You are on page 1of 27

7

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 3
Mga Karanasan at Implikasyon ng mga
Digmaang Pandaigdig sa kasaysayan ng
mga bansang Asyano

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipina


Araling Panlipunan - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Ika-apat na Markahan – Modyul 3: Mga Karanasan at Implikasyon ng mga
Digmaang Pandaidig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad saBatas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X


Rehiyonal Direktor: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Rehiyonal Direktor: Dr. Victor G. De Garcia

Development Team of the Module


Author/s Cielo P. Sabacahan
Reviewers: Ramon A. Villa, HT-1 , Lilia E. Balicog, HT-III,
Donna P. Olarte, HT-1, Edwin V. Beloy, HT-I
Illustrator and Layout Artist: Christine Desiree P. Sabacahan & Engr. Jason Clark S. Bayron
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Eugene I. Macahis
Assistant Schools Division Superintendent
Members: Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - Araling Panlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ngKagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
7
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 3
Mga Karanasan at Implikasyon ng mga
Digmaang Pandaigdig sa kasaysayan ng
mga bansang Asyano

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from public and private schools, colleges, and
or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders
to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education at action@ deped.gov.ph.

Your feedback and recommendations is highly valued.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul 3 ukol sa Mga Karanasan at Implikasyon ng mga Digmaang
Pandaigdig sa kasaysayan ng Bansang Asyano.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 2

Aralin ---------------- 5
Balikan ----------------
Tuklasin ---------------- 6
Suriin ---------------- 8
Pagyamanin ---------------- 10
Isaisip ---------------- 11
Isagawa ---------------- 12
Tayahin ---------------- 14
Karagdagang Gawain ---------------- 17
Susi sa Pagwawasto ---------------- 19
Sanggunian ---------------- 20
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Ito ay makakatulong sa


iyo para maging mabihasa ang iyong kaalaman hinggil sa kwento ng
kasaysayan lalo na sa panahon ng Dalawang Digmaang Pandaigdig. Ang
wika na ginamit sa modyul na ito ay naaayon sa pagkakaintindi ng bawat
estudyante. At ang mga paksa ay nakasunod sa pamantayan ng Edukasyon,
ang MELC o Most Essential Learning Competencies.

Sa modyul na ito ay nagtatalakay ng mga Karanasan at Implikasyon ng mga


Digmaang Pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano.

Layunin ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na;

1. natatalakay ang mga kaganapang nagbibigay-daan sa pagsiklab ng


Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig;
2. nakagagawa ng isang reflection journal tungkol sa karanasan at
implikasyon ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa bansang
Asyano;
3. napapahalagahan ang mga karanasan at implikasyon ng mga
Digmaang Pandaigdig sa buhay ng mga Asyano.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang wastong sagot at isulat ang titik lamang sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang


Digmaaang Pandaigdig maliban sa;
a. Pagtatag ng nagkakaisang bansa
b. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
c. Pagpapalakas ng hukbong militar ng bansa
d. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang
bansa.

2. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan


sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Pagkamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay sa Allied
Powers
b. Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Wilson
c. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa
Sarajevo, Bosnia
d. Pagwawakas ng mga imperyo sa Europeo tulad ng Germany,
Austria, Hungary, Russia, at Ottoman

3. Ang masamang epekto nito ay mahirap mabura sa isipan lalo na sa


mga taong nakaranas dito.
a. kaalyado c. kasuduan
b. protesta d. digmaan

4. Ang mga sumusunod na bansa ay kaalyado ng Axis power maliban


sa:
a. Germany c. Italy
b. France d. Japan

2
5. Ang pagsuko ng Japan ay naganap ng bagsakan ng bombang
atomika ng United States ang lugar na ito noong Agosto 6, 1945.
a. Nagasaki c. Manchuria
b. Hiroshima d. Fiji

6. Sila ang mga grupo ng sundalo na umatake sa Pearl Harbor,


Hawaii noong Disyembre 7, 1941.
a. Amerikano c. Hapones
b. Muslim d. Tsino

7. Ang petsa kung saan nagsimula at natapos ang Ikalawang


Digmaang Pandaigdig.
a. Setyembre 1,1939 hanggang Setyembre 2, 1945
b. Setyembre 12,1993 hanggang Setyembre 22,1954
c. Setyembre 1,1993 hanggang Setyembre 2,1954
d. Setyembre 21,1939 hanggang Setyembre 22,1945

8. Kilala ang Unang Digmaang Pandaigdig sa ibang katawagang ito;


a. the Global War c. the Bloodiest War
b. the Great War d. the Cold War

9. Anong bansa ang nagkamit ng kalayaan nong Hulyo 4, 1946?


a. Japan c. China
b. Pilipinas d. Korea

10. Ang mga sumusunod na katauhan ay mga kilalang ilustrado


maliban kay;
a. Jose Rizal c. Marcelo del Pilar
b. Renato Constantino d. Graciano Lopez Jaena

3
11. Sa pamamagitan ng kanyang liderato, gabay at mga prinsipyo,
naitatag niya ang Republika ng China noong Oktubre 10, 1911.
a. Sun Yat Sen c. Hung Hsui Ch’uan
b. Mao Zedong d. Chiang Kai Shek

12. Ang mga sumusunod ay mga bansang sinalakay ng Japan


matapos ang paglusob sa Pearl Harbor maliban sa;
a. Thailand c. Korea
b. Hong Kong d. Pilipinas

13. Heneral na namumuno sa mga Amerikano na nag iwan ng


katagang “I Shall Return” sa bansang Pilipinas.
a. George Washington c. Emilio Aguinaldo
b. Ne Win d. Douglas MacArthur

14. Ito ang pangyayari kung saan napilitang sumuko ang Japan sa
United States noong Agosto 6, 1945.
a. Matatapos bagsakan ng bomba atomika ang Nagasaki.
b. Pag-agaw sa Manchuria.
c. Pagbagsak ng bomba sa Hiroshima.
d. Dahil sa paglakas ng Nasyonalismo.

15. Kontinente kung saan nagsimula ang Ikalawang Digmaang


Pandaigdig.
a. Europe c. North America
b. Asya d. Australia

4
Mga Karanasan at Implikasyon ng mga
Aralin Digmaang Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga
bansang Asyano

Mahalaga ang naging papel ng dalawang Digmaang Pandaigdig sa


kasaysayan ng mga Asyano. Ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga lider
nasyonalista sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya, upang matamo ang
kalayaan sa kamay ng mga imperyalista ay mas nasubok ng maganap ang
Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay mahalagang kaganapan sa
Asya dahil naging malaking epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano.

Noong dekada 1930, nagkaroon ng matinding hidwaan sa pagitan ng


China at Japan na nang lumaon ay nauwi sa tuluyang digmaan sa pagitan ng
dalawa. Nais ng Japan na protektahan ang mga interes nito sa China at
handa silang lumaban para rito. Natakot din ang Japan sa mga komunista sa
China, na sa tingin nila ay kaaway.

Balikan

Talasalitaan. Isulat sa papel ang salitang tinutukoy ng bawat aytem sa ibaba.


Piliin ang sagot sa mga salita sa loob ng kahon.

siglo imperyalismo demokrasya kolonyalismo

shogunato nasyonalismo emperador rebolusyon

1. Patakaran ng panghihimasok at pamamahala sa pagpapatakbo ng


ibang bansa.
2. Kataas-taasang pinuno ng imperyo
3. Patakaran ng pagbuo at pananatili ng imperyo sa pamamagitan ng
pagtatatag ng kolonya.
4. Ang pamahalaang militar ng mga Hapones.
5. Pagmamahal sa bayan; pagtatanggol sa bansa laban sa mga
manlulupig na dayuhan
6. Malaking pagbabago; adhika na patalsikin ang pamunuan

5
Tuklasin

Ang Unang Digmaang Pandaigdig


Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong Hulyo 1914 – Nobyembre
11, 1918. Ang World War I ay kadalasang nasusulat bilang WWI o WW1. Ito
rin ay kilala sa katawagang First World War o the “Great War”. Ang
digmaang ito ay inilalarawan bilang “the war to end all wars”. Ang lokasyon
nito ay Europe, Middle East, Pacific Islands, China, Indian Ocean, North and
South Atlantic Ocean.

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Nag-umpisa sa Europa noong Setyembre 1, 1939 – Setyembre 2, 1945
ang Ikalawang Digmaang Pandaidig o kilala bilang Second World War o
Global War. Dahil sa dami ng namatay sa giyerang ito ay napag-alaman na
the “bloodiest conflict and largest war“ sa kasaysayan. Ang lokasyon nito ay
Europe, Pacific, Atlantic, Indian Ocean, South-east Asia,China, Middle East,
Mediterranean, North Africa at Horn of Africa.

MGA KAGANAPAN SA DALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

UNANG DIGMAAN (WW1) IKALAWANG DIGMAAN (WW2)


1. Bagamat nakasentro sa 1. Nilusob ng Japan ang
Europa ang digmaan, nagkaroon Manchuria noong Setyembre
din ng labanan sa Asya dahil sa 1931. Mahalaga ang Manchuria
spheres of influence at interes sa mga Hapones dahil ito ay
ngmga Kanluranin sa China. mayamang rehiyon na sagana sa
hilaw na materyales na kailangan
sa industriya nila. Nagprotesta
ang League of Nations at ang
United States sa pagsakop sa
Manchuria pero binalewala ito ng
Japan.

6
2. Dahil kakampi ng England ang Japan, 2. Lumalim ang hidwaan ng
agad-agad sinakop ng Japan ang mga mga Hapones at Tsino at ng
teritoryo ng Germany sa China at Pacific mga Hapones at Amerikano na
Ocean. At dahil ang tuon ng mga pinoprotektahan din ang
Kanluranin ay digmaan sa Europa, ipinilit interes nila sa China. Noong
ng Japan ang 21 Demands nila sa Hulyo 1937, biglang nilusob ng
China. Kasama sa mga ito ang Japan ang China. Dahil dito ay
pagbibigay ng mga mas malawak na labag sa mga nilagdaang
kapangyarihan at benepisyo sa mga kasunduan, nagprotesta ang
Hapones sa China. Tumutol ang mga United States at England pero
Tsino at isinumbong ito sa League of hindi pa rin binigyan pansin ng
Nations pero walang nagawa ang mga Japan.Upang palakasin ang
ibang Kanluraning Bansa. puwersa, nakipag-alyado ang
Japan sa Germany at Italy.

3. Noong una, ayaw sumama sa 3. Tinugunan ng United States


digmaan ang China dahil away ito ng ang pagiging agresibo ng
mga kinasusuklaman niyang mga Japan sa pamamagitan ng
bansang Kanluranin na nagsamantala sa pagpapahinto ng
kanya. Taon 1917, sumali ang United pangangalakal sa Japan at
States sa digmaan sa panig ng mga pagpigil ng transaksyon ng
Allies. Sumunod naman ang China Japan na may kinalaman sa
pagkatapos salakayin at mapalubog ng mga pera nitong nakalagak sa
isang submarine ng Germany ang isang United States at Pilipinas.
barko ng France na may nakasakay na Dahil mawawalan sila ng
mga Tsino. Sumama sa digmaan ang langis at iba pang bagay na
pamahalaang Tsino na naghahangad na kailangan ng mga industriya
kilalanin sila ng mga Kanluranin at nang nila, binalak ng Japan na
mabago o matangal ang mga di-pantay lusubin ang Timog Silangang
na kasunduan. Asya. Kailangang biglaan ang
paglusob nang gayon ay
maparalisa nito ang hukbong
pandagat ng U.S. na noon ay
nakabase sa Pearl Harbor sa
Hawaii.

7
Suriin

.MGA IMPLIKASYON NG DALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

UNANG DIGMAAN (WW1) IKALAWANG DIGMAAN (WW2)


1. Sa kabuuan nanghina ang 1. Ang pag-atake ng mga
lahat ng bansang European dahil Hapones, ay ikinabigla ng United
sa tagal, hirap at gastos ng States at iba pang mga bansang
digmaan. Lumakas ang United kaalyado nito. Bumagsak ang
States at Japan. Pagkatapos ng England, Netherlands, at United
Unang Digmaang Pandaigdig, States. Mabilis ang pananakop
itinatag ang League of Nations ng Japan sa Timog Silangang
upang maiwasan na ang Asya at sa Pilipinas lang ito
pagkakaroon ng digmaan sa bumagal dahil nahirapan ito nang
daigdig. Ang Japan ang tanging husto. Sa pagbagsak ng Bataan
miyembro nito na galing sa Asya. noong Abril 9, 1942 at Corregidor
noong May 6, 1942, ganap na
ang pagsakop ng Japan sa
Timog Silangang Asya.

2. Sa India, nagkaisa ang mga 2.Dahil sa Digmaan, maraming


kilusang nasyonalista at mga lungsod ang nasira sa Asya.
pangkalayaan, at sumusuporta Milyon-milyong mamamayan ang
sila sa panig ng mga Allies. namatay. Hirap at taggutom ang
Maraming mga Indian ang dinala sinapit ng mga napinsala ng
sa mga labanan sa ilalim ng mga Japan. Binago ng pagkatalo ng
opisyal na English. Kasabay nito, Japan sa Ikalawang Digmaang
nagkaisa pansamantala ang Pandaigdig ang dating pagtingin
kilusang pangkalayaan ng mga ng mga Hapones sa kanilang
Hindu at mga Muslim at lumakas emperador bilang isang divine
ang hangad nila na mabigyan sila being o maladiyos at kinilala na
ng karapatang mamahala sa lamang siyang ordinaryong tao
sarili. Nanguna si Gandhi sa bagama’t simbolo pa rin siya ng
kilusan at isinulong ang Japan.
pamaraang matahimik ayon sa
ahimsa o non-violence

3. Nais ding sumali ng ibang mga 3.Nagkaroon ng malaking


Pilipino sa Unang Digmaang problema sa ekonomiya ng
Pandaigdig at itinaguyod ni rehiyon ng Timog Silangang Asya
Gobernador Heneral Francis dahil sa malawakang
Burton Harrison at Manuel Luis pagkukulang sa iba’t ibang
Quezon ang Guardia Nacional ng klaseng materyales at pagkain na
Pilipinas. Ang pagtaguyod ng kinukuhaan ng Japan. Masama
Guardia Nacional ay upang rin ang pagtrato ng mga
maipakita sa United States at sundalong Hapones sa kapwa

8
buong daigdig na handa na ang niya Asyano. Hindi nagtagal,
Pilipinas sa kasarinlan. Nais nagkaroon ng kilusan laban sa
ipakita ng mga Pilipino na handa Japan ang Pilipinas.
na silang ipagtanggol ang sarili at
sumali sa mga kaganapan sa
Daigdig. Hindi naman sila
naipadala sa Europa dahil sa
kakulangan sa pondo at suporta
galing sa United States.

4. Isa pang epekto ng Unang 4. Nakabangon kaagad ang


Digmaang Pandaigdig ay ang United States sa trahedya ng
Pearl Harbor. Unti-unting natalo
pagpasok ng mga Kanluranin sa
ang Japan sa labanan sa Pacific.
Kanlurang Asya. Nanatili ang Dahan-dahan napalaya ng mga
mga lokal na pamunuan ngunit Allies ang mga sinakop na
hawak ito ng mga dayuhan, lalo teritoryo ng Japan sa Timog
na ang aspektong pang- Silangang Asya.
ekonomiya.
5. Nagpatuloy ang kaguluhan at
nagkaroon ng digmaang sibil o
civil war ang bansang China.
Naglabanan ang mga komunista
sa ilalim ni Mao Zedong at ang
mga puwersang nasyonalista sa
ilalim ni Chaian Kai Shek

9
Pagyamanin

Gawaiin 1. Kilalanin mo ako!

Panuto. Lagyan ng tsek (√) kung ito ay karanasan o implikasyon sa Unang


Digmaang Pandaigdig at ekis(x) kung sa Ikalawang Digmaan Pandaigdig.

___ 1. Itinatag ang League of Nations upang maiwasan ang pagkakaroon ng


digmaan sa daigdig. Ang Japan ang tanging miyembro nito na galing sa Asya.

___ 2. Nagkaroon ng malaking problema sa ekonomiya ng rehiyon ng Timog


Silangang Asya.

___ 3. Biglaan ang paglusob ng mga Hapones nang sa gayon ay maparalisa


nito ang hukbong pandagat ng U.S. na noon ay nakabase sa Pearl Harbor sa
Hawaii.

___ 4. Nagkaroon ng labanan sa Asya dahil sa spheres of influence at interes


ng mga Kanluranin sa China.

___ 5. Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng digmaang sibil o civil war


ang bansang China.

___ 6. Isa pang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpasok ng


mga Kanluranin sa Kanlurang Asya.

___ 7. Ang pagtaguyod ng Guardia Nacional upang maipakita sa United


States at buong daigdig na handa na ang Pilipinas sa kasarinlan.

___ 8. Nilusob ng Japan ang Manchuria noong Setyembre 1931.

___ 9. Maraming mga lungsod ang nasira sa Asya at milyon-milyong


mamamayan ang namatay na dinulot ng Japan.

___ 10. Maraming mga Indian ang dinala sa mga labanan sa ilalim ng mga
opisyal na English.

10
Isaisip

Gawain 2. Tama o Mali


Panuto. Isulat sa inyong sagutang papel ang salitang TAMA kung ang
pahayag sa bawat bilang ay tama at isulat naman ang salitang MALI kung
ito ay hindi totoo.
1. Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagbago ang balance of
power sa Asya.
2. Lumakas ang nasyonalismo ng China at India.
3. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaidig, pumasok ang mga
Kanluranin sa kanlurang Asya upang malinang ang langis. Ipinatupad
nila ang sisitemang mandatosa rehiyon na kontrolado nila.
4. Bungang Great Depressionna nag-umpisa noong 1929 sa U.S.,
naghirap ang ekonomiya ng China at pagpapalakas ng militar upang
manakop ang nakita nitong solusyon.
5. Lumalim ang krisis sa Asya noong sumali sa Axis Powers ang Japan
at nagpahayag ito ng New Order in Asia o Bagong Kaayusan sa Asya.
Inihinto naman ng United States ang pagluluwas ng langis at iba pang
estratehikong likas na yaman sa Pilipinas.
6. Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumakas ang sosyalismo
sa Timog Silangang Asya. Naghirap ang maraming bansa sa ilalim ng
Japan.
7. Dahil sa lakas ng mga kilusang nasyonalista at pangkalayaan,
nakamtan ng maraming bansang Asyano ang kasarinlan pagkatapos
ng digmaan.
8. Sa kabuuan, nanghina lahat ng bansang European dahil sa tagal,
hirap, at gastos ng digmaan. Samantalang, lumakas naman ang
United States at Japan.
9. Maraming lungsod ang nasira sa Asya. Milyun-milyong mamamayan
ang namatay, hirap at taggutom ang sinapit ng mga napinsala ng
Japan.
10. Napabilis ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang paglaya ng Timog
Silangang Asya.

11
Isagawa

Gawain 3 . Reflection Journal

Panuto: Gumawa ng reflection journal batay sa larawan nasa ibaba at isulat


sa sagutang papel ang iyong napapaloob na damdamin. Gamitin ang rubrics
bilang iyong gabay.

12
Pamantayan sa Reflection Journal Rubrics

KRAYTIRYA 5 PUNTOS 3 PUNTOS MARKA

Ang journal ay Ang journal ay


Nilalaman
naghahahatid ng naghahatid ng
ebidensiya ng ebidensiya ng
personal na personal na
tugon sa binigay tugon sa binigay
na gawain. Ang na gawain. Ang
mag-aaral ay mag-aaral ay
nagpakita ng nagpakita ng
personal na pag- pasimula sa
unlad at paglinang ng
kamalayan sa bagong paraan
paksa. ng paglalarawan
ng kanilang
mundo.
Teksto May kakayahang May kakayahang
gumawa ng gumawa ng
imperensya at imperensya at
maunawaan ng mauunawaan ng
mas malalim ang mas malalimang
kahulugan. Tuloy- kahulugan sa
tuloy ang ilang pahayag.
pagpapakita ng Hindi masyadong
pagkakaintindi sa naipapakita ang
ipinapahiwatig ng saloobin sa
larawan larawang
batayan.

Kabuuan
10

13
Tayahin

Panuto: Piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang
Digmaaang Pandaigdig maliban sa:
a. Pagtatag ng nagkakaisang Bansa
b. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
c. Pagpapalakas ng hukbong military ng bansa
d. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa.

2. Kontinente kung saan nagsimula ang Ikalawang Digmaang


Pandaigdig.
a. Europe c. North America
b. Asya d. Australia

3. Kilala ang Unang Digmaang Pandaigdig sa ibng katawagang ito;


a. the Global War c. the Bloodiest War
b. the Great War d. the Cold War

4. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa


pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Pagkamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay sa Allied
Powers.
b. Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Wilson
c. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa
Sarajevo, Bosnia
d. Pagwawakas ng mga imperyo sa Europeo tulad ng Germany,
Austria, Hungary, Russia, at Ottoman.

14
5. Ang petsa kung saan nagsimula at natapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
a. Setyembre 1,1939 hanggang Setyembre 2, 1945
b. Setyembre 12,1993 hanggang Setyembre 22,1954
c. Setyembre 1,1993 hanggang Setyembre 2,1954
d. Setyembre 21,1939 hanggang Setyembre 22,1945

6. Ang pagsuko ng Japan ay naganap ng bagsakan ng bombang atomika


ng United States ang lugar na ito noong Agosto 6, 1945.
a. Nagasaki c. Manchuria
b. Hiroshima d. Fiji

7. Ang masamang epekto nito ay mahirap mabura sa isipan lalo na sa


mga taong nakaranas dito.
a. kaalyado c. kasuduan
b. protesta d. digmaan

8. Ang mga sumusunod na bansa ay kaalyado ng Axis power maliban sa:


a. Germany c. Italy
b. France d. Japan

9. Sila ang mga grupo ng sundalo na umatake sa Pearl Harbor, Hawaii


noong Disyembre 7, 1941.
a. Amerikano c. Hapones
b. Muslim d. Tsino

10. Heneral na naumumuno sa mga Amerikano na nag iwan ng katagang


“I Shall Return” sa bansang Pilipinas.
a. George Washington c. Emilio Aguinaldo
b. Ne Win d. Douglas MacArthur

15
11. Anong bansa ang nagkamit ng kalayaan nong Hulyo 4, 1946?
a. Japan c. China
b. Pilipinas d. Korea

12. Ito ang pangyayari kung saan napilitang sumuko ang Japan sa United
States noong Agosto 6, 1945.
a. Matatapos bagsakan ng bomba atomika ang Nagasaki.
b.Pag-agaw sa Manchuria.
c. Pagbagsak ng bomba sa Hiroshima.
d. Dahil sa paglakas ng Nasyonalismo.

13. Ang mga sumusunod na katauhan ay mga kilalang ilustrado maliban


kay;
a. Jose Rizal c. Marcelo del Pilar
b. Renato Constantino d. Graciano Lopez Jaena

14. Ang mga sumusunod ay mga bansang sinalakay ng Japan matapos


ang paglusob sa Pearl Harbor maliban sa;
a. Thailand c. Korea
b. Hong Kong d. Pilipinas

15. Sa pamamagitan ng kanyang liderato, gabay at mga prinsipyo


naitatag niya ang Republika ng China noong Oktubre 10, 1911.
a. Sun Yat Sen c. Hung Hsui Ch’uan
b. Mao Zedong d. Chiang Kai Shek

16
Karagdagang Gawain

Gawain 4. Kumpletuhin Mo!

Panuto: Basahin ang mga clue sa bawat bilang. Tukuyin ang mga
konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa
loob ng mga kahon. Isulat ang nabuong salita sa sagutang papel.

1. Pagkakampihan ng mga bansa

A Y S A

2. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe

M I T A S

3. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa

I P Y S O

4. Pagmamahal sa bayan

N S N L O

5. Bansang kaalyado ng France at Russia

G T B I T

17
6. Lugar sa Japan na pinasabog ng United States ng atomic bomb

H O H M

7. Samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig

U N E D T I S

8. Lider ng Nazi

D F H T E

9. Lugar na nilusob ng Japan sa Hawaii noong Disyembre 7, 1941.

P E H R B

10. Bansang ideneklara ang kanilang kalayaan noong Hulyo 4, 1946.

I P S

18
Susi sa Pagwawasto

Subukin Balikan Tayahiin


1. A 1. IMPERYALISMO 1. A
2. C 2. EMPERADOR 2. A
3. D 3. B
4. B 3. KOLONYALISMO 4. C
5. B 4. SHOGUNATO 5. A
6. C 6. B
7. A 5. NASYONALISMO 7. D
8. B 6. REBOLUSYON 8. B
9. B 9. C
10. B 10. D
11. A 11. B
12. C 12. C
13. D 13. B
14. C 14. C
15. A 15. A

Isaisip
Pagyamanin
6. Mali
7. Tama 1. √ 6. √
8. Tama 2. X 7. √
9. Mali 3. X 8. x
10. Mali 4. √ 9. x
11. Mali 5. X 10. √
12. Tama
13. Tama
14. Tama
15. Tama

Karagdagang Gawain
1. ALYANSA 6. HIROSHIMA
2. MILITARISMO 7. UNITED NATIONS
3. IMPERYALISMO 8. ADOLF HITLER
4. NASYONALISMO 9. PEARL HARBOR
5. GREAT BRITAIN 10. PILININAS

19
Sanggunian

AKLAT

Rosemarie C. Blando, Pasig City: Asya, Pagkakaisa sa Gitna ng


Pagkakaiba, Pilipinas ng Eduresources Publishing, Inc.2014, 235—238

Grace EstellaC. Mateo, Ph.D., et.al.: Asya, Pag-usbong ng Kabihasnan


ng Vibal Publishing House Inc.2008, p 322-330

CFVirina,et.al., Pasig: Kasaysayan ng Daigdig, p 446-480

WEBSITE

July 5, 2020, https://www.history.com/topics/world-war-i/world-war-i-history

July 5, 2020, https://en.wikipedia.org/wiki/World_War_I

July 6, 2020, https://www.theatlantic.com/photo/2014/04/world-war-i-in-


photos-introduction/507185/

July 6, 2020, https://www.youtube.com/watch?v=SLj5r2nZHB8

July 6, 2020, https://www.youtube.com/watch?v=PbwH1ZBnYds

July 6, 2020, https://www.britannica.com/event/World-War-II

July 6, 2020, https://en.wikipedia.org/wiki/World_War_II

July 6, 2020, https://www.youtube.com/watch?v=AUXIuYHFgBE

July 7, 2020, https://www.youtube.com/watch?v=SPMBwSH3e58

July 7, 2020, https://southeastasiaglobe.com/wwi-centenary/

July 7, 2020, https://history.mit.edu/subjects/world-war-ii-asia

July 7, 2020, https://www.thoughtco.com/world-war-ii-in-asia-195787

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.govph

You might also like