You are on page 1of 2

“Mayroon nga bang Positibong Nangyari Sa Panahon Ng Martial Law?

Magandang umaga sa inyong lahat ako ng pala si Aaron Soriano Mutuc, labíng-pitóng taong gulang
na nasa inyong harapan upang maghayag lamang ng katotohanan. Uumpisahan ko ang aking talumpati
sa isang katanungan, mayroon nga bang positibong nangyari sa panahon ng martial law? Maaring ang
iba sa inyo ay sasagot ng oo may positibong nangyari, at ang iba naman ay wala, walang positibong
nangyari. Iba’t iba tayo ng papanaw, Iba’t iba tayo ng opinion at pagtingin sa nakaraan ngunit ngayong
araw na ito hayaan ninyo akong ihayag ang aking mga nalalaman na pawang katotohanan lamang.

Esaktong limángpûng taon na ang nakalilipas mula nang pinirmahan ni dating Pangulong Ferdinand
Marcos Sr. ang Proclamation No. 1081. na nagapapailalim sa bansa sa batas military or “martial law”
kung saan binibigyan ang Pangulo, bilang isang (pinunong komander) Commander-in-Chief ng lahat ng
armadong pwersa sa Pilipinas, ng kapangyarihan na i-suspinde ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus
sa ilalim ng martial law “upang maiwasan o mapigilan ang karahasan, pagsalakay, insureksyon,
paghihimagsik, o anumang panganib na magbabanta sa kaligtasan ng publiko.”Sa panahong ito, binigyan
niya ng awtorisasyon ang militar na arestuhin ang mga indibidwal na susuway sa alituntunin sa ilalim ng
rehimeng Marcos. Ipinataw niya rin ang curfew hours at mahigpit na ipinagbawal ang pagtitipon, at kung
sinuman ang lalabag dito ay maaaring arestuhin. Ipinasara niya rin ang kongreso, kinumpiska ang mga
pribadong kumpanya ng media at iba pang mga pampublikong pasilidad. At isa-isang inaresto ang mga
kalaban sa pulitika ni Marcos. Kabilang sa mga unang dinakip ang noo'y lider ng oposisyon na si dating
Senador Benigno "Ninoy" Aquino. Sa pagratipika ng 1973 Constitution habang umiiral ang batas militar,
pinalawig ang pag-upo sa kapangyarihan ni Marcos, na tumagal ng dalawangpung taon. Batay sa datos
ng Human Rights Claims Board, mahigit 75,000 ang naitalang human rights violations sa pag-iral ng
martial law. Aabot naman sa 30,000 ang biktima ng torture, marami rin ang tinawag na "desaparecidos,"
o ang mga tao na dinakip, ikinulong, nawala at hindi na nakita hanggang ngayon. Naapektuhan din
maging ang ekonomiya ng bansa. Bagaman dumami ang mga naipatayong impraestruktura, nabaon
naman sa utang ang bansa na umabot sa mahigit $20 bilyong dolyar. Maaaring iugnay ang paglobo ng
ating utang sa pagdami ng imprastraktura sa bansa na siyang iniyayabang bilang economic growth daw
noong panahon ni Marcos. Pero mula sa paglaki ng ating utang nanggagaling ang mas maraming
paghihirap na kailangan pang tiisin ng mga susunod na henerasyon.

Sa harap ng kahirapan ng maraming Pilipino, naging kapuna-puna naman ang marangyang


pamumuhay ng mga Marcos, na lalo umanong nagpaugong sa hinalang nagnakaw sila at ang kanilang
mga kaibigan o cronies sa kaban ng bayan. Noong Enero 17, 1981, binawi na ni Marcos ang batas militar
sa bisa ng Proclamation No 2045. Sinasabing ginawa ito para ipakita sa Amerika na maayos na ang takbo
ng Pilipinas. Nangyari ito habang bagong halal na pangulo noon ng Amerika si Ronald Reagan.
(konklusyon)

Kung titignan natin ang pagtaas ng bilang ng mga maralita, ang pagbaba ng sahod ng mga manggagawa,
at ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, makikita natin ang totoong naging buhay ng mga ordinaryong
Pilipino noong panahon ng Martial Law. Sa pagbaba ng sahod at pagmahal ng presyo ng mga bilihin,
makikitang humirap ang buhay ng mga Pilipino noong sinasabing “Golden Age” ng Martial Law.
Mas lumalala ang kuwento kapag ipagsama natin ang epekto ng administrasyon ni Marcos sa kalikasan
ng bansa at sa ating economic standing. At magpasahanggang ngayon patuloy nating nararamdaman ang
mga epekto ng ating international debt.
Kaya tatanungin ulit kita, totoo nga ba na mayroong positibong nangyari sa panahon ng Martial Law?
Maaring iba-iba ang kuwento ng mga tao ngunit iisa lamang ang kuwento ng datos.

Marami pa ring kababalaghan at katanungan ang bumabalot sa pagdedeklara ng MartialLaw ni dating


Pangulong Ferdinand Marcos. Halina’t siyasatin natin kung ano ba ang nangyarisa Pilipinas sa ilalim ng
Batas Militar.Ang martial law o batas militar ay ang pansamantalang pamamahala ng militar sa lahat ng
gawain o aktibidad ng bansa lalo na kapag panahon ng giyerao hindi kaya ay panahon ng emergency
at/o malawakang kalamidad kung saan hindi umaandar ang kalayaang sibil.

You might also like