You are on page 1of 30

6

Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan- Modyul 1-4

Manunulat:
Lourdes C. Vizcarra, Pilar Village ES
Lourdes P. Ynion, LPES Central
May R. Agne, Moonwalk ES
Concepcion G. Rivero, Doña Manuela ES
Maria Laarni M.Paule, Doña Manuela ES
Emelinda D. Tesorero, Daniel Fajardo ES

Balideytor sa NIlalaman:
Liza G. Dipasupil, LPEHS-EVA

Balideytor sa Wika:

Marecris S. Belmonte, CAAES Annex

Tagatatag/Pinuno ng Pangkat
Lourdes C. Vizcarra, Pilar Village ES

2
Paano gamitin ang Modyul

Bago simulan ang Modyul, Kailangan isantabi muna ang lahat ng iyong mga
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang
SLeM na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin
sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng Modyul.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mga
araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa Modyul.
4. Hayaang ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang Mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas ng
iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na
pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa
pang-araw-araw na Gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa pag-aaral gamit ang Modyul.

3
Aralin Mga Suliranin at Hamon sa Iilalim ng
Batas Militar.
1

SURIIN

Diagram : SULIRANIN AT HAMON SA ILALIM NG BATAS MILITAR

Pangkabuhayan
Suliranin at
Hamon sa ilalim
Panlipunan
ng Batas Militar

Pampolitika

Pangulong Ferdinand E. Marcos

Siya ang may pinakamahabang termino ng panunungkulan sa ating


bansa bilang pangulo.

Ang Proklamasyon Blg.1081 ang nagtakda na ang buong bansa ay mapapasailalim sa


Batas –Militar . Ito ay ipinahayag ni dating pangulong Ferdinand E.Marcos noong
Setyembre 21 , 1972 sa pamamagitan ng radyo at telebisyon. Sa ilalim ng batas na ito,
nawala ang demokrasya sa Pilipinas . Naging malawak ang kapangyarihan ni Pangulong
Marcos at nagawa niya ang lahat ng naisin . Lahat ng kaniyang kritiko , kasama na ang
mga kinatawan, senador, mamamahayag, mag-aaral, relihiyosong pangkat at mga
4
negosyante ay kaniyang ipinahuhuli, ipinakukulong at mayroon ding pinahihirapan.
Pinaratangan ng awtoritaryanismo ang pamahalaang Marcos at tinawag siyang diktador
na pangulo.
Itinuring na “madilim” na bahagi ng kasaysayan ang panahon ng Batas Militar.
Nabalot ng takot ang mga mamamayan dulot ng marahas at mapang-abusong mga
patakaran sa ilalim ng Batas Militar.
Ayon kay pangulong Marcos idineklara niya ang Batas Militar dahil walang
katahimikan at kaayusan ang bansa noon. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan
bilang Punong Kumander ng Hukbong Sandatahan upang mailigtas sa pananakop,
rebelyon at insureksyon ang bansa.

Mga Suliranin Pangkabuhayan sa ilalim ng Batas Militar


Sa pangalawang termino ni Pangulong Marcos, patuloy na lumaki ang panlabas na
utang ng pamahalaan . Ang mga proyektong kanyang sinimulan ay ipinangutang niya sa
mayayamang bansa.
Tumaas din ang halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Patuloy na umangkat ang
Pamahalaang Marcos, kayat tumaas din ang halaga ng mga pangunahing bilihin.
Binuksan ni Marcos ang bansa sa mga dayuhang mamumuhunan. Ngunit nilaspatangan
naman ng mga ito ang ating likas na yaman. Patuloy na yumaman ang mga kapitalista at
patuloy namang naghirap ang mahihirap.

Mga Suliranin Panlipunan sa Ilalim ng Batas Militar


Bunga ng suliraning pangkabuhayan , nagsimula ang maraming suliranin sa
lipunan.
Ang mga mayayaman at mga pulitiko ay nagtatag ng kanilang private army. Madali ang
pamimili ng mga armas at baril; karamihan ay galling sa ibang bansa . Habang nangyayari
ito, tumaas ang antas ng krimen sa bansa, marahil dahil sa malayang bilihan ng armas
at lumalagong private army.
Samantala dahil sa pahirap nang pahirap ang buhay at maliit ang kita ng mga
manggagawa , nagsimula ang maraming pag-aaklas na sinuportahan ng mga aktibistang
mag-aaral.
Ang mga mangagawa at mag-aaral ay halos araw–araw na laman ng lansangan upang
mag rally o mag demonstrasyon laban sa pamahalaang Marcos. Dito nagsimula ang
parliaments of the streets.

5
Mga Suliranin Pampolitika sa ilalim ng Batas Militar
Dahilan sa mga nagaganap sa lipunan , dumami ang nawalan ng tiwala sa
pamahalaan at sa mapayapang reporma. Iba’t ibang samahan na may iba’t ibang
simulain ang natatag.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
CPP Communist Party of the Philippines – Ang samahang ito ay itinatag noong 1968 ni
Jose Maria Sison dating propesor ng Unibersidad ng Pilipinas . Ang mga simulain nito ay
hango sa ideolohiya ni Mao Tse Tung , ang pinuno ng Komunistang Tsina.
NDP National Democratic Front, at NPA New People’s Army – Ang samahang ito ay
itinatatag noong 1969. Ito ay binubuo ng mga magsasakang nakikipaglaban dahil sa hindi
kanais –nais na gawain ng may-ari ng lupang kanilang sinasaka. Ngunit hindi nagtagal,
iba’t ibang uri ng mga tao ang sumapi rito na nahikayat ng magagandang pangakong
inaalok ng pamumuhay sa ilalim ng komunistang pamumuhay. Ang kilusang ito ay
lumaganap hanggang Mindanao.
Mga intelektual , mga manggagawa at mga mag-aaral ang iba pa rin kasapi ng samahang
NDF at NPA. Ang iba’y namundok at nagplano ng pag-aalsa . Sa Mindanao , lumala
naman ang hidwaang Kristiyano at Muslim at naitatag ang MNLF –Moro National
Liberation Front.
Ang MNLF o ang Moro National Liberation Front – Itinatag ito noong Marso 18, 1968 ni
Nur Misuari , isa rin dating propesor ng Unibersidad ng Pilipinas binubuo ito ng mga
Muslim na nais magtatag ng hiwalay na estadong tinatawag nilang Republika ng
Bangsamoro. Malaki ang hinanakit ng mga Muslim sa pamahalaan dahil sa umanoy
pagpapabaya ng pamahalaan sa kanilang kaunlaran.
Ang mga rally at demonstrasyon ay naging magulo. Nagkaroon ng mga paglalaban
ng militante ng demonstrador at militar. Noong Agosto 21,1972, nagkaroon ng isang
malaking pagsabog sa Plaza Miranda sa Maynila, pook na madalas pagdausan ng mga
demonstrasyon. Dahil sa mga kaguluhan nilagdaan ni Pangulong Marcos ang
Proklamasyon 889 o pagsuspindi sa Writ of Habeas Corpus, ito ay nagbibigay karapatan
sa mamamayang sumailalim sa tamang proseso ng paglilitis sa hukuman na inaaresto
ng pamahalaan.
Ang Saligang Batas ng Pilipinas 1935 ang naging batayan ni Pangulong Marcos
sa pagdedeklara ng ng Batas Militar. Sa Artikulo VII, Seksyon 10 ng Saligang Batas ,
nasasaad na: Ang Pangulo ang kumandante ng lahat ng sandatahang lakas ng Pilipinas,
kailanman at kakailanganin maaari niyang tawagan ang sandatahang lakas para magapi
ang mga taong gumagawa ng karahasang labag sa batas gaya ng pananakop
paghihimagsik o rebelyon. Maaari niyang suspindihin ang writ of habeas corpus o ilagay
ang bansa o alinmang bahagi nito sa ilalim ng Batas Militar.

6
Paano hinamon ng batas militar ang katatagan ng mga Pilipino?
Itinuring na panahong puno ng takot at pangamba ang Pilipinas nang ito ay ipasailalim
sa batas militar sa panunugkulan ni Pangulong Marcos. Maraming Pilipino ang higit pang
naghirap at naging biktima ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao.

Mga alituntuning ipinatupad ng Batas Militar;


Pagpapairal ng curfew mula hatinggabi hanggang ika-4 ng umaga.

Pagbabawal ng mga rali, demonstrasyon at pagwewelga.


Pagkontol ng pamahalaan sa mga pahayagan , radyo at telebisyon upang masala ang
mga balitang ilalabas sa madla. Pagsuspindi ng pangingibang bansa ng mga Pilipino,
maliban sa mga misyong ipinaguutos ng gobyerno at paggagawad ng parusang
kamatayan sa sinumang mahuhuling magdadala ng armas nang walang pahintulot.
Narito naman ang mga maituturing na magandang naibunga sa mga mamamayang
Pilipino ng mga karahasang nanaig sa ilalim ng administrasyong Marcos
Hindi malilimot ng mga Pilipino ang pinagdaanan sa panahon ng batas militar at
mananatili sa ating alaala ang mga aral na dulot nito. Kung mayroon man, marahil ang
pinakamagandang bunga ng batas militar ay ang pagkabuhay ng damdamin ng
pagmamahal sa demokrasya, paggalang sa karapatan at dignidad ng tao, at pagbubuklod
ng mga mamamayan bilang isang bansa. Naging isa ang mga Pilipino sa pagnanais na
wakasan ang malagim na bahaging ito sa kasaysayan ng Pilipinas.

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa iyong pang-unawa ano ang Batas Militar?
2.Ano ang mga suliranin sa ilalim ng Batas Militar ang pinagtuunan mo ng pansin na
nakaapekto sa iyong damdamin?

3. Paano hinamon ng batas militar ang katatagan ng mga Pilipino?

7
Karagdagang Gawain:
Panuto: Buuin ang graphic organizer sa ibaba;

Mga Suliranin ng Bansa

Bago ideklara ang Batas Militar Sa ilalim ng Batas Militar

8
Pagkilos at Pagtugon ng mga Pilipino
Aralin na Nagbigay Daan sa Pagwawakas ng
Batas Militar
2
• People Power I

SURIIN
Ang pagbabago at ang kaunlarang ipinangako ni Pangulong Marcos sa ilalim ng
pamahalaang Bagong Republika ay hindi nagkaroon ng katuparan at dahil dito tuluyan
nang nawalan ng pagtitiwala ang mga mamamayan kay Pangulong Ferdinand Marcos na
makamtam muli ang tunay na kalayaan at kaunlaran.

Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People Power I


A. Ang Pagtawag ng Snap Election
Sa paghahangad ni Marcos na mabawi at mapatunayang malaki pa rin ang
pagtitiwala ng mga mamamayang Pilipino at para makautang muli sa IMF (International
Monetary Fund), ipinahayag niya noong Nobyembre 13, 1985 ang pagdaraos ng snap
election. Noong ika-7 ng Pebrero 1986 idinaos ang Snap Election o biglaang eleksyon si
Pangulong Marcos, sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan o KBL, at lubos na
umaasa na siya’y magwawagi. Ang kanyang katunggali ay si Corazon ”Cory” Aquino ay
hindi ninais na pumasok sa politika at asawa ni dating Senador Benigno Aquino Jr.
Subalit marami ang sumuporta sa kanya dahil sa paniniwalang siya ang karapat-dapat
na kandidatong lumaban kay Marcos. Sa pamamagitan ng isang milyong pirmang kinalap
ng Corazon Aquino for President Movement (CAPM) sa pamumuno ni Joaquin ”Chino”
Roces, si Cory ay napapayag na lumaban kay Marcos. Gumamit ng Slogan si Cory ng
”Tama na, Sobra na, Palitan na ” sa ilalim ng partidong UNIDO (United Nationalist
Democratic Organization) at si Salvador Laurel ang pangalawang pangulo ni Cory Aquino
samantalang si Marcos ay gumamit ng islogang “Marcos Pa Rin-More Than Ever”ay ang
kanyang Pangalawang Pangulo ay si Arturo Tolentino. Sa pangangampanya ni Cory nasa
likod niya ang mga mayayamang negosyante, ang simbahang katoliko at ang mga
kilalang politiko.
Sa panahon ng Snap Election ay pinahintulutan lumahok sa bilangan ang NAMFREL o
National Citizen’s Movement for Free Election na pinamunuan ni Jose Concepcion. Ang
NAMFREL ay isang samahang kinabibilangan ng mga mamamayan na nagbibigay ng
libreng serbisyo para mabantayan ang mga presinto. At ang COMELEC o Commission
on Election ay ang namamahala sa pagbibilang ng mga boto. Pagsapit noong Pebrero
15, 1986 nag walk-out ang ilang nagbibilang sa Comelec sa pangunguna ni Linda
Kapunan dahil sa malawakang pandaraya. Naiproklama sina Pangulong Ferdinand

9
Marcos at Pangalawang Pangulong Arturo Tolentino na nagwagi sa eleksyon.
Samantalang ayon sa NAMFREL ang nanalo sa Snap Election ay sina Cory Aquino at
Salvador Laurel. Ito ay naging malaking insulto sa mga Pilipino sapagkat hayagang
nagkaroon ng dayaan sa oras ng bilangan. Dahil sa pangyayaring ito hinikayat ni Cory
na magprotesta at huwag sumunod, naglunsad ng Civil Disobedience upang paralisahin
ang rehimeng Marcos.

B. Reaksyon ng mga Pilipino nang Mawalan ng Halaga ang Karapatan sa Pagboto


Buong higpit na binantayan ang mga kahon ng balota. Karamihan sa mga Pilipinong nasa
kanilang tahanan ay nanalangin, nagpuyat at matiyagang naghintay sa resulta ng
bilangan. Bilang reaksiyon sa ginawang proklamasyon ng Batasang Pambansa ay
nagdaos ng isang rali na tinawag na Tagumpay ng Bayan ng sa pangunguna nina Cory
Aquino at Salvador Laurel sa Luneta Park sa araw ng deklarasyon ng nagwagi na sina
Marcos at Tolentino. Hindi matanggap ng mga mamamayang Pilipino ang pagkakapanalo
nila Marcos at Tolentino kaya nanawagan si Cory Aquino na iboykot ang mga kalakal at
paglilingkod sa mga kompanya ng mga krony ni Marcos. Hinikayat din ni Cory na huwag
magbayad ng buwis kuryente at tubig at iboykot ang media na kakampi ng pamahalaan.

C. Ang 1986 EDSA People Power


Ang mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986 bunga ng pagnanais
ng mga mamamayang magkaroon ng pagbabago sa bansa. Ang People Power ay
nagsimula nang si Juan Ponce Enrile, ministro ng Tanggulang Pambansa at Hen. Fidel
V. Ramos ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ay tumiwalag sa
administrasyong Marcos. Naniniwala silang hindi si Marcos ang inihalal ng taong-bayan
kundi si Cory Aquino. Kaya noong ika-22 ng Pebrero 1986 ay ipinahayag nila ang
kanilang pagbibitiw sa tungkulin. Sa pamamagitan ng Radio Veritas ay nanawagan sila
sa mga mamamayang suportahan sila at bigyan ng proteksyon ang mga militar na
tumiwalag sa pamahalaan. Lalong tumibay ang kanilang loob nang manawagan sina
Jaime Cardinal Sin at Agapito Butch Aquino kapatid ni Benigno Aquino Jr. na magtungo
sa EDSA (Epifanio Delos Santos Avenue) ang mga tao sa paligid ng Camp Aguinaldo at
Camp Crame kung saan nagkukubli si Enrile at Ramos ay dumagsa ang mga
mamamayang Pilipinong pumunta doon na naghahangad ng kalayaan at dito ganap na
nagsimula ang tinaguriang People Power sa EDSA o Edsa People Power I. (maaari itong
panoorin sa YouTube).

Ang Kabayanihang Ginampanan ng mga Pilipino sa Rebolusyon sa EDSA


Ang People Power I ay nangyari noong Pebrero 23, 1986, ipinag utos ni
Pangulong Marcos kay Hen. Artemio Tadiar na magpunta sa Edsa upang salakayin ang
Camp Crame at Camp Aguinaldo, subalit sila ay sinalubong ng napakaraming tao sa
panulukan ng EDSA at Ortigas. Nakaharap nila roon ang mga kapwa Pilipinong tahimik
na nagdarasal at umaawit hindi galit ang naganap sa lugar ng EDSA kundi pagkakaisa.
Inabutan ng mga bulaklak, rosaryo at pagkain ang mga sundalo ng mga tao at hindi
nagawa ng mga sundalo ang pinag-uutos sa kanila. Kinabukasan ng Pebrero 24 isang

10
pangkat ng marino ang inutusan upang salakayin ang Camp Aguinaldo, hinagisan nila ng
teargas ang mga tao upang mabuwag ang hanay subalit sila ay umurong sapagkat sa
kanila pumunta ang usok ng teargas. Sa pamumuno ni Antonio Sotelo nakadama sila ng
takot na salakayin ang mga tao dahil wala silang kalabanlaban. Bago magtanghali noong
araw na iyon ay maraming sundalo ang kumampi sa panig ng mga oposisyon.

Ang Pagwawakas at Resulta ng Rebolusyon


Noong Pebrero 25, 1986 ganap nang nagtagumpay ang sambayanang Pilipino. Sa harap
ni Mahistrado Claudio Teehankee si Corazon C. Aquino ay nanumpa bilang pangulo ng
bansa, samantalang si Salvador Laurel ay nanumpa bilang pangalawang pangulo. Ang
mahalagang pangyayaring ito ay naganap sa Club Filipino sa Green Hills, San Juan na
dinaluhan ng libo-libong Pilipino. Sa kabilang dako naman ay nanumpa rin si Marcos at
Tolentino ngunit alam ni Marcos na walang silang magagawa kung ang kalaban ay ang
taong bayan, kaya noong gabi ng Pebrero 25, 1986 sila ay umalis ng bansa kasama ng
kanilang mga kaibigan patungong Clark Field at mula doon ay tumuloy sa Hawaii,
Estados Unidos.Ang mapayapang rebolusyong na tumagal nang apat na araw ang
nagwakas sa paghahari ng pamahalaang diktatoryal. At sa wakas ay nakamtam ang
kalayaan , ang tunay na demokrasya at katarungang matagal na inaaasam-asam ng mga
Pilipino.

Pamprosesong Tanong
1. Ilarawan ang nangyaring Edsa Revolution. Bakit hinangaan ng buong mundo ang
mga Pilipino sa nangyaring ito?
2. Ano ang mga naging dahilan sa pagkakaroon ng Edsa Revolution?
3. Ano ang ibig sabihin ng Civil Disobedience? Bakit ito nilunsad ni Cory Aquino?
4. Anong kaugalian ng mga Pilipino ang umiral sa panahon ng People Power upang
hindi naging marahas ang Rebolusyon?
5. Anong aral ang naiwan sa mga damdamin ng mga Pilipino sa naganap na Edsa
Rebolusyon?

11
GAWAIN I : Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga nakatalang pangyayari. Isulat ang bilang
1 hanggang 10.
Snap Election:

_______ Nagwalk-out ang mga taong nagbibilang sa COMELEC.


_______ Inilunsad ni Cory Aquino ang Kampanyang Civil Disobedience.

_______ Ipinagpatuloy ng Batasang Pambansa ang pagbibilang ng boto.


_______ Lumikom ang CAPM sa isang milyong pirma para makumbinsing

tumakbo si Corazon Aquino.


_______ Dinaluhan ng libo-libong tao ang pangangampanya ni Cory.

Rebolusyon sa EDSA noong 1986


_______ Ipinahayag nina Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos ang kanilang
pagbibitiw sa tungkulin.
_______ Nanumpa si Cory Aquino bilang pangulo ng bansa.

_______ Umalis ang pamilyang Marcos sa bansa.


_______ Nanawagan sina Jaime Cardinal Sin at Agapito Aquino na tumungo ang

mga tao sa Edsa.


_______ Tatlong batalyong sundalo sa pamumuno ni Heneral Artemio Tadliar

ang tumungo sa Edsa subalit sinalubong sila ng mapayapang protesta


ng mga mamamayan.

GAWAIN 2:
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano ang tinutukoy nito.
Isulat ang tamang letra ng tamang sagot.
1. Ito ang partidong kinabibilangan ni Cory Aquino noong siya ay kumandidato bilang
pangulo ng bansa?
A. Lakas B. Liberal C. Nacionalista D. UNIDO

2. Siya ang bise presidente ni Corazon Aquino sa nangyaring Snap Election noong
1986.
A. Arturo tolentino C. Jose Concepcion
B. Fidel Ramos D. Salvador Laurel

12
3. Sa mga araw na ito nangyari ang makasaysayang Rebolusyon sa Edsa.
A. Pebrero 16-19,1986 C. Pebrero 22-25, 1986
B. Pebrero 19-22. 1986 D. Pebrero 24-27, 1986

4. Siya ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang Lakas na tumiwalag sa


administrasyong Marcos.
A. Arturo Tolentino C. Juan Ponce Enrile
B. Fidel Ramos D. Salvador Laurel

5. Ito ang ahensya ng pamahalaang opisyal na namamahala sa bilangan tuwing


eleksyon.
A. CAPM C. NAMFREL
B. COMELEC D. National Election Movement

6. Ito ay isang mapayapang paraan ng pagtutol sa mga ipinatutupad ng pamahalaan


at di pagtangkilik sa mga serbisyong ibinibigay nito.
A. Civil disobedience C. Lakas ng Bayan
B. Coup d’ etat D. Mapayapang Demonstrasyon

7. Ito ang nagpatuloy sa pagbibilang ng boto nang umalis sa kani-kanilang puwesto


at tungkulin ang mga miyembro ng COMELEC.
A. Batasang Pambansa C. NAMFREL
B. CAPM D. National Election Movement

8. Saang bansa nagtungo ang pamilyang Marcos kasama ang kanilang malalapit na
kaibigan ng umalis ng Pilipinas sa pagtatapos ng EDSA People Power Revolution?
A. Australia B. China C. Hawaii D. Singapore

9. Sa kanya nanumpa si Pangulong Cory Aquino bilang pangulo ng bansa.


A. Andres Narvasa C. Hilario Davide
B. Claudio Teehankee D. Vicente Abad Santos

10. Ito ang uri ng pamahalaang umiral matapos mapabagsak ang rehimeng Marcos.
A. Aristokrasya C. Demokrasya
B. Awtokrasya D. Monarkiya

13
GAWAIN 3 – Ipaliwanag at ibigay ang inyong opinyon.
1. Sa iyong pagsusurI, ano ang mga kakaibang katangian ng People Power
Revolution?
2. Bakit maraming tao ang nag-alsa laban kay Pangulong Marcos?

3. Nakabuti ba ang People Power Revolution sa ating bansa? Sa anong paraan?


4. Bakit maituturing na isang tunay na demokrasya ang pamahalaan sa ilalim ng
ikalimang Republika?
5. Ano ang naging kontribusyon ni Pangulong Corazon Aquino para maibalik ang
kalayaan ng bansa?

14
Pagpapahalaga sa Kontribusyon ng
Aralin “People Power 1” sa Muling Pagkamit

3 ng Kalayaan at Kasarinlan sa
Mapayapang Paraan

ANG 1986 EDSA PEOPLE POWER


Nangyari ang mapayapang rebolusyon sa EDSA (Epifanio delos Santos Avenue) noong
Pebrero 22-25,1986 bunga ng pagnanais ng mga mamamayan na magkaroon ng
pagbabago sa bansa. Ang People Power ay nagsimula nang si Juan Ponce Enrile,
ministro ng Tanggulang Pambansa at si Hen.Fidel V. Ramos, ang Vice Chief of Staff ng
Sandatahang Lakas ay tumiwalag sa administrayong Marcos. Naniniwala silang hindi si
Marcos ang inihalal ng taong- bayan kundi si Corazon Aquino. Kaya noong ika-22 ng
Pebrero 1986 ay ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa tungkulin. Sa pamamagitan
ng Radio Veritas ay nanawagan sila sa mga mamamayang suportahan sila at bigyan ng
proteksyon ang mga militar na tumiwalag sa pamahalaan.

Sa pangyayaring ito ay nanawagan


din si Marcos sa telebisyon nakiusap siya sa
dalawang sumuko at itigil na ang kanilang
ginagawang paglaban sa pamahalaan.
Subalit hindi sila natinag sa kanilang
ginawang desisyon. Lalong tumibay ang
kanilang loob nang manawagan sina Jaime
Cardinal Sin at Agapito Aquino, kapatid ng https://tinyurl.com/y2bmt2mg
yumaong Benigno Aquino na magtungo ang mga tao sa EDSA sa paligid ng Camp Crame
at Camp Aguinaldo kung saan nagkukubli sina Enrile at Ramos kasama ang iba pang
mga sundalo. Ilang saglit lamang ang lumipas at dumagsa na ang napakaraming tao sa
EDSA. May dala-dala silang inumin at pagkain para sa mga sundalo. Dito ganap na
nagsimula ang tinaguriang People Power sa EDSA o EDSA 1.

15
ANG KABAYANIHANG GINAMPANAN NG MGA PILIPINO SA REBOLUSYON SA
EDSA
Ang unang pagsubok sa Lakas ng
Bayan o People Power ay nang isang
convoy na kinabibilangan ng tatlong
batalyong sundalo sa pamumuno ni Hen.
Artemio Tadiar ay dumating sa EDSA. Ang
misyon nila ay gawin ang ipinag-uutos ni
Marcos, ang salakayin ang Camp
Aguinaldo, subalit sila ay sinalubong ng
napakaraming tao sa panulukan ng EDSA
at Ortigas. Nakaharap nila roon ang kapwa
nila Pilipinong tahimik na nagdarasal at
umaawit. Sa halip na salubungin ng galit ang mga sundalo ay inabutan nila ang mga ito
ng rosaryo, bulaklak at pagkain. Dahil dito hindi nagawa ng mga sundalo ang ipinag-uutos
sa kanila.
Kinabukasan, ika-24 ng Pebrero, Lunes ng https://tinyurl.com/y2g9s2kr madaling
araw ay isang pangkat naman ng mga sundalong marino
ang inatasang sumalakay sa Camp Aguinaldo. Hinagisan nila ng mga tear gas ang mga
tao upang mabuwag ang hanay ng mga ito subalit sila ay umurong sapagkat sa kanila
pumunta ang usok ng tear gas. Hindi nagtagal, dumating naman ang mga helicopter
gunship sa pamumuno ni Kolonel Antonio Sotelo. Nakadama ng takot ang mga tao
sapagkat wala silang kalaban-laban sa isang pagsalakay mula sa himpapawid. Subalit
isang himala ang nangyari sapagkat ang mga sakay ng helicopter ay pumanig sa kanila.
Bago magtanghali noong araw na iyon ay maraming sundalo ang kumampi sa panig ng
oposisyon.

ANG PAGWAWAKAS AT RESULTA NG REBOLUSYON


Tinatayang umabot sa tatlong milyon ang bilang ng taong nakiisa sa EDSA
Revolution. Sa lugar ng EDSA, sa Channel 4, at sa mga lansangang patungong
Malacanang ay makikita ang nagkakaisang sambayanang Pilipino – pari, madre,
seminarista, pastor, ministro, matanda, bata, mayaman, mahirap, Kristiyano, at maging
di mga Kristiyano na magkakapit –bisig habang nagdarasal. Buong tapang nilang
sinalubong ang mga kanyon at tangke. Pinakiusapan nila ang mga loyalistang sundalo
na huwag nilang ipuputok ang mga tangke at kanyon sa mga kapwa nila Pilipino. Sinikap
nila palambutin ang kalooban ng mga kawal sa pamamagitan ng pagngiti, pagbibigay ng

16
inumin at pagkain. Higit sa lahat nagdasal at nagkantahan ng makabayang awitin ang
mga tao.
Noong ika - 25 ng Pebrero naganap ang dalawang inagurasyon sa
pagkapangulo. Sa harap ni Mahistrado Claudio Teehankee si Corazon C. Aquino ay
nanumpa bilang pangulo ng bansa, samantalang si Salvador Laurel ay nanumpa bilang
pangalawang pangulo sa harap ni Mahistrado
Vicente Abad Santos. Ang mahalagang
pangyayaring ito ay nangyari sa Club Filipino sa
Green Hills, San Juan na dinaluhan ng libo-
libong Pilipino.
Sa kabilang dako, sa Malacanang ay
nanumpa rin si Marcos bilang nagwaging
https://tinyurl.com/y6lwux5a
pangulo diumano sa harap ni Punong Mahistrado Ramon
Aquino. Ngunit batid ng pamilyang Marcos na wala na silang
magagawa upang sila ay manatili sa posisyon dahil ang taong- bayan na ang kanilang
kalaban. Dahil dito, noong gabi ng Pebrero 25,1986 ang pamilyang Marcos, kasama ang
kanilang malalapit na kaibigan ay umalis sa Malacanang sakay ng helicopter patungong
Clark Field at mula rito ay tumuloy sa Hawaii sa Estados Unidos. Kinilala ng mga Pilipino
bilang bagong pangulo ng bansa si Cory Aquino na siyang nagtapos ng dalawang
dekadang panunungkulan ni Ferdinand Marcos.
Sa wakas natapos na ang paghahari ng pamilyang Marcos. Ang mapayapang
rebolusyong tumagal na apat na araw ang nagwakas sa paghahari ng pamahalaang
diktatoryal. Noong araw na iyon ay napuno ng kagalakan at pagdiriwang ang
sambayanang Pilipino sapagkat sa wakas ay kanilang naibalik ang tunay na demokrasya
at katarungang matagal na nilang inasam-asam. Dahil sa kaganapang ito, si Corazon
Aquino ay kinilalang “Ina ng Demokrasyang Pilipino”.

KAHALAGAHAN NG PEOPLE POWER REVOLUTION


Ang People Power Revolution ay kaiba sa mga ordinaryong rebolusyong naganap
sa Pilipinas at sa buong mundo. Isa itong rebolusyon na sinalihan ng mahigit na isang
milyong Pilipino at nagtagumpay sa layuning ibagsak ang namayaning pamahalaang
diktatoryal nang halos walang dumanak na dugo. Napatanyag ang Pilipinas sa buong
mundo sa pagkakaroon ng isang mapayapang rebolusyon.
> Sa pamamagitan ng People Power Revolution ay napanumbalik ang demokraya sa
Pilipinas.
> Muling natamasa ng mga Pilipino ang mga karapatang matagal na ipinagkait sa
kanila.
> Nagbigay- daan ito sa muling pagtitiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan.
> Ang mga dayuhang namumuhunan ay nakumbinsing muling magtatag ng negosyo
sa Pilipinas.

17
> Nagbigay- daan ito sa pagkakaroon ng isang bagong saligang batas na gagabay sa
mamamayan at sa mga mamamahala sa pamahalaan.
Kabilang sa mga aral na napagtanto ng mga Pilipino ang pagiging mapanuri at
mapagbantay sa mga namumuno sa pamahalaan, at ang kahalagahan ng sama-
samang pag- kilos upang makamit ang mga layunin sa mapayapang paraan.
Nagsilbi ang People Power bilang patunay sa lahat ng bansa na may higit pang
makapangyarihan kaysa lakas ng militar, at iyon ay ang pambihirang lakas ng mga
mamamayang nagkakaisa, may malalim at buong paniniwala pananalig, sa Diyos at sa
likas na kabutihan ng tao.

PAMPROSESONG TANONG

1. Bakit tinawag na People Power Revolution ang kaganapan sa EDSA noong 1986?
2. Ipagpalagay na ikaw ay buhay na noong 1986 at may sapat ng gulang upang
makilahok sa mga gawaing politikal sa bansa, makikiisa ka rin ba sa milyong-milyong
taong tumungo sa EDSA? Bakit?
3. Maituturing bang isang tunay na kabayanihan ang ipinamalas ng mga Pilipino sa
EDSA Revolution? Bakit?

ISAGAWA
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga nakatalang pangyayari. Isulat sa linya ang bilang 1-
5.
______ 1. Nanumpa si Corazon Aquino bilang pangulo ng bansa.
______ 2. Ipinahayag nina minister Juan Ponce Enrile at Hen. Fidel Ramos ang
kanilang pagbibitiw sa tungkulin.
______ 3. Umalis ang pamilyang Marcos sa bansa at tumuloy sa Hawaii sa Estados
Unidos.
______ 4. Nanawagan sina Jaime Cardinal Sin at Agapito Aquino na tumungo ang
mga tao sa EDSA.
______ 5. Tatlong batalyong sundalo sa pamumuno ni Hen. Artemio Tadiar ang
tumungo sa EDSA subalit sinalubong sila ng mapayapang protesta ng mga
mamamayan.

18
Aralin Pagpapahalaga sa Pagtatanggol at
Pagpapanatili sa Karapatang Pantao at
4 Demokratikong Pamamahala

SURIIN

Matapos mapaalis sI Pangulong Marcos sa pamamagitan ng EDSA People Power


Revolution, kaagad na nagtatag ng Rebolusyonaryong Pamahalaan si Pangulong
Corazon Aquino at agad na pinawalang bisa ang Saligang Batas 1973. Upang
makapaglabas at makapagbigay ng mga batas, binuwag niya ang Batasang Pambansa.

Upang maging matatag ang demokrasya sa bansa, binuo ang komisyon na


bumabalangkas sa Saligang Batas na naging batayan ng Ikalimang Republika ng
Pilipinas. Nilikha ang Constitutional Commission o ConCom. Hinirang ni Pangulong
Aquino ang 48 na kasapi nito. Si Cecilia Muñoz Palma ang hinirang na Pangulo ng
Kumbensyon. Kinonsulta nila ang iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng mga
manggagawa, magsasaka, estudyante, propesyonal, mangangalakal, at kabataan.
Natapos nila ang pagbuo ng Saligang Batas noong Oktubre 12, 1986.

Ang nabuong Saligang Batas o Constitution of the Philippines ay iniharap sa sambayanan


sa isang plebisito. Ito ay pinagtibay ng sambayanan noong Pebrero 2, 1987. Humigit
kumulang sa 85% ang sumang-ayon dito. Ang pagpapatibay ng Saligang Batas o
Konstitusyong 1987 ang nagbigay wakas sa Rebolusyonaryong Pamahalaan ni
Pangulong Aquino at nagbigay daan sa lubusang pagkakatatag ng Ikalimang Republika
ng Pilipinas. Bumalik ang demokrasya sa Pilipinas at kaagad nagsagawa ng pambansa
at lokal na halalan. Ang Saligang Batas 1987 ang siyang saligan ng ating pamahalaan
hanggang sa kasalukuyan.

19
Uri ng Karapatang Pantao
Ang karapatang pantao ay nahahati sa personal at kolektibong karapatan.

1. Indibidwal o personal na karapatan. Ito ay ang mga karapatan na pag-aari ng mga


indibidwal na tao para

sa pagunlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Tulad ng:

a. Karapatang Sibil. Ito ay karapatang pantao upang mabuhay na malaya at


mapayapa. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang karapatang mabuhay, pumili ng lugar kung
saan siya ay maninirahan, maghanapbuhay at mamili ng hanapbuhay.
b. Karapatang Pulitikal. Ito ay karapatang pantao na makisali sa mga proseso ng
pagdedesisyon ng pamayanan tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali sa referendum
at plebisito.
c. Karapatang Panlipunan. Ito ay karapatang pantao na dapat mabuhay sa isang
lipunan na nagsusulong ng kanyang kapakanan.
d. Karapatang Pangkabuhayan. Ito ay karapatang pantao na ukol sa
pagsususulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.
e. Karapatang Kultural. Ito ay karapatang pantao na lumahok sa buhay kultural ng
pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.

2. Panggrupo o kolektibong karapatan. Ito ay ang mga karapatan ng tao na bumuo ng


pamayanan upang

isulong ang panlipunan, pangkabuhayan, at pangkultural ng pag-unlad sa


pamamagitan ng paggamit ng

kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran.

Batayang Legal ng Karapatang Pantao

Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay nakabatay sa mga ginagawang batas sa


Pilipinas at sa mga pandaigdigang kasunduan. Bagamat ang tao mula sa kanyang
pagsilang ay may karapatang dapat na natatamasa na, mas nakasisiguro tayo kung ito
ay nakasulat sa ating batas upang magsilbing sandigan natin kung sakaling hindi natin
natatamasa ang ating mga karapatan. Ang mga pangunahing instrumentong legal ay ang
Saligang-Batas ng Pilipinas at ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao.

20
Mga Artikulo sa Saligang-Batas ng Pilipinas na kumilala sa Karapatang Pantao

Ang karapatang pantao ng mga Pilipino ay maliwanag na nakasulat sa Saligang-Batas


ng 1987. Sa dokumentong ito, ang mga karapatang pantao ay nasa Bill of Rights (Art.
III); Pagboto (Art V); Deklarasyon ng mga Prinsipyo at Patakaran ng mga Estado (Art II);
Katarungang Panlipunan at Karapatang Pantao (Art XIII); Pambansang Ekonomiya at
Patrimonya (Art Xii); Edukasyon, Agham at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports (Art.
XIV). Ang mga karapatang pantao na nasusulat sa Deklarasyon ng mga Prinsipyo at
patakaran ng Estado (Art. II) ay ang mga sumusunod:

● Papapahalaga sa dignidad ng isang tao at paggarantiya ng buong respeto sa


karapatang pantao;
● Pagkilala sa karapatan ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya;
● Pagsulong at pagbigay proteksyon sa pisikal, moral, ispiritwal, intelektwal at
panlipunang kapakanan ng mga kabataan;
● Pantay-pantay ng karapatan sa harap ng batas ng mga kababaihan at kalalakihan;
● Proteksyon sa karapatang pangkalusugan at balanse at malinis na kapaligiran ng
tao;
● Pagsulong ng kalayaan at pag-unlad ng tao;
● Pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga pamayanang kultural.
● Lahat ng mga Pilipino ay sakop ng batas na ito kayat dapat natin sundin ang mga
ito.

Ang mga karapatang sibil at pulitikal ng mga Pilipino ay nasa Bill of Rights (Art. II) tulad
ng:

● Karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng mga ari-arian


● Karapatan sa makatarungang proseso at pantay na proteksyon ng batas
● Karapatan ng tao sa tamang pamamahala ng katarungan
● Ang katarungang panlipunan at karapatang pantao sa Art. XIII ay nagsusulong ng
karapatang panlipunan at pangkabuhayan ng bawat Pilipino. Obligasyon ng
pamahalaang Pilipinas na magbigay ng mga panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon,
kalusugan, at paglilitis ng kaso upang ang mga taong walang pambayad ay matulungan
nang libre ng pamahalaan. Ito ay batay sa prinsipyo ng panlipunang katarungan na ang
mga taong mahihirap ay dapat magbigyang proteksyon ng ating batas at pamahalaan.

21
Nang mapagtibay ang Konstitusyong 1987, nanumbalik na rin ang demokrasya sa bansa.
Nagkaroon ng malayang pagtatalakayan sa mga diyaryo, radio at telebisyon. Nagkaroon
din ng Pambansa at local na eleksiyon.

Kahit na tayo ay akusado o nasasakdal, marahil ay may nagawa tayong labag sa batas
o kaya ay napagbintanggan, tayo ay may karapatan na pinangangalagaan ng ating
pamahalaan. Ang mga tadhana sa Saligang Batas tungkol sa karapatan ng nasasakdal
ay ipinatutupad ng ating pamahalaan upang mapangibabaw ang katarungan.

Mga katungkulan at pananagutan ng mga Pilipino

Ang mga karapatang tinatamasa sa ilalim ng Saligang Batas ng ating bansa ay may
katapat na tungkulin at pananagutan na dapat gampanan ng bawat Pilipino upang ang
karapatang ipinagkaloob ay mapangalagaan at maging tunay na kapaki-pakinabang sa
lahat ng mamamayan.

● Pagsunod sa batas ng bansa


● Matalinong Pagboto
● Pagiging matapat sa estado tulad ng paggalang sa bawat isa, taos pusong pag-
awit ng Lupang Hinirang at pagbigkas ng panunumpa sa watawat, at pagtangkilik sa
produktong Pilipino.
● Paggalang sa karapatan ng iba
● Pagbabayad ng tamang buwis
● Pagkakaroon ng kapaki-pakinabang na gawain na makatutulong sa bansa
● Katungkulang pangalagaan ang kalikasan at kapaligiran
● Katungkulang linangin at pagyamanin ang Kulturang Pilipino
● Pagkakaroon ng positibong pananaw

● Pamprosesong tanong
Ano ang kahalagahan ng mga sumusunod na sitwasyon.

1. Ang pag-alis sa Rebolusyonaryong Pamahalaan


2. Ang pagbabago ng Saligang Batas
3. Ang pagtatatag ng Constitutional Commission

22
Pagsasanay 1

Panuto: Lagyan ng tsek (✔) kung ang mga gawain ay nakatulong sa pagpapatatag at
pagkamit ng kalayaan at demokrasya sa bansa at ekis (✘) kung hindi.
_____ 1. Nagkaroon ng halalan para sa mga miyembro ng Senado at Kongreso.
_____ 2. Namili ng mga miyembro ng Komisyong Konstitusyonal.
_____ 3. Binigyan ng karapatang bumoto ang mga mamamayan.
_____ 4. Kinunsulta ang iba’t ibang sektor ng pilipinas.
_____ 5. Nagpatuloy ang mga rebelde sa paglaban sa pamahalaan.
_____ 6. Nagkaroon ng plebesito upang pagtibayin ang Saligang Batas.
_____ 7. Ginamit na basehan ng pamahalaan ang Salitang Batas na binuo
ng Kumbensiyong Konstitusyonal,
_____ 8. Nagdaos ng kumbensiyon upang magbalangkas ng Saligang Batas.
_____ 9. Matapos ang pamamahala ni Marcos ay naitatag ang Ikalimang
Republika.
_____ 10. Ipinagpapatuloy ang pagpapatupad sa mga patakarang nakapaloob
sa Konstitusyong 1973.

Pagsasanay 2

Panuto: Bilugan ang like kung wasto ang ipinapahayag at dislike kung hindi
wasto.

Ang lahat ng karapatan na matatagpuan sa Saligang-batas ay


dapat sundin at hindi dapat ipagwalang-bahala ng bawat isa sa
1. atin.

Ang lahat ng mamamayan ay pantay-pantay na magtatamasa ng


2.
karapatang naaayon sa batas.

Ang sino mang Pilipinong nagkasala ay walang karapatan sa


3.
anumang batas na nakasaad sa 1987 Konstitusyon.

Tungkulin nating mga Pilipino na ipagtanggol ang ating bansa sa


4.
oras ng kagipitan o panahon ng digmaan.

Tungkulin ng bawat mamamayan na bumoto ng matalino upang


5. masigurado na karapat-dapat ang mapipiling pinuno o lider ng
bansa.

Ang karapatang tinatamasa ng bawat Pilipino ay may katapat na


6.
tungkulin at pananagutan na dapat gampanan ng bawat Pilipino.

23
Karapatan ng bawat mamamayan ang paminsan-minsang hindi
7.
pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan.

Ang paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan ay


8.
maituturing demokratikong pamamahala.

Ang Saligang Batas 1987 ay patuloy pa ring ginagamit sa


9.
kasalukuyan pamamahala.

Ang pagsusulat ng mga di kanais nais na pananalita sa social


10
media ay maituturing na karapatan ng isang tao.

24
SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 1
Pamprosesong Tanong:

1.Sa iyong pagkakaalam ano ang batas militar?


2.Anu-anong mga suliranin sa ilalim ng Batas Militar ang pinagtuunan mo ng pansin na
nakaapekto sa iyong damdamin?
3. Paano hinamon ng batas military ang katatagan ng mga Pilipino?Ipaliwanag.

Mga Sagot:
1.Ang batas militar ay walang demokrasya, nasa pangulo lamang ang kapangyarihan at
ito ay nakatakda sa proklamasyon blg.1081.
2.Depende sa sagot ng bata . tanggapin ang malapit na sagot sa katotohanan.
Halimbawa ng kasagutan:Ang isa sa mga suliranin na nakaapekto sa akin sa ilalim ng
batas militar ay ang suliraning pampolitika , ito ay ang paglagda ni pangulong Marcos ng
Proklamasyon 889 o pagsuspindi sa Writ of Habeas Corpus at pagkaputol ng karapatang
dinggin sa hukuman ang mga kaso ng mga inaaresto ng pamahalaan.
3. itinuring na panahong puno ng takot at pangamba ang Pilipinas nang ito ay ipasailalim
sa batas military sa panunungkulan ni Marcos. Maraming Pilipino ang higit pang naghirap
at naging biktima ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao

Karagdagang Gawain:
Panuto: Buuin ang graphic organizer sa ibaba;

Mga Suliranin ng Bansa

Bago ideklara ang Batas Militar Sa ilalim ng Batas Militar


1. Pagrarali, welga at demonstrasyon 1. Pagsasara ng istasyon ng radyo at
2. Laki ng gastos at katiwalian sa telebisyon.
pamahalaan 2. Pagsuspindi ng writ of habeas
3. Paglaki ng utang ng Pilipinas sa corpus.
ibang bansa. 3. Paghuli sa mga lider ng mga
4. Maling pamamalakad ng samahang nagsisipag rali pati na ang
pamahalaan sa naapektuhan ang politikong lumalaban sa o sumasalungat
industriya at kalakalan ng bansa. sa pamamalakad ni pangulong Marcos.
5. Higit na nabigyan ng pabor ang 4. Marami ang napapabalitang
mga dayuhan , mayayaman at mga crony napatay o na salvage,naghari ang takot sa
at kaibigan ni Marcos mga mamamayan
5. Nawala ang demokrasya sa bansa

25
Aralin 2

Gawain I
Snap Eleksyon Edsa Rebolusyon
3 1
5 5

4 4
1 1

2 2

Gawain 2
1. D 6. A
2. D 7. A
3. C 8. C

4. B 9. B
5. B 10. C

GAWAIN 3 ( Maaaring tanggapin ang anumang kasagutan ng mga mag-aaral).


1. Ang katangian ng People Power I , ito ay naging mapayapang pakikibaka sa pagkamit
ng Kalayaan sa makapangyarihang namamahala sa loob ng 20 taon. Na namayani ang
pangamba at takot. Subalit dahil sa pagkakaisa ng tao at ginustong makalaya sa isang
diktador na namamahala naging mapayapang ang tinatawag na rebolusyon.
2. Marami ng naganap na hindi maganda sa pamamalakad ni pangulong Marcos hindi
maramdaman ng mga tao ang pag-unlad ng bansa maraming nagaganap na krimen sa
grap at korapsyon sa pamahalaan. Maraming pinapatay dahil sa kanilang panunuligsa
sa pamahalaan. Nawala ang Kalayaan sa pagsasalita laban sa pamahalaang Marcos.
3. Ito’y nakabuti dahil naibalik ng mga mamamayan ang tiwala nila sa pamahalaan.
Nagkaroon ng ang mga tao ng mga Karapatan at Kalayaan sa magsalita at mamili ng
mga bagay na nais nilang gawin na naaayon sa bagong Saligang Batas 1987.
4. Dahil ang mga mamamayan ang naunawaan nila ang kanilang bawat Karapatan at
tungkulin bilang isang Pilipino. Maaari rin makisali ang mga tao sa mga usaping
pampamahalaan anuman ang estado mo sa buhay.

26
5. Ang nagng kontribusyon ni pangulong Corazon Aquino sa bansa ay nagsumikap
siyang maging Malaya muli ang bansa sa isang diktador na namamahala. Naibalik niya
ang demokrasya sa bansa. Kaya siya ang tinaguriang Ina ng Demokrasyang Pilipino.

Aralin 3
Sagot sa Pamprosesong Tanong
1. Tinawag na People Power Revolution ang kaganapan sa EDSA noong 1986 dahil
ito ay dinaluhan ng mahigit isang milyong Pilipino at nagtagumpay sa layuning ibagsak
ang pamahalaang diktatoryal nang walang dumanak na dugo.
2. Makikiisa rin ako sa milyong-milyong tao na tumungo sa EDSA. Magdadasal ako
sa mapayapang rebolusyon. Maaari rin akong magbigay ng pagkain at inumin upang
mapalambot ang kalooban ng mga sundalo. Sa pamamagitan nito maipapakita ko ang
kalayaang ipinaglalaban ng mga Pilipino.
3. Masasabi kong isang kabayanihan ang ipinamalas ng mga Pilipino sa EDSA
sapagkat naipakita rito ang isang mapayapang rebolusyon na walang dumanak na dugo.

ISAGAWA: Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga nakatalang pangyayari. Isulat sa linya


ang bilang 1- 5.
____4___ Nanumpa si Corazon Aquino bilang pangulo ng bansa.
____1___ Ipinahayag nina minister Juan Ponce Enrile at Hen. Fidel Ramos ang
kanilang pagbibitiw sa tungkulin.
____5__ Umalis ang pamilyang Marcos sa bansa at tumuloy sa Hawaii sa
Estados Unidos.
____2___ Nanawagan sina Jaime Cardinal Sin at Agapito Aquino na tumungo ang
mga tao sa EDSA.
____3___ Tatlong batalyong sundalo sa pamumuno ni Hen. Artemio Tadiar ang
tumungo sa EDSA subalit sinalubong sila ng mapayapang protesta ng mga
mamamayan.

27
Aralin 4

Pamprosesong tanong
Ano ang ibinigay na kahalagahan ng mga sumusunod na sitwasyon.
1. Upang magkaroon ng Demokratikong Pamahalaan
2. Upang maisulong ang mga karapatang pantao
3. Upang bumalangkas sa Saligang Batas

'

Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng tsek (✔) kung ang mga gawain ay nakatulong sa pagpapatatag at
pagkamit ng kalayaan at demokrasya sa bansa at ekis (✘) kung hindi.
__✔___ 1. Nagkaroon ng halalan para sa mga miyembro ng Senado at Kongreso.
__✔___ 2. Namili ng mga miyembro ng Komisyong Konstitusyonal.
__✔___ 3. Binigyan ng karapatang bumoto ang mga mamamayan.
__✔___ 4. Kinunsulta ang iba’t ibang sektor ng pilipinas.
__✘___ 5. Nagpatuloy ang mga rebelde sa paglaban sa pamahalaan.
__✔___ 6. Nagkaroon ng plebesito upang pagtibayin ang Saligang Batas.
__✔___ 7. Ginamit na basehan ng pamahalaan ang Salitang Batas na binuo
ng Kumbensiyong Konstitusyonal,
__✔___ 8. Nagdaos ng kumbensiyon upang magbalangkas ng Saligang Batas.
__✔___ 9. Matapos ang pamamahala ni Marcos ay naitatag ang Ikalimang Republika.
__✘___ 10. Ipinagpapatuloy ang pagpapatupad sa mga patakarang nakapaloob sa
Konstitusyong 1973.

28
Pagsasanay 2

Panuto: Bilugan ang like kung wasto ang ipinapahayag at dislike kung hindi
wasto.

Ang lahat ng karapatan na matatagpuan sa Saligang-batas ay


dapat sundin at hindi dapat ipagwalang-bahala ng bawat isa sa
1. atin.

Ang lahat ng mamamayan ay pantay-pantay na magtatamasa ng


2.
karapatang naaayon sa batas.

Ang sino mang Pilipinong nagkasala ay walang karapatan sa


3.
anumang batas na nakasaad sa 1987 Konstitusyon.

Tungkulin nating mga Pilipino na ipagtanggol ang ating bansa sa


4.
oras ng kagipitan o panahon ng digmaan.

Tungkulin ng bawat mamamayan na bumoto ng matalino upang


5. masigurado na karapat-dapat ang mapipiling pinuno o lider ng
bansa.

Ang karapatang tinatamasa ng bawat Pilipino ay may katapat na


6.
tungkulin at pananagutan na dapat gampanan ng bawat Pilipino.

Karapatan ng bawat mamamayan ang paminsan-minsang hindi


7.
pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan.

8. Ang paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan ay


maituturing demokratikong pamamahala.

Ang Saligang Batas 1987 ay patuloy pa ring ginagamit sa


9.
kasalukuyan pamamahala.

Ang pagsusulat ng mga di kanais nais na pananalita sa social


10
media ay maituturing na karapatan ng isang tao.

29
Sangguniaan:

Baisa;Julian G.; Lontoc. Nestor S. Aralin 12 Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino

Edited by Alma M. Dayag

PHOENIX PUBLISHING HOUSE,2017

Agno,Lydia N.Ed.D.; Tadena,Rosita D. Ph.D.; Balonso, Celinia E.Ph.D.; dela Cruz ,


Marvie M. Aralin 17 Kultura,Kasaysayan,at Kabuhayan

VIBAL GROUP INC. 2016

30

You might also like