WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM
OUTCOME-BASED EDUCATION
ARALING GRADE
PANLIPUNAN 6
LEARNING QUARTER 4
MODULE WEEK 1
0
MODYUL SA
ARALING PANLIPUNAN
KUWARTER 4
LINGGO 1
MGA SULIRANIN AT HAMON SA
ILALIM NG BATAS MILITAR
Development Team
Writer: Charlyn Ruby A. Villarias
Reviewers/Editors: Raul S. Quitoriano Abdon R. Manuel
Janet Rosario P. Luis
Layout Artist: Clifford B. Hernaez
Management Team: Vilma D. Eda Arnel S. Bandiola
Lourdes B. Arucan Juanito V. Labao
Imelda Fatima G. Hernaez
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 1
PANIMULANG SALITA
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin sa Ikaapat na
Kwarter ng Araling Panlipunan 6: Unang Linggo. Nilalaman nito ang mga
aralin tungkol sa mga suliranin at hamon sa ilalim ng batas militar.
Sa modyul na ito iyong malalaman ang mga dahilan ng
pagkakadeklara ng batas militar ni Pangulong Marcos.
MELC: Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng batas miltar.
Mga Layunin:
➢ Naiisa-isa ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagtatakda
ng batas militar.
➢ Natutukoy ang mga dahilan ng pagkakadeklara ng batas militar.
➢ Nakabubuo ng kongklusyon ukol sa epekto ng batas militar sa
politika, kabuhayan, at pamumuhay ng mga Pilipino.
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 2
Alamin
Hindi nagtapos sa pananakop ng dayuhan ang pakikipaglaban ng mga Pilipino
tungo sa kasarinlan. Iba’t ibang krisis, suliranin at hamon ang naging daan upang maganap
ang isa sa mga rebolusyong naging malaking bahagi ng ating kasaysayan. Tatalakayin sa
araling ito ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng batas militar.
Handa ka na ba?
Subukin
Panuto. Suriin ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
https://www.veritas846.ph/bakwit/
1. Isipin mong ikaw ay isa sa mga batang nasa larawan sa gitna ng terorismo. Ano
ang gagawin mo upang umayos ang sitwasyon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Sino sa iyong palagay ang may kakayahang mag-ayos ng ganitong kaguluhan sa
ating barangay? Maglista ng tatlo.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 3
Tuklasin
MGA SULIRANIN AT HAMON SA ILALIM NG BATAS MILITAR
Ang unang panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos ay may layuning
gawing dakilang muli ang Pilipinas. Malawakang paggawa ng tulay, kalye, patubig at
paaralan ang kanyang pinasimulan. Ang mga krimen ay nabawasan. Lumaki ang
produksyon sa agrikultura dahil sa reporma sa lupa. Ang serbisyo ng pamahalaan ay
dumami lalo na sa kalusugan. Subalit nang muli siyang mahalal noong taong 1969 ay
nagbago ang sistema ng kanyang pamamalakad. Maraming Pilipino ang nagalit dahil sa
pambansang kahirapang ibinunga ng labis na paggasta at pangungutang ng pamahalaang
Marcos sa kanyang ikalawang termino. Isa-isahin natin ang mga pangyayari sa bansa na
nagtapos sa pagdedeklara ng batas militar.
Mga Suliraning Pangkabuhayan
Dahil sa dami ng mga proyektong inilunsad ni Marcos sa kanyang unang termino,
naipon ang utang ng Pilipinas na ipinantustos niya sa mga nasabing proyekto. Tumaas din
ang halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Dahil dito, tumaas din ang halaga ng
mga bilihin. Binuksan ni Marcos ang bansa sa mga dayuhang mamumuhunan ngunit hindi
naman nila ginamit nang tama ang likas na yaman ng bansa. Patuloy na yumaman ang
mga kapitalista ngunit lalo naman naghirap ang mga mamamayang mahihirap.
Mga Suliraning Panlipunan
Nagsimula ang mga suliranin sa lipunan bunga ng mga suliraning pangkabuhayan.
Lumaganap ang pagkakaroon ng mga mayayamang negosyante at pulitiko ng mga private
army o mga puwersang militar na wala sa hurisdiksiyon ng pamahalaan. Ang kanilang mga
armas at baril ay madaling nabibili sa ibang bansa. Isa ito sa mga dahilan ng pagtaas ng
bilang ng mga krimen.
Samantala, dahil sa pahirap nang pahirap ang buhay at maliit na kita ng mga
manggagawa, nagsimula ang maraming pag-aaklas na sinuportahan ng mga aktibistang
mag-aaral. Marami sa mga nag-aklas ay mga estudyante at mga manggagawa. Sila ay
nagsasagawa ng mga pag-aaklas o demonstrasyon laban sa admistrasyong Marcos. Ang
mga gawaing ito ay tinatawag na parliaments of the streets.
Mga Suliraning Pampolitika
Dahilan sa mga nagaganap sa lipunan, dumami ang nawalan ng tiwala
sa pamahalaan at sa mapayapang reporma. Iba’t ibang samahan na may iba’t ibang
simulain ang naitatag.
Ilan sa mga kilalang organisasyon ng kabataan na nagpaigting sa mga
pag-aaklas ay ang Kabataang Makabayan (KM), Samahang Demokratiko ng
Kabataan (SDK) at Student Cultural Association of UP (SCAUP). Binuo nila ang
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 4
Movement for the Advancement of Nationalism upang magkaroon ng malawak na
alyansa ng mga makabayang kabataan.
Sa sektor naman ng mga manggagawa, nanguna ang mga komunistang
samahan sa pagpoprotesta. Sumama rin sa pag-aaklas ang mga ordinaryong
manggagawa ng mga grupong tulad ng National Association of Trade Unions at
Malayang Samahang Magsasaka.
Dumami ang mga indibidwal at organisasyong nawalan ng tiwala sa
administrasyong Marcos. Kabilang sa mga samahang sumasalungat sa administrasyon ay
ang Communist Party of the Philippines (CPP), National Democratic Front (NDF), New
People’s Army (NPA) at Moro National Liberation Front (MNLF).
Ang mga rally at demonstrasyon ay naging magulo. Nagkaroon ng mga
paglalaban ng mga militante ng demonstrador at militar. Noong ika-21 ng Agosto taong
1971 nagkaroon ng isang malaking pagsabog sa Plaza Miranda sa Maynila kung saan
nagdaos ng pangangampanya ang oposisyong Partido Liberal. Maraming sibilyan at
pulitiko ang nasugutan at may ilang nasawi. Dahil sa pangyayaring ito, nilagdaan ni
Pangulong Marcos ang Proklamasyon 889 o pagsuspindi ng Writ of Habeas Corpus o
pagkaputol na dinggin sa hukuman ang mga kaso ng mga inaresto ng pamahalaan.
Setyembre 1972 nang diumano’y tambangan ng mga rebelde ang noo’y
Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile. Pinaulanan ng bala ang isa
sa mga kotseng kabilang sa convoy ng kalihim. Suwerteng sa kabilang kotse nakasakay
si Enrile kaya siya ay nakaligtas sa pananambang.
Noong buwang ding iyon, ibinunyag ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
ang pinakamatinding katunggali sa pulitika ni Marcos noong panahon iyon ang planong
pagdedeklara ni Pangulong Marcos ng Batas Militar sa ilalim ng planong “Oplan
Sagittarius”
Ang Deklarasyon ng Batas Militar
Noong Setyembre 21, 1972, nawalan ng kuryente ang buong bansa. Nang
bumalik ito, si Pangulong Marcos ang tumambad sa lahat ng istasyon sa telebisyon.
Inihayag niya sa buong Pilipinas ang pagsasailalim ng bansa sa Proklamasyon Blg. 1021
o Martial law.
Ibinatay ni Pangulong Marcos sa Saligang Batas ng 1935 ang pagdedeklara
ng batas militar o martial law. Sa Artikulo VII, Seksyon 10 ng Saligang-Batas, nasasaad
na: “Ang Pangulo ang kumandante ng lahat ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas;
kailanman at kakailanganin, maaari niyang tawagan ang sandatahang lakas para magapi
ang mga taong gumagawa ng karahasang labag sa batas gaya ng pananakop,
paghihimagsik o rebelyon. Maaari niyang suspindihin ang writ of habeas corpus o ilagay
ang bansa o alinmang bahagi nito sa ilalim ng Batas-Militar.
Labis-labis at nakakatakot ang kapangyarihan ng pangulo, narito ang ilan sa
ginawa ni Pangulong Marcos sa panahon ng Batas Militar: Pagsasara at pagkontrol sa
mga paaralan, palimbagan, istasyon ng telebisyon at radio at paghihigpit sa mga
pahayagan. Pag-aresto sa mga hinihinalang kasama o kasabwat sa grupong pabagsakin
ang pamahalaan.
Isang taon matapos ang pagdedeklara ng batas militar, ipinatupad ang bagong
Saligang Batas. Nakahabi ang mga batas na ito upang mabigyan si Marcos ng lubos na
kapangyarihan sa pamamahala.
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 5
Epekto ng Batas Militar
Nagdulot ng malaking banta sa demokrasya ng Pilipinas ang pagpapatupad ng
batas militar. Lumaganap ang maraming mga paglabag sa karapatang pantao, kawalan
ng kalayaang magpahayag, karahasan at katiwalian sa bansa. Kabi-kabila ang mga
demostrasyon laban sa administrayong Marcos. Naging mapang-abuso ang militar sa
kapangyarihan.
Gayunpaman, nagbunga rin ito ng ilang magagandang pagbabago sa kabuhayan
at lipunan ang batas militar. Inilunsad ni Marcos ang ideya ng “New Society” na binubuo
ng mga reporma sa kabuhayan, lipunan, edukasyon at pulitika. Hinikayat niya ang mga
Pilipino na makiisa sa pagbabago ng lipunan.
Dumami rin ang mga dayuhang namumuhunan sa bansa dahil gumanda ang
seguridad sa bansa bunga ng mahigpit na pamamalakad ng mga militar. Inilunsad din ni
Marcos ang Masagana 99 na naglayong makaani ng 99 kaban ng bigas sa bawat ektarya
ng lupang sinasaka. Dahil dito, naging sapat ang dami ng bigas sa buong bansa at naging
isa sa pangunahing tagapagluwas ng bigas sa buong mundo.
Nagkaroon ng masidhing disiplina ang mga Pilipino dahil sa mahigpit na
pamamalakad ng puwersang militar. Bunga nito, madaling naipatupad ang pagsasabuhay
ng “New Society” ng administrasyong Marcos.
Sa ilalim ng batas militar, binuwag ang senado, kongreso at batasang pambansa.
Lumikha rin si Pangulong Marcos ng Hukumang Militar. Hawak ng puwersang militar ang
hustisya at maaari nilang gawin ang nais nila sa mga taong may kaso. At dahil suspendido
pa rin ang writ of habeas corpus, nagbunsod ito ng maraming pag-aresto, hindi lamang
ng mga kriminal, ngunit maski ng mga pulitikong kalaban ng administrasyon. Sa
panahong ito, lumaganap ang mga kaso ng desaparecido o ng mga taong bigla na lang
nawala. Mga aktibista ang karamihan sa mga desaparecido.
(Tuklas ng Lahi 6, pah.182-187, Renato C. Delos Santos, Modyul 17 Ag Pilipinas sa Ilalim ng Batas Miltar
lrdms.deped.gov.ph)
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 6
Suriin
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Pangalanan ang bawat larawan at ang
kaugnayan nito sa pagpapatupad ng batas militar.
1.
http://littlegapanese.blogspot.com/2007/10/batas-militar-sining-at-ang-panlipunang.html
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2.
https://en.wikipedia.org/wiki/Juan_Ponce_Enrile
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 7
3.
https://upuangpinagaagawan2013.wordpress.com/2013/02/18/aquino-cojuanco/
https://newsonpointsite.wordpress.com/
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Pagyamanin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang writ of habeas corpus? Bakit mahalaga ito sa mga mamamayang Pilipino?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ano ang dahilan ng pagkakadeklara ng batas militar?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, bakit umusbong ang iba’t ibang ideolohiya at paniniwala ng
mga Pilipino sa pamamahala ng Pangulong Marcos?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Kung ikaw si Pangulong Marcos noon, idedeklara mo rin ba ang batas militar? Bakit?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 8
5. Sa kasalukuyang mga nangyayari sa Pilipinas, kailangan bang magkaroon uli ng batas
militar? Bakit?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Isaisip
➢ Ang mga dahilan ng pagkadeklara ng batas militar ay ang gumugulong
sistemang pangkabuhayan, panlipunan at pampulitika.
➢ Ang martial law o batas militar ay batas na nagpapatupad ng ganap na
pamamahala ng puwersang militar sa isang lugar o bansa. Ito ay upang
maging mas mainam ang pagpigil ng pamahalaan sa mga kaguluhang
nagaganap.
➢ Ang Saligang Batas 1935 ang pinagbatayan ng batas militar ni Pangulong
Marcos.
➢ Sa ilalim ng batas militar, ang pangulo ang komandante ng lahat ng
sandatahang lakas ng bansa kaya’t ito lamang ang nag-iisang lubos na
makapangyarihan.
➢ Sinuspende ni Pangulong Marcos ang writ of habeas corpus o ang Karapatan
ng mamamayan laban sa illegal na pagkapiit nang walang kasulatan mula sa
hukuman.
➢ Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Proklamasyon Blg. 1081 o ang batas
militar noong Setyembre 21, 1972. Sa bisa ng kautusang ito, napasailalim
ang buong Pilipinas sa batas militar.
➢ Maraming negatibong epekto ang batas militar sa Pilipinas noong ipatupad ito
ngunit nagdulot din ng ilang magagandang epekto gaya ng reporma sa
kabuhayan at sa lipunan.
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 9
Isagawa
WRITTEN WORK: CLAIM-EVIDENCE-REASONING
(STRUCTURED CONSTRUCTED RESPONSE TEST)
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
➢ Nasusuri ang mga hamon at suliranin sa panahon ng batas militar.
ANG PAGDEKLARA NG MARTIAL LAW
https://martiallawmuseum.ph/fl/magaral/declaration-of-martial-law/
Ang Gabi Ng Deklarasyon
Noong gabi ng Setyembre 23, 1972, kinausap ni Ferdinand Marcos ang mga Pilipino
gamit ang telebisyon at radyo para ipaalam sa buong bansa na nagdeklara na siya ng batas
militar. Inilarawan ng Proclamation No. 1081 ang state of lawlessness na laganap sa buong
bansa at inilalagay sa panganib ang buhay ng mga Pilipino.
Ginawang dahilan ni Marcos ang paglakas ng mga komunista sa bansa. Ayon sa
kanya, nakakuha sila ng armas mula sa Tsina na siyang gagamitin upang pabagsakin ang
pamahalaan at guluhin ang mapayapang buhay ng mga ordinaryong Pilipino. Ikinumpara ni
Marcos ang estado ng bansa sa isang digmaan na plano niyang itigil.
Bilang sagot sa nagbabantang lakas ng mga Komunista, idineklara ni Marcos na
isasailalim niya sa batas militar ang Pilipinas alinsunod sa kanyang kapangyarihan bilang
presidente na nakasaad sa 1935 Philippine Constitution. Kasama dito ay ang
kapangyarihan ng presidente na pangasiwaan ang Armed Forces ng Pilipinas para
panatilihin ang batas at kaayusan, pati ang eksklusibong kapangyarihan para magpasya
kung mananatiling nakakulong ang isang tao para sa kanyang mga krimen.
Ipinangako din ni Marcos na gagamitin niya ang mga special powers ng Batas
Militar para mapalaganap ang kapayapaan at kaunlaran sa bansa. Makikita daw ng mga
susunod kay Marcos ang bungang ito ngunit ang mga tututol sa kanya ay magdudusa tulad
ng mga rebelde. Kahit na Setyembre 23 ipinahayag ang pagdedeklara ng batas militar,
pinirmahan ni Marcos ang dokumentong nagpapatupad nito noong Setyembre 21, 1972
dahil sa mga pamahiin niya tungkol sa mga numero.
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 10
Mga Kahina-hinalang Pangyayari
Noong idineklara ni Marcos ang batas militar sa Pilipinas, ang partikular na
pangyayari na kanyang binanggit para bigyang katwiran ang kanyang desisyon ay ang
pag-aalsa ng mga Komunista at ang naganap na pagtambang sa kanyang Minister of
Defense na si Juan Ponce Enrile sa labas ng Wack-Wack subdivision. Kasama ang
mga pangyayaring ito sa saklaw ng mga imminent threat o mga nalalapit na banta na
siyang kakatuwiran sa pagdeklara ng batas militar.
Subalit, ang iniulat ng mga independent report noon ay dumadami lang sa
1,000 na tao ang mga NPA guerilla na ang hawak na sandata ay mga laos at lumang
armas. Ayon sa mga tala ng NPA, dumadami lang ng 350 ang kanilang mga katauhan
na may hawak ng first line rifles noong panahon ng batas militar. Ayon sa mga ibang
eksperto, mismong ang pagdeklara ng batas militar noong 1972 ang nag-udyok sa
pagdami ng mga kasapi ng mga radikal na organisasyon. Ayon sa mga tala tungkol
sa pagtaas ng pagsali sa mga radikal na grupo, malaking dahilan ang ideyalismo ng
kabataan at ang kanilang pagtutol sa mga abuso ng gobyerno. Sa katapusan ng
panahon ng Martial Law, naitala ang paglaki ng bilang ng mga miyembro sa mga
radikal na grupo: ang 1,500 noong 1976 ay naging 35,000 noong 1985.
CLAIM-EVIDENCE-REASONING
(STRUCTURED CONSTRUCTED RESPONSE TEST)
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga hamon at suliranin sa panahon
ng batas militar.
PANUTO: Basahin at unawain ang artikulo sa itaas. Sagutin ang mga
sumusunod:
TANONG: Bakit nga ba ipinatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas
Militar?
YOUR CLAIM:
Banggitin mula sa artikulo ang dalawang ebidensiyang sumusuporta sa iyong
habol.
EVIDENCE 1:
EVIDENCE 2:
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 11
Ipaliwanag kung paano sinusuportahan ng iyong mga ebidensiya ang iyong
paghahatol.
REASONING:
CLAIM-EVIDENCE-REASONING HOLISTIC RUBRIC
5- Ang pangangatuwiran ng mag-aaral ay nagpapakita ng malalim na
paghihinuha lampas sa iba pang mga nakakahimok na katibayan na nauugnay
sa teksto.
4- Ang mga binanggit na ebidensya mula sa balita ay sumusuporta sa katuwiran.
Nangangatuwirang lohikal at konektado sa ebidensya.
3- Bahagyang tama ang katuwiran. Ang ilan sa mga binanggit na katibayan ay
hindi sumusuporta sa tanong. Ang pangangatuwiran ay bahagyang hindi lohikal
at hindi konektado sa katibayan.
2- Mali ang katuwiran. Ang ilan sa mga binanggit na katibayan ay hindi
sumusuporta sa tanong. Hindi kumpleto ang pangangatuwiran.
1- Walang natagpuang kasagutan, katibayan o pangangatuwiran sa sagot.
Tayahin
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at MALI kung
ang pangungusap ay hindi wasto.
___________1. Maraming Pilipino ang sumaya ng ideklara ang batas militar.
___________2. Madalas ang mga rally at demonstrasyon ng mga mag-aaral at
manggagawa sa panahon ni Pangulong Marcos.
___________3. May kalayaan ang mga mamamahayag sa panahon ng batas militar.
___________4. Ang maraming rally noon ay tinawag ding Parliament of the Streets.
____________5. Hindi sinuspinde ni Pangulong Marcos ang writ of habeas corpus.
___________6. Sumibol ang maraming samahan tulad ng CPP (Communist Party of
the Philippines) sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong
Marcos.
___________7. Hinuli ang mga lider ng samahan ng manggagawa at estudyante ng
walang warrant of arrest.
___________8. Makapangyarihan ang mga sundalo at pulis sa panahon ng batas
militar.
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 12
___________9. Ang Saligang Batas 1935 ang pinagbatayan ng batas militar ni
Pangulong Marcos.
__________10. Inilunsad ni Marcos ang ideya ng “New Society” na binubuo ng mga
reporma sa kabuhayan, lipunan, edukasyon at pulitika
SUSI NG PAGWAWASTO
SUBUKIN PAGYAMANIN
Ang mga bata ay malayang sasagot sa Ang mga bata ay malayang sasagot sa gawaing
gawaing ito. Maaring ipakita ang iyong gawain ito. Maaring ipakita ang iyong gawain sa gurong
sa gurong tagapamahala para sa pagtatama. tagapamahala para sa pagtatama.
SURIIN ISAGAWA/ASSESSMENT
Ang mga bata ay malayang sasagot sa Ang mga bata ay malayang sasagot sa gawaing
gawaing ito. Maaring ipakita ang iyong gawain ito. Maaring ipakita ang iyong gawain sa gurong
sa gurong tagapamahala para sa pagtatama. tagapamahala para sa pagtatama.
TAYAHIN
1. Mali 6. Tama
2.Tama 7. Tama
3. Mali 8. Tama
4.Tama 9. Tama
5. Mali 10. Tama
SANGGUNIAN
1. Delos Santos, Renato C. Batayang Aklat: Tuklas ng Lahi 6.
Novaliches, Quezon City:Brilliant Creations Publishing Inc.
2. Modyul 17 Ag Pilipinas sa Ilalim ng Batas Militar
lrdms.deped.gov.ph
3. https://www.veritas846.ph/bakwit/
4. http://littlegapanese.blogspot.com/2007/10/batas-militar-sining-at-
angpanlipunang.html
5. https://en.wikipedia.org/wiki/Juan_Ponce_Enrile
6.https://upuangpinagaagawan2013.wordpress.com/2013/02/18/aquino-cojuanco/
7.https://newsonpointsite.wordpress.com/
8. https://martiallawmuseum.ph/fl/magaral/declaration-of-martial-law/
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 13
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division
Brgy. 23 San Matias, Laoag City, 2900
Contact Number: (077)-771-3678
Email Address: laoag.city@deped.gov.ph