You are on page 1of 23

DIVISION OF NAVOTAS CITY

6
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Paraan ng Pakikipaglaban ng
mga Pilipino para sa kalayaan
Laban sa Hapon

S.Y. 2020-2021
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Araling Panlipunan – Ika-anim Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Paraan ng Pakikipaglaban ng mga Pilipino
para sa Kalayaan Laban sa Hapon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eunice V.Delfin
Editor: Ruth R. Reyes
Tagasuri: Josephine D. Prudenciado
Tagaguhit:
Tagalapat: Johnny Fred A. Limbawan
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC- Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC- Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Chief, Curriculum Implementation Division
Ruth R. Reyes- EPS in Araling Panlipunan
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Shirley Eva Marie V. Mangaluz, Librarian II LRMS
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II LRMS
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Navotas City
Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
6
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Paraan ng Pakikipaglaban ng
mga Pilipino para sa kalayaan
Laban sa Hapon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Araling Paraan ng Pakikipaglaban ng mga
Pilipino para sa Kalayaan Laban sa Hapon !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Araling Paraan ng Pakikipaglaban ng mga
Pilipino para sa Kalayaan Laban sa Hapon !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

iv
Hindi natinag ang makabayang damdamin ng mga Pilipino kahit pa bumagsak
na sa kapangyarihan ng mga Hapones ang Bataan at Corregidor .Nanaig pa rin
sa kanilang mga puso ang pagmamahal sa bansa at adhikaing makalaya at
wakasan na ang kalupitang dinaranas sa kamay ng mapang-aliping
Hapon.Mahirap man para sa kanila na lusubin ang malakas ng pwersa nito ay
gumawa pa rin ng mga paraan upang maipagpatuloy ang laban para sa mga
Hapon.
Ang pagbuo nbubuwis ng buhay ng mga Pilipino ay pagpapakita ng g pagnanais asa
maakba ay paraan upang ipakita Ibat ibang paraan ng pakikipaglaban ang ginawa ng
ma gPilipino Ng Ibat ibAng pinakamalaking pangkat ng gerilya ay Hukbalahap na itinatag
ni Luis Taruc.Ito ay binubuo ng mga magsasaka mula sa gitna at Katimugan ng Luzon.

• Paraan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan laban sa


Hapon

Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. Nalalaman ang mga paraan na ginawa ng mga Pilipino upang
makipaglaban laban sa Hapones
2. Natatalakay ang mga kaganapan na ginawa ng mga Pilipino upang wakasan
ang kalupitan ng Hapon
3. Napapahalagahan ang katapangan at makabayang damdamin ng mga
Pilipino.

1
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Bagamat nagkasundo sa pakikipaglaban ang mga Pilipino at sundalong
Amerikano, ano pa rin ang prinsipyo ng mga Pilipino na nais matupad?

A. Pilipinas para sa mga dayuhan

B. Pilipinas para sa mga Pilipino lamang

C. Pilipinas para sa mga nagkakaisang dayuhan

D. Pilipinas para sa makapangyarihang bansa

2. Itinatag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang ______________habang siya nasa


Washington.

A. Governmen in Agreement
B. Government in Reform
C. Government in Exile
D. Wala sa mga nabanggit

3. Anong tulong ang ginawa ng mga kababaihan sa Kilusang Gerilya?

A. Pagbibigay ng pagkain

B. Paggamot sa mga sugatang gerilya

C. Pagsusumbong sa mga Hapon

D. a at b

4. Mula sa bilang 3 na pangungusap,? Ano ang nais ipahayag nito?

A. May katangi-tanging kontribusyon ang mga kababaihan sa


pakikipaglaban ng mga Pilipino laban sa mga Hapon.

B. Mahihina ang mga kababaihan at takot makialam sa laban

C. Mga kalalakihag Pilipino lamang ang maaring makagawa ng paraan sa


pakikipaglaban

D. Lahat ay tamang sagot

2
5. Pormal na napasuko ang puwersa ng mga Hapon noong_____

A. April 9, 1942
B. Setyembre 2, 1945
C. April 9, 1942
D. Enero2, 1942

6. Naging madali ba sa mga Pilipino ang pakikipaglaban sa mga Hapon? Bakit?

A. Oo, dahil sapat ang ating mga armas pandigma.

B. Oo, dahil maami ang mga Pilipino kaysa Hapon

C. Hindi, dahil kulang tayo sa mga armas pandigma

D. Hindi, dahil mahihina ang loob ng mga Pilipino

7. Muling naitatag ang Pamahalaang Komonwelt sa ilalim ng panunungkulan ni


_______________.
A. Sergio Osmeña Sr.
B. Manuel Roxas
C. Ramon Magsaysay
D. Elpidio Quirino
8. Anong damdamin ang umiral sa mga Pilipino upang ipagpatuloy ang
pakikipaglaban sa Hapon?

A. galit
B. pagtuligsa sa karahasan
C. pagmamahal sa bansa
D. lahat ng nabanggit ay tama
9.Alin sa nga sumusunod ang ninais hilingin ng mga magsasaka kay Pangulong
Roxas?

A. Patirahin na lamang sila sa naiwang bahay ng mga mayayaman.

B. Bigyan sila ng matataas na posisyon sa pamahalaan

C. Isama sila sa mga bibigyan ng parangal

D. Ibigay na lamang sa kanila ang lupain ng mga mayayaman dahil iniwan


na nila ang mga ito.

10. Ang HukBalahap ay kilusan na binubuo ng mga _________.

A. mangingisda B. asindero C. magsasaka D. minero

3
Aralin Paraan ng Pakikipaglaban ng
1 mga Pilipino para sa
Kalayaan Laban sa Hapon

Balikan natin ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga Hapon sa


Pilipinas

Pumili sa loob ng kahon ng tamang sagot.Isulat sa inyong sagutang papel.

Mickey Mouse Money, KALIBAPI, Pamahalaang PUPPET.


Kempe-Tai, Makapili, Comfort Women, Jose P Laurel,
Niponggo, Oktubre 14,1943, HUKBALAHAP

________1.Ang mga batas na ipinapatupad ay nakabubuti lamang sa mga


Hapones.Tayo ay may sarili ng pamahalaan subalit pinapakilos at
pinasusunod pa rin ng mga Hapon.

________2.Ito ang pinapaturong wika sa mga pampublikong paaralan.

________3. Nag-iisang partidong pinayagan ng Hapones.

________4.Pinasinayaan ang Ikalawang Republika ng Pilipinas.

________5.Pagpapatupad ng mga hapones sa paggamit sa bagong salaping


papel.Ito ay tinuturing na salaping walang halaga o laruang papel.

________6.Naging pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas.

________7.Tawag sa mga pulis militar na hapones

________8.Pinakamalaking pangkat ng gerilya s pamumuno ni Luis Taruc.

________9.Tawag sa mga Pilipinong makahapon.

________10.Mga Pilipinang babae matanda man o bata na nakaranas ng


panggagahasa o naging parausan.

4
Mga Tala para sa Guro
Maaaring magbigay ng karagdagang Gawain upang lalong higit na
maunawaan ng mag-aaral ang aralin sa modyul na ito. Gayundin, maaari
ring magsaliksik ng mga educational video sa Youtube na makatutulong din
bilang karagdagan sa tatalakaying mga paksa sa modyul na ito.

Hanapin ang mga salita sa loob ng mga kahon (Word Puzzles). Magbigay ng ilang mga
pangungusap/ pangyayari tungkol dito.

1. digmaan 6. Americano

2. comfort women 7. HUKBALAHAP


3. Tarlac 8. blackmarket

4. kabuhayan 9. gerilya

5. ekonomiya 10. Industriya

5
Basahin at unawain ang mga kaganapan
A.PARAAN NG PAKIKIPAGLABAN NG MGA PILIPINO LABAN SA HAPON
Ang tatlong taong pananakop ng mga Hapon ay mga taon din ng pag-aalsa ng
mga Pilipino.Bagamat marami sa mga atin ang nakiayon sa pamamahala ng
Hapon , may mga Pilipino pa ring masidhi ang pagnanais na makamit ang
kalayaan mula sa mga dayuhan. Ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay
nagtungo sa kabundukan at lihim na nagtatag ng mga kilusan upang pabagsakin
ang pwersa ng Hapon.May mga Pilipinong naging espiya upang mapasok ang
kampo ng mga kalaban.Layunin ng mga samahang ito ang pabagsakin ang
kapangyarihang ng mga Hapon sa pamamagitan ng paglusob sa mga garrison,
pagkuha ng mga bala at armas, patayin ang mga sundalo at opisyales na Hapon
at palayain ang mga Pilipinong nakakulong.Ang muling pagbabalik sa bansa ni
Heneral Mc Arthur ay nakatulong upang lalong magtibay ang naisin ng mga
Pilipino para sa kalayan laban sa mga Hapon.
Kilusang Gerilya

6
Noong May 6, 1942 tuluyan ng nahulog sa kamay ng mga Hapones ang Bataan
at Corregidor subalit nagpatuloy pa rin sa pakikipaglaban ang mga sundalong
Amerikano o USAFFE na nakaligtas sa labanan.Sila ay namundok at palihim na
nakipaglaban sa mga Hapon . Sumama sila sa pangkat ng mga gerilya na ang
layunin ay salakayin ang garrison ng mga Hapon, kunin ang mga bala at armas,
patayin ang mga sundalo at opisyales na Hapon at palayain angmga Pilipinong
hinuli at kinulong. Sumama rin ang maliliit na pangkat mula sa ibat ibang panig
ng bansa at sumanib sa gerilya, gaya nina Bado Dangwa ng Mountain Province,
Guillermo P.Nakar, Bernard Anderson, Marcos Agustin.Eleuterio Adevoso ng
Luzon,Salipada Pendatun ng Cotabato. Sa Cebu naman, sina James Cushing ,
sa Panay ,Macario Peralta ,sa Negros, Salvador Abcede, sa Bohol, Ismael Ingeniero
at sa Leyte ay si Ruperto Kangleon.
2. Kilusang HukBalaHap
Itinatag ang HukbBalaHap upang maipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga
Hapon.Ito ay pinamunuan nina Luis Taruc, Jesus Lava at Jose Banal. Ang mga
kasapi nito ay mga magsasaka na handang pangalagaan ang katahimikan.Daan-
daang Hapon ang kanilang pinatay na naging dahilan para sila ay katakutan mga
Hapon.

Iba pang mgaPilipino


Bukod sa mga gerilya at huk, tawag sa mga kasapi ng HukbBalaHap, marami
pang mga katangi-tanging kababaihan ang lumaban sa mga Hapon.

Babae man si Josefa Llanes-Escoda, hindi ito naging hadlang upang lumahok
siya sa digmaan laban sa mga Hapones.
Siya ang nagtatag ng mga babaeng iskawt (Girl Scout) sa Pilipinas noong Mayo
26, 1940, binuo niya ang Pambansang Pederasyon ng mga Samahan ng mga
Kababaihan (National Federation of Women’s Clubs).
Malaki ang tulong niya sa mga sundalong Pilipino na sumuko at nagmartsa
patungong Capas, Tarlac. Katulong ang kaniyang asawa at iba pang mga
kababaihan, binigyan nila ng pagkain, damit at gamot ang mga sundalo.
Dahil sa kaniyang pagtulong sa mga sundalong lumaban sa mga Hapones, hinuli
siya at kaniyang asawa at kinulong sila sa Fort Santiago. Doon na rin sa
bilangguan binawian ng buhay si Josefa Llanes-Escoda noong Enero 1945.
Ang mga Huk at Amerikano
Ang relasyon ng mga Huk at mga Amerikano ay pansamantalang pagkakaisa
sapagkat matatandaang ang mga Huk ay nakipagtalastasan sa mga gerilya at kay
McArthur. Inilahad nila ang kanilang layunin na labanan ang mga pwersang
Hapones. Subalit maliwanag pa rin sa kanila na pagkatapos ng digmaan ay

7
ibibigay pa rin ang kalayaan at pag-alis ng mga Amerikano sa bansa. Bagamat
may mga pagkakataong binibigyang-proteksyon nila ang mga Amerikanong
gerilya, ang kanilang posisyon laban sa mga Amerikano ay hindi pa rin
nagbabago. Ang Pilipinas ay para sa Pilipino lamang.
Ang mga Huk Pagkatapos ng Digmaan
Matatandaang maraming panginoong maylupa ang nag-iwan ng mga lupain sa
mga kanayunan at sila ay nagtago sa iba’t ibang bayan sa Pilipinas. Tanging ang
mga magsasaka na sumusuporta at binigyang-proteksyon ng mga Huk ang
naiwan sa mga kanayunan upang magsaka. Sila ang nagtawid-gutom sa
maraming naghihirap na Pilipino noong digmaan gayundin sa mga mayayaman.
Kaya’t nang matapos ang digmaan, hiniling nila sa pamahalaang Roxas na ibigay
sa kanila ang mga lupaing sinasaka dahil ang mga ito ay naman daw ay iniwan
na ng mga may-ari.

Pagbabalik ng Pamahalaang Komonwelth


Noong pebrero 1942, Hindi kaagad nakaalis si Pangulong Manuel Quezon
patungong Australia kayat nagkaroon pa siya ng pagkakataon na puntahan pa
ang mga kabisayaan na noon ay malaya pa. Sa pangyayaring ito ay nagpa-angat
ng damdamin ng mga Pilipino.Mula sa Negros si Quezon at ang kanyang mga
kasahaman ay tumulak patungong Oroqueta , Misamis.Habang sila ay
naghihintay,inatas ni Quezon kay Mauel Roxasa ang pamamahala habang siya
ay wala. Dinala si Quezon sa Australia noong Marso 26, 1942 .Itinatag niya ang
GOVERNMENT IN EXILE sa Washington.Habang sila ay naroon, binigyang
inspirasyon niya ang mga Pilipinong namatay sa kamay ng mga Hapon.Nang
mamatay sa Estados Unidos si Quezon, naging pangulo si Sergio Osmeña Sr. Si
Osmeña ang namuno hanggang makamit ng Pilipinas ang kalayan noong Hulyo
4, 1946.

8
Punan ang grahic organizer ng mga paraan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino
laban sa Hapon.

Paraan ng pakikipaglaban ng mga


Pilipino sa mga Hapon

Nagtatag ng ______________________________

Nagtatag ng ______________________________

Ang mga kababaihan ay tumulong sa


pamamagitan ng ________
9
__________at _________________
Itinatag ang Pamahalaang ____________________sa
Pamamahala ni Sergio Osmeña

Panuto: Isulat sa bawat patlang ang tamang sagot upang mabuo ang
pangungusap na naglalahad ng paraan ng mga Pilipino sa pakikipaglaban sa
Hapon.

Nagtatag ng Kilusang _____________ang mga sundalong Pilipino at

Amerikano nang bumagsak ang Bataan at Corregidor sa pwersa ng mga

Hapon. Nagtatag din ng Kilusang__________na binubuo ng mga magsasaka mula

sa gitna at katimugang Luzon sa pamumuno ni _______________.Siya naman ang

isa sa mga kababaihanang nagpamalas ng katangi-tanging kabayanihan sa

pakikipaglaban sa mga Hapon.Itinatag niya babaeng Iskawts o Girl Scout sa

Pilipinas noong May 26, 1940.

Bagamat may pagkakaisa ang mga Pilipino sa

mga sundalong Amerikano o tinatawag na ___________, hindi maikakailang nais pa

10
rin ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan para sa mga Pilipino

lamang. Samantala, pinadala sa ____________si PangulongManuel L. Quezon at

inatas muna kay _______________ang pamamahala sa bansa habang wala

siya.Sa ______________ay itinatag ni Pangulong Quezon ang Government In

___________.Nakamit ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa kamay ng mga Hapon

noong________________.

Panuto:

Sumulat ng mga gawain o pamamaraan kung paano mo mapapahalagahan ang


kalayaang ipinaglaban ng mga Pilipino.Magbigay ng (5) lima.

1.__________________________________________________________
2.__________________________________________________________
3.__________________________________________________________
4.__________________________________________________________
5.__________________________________________________________

11
Panuto: Upang matiyak ang mga natutuhan mo sa araling ito sagutan mo ang
mga sumusunod na gawain.Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Pormal na napasuko ang puwersa ng mga Hapon noong _____
A. April 9, 1942
B. Enero2, 1942
C. April 9, 1942
D. Setyembre 2, 1945
2. Muling naitatag ang Pamahalaang Komonwelt sa ilalim ng panunungkulan
ni_______________.
A. Manuel Roxas
B. Elpidio Quirino
C. Sergio Osmeña Sr.
D. Ramon Magsaysay
3. Itinatag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang ______________habang siya nasa
Washington.
A. Governmen in Agreement
B. Government in Reform
C. Government in Exile
D. Walang tamang sagot
4. Alin sa nga sumusunod ang ninais hilingin ng mga magsasaka kay Pangulong
Roxas?

A. Isama sila sa mga bibigyan ng paranga

12
B. Bigyan sila ng matataas na posisyon sa pamahalaan

C. Patirahin na lamang sila sa naiwang bahay ng mga mayayaman.


D. Ibigay na lamang sa kanila ang lupain ng mga mayayaman dahil iniwan
na nila ang mga ito.
5. Bagamat nagkasundo sa pakikipaglaban ang mga Pilipino at sundalong
Amerikano, ano pa rin ang kanilng prinsipyo na nais matupad?

A. Pilipinas para sa mga dayuhan


B. Pilipinas para sa mga Pilipino lamang
C. Pilipinas para sa makapangyarihang bansa
D. Pilipinas para sa mga nagkakaisang dayuhan
6. Anong tulong ang ginawa ng mga kababaihan sa Kilusang Gerilya?

A. Pagbibigay ng pagkain

B. Paggamot sa mga sugatang gerilya

C. Pagsusumbong sa mga Hapon

D. a at b

7. Mula sa bilang 6 na pangungusap,? Ano ang nais ipahayag nito?

A. May katangi-tanging kontribusyon ang mga kababaihan sa


pakikipaglaban ng mga Pilipino laban sa mga Hapon.

B. Mga kalalakihag Pilipino lang ang maaring makagawa ng paraan sa


pakikipaglaban

C. Mahihina ang mga kababaihan at takot makialam sa laban

D. Lahat ay tamang sagot

8. Naging madali ba sa mga Pilipino ang pakikipaglaban sa mga Hapon? Bakit?

A. Oo, dahil sapat ang ating mga armas pandigma.


B. Oo, dahil marami ang mga Pilipino kaysa Hapon
C. Hindi, dahil kulang tayo sa mga armas pandigma
D. Hindi, dahil mahihina ang loob ng mga Pilipino
9. Ang HukBalahap ay kilusan na binubuo ng mga _________.

A. mangingisda C. magsasaka

B. asindero D. minero

10. Anong damdamin ang umiral sa mga Pilipino upang ipagpatuloy ang
pakikipaglaban sa Hapon?

A. galit C. pagmamahal sa bansa


B. pagtuligsa sa karahasan D. lahat ng nabanggit ay tama

13
A. Magsulat ng mga paraan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino laban sa Hapon.

1. ___________________________________________________________

2. ___________________________________________________________

3. ___________________________________________________________

4. ____________________________________________________________

5. ____________________________________________________________

14
Subukin Pagyamanin Tayahin

10. c 10. d

9. d 9. c

8. d 8. c
5. Komonwelt
7. a 7. a
ng pagkain
4. Pagbibigay 6. d
sundalo
6. c
Pilipino at 5. b
5. a
sa sugatang
3.Paggamot 4. a 4. d
HukBalahap
2. Kilusang 3. d 3. c
Gerilya
1. Kilusang 2. c 2. a

1. b 1. a

Sanggunian

K- 12 Curriculum Guide AP6KDP –11e-5 MELCs Q2 Week 7


Zenaida Q.Reyes,Nerissa S. Tantengco, DALOY NG KASAYSAYAN AT PAMAHALAANG PILIPINO I
SEMP pahina 202-205, Unang Taon ng Paglilimbag1997, Dane Publishing House,Inc. 203
Mindanao Avenue Extension Quezon City.

Sanggunian mula sa Internet:


pananakop-ng-mga-hapon-sa-pilipinas/ Published on Dec 15, 2015, Duenas .
retrieved from https://www.slideshare.net/ Magilover00/ , September 27, 2020
EASE MODYUL 15 PANANAKOP NG HAPON AT REAKSYON NG MGA PILIPINO - pdf-
Adobe Acrobat Reader DC, Retrieved from BUREAU OF SECONDARY
EDUCATION ,Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City, September 17, 2020

15
mga-patakarang-ipinatupad-sa-panahon-ng-mga-hapones/ Published with
reusable license by Jonel May Disu February 7, 2012 Retieved from
https://prezi.com/8vs4jezg6jbv/ October 10, 2020

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like