You are on page 1of 26

6

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Natatanging Pilipinong
Nakipaglaban para sa Kalayaan
Araling Panlipunan – Ikaanim Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Natatanging Pilipinong Nakipaglaban para sa Kalayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Dibisyon ng Maynila.

Management and Development Team


Schools Division Superintendent: Writer: Maria Magdalena M. Lim CESO V
Chief of Education Supervisor: Aida H. Rondille
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID LRMS Librarian II: Lady Hannah C. Gillo
CID LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg
Editor: Myrna G. Soriano, Public Schools District Supervisor
Writer: Jennet G. Mercado, MT I

Inilimbag sa Pilipinas ng

Office Address:

Telefax:
E-mail Address:
6

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Natatanging Pilipinong
Nakipaglaban para sa Kalayaan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan VI ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Natatanging Pilipinong
Nakipaglaban para sa Kalayaan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan VI ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Natatanging Pilipinong Nakipaglaban para sa Kalayaan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na

iii
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Binubuo ang modyul na ito ng mga aralin tungkol sa Natatanging Pilipinong


Nakipaglaban para sa Kalayaan. Basahin at unawain itong mabuti . Ang modyul
na ito ay ginawa upang gabayan ka na maunawaan nang lubos ang mga paksa at
matuto ng mga bagong kasanayan.

Pinakakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto

Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong


nakipaglaban para sa kalayaan

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin na may kinalaman sa:


 Aralin : Natatanging Pilipinong Nakipaglaban para sa Kalayaan
o Dr. Jose Rizal
o Andres Bonifacio
o Emilio Jacinto
o Marcelo H. Del Pilar
o Graciano Lopez-Jaena
o Emilio Aguinaldo
o Gregorio Del Pilar
o Apolinario Mabini
o Antonio Luna
o Miguel Malvar
o Iba pang bayaning Pilipino

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan; at
2. Nabibigyang halaga ang kanilang nagawa sa pagbuo ng Pilipinas bilang
isang bansa.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

1. Si Heneral Gregorio del Pilar ay tinaguriang Bayani ng Pasong Tirad.


Paano niya ipinagtanggol ang ating bansa?
A. Pinangalagaan niya ang pagtakas ni Emilio Aguinaldo sa pamamagitan
ng pagharang sa mga sundalong Amerikano
B. Pinagpatuloy ang laban sa Pasong Tirad hanggang napasuko ang mga
sundalong Amerikano.
C. Pinasunog niya ang mga kagamitan ng mga sundalong Amerikano.
D. Tinugis niya ang mga kawal na Amerikano sa Pasong Tirad.
2. Mahalaga ang papel na kanyang ginampanan sa kasaysayan ng
Pilipinas. Kinilala siya bilang Utak ng Himagsikan at Dakilang Lumpo.
A. Vicente Lukban C. Melchora Aquino
B. Antonio Luna D. Apolinario Mabini
3. Maituturing na pinakabata at kauna-unahang Pangulo ng Unang
Republika ng Pilipinas.
A. Antonio Luna C. Macario Sakay
B. Emilio Aguinaldo D. Gregorio del Pilar
4. Ano ang ginawa ng mga Pilipinong nakaranas ng matinding pang-aabuso
mula sa mga Espanyol?
A. Sumunod sila sa kagustuhan ng mga Espanyol.
B. Ipinagwalang bahala nila ang pagpapahirap ng mga Espanyol.
C. Tinanggap ng mga Pilipino ang mga pang-aabuso ng mga Espanyol.
D. Naglunsad ng pag-aalsa ang maraming Pilipino laban sa mga Espanyol
5. Isa si Macario Sakay sa mga nakipaglaban para sa kasarinlan ng bansa.
Paano niya ito isinagawa?
A. Nagpasimula ng labanan sa mga mananakop.
B. Nagtatag ng sariling Republika sa Katagalugan.
C. Gumamit ng taktikang militar na natutuhan sa Europa.
D. Nagtatag ng samahan upang lumaban sa mga Amerikano.

2
Aralin Natatanging Pilipinong
7 Nakipaglaban para sa
Kalayaan
Sa pamamagitan ng araling ito, matutukoy natin ang mga kontribusyon o
naging ambag ng mga natatanging Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan.
Bibigyang halaga rin ang kanilang nagawa sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang
bansa.

Balikan

Makulay ang mga pangyayari sa pagsisimula ng Digmaang Pilipino-Amerikano


hanggang sa pagwawakas nito ang tinalakay sa nakaraang modyul.

Sa pamamagitan ng talahanayan sa ibaba, sagutin ang gabay na tanong.

Ano ano ang mga kaganapang nangyari sa pagsiklab ng Digmaang Pilipino –


Amerikano? Ano ang damdaming naghari sa puso hinggil sa mga pangyayaring
ito? Sa huli, paano mo mapahahalagahan ang mga ito?

Pangyayari Detalye ng Emosyong


Pangyayari Naramdaman

1. Unang Putok sa
Panulukan ng Kalye Sociego,
Sta. Mesa

2. Labanan sa Pasong Tirad

3. Labanan sa Balangiga,
Samar

Konklusyon/Pagpapahalaga

3
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at
maunawaan ng mga mag-aaral ang mahahalagang kasanayan sa
pagkatututo. Binigyang pansin din sa mga gawain ang paglinang
sa 5Cs na kasanayan: Pakikipagtalastasan (Communication);
Pagtutulungan (Collaboration); Pagkamalikhain (Creativity);
Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking); at Pagbuo ng Pagkatao
(Character Building). Makikita rin ang aralin na ito online.
Bilang tagapagdaloy ng modyul na ito inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga
mag-aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat lingo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/guardian
upang matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing
itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa
pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw na instruksyon sa
pagkatuto.

4
Tuklasin

Gawain 1: KILALANIN MO!

Maraming Pilipino ang nagbuwis ng sariling buhay dahil sa marubdob na


hangaring maging malaya sa ilalim ng pamamalakad ng mga mananakop.
Nagsakripisyo sila at naging katangi-tangi upang ipagtanggol ang karapatan at
maging maayos ang kalagayan ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Nakikilala mo ba sila? Sino- sino ang mga nasa larawan?

Bakit itinuring na mga natatangi ang mga Pilipinong nasa larawan?

https://www.google.com/search?q=mga+bayani&rlz=1C1MSIM_enPH848PH
848&sxsrf=ALeKk03uwYy46D7XL6Ko26DmbrffSww2YQ:1589703743195&tb
m=isch&source=iu&ictx=1&fir=1n2xtCPYEhlXCM%253A%252C3x-
AdrzhDSnvoM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kRWDmAEDgFWbmD6zql_9_IDLxS-
vA&sa=X&ved=2ahUKEwjvxqT3u7rpAhUPEqYKHY1OAqQQ9QEwAHoECAUQ
KA#imgrc=ZRlA_NJpPfbLeM

Suriin

Mithiin ng bawat mamamayang Pilipino na mabuhay nang payapa at


malaya. Maraming mga Pilipino ang nagpakita ng maalab na pagmamahal sa
bansa sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagpapahalaga, pagmamalaki at
pagpapamalas ng angking tapang at talino laban sa mapang-api at mapang-
abusong mananakop sa panahon ng digmaan. Mababakas sa kasaysayan ang
ginawang pagpupunyagi ng mga natatanging Pilipino na nagbuwis ng buhay upang
ganap na maging malaya ang ating bansa. Sa nagdaang mga paghihimagsik o pag-
aalsa, napatunayan na ng mga ito ang malaking pagbabago sa kalagayan ng ating
pamumuhay bunga ng kanilang pagsisikap na lumaban sa mga dayuhan upang
makamtan ang inaasam. Kabilang sa ilang mga natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan ay tatalakayin sa modyul na ito.

5
Jose Rizal Si Dr. Jose Rizal na isa sa mga kinikilalang bayani ng
bansa ay tubong Calamba, Laguna. Siya ay sumulat ng
dalawang nobela, ang Noli Me Tangere at El Filibusterimo
na kapwa naglalahad ng pang-aabuso ng mga Espanyol sa
mga Pilipino at nagbubunyag sa maling pamamalakad ng mga
ito.
Noong Hulyo 3, 1892, itinatag ni Rizal ang samahang La Liga
Filipina. Ang samahan ay may layunin na pagkaisahin ang
mga Pilipino at itaguyod ang pag-unlad ng komersyo,
industriya at agrikultura. Subalit dahil sa samahang ito,
ipinakulong siya sa Fort Santiago at kalaunan ay ipinatapon
sa Dapitan. Sa panahon ng pamamalagi niya rito,
https://www.google.com/search?q=jose+r
izal&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848&sxsrf nanggamot siya ng mga maysakit at hinikayat ang mga tao
=ALeKk026UAP1iIXNRuf1zHsTvqsisVIuA:1
592924042353&source=lnms&tbm=isch&
sa=X&ved=2ahUKEwiR8cq9mJjqAhUGGaY
rito na paunlarin ang kapaligiran. Noong Disyembre 30,
KHSwQAnQQ_AUoAXoECCUQAw&biw=13
66&bih=608#imgrc=kZdyeHGw7jR9aM
1896, hinatulan si Rizal ng kamatayan dahil napagbitangan

siyang nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila at binaril sa Bagumbayan


(ngayon ay Luneta o Rizal Park).

Maaari mong panoorin ang link na ito tungkol kay Dr. Jose Rizal.
https://www.youtube.com/watch?v=X1YG4ICvjPc

Andres Bonifacio Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Kataas-taasan,


Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK
at itinuturing na “Ama ng Himagsikan”. Tinagurian siyang
Supremo ng Katipunan dahil siya ang Pangulo ng
Kapisanang Mapanghimagsik. Mula sa isang mahirap na
pamilya, maagang naulila si Bonifacio at ang mga kapatid
nito. Sa edad na 14, binuhay niya ang kanyang mga kapatid
sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga bastong kawayan at
papel na abaniko at nagtatrabaho siya bilang mensahero.
https://images.app.goo.gl/9Z4LmP

Itinatag niya ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892.


BkZr8ydt8Y7

https://www.google.com/search?q=bonifacio&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848&sxsrf=ALeKk01jaLAtUGhdHw1-
Bunga ito ng kabiguan ng mapayapang kampanya para sa reporma ng La
AfG3Y1cTQEfkuw:1592926234480&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjG4u_SoJjqAhXzy4sBHQUaA7
UQ_AUoAnoECB8QBA#imgrc=cMKR0jQsxocSuM
Solidaridad at ng naganap na pagdakip kay Dr. Jose Rizal at pagpapatapon rito
sa Dapitan. Ang lihim na kapisanang kanyang itinatag ay lumaganap bago
natuklasan at sumiklab ang Himagsikang Pilipino noong Agosto 1896. Subalit
dahil sa hidwaan ng dalawang pangkat ng mga Katipunero, ang Magdiwang at
Magdalo sa Cavite, naging mitsa ito ng di pag-kakaunawaan sa pagitan nina
Bonifacio at Aguinaldo. Nahatulan ang una ng sedisyon at pinarusahan ng
kamatayan. Noong ika-10 ng Mayo 1897, dinala si Bonifacio at kapatid na
Procopio sa Bundok Buntis at pinatay.

Maaari mong panoorin ang link na ito tungkol kay Andres Bonifacio
https://www.youtube.com/watch?v=wzYKNkVvHtM

6
Emilio Jacinto

Si Emilio Jacinto ang tinaguriang “Utak ng


Katipunan” dahil sa kanyang mga isinulat para sa Katipunan
kabilang dito ang Kartilya ng Katipunan na
kinapapalooban ng mga aral at tuntunin na dapat sundin ng
mga kasapi ng samahang KKK. Siya rin ang editor ng
“Kalayaan”, ang opisyal na pahayagan ng Katipunan.
Ginamit niya ang sagisag na “Pingkian at Dimas-ilaw”. Sa
kanyang murang edad, nahalal siyang Kalihim ng Kataas-
taasang Sanggunian at hinirang na tagapayo ng Supremo ng
Katipunan.
https://www.google.com/search?q=emilio+jacinto&t
bm=isch&ved=2ahUKEwi096bUoJjqAhXsw4sBHXJ1B
Nang pataksil na ipapatay si Bonifacio sa Cavite, gamit ang
CoQ2cCegQIABAA&oq=emilio+&gs_lcp=CgNpbWcQA
RgBMgQIIxAnMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgIIA kanyang talino ay ipinagpatuloy ni Jacinto ang pakikibaka
laban sa mga Espanyol. Subalit dinapuan siya ng sakit na
DICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAOgUIABCxA1Dd4gl
Yh4JYPv6CWgAcAB4AIABhgKIAaEGkgEFNC4yLjGYAQ
CgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=HSD
yXvT0HOyHr7wP8uqR0AI&rlz=1C1MSIM_enPH848P
H848#imgrc=dBNGroTZp6oQzM malarya sa edad na 24 na naging mitsa ng kanyang maagang
kamatayan.

Maaari mong panoorin ang link na ito tungkol kay Emilio Jacinto.
https://www.youtube.com/watch?v=ZuGFCdIHph8

Marcelo H. del Pilar


Si Marcelo H. Del Pilar ay kilala bilang dakilang
Propagandista, isang ilustrado at may taguring Plaridel. Siya
rin ang nagtatag ng Diariong Tagalog, kung saan
binabatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at
kalupitan ng pamahalaang Espanyol. Dahil sa tahasang
pagbatikos sa mga maling gawain ng mga Kastila, iniutos ng
mga ito na hulihin siya. Nakatakas si del Pilar at nagpasyang
pumunta sa Espanya at sumapi sa mga Pilipinong
Propagandista na lumalaban para sa reporma. Noong Enero
12, 1889, pinangunahan ni del Pilar ang pagtatatag ng isang
https://www.google.com/search?q=marc
elo+h+del+pilar&tbm=isch&ved=2ahUKEw pangkat pampulitika na binubuo ng mga Pilipinong
Propagandista at upang manawagan sa pagkakaroon ng
jDwpWjoZjqAhVJzIsBHbLSBBYQ2-
cCegQIABAA&oq=marcelo+h+del+pilar&gs

pagbabag
_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgIIADI
CCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICC
AAyAggAOgQIIxAnOgUIABCxA1Cb3QlYzvo

Noong ika-15 ng o sa Pilipinas.1889, pinalitan niya si Jaena bilang patnugot ng


Disyembre
La Solidaridad, ang opisyal na pahagayan ng Kilusang Propaganda na nagsilbing
tinig ng kilusan. Katulad ni Bonifacio, naniniwala rin si del Pilar sa paghihimagsik.
Nagpasya siyang makipagtulungan rito subalit nagkasakit siya ng tuberkulosis at
hindi na naipagpatuloy ang kanyang mga adhikain.

Maaari mong panoorin ang link na ito tungkol kay Marcelo H. del Pilar.
https://www.youtube.com/watch?v=_N_OXjRV8YE

7
Graciano Lopez-Jaena
Isang Pilipinong manunulat, ang Prinsipe ng mga
Orador, rebolusyunaryo at bayaning mula sa Iloilo. Nakilala
bilang patnugot ng La Solidaridad na inilunsad noong ika-15
ng Pebrero 1889 sa Barcelona ang bayaning si Graciano
Lopez-Jaena. Ang pahayagang La Solidaridad ay
naglalathala ng mga artikulo laban sa mga Espanyol.

Siya rin ang may akda ng Fray Botod na nagsisiwalat


ng pagmamalabis ng mga prayleng Espanyol kung kaya’t
nagalit ang mga ito at ipinadakip siya. Tumakas siya
https://www.google.com/search?q=gracia
no+lopez+jaena&tbm=isch&ved=2ahUKE
patungong Espanya at naging masigasig sa pagbuo ng
wio8oTyoZjqAhVIb5QKHQ0SDzsQ2-
cCegQIABAA&oq=gracian&gs_lcp=CgNpb
Kilusang Propaganda.
WcQARgAMgQIIxAnMgQIABBDMgIIADIEC
AAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMg
IIADoHCAAQsQMQQzoF Namatay siya sa Barcelona sa sakit na tuberkulosis
subalit ang kanyang mga labi ay hindi na naiuuwi sa bansa
at nakalibing sa isang mass grave doon.

Maaari mong panoorin ang link na ito tungkol kay Graciano Lopez Jaena.
https://www.youtube.com/watch?v=uZJEKzvZmFo

Emilio Aguinaldo
Si Emilio Aguinaldo ay isang Pilipinong heneral,
pulitiko at pinuno ng kalayaan na nakibaka para sa
kasarinlan ng bansa. Pinamunuan niya ang isang nabuong
pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896 at isang pag-aaklas
sa mga Amerikano noong 1899 hanggang 1901. Nahalal
siyang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas at
nagpahayag ng kasarinlan ng bansa noong Hunyo 12, 1898
sa Kawit, Cavite.
Noong Marso 23, 1901, nadakip siya ng mga grupo ng
https://www.google.com/search?q=emili
o+aguinaldo&rlz=1C1MSIM_enPH848PH
Amerikano sa pamumuno ni Hen. Frederick Funston sa
848&sxsrf=ALeKk03LBCF7nH7WucDy3
6x_zxZMvfaMbQ:1589585143552&sourc Palanan, Isabela. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados
e=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEw
iGgcmOgrfpAhVCCqYKHRvjBOwQ_AUoA
XoECB8QAw#imgrc=Jw3ZUVpr86ZWkM
Unidos noong Abril 19, 1901. Tumakbo siyang muli bilang
&imgdii=icgZnsZ856awjM
pangulo noong 1935 ngunit natalo siya ni Pang. Manuel L.
Quezon sa halalan. Siya ang maituturing na pinakabatang
naging pangulo ng Pilipinas.

Maaari mong panoorin ang link na ito tungkol kay Emilio Aguinaldo.
https://www.youtube.com/watch?v=JlEJa7PuXLk

8
Antonio Luna
Si Antonio Luna ay isang magiting na heneral at
pinuno ng hukbong Pilipino na nakipaglaban rin para sa
inaasam na kalaayan ng bansa. Natatangi siya sa ibang
pinuno sapagkat kinakitaan siya ng talino, lakas, bilis at
higit sa lahat ay husay sa taktikang militar. Dahil sa taglay
na karunungan, naging manunulat din si Luna kasama ang
iba pang nakapag-aral na Pilipino noon. Kalaunan ay naging
kaanib siya ng Katipunan, kasama ang kanyang kapatid na
si Juan Luna.

https://www.google.com/search?q=anto
Bilang isang disiplinado, masipag, matalino at
nio+luna&tbm=isch&ved=2ahUKEwjco8
KPgrfpAhXrxosBHdNSDPEQ2-
matapang na heneral, nagbigay daan ito upang kilalanin siya
cCegQIABAA&oq=antonio+&gs_lcp=CgN
pbWcQARgAMgQIABBDMgQIABBDMgQI ng kanyang mga kalabang Amerikano noong panahon ng
digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas. Subalit
ABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAy
AggAMgIIADoECCMQJ1Cri3FYkrJxYOq7
cWgAcAB4AYAB9waIAb0bkgENMC4xLjA
uMS4yLjIuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aX
otaW1n&sclient=img&ei=-
noong Hunyo 5, 1899, pinatay siya ng mga sundalo ni
SS_XpzDIOuNr7wP06WxiA8&rlz=1C1MS
IM_enPH848PH848#imgrc=0PLPfs_RDFv
Aguinaldo.
dBM

Maaari mong panoorin ang link na ito tungkol kay Antonio Luna.
https://www.youtube.com/results?search_query=talambuhay+ni+antonio+luna

Gregorio del Pilar


Bayani ng “Tirad Pass” ang taguri kay Hen.
Gregorio del Pilar. Sa kanyang murang edad ay itinalaga
siya ni Pang. Emilio Aguinaldo bilang pinakabatang
heneral.
Umaga ng Disyembre 2,1899, sinugod ang Pasong
V
Tirad ng mga Amerikano sa pangunguna ni Major Payton
C. March. Bilang kanang kamay ni Aguinaldo, nanguna si
del Pilar sa paghadlang sa makipot na daan sa Pasong Gregorio del Pilar
Tirad upang maantala ang pagtugis kay Aguinaldo ng mga
Amerikano. Noong una ay napigilan ng mga sundalong https://www.google.com/search?q=greg
orio+del+pilar&tbm=isch&ved=2ahUKEw
Pilipino ang pag-atake ng mga kaaway ngunit isang taksil jkzNubibfpAhWPG6YKHdUXBVIQ2-
cCegQIABAA&oq=gregorio+&gs_lcp=CgN

na espiya, si Januario Galut ang nagkanulo sa mga pbWcQARgAMgQIABBDMgIIADICCAAyA


ggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyA

sundalong Pilipino kaya nakapasok ang mga kalaban. Sa ggAOgQIIxAnUOnHLViF1y1gpt4taABwA

araw ding iyon, nabaril at binawian ng buhay si Hen.


Gregorio del Pilar, ang pinakabatang heneral sa gulang na
24.

Maaari mong panoorin ang link na ito tungkol kay Gregorio del Pilar.
https://www.youtube.com/watch?v=Lo4mlGm0wB4

9
Miguel Malvar
Si Hen. Miguel Malvar ay isinilang noong
Setyembre 27, 1865 sa Baryo San Miguel, Sto. Tomas,
Batangas. Mula sa mahirap na pamilya, kapos sa
mataas na pinag-aralan ang heneral kung kaya’t
nagpatuloy na lamang siya sa pagsasaka at
pangangalakal. Sa mga panahon ng pagsisimula ng
Himagsikang 1896, si Malvar ang namuno sa
paghihimagsik laban sa mga Kastila sa Batangas.
https://www.google.com/search?q=miguel+malva
Hinirang siya ni Aguinaldo bilang Tenyente Heneral
r&tbm=isch&ved=2ahUKEwi4iZWEjLfpAhWGEKY
KHb-OBO0Q2-
noong Marso 31, 1897 at naging tagapayo nito sa mga
cCegQIABAA&oq=miguel+&gs_lcp=CgNpbWcQARg
AMgQIABBDMgIIADICCAAyBAgAEEMyAggAMgIIA bagay na pang-militar. Pinamunuan niya ang ilang pag-
DICCAAyAggAMgIIADICCABQobdLWNfBS2CKyEto
AHAAeAGAAeQEiAGGEpIBCzAuMS4zLjEuMS4xm aalsa subalit kasama siya sa ipinatapon ng mga
AEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei
=Xi_XrjiBIahmAW_nZLoDg&rlz=1C1MSIM_enPH8
48PH848#imgrc=Hbf4dCx7fiG2mM
Amerikano sa bansang Hongkong nang malagdaan ang
“Kasunduan sa Biak-Na-Bato”. Nagunit nang madakip
si Aguinaldo noong Abril 16, 1902, sumuko siya kay
Hen. Bell at nanatili sa bansa hanggang sa kanyang kamatayan noong Oktubre
13, 1911.

Maaari mong panoorin ang link na ito tungkol kay Miguel Malvar.
https://www.youtube.com/results?search_query=talambuhay+ni+miguel+malvar

Apolinario Mabini
Si Apolinario Mabini ay ipinanganak sa baryo ng
Talaga, Tanauan, Batangas. Siya ay kilala bilang “Dakilang
Lumpo” at “Utak ng Himagsikan”. Nagsilbi rin siyang
tagapayo ni Pang. Aguinaldo. Nang sumiklab ang digmaan
sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini
papuntang Nueva Ecija at kalaunan nadakip ng mga
Amerikano at ipinatapon sa Guam kasama ng iba pang mga
Pilipino. Namatay si Mabini sa gulang na 39 dahil sa kolera.

https://www.google.com/search?q=mga+bayani&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848&sxsrf=ALeKk03uwYy46D7XL6Ko26DmbrffSww2YQ:1589703743195
&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=1n2xtCPYEhlXCM%253A%252C3x-AdrzhDSnvoM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kRWDmAEDgFWbmD6zql_9_IDLxS-
vA&sa=X&ved=2ahUKEwjvxqT3u7rpAhUPEqYKHY1OAqQQ9QEwAHoECAUQKA#imgrc=-B-PlG61FBMMLM

Maaari mong panoorin ang link na ito tungkol kay Apolinario Mabini.
https://www.youtube.com/watch?v=RwDuZVFvgec

10
Iba Pang Natatanging Pilipinong Nakipaglaban para sa Kalayaan

 Lumaban sa himagsikan laban sa Espanyol at sa digmaan


laban sa mga Amerikano
 Ipinagpatuloy ang laban sa Amerikano kahit na nahuli na si
Aguinaldo
 Nagtatag ng “Republikang Tagalog” sa kabundukan ng Sierra
Madre na ang pangunahing misyon ay labanan ang pananakop
Macario Sakay
ng mga Amerikano
https://www.google.com/search?q=
macario+sakay&tbm=isch&ved=2ah
 Tinawag na tulisan o bandido ng mga Amerikano
UKEwi8nrHTkLfpAhUB3pQKHT53Cj
kQ2cCegQIABAA&oq=macario+&gs_l  Hulyo 14, 1906 – sumuko ngunit nilinlang at binitay ng mga
cp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyA
ggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCA
AyAggAMgIIADoECAAQQzoECCMQJ
Amerikano noong Setyembre 13, 1907
zoECAAQA1CU5lJYlINTYI6LU2gCcA
B4AIABgQOIAcMUkgEHMC4yLjUuM
5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&
sclient=img&ei=NTS_XvyvOoG80wS-
7qnIAw&rlz=1C1MSIM_enPH848PH8
48#imgrc=oHmFDQUBwsHjtM

 Pinuno ng hukbong nakipaglaban sa mga Amerikano sa Timog


Luzon
 Pinamahalaan ang Samar at Leyte noong panahon ng Unang
Republika
 Namuno sa pakikidigma sa mga Amerikano sa Balangiga,
Samar kung saan natalo ang mga Amerikano
https://www.google.com/search?q=vicente+lukban&tbm=isch&ved=2ahUKEwim7dvdlbfpAhVBY5QKHQD0CewQ2-
Vicente Lukban cCegQIABAA&oq=vicente+lukban&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAUQHjIECAAQGDIECAAQGDoECAAQQzoGCAAQCBAeOg
QIABAeOgYIABAKEBhQpc4jWJrhI2DU4yNoAHAAeACAAakDiAHYGZIBCTAuNC40LjMuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&scli
ent=img&ei=iTm_XuaEMcHG0QSA6KfgDg&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848#imgrc=kLKxK1J1dCcGyM

Marami pang mga bayaning Pilipino ang nag-alay ng buhay, talino,


kakayahan at lakas para sa kalayaan ng bansa. Sa mga bayaning ito utang natin
ang tinatamasang kalayaan sa kasalukuyan. Isang pagpupugay, pagkilala at
pagpapahalaga sa kanilang mga nagawa ang dapat nating ibigay sa kanila bilang
mga bagong henerasyon.

11
Pagyamanin

Gawain 2: SINO SIYA?


Panuto: Sinong natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan ang
tinutukoy sa bawat pangungusap? Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

1. Sinong MS ang nagtatag ng Republikang Tagalog sa


kabundukan ng Sierra Madre?
2. Anong FB ang akda ni Graciano Lopez-Jaena na nagpapahayag
ng pagmamalabis at maling pamamalakad ng mga prayleng
Espanyol?
3. Sinong EA ang pinakabatang naging Pangulo ng Pilipinas?
4. Sinong GLJ ang unang patnugot ng La Solidaridad?
5. Anong LS ang opisyal na pahayag ng Kilusang Propaganda?
6. Sinong MHDP ang humalili kay Graciano Lopez-Jaena bilang
patnugot ng La Solidaridad?
7. Sinong AM ang tinaguriang Dakilang Lumpo at naging tagapayo
rin ni Emilio Aguinaldo?
8. Sinong GDP ang kinilalang bayani ng Pasong Tirad?
9. Anong K ang opisyal na pahayagan ng Katipunan?
10. Sinong AB ang Supremo ng Katipunan?

12
Gawain 3: Tama o Mali
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama kung wasto ang
ipinapahayag ng mga pangungusap at Mali kung hindi.

1. Si Emilio Aguinaldo ang kauna-unahang pangulo ng Unang Republika ng


Pilipinas.
2. Bayani ng Pasong Tirad ang taguri kay Miguel Malvar.
3. Ang nagtatag ng Republikang Tagalog ay si Macario Sakay.
4. Si Gregorio del Pilar ang pinakabatang heneral ng Batangas na sumuko sa
mga Amerikano noong panahon ng digmaan.
5. Si Vicente Lukban ang namuno sa pakikidigma sa mga Amerikano sa
Balangiga, Samar kung saan natalo nila ang mga dayuhan.

Isaisip

 Maraming natatanging Pilipino ang nagbuwis ng buhay upang maipaglaban


ang kalayaan ng bansa.
 Kabilang dito ang sumusunod:
a. Dr. Jose Rizal – pambansang bayani ng Pilipinas at tanyag sa nobelang
Noli Me Tangere at El Filibusterimo
b. Andres Bonifacio – nagtatag ng KKK o ang Supremo ng Katipunan
c. Marcelo H. del Pilar – humaliling patnugot ng La Solidaridad
e. Graciano Lopez-Jaena – patnugot ng La Solidaridad at may akda ng Fray
Botod
f. Emilio Jacinto - Utak ng Katipunan at sumulat ng Kartilya nito.
g. Emilio Aguinaldo – kauna-unahang Pangulo ng Unang Republika ng
Pilipinas
h. Antonio Luna - magiting na heneral at pinuno ng hukbong Pilipino na
pinatay ng mga sundalo ni Aguinaldo
i. Gregorio del Pilar – ang bayani ng Tirad Pass
j. Miguel Malvar – namuno sa paghihimagsik sa mga Kastila sa Batangas
k. Apolinario Mabini – ang “Dakilang Lumpo” at tagapayo ni Aguinaldo
 Iba pang natatanging at bayaning Pilipino sina Macario Sakay, Vicente
Lukban at iba pa.
 Malaki ang bahaging ginampanan ng mga natatanging Pilipinong ito sa
kalayaang tinatamasa natin sa kasalukuyan kaya nararapat lamang na sila
ay ipagmalaki, hangaan, pahalagahan at huwag kalimutan.

13
Isagawa

Gawain 4: PARA SA’YO, LIHAM KO


Panuto: Sumulat ng isang liham pasasalamat para sa mga natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa.

Liham Pasasalamat

14
Gawain 5: TINURAN KO: IPALIWANAG MO

Panuto: Basahin ang kawikaan at bahagi ng tula ng dalawang natatanging


bayaning Pilipino. Ano ang interpretasyon mo tungkol dito? Paano mo ito
isasabuhay?

1. “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda;


kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng Inang sa atin ay nagpala” (Jose P. Rizal)

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-


ibig sa tinubuang lupa. Aling pag-ibig pa, wala na nga wala. (Andres Bonifacio)

15
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

1. Si Apolinario Mabini ay isa sa mga nakipaglaban para sa kalayaan. Alin


sa mga sumusunod ang bahaging kanyang ginampanan sa kasaysayan ng
Pilipinas?
A. Pag-akda ng Saligang Batas ng Malolos
B. Pagtatatag ng Republika ng Biak-na-Bato.
C. Paglulunsad ng pinakamahabang pag-aalsa.
D. Pagsisilbi bilang tagapayo ni Emilio Aguinaldo.
2. Si Marcelo H. del Pilar na kilala sa tawag na Plaridel ay nakipaglaban sa
mga Espanyol upang makamit natin ang kalayaan. Paano niya ito
isinagawa?
A. sa pamamagitan ng pamamahayag
B. sa pamamagitan ng armadong pakikipaglaban
C. sa pamamagiatn ng pakikipagdayalogo sa mga Espanyol
D. sa pamamagitan ng pagsasadula nasa buhay ng mga Espanyol
3. Siya ang magiting na heneral at pinuno ng hukbong Pilipino na pinatay
ng mga sundalo ni Emilio Aguinaldo.
A. Gregorio del Pilar C. Antonio Luna
B. Miguel Malvar D. Macario Sakay
4. Sa pangkalahatan, ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa naging
karanasan nila sa mga Espanyol?
A. Nakipaglaban sila sa mga Espanyol.
B. Nagtiis sila sa pang-aabuso ng mga Espanyol.
C. Ipinagwalang-bahala nila ang kanilang kalagayan.
D. Natuto silang lumaban upang ipagtanggol ang kanilang karapatan.
5. Namuno sa paghihimagsik laban sa Kastila sa Batangas.
A. Emilio Aguinaldo C. Melchora Aquino
B. Miguel Malvar D. Gregorio del Pilar

16
6. Bilang kasapi ng Kilusang Propaganda noong 1872, ano ang naging
kontribusyon ni Graciano Lopez-Jaena sa sambayanang Pilipino?
A. Naglaan siya ng malaking pondo para sa samahan.
B. Gumawa siya ng mga pagtatanghal upang isiwalat ang maling
pamamahala ng mga Espanyol.
C. Inaruga niya ang mga Propagandistang nakaramdam ng pangungulila
sa Inang Bayan.
D. Itinatag niya ang pahayagang La Solidaridad na naglalaman ng mga
artikulong nagsisiwalat sa pang-aabuso at maling pamamalakad ng mga
Espanyol.
7. Pinuno ng hukbong nakipaglaban sa mga Amerikano sa Balangiga,
Samar.
A. Vicente Lukban C. Antonio Luna
B. Emilio Aguinaldo D. Apolinario Mabini
8. Ang mga makabayan at natatanging Pilipino ay buong giting na
nakipaglaban sa mga dayuhang mananakop sa iba’t ibang pamamaraan.
Ano ang kanilang magkakatulad na pinahahalagahan?
A. Pagbubuklod ng mag-anak.
B. Pagpapahalaga sa ari-arian.
C. Pagpapahalaga sa kalayaan.
D. Pagpapahalaga sa kapangyarihan.
9. Ano ang nilalaman ng Fray Botod na akda ng Prinsipe ng mga Orador na
si Graciano Lopez-Jaena?
A. Ipinapahayag ang suporta sa mga prayle.
B. Ipinagmamalaki ang kabutihang ginawa ng mga pari.
C. Ipinag-uutos na sundin ang magagandang aral ng mga pari.
D. Ipinapahayag ang tungkol sa maling pamamalakad at pang-aabuso ng
mga pari.
10. Iba’t ibang paraan ang ginamit ng mga bayani upang makamit ang
kalayaan ng bansa. Ilan sa mga ito ay sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H.
del Pilar at Graciano Lopez-Jaena. Anong paraan ang ginamit nila sa
pakikipaglaban upang nakamit ang kalayaan ng bansa?
A. Pakikipaglaban gamit ang armas.
B. Pagsisilbi sa mga dayuhang Espanyol.
C. Pakikipaglaban sa pamamagitan ng panulat.
D. Pagtalima sa mga utos ng mga dayuhang mananakop.

17
Karagdagang Gawain

Gawain 6: Magsaliksik Tayo!


Panuto: Pumili ng isa sa mga sumusunod na gawain. Sagutin ito sa iyong
kwaderno.

1. Magsaliksik tungkol sa talambuhay ng isang natatanging Pilipino


hinahangaan mo. Bakit mo siya hinahangaan? Paano mo maisasabuhay ang
kanyang mga aral o mga mabubuting katangian?

2. Pumili ng dalawang (2) aral sa Kartilya ng Katipunan na isinulat ni Emilio


Jacinto na nais mong gawing panuntunan sa buhay. Bakit mo ito napili?
Paano mo ito isasabuhay?

Gawain 7: KUMPLETUHIN MO!


Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap upang maipahayag ang iyong damdamin
o opinyon tungkol sa mga nagawa ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban
para sa kalayaan ng bansa.

1. Ang aking naramdaman ng nagbuwis ng buhay sina del Pilar, Malvar,


Luna at iba pa ay

2. Kahanga-hanga ang ginawa ng mga natatanging Pilipino sapagkat

3. Ang pagpapahalaga at pagmamalaki sa mga nagawa ng mga


natatanging Pilipino ay maipakikita ko sa pamamagitan ng

4. Ang mga katangiang maaari kong tularan sa mga natatanging Pilipino ay


.
Gagamitin ko ang mga katangiang ito sa/kung

5. Sa mga natatanging Pilipino labis kong hinahangaan si


Sapagkat
.

18
Susi sa Pagwawasto

Subukin Gawain 2 Gawain 3


1. A 1. Macario Sakay 1. Tama
2. D 2. Fray Botod 2. Mali
3. B
3. Emilio Aguinaldo 3. Tama
4. D
5. B
4. Graciano Lopez Jaena 4. Mali
5. La Solidaridad 5. Tama
6. Marcelo H. del Pilar
7. Apolinario Mabini
8. Gregorio del Pilar
9. Kalayaan
10. Andres Bonifacio

Tayahin
1. D
2. A
3. B

4. D
5. B
6. D
7. A

8. C
9. D
10. C

19
Sanggunian
Antonio, Eleonor D., et al, Kayamanan 6, Rex Bookstore, pp. 30 - 39
Baisa-Julian, Ailene, et al, Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino, Phoenix Publishing
House, pp. 38 - 59
https://www.youtube.com/watch?v=X1YG4ICvjPc
https://www.youtube.com/watch?v=Lo4mlGm0wB4
https://www.youtube.com/watch?v=_N_OXjRV8YE
https://www.youtube.com/watch?v=wzYKNkVvHtM
https://www.youtube.com/watch?v=uZJEKzvZmFo
https://www.youtube.com/watch?v=RwDuZVFvgec
https://www.youtube.com/watch?v=ZuGFCdIHph8
https://www.youtube.com/watch?v=JlEJa7PuXLk
https://www.google.com/search?q=mga+bayani&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848&sxsrf=ALeKk03uwYy46D7XL6Ko26DmbrffSww2YQ:1589703743195&tb m=isc
h&source=iu&ictx=1&fir=1n2xtCPYEhlXCM%253A%252C3x-AdrzhDSnvoM%252C_&vet=1&usg=AI4_ kRWDmAEDgFWbmD6zql_9_IDLxS-
vA&sa=X&ved=2ahUKEwjvxqT3u7rpAhUPEqYKHY1OAqQQ9QEwAHoECAUQKA#imgrc=ZRlA_NJpPfbLeM

https://www.google.com/search?q=jose+rizal&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848&sxsrf=ALeKk026UAP1iIXNRuf1zHsTvqsisVIuA:1592924042353&sou rce=lnms&tb
m=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiR8cq9mJjqAhUGGaYKHSwQAnQQ_AUoAXoECCUQAw&biw=1366&bih=608#imgrc=kZdyeHGw7jR9aM

https://images.app.goo.gl/9Z4LmPBkZr8ydt8Y7

https://www.google.com/search?q=emilio+jacinto&tbm=isch&ved=2ahUKEwi096bUoJjqAhXsw4sBHXJ1BCoQ2cCegQIABAA&oq=emilio+&gs_lcp=Cg NpbWcQA
RgBMgQIIxAnMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAOgUIABCxA1Dd4glYh4JYPv6CWgAcAB4AIABhgKIAaEGkgEFNC4yLjGYAQ
CgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=HSDyXvT0HOyHr7wP8uqR0AI&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848#imgrc=dBNGroTZp6oQzM

s://www.google.com/search?q=marcelo+h+del+pilar&tbm=isch&ved=2ahUKEwjDwpWjoZjqAhVJzIsBHbLSBBYQ2-
cCegQIABAA&oq=marcelo+h+del+pilar&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICC

https://www.google.com/search?q=graciano+lopez+jaena&tbm=isch&ved=2ahUKEwio8oTyoZjqAhVIb5QKHQ0SDzsQ2-
cCegQIABAA&oq=gracian&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIIxAnMgQIABBDMgIIADIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoHCAAQsQMQQzoFCAAQsQ
NQuLMJWN27CWDlwgloAHAAeACAAYsCiAH2B5IBBTMuMi4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=aCHyXqieEMje0QSNpLzYAw&rlz=1C1MSIM_
enPH848PH848#imgrc=ZE6efqNEsSjpXM

https://www.google.com/search?q=emilio+aguinaldo&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848&sxsrf=ALeKk03LBCF7nH7WucDy36x_zxZMvfaMbQ:1589585143552&so
urce=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiGgcmOgrfpAhVCCqYKHRvjBOwQ_AUoAXoECB8QAw#imgrc=Jw3ZUVpr86ZWkM&imgdii=icgZnsZ856awjM

https://www.google.com/search?q=antonio+luna&tbm=isch&ved=2ahUKEwjco8KPgrfpAhXrxosBHdNSDPEQ2-
cCegQIABAA&oq=antonio+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECCMQJ1Cri3FYkrJxYO
q7cWgAcAB4AYAB9waIAb0bkgENMC4xLjAuMS4yLjIuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=-
SS_XpzDIOuNr7wP06WxiA8&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848#imgrc=0PLPfs_RDFvdBM

https://www.google.com/search?q=gregorio+del+pilar&tbm=isch&ved=2ahUKEwjkzNubibfpAhWPG6YKHdUXBVIQ2-
cCegQIABAA&oq=gregorio+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAOgQIIxAnUOnHLViF1y1gpt4taABw
AHgAgAGuAYgB7wiSAQMxLjiYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=aiy_XuTvCY-
3mAXVr5SQBQ&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848#imgrc=IUDdHPfVVPpecM

https://www.google.com/search?q=miguel+malvar&tbm=isch&ved=2ahUKEwi4iZWEjLfpAhWGEKYKHb-OBO0Q2-
cCegQIABAA&oq=miguel+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgIIADICCAAyBAgAEEMyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCABQobdLWNfBS2CKyEtoAHAAeA
GAAeQEiAGGEpIBCzAuMS4zLjEuMS4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=Xi_XrjiBIahmAW_nZLoDg&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848#imgrc=Hb
f4dCx7fiG2mM

https://www.google.com/search?q=mga+bayani&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848&sxsrf=ALeKk03uwYy46D7XL6Ko26DmbrffSww2YQ:1589703743195&tb m=isc
h&source=iu&ictx=1&fir=1n2xtCPYEhlXCM%253A%252C3x-AdrzhDSnvoM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kRWDmAEDgFWbmD6zql_9_IDLxS-
vA&sa=X&ved=2ahUKEwjvxqT3u7rpAhUPEqYKHY1OAqQQ9QEwAHoECAUQKA#imgrc=-B-PlG61FBMMLM

s://www.google.com/search?q=macario+sakay&tbm=isch&ved=2ahUKEwi8nrHTkLfpAhUB3pQKHT53CjkQ2cCegQIABAA&oq=macario+&gs_lcp=CgNpbWc
QARgAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECAAQQzoECCMQJzoECAAQA1CU5lJYlINTYI6LU2gCcAB4AIABgQOIAcMUkgEHM
C4yLjUuM5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=NTS_XvyvOoG80wS-7qnIAw&rlz=1C1MSIM_enPH848PH848#imgrc=oHmFDQUBwsHjtM

https://www.google.com/search?q=vicente+lukban&tbm=isch&ved=2ahUKEwim7dvdlbfpAhVBY5QKHQD0CewQ2-
cCegQIABAA&oq=vicente+lukban&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAUQHjIECAAQGDIECAAQGDoECAAQQzoGCAAQCBAeOgQIABAeOgYIABAKEBhQpc4jWJrh
I2DU4yNoAHAAeACAAakDiAHYGZIBCTAuNC40LjMuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=iTm_XuaEMcHG0QSA6KfgDg&rlz=1C1MSIM_enPH8
48PH848#imgrc=kLKxK1J1dCcGyM

20

You might also like