You are on page 1of 10

Lesson Exemplar sa SCIENCE 3 gamit ang IDEA Instructional Process

Paaralan Baitang 3
LESSON
Guro Asignatura Agham 3
EXEMPLAR
Petsa Markahan Ikaapat

I. LAYUNIN Sa araling ito ay matututuhan mo na ilarawan ang


mga bahagi ng ibat ibang uri ng halaman at mga
tungkulin nito.
A. Pamantayang Pangnilalaman External parts of plants and their functions, and
importance to humans
B. Pamantayan sa Pagganap Demonstrate the proper ways of handling plants
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC) (Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang Describe the parts of different kinds of plants
kasanayan sa pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan Ang mag-aaral ay inaasahang matututuhan mo na
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.) ilarawan ang mga bahagi ng ibat ibang uri ng
halaman.
II. NILALAMAN
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral PIVOT 4A Module Science 3 pahina 17-19
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng PowerPoint Presentation, mga larawan at totoong
Learning Resource halaman at headdress
https://www.youtube.com/watch?v=I_kQGWGKUE0
https://tinyurl.com/PagtatayaSaAgham

B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa


Laptop, Cellphone, PowerPoint Presentation, Google
mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Meet, Quizziz
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula (Introduction) Balik-aral:

Bago tayo magsimula sa ating aralin, tayo muna


ay magbalik-aral kung ano ang ating tinalakay
noong nakaraang araw tungkol sa mga hayop.

Panuto: Sabihin kung BITUIN kung ang


pangungusap ay nagsasaad ng kahalagahan
ng mga hayop sa tao at BUWAN naman
kung hindi. Mayroon kayong 5 segundo upang
sagutin ang bawat tanong.
1. Ang aso ay nagbibigay aliw at maaaring
bantay sa tahanan laban sa mga hindi
kilalang tao na gusting pumasok dito.
2. Nagbibigay ng itlog ang manok, bibe, at
pugo.
3. Ang kalabaw ay katulong ng mga
magsasaka sa paghahanapbuhay.
4. Ang bubuyog at paru-paro ay nakakatulong
sa pagpaparami ng halaman.
5. Ang ibang balat ng hayop ay ginagamit na
materyales upang gawing bag, sintron,
sapatos at kasuotan.

Pag-awit ng Bahay Kubo


Ngayon naman tayo ay umawit.
Alam niyo ba ang awiting Bahay Kubo?
Ngayon sabay-sabay nating awitin ang Bahay
Kubo.
https://www.youtube.com/watch?
v=I_kQGWGKUE0
Mga Tanong:
-Ano-anong gulay ang mga nabanggit sa
awiting “Bahay-Kubo?”
-Sa mga halaman at gulay na nabanggit sa
awiting “Bahay-Kubo, anong mga gulay ang
nakain mo na?

Alam niyo ba na ang mga gulay na nabanggit


sa awiting bahay kubo ay nagmula sa mga
halaman. Mga halaman na makikita natin sa
ating kapaligiran. Maaaring ito nasa likod-
bahay o nasa bukirin.

Ano nga ba ang halaman?


Ang halaman ay isang uri ng organismo na
madalas nating nakikita kahit saang lugar tayo
pumunta. Matatagpuan ang iba’t ibang uri ng
halaman sa iba’t ibang lugar.

Ang iba’t ibang uri ng halaman ay may


magkakaparehong bahagi. May mga bahagi
ng halaman na wala sa ibang halaman. May
mga halamang makikita sa tubig at may mga
halaman ding makikita sa lupain.

Sino-sino rito ang may kilalang mahilig sa


halaman?
Katulad din ba siya ni Teacher na isang plantito?
Kung Oo, ano kaya sa tingin ninyo ang
magandang naidulot ng pag-aagala ng mga
iba’t-ibang klase ng halaman lalo at humaharap

pa rin tayo sa isang pandemya?


Mga bata ating suriin ang mga sumusunod na
larawan sa ibaba. Maaari kayong sumagot kung
alam ninyo ang pangalan ng mga sumusunod
halaman, puno o bulakak.

Nakikilala niyo ba ang mga ito?

Ano ang masasabi mo sa mga bahagi ng mga


halaman na nása larawan

Kung magmamasid ka sa komunidad, mapapansin


mong maraming halaman ang may ugat, tangkay,
dahon, bulaklak, at bunga tulad ng mga puno at

gulay. May mga halamang hindi namumulaklak at


namumunga, tulad ng fern/pako, narra at kawayan,
ngunit may mga ugat, tangkay, at dahon din sila.

Ang mga larawan sa itaas gaya ng papaya ay


halamang namumulaklak na nagiging bunga
samantalang ang niyog at mangga ay nagtataglay
ng maraming bulaklak sa isang tangkay na nagiging
mga bunga. Ang mga halaman gaya ng gumamela,
santan at sampaguita ay namumulaklak subalit ito ay
hindi nagiging bunga.

Tandaan: Hindi lahat ng halaman ay pareho ang mga


bahagi, may mga halamang hindi namumunga at
hindi namumulaklak at may mga halaman naman
namumunga at namumulaklak.

B. Pagpapaunlad (Development) Ngayong araw ating pag-aaralan ang bahagi ng

Halaman.
Ngayon aalimin natin ang iba’t-ibang bahagi ng
halaman at kung ano ang gamit nila.
Ngayon ating panoorin ang isang video clip na kung
saan malalaman natin ang iba’t-ibang uri ng
halaman sa ating paligid.
https://www.youtube.com/watch?v=lU-
1KAkosXc&t=148s
Tanong:
1. Base sa biyong napanood, ang lahat ba ng
halaman ay magkakapareho ng bahagi?
2. Mayroon bang mga halamang namumulakalk at
di namumulaklak? Magbigay ng halimbawa.
3. Mayroon bang mga halamang hindi
namumunga? Magbigay ng halimbawa.
4. Mayroong mga halamang gamot na nabanggit
sa bidyo. Magbigay ng halimbawa.
5. Paano natin mapapangalagaan ang mga
halaman?
C. Pagpapalihan (Engagement) Gawain 1: Panuto: Tukuyin ang parte ng mga
halaman. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Sagot:
1. Dahon
2. Bulaklak
3. Bunga
4. Tangkay
5. Ugat

Gawain 2: Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng


halaman ang ipinapakita sa larawan.

Sagot: Bulaklak
Sagot: Ugat

Sagot: Tangkay

Sagot: Dahon

Sagot: Bunga

Gawain 3:
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto,
Mali naming kung hindi.
____1. Lahat ng dahon ay may magkakaparehong
hugis. Sagot: Mali
____2. Ang ugat ay bahagi ng halaman na sumisipsip
ng tubig at mineral sa ilalim ng lupa. Sagot: Tama
____3. Ang sanga ay madalas dapuan ng mga pru-
paro dahil sa taglay nitong pollen. Sagot: Mali
____4. Ang bunga ay ang parte ng halaman na
nagsisilbing pagkain ng mga hayop at tao.
Sagot: Tama
____5. Ang lahat ng halaman sa paligid ay
namumulaklak. Sagot: Mali
Gawain 4: Laro: Bring Me! Paunahan sa pagpapakita
ng mga sasabihin ng guro. Paalala, mag-ingat sa
pagtakbo o paglalakad kapag nag-umpisa na ang
laro. Mayroon kayong 25 segundo upang ipakita ang
mga hinihingi ng guro.
-Halamang namumulaklak
-Halamang mahaba ang dahon
-Halamang hindi namumunga
-Dalawang uri ng prutas
-Halamang gamot
D. Paglalapat (Assimilation) Performance Task:
Panuto: Sa isang video presentation. Kumuha nang
isang halaman, larawan o tunay na halaman at
sabihin ang mga bahagi nito katulad ng Dahon,
Bunga, Tangkay, Bulaklak at Ugat. Ipakita ito sa
gagawing video clip at sagutin ang mga sumusunod
na tanong:

1. Ano ang pangalan ng halamang hawak mo?


2. Ano-ano ang iba’t-ibang bahagi ng halaman?
3. Ano ang kahalagahan ng halaman sa atin?
4. Paano natin mapapangalagaan ang mga
halaman?
Sundan ang Pamantayan ng Pagmamarka sa ibaba.
PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS MARKA
Nilalaman Wasto ang 10
impormasyon
tungkol sa bahagi
ng halaman
Kaangkupan ng Mahusay na 5
Ideya naipapaliwanag
ang mga
katanungan tungkol
sa halaman.
Presentasyon Maaayos ang 5
paglalahad ng
sariling kosepto sa
video clip.

ASSESSMENT/PAGTATAYA:
Panuto: Piliin ang salitang tinutukoy sa pangungusap.
Ito ay gagawin sa Quizzes
Link: https://tinyurl.com/PagtatayaSaAgham

1. Ang bahaging ito ay umaangkla o kumakapit


sa lupa. Ito ay sumisipsip ng tubig at sustansya
mula sa lupa para sa paglaki at paglusog ng
halaman.
A. Dahon
B. Ugat
C. Bulaklak
2.Ito ang nagdadala ng tubig at sustansiya mula
sa ugat papunta sa mga dahon. Ito ang
sumusuporta sa mga dahon at nagpapatindig sa
halaman.
A. Tangkay
B. Dahon
C. Bulaklak
3.Ito ang humihingang bahagi ng halaman.
Nagagawa ito dahil mayroon itong mga maliliit na
butas kung saan nakakapasok at nakakalabas
ang tubig at hangin.
A. Ugat
B. Bunga
C. Dahon
4.Ang bahaging ito ang tinatawag na
reproduktibong bahagi ng halaman. Mahalaga ito
sa paggawa ng mga binhi, Kadalasan, mabango
at may matingkad na kulay.
A. Bunga
B. Bulaklak
C. Tangkay
5.Ito ang pinanggagalingan ng bagong halaman.
A. Ugat
B. Bunga
C. Tangkay
Mga Sagot: 1. B 2. A 3. C 4. B 5. B
V. PAGNINILAY Sa pamamagitan ng isang video o Vlog, sasabihin ng
bata ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit
ang mga sumusunod na prompt.
Nauunawan ko na
____________________________________________________
_______.
Nababatid ko na
____________________________________________________
_______.
Inihanda Ni:

JAYRAL S. PRADES
Teacher II

You might also like