You are on page 1of 3

Q4 WK 1 NAME: ______________________________________________ SECTION: ___________________

ARALING PANLIPUNAN: Mga Pangyayari na Nagbigay-daan sa Pagtatakda ng Batas Militar

Ang Batas Militar ay pagpapataw ng kapangyarihang militar sa isang lugar maging sa isang bansa dulot ng
pangangailangan. Ito ay isang marahas na aksyon ng pamahalaan upang hadlangan ang mga nagbabantang panganib katulad ng
himagsikan,rebelyon,paglusob at karahasan.Ang pangulo bilang pinuno ng Sandatahang Lakas, ay binigyan ng karapatan ng Saligang
Batas na gamitin sa nasabing kalagayan ang kapangyarihang ito. Ito ay pinagtibay ng Artikulo VII, Seksiyon 10, Talata 2 ng Saligang
Batas ng 1935.

Ito ay kakaibang kapangyarihan ng estado na karaniwang ipinatutupad nang panandalian ng isang pamahalaan kapag hindi
na nito maayos magampananan ang pamamahala gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan (e.g. pagpapanatili ng kaayusan at
katiwasayan, o magbigay ng mga unang serbisyo). Sa isang ganap na batas militar, ang pinakamataas na opisyal ng militar ang
namumuno, o naitatalaga bilang tagapamahala o puno ng pamahalaan, kasabay ng pagbuwag o pagtanggal ng lahat ng
kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan mula tagapagpaganap, tagapagbatas, hanggang panghukuman. Sa ilalim ng batas
militar, ang buong bansa ay napapasailalim sa kapangyarihan ng militar sa pamumuno ng pangulo bilang Punong Kumander ng
Hukbong Sandatahan.

Mga Pangyayaring nagbigay daan sa pagdeklara ng Batas Militar noong Setyembre 23, 1972.
1. Maraming kinaharap na suliranin ang bansa.
Hindi umunlad ang ekonomiya gaya ng inaasahan sa kabila ng tulong na ibinigay ng World Bank, International Monetary
Fund at iba pang foreign banks.

2. Pag-usbong at pagkilos ng oposisyon


Naging magulo ang kalagayan ng politika ng bansa dahil sa pagsibol ng iba’t-ibang ideolohiya at paniniwala.Nakadagdag pa
ang black propaganda sa gulo at pagkawatak-watak ng mga mamamayan. Iba’t-ibang samahan na may iba’t-ibang simulain ang
naitatag sa bansa tulad ng :
• Communist Party of the Philippines (CPP)
• National Democratic Front (NDF)
• National Peoples Army (NPA)
• Kabataang Makabayan
• Lapiang Manggagawa
• Malawakang Samahan ng mga Magsasaka
• Movement for the Advancement of Nationalism, at iba pa

Sa Mindanao, lalong lumala ang hidwaan ng mga Kristiyano at Muslim. Binuo ang Moro National Liberation Front (MNLF)
Layunin nito na bumuo ng isang bansang Moro at ihiwalay ang pamamahala nito na sumasaklaw sa mga pulo ng Mindanao, Sulu, at
Palawan.

3. Lumubha ang kaguluhan dulot ng mga rebelde sa mga lungsod at lalawigan mula sa pag-aalsa ng National People's Army( NPA)
at Communist Party of the Philippines (CCP). Maraming pagdukot at pagpatay sa mga pinuno at mga kawani ng pamahalaan ang
kinasangkutan ng NPA.Balak ng kilusang ito na pabagsakin ang pamahalaan ng Pilipinas.

4. Suliranin sa kapayapaan o Peace and Order sa paglawak ng demonstrasyon,welga o mga rally.


Noong Enero 26, 1970,isang napakalaking rali ang idinaos ng National Union of Students of the Philippines sa harap ng
gusali ng Kongreso. Hiniling ng mga estudyante at mga guro ang pagkaroon ng kumbensiyon para sa Saligang Batas. Noong Enero 30,
1970,isa pang rali ng mga estudyante sa harap ng Kongreso.Tumuloy ang mga raliyista sa Malacaῆang matapos ang ilang tapumpati.
May mga naghagis ng Molotov at pillboxes.Gumamit ang pamahalaan ng trak ng bomber upang itaboy ang mga raliyista.May mga
nagpilit na pumasok sa palasyo. Pinigilan sila ng mga guwardiya roon. Hinagisan sila ng tear gas. Nagtakbuhan ang mga raliyista at
nagkagulo.Namatay ang apat sa kanila.
Isang rali ang idinaos sa Plaza Miranda ng mga guro,pari, madre, at iba pang propesyunal na tinawag na “Rally ng Bayan”
Noong Pebrero 18,at Pebrero 27, 1970 ang rali na sinamahan ng mga guro ng Philippine College of Commerce ay nagkaroong ng
kaguluhan.Namatay ang isang demonstrador sa kaguluhang naganap sa rali sa harap ng Embahada ng United States.
Nagwelga ang mga tsuper ng dyip upang ipaabot sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa pagtaas ng halaga ng gasoline at
gamit sa pagkukumpuni ng mga saakyan. Hiniling nila na itaas ang pasahe ng limang sentimo. Sa galit naman ng mga estudyante sa
pagtaas ng pasahe,nambato sila ng mga sasakyan, naglagay ng barikada sa kalye,at nagsiga ng mga bagay sa gitna ng daan.

5. Pagbomba sa Plaza Miranda.


Noong Agosto 21,1971,isang miting de avance ang idinaos ng Lapiang Liberal para sa proklamasyon ng kanilang kandidato
para sa halalan ng mga senador at pinunong lokal.Napakaraming tao ang dumalo upang making sa talumpati ng mga kandidato.
Ngunit nang ika-9:00 ng gabi, dalawang Granada ang pumutok sa entablado. Nasugatan nang malubha sina Jovito Salonga, Alkalde
Ramon Bagatsing, at Gerardo Roxas.

Gawain 1: Gumuhit ang STAR kung ang babanggiting pahayag ay pangyayaring nagbigay daan upang ideklara ang batas
militar at BUWAN naman kung hindi.
_____1. Paglaganap ng mga makaliwang grupo o rebelled _____2. Pagdami ng mga demonstrasyon at rally
_____3. Paglago ng ekonomiya ng bansa _____4. Paglubha ng kaguluhang dala ng mga rebeldeng NPA
_____5. Pagkaroon ng katahimikan at kaayusan sa bansa
Gawain 2: Basahing mabuti ang mga pagungusap,isulat ang tsek ( /) kung tama ang pakahulugan nito sa batas militar at ( x )
kung mali.
_____1. Ang batas militar ay pinamumunuan ng sibilyan.
_____2. Ang bansang nasa ilalim ng batas militar ay napasailalim kapangyarihan ng militar sa pamumuno ng pangulo bilang Punong
Komander ng Sandatahang Lakas
_____3. Sa batas militar,iisang tao lamang ang may hawak ng kapangyari- hang tagapagbatas,tagapagpaganap at panghukuman.
_____4. Ang mga mamamayan ay malayang makapagpahayag ng kanilang hinaing at saloobin sa ilalim ng batas militar.
_____5. Ang batas militar ay isang marahas na aksyon ng pamahalaan upang hadlangan ang mga nagbabantang panganib katulad ng
himagsikan,rebelyon,paglusob at karahasan.

Gawain 3: Isulat ang Sang-ayon kung ang pahayag ay may katotohanan alinsunod sa ating mga napag-aralan at Hindi Sang-ayon
kung ito ay hindi alinsunod sa ating mga napag-aralan.
_____________1. Ang Pangulo ay may karapatang ipatupad ang Batas Militar kung kailangan sapagkat ito at naaayon sa Saligang
Batas.
_____________2. Ang lahat ng naging pangulo ng Pilipinas ay nagdeklara ng Batas Militar.
_____________3. Noong Setyembre 23, 1972, idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas.
_____________4. Kaguluhan dulot ng kabi-kabilang demonstrasyon at pag-usbong ng mga grupong rebelde ang pangunahing
daahilan kung bakit idineklara ng Pangulong Marcos ang Batas Militar.
_____________5. Ang mga mamamayan ay lubos na nasisiyahan sa pagdeklara ng Batas Militar sa Pilipinas.

Performance Output: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.


1. Bilang isang mamamayan, paano mo maipapakita ang iyong pagsuporta sa mga programa o patakaran ng iyong bansa?
(5puntos)
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
2. Bilang isang mamamayan, paano mo maipapakita ang iyong pagtutol sa mga programa o patakaran ng iyong bansa? (5puntos)
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

Q4 WK 2
ARALING PANLIPUNAN: Epekto ng Batas Militar sa Pulitika, Kabuhayan at Pamumuhay ng mga Pilipino

Ang panahon ng Batas Militar ay itinuturing na madilim na yugto para sa mga Pilipino. Nagkaroon ng maraming pang-
aabuso at paglabag sa karapatang pantao. Sinumang sumalungat sa pamahalaan ay tiyak na mapaparusahan. Maraming estasyon ng
TV at radio ang ipinasara. Pati na rin ang mga pahayagan. Ito nakakaepekto sa kabuhayan ng marami. Dahil sa kawalan ng
demokrasya at kalayaan, ang mamamayan ay nagtatrabaho ayon lamang sa itinakda ng pamahalaan -- mula sa oras, sa uri ng
trabaho at sa sweldo.
Ang Proclamation no. 1081 o Batas Militar na ipinatupad ni Ferdinand Marcos noong Setyembre 21, 1972 ay may masama
at mabuting epekto sa pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino.

BISA NG PROKLAMASYONG 1081


Labis-labis at nakakatakot ang kapangyarihan ng pangulo, narito ang ilang ginawa ni Pangulong Marcos sa panahon ng Batas Militar.
1. Pagsara at pagkontrol sa sa mga paaralan, palimbagan, istasyon ng telebisyon at radio at ipinailalim ang mahigpit na censorship
ang mga pahayagan.
2. Pag-aresto sa mga hinihinalang kasama o kasabwat sa grupong pabagsakin ang pamahalaan
3. Inaresto sina Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jose Diokno, Ramon Mitra At Salvador Laurel.
4. Paggawad sa parusang kamatayan sinu mana ang may dalang baril ng walang pahintulot mula sa AFP .
5. Pagbawal sa pagdaraos ng rali ng mga mag-aaral.pagwelga ng mga manggawa at pampublikong pagpulong.
6. Paghigpit sa superbisyon ng PLDT,MERALCO at iba pang kompanya.
7. Pansamantalang pasuspinde ng pangingibang bansa ng mga Pilipino, maliban sa pamahalaaang misyon.
8. Pagtatalaga ng curfew mula ika-12 ng hatinggabi hanggang ika -4 ng umaga.

Ang Bagong Lipunan ayon kay pangulong Marcos , isa pang layunin pagdeklara ng batas militar ang pagbagong –anyo ng
lipunan para maging isang sosyedad na mapayapa, may disiplina at maayos . Upang maisulong ito, itinatag ang Bagong Lipunan na
may pitong Layunin:
1. Peace and Order 2. Land Reforms 3. Educational Reforms 4. Labor Reforms
5. Government Reorganization 6. Economic Reforms 7. Social Services

Masamang Epekto
1. Ang militar ay nang-aabuso sa kanilang kapangyarihan kung kaya maraming mga Pilipino ang takot at laging nangangamba na sila
ay mahuli o mapatay.
2. Ang karapatang pantao ng mga mamamayan ang nasisiil kaya hindi sila makapaghanapbuhay ng maayos at marami ang sadlak sa
gutom at kawalan ng seguridad sa pamumuhay.
3. Hindi malaya ang mga tao na masabi ang kanilang opinyon – matinding ipinagbabawal ang mga welga sa lansangan o kahit saan,
at hindi malaya ang pamamahayag tanging ang mga pabor lamang sa pamahalaan ang pinahihintulutang maisapubliko.
Mabuting Epekto
1. Ang nagkaroon ng mababang pangyayari ng krimen dahil sa curfew mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng umaga,
2. Ang mga mamamayan ay disiplinado
3. Nagkaroon ng pansamantalang kaayusan ang bansa.

Gawain 1: Isulat ang MEP kung ito ay nagpapahayag ng mabuting epekto ng Batas Militar at DME kung hindi mabuting epekto.
1. Nagkaroon ng pansamantalang kaayusan ang bansa
2. Namuhay sa takot at pangamba ang mga tao sa kanilang kaligtasan
3. Hindi malaya ang mga Pilipino na ipahayag ang kanilang opinion
4. Ang mga mamamayan ay naging disiplinado
5. Ang karapatang pantao ng mga mamamayan ang nasisiil kaya hindi sila makapaghanapbuhay nang maayos

Gawain 2: Hanapin sa Hanay B ang naging bunga ng pahayag o pangyayari na matatagpuan sa Hanay A.
Hanay A
_____1. Sinuspinde ang writ of habeas corpus
_____2. Ipinasara ang mga istasyon ng radyo at telebisyon
_____3. Pagkaroon ng curfew hours
_____4. Pagbawal sa pagdaraos ng welga o rali
_____5. Pag-iral ng nepotismo sa pamahalaan

Hanay B
a. Limitado ang impormasyong nakukuha ng mga mamamayan
b. Marami ang mga namatay at naparusahan nang hindi dumaan sa tamang proseso ng paglilitis
c. Nawalan ang mga mamamayan ng karapatang ipahayag ang sari- ling opinyon at pagtutol sa mga di kanais-nais na patakaran
d. Halos mga kamag-anak at kaibigan lamang ni Marcos ang nagli- lingkod sa pamahalaan at nawalan ng oportunidad ang mga
karapatdapat
e. Ang mga tao ay natutong pumirmi sa bahay sa oras ng curfew at nabawasan ang krimen

Performance Output: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.


Bilang kabuuan, ano ang inyong masasabi tungkol sa Batas Militar, meron ba itong masamang epekto? Anu-ano ang mga ito?
Meron din ba itong mabuting epekto? Anu-ano ang mga ito? Gumuhit ng tig-isang epekto.
Drawing/Content = 10
Prsentation/Color = 5
MABUTING EPEKTO DI- MABUTING EPEKTO

You might also like