Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan –Modyul 4:
Karanasan, Implikasyon ng Digmaang
Pandaigdig at Ugnayan ng Iba’t ibang
Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa
mga Bansa sa Silangan at Timog- Silangang
Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Karanasan, Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig at
Ugnayan ng Iba’t - Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng
Nasyonalismo sa mga Bansa sa Silangan at Timog-Silangang
Asya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Layunin:
1
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
3. Ang pinuno ng Burma (Myanmar) na kung saan naging malaya ang bansa sa kamay ng
mga mananakop noong Enero 4, 1948.
A. Achmed Sukarno B. U Nu C. Aung San D. U Saw
7. Ang masamang epekto ng____________ ay mahirap mabura sa isipan ng mga tao lalo
na yaong nakakaranas nito.
A. digmaan B. kasunduan C. kaalyado D. mandato
2
9. Ito ay ideya ng pambansang kamalayan na kung saan lahat ng pansariling kapakanan
ay napangingibabawan ng pambansang kapakanan na kakikitaan ng matinding
pagmamahal at pagpapahalaga sa kaniyang bansa.
A. Kalayaan B. Nasyonalismo C. Militarismo D. Demokrasya
10. May dalawang digmaan na nakakaapekto upang makamit ang kalayaan ng mga bansa
sa Silangang Asya at Timog- Silangang Asya. Ano ang mga ito?
A. Cold War B. Opium War
C.Vietnam War D. Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Balikan
Kumusta na ba kayo?
Pero bago kayo dadako sa susunod na aralin ay babalikan mo muna kung ano ang iyong
natutunan mula sa naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.
3
Tuklasin
Gawain: Halu- Ayos- Laya
Panuto: Iayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na tumutugon sa
inilalarawan ng pangungusap.
Suriin
Karanasan at Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig at ang Iba’t Ibang Ideolohiya sa
Pag-usbong ng Nasyonalimo at Kilusang Nasyonalista sa Kasaysayan ng mga
Bansang Asyano
Pangkalahatang Ideya
Ang pananakop at paniniil sa mga bansa sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya
ay naglunsad ng pag-usbong ng diwang makabansa bilang tugon sa pag-aabuso at pagyurak
sa karapatan ng mga bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya na ang tanging mithiin ay
magkaroon ng kalayaan.
Ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakaapekto upang makamit ang
kalayaan dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, nagbago ang balance power. Nakilala ang
Japan dahil pinalakas nito ang kaniyang hukbong militar. Isinulong na rin nito pagkatapos ng
digmaan ang racial equality o pantay na pagtingin sa lahi na hindi pinansin ng mga kanluranin.
Dahil naman sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumakas ang nasyonalismo sa Timog-
4
Silangang Asya. Napabilis ang paglaya kaya maraming mga bansa sa Timog- Silangang Asya
ang lumaya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
May iba’t ibang ideolohiya at paniniwala rin ang niyakap ng mga bansa sa Silangan at
Timog- Silangang Asya, may naniwala na ang kasagutan sa minimithing kalayaan ay ang
ideolohiyang komunismo, ang iba ay naniniwala sa ideolohiya ng demokrasya,
totalitaryanismo, at autokrasya. Ang mga ideolohiyang ito ay nagdudulot ng transpormasyon
sa mga bansang Silangan at Timog- Silangang Asya.
Halimbawa may tatlong uri ng nasyonalismo ang umusbong sa China..Una ay ang
nasyonalismong tradisyunal na ang layunin ay paalisin ang mga kanluranin at ang
impluwensiya nito na pinangunahan ng samahang boxers; ang pangalawa ay ang
nasyonalismong may imlpuwensya ng kanluran na ang layunin ay maging republika ang China
yakap ang ideolohiyang demokratiko na pinangunahan ni Dr. Sun Yat Sen at Chiang Kai –
Shek; at ang pangatlo ay ang nasyonalismong may imlpuwensya ng komunismo na
pinangunahan ni Mao Zedong.
Sa paglakas ng nasyonalismong Tsino nabahala ang Japan na baka maapektuhan
ang interes nito sa China kung kaya’t naging sunod-sunod ang ginawang pakikidigma at
pananakop nito. Natalo ang Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit nagpatuloy
ang kaguluhan sa China sa pagitan ng puwersa ng komunista ni Mao Zedong at nasyonalista
ni Chiang Kai- Shek. Natalo ang nasyonalista at napasailalim sa komunistang pangkat ang
Mainland China samantalang ang nasyonalista ay tumakas noong October 1, 1949 at
pumunta sa isla ng Formosa na ngayon ay tinawag Taiwan.
Samatalang ang Indonesia ay nakamit nito ang kalayaan noong Agosto 17, 1945 sa
pamumuno ni Achmed Sukarno sa pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga
Olandes.Umigting ang pagnanasang lumaya ang Indonesia nang pagkalooban ng
simbolikong kalayaan si Sukarno noong sakupin sila ng Japan noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ngunit nang matalo ang Japan dumating muli ang mga Olandes upang ibalik ang
kanilang pamamahala sa Indonesia.Subalit ang Indonesia ay nakakaranas ng kalayaan.
Pinamunuan ni Sukarno ang Indonesia sa loob ng 23 taon. Pinasimulan niya ang
pamahalaang (guided democracy) base sa Pancasila – limang (5) patnubay na prinsipyo;
paniniwala sa Diyos, nasyonalismo, pagkakawanggawa, katarungang panlipunan, at
demokrasyang gagabayan ng karunungan. Tinanggap at ipinagbunyi ito ng mga tao at ginawa
siyang pangulong panghabambuhay noong 1963. Subalit ang lubos niyang kapangyarihan
ang naging dahilan ng pang-aabuso niya sa kapangyarihan.
Habang ang bansang Korea ay unti-unting nasakop ng Japan ginawang base-militar
at pilit na itinaguyod ang kanilang kabihasnan. Bunsod nito maraming pagtatangkang ginawa
ang Korea upang mapatalsik ang mga Hapones. Napabilis ito pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandigdig kung saan natalo ang mga Hapones.
Sa bandang dako naman, sa bansang Burma (Myanmar) sumiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, nasakop ng Japan ang Burma. Ang kaganapang ito ay sinamantala
ng mga Burmese at idineklara nila ang kanilang kalayaan mula sa Great Britain. Subalit sa
kabila ng paglaya mula sa mga British ay nananatili pa rin ang katotohanan na sila ay sakop
ng isang dayuhang bansa. Muling nakipaglaban para sa kalayaan ang mga Burmese ngunit
sa pagkakataong ito ay upang mapalayas ang mga Hapones. Nakaranas ng kahirapan ang
mga Burmese sa pamamalakad ng mga Hapones kaya nagtatag sila ng kilusan laban sa
Japan. Ito ang Anti Fascist People’s Freedom League o AFPFL sa pamumuno ni Aung San
na binubuo ng mga makademokratiko at komunistang pangkat. Nagapi nila ang mga Hapones
at bumalik ang mga Ingles subalit hindi na pumayag ang mga Burmese kaya’t sunod-sunod
5
na usaping pangkalayaan ang naganap. Bunga nito, pinagtibay ang kasunduang Anglo-
Burmese na nagpapahayag na nagpapahayag ng kalayaan sa Burma noong Enero 4, 1948.
Sa kasawiang palad pinatay si Aung San at ang kaniyang gabinete ng upahang armado ng
kaniyang talunang kalaban na si U Saw. Nang maaresto si U Saw ay ipinagpatuloy ni U Nu
ang naiwan ni Aung San.
Sa bansang Pilipinas naman nakamit ng Pilipinas ang paglaya noong Hunyon 12, 1898
sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo. Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino
upang matalo ang mga Español sa Digmaang Español- Amerikano kung saan natalo ang mga
Español. Inakala ng pamunuan ni Aguinaldo na aalis na ang mga Amerikano sa Pilipinas at
ipauubaya na ang pamumuno sa Pilipino kaya idineklara ang kalayaan at nagtatag ng isang
demokratikong pamahalaan.
Pansamantalang natigil ang pananakop ng mga Amerikano nang tayo’y masangkot sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nilusob tayo ng Japan dahil kaalyado natin ang mga
Amerikano at dahil nasa ating bansa ang pinakamalaking base-militar ng Amerikano. Sa
kasagsagan ng digmaan, iniwan tayo ng mga lider- Amerikano at natira tayong lumalaban at
nagtatanggol sa ating kalayaan. Nasakop tayo ng Japan sa loob ng limang taon. Natalo ang
Japan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig kaya binalikan tayo ng mga Amerikano. Kaya
bilang pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay pinasimulan ng mga ilustrado na
nagtatag ng Kilusang Propaganda at ipinagpatuloy ng mga Katipunero na nagpasimula ng
Katipunan hanggang sa nakamtan ng mga Pilipino ang kasarinlan.
(Sangguniang Aklat Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba)
Pagyamanin
Gawain A.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Batay sa tekstong iyong binasa, ano- ano ang mga ideolohiyang may kaugnayan sa
pag- usbong ng nasyonalismo sa mga bansa sa Silangang Asya at Timog-
Silangang Asya?
6
Gawain B.
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang napiling sagot sa iyong kuwaderno.
A B
1. Ang namumuno ng ideolohiyang a. Aung San
demokratiko sa China b. Mao Zedong
2. Ang namumuno ng ideolohiyang c. Achmed Sukarno
komunismo sa China d. Ilustrado at Katipunero
3. Ang nagpasimula ng guided e. Dr. Sun Yat Sen at Chiang Kai -
democracy sa Indosesia shek
4. Ang nagtatag Kilusang f. U Nu
Propaganda at Katipunan
5. Anti Fascist People’s Freedom
League
Isaisip
Ngayong nalaman mo na ang pangkalahatang konsepto ng ating paksa. Itala mo ang
iyong natutunan sa nakalaang callout sa ibaba. Gawin at isulat ito sa iyong kuwaderno.
Isagawa
Panuto: Punan ang graphic organizer sa ibaba ng iba’t ibang ideolohiya na niyakap ng mga
bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya sa paniniwalang maging kasagutan
sa minimithing kalayaan.
7
Iba’t ibang
ideolohiya
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
3. Ang mga sumusunod ay ang tatlong uri ng nasyonalimo na umusbong sa China, maliban
sa isa;
A. Nasyonalismong tradisyunal
B. Nasyonalismong may impluwensya ng kanluran
C. Nasyonalismong may impluwensya ng komunismo
D. Lahat ng nabanggit
8
5. Ang pinuno ng Burma (Myanmar) na kung saan naging malaya ang bansa sa kamay ng
mga mananakop noong Enero 4, 1948.
A. Achmed Sukarno B. Aung San C. U Nu D. U Saw
9. Ang masamang epekto ng____________ ay mahirap mabura sa isipan ng mga tao lalo
na yaong nakakaranas nito.
A. digmaan B. kasunduan C. kaalyado D. mandato
10. Ano ang naging epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Timog-Silangang Asya?
A. Lumakas ang nasyonalismo C. Napabilis ang paglaya ng mga bansa.
B. Hindi lumaya ang mga bansa D. A AT C
Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng POSTER kung paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong
bayan kung sakaling ikaw ay nabuhay sa panahon ng dalawang digmaang
pandaigdig. Iguhit ito sa isang short bond paper.
9
Susi sa Pagwawasto
Pandaigdig A 5.
10. D Digmaang D 4.
9. B 3. Ikalawang C 3.
8. A 2. Komunismo B 2.
7. A 1. Demokrasya E 1.
6. C
5. C Tuklasin Gawain B
4. C
gurong tagapamahala
3. B
Isangguni ang sagot sa
2. A
1. D Gawain A
Subukin Pagyamanin
Isaisip Isagawa
Isangguni ang sagot sa gurong Answer may vary
tagapamahala
Demokrasya
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., Sebastian, Adelina A., Espiritu, Angelo C.,et al. ASYA: “Pagkakaisa
sa Gitna ng Pagkakaiba “Araling Panlipunan 7 Modyul para sa Mag-aaral. Meralco Avenue,
Pasig City, Philippines: Eduresources Publishing, Inc. 2014 pp.368- 372
10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: