You are on page 1of 18

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Karanasan, Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig at
ang Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng
Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista sa Kasaysayan
ng mga Bansa sa Timog Asya at Kanlurang Asya

NegOr_Q3_AP7_Modyul4_v2
i
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Karanasan, Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig at
ang Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo at
Kilusang Nasyonalista sa Kasaysayan ng mga Bansa sa Timog
Asya at Kanlurang Asya

Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jesila D. Cancio & Geriza S. Janipin


Editor: Marites A. Abiera
Tagasuri: Germelina V. Rozon, Marites A. Abiera
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang pagsakop ng mga mananakop ay nagdudulot na malaking kawalan ng mga


Asyano. Nahirapan silang ayusin ang kanilang pamumuhay at buhay dahil hindi agad nila
niyakap ang mga pagbabago. Nang dahil na rin sa kagustuhang makalaya kaya mas
ipinaglaban ng mga Asyano ang kanilang kalayaan laban sa mga mananakop sa
pamamagitan ng ibat ibang plataporma madugo man ito o hindi pero sinubukan nilang
makalaya. kaya umusbong ang ibat ibang ideolohiya ng mha nasyonalista. Tunghayan natin
ang mga implikasyon at karanasan ng mga Asyano sa panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig at ang pag-usbong ng nasyonalismo.

Subukin
Panimulang Pagtataya

Panuto: Sagutin ang pasulit sa ibaba sa pamamagitan ng pagpili sa titik ng tamang sagot sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Naghangad din ng kaniyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito
upang matamo ang kaniyang hangarin?
A. Nakikipag-alyansa sa mga kanluranin
B. Itinatag ang All Indian National Congress
C. Binoykot ang mga produktong Ingles
D. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan

2. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Great Britain noong 1947, nahati ito sa
dalawang estado, ang kalakhang India at Pakistan. Ano ang epekto nito sa katayuan ng
bansa at mamamayan?
A. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Hindu.
B. Nahati ang simpatiya ng mamamayan sa dalawang estado.
C. Nagsilikas ang karamihan ng mamamayan sa ibang bansa.
D. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno
3. Ang alyansang Allies ay binubuo ng mga sumusunod na bansa, maliban sa isa;
A. France B. England C. Russia D. Iraq

4. Ang alyansang Central Powers ay binubuo ng mga sumusunod na bansa tulad ng


Germany at ____________.
A. England B. Austria- Hungary C. United Nations D. France

5. Bakit maituturing na pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Asya ang pagtatapos


ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Marami ang nasiyahan sa digmaan
B. Dahil marami ang nag-aalsa

1 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
C. Dahil dito inasahang makakamit ang kalayaang minimithi ng mga bansa saTimog
at Kanlurang Asya.
D. Dahil marami ang napinsala

6. Alin ang isa sa epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ng Kanlurang Asya ay ang;
A. Ang pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya
B. Ang pagbagsak ng Imperyong Ottoman
C. Nasiyahan ang mga tao
D. A at B

7. Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong Agosto 1914. Bakit sumiklab ang
digmaang ito?
A. dahil sa pag-aalyansa ng mga bansang Europe
B. dahil din sa pag-uunahan ng mga bansang ito sa teritoryo at maisakatuparan ang
kani- kanilang interes
C. ang mahalagang pangyayari na nagpasiklab sa nasabing digmaan ay ang
pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria.
D. Lahat ng nabanggit.

8. Ang ideolohiya ay nahahati sa dalawang pangunahing kategorya – ang ideolohiyang


pang–ekonomiya at ideolohiyang pampolitika. Ano ang ibig sabihin ng ideolohiyang pang
ekonomiya?
A. Ito ay nakapokus sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad ng
mamamayan.
B. Ito ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng
paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan
C. A at C
D. Wala sa nabanggit

9. Ang ideolohiyang pang-ekonomiya ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng


bansa ng paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan. Ano naman ang pinatutuunan
ng pansin ng ideolohiyang pampolitika?
A. Ito ay nakapokus sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad ng
mamamayan.
B. Ito ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng
paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan
C. A at C
D. Wala sa nabanggit

10. Ang nagtatag ng Muslim League noong 1906 upang mabigyang proteksyon ang
kanilang mga karapatan at kapakanan.
A. Mohandas Gandhi B. Theodor Herzl
C. Muhammad Ali Jinnah D. Abdul Aziz Ibn Saud

2 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
Balikan

(Corporate Newsroom 2019) (Pressmaster n.d.)

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa itaas. Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang
iyong sagot sa kwaderno.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nasa isip mo kapag may nakita kang mga tao may dalang plakards at
nagsisigawan?
2. Paano naiiba ang salitang kalayaan sa salitang kasarinlan? May kaugnayan ba ito sa
pagkakaroon ng nasyonalismo? Ipaliwanag.

Tuklasin
Kilalanin ang nasa larawan at isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

(Britannica n.d.) (Wikipedia 2021)

3 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
(Wikipedia 2021)

Suriin
Panuto: Basa - Suri at Unawa. Basahin ang teksto at unawain nang mabuti upang makasagot
sa mga sumusunod na gawain.

Karanasan, Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig at ang Iba’t Ibang Ideolohiya sa


Pag-usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista sa Kasaysayan ng mga
Bansa sa Timog Asya at Kanlurang Asya

Ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga lider nasyonalista sa mga bansa sa Timog


at Kanlurang Asya, upang matamo ang kalayaan sa kamay ng mga imperyalista ay mas
nasubok nang maganap ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay mahalagang
kaganapan sa Asya dahil sa naging malaking epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano.

Unang Digmaang Pandaigdig (1914 -1918)

Ang pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang higit na nag- udyok
sa mga Asyano na magkaroon ng pagbabago sa kanilang mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya. Ito rin ang nagtulak sa mga Asyano upang higit na ipaglaban ang kalayaang minimithi
para sa kani- kanilang bansa, sa pangunguna ng kanilang mga lider nasyonalista.

Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong Agosto 1914 dahil sa pag-aalyansa
ng mga bansang Europe, dahil din sa pag-uunahan ng mga bansang ito sa teritoryo at
maisakatuparan ang kani- kanilang interes, at ang mahalagang pangyayari na nagpasiklab sa
nasabing digmaan ay ang pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria. Ang
dalawang alyansa ay Central Powers ng Germany, Austria- Hungary at ang Allies na binubuo
ng France, England, at Russia.

Ang digmaan ay nakasentro sa Europe ngunit, nakaaapekto rin ito sa Asya.


Halimbawa sa India, ang nasyonalismo at pangkalayaang kilusan ay nagkakaisa at tumulong
sa panig ng Allies. Nagpadala sila ng mga Indian sa labanan sa ilalim ng mga opisyal na
Ingles. Kaalinsabay nito ay nagkakaisa ang mga kilusang Muslim at Hindu. Isinantabi muna
nila ang hindi pagkakasundo dahil kapwa nila hinangad na mabigyan ng karapatang
mamamahala sa kani-kanilang sarili. Pinangunahan ni Gandhi ang kilusan sa pamamagitan
ng mapayapang pamamaraan ayon sa satyagraha (non-violence).

4 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
Samantalang sa Iran naman, ang Russia at Great Britain ay nagsasagawa ng pag-
atake sa Ottoman Empire na nakipag-alyado sa Germany sa kabila nito walang pinanigan ang
Iran. Ang digmaan ay nagdudulot ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian,
pagkamatay ng maraming Iranian, at nagdulot ng pagkagutom. Ang kawalan ng pagkilos ng
pamahalaang Iran sa pagkakataong ito ay nagbigay-daan sa malawakang pag-aalsa, pagkilos
ng mamamayan na humihingi ng kalayaan para sa Hilagang Iran noong 1915-1926.

Nagkaroon ng hiling ang Great Britain sa punong ministro ng Iran na lumagda sa isang
kasunduang magbibigay ng malawak na kapangyarihan sa pagkontrol ng ekonomiya, politika,
at pangmilitar sa bansang Iran. Ang pangyayaring ito ay nagbibigay- daan upang magalit ang
mga pangkat nasyonalista sa pamahalaang Iran hanggang napigilan ang nasabing
kasunduan noong 1926.

Isa sa epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay pagpasok ng mga Kanluraning


bansa sa Kanlurang Asya, at dahil din sa pagbagsak ng Imperyong Ottoman. Natuklsan ang
mina ng langis sa Kanlurang Asya noong 1914, dahilan upang mas maging interesado ang
mga Kanluraning bansa rito at magtatag ng sistemang mandato. Ibinigay sa bansang France
ang mandato para sa Syria at Lebanon at napasakamay naman sa mga Ingles ang mandato
para sa Palestine. Ang mga lokal na pamamahala sa mga bansang ito ay nanatili ngunit
pinamahalaannaman ng mga dayuhan ang aspektong pang-ekonomiya. Nanatiling malaya
ang ibang bansa sa Kanlurang Asya ngunit hindi pa rin nakaligtas sa kontrol ng mga
Kanluraning bansa. Isang halimbawa nito ay ang pamumuno ni Haring Ibn Saud sa Saudi
Arabia, habang lahat ng kompayang naglilinang ng langis ay pag-aari naman ng mga
dayuhan.

Noong 1917 naman ang Balfour Declaration ng mga Ingles ay ipinalabas kung saa
nakasaad na ang Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Israelite upang maging kanilang
tahanan (homeland). Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang
mga Muslim at Jew na nooy nagsimula nang magsibalik sa Kanlurang Asya mula sa Euprope.

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, lumakas sa bansang India ang kilusang


nasyonalismo na nagging daan upang magkaisa ang pangkat Hindu at Muslim. Nagkaroon
ng malawakang demonstrasyon, boykot, at hindi pagsunod sa mga kautusan ng Ingles sa
bansang India, na siya naming nagging dahilan upang bigyan ito ng autonomiya.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula sa Europe noong Setyembre


1939. Isang kasunduan ang pinangungunahan ng United States, ang Tehran Conference
noong 1942. Ang kasunduan ay nagsasad na kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain ang
bansang Iran upang makapagsarili at maging Malaya ito. Sinimulang alisin ng Russia ang
kaniyang mga tropa noong Mayo 1946 sa Iran na hindi naman tuluyang naisakatuparan
bagkus ay nagdulot pa ito ng Azerbaijan Crisis. Ito ay itinuturing na unang hindi
pagkakaunawaan na dininig ng Security Council ng United Nations(UN) at nagbigay daan sa
cold war na kinasasangkutan ng United States at ng kaniyang mga kaalyado, kontra sa Russia
kasama rin ng kanyang mga kaalyadong bansa.

Ang bansang India ay isa rin sa naging kolonya noon ng England na naapektuhan
matapos ang digmaan dahil minsan na rin niyang binigyan ng suporta ang England sa
pakikipagdigmaang ginawa nito. Si Gandhi at ang kanyang mga kasamahan ay nagprotesta
tungkol dito dahil ayaw nila ng digmaan. Sa pagtatapos ng digmaan lalong sumidhi ang
ipinaglalaban ng mga taga- India para sa kalayaan, ngunit ito ay naging daan upang muling
hindi magkaisa ang mga Indian. Sa paglaya ng India noong 1947 nahati ito sa dalawang
pangkat ng Hindu at ng Muslim. Ang India ay para sa mga Hindu at Pakistan ay para sa mga
Muslim.

5 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
Maituturing na ang pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Asya ay ang
pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahi dito inasahang makakamit ang
kalayaang minimithi ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Iba’t Ibang Ideolohiya at mga Malawakang Kilusang Nasyonalismo sa Timog at


Kanlurang Asya

Ang mataas na uri ng pagpapahalaga at mga kasagutan sa mga suliranin at


pangangailangan ng mamamayan ay ipinahahayag ng mga ideolohiya. Naayon din ang mga
ito sa kultura at kasaysayan ng bansa. Ang ideolohiya ay nahahati sa dalawang pangunahing
kategoriya – ang ideolohiyang pang –ekonomiya at ideolohiyang pampolitika.

Ang ideolohiyang pang – ekonomiya ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan


ng bansa at paraan ng paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan. Samantala, ang
ideolohiyang pampolitika ay nakapokus sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng
pagpapatupad ng mamamayan. Nauugnay ang politikal na ideolohiya sa mga kilusan para sa
panlipunang pagbabago. Hinihikayat nito ang mga tao na kumilos ayon sa ninanais nilang
mga pagbabagong kaayusan.

Sa pangkalahatan, iba’t ibang ideolohiya ang nabuo sa Asya. Ito ay ang Demokrasya,
Sosyalismo, Komunismo, at Pasismo. Pag- aralan natin ang piling kaso ng mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya.

Timog Asya

India at Pakistan

Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na naging malaki ang impluwensiya ng demokrasya


sa mga kilusang nasyonalista. Sa India, sa ilalim ng pananakop ng mga British, maraming
Indian ang naging aktibo sa muling pagbuhay ng kaisipan at tradisyong Hindu. Hindi
matanggap ng mga Indian ang pagbalewala at pag-alis sa kanilang mga nakagisnang kultura.
Hinimok ni Swarmi Dayanand Saraswati, isang nasyonalista, ang muling pagbasa sa veda
upang maging batayan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Indian. Hinangad din ng
mga Indian ang pagkakaroon ng konstitusyon na magbibigay sa kanila ng mas malaki at
malawak na pagkakataong makalahok sa pamamahala sa bansa. Ang naging mabagal na
pagkakaloob ng mga British sa mga hinihinging pagbabago ang nagtulak sa mga Indian upang
maglunsad at magpalaganap ng isang kilusang rebolusyonaryo. Pinangungunahan ni Bal
Gangadhar Tilak ang tinawag na militanteng nasyonalismo. Nagsagawa sila ng marahas na
pagkilos laban sa mga British mula sa 1905 hanggang 1914. Samantala, may mga Indian
naman na nagpamalas ng moderatong nasyonalismo sa pamumuno ni Mohandas Gandhi.
Siya ay naging pangulo ng All India National Congress na naitatag noong 1885.

Noong 1935, nagbigay ang Great Britain sa India ng isang bagong konstitusyon na
nagkaloob ng isang lehislatibong bicameral at pederal, sanggunian ng mga estado at ng
kapulungan. Tinanggihan ito ng ng mga Indian at Muslim. Para sa mga Muslim, kung ang mga
Hindu ang mas magkakaroon ng kontrol sa India, mapipinsala ang kanilang kultura at
relihiyon. Upang mabigyang proteksyon ang kanilang mga karapatan at kapakanan, itinatag
ang Muslim League noong 1906. Ito ay sa pangunguna ni Muhammad Ali Jinnah. Naging
masigla ito sa kanilang mga gawain. Hiniling niya noong 1947 ang isang hiwalay na bansang
Muslim. Ito ay nagbibigay-daan sa pagbuo ng bansang Pakistan na naihayag ang kasarinlan
kasabay ng India noong Agosto 14, 1947.

6 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
Sri Lanka at Maliit Na Estado sa Timog Asya

Pinamunuan ng Great Britain ang Sri Lanka at ang buong sub- kontinente ng India sa
loob ng isa’t kalahating dantaon (1796 – 1947). Noong 1915, itinatag nila ang Ceylon National
Congress na unang partidong political. Namuno ito upang ipaglaban ang kasarinlan ng bansa.
Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinamunuan ni Don Stephen Senanayake,
ang itinuturing na “Ama ng Kasarinlang Sri- Lanka”, ang pakikipaglaban para sa kasarinlan.
Sila ay sinuportahan ng lahat pangkat-etniko. Noong Pebrero 4, 1948, ipinahayag ang
kasarinlan ng bansa.

Samantala, sa Nepal, noong 1990, naganap ang mapayapang Rebolusyong People


Power. Nagsilbing inspirasyon nila ang katulad ng EDSA Rebolusyon sa Constituent
Assembly na lalansagin ang monarkiya sa 2008 pagkatapos ng eleksyon sa Asemblea. Noong
Mayo 28, 2008, idineklara ang Nepal bilang isang Federal Democratic Republic.

Kanlurang Asya

Israel

Natagpuan ng mga Hudyo ang kalayaan at oportunidad sa pamamagitan ng United


States. Naging instrumental ang pamahalaan ng US sa pagtulong sa mga Hudyo.

Sa pagtatapos ng ika -19 na dantaon, sumibol ang mga pagkilos upang ang mga
Hudyo ay makabalik sa kanilang lupain. Itinatag ang Kilusang Zionismo sa Basel, Switzerland
noong 1897 ni Theodor Herzl (1860- 1904), isang Austro- Hungarian. Nagsimula ang kilusan
sa pagbabalik ng mga Hudyo sa kanilang “lupaing pangako”. Libo- libong migranteng Hudyo
ang pumunta sa Palestine at doon ay muling nanirahan. Ikinagalit ito ng mga Palestiniang
Arab. Kaya noong 1921, inayos ng mga British ang usapin tungkol dito na nagdulot ng
paghahati sa Palestine. Nagkaroon ng dalawang estado- isa para sa mga Hudyo at ang isa
para sa mga Arab. Ipinangako sa bawat isa ang kani-kanilang kasarinlan. Subalit ang bawat
isa ay hindi nasiyahan. Ang panahon ng parisyong ito (1920-1948) ay naging puno ng
madugong labanan sa pagitan ng mga Hudyo at Arab.

Ang kasukdulan ng mapait na nakaraan ng mga Hudyo ay ang ginawang pagpatay sa


milyon-milyong mga Hudyo na nasa Europe noong panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig (1939-1944). Isinagawa ito ng Nazi Germany sa pamumuno ni Adolf Hitler. Ang
pangyayaring ito ay tinawag na holocaust, ito ang naging rallying point ng mga Hudyo at ng
kanilang mga tagasuporta.

Inihayag ang malayang nasyon ng Israel sa Tel-Aviv noong Mayo 14, 1948. Tinawag
itong Republika ng Israel at ang naging unang Punong Ministro ay si David Ben-Gurion.

Iraq

Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Iraq at Palestine ay naipasailalim


sa pamamahala ng Great Britain. Dahil sa hindi maayos na pamumuno at kapabayaan ng
mga Ottoman, sumibol ang mga kilusang makabayan noong huling bahagi ng ika -19 na
dantaon. Sumiklab ang mga nasyonalistang pag-aalsa sa Baghdad at nahirapan ang mga
hukbong British sa paggapi sa mga ito. Upang mahikayat na pumanig sa kanila, pumayag ang
mga British sa hiling ng mga nasyonalistang Iraqi. Ang kahilingang ito ay ang ipagkaloob sa
kanila ang kasarinlan at itatag nila ang kaharian ng Iraq at iluklok si Faisal bilang hari. Noong
Agosto 23, 1921, si Faisal ay naluklok bilang hari. Ipinagkaloob naman ang kasarinlan ng Iraq
noong 1932. Gayunpaman, kontrolado pa rin ng mga kanluraning kompanya ang indusrtiya
ng langis pagkaraang matuklasan ito noong 1927.

7 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
Nagpatuloy ang kaguluhan sa Iraq. Mula nang mamatay si Haring Faisal I noong 1933
hanggang dekada 1960, tagpo ng magkakasunod at madudugong kudeta ang Iraq. Sa
mahabang panahon, nakilala ang Iraq na “Republika ng Takot” dahil ang mga pagbabago ng
pamahalaan ay madalas na humahantong sa karahasan. Ilang ulit na nagpalit ng mga
administrasyon sa bansa at nangyayari ito gamit ang karahasan, pananakot, o
pakikipagdigmaan. Hindi nila kinikilala ang demokrasya, kalayaan, mga karapatang pantao,
malayang eleksyon, at malayang pananalita sa kanilang bansa. Naging malakas na puwersa
ang military sa bansa. Bagaman, umaasa pa rin ang mga Iraqi at ang sandaigdigan na
maghahari pa rin ang kapayapaan, demokrasya, at paggalang sa mga karapatang pantao sa
bansang ito.

Saudi Arabia

Dahil sa kalupitan at labis na paniningil ng buwis, naghangad ng kasarinlan ang mga


Arab mula sa mga Turk. Noong 1744, nagsanib ang puwersa nina Muhammad Ibn Saud,
isang pinunong Arab at Muhammad Ibn Abd-al-Wahhab, isang kleriko upang makapagtatag
ng alyansang politikal. Ito ang naging pundasyon ng dinastiyang namumuno ngayon sa Saudi
Arabia. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, tumulong si Haring Abdul Aziz at ang mga
nasyonalistang Arab sa mga British sa pakikipaglaban sa mga Ottoman Turk. Nangako ang
Great Britain na ipagkakaloob ang kasarinlan. Pinag-isa ni Colonel Thomas Edward Lawrence
ang nagdidigmaang mga tribung Arab. Pinamunuan niya ang mga ito sa paggapi sa mga
puwersang Turk-German.

Ang modernong Kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul Aziz Ibn Saud.
Sinakop niya ang Riyadh noong 1902 at ginawa niyang lider ang sarili ng kilusang makabayan
ng mga Arab. Noong 1932, inihayag niya ang sarili bilang Hari ng Saudi Arabia.

Walang demokrasyasa bansa at hindi tinatanggap ng absolutong monarkiya ng Saudi


ang mga pagtutol. Kontrolado ang pamahalaan ng isang pamilya ng mga Saud. Ang hari ang
gumagawa ng mga bansa at kasunduan. Walang eleksyon, walang partidong political, at
walang lehislatura nito.

Sa pamamagitan ng langis, lakas sandatahan, at ugnayang internasyonal, nagagawa


ng mga taga Saudi ang makipag powerplay sa politika.

(Sangguniang Aklat: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba)

8 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
Pagyamanin

Gawain A: Tree Diagram


Panuto: Lagyang ng wastong impormasyon ang sumusunod na bahagi ng tree diagram.
Gawin ito sa iyong kuwaderno. Pagkatapos sagutin ang Pamprosesong tanong sa
ibaba.

Epekto ng mga Digmaang Pandaigdig sa Pag-unlad ng Nasyonalismong


Asyano sa Timog at Kanlurang Asya

Unang Digmaang Pandaigdig (1914) Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939)

Epekto Epekto

Timog Asya Kanlurang Asya Timog Asya Kanlurang Asya

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano-ano ang nangyari sa Timog at Kanlurang Asya bago matapos ang Una at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
2. Paano nakaapekto ang nasabing mga digmaan sa mga tao at bansa ng Timog at Kanlurang
Asya noon at sa kasalukuyan?

9 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
Isaisip

Dapat mong tandaan!

Ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga lider nasyonalista sa mga bansa sa Timog at


Kanlurang Asya, ay nasubok nang maganap ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito
ay mahalagang kaganapan sa Asya dahil sa malaking epekto nito sa pamumuhay ng mga
Asyano.

Ang pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang higit na nag- udyok sa mga
Asyano na magkaroon ng pagbabago sa kanilang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Ito rin ang nagtulak sa mga Asyano upang higit na ipaglaban ang kalayaang minimithi para
sa kani- kanilang bansa, sa pangunguna ng kanilang mga lider nasyonalista.

Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong Agosto 1914 dahil sa pag-aalyansa ng
mga bansang Europe,

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula sa Europe noong Setyembre 1939.

Ang mataas na uri ng pagpapahalaga at mga kasagutan sa mga suliranin at pangangailangan


ng mamamayan ay ipinahahayag ng mga ideolohiya. Ang ideolohiya ay nahahati sa dalawang
pangunahing kategoriya – ang ideolohiyang pang –ekonomiya at ideolohiyang pampolitika.

Isagawa
Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

Ideolohiyang
Namumuno Kilusang Itinatag Epekto
ginamit

Mohandas Gandhi

Muhammad Ali
Jinnah

Theodor Herzl

Abdul Aziz Ibn Saud

10 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
Tayahin
Panuto: Sagutin ang pasulit sa ibaba sa pamamagitan ng pagpili sa titik ng tamang sagot sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Naghangad din ng kaniyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito
upang matamo ang kaniyang hangarin?
A. Nakikipag-alyansa sa mga kanluranin
B. Itinatag ang All Indian National Congress
C. Binoykot ang mga produktong Ingles
D. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan

2. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Great Britain noong 1947, nahati ito sa
dalawang estado, ang kalakhang India at Pakistan. Ano ang epekto nito sa katayuan ng
bansa at mamamayan?
A. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Hindu.
B. Nahati ang simpatiya ng mamamayan sa dalawang estado.
C. Nagsilikas ang karamihan ng mamamayan sa ibang bansa.
D. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno

3. Ang alyansang Allies ay binubuo ng mga smusunod na bansa, maliban sa isa;


A. France B. England C. Russia D. Iraq
4. Ang alyansang Central Powers ay binubuo ng mga sumusunod na bansa tulad ng
Germany at __________ .
B. England B. Austria- Hungary C. United Nations D. France

5. Bakit maituturing na pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Asya ang pagtatapos


ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Marami ang nasiyahan sa digmaan
B. Dahil marami ang nag-aalsa
C. Dahil dito inasahang makakamit ang kalayaang minimithi ng mga bansa saTimog
at Kanlurang Asya.
D. Dahil marami ang napinsala

6. Alin ang isa sa epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ng Kanlurang Asya ay ang;
A. Ang pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya.
B. Ang pagbagsak ng Imperyong Ottoman
C. Nasiyahan ang mga tao
D. A at B

7. Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong Agosto 1914. Bakit sumiklab ang
digmaang ito?
A. dahil sa pag-aalyansa ng mga bansang Europe
B. dahil din sa pag-uunahan ng mga bansang ito sa teritoryo at maisakatuparan ang
kani- kanilang interes
C. ang mahalagang pangyayari na nagpasiklab sa nasabing digmaan ay ang
pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria.
D. Lahat ng nabanggit.

11 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
8. Ang ideolohiya ay nahahati sa dalawang pangunahing pangunahing kategorya – ang
ideolohiyang pang–ekonomiya at ideolohiyang pampolitika. Ano ang ibig sabihin ng
ideolohiyang pang-ekonomiya?
A. Ito ay nakapokus sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad ng
mamamayan.
B. Ito ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng
paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan
C. A at C
D. Wala sa nabanggit

9. Ang ideolohiyang pang-ekonomiya ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng


bansa ng paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan. Ano naman ang pinagtuunan
ng pansin ng ideolohiyang pampolitika?
A. Ito ay nakapokus sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad ng
mamamayan.
B. Ito ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng
paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan
C. A at C
D. Wala sa nabanggit

10. Ang nagtatag ng Muslim League noong 1906 upang mabigyang proteksyon ang
kanilang mga karapatan at kapakanan.
A. Mohandas Gandhi B. Theodor Herzl
C. Muhammad Ali Jinnah D. Abdul Aziz Ibn Saud

Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.
1. Paano ipinakita ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ang kanilang pagtugon sa
imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin?

2. Nakabuti ang ba o hindi sa pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ang
kanilang pagpapakita ng nasyonalismo? Patunayan

12 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
Susi sa Pagwawasto
Subukin/ Tayahin Isaisip/
1. B Pagyamanin Karagdagang
2. B Gawain A. Gawain
3. D Isangguni sa gurong Isangguni sa gurong
4. B tagapamahala ang tagamahala ang sagot
5. C sagot.
6. D
7. D
8. B
9. A
10. C

Isagawa
Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Namumuno Kilusang Itinatag Epekto

Mohandas Gandhi India National Naging malaya ang bansang India.


Congress

Muhammad Ali Jinnah Muslim League Naging malaya ang bansang Pakistan.

Theodor Herzl Kilusang Zionismo Dahilang ng pagbabalik ng mga Hudyo sa


“lupaing pangako”

Abdul Aziz Ibn Saud Kilusang Inihayag ang sarili bilang hari ng Saudi
Makabayan Arabia. Walang demokrasya sa Saudi Arabia
at hindi tinanggap ng absolutong monarkiya
ng bansa ang mga pagtutol. Kontrolado ang
pamahalaan ng isang pamilya ng mga Saud.
Ang hari ang gumagawa ng batas at
kasunduan. Walang eleksyon, walang
partidong politikal, at walang lehislatura rito.
( Maaring may iba pang sagot o ideya)

13 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
Sanggunian

Blando, Rosemarie et.al. "Asya: Sa Gintna ng Pagkakaiba." In Asya: Sa Gintna ng Pagkakaiba, by


Rosemarie et.al Blando, 234. Pasig: Enduresources, 2014.

Britannica, The Editors of Encyclodepia. Britannica. n.d. https://www.britannica.com/topic/king-


monarch (accessed December 25, 2021).

Corporate Newsrooom. 2019. Yondu. February 27. Accessed January 13, 2022.
https://www.yondu.com/articles/ict-and-the-people-power-revolution/.

Pressmaster. n.d. Dreamstime. Accessed January 13, 2022. https://tinyurl.com/p4rdutn2.

Wikipedia. December 21, 2021. https://en.wikipedia.org/wiki/Mahatma_Gandhi (accessed


December 2025, 2021).

Wikipedia. December 10, 2021. https://en.wikipedia.org/wiki/Theodor_Herzl (accessed December


25, 2021).

14 NegOr_Q3_AP7_Module4_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like