You are on page 1of 11

Pagwawakas ng

Batas Militar
Sa nakaraang aralin, natutuhan natin ang
kahulugan ng Batas Militar, mga pangyayari na
nagbigay-daan sa pagtatakda ng Batas Militar,
positibo at negatibong naidulot nito sa mga
mamamayan gayundin ang kinaharap ng mga
Pilipino sa ilalim ng Batas Militar. Ngayon naman,
ay ating tatalakayin ang mga pangyayaring
nagbigay-daan sa pagwawakas ng Batas Militar.
Umiral ang Batas Militar sa bansa nang mahigit
walong taon. Ang ganap na kapangyarihan ng
pamahalaan ng bansa ay nasa kamay ni Marcos sa
tulong ng militar. Sa panahon ng kaniyang pagiging
diktador ay lumaganap ang paglabag sa karapatang
pantao at iba pang pang-aabusong militar. Ang pag-
aresto o pagdakip sa mga kritiko at kalaban ng
pamahalaan ay nagpatuloy sa kabila ng pagtutol ng
mga tao.
Ang paggamit ni Marcos ng kanyang
kapangyarihan sa pagdedeklara ng Batas Militar ay
hindi naibigan ng maraming Pilipino. Isa na rito si
Senador Benigno S. Aquino Jr. Hindi niya tinanggap
ang Batas-Militar sapagkat naniniwala siyang ito ay
ginawa ni Marcos upang mapahaba o mapatagal pa
ang kaniyang panunungkulan bilang pinakamataas
na pinuno ng bansa. Nais lang daw niyang manatili
pa rin sa tungkulin pagkalipas ng taong 1973.
Ang paghuli o pagpaslang sa mga pulitikong kalaban niya sa
politika at mga komentarista sa radio at telebisyon na tumuligsa
sa kaniya ay isa sa mga pangyayaring hindi lubos na maunawaan
at matanggap ng mga Pilipino. Maliban kay Senador Benigno
Aquino Jr., kabilang sina Jose Diokno, ang mga mambabatas na
sina Roque Ablan, Rafael Aquino, David Puzon, at mga delegado
ng Con-Con na sina Jose Concepcion, Teofisto Guingona,
Napoleon Rama, Alejandro Lichauco, at Ramon Mitra. Gayundin
sina Teodoro Locsin, ang patnugot ng “Philippines Free Press” at
Joaquin “Chino Roces, ang patnugot ng “The Manila Times”; at
mga mamamahayag sa diyaryo na sina Amado Doronilla at
Maximo Soliven.
Gayundin, hindi naging normal ang naging buhay ng mga Pilipino
sapagkat ipinasara ni Marcos ang lahat ng pahayagan, radio at
telebisyon. Pinangasiwaan din ng pamahalaan ang pagpapatakbo ng
mga kakailanganin ng publiko tulad ng Philippine Long Distance
Telephone, Co. (PLDT), Manila Electric Company (Meralco), at mga
sasakyang panghimpapawid. Ang ginawang pagkontrol ni Marcos sa
media ay isa pa sa hindi lubos na nagustuhan ng mga mamamayan.
Tanging ang mga estasyon ng radio at telebisyong pag-aari ng
pamahalaan at mga mamamahayag na tapat sa Pangulong Marcos
at sa kaniyang pamilya ang naririnig at napapanood. Maging ang
mga pahayagan ay kinontrol din ng pamahalaan.
Ang patuloy na paglaganap ng kahirapan ng bansa at
paglaganap ng paglabag sa karapatang pantao ang nagpasidhi sa
damdamin ng mga kilusang tulad ng New People’s Army (NPA) at
Moro National Liberation Front (MNLF) upang lumaban sa
mapaniil na pamahalaan. Sa kabila rin ng pagbabawal ng
pamahalaan, ilang sektor din ng lipunan ang kumalaban sa
administrasyon ni Marcos. Ang mga sanggunian ng mga mag-
aaral (Student Council) ay muling naitatag sa pangunguna ng
ilang mga mag-aaral na nanawagan sa panunumbalik ng
malayang pamamahayag sa mga kolehiyo at pamantasan.
Winakasan ang Batas-Militar noong ika-17
ng Enero, 1981 sa bisa ng Proklamasyon 2045.
Ang pangunahing dahilan ay ang pagbabalik
ng kapayapaan at katahimikan ng bansa.
Gawain: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag na
nagpapakita ng mga pangyayari sa pagwawakas ng Batas Militar.
Lagyan ng TAMA kung ang pahayag ay nangyari sa pagwawakas ng
Batas Militar at MALI naman kung hindi.
________1. Pagpapairal ng karapatan sa pamamahayag.
________2. Pinangasiwaan ng pamahalaan ang pagpapatakbo ng
mga kakailanganin ng publiko tulad ng
PLDT), Meralco at mga sasakyang panghimpapawid.
________3. Paggalang sa paniniwala ng mga pulitiko at komentarista.
________4. Pagkontrol sa media.
________5. Pagpapahuli sa mga taong inakalang nagkasala sa
pamahalaan.
HOME-BASED ACTIVITY-AP 6

Gawain 1: Magbigay ng ilang pulitiko o


komentarista na tumuligsa kay Marcos ng
ipatupad ang Batas Militar gamit ang Semantic
Web. Isulat ang sagot sa SHORT BOND
PAPER.

You might also like