You are on page 1of 28

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan, Linggo 1 at 2 -
Modyul 1
Mabuting Pagpapasiya

Original na guhit ni: Mary Glydel P. Florin

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan, Linggo 1 at 2 -
Modyul 1
Mabuting Pagpapasiya

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP Junior


High School sa Dibisyon ng Misamis Occidental. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa deped_misocc@yahoo.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikaapat na Markahan, Linggo 1 at 2 - Modyul 11: Mabuting Pagpapasiya

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Mga Manunulat: Mark Jason Dungog, Maricel E. Lagunay, Victor John D. Bate III, Julmar D. Salvacion
Mga Tagasuri: Emma B. Cabibil, Lydia D. Malabas, Jemeris D. Tubigon, Ailen C. Brioso,
Rochelle J. Anino
Ilustrador at tagadisenyo: Mary Glydel P. Florin, Samuel D. Bugahod, Sunnyboy L. Ibarra

Mga Tagapamahala
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Mga miyembro Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Rey D. Tabil, EPS - EsP
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Edna Alona B. Duhaylungsod, EdD, Principal II/District In-charge
Mylene G. Labastilla, EdD, Principal II/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Ikaapat na Markahan, Linggo 1 at 2 - Modyul 11: Mabuting Pagpapasiya
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 2

Balikan ---------------- 3
Tuklasin ---------------- 4
Suriin ---------------- 6
Pagyamanin ---------------- 9
Isaisip ---------------- 10
Isagawa ---------------- 11
Buod ---------------- 13
Tayahin ---------------- 14
Susi sa Pagwawasto ---------------- 15
Sanggunian ---------------- 16
Modyul
Ang Mabuting Pagpapasiya
11

Alamin

Sa Modyul 8 ng Ikatlong Markahan, natutuhan mo na mahalaga ang pauli-ulit


na pagsasabuhay ng mabuting gawi batay sa mga moral na pagpapahalaga patungo
sa paghubog ng mga birtud. Karugtong nito, natutuhan mo sa Modyul 9 na ang
pagpili ng mga bagay na pahahalagahan sa buhay ay nararapat nakababatay sa
Hirarkiya ng Pagpapahalaga. Ibig sabihin, kung nahaharap ka sa sitwasiyon na
kailangan mong pumili, pipiliin mo ang mga bagay na nasa mataas ng
pagpapahalaga kay sa mababang pagpapahalaga. Napag-alaman mo sa Modyul 10
na magagamit mo ang mga natutuhan mong ito sa iyong patuloy na pagsisikap na
makamit ang iyong minimithing pangarap sa buhay hindi lamang para sa iyong sarili
at pamilya kundi para rin sa kapwa at sa bansa. Magagamit mo ang mga
pagkatutong ito sa iyong pag-aaral sa kasalukuyang modyul upang magkaroon ng
mga pagpapasiya tungo sa pagkamit sa mga mithiin mo sa buhay.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
14.1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya sa uri ng
buhay EsP7PB- IVc-14.1
14.2. Nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay
may pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasiya EsP7PB- IVc-
14.2
14.3. Nahihinuha na ang pagbuo ng
 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay
gabay sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa
buhay at matupad ang mga pangarap EsP7PB- IVd-14.3
14.4. Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay batay
sa mga hakbang sa mabuting pagpapasiya EsP7PB- IVd-14.4

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng pinakaangkop
na sagot at isulat ito sa kuaderno.

1. Ano ang dalawang instrumento o gamit sa mabuting pagpapasiya?


A. Isip at kilos-loob
B. Isip at damdamin
C. Isip at pagpapahalaga
D. Kilos-loob at damdamin
2. Bakit nararapat gawin ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay o Personal
Misson Statement?
A. Dahil nagsisilbi mo itong giya o gabay sa mga pagpapasiya.
B. Dahil hindi ka na mahihirapang abutin ang iyong mithiin sa buhay.
C. Dahil nakakatulong ito sa pag-abot na ating mga mithiin sa buhay.
D. Dahil nagbibigay kaalaman ito sa maaaring mangyari sa ating buhay.
3. Paano nakatutulong ang pahayag ng layunin sa buhay o personal mission
statement?
A. Gabay ito sa iyong pagpapasiya
B. Nagpapahayag ito kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay
C. Nagbibigay tuon ito sa pagtupad ng mga itinakdang mithiin mo sa buhay
D. Lahat ng nabanggit
4. Si Elna ay nasa ika-apat na baitang sa haiskul. Magpahanggang ngayon ay wala
pa rin siyang ideya kung anong pangarap meron siya at kung anong track ang
kukunin niya sa Senior Haiskul. Ano ang maipapayo mo sa kanya upang siya ay
magabayan sa kaniyang pagpapasiya?
A. Sundin ang nais ng mga magulang para sa kaniya.
B. Hahayaan na lamang ang tadhana kung anong klaseng buhay ang magkaroon
siya.
C. Payuhan siya na magkaroon ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
dahil ito ay isang mabuting gabay sa pagpapasiya.
D. Magtanong sa mga kaklase kung anong pangarap meron ang mga ito at iyon
na lamang din ang kaniyang magiging pangarap para sa sarili.

2
5. Ang sumusunod ay mga paglalarawan kung ano ang Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay maliban sa:
A. Ito ay nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
B. Ito ay nagpapahayag ng iyong mga kahilingan sa buhay.
C. Ito ay isang personal o pansariling motto o kredo.
D. Para itong balangkas ng iyong buhay
6. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng kahalagahan ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay?
A. Pinipilit ang sariling kagustuhan sa gitna ng pagtutol ng mga taong nakapaligid.
B. Hindi nagpapaapekto sa mga bagay bagay kahit na may taong nasasaktan.
C. Nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral sa gitna ng kahirapan.
D. Pabago-bago ng ambisyon sa buhay.
7. Ang sumusunod ay nagpapakita na kailangan ang Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay maliban sa:
A. Isa itong mabuting gabay o giya sa ating pagpapasiya.
B. Ito ay nagbibigay katatagan sa anumang unos na dumating sa buhay.
C. Ito ay nagbibigay tuon sa pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay.
D. Ito ay nagbibigay kakayahan sa pagsasagawa ng anumang pagpapasiya.
8. Sino ang nagsaalang-alang ng mabuting pagpapasiya para sa mas mataas na
kabutihan o higher good?
A. Nag-aaral nang mabuti si Pam upang makatapos at magkaroon ng diploma.
B. Gustong magtapos ng pag-aaral si Lea upang maiahon niya sa kahirapan ang
kaniyang pamilya.
C. Pinagbutihan ni Kara ang pagiging working student niya upang may
maipagmalaki siya sa lugar nila.
D. Nagsusumikap si Earl na makatapos ng pag-aaral upang makatulong sa mga
taong nangangailangan.
9. Ang ating mga pagpapasiya sa buhay ay maihahanlintulad sa larong chess na
kinakailangang mamili ng tamang piyesa na ititira at magpasiya ng gagawing tira.
Ano ang pinakamalapit na konklusiyon sa pahayag na ito?
A. Hindi kailangang seryosohin ang buhay dahil gaya ng chess are laro lang ito.
B. Gaya ng larong chess, may mga panahon sa buhay na ikaw ay mananalo at
matatalo.

3
C. Sa buhay gaya ng larong chess ay palaging may tagumpay at gantimpalang
matatanggap.
D. Kinakailangan na sa bawat galaw at desisyon sa buhay ay dapat ito’y pinag-
iisipan at pinag-aaralang mabuti katulad ng larong chess.
10. Sa pagpapakatao, paano naging pinakamabuting dahilan ang paghingi ng gabay
sa Diyos sa isasagawang pagpapasiya?
A. Sa panalangin, mabibigyan ng linaw kung ano talaga ang gusto ng Diyos na
iyong gagawin.
B. Sa panalangin, siguradong matutulungan kang tuparin ang iyong mga
minimithi sa buhay.
C. Sa panalangin, hindi ka mahihirapan sa buhay.
D. Sa panalangin, madali na lang ang magpasiya.
Mula kay: Judith V. Esmillarin, “MS Word,” January 25, 2019, 1-2.

4
Balikan

Sa modyul 10 natutuhan mo na ang pagtatakda ng malinaw at


makatotohanang mithiin ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya upang
magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap.
Naunawaan mo rin na mahalagang magkatugma ang mga personal na salik at mga
kailanganin (requirements) sa pinaplanong kursong akademiko o teknikal-bokasyonal,
sining o isports, negosyo o hanapbuhay upang magkaroon ng makabuluhang
negosyo o hanapbuhay, maging produktibo at makibahagi sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa. Malaki ang papel dito sa iyong pag-aaral dahil ito ang
naglilinang sa iyong mga kasanayan, pagpapahalaga, talento at mga kakayahang
makatutulong sa pagtatagumpay sa pinaplanong buhay, negosyo o hanapbuhay. Sa
modyul na ito, gagabayan ka upang malilinang sa iyo ang mga hakbang sa
pagpapasiya tungo sa pagkamit sa mga mithiin sa buhay.

Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na:


Bakit mahalaga ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?

Handa ka na bang simulan ang Unang Linggo ng iyong pag-aaral sa Ikaapat


na Markahan ng EsP Baitang 7? Inaasahan na matutuhan mo sa Linggong ito ang
mga Kasanayang Pampagkatuto 11.1 at 11.2 na nakikita mo sa baba ng bahaging
Alamin? Kaya tayo na!

Tuklasin

Gawain 1
Panuto: Ang tao ay laging nahaharap sa mga pangyayari o sitwasiyon sa buhay kung
saan kailangan niyang gumawa ng pasiya. Bilang isang kabataan, ano-anong
pagpapasiya na ba ang nagawa mo sa iyong buhay? Ang mga pasiya mo
kaya ay patungo sa tamang direksiyon ng buhay? Ano kaya ang nararapat na
gawing batayan ng pagpapasiya ng tao?

1. Alamin mo paano ka gumawa ng pasiya sa mga pangyayari sa iyong buhay.

5
2. Balikan mo ang tatlong pangyayari sa iyong buhay kung saan gumawa ka ng
pagpapasiya.
3. Itala sa unang kolum sa ibaba ang mga pangyayaring ito.
4. Isulat sa ikalawang kolum ang sa tingin mo ay naging tamang pasiya mo.
5. Isulat naman sa ikatlong kolum ang nakitang mong magandang resulta nito.
6. Isulat din sa ikaapat na kolum ang sa tingin mo ay naging maling pasiya mo.
7. Isulat naman sa ikalimang kolum ang nakita mong di-magandang resulta nito.
8. Gamitin mong gabay ang tsart sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Tatlong Naging Tama Magandang Naging Mali Di- magandang


Nangyari sa Kong Pasiya Resulta Kong Pasiya Resulta
Aking Buhay na
Ginawan Ko ng
Pasya

Halimbawa:
Habang nag- Iniwan ko ang Hindi ko
aral ako sa mga aking pag- natapos pag-
modyul ng aaral at aralan ang mga
aking mga nanood kami modyul at
asignatura, ng teleserye. nagalit ang
niyaya ako ng Mama ko dahil
aking kapatid kailangan na
na manood niyang ibalik
kami ng ang mga
paborito naming modyul sa
teleserye. aking gurong
tagapayo
kinabukasan

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang natuklasan mo sa iyong mga nagawang pasiya sa iyong buhay?
2. Kailangan bang mag-isip muna nang mabuti bago magpasiya? Bakit?
3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tamang pasiya? Ipaliwanag.
4. Magkakaroon ba ng epekto ang iyong mga pagpapasiya sa buhay sa
hinaharap mo? Pangatwiranan.

6
Linangin
Gawain 2
Panuto: Naalala mo pa ba ang mithiin mo para sa iyong kinabukasan na isinulat mo
sa unang bilang ng unang kolum sa bahaging Pagganap ng Modyul 10? Sa
kasalukuyan, ito pa rin ba ang mithiin mo para sa iyong kinabukasan? Halika
na! Gumawa na ng mabuting pagpapasiya.
1. Suriin mo uli ang iyong sarili kung ano ang gusto mong maging pagdating ng
takdang panahon.
2. Isipin mo nang mabuti kung ano-ano ang dapat mong gawin upang matupad ito.
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015.), 4.

3. Pagkatapos, bumuo ka ng iyong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


(PPMB) o Personal Mission Statement.
4. Gamitin mong gabay ang halimbawa sa ibaba.

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ni Mary

Isang mapagmahal na guro sa Junior High School na buong pusong


inaakay at ginagabayan ang mga mag-aaral na ipinagkakatiwala sa akin ng
kanilang mga magulang, ng paaralan at ng Diyos upang mahubog sila sa
akademiko at pagpapahalaga bilang tao sa pamamagitan ng mga kaalaman
at kasanayan ko sa pagtuturo, sa pag-unawa sa pagka-iba-iba ng bawat mag-
aaral at sa patuloy na pananaliksik at pagkatuto ng mga istratehiya at dulog
sa pagtuturo.

Ngayon, ikaw naman!

Ang Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)

7
5. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Ano ang isinulat mo sa iyong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay na
gusto mong maging pagdating ng takdang panahon?
b. Ano-ano ang dapat mong gawin upang matupad ito?
c. Sa palagay mo, naisaalang-alang mo ba ang tama at matuwid na pagpapasiya
sa pagbuo mo ng iyong PPMB? Pangatwiranan.
. d. Bakit mahalagang isaalang-alang ang tama at matuwid na pagpapasiya sa
pagbuo mo ng iyong PPMB?
e. Paano mo maisakatuparan ang iyong PPMB?

Ngayon, handa ka na sa Ikalawang Linggo ng iyong pag-aaral sa Ikaapat na


Markahan para sa mga Kasanayang Pampagkatuto 11.3 at 11.4 na nakikita mo sa
baba ng bahaging Alamin. O, ano pang hinihintay mo? Simulan mo na!

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa Pagyamanin.

Ang Mabuting Pagpapasiya

Ang Proseso ng Paggawa ng Mabuting Pasiya


Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala
o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Ang pagpili ng
paglalakad sa bangketa ay pagpili na hindi maglakad sa kalsada dahil alam mo ang
kaibahan ng bangketa sa kalsada.
Ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya
ay panahon. Kadalasan ito ang una nating hinihingi upang makagawa ng pagpapasya
sa anomang bagay na inaasahan sa atin. Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo
pa ako ng panahong makapag-isip.”

8
Ang mga instrumento o gamit sa mabuting pagpapasiya ay ang isip at
damdamin. Una, gamit ang isip, pinagninilayan natin ang sitwasyon.
Naghahanap tayo ng mga impormasyon at tinitimbang natin ang mga
kabutihan at kakulangan sa ating mga pamimilian. Hinihinuha natin ang mga maaring
kahantungan o maging epekto ng mga ito. Madalas kumukunsulta tayo sa mga
eksperto. Itinatala natin at iniipon ang mga datos tungkol sa suliraning nais nating
malutas.
Kinukunsulta rin natin ang ating damdamin upang tiyaking kagustuhan nga
natin ang ginawang pagpili. Kung kaya’t sinasala ng ating damdamin ang anomang
natuklasan ng ating isip upang pagbatayan ng pagpili, upang gawing atin ang
pagpapasiya.
Ang pagpapahalaga ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting
pagpapasiya. Madalas tinitimbang ang mga pamimilian batay sa kung ano ang
mahalaga sa atin. Maaring pinipili mong pagkain ng gulay dahil sa halaga nito sa
ating kalusugan, ayon sa dikta ng ating isip sa kung ano ang tama at ng damdamin
ayon sa ating ginugusto.
Mga Hakbang sa Paggawa ng Wastong Pasiya

1. Magkalap ng kaalaman. Ang pagiging tama o mali ng isang pagpapasiya ay


nakasalalay sa mga katotohanan. Mahalaga na ikaw ay sumangguni at
humingi ng opinyon sa mga taong nakaaalam at mayroong sapat na
karanasan tungkol sa mga bagay na iyong pinagninilayan. Halimbawa,
makatutulong nang malaki kung isasangguni mo sa iyong gurong
pinagkakatiwalaan ang iyong mga agam-agam.

2. Magnilay sa mismong aksiyon. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na


gabay:
a. Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon. Tanungin mo ang iyong sarili,
Ano ba ang aking binabalak na gawin? Ito ba ay naaayon sa pamantayan
ng Likas na Batas Moral? Ito ba ay tama?
b. Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili kung ano ba talaga ang iyong
personal na hangarin sa iyong isasagawang aksiyon. Hal: Ikaw ba ay
nagbahagi dahil gusto mo lamang magpasikat? Tiyak na makaaapekto ang
iyong mga hangarin sa pagiging moral ng iyong kilos.

9
c. Mahalagang tingnan din ang mga pangyayaring may kaugnayan sa aksiyon.
May epekto sa iyong kapwa ang iyong mga pagkilos.
Ito ang dahilan kung bakit mahalaga na suriin muna kung ano ang
magiging kahihinatnan ng iyong kilos bago ito isagawa. Halimbawa, kung ang
iyong kapatid ay lagi mong iginagawa ng kaniyang mga gawaing-bahay at
proyekto, hindi ba tinuturuan mo siyang maging palaasa at tamad? Hindi ito
makatutulong sa kaniyang pagkatuto at paglago.
3. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya. Dahil sa panalangin,
mabibigyang ng linaw sa iyo kung ano talaga ang gusto ng Diyos na iyong
gawin. Mahalagang gawin ito upang magkaroon ng mabuting pagpapasiya.

4. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasiya. Mahalaga ring


isaalang-alang ang ating damdamin o kalooban sa ating gagawing pagpili.

5. Pag-aralang muli ang pasiya. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil
mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasiya,
kailangan mong pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na
panalangin at mas ibayong pagsusuri. Maging bukas sa posibilidad na
magbago ang pasiya pagkatapos ng prosesong pinagdaanan mo.

Mahalagang tandaan na sa bawat isasagawang pagpili, laging isasaalang-


alang ang mas mataas na kabutihan (higher good). Ito ang natutuhan mo sa M10:
Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max Scheler.

Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay o Personal Mission Statement


Isang mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya ang pagkakaroon ng
personal na pahayag ng layunin sa buhay o personal mission statement. Ayon nga
kay Sean Covey sa kanyang aklat na The Seven Habits of Highly Effective Teens,
“Begin with the end in mind.” Dapat na sa simula pa lang ay alam na natin ang gusto
nating mangyari sa ating buhay upang hindi magiging mahirap para sa atin ang mga
mahahalagang pagpapasiya sa buhay. Ang pahayag ng layunin sa buhay ay
maihahalintulad sa isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag
kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay. Para itong balangkas ng iyong buhay. Iba’t

10
iba ang paraan ng pagpapahayag ng mission statement o layunin sa buhay. Ang iba
ay mahaba; ang iba naman ay maikli.
Ang iba ay awit; ang iba ay tula. Ang iba naman ay ginagamit ang kanilang
paboritong salawikain o kasabihan bilang pahayag ng layunin sa buhay.Kailangan
natin ang matibay na makakapitan upang malampasan ang anomang unos na
dumarating sa ating buhay. Walang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ay
nagbabago. Maaariing ngayon ay mayaman kayo, bukas naman ay naghihirap.
Maraming bagay na hindi natin mapipigil. Narito ang ilang mga paraan na
iminungkahi ni Sean Covey sa kaniyang aklat:

1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto. Pumili ng ilang mga kasabihan na may


halaga sa iyo at tunay na pinaniniwalaan mo. Maaring ang mga ito na ang gamitin
mong pahayag ng iyong personal na layunin sa buhay.

2. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”. Sa loob ng labinlimang minuto ay


isulat mo ang anomang nais mong isulat tungkol sa iyong misyon. Huwag kang
mag-abalang magsala ng mga ideya o itama ang mga pagkakamali dito. Matapos
ang labinlimang minuto ay maari mo na itong salain at itama ang mga
pagkakamali sa bararila o gramatika.

3. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. Magtungo sa isang lugar kung saan


ka maaaring mapag-isa. Doon mo pagtuunan ng panahon ang paggawa ng iyong
layunin sa buhay sa anomang paraang makatutulong sa iyo.

4. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito. Hindi kinakailangan ang perpektong
pagkakasulat ng layunin sa buhay. Hindi naman ito isang proyekto sa isang
asignatura na kinakailangan ng marka ng guro. Ito ay personal mong sekreto. Ang
mahalaga, nagsisilbi itong inspirasyon sa iyo. Itanong sa iyong sarili, “Ako ba’y
naniniwala sa aking isinulat?” Kung masasagot mo ito ng oo, ay mayroon ka ng
personal na pahayag ng misyon sa buhay.
Kailangan ang personal na pahayag ng misyon sa buhay upang panatilihing
matatag sa anomang unos na dumating sa iyong buhay. Kailangan ito upang bigyan
ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay.

11
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City: Kagawaran
ng Edukasyon, 2012.), 297-303.

s Pagyamanin

Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin tungkol sa


Mabuting Pagpapasiya sa itaas.
Panuto: Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-unawa sa mga
mahalagang konsepto sa babasahin. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno.
1.Ano ang dapat isaalang-alang sa bawat gagawing pagpili?
2.Bakit mahalagang magkalap ng kaalaman bago magsagawa ng pagpapasiya?
3. Bakit mahalagang pagnilayan ang isasagawang kilos?

Gawain 3b: Paghihinuha ng Batayang Konsepto


Panuto:
1. Mula sa iyong mga pagkatuto sa babasahin tungkol sa Mabuting Pagpapasiya,
punan ng mga angkop na salita ang pangungusap sa ibaba upang mabuo ang
Batayang Konsepto.
2. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

pangarap personal pagpapasiya direksiyon Misyon gabay

Ang pagbuo ng___________ na Pahayag ng __________ sa Buhay ay ________ sa


tamang _______________ upang magkaroon ng tamang __________ sa buhay at
matupad ang mga ___________.

12
Isaisip

Gawain 4 Pagninilay
Panuto: Nais mo bang mapatatag ang natutuhan mo sa modyul na ito? Halika na,
mag-journal na!
1. Isulat sa journal ang iyong pagninilay sa mga natutuhan mo sa aralin.
2. Gamitin mong gabay ang tsart sa ibaba.

Ang Aking Pagninilay


Pangalan: Petsa:
A. Mga mahalagang konsepto o ideya na aking natutuhan tungkol sa
Mabuting Pagpapasiya
1.

2.
B. Mga natuklasan ko sa aking sarili ukol sa aking mga pagpapasiya
1.

2.
C. Paano ko maisasabuhay ang aking Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay (PPMB)

D. Ang aking komitment para malinang (develop) ang aking mga


pagpapasiya tungo sa minimithi kong pangarap

Narito ang Rubriks para sa Pagsusuri ng Pagninilay sa Gawain 4:


5- Malinaw ang ipinarating na mensahe ng pagninilay.
4- Maayos na naisulat ang pagninilay ngunit may isa hanggang dalawang punto na
hindi malinaw na naiparating.
3- Mayroong mahigit na tatlong punto na hindi malinaw ang mensahe at hindi maayos
ang pagkakasulat.
2- Mayroong mahigit sa limang punto na hindi maayos ang pagkakasulat at hindi
malinaw ang mensahe.

13
1- Walang nagawang pagninilay.

Isagawa

Gawain 5: Pagganap
Panuto: Nais mo bang makamit ang iyong mithiin sa buhay? Halinang magsulat ng
iyong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ayon sa natutuhan
mo sa pagbuo nito.
1. Balikan ang nagawa mong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay sa bahaging
Linangin.
2. Ayusin ang pagkabuo nito batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasiya.
2. Pumili sa dalawang mungkahing paraan sa paggawa nito.
a. Maaaring isulat ito nang maayos sa isang short size bond paper at lagyan ng
disenyo ang margin. Ilagay ito sa dingding sa harap ng mesa kung saan ka nag-
aaral para maalala mo lagi ang iyong mithiin pagkatapos ma-tsek at maibalik ito
sa iyo ng iyong guro.
b. Maaari namang i-encode ito na may disenyo din, ipa-print at ipa-laminate na
kasing laki ng school ID at gawing bag tag. Habang panahon pa ng Bagong
Normal, ilagay ito sa mesa kung saan ka nag-aaral para maalala mo lagi ang
iyong mithiin pagkatapos ma-tsek at maibalik ito sa iyo ng iyong guro.
3. Kung hindi ka nakabuo ng iyong Personal na Pahahayag ng Misyon sa Buhay
Maaari mong gamitin ang halimbawa sa ibaba. Punan mo na lamang ang mga
patlang nito upang mabuo ito.

Ang Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


Isang ________ na anak na sumusunod sa mga payo at utos ni Papa at
Mama at isang ________ na mag-aaral na nag-aaral ng lahat ng mga modyul sa
mga asignatura, ginagawa lagi at isinusumite sa _______ oras ang mga
ipinapapasa ng mga guro; umiiwas sa mga masamang impluwensiya ng
_________ upang maabot ko ang aking mithiin na maging isang ______, sa
gabay ng Diyos patuloy kong gawin ang mga ito hanggang makamit ko ang
pagiging isang _______ .

Narito ang rubrics para sa Pagtataya ng output sa Gawain 5:

14
5 - Makatotohanan, tiyak, angkop at malinaw ang nabuong Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay (PPMB)
4 - May tatlo sa apat na kraytirya na nabanggit mula sa makakuha ng limang (5)
puntos sa itaas
3 - May dalawa sa apat na kraytirya na nabanggit sa makakuha ng limang (5) puntos
sa itaas
2 - May isa sa apat na kraytirya na nabanggit sa makakuha ng limang (5) puntos sa
itaas
1 – Wala sa apat na krayatirya na nabanggit sa makakuha ng limang (5) puntos sa
itaas

Gawain 6: Pagsasabuhay
Panuto: Ano ang nararapat mong gawin sa nabuo mong Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay upang makamit mo ang iyong mithiin?
1. Balikan ang maayos nang nabuo mong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
2. Gumawa ng konkretong plano batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasiya.
Malaki ang maitutulong nito upang mapauunlad mo ang mga katangian ng
pagpapakatao na kailangan sa pagkamit ng iyong mithiin.
3. Gamitin mong gabay ang tsart sa ibaba.

Pagsasabuhay Ko ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)

Gagampanan Kong Mga Gawain na Aktuwal Panahong Ilalaan Ko sa


Misyon sa Buhay Kong Gagampanan Bawat Gawain

Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:

Isang responsableng  Pagsunod sa mga utos  Tuwing inuutusan ako


anak na sumusunod sa nga mga magulang
mga payo at utos ni Papa  Paggawa ng gawaing  Sa wastong oras na
at Mama bahay na nakatalaga nararapat gawin ko ito o
sa akin na di na sa tuwing matapos
naghihintay na utusan kumain ang pamilya
pa ng paghuhugas ng namin
pinggan

15
Narito ang rubrics para sa Pagtataya ng output sa Gawain 6:
5 - Makatotohanan, tiyak, angkop at malinaw ang isinulat sa bawat kolum ng
Pagsasabuhay ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)
4 - May tatlo sa apat na kraytirya na nabanggit mula sa makakuha ng limang (5)
puntos sa itaas
3 - May dalawa sa apat na kraytirya na nabanggit sa makakuha ng limang (5) puntos
sa itaas
2 - May isa sa apat na kraytirya na nabanggit sa makakuha ng limang (5) puntos sa
itaas
1 – Wala sa apat na krayatirya na nabanggit sa makakuha ng limang (5) puntos sa
itaas

Buod
Ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay sa
tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad
ang mga pangarap.

16
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng


pinakaangkop na sagot at isulat ito sa kuaderno.
1. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng kahalagahan ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay?
A. Pinipilit ang sariling kagustuhan sa gitna ng pagtutol ng mga taong nakapaligid.
B. Hindi nagpapaapekto sa mga bagay bagay kahit na may taong nasasaktan.
C. Nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral sa gitna ng kahirapan.
D. Pabago-bago ng ambisyon sa buhay.

2. Ang sumusunod ay nagpapakita na kailangan ang Personal na Pahayag ng Misyon


sa Buhay maliban sa:
A. Isa itong mabuting gabay o giya sa ating pagpapasiya.
B. Ito ay nagbibigay katatagan sa anumang unos na dumating sa buhay.
C. Ito ay nagbibigay tuon sa pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay.
D. Ito ay nagbibigay kakayahan sa pagsasagawa ng anumang pagpapasiya.

3. Sino ang nagsaalang-alang ng mabuting pagpapasiya para sa mas mataas na


kabutihan o higher good?
A. Nag-aaral nang mabuti si Pam upang makatapos at magkaroon ng diploma.
B. Gustong magtapos ng pag-aaral si Lea upang maiahon niya sa kahirapan ang
kaniyang pamilya.
C. Pinagbutihan ni Kara ang pagiging working student niya upang may
maipagmalaki siya sa lugar nila.
D. Nagsusumikap si Earl na makatapos ng pag-aaral upang makatulong sa mga
taong nangangailangan.

17
4. Ang ating mga pagpapasiya sa buhay ay maihahanlintulad sa larong chess na
kinakailangang mamili ng tamang piyesa na ititira at magpasiya ng gagawing tira.
Ano ang pinakamalapit na konklusiyon sa pahayag na ito?
A. Hindi kailangang seryosohin ang buhay dahil gaya ng chess are laro lang ito.
B. Gaya ng larong chess, may mga panahon sa buhay na ikaw ay mananalo at
matatalo.
C. Sa buhay gaya ng larong chess ay palaging may tagumpay at gantimpalang
matatanggap.
D. Kinakailangan na sa bawat galaw at desisyon sa buhay ay dapat ito’y pinag-
iisipan at pinag-aaralang mabuti katulad ng larong chess.

5. Sa pagpapakatao, paano naging pinakamabuting dahilan ang paghingi ng gabay


sa Diyos sa isasagawang pagpapasiya?
A. Sa panalangin, mabibigyan ng linaw kung ano talaga ang gusto ng Diyos na
iyong gagawin.
B. Sa panalangin, siguradong matutulungan kang tuparin ang iyong mga minimithi
sa buhay.
C. Sa panalangin, hindi ka mahihirapan sa buhay.
D. Sa panalangin, madali na lang ang magpasiya.

6. Ano ang dalawang instrumento o gamit sa mabuting pagpapasiya?


A. Isip at kilos-loob
B. Isip at damdamin
C. Isip at pagpapahalaga
D. Kilos-loob at damdamin

7. Bakit nararapat gawin ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay o Personal


Misson Statement?
A. Dahil nagsisilbi mo itong giya o gabay sa mga pagpapasiya.
B. Dahil hindi ka na mahihirapang abutin ang iyong mithiin sa buhay.
C. Dahil nakakatulong ito sa pag-abot na ating mga mithiin sa buhay.
D. Dahil nagbibigay kaalaman ito sa maaaring mangyari sa ating buhay.

18
8. Paano nakatutulong ang pahayag ng layunin sa buhay o personal mission
statement?
A. Gabay ito sa iyong pagpapasiya
B. Nagpapahayag ito kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay
C. Nagbibigay tuon ito sa pagtupad ng mga itinakdang mithiin mo sa buhay
D. Lahat ng nabanggit

9. Si Elna ay nasa ika-apat na baitang sa haiskul. Magpahanggang ngayon ay wala


pa rin siyang ideya kung anong pangarap meron siya at kung anong track ang
kukunin niya sa Senior Haiskul. Ano ang maipapayo mo sa kanya upang siya ay
magabayan sa kaniyang pagpapasiya?
A. Sundin ang nais ng mga magulang para sa kaniya.
B. Hahayaan na lamang ang tadhana kung anong klaseng buhay ang magkaroon
siya.
C. Payuhan siya na magkaroon ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
dahil ito ay isang mabuting gabay sa pagpapasiya.
D. Magtanong sa mga kaklase kung anong pangarap meron ang mga ito at iyon
na lamang din ang kaniyang magiging pangarap para sa sarili.

10. Ang sumusunod ay mga paglalarawan kung ano ang Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay maliban sa:
A. Ito ay nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
B. Ito ay nagpapahayag ng iyong mga kahilingan sa buhay.
C. Ito ay isang personal o pansariling motto o kredo.
D. Para itong balangkas ng iyong buhay

Mula kay: Judith V. Esmillarin, “MS Word,” January 25, 2019, 6-7.

19
Susi sa Pagwawasto

Subukin

Bilang ng Aytem Sagot Kasanayan/ Skill


1 B Kaalaman
2 A Pag-uanwa
3 D Pagtataya
4 C Paglalapat
5 B Pagsusuri
6 C Pagsusuri
7 D Pagsusuri
8 D Pagtataya
9 D Pagtataya
10 A Pagtataya

Tayahin

Bilang ng Aytem Sagot Kasanayan/ Skill


1 C Pagsusuri
2 D Pagsusuri
3 D Pagtataya
4 D Pagtataya
5 A pagtataya
6 B Kaalaman
7 A Pag-uanwa
8 D Pagtataya
9 C Paglalapat
10 B Pagsusuri

20
Sanggunian

Esmillarin, Judith V. “Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Ikatlong Markahang Pagsusulit.”


Pagsusulit presented at the Critiquing, Iligan City, January 25, 2019.

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul para sa


Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2012.

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa


Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa


Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa


Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
22
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.govph

You might also like