You are on page 1of 38

Mga Suliranin at

Hamon sa Ilalim ng
Batas Militar
Pilipinas sa Ilalim ng
Batas Militar
Sa nakaraang aralin natutuhan natin ang mga
suliraning kinaharap ng mga Pilipino at ng
pamahalaan matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Napag-alaman din natin ang mga
naging tugon ng pamahalaan at mga pangulo na
nanunungkulan sa pamahalaan. Nakita rin natin
ang kasikapan ng mga Pilipino para maiangat ang
kabuhayan at antas ng mga mamamayan.
Nasaksihan din natin ang
pagpapahalaga ng mga Pilipino para sa
interes ng bayan. Matapos nating pag-
aralan ang mga pangyayari mula 1946
hanggang 1972, ngayon naman ay ating
tatalakayin ang kinaharap ng mga
Pilipino sa ilalim ng Batas Militar.
Bilang mag- aaral ikaw ay inaasahang:
a) makatutukoy ang mga pangyayari na
nagbigay-daan sa pagtatakda ng Batas Militar;
b) matatalakay ang mga suliranin at hamon sa
ilalim ng Batas Militar; at
c) makapagpapahayag ng sariling
pagpapahalaga tungkol sa natutuhan.
MGA NAGING PANGULO SA IKATLONG REPUBLIKA
Gamit ang concept map, itala
ang mga nalalaman tungkol sa
Batas Militar. Isulat ang sagot
sa loob ng kahon. Gawin ito sa
sagutang papel.
BATAS MILITAR
Ngayon naman ay iyong lilinangin
ang mga kaalamang ito sa tulong ng
mga teksto na sadyang inihanda
upang madagdagan ang iyong
kaalaman.
Pilipinas sa Ilalim ng
Batas Militar
Ang Batas Militar ay isang marahas na
hakbang na maaring isagawa ng
pamahalaan upang maiwasan ang panganib
tulad ng paghihimagsik, rebelyon, paglusob
at karahasan. Narito ang ilan sa mga
pangyayaring naging daan sa pagtatakda ng
Batas Militar.
Ang paghahari ng Ikatlong Republika
na tumagal nang mahigit dalawang
dekada ay nagwakas noong Setyembre
21,1972 nang ilagay ni Pangulong
Ferdinand E. Marcos sa ilalim ng Batas
Militar ang Pilipinas.
Mga Pangyayaring
Nagbigay Daan sa
Pagtatakda ng Batas
Militar
Ang Pagsilang ng mga
Makakakaliwang Pangkat

Ang Communist Party of the Philippines (CCP) ang samahang


itinatag noong 1968 ni Jose Maria Sison. Ito ay may ideolohiya ni
Mao Tse Tung, pinuno ng Komunistang Tsina. Ang New Peoples’
Army (NPA) naman ay itinatag noong 1969 na binubuo ng mga
magsasakang nakipaglaban dahil sa hindi kanais-nais na gawain ng
mga may-ari ng lupang kanilang sinasaka.
Ang Pagsilang ng mga
Makakakaliwang Pangkat

Nakipaglaban sila sa pamamagitan ng dahas. Naitatag din ang


Moro National Liberation Front (MNLF) sa pangunguna ni Nur
Misuari isang professor sa Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay binubuo
ng mga Muslim na nais magtatag ng hiwalay na pamahalaan na
tatawaging Republika ng Bangsamoro.
Paglubha ng Suliranin sa
Katahimikan at Kaayusan

Dahil sa pagkawala ng tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan


naging madalas ang mga pagrarali at demonstrasyon ng mga
estudyante mula sa ibat-ibang unibersidad sa Pilipinas. Bukod sa
mga estudyante, ang mga mangggawa ay nakiisa rin sa pagwewelga
na madalas na humantong sa madugong labanan sa pagitan ng mga
welgista at mga pulis.
Pagbomba sa Plaza
Miranda
Idinaos ang halalan ng mga senador at mga opisyal ng
pamahalaang lokal noong 1971. Ginanap ang pagpapahayag ng
kandidato ng Partido Liberal sa Plaza Miranda. Sa kalagitnaan
ng pagtitipon ay may sumabog na granada. Maraming sugatan
at namatay sa pagtitipon at sinasabing ito ay kagagawan ng New
Peoples’ Army o NPA.
Pribelehiyo ng
Writ of Habeas
Corpus
Sanhi ng sunod-sunod na
kaguluhan ay nagdesisyon
si Marcos na ipahayag ang
Proklamasyon Blg. 889 na
nagsususpinde o pumipigil
sa karapatan sa writ of
habeas corpus kung saan
ang mamamayan ay
sumasailalim sa tamang
proseso ng paglilitis.
Gawain 1
May mga pangyayaring sa bansa na naging
dahilan ng pagtakda ng Batas Militar.
Basahin ang pangungusap at tukuyin ang
inilalarawan ng bawat pahayag. Piliin ang
sagot sa kahon. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.
A.Writ of habeas corpus
B. Liberal
C. Joma Maria Sison
D. Ferdinand Marcos
E. MNLF
F. Diosdado Macapagal
___1. Partido na nagpapahayag ng kandidatura sa Plaza
Miranda ng maganap ang pagsabog na ikinamatay ng
maraming tao.
___2. Karapatan ng mamamayan na sumasailalim sa
tamang proseso ng paglilitis.
___3. Ito ay binubuo ng mga Muslim na nais magtatag ng
hiwalay na pamahalaan na tatawaging Republika ng
Bangsamoro.
___4. Nagtatag ng Communist Party of the Philippines
(CCP)
___5. Pangulo na nagdeklara ng Batas Militar sa Pilipinas.
Gawain 2
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na gumawa ng
alitutunin, paano mo ipakikita ang paggalang sa karapatan
ng bawat tao. Gumawa ng batas sa mga sumusunod.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Ang Pilipinas
sa Ilalim ng
Batas Militar
Sa panahong ng Batas Militar ang
kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa iisang
tao lamang. Ang pangulo ang higit na
makapangyarihan sa lahat, siya ay tumatayong
Punong Ministro. Lalong naging
makapangyarihan si Marcos nang baguhin at
pagtibayin ang Saligang Batas ng 1972.
Bukod sa pagiging puno ng sangay ng
tagapagpaganap ay siya rin ang namahala
sa batasan at gabinete. Namahala rin siya sa
mga korteng militar. Dito niliitis ang mga
nagkakasalang sundalo at sibilyan. Ito ang
ilan sa mga ipinatupad sa ilalim Batas
Militar-
A. Pagpapairal
ng curfew-hour
mula alas dose
ng hatinggabi
hanggang alas -
kwatro ng
umaga
B. Pagbawal ng rali,
demonstrasyon at pagwewelga
C. Pagkontrol ng pamahalaan sa pahayan, radio at
telebisyon upang masala ng pamahalaan ang mga
balitang lalabas sa madla
D. Pagsuspinde ng pangingibang bansa ng mga
Pilipino, maliban sa mga misyong ipinag-uutos ng
gobyerno
E. Paggawad ng parusang kamatayan sa sinomang
mahuhuling magdadala ng armas nang walang
pahintulot.
Nabago ang takbo ng pamumuhay ng mga
mamamayan nang ipairal ni Marcos ang
Batas Militar. Negatibo ang naging
pagtanggap ng mga Pilipino sa bagong
sistema ng pamahalaang binuo ni Marcos
sapagkat sadyang nabawasan ang
karapatan ng mga mamamayan.
Naghari ang takot sa puso ng mga tao kasabay
ng pag-usbong ng galit at pagkamuhi kay
Pangulong Marcos. Karamihan ay nanatiling
tikom ang bibig dahil sa takot sa pamahalaan.
Kalaunan ay natanggap na rin ng mga Pilipino
ang ganitong sistema lalo pa at nakita nila ang
mga positibong pangyayari tulag ng:
1. Nagkaroon ng mabilis na pagsulong sa
ekonomiya noong unang tatlong taon ng
pamamayani ng Batas Militar.
2. Tumaas ang antas ng pamumuhay ng mga tao,
hindi lang sa pook urban pati rin sa
mga rural na lugar.
3. Nabuhayan ang mga maralita sapagkat sila ay
nakakakita ng bagong pag- asa na maka-
ahon sa kahirapan.
4. Nawala ang kriminalidad sa lipunan.
5. Ang mga lansangan, tulay, mga patubig at
irigasyon ay mabilis na naipaayos
6. Maraming gusali at establisyemento ang
naipatayo.
7. Naging sapat ang suplay ng bigas at nakapag-
eksport pa nito sa mga unang taon ng
batas militar,
8. Sumigla ang larangan ng agrikultura at
industriyalismo.
9. Nakontrol bagamat hindi ganap ang subersiyon at
kilusang komunismo.
10. Lumagnap sa buong bansa ang infrastructure
project gaya ng mga super- highway, tulay
at feeder roads sa mga bukirin.
11. Nabigyang halaga ang Kulturang Pilipino
12. Nakapagpatayo ng paaralang pambayan,
pagamutan at health center
13. Nabigyan ng bahay ang mga maralitang
naninirahan sa lungsod.
Marami ring nagsabi na ang lahat ng
mga pagbabagong ito ay
pansamantala lamang at pawang
huwad na kaunlaran. Sa likod ng
magagandang bagay na ipinakikita ng
pamahalaan ay maraming negatibo,
tulad ng mga sumusunod:
A. pagdami ng nepotismo o ang pagluklok ng mga
kamag-anak o kaibigan ni Marcos sa pamahalaan
B. pagtaas ng antas ng katiwalian.
C. pagsasara ng mga himpilan ng pahayagan,
radio at telebisyon at pagsupil sa
pahayagan kaya hindi nalaman ng mga
mamamayan ang nangyayaring katiwalian.
D. pagpigil sa operasyon ng mga kagamitang
pampulitiko at mahahalagang industriya
tulad ng panghimpapapawid mga daang bakal at
kompanya ng telepono at MERALCO
E. pagsupil sa mga karapatang pantao gaya ng
pagbabawal sa pulong pampubliko, mga
demonstrasyon ng mga mag-aaral at welga
F. pagpapahirap at pagpatay sa mga bilanggong
political, sino mang mapaparatangang
kalaban ng pamahalaan
D. Sagutan: Pagpapaunlad
Sa bahaging ito, ating alamin ang ating natutuhan sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
Pamprosesong tanong: Gawin ito sa isang buong papel.
1. Ano ang Batas Militar?
2. Sinong pangulo ang nagdeklara ng Batas Militar?
3. Ano- ano ang mga pangyayaring nagbigay-daan ng pagdeklara ng
Batas Militar?
4. Bakit maraming mamamayan ang tutol sa Batas Militar?
5. Sa iyong palagay, makatarungan ba na ipatupad ang Batas Militar
noong panahon na iyon? Bakit?
6. Bilang mamayang Pilipino, paano mo pahahalagahan ang mga
positibong pangyayari sa ilalaim ng Batas Militar?
Gawain 2: Isa-isahin sa
pamamagitan ng Tree Diagram
ang ang mga pangyayari kung
paano umiral ang Batas Militar
sa bansa. Itala sa ugat ng puno
ang mga pangyayaring nagbigay
daan upang ideklara ng Batas
Militar. tukuyin ang mga
pagbabagong naganap sa ilalim
ng Batas Militar sa mga dahoon.
Gawin ito sa short bond paper.

You might also like