You are on page 1of 35

NAIISA-ISA ANG MGA

PANGYAYARI NA NAGBIGAY-
DAAN SA PAGTATAKDA NG
BATAS MILITAR
ANG BATAS MILITAR
ay pagpapataw ng kapangyarihang militar
sa isang lugar maging sa isang bansa dulot ng
pangangailangan. Ito ay isang marahas na
aksyon ng pamahalaan upang hadlangan ang
mga nagbabantang panganib katulad ng
himagsikan,rebelyon,paglusob at karahasan..
Ang pangulo bilang pinuno ng
Sandatahang Lakas, ay binigyan ng
karapatan ng Saligang Batas na
gamitin sa nasabing kalagayan ang
kapangyarihang ito. Ito ay pinagtibay
ng Artikulo VII, Seksiyon 10, Talata 2
ng Saligang Batas ng 1935
Ito ay kakaibang kapangyarihan ng estado
na karaniwang ipinatutupad nang
panandalian ng isang pamahalaan kapag
hindi na nito maayos magampananan ang
pamamahala gamit ang sibilyan nitong
kapangyarihan (e.g. pagpapanatili ng
kaayusan at katiwasayan, o magbigay ng
mga unang serbisyo).
Sa isang ganap na batas militar, ang
pinakamataas na opisyal ng militar ang
namumuno, o naitatalaga bilang
tagapamahala o puno ng pamahalaan,
kasabay ng pagbuwag o pagtanggal ng lahat
ng kapangyarihan ng mga sangay ng
pamahalaan mula tagapagpaganap,
tagapagbatas, hanggang panghukuman.
] Sa ilalim ng batas
militar, ang buong bansa ay
napapasailalim sa kapangyarihan ng
militar sa pamumuno ng pangulo
bilang Punong Kumander ng Hukbong
Sandatahan.
Mga Pangyayaring nagbigay daan sa
pagdeklara ng Batas Militar noong
Setyembre 23, 1972.

1. Maraming kinaharap na suliranin ang


bansa.Hindi umunlad ang ekonomiya gaya
ng inaasahan sa kabila ng tulong na ibinigay
ng World Bank, International Monetary
Fund at iba pang foreign banks.
2.Pag-usbong at pagkilos ng
oposisyon. Naging magulo ang
kalagayan ng politika ng bansa dahil sa
pagsibol ng iba’t-ibang ideolohiya at
paniniwala.Nakadagdag pa ang black
propaganda sa gulo at pagkawatak
watak ng mga mamamayan.
3. Lumubha ang kaguluhan dulot ng mga rebelde
sa mga lungsod at lalawigan mula sa pag-aalsa
ng National People's Army( NPA) at Communist
Party of the Philippines (CCP).

4. Suliranin sa kapayapaan o Peace and Order sa


paglawak ng demonstrasyon,welga o mga rally.
Noong Enero 26, 1970,isang napakalaking rali
ang idinaos ng National Union of Students of the
Philippines sa harap ng gusali ng Kongreso.
5. Pagbomba sa Plaza Miranda.
Noong Agosto 21,1971,isang
miting de avance ang idinaos ng
Lapiang Liberal para sa
proklamasyon ng kanilang
kandidato para sa halalan ng mga
senador at pinunong lokal.
ASSESSMENT ARAL PAN WEEK 1 QUARTER 4
Pangalan_________ Date:___________

Pagsasanay Blg.1
Iguhit ang / kung ang babanggiting pahayag ay
pangyayaring nagbigay daan upang ideklara ang batas militar
at X naman kung hindi.
___________ 1. Paglaganap ng mga makaliwang grupo o
rebelde
___________ 2. Pagdami ng mga demonstrasyon at rally
___________ 3. Paglago ng ekonomiya ng bansa
___________ 4. Paglubha ng kaguluhang dala ng mga
rebeldeng NPA
___________ 5. Pagkaroon ng katahimikan at kaayusan sa
bansa
Pagsasanay Blg.2
Basahing mabuti ang mga pagungusap,isulat ang tsek ( /) kung tama
ang pakahulugan nito sa batas militar at ( x ) kung mali.
_______ 1. Ang batas militar ay pinamumunuan ng sibilyan.
_______ 2. Ang bansang nasa ilalim ng batas militar ay napasailalim
kapangyarihan ng militar sa pamumuno ng pangulo bilang Punong
Komander ng Sandatahang Lakas
_______ 3. Sa batas militar,iisang tao lamang ang may hawak ng
kapangyari- hang tagapagbatas,tagapagpaganap at panghukuman.
_______ 4. Ang mga mamamayan ay malayang makapagpahayag ng
kanilang hinaing at saloobin sa ilalim ng batas militar.
_______ 5. Ang batas militar ay isang marahas na aksyon ng
pamahalaan upang hadlangan ang mga nagbabantang panganib katulad
ng himagsikan,rebelyon,paglusob at karahasan.
Pagsasanay Blg.3
Isulat ang Sang-ayon kung ang pahayag ay may katotohanan
alinsunod sa ating mga napag-aralan at Hindi Sang-ayon kung ito
ay hindi alinsunod sa ating mga napag-aralan.
_________ 1. Ang Pangulo ay may karapatang ipatupad ang Batas
Militar kung kailangan sapagkat ito at naaayon sa Saligang Batas.
_________ 2. Ang lahat ng naging pangulo ng Pilipinas ay
nagdeklara ng Batas Militar.
_________ 3. Noong Setyembre 23, 1972, idineklara ni
Pangulong Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas.
_________ 4. Kaguluhan dulot ng kabi-kabilang demonstrasyon
at pag-usbong ng mga grupong rebelde ang pangunahing daahilan
kung bakit
idineklara ng Pangulong Marcos ang Batas Militar.
_________ 5. Ang mga mamamayan ay lubos na nasisiyahan sa
pagdeklara ng Batas Militar sa Pilipinas.
Epekto ng Batas Militar sa Pulitika, Kabuhayan at
Pamumuhay ng mga Pilipino Markahan: Ika-apat na Markahan
Linggo: Ikalawang Linggo LAS 1 MELC Code: AP6TDK-IVe-f-6

Ang panahon ng Batas Militar ay itinuturing na madilim na yugto


para sa mga Pilipino. Nagkaroon ng maraming pang-aabuso at
paglabag sa karapatang pantao. Sinumang sumalungat sa
pamahalaan ay tiyak na mapaparusahan. Maraming estasyon ng
TV at radio ang ipinasara. Pati na rin ang mga pahayagan. Ito
nakakaepekto sa kabuhayan ng marami. Dahilsa kawalan ng
demokrasya at kalayaan, ang mamamayan ay nagtatrabaho ayon
lamang sa itinakda ng pamahalaan -- mula sa oras, sa uri ng
trabahoat sa sweldo.
Ang Proclamation no. 1081 o Batas Militar na ipinatupad
ni Ferdinand Marcos noong Setyembre 21, 1972 ay may
masama at mabuting epekto sa pamumuhay ng mga
mamamayang Pilipino.
Ang Bagong Lipunan ayon kay pangulong Marcos , isa
pang layunin pagdeklara ng batas militar ang pagbagong
–anyo ng lipunan para maging isang sosyedad na
mapayapa, may disiplina at maayos . Upang maisulong
ito, itinatag ang Bagong Lipunan na may pitong Layunin:
1.Peace and Order 2.Land Reforms 3.Educational
Reforms 4.Labor Reforms 5.Government Reorganization
6.Economic Reforms 7.Social Services
Masamang Epekto
1. Ang militar ay nang-aabuso sa kanilang kapangyarihan
kung kaya maraming mga Pilipino ang takot at laging
nangangamba na sila ay mahuli o mapatay.
2. Ang karapatang pantao ng mga mamamayan ang
nasisiil kaya hindi sila makapaghanapbuhay ng maayos at
marami ang sadlak sa gutom at kawalan ng seguridad sa
pamumuhay.
3. Hindi malaya ang mga tao na masabi ang kanilang
opinyon – matinding ipinagbabawal ang mga welga sa
lansangan o kahit saan, at hindi malaya ang
pamamahayag tanging ang mga pabor lamang sa
pamahalaan ang pinahihintulutang maisapubliko.
Mabuting Epekto

1. Ang nagkaroon ng mababang pangyayari ng


krimen dahil sa curfew mula 12:00 ng
hatinggabi hanggang 4:00 ng umaga,

2. Ang mga mamamayan ay disiplinado

3. Nagkaroon ng pansamantalang kaayusan ang


bansa.
Mga Pagsasanay Blg.1
Isulat ang MEP kung ito ay nagpapahayag ng mabuting epekto ng
Batas
Militar at DME kung hindi mabuting epekto.
_______ 1. Nagkaroon ng pansamantalang kaayusan ang bansa
_______ 2. Namuhay sa takot at pangamba ang mga tao sa
kanilang kaligtasan
_______ 3. Hindi malaya ang mga Pilipino na ipahayag ang
kanilang opinion
_______ 4. Ang mga mamamayan ay naging disiplinado
_______ 5. Ang karapatang pantao ng mga mamamayan ang
nasisiil kaya
hindi sila makapaghanapbuhay nang maayos
Mga Pagsasanay Blg.2
Hanapin sa Hanay B ang naging bunga ng pahayag o pangyayari na
matatagpuan sa Hanay A.
Hanay A
________ 1. Sinuspinde ang writ of habeas corpus
________ 2. Ipinasara ang mga istasyon ng radyo at telebisyon
________ 3. Pagkaroon ng curfew hours
________ 4. Pagbawal sa pagdaraos ng welga o rali
________ 5. Pag-iral ng nepotismo sa pamahalaan

Hanay B
a. Limitado ang impormasyong nakukuha ng mga mamamayan
b. Marami ang mga namatay at naparusahan nang hindi dumaan sa tamang
proseso ng paglilitis
c. Nawalan ang mga mamamayan ng karapatang ipahayag ang sariling opinyon
at pagtutol sa mga di kanais-nais na patakaran
d. Halos mga kamag-anak at kaibigan lamang ni Marcos ang nagli-
lingkod sa pamahalaan at nawalan ng oportunidad ang mga karapatdapat
e. Ang mga tao ay natutong pumirmi sa bahay sa oras ng curfew at nabawasan
ang krimen
Mga Pagsasanay Blg. 3 Isulat ang mga Mabuti at Di- mabuting
epekto ng Batas Militar sa Bansa

Mabuting Epekto Di- Mabuting Epekto

   

   

   
Mga Kontemporaryong Isyu sa Politika na Tumutugon sa mga
Hamon ng Malaya at Maunlad na Bansa
Markahan: Ika-apat na Markahan Linggo: Ikatlong Linggo LAS 1 MELC Code: AP6TDK-IVe-f-6

Ang mga kontemporaryong isyu ay ang mga suliraning


kinakaharap ng ating bansa nitong mga nakaraang taon.
Ang mga ito ay mga suliraning humahadlang at balakid
sa ating pag-unlad
Mga Isyung Pampolitika
1. Usaping panteritoryo sa Philippine Sea
An gating bansa at ang iba pang mga kalapi-bansa sa Timog-
Silangang Asya ay naninindigan laban sa pag-aangkin ng Tsina laban
sa malaking bahagi ng South China Sea. Ang ikinakatwiran ng Tsina
ay ang karapatan nito batay sa kasaysayan. Dahil mas malaking
bansa ang China kumpara sa mga kalapit-bansa nito at mas malakas
ang kanilang pwersang military, umaasa ang mas maliliit na bansang
tulad ng Pilipinas at Vietnam na tutulong ang Amerika at iba pang
makapangyarihang bansa sa paghahanap ng mapayapang solusyon sa
suliranin.
2. Graft at Korupsiyon
Ang usaping ito ay nakalilikha ng kawalan ng seguridad, pangamba at
ligalig sa ating bansa. Sa ganitong kalagayan ang mga namumuhunan sa
pagnenegosyo ay nag-aalangang mamuhunan sa ating bansa.
Ang korupsiyon (corruption) ay ang tahasan at intensiyonal na pagtatakwil
sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na
magbubunga ng kanyang kawalan ng integridad o prinsipyo. Nagaganap ang
korupsiyon sa pamamagitan ng sabwatan ng mga tao. Ilan sa mga uri ng
korupsiyon ay ang Tax Evasion o Pag-iwas sa pagbabayad ng kaukulang
buwis, Ghost project o Ghost payroll, Paboritismo at Tong o Protection
money.

Ang graft ay ang pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya


at kwestiyonable, tulad ng pagtanggap ng kabayaran para sa isang
pampublikong serbisyong dapat na naibigay ng libre o kaya’y
paggamit sa isang kontrata o lehislasyon bilang pagkakakitaan.
Ang graft ay karaniwang ginagawa ng isang indibidwal lamang.
3. Terorismo
Ang terorismo ay isa sa pinakamatinding suliranin sa
kapayapaang pandaigdig sa kasalukuyan. Ito ay isinasagawa ng
mga grupo, samahan o pamahalaan upang makamit ang
kanilang mithiing politikal o kriminal. May mga terorista din sa
Pilipinas na naghahasik ng lagim upang m- halimbawa:
pangingikil (extortion), pagdukot (kidnapping), pagnanakaw o
hijacking. agkaroon ng pera at guluhin ang pamayanan. Mga
dahilan ng terorismo:
Mga Gawain sa Pagkatuto
Pagsasanay 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Alamin kung anong uri ng
kontemporaryong isyu ang mga sumusunod. 1.Pangkabuhayan 2.
Relihiyon 3. Paghihiganti
1. Labanan sa relihiyon 2. Suholan sa Gobyerno 3. Panggugulo sa mga
pamayanan
4. Usapin sa West Philippine Sea 5. Paboritismo
hindi sila makapaghanapbuhay nang maayos
Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na sitwasyon kung anong
kontemporaryong
isyu ang tinutukoy. Piliin ang titik ng tamang sagot.
A. Usaping panteritoryo sa Philippine Sea B. Graft at Korupsiyon C.
Terorismo
1. Pagpapasabog sa mga simbahan.
2. Pagbibigay ng lagay sa mga lumalabag sa batas.
3. Pag-aangkin ng Tsina sa ilang mga lugar sa West Philippine Sea.
4. Talamak na mga fixers sa pamahalaan.
5. Hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Mga Pagsasanay Blg. 3
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang
titik sa sagutang papel
bilang inyong sagot.
1. Isa itong kontemporaryong isyu pampolitika kung
saan ang may kagagawan
ay mga terorista.
A. Usaping panteritoryo sa Philippine Sea C. Terosismo
B. Graft at Korupsiyon D. Gobalisasyon
2. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng
korupsiyon maliban sa isa, alin
ito?
A. Tax Evasion C. Paboritismo B. Kidnapping D.
Protection money
3. Ano ang graft?
A. Karaniwang ginagawa ng isang indibidwal lamang.
B. Pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya at
kwestiyonable.
C. Paggamit sa isang kontrata. D. Lahat ng nabanggit ay
tama.
4. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng terorismo?
A. Tax evasion B. Paghihiganti C. Globalisasyon D. Open
trade
5. Paano masusulosyunan ang mga kontemporaryong
isyung pampolitika ng
bansa?
A. Pakikiisa sa mga adhikain ng pamahalaan
B. Pagkilos ng naayon sa batas.
C. Hindi pagtugon sa mga nagnanais pabagsakin ang
pamahalaan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
Mga Kontemporaryong Isyu ng
LipunanPangkabuhayan

Ang mga kontemporaryong isyu ay ang mga suliraning


kinakaharap ng ating bansa nitong mga nakaraang taon. Ang
mga ito ay mga suliraning humahadlang at balakid sa ating
pag-unlad.
Mga Isyung Pangkabuhayan:
I. Open trade
Ang open trade ay ang malayang pakikipagkalakalan. Nagiging madali ang
pagluluwas o pag-aangkat ng mga produkto dahil sa pagtanggal ng mga
balakid sa kalakalan. Walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa.
Dahil dito, ang mga ito ay naipagbibili sa murang halaga kaysa sa lokal na
mga produkto.
Epekto ng Open trade:
o Pagtindi ng kahirapan sa ating bansa dahil sa pagsulong at pagbibigay
pabor sa mga dambuhalang kapitalista at dayuhang namumuhunan,
o Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na
negosyo,
o Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa,
o Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompanya at industriya na hindi
Mga Isyung Pangkabuhayan:
I. Open trade
Ang open trade ay ang malayang pakikipagkalakalan. Nagiging madali ang
pagluluwas o pag-aangkat ng mga produkto dahil sa pagtanggal ng mga
balakid sa kalakalan. Walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa.
Dahil dito, ang mga ito ay naipagbibili sa murang halaga kaysa sa lokal na
mga produkto.
Epekto ng Open trade:
o Pagtindi ng kahirapan sa ating bansa dahil sa pagsulong at pagbibigay
pabor sa mga dambuhalang kapitalista at dayuhang namumuhunan,
o Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na
negosyo,
o Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa,
o Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompanya at industriya na hindi
makasabay sa pandaigdigang kompetisyon.
II. Globalisasyon
Ito ay ang malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa
daigdig sa mga gawaing pang-ekonomiya, panlipunan, pang-teknolohiya at
kultura.
Mabuting Epekto:
• Mabilis na pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng iba’t-ibang bansa ng
daigdig;
• Mabilis na ang paglago ng pandaigdigang transakyon sa pananalapi;
• Lumaki ang pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal na
nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan at paglaki ng produksyon
na makatutugon sa pangangailangan ng mga tao;
• Lumaganap ang teknolohiyaat kaalaman sa tulong ng mabilis na
transportasyon at komunikasyon sa iba’t-ibang panig ng daigdig;at
• Lumago ang ibat ibang sangay ng agham na nakatuklas ng gamot sa
pagsugpo ng ibat ibang sakit.
Di-Mabuting Epekto:
▪ Paglaki ng kakulangan sa mahuhusay na manggagawa o brain drain sa
bansa dahil naaakit ang mga tao sa mataas na pasahod ng mga bansang
umaangkat ng mga manggagawa tulad ng mga bansang Europe, Canada, at
sa Kanlurang Asya.
▪ Pagdami ng armadong labanan tulad ng nagaganap sa Mindanao na
binigyang suporta ng ibang bansa.
▪ Pagkasira ng kalikasan dahil sa paggamit ng mga likas na yaman na
pinagmumulan ng mga materyales at sa polusyong dulot ng paggawa at
industriyalisasyon.
▪ Pagkawala ng ktutubo o indigenous na kultura ng bansa dahil sa pagpasok
ng makabago at ibat ibang kultura ng ibang bansa.
▪ Pagkawala ng pagkakakilanlan ng bansa dahil sa pagiging sunodsunuran
sa mga mayayamang bansa na nagmamay-ari sa mga naglalakihang
kompanya.
▪ Pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa ibat ibang panig ng
mundo.
▪ Pagkawala ng karapatan ng mga bansa na pairalin ang kanilang mga
patakaran dahil sa pagsunod sa mga patakaran ng mga institusyong
sumusuporta sa globalisasyon.
Pagsasanay 1
Direksyon: Tukuyin ang mga sumusunod na kontemporaryong isyu sa
lipunan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang nakamamatay na COVID-19 virus ay mabilis na kumalat sa iba’t-
ibang panig ng mundo na nagiging sanhi ng pagkamatay ng maraming tao
ay isa sa mga epekto ng?
A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung pangkapaligiran
2. Ang _________ ay ang malayang pakikipagkalakalan.
A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung pangkapaligiran
3. Ito ay nagiging sanhi ng pagkawasak ng mga local na industriya dahil
mas nabibigyan ng mas magandang insentibo ang mga dayuhan na
makipagkalakalan sa ating bansa kaysa sa mga mamamayang Pilipino.
A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung pangkapaligiran
4. Ito ay ang malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa
daigdig sa mga gawaing pang-ekonomiya, panlipunan, pang-teknolohiya at
kultura.
A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung pangkapaligiran
5. Isa sa mga halimbawa ng epekto nito ay noong 2003, ang nakamamatay
na pneumonia na tinawag na severe acute respiratory syndrome (SARS) mula sa
Hong Kong, China ay kumalat sa 37 bansa sa loob lamang ng ilang linggo.
A. Open trade B. Globalisasyon C. Isyung pangkapaligiran
Pagsasanay 2
Tukuyin ang mga sumusunod na kontemporaryong isyu sa lipunan na may
kinalaman sa usaping pampolitika. Hanapin sa kahon sa ibaba ang titik ng
tamang sagot.
A. Panteritoryo B. Terorismo C. Graft at Korupsyon D. Graft E. Korupsyon
F. Extortion
1.Ang ating bansa at ang iba pang mga kalapit-bansa sa Timog-Silangang Asya
ay naninindigan laban sa pag-angkin ng Tsina sa malaking bahagi ng South
China Sea.
2. Ang usaping ito ay nakalilikha ng kawalan ng seguridad, pangamba at ligalig
sa ating bansa. Sa ganitong kalagayan, ang mga namumuhunan sa
pagnenegosyo ay nag-aalangang mamuhunan sa ating bansa.
3. Isa ito sa mga pinakamatinding suliranin sa kapayapaang pandaigdig sa
kasalukuyan. Isinasagawa ito ng mga grupo, samahan o pamahalaan upang
makamit ang kanilang adhikaing political o kriminal.
4. Ito ay ang tahasan at intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon
ng isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kanyang
kawalan ng integridad o prinsipyo.
5. Pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya at kuwestiyonable, tulad ng
pagtanggap ng kabayaran para sa isang pampublikong serbisyong dapat na
naibigay nang libre o kaya’y paggamit sa isang kontrata o lehislasyon bilang
pagkakakitaan.
Direksyon: Suriin ang pangungusap sa bawat bilang kung ito’y dulot ng
open trade o globalisasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa ibat ibang
panig ng mundo ay epekto ng
A. Open trade B. Globalisasyon
2. Isa sa mga mabuting naidulot nito ay nagiging madali ang pagluluwas
o pag-aangkat ng mga produkto dahil sa pagtanggal ng mga balakid sa
kalakalan.
A. Open trade B. Globalisasyon
3. Walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa.
A. Open trade B. Globalisasyon
4. Lumago ang ibat ibang sangay ng agham na nakatuklas ng gamot sa
pagsugpo ng ibat ibang sakit.
A. Open trade B. Globalisasyon
5. Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompanya at industriya na
hindi makasabay sa pandaigdigang kompetisyon. A. Open trade
B. Globalisasyon
Aralin 5. Naisa-isa ang kontemporaryong isyu sa pulitika na
tumutugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa.
Panlipunan at Pangkapaligiran)
Markahan: Ika-apat na Markahan Linggo: Ikalimang Linggo LAS 1
MELC Code: AP6TDK-IVe-f-6

A. Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa


anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa
kahit anong larangang may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa
kahit anong interes ng mga tao.
A. Mga Isyu Panlipunan
1.Ang mga OFW May 37 taon ng nakakatulong amg mga
Overseas Filipino Workers o OFW sa ekonomiya ng
ating bansa.Sa ngayon ,itinatayang may mahigit na
isang milyong OFWs ang nagtatarabaho sa iba’t ibang
panig ng daigdig ng mundo upang umunlad ang
kanilang pamumuhay .Malaking tulong ito sa ating
ekonomiya dahil nakakapagdadala sila ng malaking
halaga tungo sa kaunlaran ng bansa.Noong 2013 ,sila
ay nkapagpapadala ng halos $23 bilyon sa ating
bansa.Dahil ditto sila ay itinuturing na bagong bayani.
Mga Pang- aabuso (Pang -aabuso sa bata o child
abuse)

Ayon sa Department of Social Welfare and


Development (DSWD) libu –libong mga bata
ang biktima ng ibat- ibang krimen at pang-
aabuso. May mga taong may masamang loob
na gumagamit ng mga bata at may mababang
pag-iisip sa pagsasakatuparan ng mga ilegal
na gawain.May mga dayuhan nagsasamantala
sa mga kabataan o pedopilya.

You might also like