You are on page 1of 3

Learning Area - Grade Level KINDERGARTEN

W2 Quarter 4 Learning Time Lunes-Biyernes

I. LESSON TITLE Life Science: Plants (P)


II. MOST ESSENTIAL LEARNING ● Name common plants
COMPETENCIES (MELCs)
● Distinguish plants from other living things
● Observe, describe, and examine common
plants using their senses
● Group plants according to certain
characteristics, e.g., parts, kind, habitat
● Identify needs of plants and ways to care for
plants
● Identify and describe how plants can be
useful
III. CONTENT/CORE CONTENT The child demonstrates an understanding of
characteristics and growth of common plants
IV. LEARNING PHASES AND LEARNING ACTIVITIES
I- Introduction (Time Frame: 30 minuto)

Halina’t mamasyal sa labas ng ating tahanan. Sa labas ng inyong mga


tahanan ay may ibat’-ibang uri ng halaman. Mahalaga sila sa atin, dahil sa
kanila tayo kumukuha ng pagkain, gamot, kagamitan sa bahay at tumutulong
din upang maiwasan maging sa mga sakuna kung may kalamidad. Halika!
Ating alamin kung paano natin sila maitatanim, mapadadami at
mapangangalagaan?

Awitin natin ang “Bahay Kubo”

Ano-anong mga halaman ang binanggit sa awitin? Ano ang naibibigay sa


atin ng mga halamang binanggit sa awitin?

Paalala sa Magulang/ Tagapangalaga: Hayaan na malayang sabihin ng bata ang mga


halaman na nabanggit sa awitin.

D- Development (Time Frame: 60 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Gawin ang learning activity na may pamagat na “Mga Halaman sa Aming
Pamayanan” sa pahina 10 ng PIVOT 4A SLM for Kindergarten.
IV. LEARNING PHASES AND LEARNING ACTIVITIES
Gawain sa Pagkakatuto Bilang 2:
Gawin ang learning activity na may pamagat na “Pagsusuri sa mga Halaman”
sa pahina 11 ng PIVOT 4A SLM for Kindergarten.

Paalala sa Magulang/Tagapangalaga: Bigyang laya ang mag-aaral na maglarawan ng


iba’t ibang halaman na kanyang nakita at nahawakan.

Ano ang masasabi ninyo sa mga halaman sa ating kapaligiran? Napansin ba


ninyo na iba-iba ang sukat at ang kanilang tekstura?

Gawain sa Pagkakatuto Bilang 3:


Gawin ang learning activity na may pamagat na “Pagkilala sa mga Bahagi
ng Halaman” sa pahina 12 ng PIVOT 4A SLM for Kindergarten.

Paalala sa Magulang/Tagapangalaga: Sa halip na bakatin ang pangalan ng bawat


bahagi ng halaman, sa kanilang gabay ay ipabasa ito sa mag-aaral. Maglaan din ng
sulatang papel at maaaaring doon isulat ng mag-aaral ang mga bahagi ng halaman.

E- Engagement (Time Frame: 30 minuto)

Batay sa inyong pamamasyal sa inyong kapaligiran , napansin ba ninyo na


ang mga halaman ay iba-iba ang lugar kung saan sila nabubuhay? Ano-ano
kaya ang nagsisilbi nilang tahanan?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Gawin ang Activity Sheet na may pamagat na “Tirahan ng Halaman, Aking
Nalalaman” sa pahina 13 ng PIVOT 4A SLM ng Kindergarten.

Ngayong alam na ninyo ang tirahan ng iba’tibang halaman, ano-ano naman


ang kanilang pangunahing pangangailangan upang mabuhay at patuloy na
lumago?

Gawain sa Pagkakatuto Bilang 5:


Gawin ang Activity Sheet na may pamagat na “Pangunahing
Pangangailangan ng Halaman at Puno” sa pahina 14 ng PIVOT 4A SLM ng
Kindergarten.

Mahalaga na pangalagaan natin ang mga halaman sapagkat marami


tayong mga bagay na nakukuha rito Alamin natin kung ano-ano ang mga
bagay na makukuha sa halaman.
IV. LEARNING PHASES AND LEARNING ACTIVITIES
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
Gawin ang Activity Sheet na may pamagat na, “Bagay na Nakukuha sa mga
Puno at Halaman” sa pahina 15.
A- Assimilation (Time Frame: 15 minuto)
Batay sa inyong mga isinagawang pagsasanay at pagmamasid sa
kapaligiran, ano aang inyong natutuhan? Malaki ba ang naitutulong ng mga
halaman sa ating buhay? Sa paanong paraan?
V. ASSESSMENT (Time Frame: 15 minuto)
(Learning Activity Sheets for Enrichment, Remediation or Assessment to be given on Weeks 3 and 6)

Panuto: Sa isang malinis na papel, gumuhit ng gusto mong halaman. Maaaring


kulayan ito. Sa tulong ng magulang/tagapangalaga. Isalaysay kung bakit ito
ang napili mo at kung ano-ano ang mga bagay na nakukuha mo rito.

VI. REFLECTION

Panuto: Gamit ang iyong kuwaderno, kumpletuhin ang mga pangungusap


na nasa ibaba sa tulong at gabay magulang/ tagapangalaga:

Natutuhan ko sa araling ito na ang mga halaman ay ______________________.


Ako ay naging _________________matapos kong matutuhan ang aralin sa
linggong ito
Prepared by: Jasmin A. Caraan Checked by: Enelyn T. Badillo
Glady P. Oliveros
Evaluated by: Maria Fe C. Bautista Validated by: Bernadette C. Condes

You might also like