You are on page 1of 23

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 9:
Unang Putok sa Panulukan ng
Silencio at Sociego, Sta. Mesa
Subukin

Basahin ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Sino ang Amerikanong sundalo na nagpaputok sa naglalakad na dalawang


Pilipino sa isang kalye sa Sampaloc?
A. Fermin Gaudenes
B. George Dewey
C. Wesley Meritt
D. William Walter Grayson

2. Ang pagpatay sa dalawang Pilipino ay nangyari sa .


A. Panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa
B. Rizal Park
C. Simbahan ng Barasoain sa Bulacan
D. Tulay ng San Juan

3. Kailan sumiklab ang Digmaang Pilipino at Amerikano?


A. Pebrero 2, 1899
B. Pebrero 3, 1899
C. Pebrero 4, 1899
D. Pebrero 5, 1899

4. Ano ang dahilan kung bakit pinaputukan ng sundalong Amerikano ang mga
Pilipino?
A. ayaw bigyan ng armas
B. ayaw nila itong maging kaibigan
C. hindi tumigil nang sinigawang huminto
D. nanlaban sa sundalong Amerikano

5. Ano ang naging dahilan ng hindi magandang pagtitinginan ng mga Pilipino at


Amerikano?
A. dati ng may hindi pagkakaunawaan
B. hindi tanggap ng mga Amerikano ang mga Pilipino
C. sa tingin ng mga Pilipino ay nadaya sila ng mga Amerikano
D. walang gustong magpatalo sa pamamagitan ng kapangyarihan

6. Ano ang naging damdamin ng mga Pilipino nang malaman nila ang tunay na
hangarin ng mga Amerikano sa Pilipinas?
A. masaya
B. nagalit
C. nasorpresa
D. natakot
7. Ang pagsisimula ng labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano ay tinawag
na .
A. Digmaang Amerikano-Espanyol
B. Digmaang Espanyol-Pilipino
C. Digmaang Espanyol-Mexico
D. Digmaang Pilipino-Amerikano

8. Bakit sumiklab ang Digmaang Pilipino at Amerikano?


A. dahil sa pagpatay sa dalawang Pilipino
B. hindi magkasundo sa relihiyon
C. nagkalamangan sa kapangyarihan
D. nais kunin ng Amerika ang ari-arian ng mga Pilipino

9. Ang katangiang ipinamalas ng mga Pilipino sa paglaban sa mga mananakop na


dayuhan ay .
A. pagiging duwag
B. pagiging malinis
C. pagiging masayahin
D. pagiging matapang

10. Tama bang lumaban ang mga Pilipino sa mga Amerikano?


A. Hindi, dahil wala naman silang away
B. Hindi, dahil magkaibigan sila
C. Oo, dahil kailangang ipaglaban ang bansa at kalayaan
D. Oo, dahil maganda ang may kaaway

Mahalagang paalala:

Kung nakuha mo lahat ang tamang sagot,


maaari mo ng laktawan ang modyul na ito.
Binabati kita!

Kung hindi naman, ipagpatuloy lamang ang pagbabasa sa modyul at sagutin ang mga inihandang
gawain para sa iyo.
Aralin Unang Putok sa Panulukan ng
1 Silencio at Sociego, Sta. Mesa

Makaraan ang tatlong daan at tatlumpu’t tatlong taong (333) pananakop ng


mga Espanyol sa Pilipinas, napasailalim naman ang ating bansa sa mga Amerikano.
Ngunit may mga pangyayaring naganap sa pagsakop ng mga Amerikano ang hindi
nagustuhan ng mga Pilipino kung kaya’t lumaban din ang mga Pilipino sa kanila.

Balikan
Mula Hongkong, bumalik si Emilio Aguinaldo sa Pilipinas noong Mayo 19,
1898. Nakipagpulong siya kay Komodor George Dewey sa barkong Olympia sa
baybayin ng Cavite na ang layunin ay tutulungan ang Pilipinas na makalaya sa mga
Espanyol.
Naniwala naman si Aguinaldo kaya kaagad niyang pinulong ang mga
rebolusyonaryo. Itinatag niya ang Pamahalaang Diktatoryal noong Mayo 24, 1898 at
nagsilbing tagapayo niya si Apolinario Mabini.
Pinalitan ang Pamahalaang Diktaturyal bilang Pamahalaang Rebolusyonaryo
na tumayong pangulo si Aguinaldo.
Noong Enero 21, 1899, nagwakas ang Pamahalaang Rebolusyonaryo at
itinatag ang Pamahalaang Republikano sa pagpapatibay ng Saligang Batas ng
Malolos.
Noong Enero 23, 1899, sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan,
pinasinayaan ang pagkakatatag ng unang Republika na mas kilala sa pangalang
Republika ng Malolos.
Sa pagkakadakip ng puwersang Amerikano kay Aguinaldo sa Palanan, Isabela
noong Abril 16, 1902, tuluyan ng bumagsak ang Republika ng Malolos.
Tuklasin

Gamit ang himig ng awiting “May Tatlong Bibe”, awitin ang nasa ibaba.

May Dalawang Pinoy


ni Marilen G. Puno

May dalawang Pinoy akong nakita


Hindi lang isa kundi dalawa sila
Tinawag ko at pinatitigil pa
Ngunit ako ay inisnab nila

Bang, bang, bang


Bang, bang, bang
Kaya ang ginawa’y binaril sila

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong masasabi sa kanta?
2. Ano ang iyong masasabi sa pagbaril ng Amerikano sa dalawang Pilipino?
3. Makatarungan ba ang kanilang sinapit?
4. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong inawit ito?

Suriin

Ang mga Pilipino ay nagalit nang


malaman nila ang naging resulta ng Kasunduan
sa Paris. Patunay lamang ito sa tunay na
hangarin ng Amerika sa Pilipinas.
Para sa mga Pilipino, sila ay nadaya ng mga
Amerikano na naging hudyat ng hindi nila
pagkakaintindihan.
Pinaputukan ng Amerikanong sundalong si
William Walter Grayson kasama ang ilan pang
sundalo habang sila ay nagpapatrolya sa isang baryo sa Sampaloc ang dalawang
Pilipino noong ika-4 ng Pebrero, 1899.
Sinigawan silang huminto ng sundalong Amerikano ngunit hindi sila tumigil
kaya binaril niya ang mga ito.
Ang pangyayaring ito ang naging hudyat ng pagsiklab ng Digmaang Pilipino
at Amerikano.
Pagyamanin

Gawain A
Gamitin ang mga salita na nasa kahon upang mabuo ang talata. Isulat ang
sagot sa sagutang papel

Noong , sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at


. Pinaputukan ni ang Pilipino nang hindi
huminto, sinigawan niya ang mga ito. Nangyari ito sa panulukan ng .

William Walter Grayson dalawa Ika-4 ng Pebrero

Silencio at Sociego, Sta. Mesa Amerikano

Gawain B

Isulat ang TAMA kung wasto ang inihahayag ng pangungusap. Kung ito ay
mali, kopyahin lamang ang maling salita o pahayag sa pangungusap. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Nagsimula ang Digmaang Pilipino at Amerikano noong Pebrero 4,


1899.
2. Nangyari ang pagbaril sa dalawang Pilipino sa tulay ng San Juan.
3. Si William Walter Grayson ang bumaril sa dalawang Pilipinong
pinatitigil niya sa paglakad.
4. Patuloy na lumaban ang mga Pilipino sa mga Amerikano.
5. Sa panulukan ng Silencio at Social nangyari ang unang putok

Gawain C
Unawain ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
sagutang papel.

1. Petsa kung kailan nangyari ang unang putok.


A. Enero 4, 1899
B. Pebrero 4, 1899
C. Marso 4, 1899
D. Abril 4, 1899
2. Ito ang lugar kung saan nangyari ang pagpatay sa dalawang Pilipino ng
sundalong Amerikano.
A. Barasoain Church
B. Panulukan ng Silencio at Sociego, Sta.Mesa
C. Rizal Park
D. Tulay ng San Juan

3. Siya ang bumaril sa dalawang Pilipino matapos siyang hindi hinintuan.


A. Frederick Funston
B. Major Peyton March
C. William McKinley
D. William Walter Grayson

4. Ito ang dahilan ng pagbaril ng sundalong Amerikano sa mga Pilipino.


A. ayaw bigyan ng pagkain
B. ayaw kausapin
C. hindi siya kilala
D. hindi pagtigil

5. Naging hudyat ng Digmaang Pilipino at Amerikano.


A. Labanan sa Mactan
B. Paglusob ng mga Amerikano sa Ilocos
C. Pakikipagkaibigan ng mga Pilipino sa ibang dayuhan
D. Unang putok sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa

Gawain D
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isaayos ang mga pangyayari ayon
sa pagkakasunud-sunod nito gamit ang letrang A hanggang E. Sipiin at sagutin ito
sa sagutang papel.

1. Binaril ng sundalong Amerikano ang dalawang Pilipino.


2. Pinatitigil ng sundalong Amerikano ang dalawang Pilipinong nakita
niyang naglalakad.
3. Nagalit ang mga Pilipino sa mga Amerikano sa naging bunga
ng Kasunduan sa Paris.
4. Nagsimula na ang Digmaang Pilipino at Amerikano.
5. Naglabasan ang mga Pilipino at gumanti na rin ng mga putok.
Gawain E
Punan ang mga kahon ng mga pangyayari ng Unang Putok sa Panulukan ng
Silencio at Sociego, Sta. Mesa. Sipiin at sagutin sa sagutang papel.

Unang Putok sa Panulukan ng


Silencio at Sociego, Sta. Mesa

Gawain F

Basahin ang balita at sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

Ang putok ng baril na nagpasimula ng Philippine-American war

Sa dilim ng gabi noong Pebrero 4, 1899 sa bahagi ng Sta. Mesa, Maynila,


isang putok ng baril ang bumasag sa katahimikan at naging dahilan ng pagsisimula
ng digmaan ng Pilipinas at Amerika.
Ang nabanggit na unang putok ng baril na naging simula ng digmaan ay
nagmula sa hawak na riple ni American Private William Grayson ng First Nebraska
Volunteer Brigade.
Pinaputukan ni Grayson ang direksyon kung saan nakaposisyon ang mga
sundalong Pilipino na pinaghinalaan niyang may masamang binabalak dahil umano
sa narinig niyang mga senyas na pito at kislap ng ilaw.
Sa unang putok na iyon ni Grayson ay naitala ang unang sundalong Pinoy na
nasawi sa digmaan ng Pilipinas at Amerika na si Corporal Anastacio Felix ng 4th
Company ng Morong Battalion. Dalawa pang kasamang sundalo ni Felix ang nasawi
ng gabing iyon.
Ang digmaan ng Pilipinas at Amerika ay natapos noong 1902 at tinatayang
aabot sa kalahating milyong Pilipino ang nasawi, na karamihan ay mga sibilyan. --
FRJimenez, GMA News

https://www.gmanetwork.com/news/news
/ulatfilipino/349640/ang-putok-ng-baril-na-
nagpasimula-ng-philippine-american-war/story/
Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang iyong masasabi sa balita?


2. Ano ang iyong naramdaman sa patuloy na paglaban ng mga Pilipino sa mga
dayuhan?
3. Bilang isang mag-aaral, kung bibigyan ka ng pagkakataon na ipagtanggol ang
iyong bansa, gagawin mo rin ba ang makipaglaban o hindi? Ipaliwanag.
Magaling! Nasagot mo ang mga gawain.

Isaisip

Buuin ang talata ng tamang sagot at ilagay sa iyong sagutang papel.

Nagalit ang mga Pilipino nang malaman nila ang tunay na resulta ng
. Noong sumiklab ang Digmaang Pilipino at Amerikano.
Binaril ng sundalong Amerikano na si ang dalawang Pilipino nang hindi
tumigil sa kanyang hudyat. Nangyari ang pagbaril sa panulukan ng .
Nagpatuloy ang pagsiklab ng sa dalawang panig.

Isagawa

Batay sa mga detalyeng natutunan, sumulat ng isang maikling dula-dulaan


sa isang papel na nagpapakita ng mga pangyayari sa Unang Putok sa Panulukan ng
Silencio at Sociego, Sta. Mesa.

Pamantayan Puntos
Tama ang mga ibinigay na impormasyon 10
Kasiya-siya ang inilahad na dula-dulaan 10
Kabuuang Puntos 20
Tayahin

Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Sino ang sundalong Amerikano na bumaril sa dalawang Pilipino nang hindi siya
hinintuan ng mga ito?
A. Fermin Gaudenes
B. George Dewey
C. William McKinley
D. William Walter Grayson

2. Saan nangyari ang makasaysayang unang putok?


A. Barasoain Church
B. Ilocos Norte
C. Panulukan ng Silencio at Sociego
D. Tulay ng San Juan

3. Kailan nagsimula ang Digmaang Pilipino at Amerikano?


A. Enero 4, 1899
B. Pebrero 4,1899
C. Marso 4, 1899
D. Abril 4, 1899

4. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagbaril ng sundalong Amerikano sa mga


Pilipino?
A. ayaw makipagkaibigan
B. bingi ang mga ito
C. hindi hinintuan nang ito’y kanyang tinawag
D. matagal bago sila nakalapit
5. Bakit nagsimulang nagalit ang mga Pilipino sa mga Amerikano?
A. ayaw magbigay ng tulong ng Amerika
B. hindi magkasundo sa patakarang pang-ekonomiya
C. nalaman ng mga Pilipino ang tunay na hangarin ng mga Amerikano sa
Pilipinas
D. walang batayan upang sila ay maging magkaibigan

6. Ano ang naging hudyat ng pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at


Amerikano?
A. ang pagbaril sa dalawang Pilipino
B. ang pagpatay sa dalawang Amerikano
C. ang pag-ayaw ng tulong ng mga Pilipino
D. ang pagkampi ng mga Pilipino sa mga Espanyol

7. Ano ang naging tawag sa away sa pagitan ng Pilipinas at Amerika?


A. Digmaang Espanya-Amerika
B. Digmaang Hapon-Amerikano
C. Digmaang Pilipino-Amerikano
D. Digmaang Pilipino-Espanyol
8. Kung hindi kaya binaril ang dalawang Pilipino sa isang kalye sa Sampaloc noon,
ano kaya ang posibleng nangyari?
A. malabo silang nagkasundo
B. nagkasundo at tuluyang naging magkaibigan
C. nanatili silang magkaaway
D. sumiklab ang digmaan

9. Ano ang katangian ang ipinamalas ng mga Pilipino nang lumaban sa mga
Amerikano?
A. duwag
B. malikhain
C. matapang
D. seryoso

10. Bilang isang Pilipino, lalaban ka rin ba sa mga mananakop na dayuhan?


A. Hindi, hahayaan ko na lang ang iba na lumaban
B. Hindi, takot akong mamatay sa digmaan
C. Oo, lalaban ako makamit lamang ang kalayaan
D. Oo, para mapuri ako

Karagdagang Gawain

Gamit ang anumang uri ng pangkulay, gumuhit ng isang malikhaing poster


na nagpapakita ng pangyayari sa Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at
Sociego, Sta. Mesa. Gawin ito sa isang maikling bond paper.

Pamantayan
0 walang
5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos
puntos
Nakabuo at Mahusay May mga Kaunti Hindi Walang
naipakita ang ang kulang na lamang naipakita nagawang
mga detalyeng pagkakabuo detalye ang mga ang poster
nangyari ng ng mga detalyeng kabuuan
napakahusay detalye naipakita ng mga
pangyayari
Susi sa Pagwawa
Modyul 10: Labanan sa Tirad Pass
Subukin

Basahin ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Sino ang pinakabatang heneral na nagtanggol kay Emilio Aguinaldo sa Pasong


Tirad?
A. Heneral Antonio Luna
B. Heneral Gregorio del Pilar
C. Heneral Miguel Malvar
D. Heneral Mariano Noriel

2. Ano ang naging bansag kay Gregorio del Pilar?


A. bayani ng Cebu
B. bayani ng Malolos
C. bayani ng Maynila
D. bayani ng Pasong Tirad

3. Ilang taong gulang si Gregorio del Pilar nang mamatay sa kamay ng mga
Amerikano?
A. 22
B. 24
C. 26
D. 28

4. Sino ang lider ng mga Amerikano na nakalusot sa pagpasok sa Pasong Tirad?


A. George Dewey
B. Peyton March
C. William Walter Grayson
D. William McKinley

5. Sino ang Pilipinong tumulong sa mga Amerikano upang mapasok ang Tirad Pass?
A. Juan Basco
B. Juan dela Cruz
C. Juan Luna
D. Juanuario Galut

6. Bakit tinaguriang “Bayani ng Pasong Tirad” si Gregorio del Pilar?


A. dahil sa sarili niyang kagustuhan
B. dahil doon siya ikinulong
C. dahil doon siya isinilang
D. dahil doon siya namatay habang ipinagtatanggol ang kalayaan ng ating
bansa
7. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ni Heneral Gregorio del Pilar upang tulungan
sa pagtakas si Aguinaldo?
A. Binuwis ang buhay huwag lang madakip si Aguinaldo.
B. Itinuro ang maling daan sa mga Amerikano.
C. Naghanap ng paraan upang makatakas sa mga Amerikano.
D. Nagtago sa mga bahay na bato upang hindi mahuli.
8. Dapat bang bigyan ng pagpapahalaga ang ginawang pakikipaglaban ng mga
Pilipino para sa ating kalayaan?
A. Hindi, dahil wala pa ako nang mangyari iyon.
B. Hindi, dahil hindi ko naman sila kilala.
C. Oo, dahil nag-alay sila ng kanilang buhay upang ipakita ang pagiging
makabayan.
D. Oo, para sumikat sila.

9. Tama bang ipagkanulo mo ang iyong kapwa Pilipino lalong lalo na sa panahon
ng digmaan?
A. Hindi, dahil ito ay nagpapakita ng hindi pagmamahal sa bayan at kapwa
Pilipino.
B. Hindi, dahil hindi naman makaaapekto ito sa aking pagka-Pilipino.
C. Oo, dahil ipagmamalaki ako ng aking bansa
D. Oo, dahil kikilalanin ako ng mga dayuhan

10. Ano ang katangiang ipinamamalas mo kung ipinagtatanggol mo ang iyong


bayan sa mga dayuhan?
A. pagkamakabayan
B. pagkamasipag
C. pagkamasunurin
D. pagkamatulungin

Aralin
Labanan sa Tirad Pass
1
Noong nangyari ang pagpatay ng sundalong Amerikano sa dalawang Pilipino
na hindi tumigil sa kanyang hudyat sa kanilang paglalakad, nagsimula ang
Digmaang Pilipino at Amerikano. Dahil dito, may mga sumunod pang mga
pangyayari gaya ng labanan sa Pasong Tirad.

Balikan
Suriin ang bawat pangugusap. Isulat sa iyong sagutang papel kung TAMA
ang inihahayag nito at MALI naman kung hindi.

1. Nagalit ang mga Pilipino nang malaman nila ang tunay na resulta ng
Kasunduan sa Paris.
2. Noong ika-4 ng Pebrero, 1899 sumiklab ang Digmaang Pilipino at Amerikano.
3. Binaril ng sundalong Amerikano na si William Walter Grayson ang dalawang
Pilipino nang hindi tumigil sa kanyang hudyat.
4. Nangyari ang pagbaril sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa.
5. Hindi na nagpatuloy pa ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano.

Tuklasin
Basahin ang susunod na teksto na hinango mula sa batayang aklat na
Kayamanan 6 at sagutin ang mga pamprosesong tanong.
Labanan sa Tirad Pass

Tumakas si Aguinaldo kasama ng kanyang gabinete, kagawad at sundalo


upang maiwasan ang pagtugis ng mga Amerikano. Dumaan sila sa Pasong Tirad at
dito humimpil si Heneral Gregorio del Pilar, kasama ang 60 kawal upang hadlangan
ang mga tumutugis na Amerikano. Napatay si del Pilar kasama ang 54 na Pilipinong
sundalo noong Disyembre 2, 1899. Siya ang pinakabatang heneral sa gulang na 24.
Tinagurian siyang “Bayani ng Pasong Tirad”.

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang iyong masasabi sa tekstong binasa?


2. Ano ang iyong damdamin sa pagkakapatay ng mga Amerikano kay Gregorio del
Pilar?
3. Makatarungan ba ang kanyang sinapit? Bakit?
4. Kung ikaw si Gregorio del Pilar, tutularan mo ba ang ginawa niyang
pagtatanggol kay Aguinaldo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Suriin
Nagpalipat-lipat ng punong himpilan si Aguinaldo dahil malakas ang
puwersa ng mga Amerikano. Mula Malolos ay lumipat sila sa Nueva Ecija, Tarlac,
Nueva Vizcaya, Pangasinan at Cagayan. Nakarating sila sa Palanan, Isabela noong
Setyembre 6, 1899.
Itinuro ng isang Kristiyanong Igorot na si Juanuario Galut sa mga Amerikano
ang lihim na daan papasok sa Tirad Pass. Kaya narating ng grupo ni Major Peyton
March ang lagusan.
Para hindi madakip ng mga Amerikano si Aguinaldo, hinarangan ni Heneral
Gregorio del Pilar ang Pasong Tirad o Tirad Pass.
Ngunit noong ika-2 ng Disyembre 1899, nangyari ang madugong labanan sa
Pasong Tirad. Sa kasamaang palad, namatay si Gregorio del Pilar na tinaguriang
“Bayani ng Tirad Pass” at nahuli si Aguinaldo sa pamumuno ni Koronel Frederick
Funston.
Dinala si Aguinaldo sa Maynila at pinasumpa ng katapatan sa Estados
Unidos.

Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral


na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay
isinilang sa Bulacan, Bulakan noong Nobyembre 14, 1875
kina Fernando del Pilar at Felipa Sempio.
Kilala siya sa tawag na Goyong o Goyo.
Pagyamanin

Gawain A
Punuin ang talata gamit ang mga salita na nasa kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Noong ay nangyari ang labanan sa . Hinarangan ni


ang Pasong Tirad upang hindi makapasok ang mga Amerikano.
Ngunit tinulungan ng isang Kristiyanong Igorot na si ang tropang
Amerikano sa pangunguna ni kung kaya nakadaan sila sa lihim na
lagusan papunta sa paso.

Pasong Tirad
Juanuario Galut Major Peyton
Heneral Emilio Aguinaldo
March
ika-2 ng Disyembre 1899 Heneral Gregorio del Pilar

Gawain B
Iugnay ang isinasaad ng Hanay A sa mga salita sa Hanay B. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.

Hanay A Hanay B

Lugar kung saan napatay si Gregorio


1. del Pilar
A. Gregorio del Pilar
2. Nanguna sa paghuli kay Aguinaldo B. Emilio Aguinaldo
C. Tirad Pass
3. Hinarangan ang Tirad Pass
D. Koronel Frederick Funston
4. Tinutugis ng mga Amerikano E. Koronel Jacob Smith
F. Juanuario Galut
Nagturo sa daan patungong Tirad
5.
Pass

Gawain C

Isulat ang sa patlang kung totoo ang isinasaad ng pahayag at


naman kung hindi. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
1. Nagpalipat-lipat ng lugar ang tropa ni Aguinaldo upang hindi matugis
ng mga Amerikano.
2. Hinayaang makapasok ni Heneral Gregorio del Pilar ang mga
Amerikano sa Pasong Tirad.
3. Madaling natalo ng puwersang Amerikano ang mga Pilipino.
4. Nasawi sa labanan sa Tirad Pass si Heneral Gregorio del Pilar.
5. Itinuturing na “Bayani ng Tirad Pass” si Heneral Emilio Aguinaldo.

Gawain D
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isaayos ang mga pangyayari ayon
sa pagkakasunud-sunod nito gamit ang letrang A hanggang E. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.

1. Pinasumpa ng katapatan sa Amerika si Aguinaldo matapos itong


mahuli.
2. Nagpalipat-lipat ng punong himpilan sina Aguinaldo para makaiwas
sa mga tumutugis na Amerikano.
3. Napasok ng puwersang Amerikano ang Pasong Tirad sa tulong ni
Juanuario Galut.
4. Nahuli ng mga Amerikano si Aguinaldo at pinasumpa ng katapatan sa
kanila.
5. Napatay ng mga Amerikano si Gregorio del Pilar.

Gawain E
Punan ang mga bilog ng mga pangyayari sa labanan sa Tirad Pass. Gawin
ito sa sagutang papel.
Labanan sa Pasong Tirad
Pagkatapos ng labanan sa Tirad Pass, nakuha ang talaarawan ni Gregorio del Pilar.
Narito ang isang bahagi nito.
Basahin at unawaing mabuti at sagutin ang mga tanong sa iyong papel.

“IBINIGAY SA AKIN NI HENERAL ANG LAHAT NG TAUHAN NA MAAARING ILAAN SA


AKIN AT INUTUSAN NIYA AKO NA IPAGTANGGOL ANG PASO. NAUUNAWAAN KO
KUNG GAANO KABIGAT ANG IPINAGAGAWA SA AKIN, PERO PAKIRAMDAM KO, ITO
ANG PINAKAMALUWALHATING SANDALI NG AKING BUHAY. WALA NG
SAKRIPISYO ANG HIHIGIT PA SA GAGAWIN KO PARA SA AKING MAHAL NA
BAYAN.”

https://philippineculturaleducation.com.ph/
pasong-tirad/

Mga tanong:
1. Ano ang iyong masasabi sa pahayag ni Gregorio del Pilar?
2. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong nabasa ito?
3. Itataya mo rin ba ang iyong buhay para sa Inang Bayan? Bakit?
4. 4.Bilang isang mag-aaral, kung bibigyan ka ng pagkakataon na ipagtanggol ang
iyong bansa, tutularan mo ba ang ginawa ni del Pilar? Ipaliwanag.
Isaisip
Upang mas lalong matandaan ang nangyari sa labanan sa Tirad Pass, buuin
ang talata sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot sa loob ng panaklong. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
Nagpalipat-lipat ng punong himpilan sina (Aguinaldo, del Pilar) upang hindi
matugis ng mga Amerikano. Si (Antonio Luna, Gregorio del Pilar) ang humarang sa
mga Amerikano sa Tirad Pass. Itinuro ng isang Kristiyanong Igorot na si (Juanuario
Galut, Juan Luna) ang lihim na lagusan papuntang Tirad Pass kaya madaling
nakubkob ng mga Amerikano ang mga Pilipino. Nahuli si (Heneral Emilio
Aguinaldo, Heneral Vicente Lukban) at pinasumpa ng katapatan sa Estados Unidos.
Namatay sa labanan si Heneral Gregorio del Pilar na tinaguriang (“Bayani ng
Mactan”, “Bayani ng Tirad Pass”).

Tayahin
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Siya ang pinakabatang heneral na nagtanggol kay Aguinaldo sa Pasong Tirad?


A. Heneral Antonio Luna
B. Heneral Gregorio del Pilar
C. Heneral Miguel Malvar
D. Heneral Mariano Noriel

2. Ano ang naging tawag kay Gregorio del Pilar?


A. bayani ng Cebu
B. bayani ng Malolos
C. bayani ng Maynila
D. bayani ng Pasong Tirad
3. Saang probinsya ipinanganak si Gregorio del Pilar?
A. Bataan
B. Bulacan
C. Pampanga
D. Tarlac

4. Sino ang lider ng mga Amerikano na nakalusot sa lihim na lagusan papasok sa


Pasong Tirad?
A. George Dewey
B. Peyton March
C. William Walter Grayson
D. William McKinley

5. Sino ang Pilipinong tumulong sa mga Amerikano upang mapasok ang Tirad Pass?
A. Juan Basco
B. Juan dela Cruz
C. Juan Luna
D. Juanuario Galut

6. Bakit tinaguriang “Bayani ng Pasong Tirad” si Gregorio del Pilar?


A. dahil doon niya piniling mamuhay
B. dahil doon siya ikinulong
C. dahil doon siya isinilang
D. dahil doon siya namatay habang ipinagtatanggol ang kalayaan ng ating
bansa

7. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ni Heneral Gregorio del Pilar upang tulungan
sa pagtakas si Aguinaldo?
A. Binuwis ang buhay huwag lang madakip si Aguinaldo
B. Itinuro ang maling daan sa mga Amerikano
C. Ginawang katawa-tawa ang sarili
D. Nagtago sa mga bahay na bato upang hindi mahuli

8. Dapat bang bigyan ng pagpapahalaga ang ginawang pakikipaglaban ng mga


Pilipino para sa ating kalayaan?
A. Hindi, dahil hindi naman kailangan
B. Hindi, dahil hindi naman uunlad ang bansa
C. Oo, dahil inialay nila ang kanilang lakas at buhay upang ipakita ang
pagiging makabayan
D. Oo, para sumikat sila

9. Ang mga sumusunod ay mga kabayanihang ginawa ni Gregorio del Pilar upang
pangalagaan ang pagtakas ni Aguinaldo, MALIBAN sa isa.
A. Hindi natakot mamatay maipagtanggol lamang si Aguinaldo
B. Nanguna sa kapwa sundalong Pilipino upang harangan ang Pasong Tirad
C. Nakipagkaibigan sa mga kalabang Amerikano
D. Walang takot na ipinakita ang pagmamahal sa bayan

10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkamakabayan?


A. Palaging nanonood ng pelikulang dayuhan
B. Palaging bumibili ng produktong gawa sa Pilipinas
C. Mas gustong manirahan sa ibang bansa
Mas binibigyan ng pagkakataon ang mga dayuhan na magtrabaho sa Pilipinas

You might also like