You are on page 1of 24

DIVISION OF NAVOTAS CITY

6
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Ang Resulta ng Pananakop ng
mga Amerikano

S.Y. 2020-2021
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Araling Panlipunan – Ika-anim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Resulta ng Pananakop ng mga Amerikano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Donna Mae B. Iraya
Editor: Josephine D. Prudenciado
Tagasuri: Ruth R. Reyes
Tagaguhit: Donna Mae B. Iraya
Tagalapat: Donna Mae B. Iraya
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC- Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC- Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Chief, Curriculum Implementation Division
Ruth R. Reyes, EPS in Araling Panlipunan
Grace R. Nieves, EPS in Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Shirley Eva Marie V. Mangaluz, Librarian II LRMS
Vergel Junior C. Eusebio, PDOII LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
6

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Resulta ng Pananakop ng mga
Amerikano
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan VI ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Resulta ng Pananakop ng mga
Amerikano

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan VI ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Resulta ng Pananakop ng mga Amerikano

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Ang modyul na ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa
mga mag-aaral bilang gabay sa kanilang pag-aaral ng mga paksa sa Araling
Panlipunan VI.

Sa araling ito, inaasahan na maisagawa at matutunan ng mag-aaral ang mga


sumusunod:

1. Natutukoy ang mga resulta ng Pananakop ng mga Amerikano.

2. Naipaliliwanag ang resulta ng Pananakop ng mga Amerikano.

1
Basahin nang mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang wikang ginamit na panturo sa panahon ng mga Amerikano?


A. Espanyol
B. Nihonggo
C. Tagalog
D. Ingles

2. Pangkat ng mga gurong Amerikano na dumating sa Pilipinas lulan ng barkong


Thomas?
A. Gurong Pilipino
B. Thomasites
C. Sheridan
D. Sundalo

3. Tawag sa mga Pilipinong mag-aaral na ipinapadala sa Amerika upang doon


mag-aral?
A. Pensyonado
B. Jose Rizal
C. Dayuhan
D. Ilustrado

4. Relihiyong dala ng mga Amerikano sa bansa?


A. Protestantismo
B. Kristiyanismo
C. Hinduismo
D. Islam

5. . Ito ay ang na higit na pagpapahalaga sa kaisipan, produkto, at mga


bagay na gawang dayuhan lalo na ang nagmula sa Estados Unidos.
A. Kaisipang kolonyal
B. Palabra de honor
C. Crab mentality
B. Ningas-kugon

6. Paano umunlad ang komunikasyon noong panahon ng mga Amerikano?


A. Nagkaroon ng mga radio, telepono, at maayos na koreo
B. Natutong gumamit ng kompyuter ang mga Pilipino
C. Nakapagsulat sa wikang Ingles ang mga Pilipino
D. Naglathala ng maraming pahayagan at magasin

2
7. Ang mga sumusunod ay layunin ng Amerika sa pagpapatupad ng
Edukasyon sa Pilipinas maliban sa isa ano ito?
A. Palaganapin ang demokratikong pamamahala sa Filipinasyon
B. Panatilihin ang kulturang Espanyol ng mga Pilipino
C. Sanayin ang mga Pilipino sa pagkamamamayan
D. Ipakalat ang wikang Ingles sa buong Kapuluan

8. Ang mga gusaling itinayo ng mga Amerikano ay may disenyo na kung tawagin
ay _______________. Ito ay mayroong matataas na haligi at malalaking hagdan. Ang
ilang sa mga halimbawa nito ay Post Office, Philippine General Hospital at National
Museum.
A. Neo-classical
B. Modernist
C. Baroque
D. Gothic
9. Ang mga sumusunod ay hakbang upang masugpo ang mga nakakahawang
sakit na dinanas ng marami noong panahon ng Amerikano, MALIBAN sa
isa.
A. Dumating ang mga mahuhusay na Amerikanong Doktor
B. Gumamit ng mga makabagong gamot
C. Nagpatayo ng mga ospital at klinika
D. Gumamit ng mga halamang gamot

10. Ito ay ang higit na pagpapahalaga sa kaisipan, produkto, at mga


bagay na gawang dayuhan lalo na ang nagmula sa Estados Unidos.
A. Kaisipang kolonyal
B. Palabra de honor
C. Utak Talangka
D. Ningas-kugon

3
Aralin
Resulta ng Pananakop ng
1 mga Amerikano

Tinalakay sa naunang aralin ang kaganapan noong panahon ng Commonwealth. Sa


araling ito, tatalakayin natin ang mga pagbabago na naganap sa lipunan sa ilalim
ng pananakop ng mga Amerikano. Maraming pagbabago ang nangyari noon1na
hanggang ngayon ay atin pang nararanasan.

Panuto: Basahin ang pangungusap. Piliin sa loob ng kahon sa ibaba ang tamang
sagot.

_______________ 1. Tawag sa malasariling pamahalaan na itinatag sa Pilipinas.


_______________ 2. Siya ang namuno sa Kumbensiyon na bumuo ng Saligang Batas
1935.
_______________ 3. Siya ang unang pangulo ng Pamahalaang Commonwealth.
_______________ 4. Ito ay binuo upang maging batayan ng pamahalaan.
_______________ 5. Pangalawang Pangulo ng Pamahalaang Commonwealth.

Saligang Batas Sergio Osmena Sr.


Pamahalaang Commonwealth Claro M. Recto
Manuel L. Quezon

4
Panuto: Hanapin mula sa kahon ang mga salitang may kinalaman sa ating
aralin.

KULTURA
EDUKASYON
RELIHIYON
TRANSPORTASYON
KOMUNIKASYON
SINING
PANITIKAN
PAGBABAGO
IMPLUWENSIYA

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga naging pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino nang sakupin
ng mga Amerikano ang bansa?

2. Ano ang naidulot ng mga pagbabagong ito sa bansa?

5
Sa araling ito, ating tatalakayin ang ilan sa mga pagbabagong naganap sa
Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.

Mga Pampublikong Paaralan

Philippine Normal University University of the Philippines


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Philippine_Normal_University.jpg https://en.wikipedia.org/wiki/University_of_the_Philippines

Walang bayad ang pag-aaral sa mga paaralang pampubliko sa panahon ng mga


Amerikano kaya ang mga Pilipino ay naingganyong mag-aral. Kaalamang
pangmamamayan at ang demokratikong pamumuhay ang isa sa mga binigyang
pansin sa pagtuturo. Sa simula, ang mga sundalong Amerikano ang nagturo sa mga
Pilipino ngunit Noong 1901, lulan ng barkong SS Thomas dumating ang may 600 na
gurong Amerikano. Tinawag na Thomasites ang pangkat ng mga gurong ito. Wikang
Ingles ang ginamit sa pagtuturo.

Nagpatayo ang mga Amerikano ng mga Kolehiyo at Unibersidad gaya ng Unibersidad


ng Pilipinas (1908), Centro Escolar de Senoritas (1907) Philippine Women’s
University (1919), National University (1900) na kung saan ay iniangkop ang kultura
at kasanayan ng mga Pilipino. Nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga
Pilipino ng medisina, abogasya, inhenyeriya, agrikultura, at komersiyo na
makakatulong sap ag-unlad ng bansa. Itinatag din ang Paaralang Normal noong
1901 na may layuning magkaroon ng edukasyon at kasanayan ang mga guro sa
bansa. Noong 1903, nagpadala ng mga Pensyonado o mga Pilipinong nakapag-aral
ng libre sa Amerika at matapos ang kanilang pag-aaral ay bumalik sa bansa
upangmagserbisyo sa pamahalaan.

6
Relihiyon
Ang relihiyong Protestantismo ay dala ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ito ay
kinabibilangan ng Presbyterian, Baptist, Disciples of Christ, Seventh Day Adventist
at Methodist Episcopalian. Katulad ng Katoliko, sila din ay naniniwala kay
Jesukristo.

Kalusugan

Philippine General Hospital


https://www.rappler.com/newsbreak/iq/things-to-know-coronavirus-vaccine-trials-philippines

Sa pagdating ng mga Amerikano, taong 1901 ng itatag nila ang Lupon sa Kalusugan
ng Bayan (Board of Public Health). Nagpatayo sila ng mga pampublikong ospital at
klinika. Nagkaroon din ng makabagong kagamitan at mga gamot na nakatulong
upang mapigilan ang mga nakakahawang sakit. Ang Philippine General Hospital ay
isa sa mga pampublikong ospital na naipatayo noon. Dahil sa mga pagbabagong ito
natutunan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng kalinisan sa sarili at pagkain.

7
Pananamit, Pagkain, at iba pa

Bestida Coat and tie


https://en.wikipedia.org/wiki/Dress https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=23053436

Steak Softdrinks
https://en.wikipedia.org/wiki/Hamburger#/media/File:Hamburg_steak.jpg https://commons.wikimedia.org/wiki/File:CocaColaBottle_background_free.jpg

Maging sa pananamit ay makikita ang pagbabagong ginawa ng mga Amerikano.


Natutong magsuot ng maong na pantalon at gumamit ng mga suspender para rito.
Natuto rin silang gumamit ng jogging pants, tennis shoes, coat-and-tie, at leather
shoes. Ang mga kababaihan ay natutong gumamit ng mga sapatos na mataas na
takong, stockings, maging ang paggamit ng mga pabango, lotion, at iba pang uri ng
pampaganda.

Sa pagkain, natuto ang mga Pilipinong kumain ng oatmeal, hamburger, sausage,


hotdog, doughnut, pancakes, steak, beef stew, at iba pa. Natuto din ang mga
Pilipinong catsup bilang dagdag na pampalasa sa pagkain. Umiinom na rin ng
whisky, Manhattan cocktails, red wine, brandy, Kentucky bourbon, gin, at iba pang
nakalalasing na inuminang mga Pilipino.

8
Pag-unlad ng Transportasyon at Komunikasyon
Sa pagdating ng mga Amerikano naging maunlad ang transportasyon at
komunikasyon sa bansa. Nagkaroon ng maayos na kalsada at dumami ang mga
tulay. Dahil sa pagpapakilala ng mga de-makinang sasakyan tulad ng kotse at trak.
Ang mga sasakyang pandagat sa nagdadala ng mga produkto mula sa iba’t-ibang
lalawigan papunta sa ibang bahagi ng Pilipinas.

Panahanan at Gusali

Manila Post Office National Museum


https://en.wikipedia.org/wiki/Manila_Central_Post_Office https://en.wikipedia.org/wiki/National_Museum_of_Natural_History_(Manila)

Ang mga gusaling itinayo sa panahon ng mga Amerikano ay may disenyo na kung
tawagin ay neoclassical. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga disenyong ito ay ang
Post Office, Philippine General Hospital, at National Museum. Ito ay may mataas na
haligi, malalaking hagdan at ito ay may pundasyong bakal at semento upang
tumibay. Ito ay may matataas, malalawak, at matitibay.

Pag-uugali at Pagpapahalaga
Nagkaroon din ng pagbabago sa ugali ng mga Pilipino. Ang pagmamano sa
matatanda ay nawala at ito ay pinalitan ng pagbati ng ‘Hi’. Naging maluwag ang
pagsasama ng mag-anak na Pilipino. Higit na binigyang hala ang kultura at
kaugalian ng mga Amerikano.

Sining at Panitikan
Sumigla ang panitikang tagalog. Karaniwang pagtuligsa sa maling pamamahala ng
mga Amerikano ang tema ng mga isinusulat noon. Si Jose Corazon de Jesus ang
unang Hari ng Balagtasan na sumikat sa larangan ng pagtula. Sina Amado V.
Hernandez, Benigno Ramos, at Alejandro Badilla ay nakilala bilang mga mahuhusay
na makata. Ang kauna-unahang nobelang tagalog ni Lope K. Santos na
pinamagatang ‘’Banaag at Sikat’’ na inilimbag noong 1906 ay may paksang
sosyalismo.

Napagyaman ang wikang pambansa. Maraming mga naidagdag na salitang ingles na


natutunan sa mga Amerikano. Maraming sa ating salita ang nahalaw sa Ingles gaya
ng titser, dyip, radio, at sandwits. Hindi nabawasan ang hilig ng mga Pilipino sa mga
awitin at sayaw kahit na ito ay naiba dahil sa impluwensiya ng mga Amerikano. Ang
boogie at foxrot ay ilan sa mga sayaw na galing sa kanila.

9
Panuto: Suriin ang mga pangungusap sa Hanay A at hanapin sa Hanay B ang epekto
nito kasalukuyang pamumuhay natin. Isulat ang letra sa bawat patlang.

Hanay A Hanay B

_______1. Nagbukas ang mga a. Napangalagaan ang


pampublikong paaralan. kalusugan ng mga Pilipino
_______2. Sumulat sa wikang Ingles ang b. Bumilis ang takbo ng
mga Pilipino. pamumuhay sa bansa
_______3. Nahilig ang mga Pilipino sa c. Nabawasan ang
mga produkto at gawaing Amerikano pagpapahalaga sa kaugaliang
_______4. Nagpatayo ng mga klinika at Pilipino.
ospital sa bansa. d. Nabuksan ang pag-iisip ng
_______5. Gumamit ng mga semento at mga Pilipino sa karagdagang
bakal sa pagtatayo ng mga estruktura. kaalaman
e. Naging higit na matibay ang
mga bahay at gusali
f. Nakilala sa kahusayan sina
Carlos P. Romulo at
Jose Garcia Villa

10
.;;

Ipaliwanag:
1. Ano ang naidulot sa mga Pilipino at sa bansa ng pagkakaroon ng
pampublikong paaralan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Paano binago ng mga Amerikano ang kalagayang Pangkalusugan sa
ating bansa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Sa paanong paraan nabago ang pag-uugali ng mga Pilipino sa
pagbabagong dala ng mga Amerikano sa bansa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. May Kaisipang kolonyal pa ba ang mga Pilipino hanggang ngayon?
Patunayan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, ang pagsakop ba ng mga Amerikano sa Pilipinas at
ang pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino ay nakatulong? Paano?
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Panuto: Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong saloobin sa mga pagbabagong
naganap sa bansa na resulta ng pananakop ng mga Amerikano? Sagutin ito gamit
ang 3-5 pangungusap.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

11
Panuto: Basahin ang pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Noong Agosto 23, 1901, dumating sa bansa ang grupo ng mga Amerikano.
Silay ay sakay ng barkong SS Thomas, na tinawag na ___________?
A. Thomas Teachers
B. Thomas School
C. Thomasites
D. Thomas
2. Ang mga sumusunod ay layunin ng Amerika sa pagpapatupad ng Edukasyon
sa Pilipinas maliban sa isa ano ito?
A. Palaganapin ang demokratikong pamamahala sa Filipinasyon
B. Panatilihin ang kulturang Espanyol ng mga Pilipino
C. Sanayin ang mga Pilipino sa pagkamamamayan
D. Ipakalat ang wikang Ingles sa buong Kapuluan
3. Paano umunlad ang komunikasyon noong panahon ng mga Amerikano?
A. Nagkaroon ng mga radio, telepono, at maayos na koreo
B. Natutong gumamit ng kompyuter ang mga Pilipino
C. Nakapagsulat sa wikang Ingles ang mga Pilipino
D. Naglathala ng maraming pahayagan at magasin
4. Ang mga sumusunod ay epekto ng pag-unlad ng transportasyon sa bansa sa
panahon ng Amerikano, MALIBAN sa isa?
A. Mabilis ang daloy ng kalakalan at pagluwas ng mga producto sa maraming
lugar
B. Maraming mga Pilipino mula sa lalawigan at bayan ang nawalan ng
hanapbuhay
C. Maraming lalawigan na nakahiwalay sa centro ng kaunlaran ang
naiugnay
D. Nagpabago sa katayuan ng maraming lugar sa Pilipinas
4. Ang mga sumusunod ay hakbang upang masugpo ang mga nakakahawang
sakit na dinanas ng marami noong panahon ng Amerikano, MALIBAN sa isa.
A. Dumating ang mga mahuhusay na Amerikanong Doktor
B. Gumamit ng mga makabagong gamot
C. Nagpatayo ng mga ospital at klinika
D. Gumamit ng mga halamang gamot
6. Ang mga gusaling itinayo ng mga Amerikano ay may disenyo na kung
tawagin ay _______________. Ito ay mayroong matataas na haligi at
malalaking hagdan. Ang ilang sa mga halimbawa nito ay Post Office,
Philippine General Hospital, at National Museum.
A. Neo-classical
B. Modernist
C. Baroque
D. Gothic
7. Ito ang relihiyong ipinakilala ng mga Amerikano sa ating bansa.

12
A. Protestantismo
B. Kristyanismo
C. Hinduismo
D. Islam
8. Itinatag ang paaralang ito noong 1901 na may layuning mabigyan ng

edukasyon at kasanayan ang mga guro sa bansa.


A. Paaralang Normal ng Pilipinas
B. Centro Escolar University
C. Unibersidad ng Pilipinas
C. National University
9. Ito ay ang higit na pagpapahalaga sa kaisipan, produkto, at mga
bagay na gawang dayuhan lalo na ang nagmula sa Estados Unidos.
A. Kaisipang kolonyal
B. Palabra de honor
C. Utak Talangka
D. Ningas-kugon
10. Ito ang wikang ginamit bilang wikang panturo sa panahon ng mga
Amerikano.
A. Wikang Nihonggo
B. Wikang Espanyol
C. Wikang Tagalog
D. Wikang Ingles

13
Ipaliwanag.
A. Sa iyong palagay, nakabuti o nakasama ang pananakop na ginawa ng mga

Amerikano sa Pilipinas? Bakit?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

B. Magtala ng mga pagbabago sa panahon ng Amerikano na nararanasan par i


hanggang ngayon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

14
15
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. D 1. D 1. C
2. B 2. F 2. B
3. A 3. A
4. A 3. C 4. B
5. A 4. A 5. C
6. A 5. E 6. A
7. B 7. A
8. A 8. A
9. C 9. A
10.A 10.D
Sanggunian:
(2015). In E. L. Eleanor D. Antonio, Kayamanan 5 (pp. 185-192). Manila: Rex Book Store.

National Museum. (2020, August 29). Retrieved from Wikipedia:


https://en.wikipedia.org/wiki/National_Museum_of_Natural_History_(Manila)

Manila Central Post Office. (2020, June 8). Retrieved from Wikipedia, the free encyclopedia:
https://en.wikipedia.org/wiki/Manila_Central_Post_Office

Ruiz, L. (2016, October 8). File:Philippine Normal University.jpg. Retrieved from Wikimedia Commons:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Philippine_Normal_University.jpg

TOMACRUZ, S. (2020, July 9). Searching for a coronavirus vaccine: What PH clinical trials will look like.
Retrieved from rappler: https://www.rappler.com/newsbreak/iq/things-to-know-
coronavirus-vaccine-trials-philippines

Soeurs, C. (2020, October 15). Dress. Retrieved from Wikipedia: https://en.wikipedia.org/wiki/Dress

Black tie. (2020, October 14). Retrieved from Wikipedia: By Museo del Bicentenario - Museo Casa
Rosada, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=23053436

Nakano, H. (2006, April 6). Hamburger steak. Retrieved from Wikipedia:


https://en.wikipedia.org/wiki/Hamburger#/media/File:Hamburg_steak.jpg

Hariadhi. (2007, May 2). File:CocaColaBottle background free.jpg. Retrieved from Wikimedia
Commons: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:CocaColaBottle_background_free.jpg

University of the Philippines. (2020, November 1). Retrieved from Wikipedia, the free encyclopedia:
https://en.wikipedia.org/wiki/University_of_the_Philippines

(n.d.). In ii]\.

(2015). In E. L. Eleanor D. Antonio, Kayamanan 5 (pp. 185-192). Manila: Rex Book Store.

(2017, February 12). Retrieved from freepngimg.com: <a


href="https://www.freepngimg.com/png/22512-suit-coat-pant">Suit Coat Pant
FreePNGImg.com</a>

Black tie. (2020, October 14). Retrieved from Wikipedia: By Museo del Bicentenario - Museo Casa
Rosada, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=23053436

Hariadhi. (2007, May 2). File:CocaColaBottle background free.jpg. Retrieved from Wikimedia
Commons: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:CocaColaBottle_background_free.jpg

Manila Central Post Office. (2020, June 8). Retrieved from Wikipedia, the free encyclopedia:
https://en.wikipedia.org/wiki/Manila_Central_Post_Office

Nakano, H. (2006, April 6). Hamburger steak. Retrieved from Wikipedia:


https://en.wikipedia.org/wiki/Hamburger#/media/File:Hamburg_steak.jpg

16
National Museum. (2020, August 29). Retrieved from Wikipedia:
https://en.wikipedia.org/wiki/National_Museum_of_Natural_History_(Manila)

Ruiz, L. (2016, October 8). File:Philippine Normal University.jpg. Retrieved from Wikimedia
Commons: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Philippine_Normal_University.jpg

Soeurs, C. (2020, October 15). Dress. Retrieved from Wikipedia: https://en.wikipedia.org/wiki/Dress

TOMACRUZ, S. (2020, July 9). Searching for a coronavirus vaccine: What PH clinical trials will look
like. Retrieved from rappler: https://www.rappler.com/newsbreak/iq/things-to-know-
coronavirus-vaccine-trials-philippines

University of the Philippines. (2020, November 1). Retrieved from Wikipedia, the free encyclopedia:
https://en.wikipedia.org/wiki/University_of_the_Philippines

Villagarcia, J. S. (2014, February 16). Mga Impluwensiya ng Amerikano sa Pilipinas. Retrieved from
Slideshare:
https://www.slideshare.net/jenhelliesheenvillagarcia?utm_campaign=profiletracking&utm_
medium=sssite&utm_source=ssslideview

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like