklasan ang tunay na layunin ng
mga Amerikano noon sa pagtulong na kanilang ginawa sa ating bansa
upang makalaya tayo sa kamay ng mga Espanyol.

Sa pagkatapos ng araling ito ay iyong malalaman na matapos ang


Espanya ay ang Estados Unidos naman ang sumunod na sumakop sa ating
bansa.

Ngunit bago ka magpatuloy, huwag mong kalimutang pag-aralan ang


mga salita sa loob ng kahon para sa mas madali mong pag-unawa sa ating
aralin.

look – tubigan na hindi ganap na napaliligiran ng lupa at may bungad na


pinapasukan o nilalabasan ng tubig buhat sa katabing karagatan.
Mock battle – kunwaring labanan; hindi totoong tunggalian
nakahimpil – nakahinto
nilusob – inatake
nakubkob – napalibutan; napaligiran
Paso – daan o lagusan, lalo na ang makitid na daanan sa bundok
ratipikasyon – pagkumpirma o pagpapatibay.

Suriin

Ang Pananakop ng mga Amerikano:

Matapos ang tatlong daan at tatlumpu’t tatlong taong (333)


pananakop ng mga Espanyol sa mga Pilipino, ang ating bansa ay muling
napasailalim sa kapangyarihan ng isa pang imperyalistang bansa-ang
Estados Unidos. Hindi tuwirang ipinahayag ng mga Amerikano ang kanilang
pakay na pananakop at sa halip ay kanilang ipinaunawa na tayo’y kanilang
tutulungan upang maging isang malayang bansa. Noong Disyembre 21,
1898, bago pa man pinagtibay ng Kongreso ng Amerika ang batas ng
pananakop sa Pilipinas ay ipinahayag ni Pangulong William Mckinley ang

6
patakarang Makataong Asimilasyon o Benevolent Assimilation. Ayon sa
patakarang ito, ang mga Amerikano ay magsisilbing kaibigang
mangangalaga sa kaligtasan, kapayapaan, at kaunlaran ng mga
mamamayang Pilipino.Ngunit nabunyag ang tunay na layunin ng mga
Amerikano sa Pilipinas nang lumitaw ang Kasunduan sa Paris noong ika-10
ng Disyembre 1898 sa pagitan ng mga kinatawan ng Estados Unidos at
Espanya.

Ang mga pangunahin at tunay na layunin ng pagsakop ng Amerika sa


Pilipinas ay ang sumusunod:

o Gawing kolonya ang Pilipinas na mapagkukunan ng mga hilaw na


sangkap
o Makapagtatag ng base-militar upang mapangalagaan at
maproteksiyunan ang kanilang kalakal sa Asia at Pacific.
o Maisagawa ang Manifest Destiny at Social Darwinism na nagsasaad
na itinadhana ang mga lahing puti na arugain ang mga bansang
mahihina
o Palaganapin ang relihiyong Protestantismo sa labas ng Estados
Unidos.

Ang Digmaang Pilipino-Amerikano

Nagalit ang mga Pilipino nang malaman nila ang naging bunga ng
Kasunduan sa Paris. Sa pangyayaring ito, nakita ng mga Pilipino ang tunay
na hangarin ng mga Amerikano sa ating bansa. Sa tingin ng mga Pilipino,
nadaya sila ng mga Amerikano. Ito ang naging simula ng di magandang
pagtitinginan ng mga Pilipino at Amerikano.

Noong ika-4 ng Pebrero 1899,


sumiklab ang digmaan sa pagitan ng
mga Pilipino at Amerikano. Dalawang
Pilipino ang pinaputukan ng
Amerikanong sundalong si William
Walter Grayson kasama ang ilan
Photo credit: https://xiaochua.net/2013/02/04/xiaotime-4-
february-2013-ang-unang-putok-ng-philippine-american-
war/
7
pang sundalo habang sila ay nagpapatrolya sa isang baryo sa Sampaloc.
Hindi tumigil ang mga Pilipino nang sinigawan sila ng mga Amerikanong
huminto. Sa kasalukuyan, sakop ang naturang lugar ng Calle Sociego,
Santa Mesa, Manila at hindi sa Tulay ng San Juan. Makalipas ang ilang
sandali, naglabasan na ang mga Pilipino at sila ay nagpaputok na rin. Dito
nagsimula ang digmaan sa pagitan ng dalawang panig.

Labanan sa Pasong Tirad

Dahil sa lakas ng puwersa ng mga Amerikano, nagpalipat-lipat ng


punong-himpilan si Aguinaldo. Mula Malolos ay lumipat siya sa Nueva
Ecija, Tarlac, Nueva Vizcaya, Pangasinan, at Cagayan. Noong Setyembre 6,
1900, dumating siya sa Palanan, Isabela. Dito
nakilala si Gregorio Del Pilar dahil sa kanyang
ginawang pagtatanggol kay Aguinaldo.
Hinarangan ni Del Pila rang Pasong Tirad upang
hadlangan ang pananalakay ng mga Amerikano.
Noong ika-2 ng Disyembre ay nangyari ang
labanan sa Pasong Tirad. Ang grupo ng mga
Photo credit:
Amerikano sa pamumuno ni Major Peyton March https://filipiknow.net/facts-about-
general-gregorio-del-pilar/
ay nakakita ng isang lihim na daan patungo sa
tuktok ng paso sa tulong ng isang Kristiyanong Igorot na nangangalang
Januario Galut. Dahil dito, madaling nagapi ang mga sundalong Pilipino at
dito rin ay nasawi si Gregorio Del Pilar. Di nagtagal ay nahuli ng mga
Amerikano si Aguinaldo sa pamumuno ni Koronel Frederick Funston. Noong
Abril 1, 1901 ay dinala ng mga Amerikano si Aguinaldo sa Maynila at dito
ay sumumpa siya sa katapatan
sa Estados Unidos at hinimok
niya ang mga Pilipino na
tanggapin na ang
kapangyarihan ng mga
Amerikano. Nguni tang pagsuko
ni Aguinaldo ay hindi
nangangahulugan ng

Photo credit https://en.wikipedia.org/wiki/Battle_of_Tirad_Pass


8
pagwawakas ng himagsikan. Patuloy na nakipaglaban ang mga Pilipino sa
mga Amerikano.

Labanan sa Balangiga

Isa sa pinakatanyag na labanan sa


pagitan ng mga Amerikano at mga
Pilipino ay ang Labanan sa Balangiga
na nagyari noong Setyembre 28, 1901
sa pamumuno ni Hen. Vicente Lukban
sa isla ng Samar. Mahigit sa
apatnapung sundalong Amerikano ang
Photo credit:
napatay sa labanang ito sa
https://karlomongaya.wordpress.com/2015/0
3/01/digmaang-pilipino-amerikano-1899- pamamagitan ng isang sorpresang pag-
1916-ang-kinalimutang-digmaan/
atake at pagtutulungan ng buong
bayan ng Balangiga. Dahil sa dami ng mga Amerikanong namatay sa
labanang ito, tinagurian ang insidenteng ito na Balangiga Massacre na
nabalita maging sa mga pahayagan sa Estados Unidos. Bilang paghihiganti,
ang mga Amerikano ay nagsagawa ng kontra-opensiba sa pangunguna ni
Koronel Jacob Smith. Lahat ng batang lalaki mula sampung taong gulang
pataas ay pinag-utos na patayin dahil sa kakayahan nilang humawak ng
armas. Sa loob ng anim na buwan ang Balangiga ay nagmistulang isang
ilang o disyerto dahil sinunog ng mga Amerikano ang buong bayang ito.

Pagyamanin

Tukuyin ang isinasaad ng bawat pahayag sa hanay A. Piliin ang sagot


sa hanay B. Titik lamang ang isulat sa linya.
A B
____1. Amerikanong lumusob sa kampo ng a. Komodor George Dewey
Mga Espanyol sa Look ng Maynila
____2. Nagpahayag ng Benevolent Assimilation b. William McKinley

9
____3. Ang nakahuli kay Aguinaldo pagkatapos
Ng labanan sa Tirad Pass c.Heneral Gregorio Del
Pilar
____4. Nagpaputok sa dalawang Pilipinong
Naglalakad sa isang baryo sa Sampaloc d. Frederick Funston
____5. Bayani ng Pasong Tirad e. Heneral Vicente Lukban
____6. Nagturo ng lihim na daan sa mga Amerikano
Papasok sa Pasong Tirad f. Januario Galut
____7. Nanguna sa Labanan sa Balangiga g. Emilio Aguinaldo
____8. Nagwakas ang Digmaang Pilipino- h. William McKinley
Amerikano sa kanyang pagsuko i. William W. Grayson
____9. Namumuno sa grupo ng Amerikano j. Balangiga Massacre
Na siyang nakakita sa ilang lihim na h. Major Peyton March
Daan patungo sa tuktok ng paso sa
Tulong ng isang Kristiyanong Igorot.
____10. Pinakatanyag na labanan sa Panahon
Ng Amerikano at Pilipino na Digmaan

Isaisip
Gumawa isang journal para sa sagot sa tanong na nasa ibaba. Isulat
sa isang malinis na papel ang iyong sagot.
Sa murang isipan, may magandang epekto bang maibibigay kung tayo
ay patuloy na naglalaban at nagsisiraan sa bawat isa sa atin? Bakit?

10
Isagawa

Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng Pananakop ng mga Amerikano at


naging kabilang sa naghangad ng Kalayaan, sino sa mga bayani sa listahan
ang susundin mong pinuno? Lagyan ng tsek ang iyong napili. Isulat ang
dahilanng iyong pagpili sa ikalawang linya.

____1. Emilio Aguinaldo ___________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

____2. Gregorio Del Pilar___________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

____3. Heneral Vicente Lukban_____________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

____4. Januario
Galut______________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

____5. Andres Bonifacio____________________________________________________

11
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

____6. Macario Sakay______________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Tayahin

Suriin ang mga pahayag. Isulat ang A kung ang nakatalang pahayag
ay tumutukoy sa pangyayari sa Unang Putok sa panukulan ng Silencio at
Sociego, Sta. Mesa, B kung ito ay tumutukoy sa Labanan ng Tirad Pass, at
C kung ito ay tumutukoy sa Balangiga Massacre.
______ 1. Nagsimula ang digmaan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano.
______ 2. Isang Kristiyanong Igorot ang nagturo ng lihim na daan sa mga
Amerikano na naging sanhi ng pagkasawi ni Del Pilar.
______3. Pinaputukan ang dalawang Pilipino ng sundalong Amerikano na
naging dahilan sa pagsiklab ng digmaang Pilipino at Amerikano.
______4. Pinatay ang mga batang lalaki mula sampung taong gulang pataas.
______5. Nahuli si Aguinaldo at sumumpa sa katapatan sa Estados Unidos.
______6. Pinakamatanyag na labanan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano.
______7. Sa Kalye ng Santa Mesa, Maynila kung saan nagkabarilan ang
pwersang Pilipino at Amerikano.
______8. Labanang ito nagwakas ang Digmaang Pilipino at Amerikano na
tinaguriang pinakamatapang na labanan ng mga Pilipino sa pagtatanggol ng
kalayaan sa ating bansa.
______9. Dito nakilala si Gregorio Del Pilar dahil sa kanyang ginawa para sa
ating bayan.
_____10. Sa loob ng anim na buwan ang bayan ay nagmistulang isang
ilang o disyerto dahil sinunog ng mga Amerikano ang buong bayang ito.

12
Karagdagang Gawain

Sa iyong learning journal, sagutin ang mga mahahalagang tanong sa


ibaba bilang paglalahat sa araling ito.
Talakayin ang mga nangyari sa digmaang Pilipino-Amerikano sa
talahanayan at pagkatapos ay maglahad ng kung anong emosyon o
damdamin ang naghari sa iyong puso hinggil sa mga pangyayari ito. Sa huli
ay sumulat ng kongklusyon kung paano mapahahalagahan ang mga
nakatalang pangyayari.

Pangyayari Detalye ng Pangyayari Emosyong


Naramdaman

Unang Putok sa
panulukan ng Calle
Sociego, Sta. Mesa

Labanan sa Pasong
Tirad

Labanan sa Balangiga

Kongklusyon

13
Susi sa Pagwawasto

Tayahin Pagyamanin Subukin


1. A 1. A 1. B 10. I
2. B 2. B 2. A 11. J
3. A 3. D 3. E 12. D
4. C 4. I 4. G 13. O
5. B 5. C 5. H 14. F
6. C 6. F 6. R 15. C
7. A 7. E 7. K 16. M
8. C 8. G 8. N 17. L
9. B 9. H 9. Q 18. P
10. C 10. J

14
Sanggunian

Julian, A.G. & Lontoc, N. (2016). Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino, pp.76-85,
Phoenix Publishing House Inc., Quezon City, Philippines.

https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/boy-thinking-with-a-book-vector-16049048

https://www.google.com/search?
q=Sample+of+Application+style+of+test+sa+Labanan+ng+Amerikano+at+Pilipino&source=lnms&tbm
=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjwuce1n9DqAhXDE4gKHQniDzsQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=60
8#imgrc=ozy4sqK0H3KnSM

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Division of Bohol

Office Address : 50 Lino Chatto Drive, Barangay Cogon, Tagbilaran City


Telefax: : (038) 501-7560
E-mail Address : deped.bohol@deped.gov.ph

You might also like