You are on page 1of 14

Filipino 7

1
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Ang Bunga ng Inggit (Saknong 232-317)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Mellanie M. Bawa
Tagasuri: Carina S. Javier at Shirley H. Amorada
Editor: Leda L. Tolentino at Cindy C. Macaso

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 7
Ikaapat na Markahan
Modyul 5 para sa Sariling Pagkatuto
Ibong Adarna: Ang Bunga ng Inggit
Saknong 232-317
Manunulat: Mellanie M. Bawa
Tagasuri: Carina S. Javier at Shirley H. Amorada/ Editor: Leda L. Tolentino at Cindy C. Macaso

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Modyul 5 para sa
aralin Ang Bunga ng Inggit Saknong 232-317!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino7 Modyul 5 ukol sa Ang Bunga ng Inggit
Saknong 232-317!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aara

5
MGA INAASAHAN

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning


panlipunan na dapat mabigyang solusyon

MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO

A. Naiisa-isa ang sanhi at masamang bunga ng inggit.


B. Nasusuri ang sarili kung tama o mali ang mga pag-uugaling nabanggit.
C. Nakasusulat ng talatang nagpapahayag ng sariling opinyon o mungkahi
mga suliraning panlipunan na kinahaharap ng bansa ngayon.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakahilig at may

salungguhit. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____ 1. Habang naglalakad ang tatlong prinsipe, ang kanilang katuwaa’y nag-
iibayo.
A. nababawasan B. nadadagdagan C. nalilingid D. nag-uumapaw

_____ 2. Siya ay lunung-luno nang iwan sa gubat.


A. hirap na hirap B. mahinang-mahina C.malakas na malakas D. masigla

_____ 3. Naghimutok ang hari, ang kanyang katuwaan ay napawi.


A. lumawig B. nabawasan C.naghilom D.nawala

_____ 4. Siya ay isang palamara.


A. sakim B.sinungaling C.tapat D. traidor

_____ 5. Malabo man ang sagot, si Don Pedro ay natuwa dahil kanyang natalos na
masusunod ang kanyang plano.
A. nalaman B.nakita C. naunawaan D. narinig

6
BALIK-ARAL

PANUTO: Pagtapat-tapatin, hanapin sa hanay B ang sagot sa hanay A.

Hanay A Hanay B
1. Umalis sa kaharian, upang A. Don Juan
hanapin ang mga kapatid.
2. Siya ang nanghingi ng tinapay B. Don Diego at Don Pedro
sa gubat.
3. Ang mga kapatid na kailangang C. ermitanyo
hanapin.
4. Ayaw pumayag na umalis sa D. Haring Fernando
kaharian, ang bunsong prinsipe
5. Nagbigay ng bendisyon kay Don E. Ibong Adarna
Juan, upang magtungo sa gubat.
F. Reyna Valeriana

ARALIN

A. Panimulang Gawain

PANUTO: Magtala ng mga salitang maiuugnay sa salitang kapatid, isulat ito sa

loob ng bilog.

kapatid

Mula sa Pngtree

7
Ang Bunga ng Inggit
( Saknong 232- 317 )

Nagtagumpay si Don Juan sa paghuli sa ibong Adarna. Nang kanyang


mahuli ay dinala ito sa ermitanyo.Iniutos ng ermitanyo na punuin ng tubig ang
banga at ibuhos sa mga kapatid niya na naging bato. Nang manauli ang pagiging
tao ng magkapatid, sila’y nagyakap.Pinaghanda sila ng pagkain ng ermitanyo sa
tagumpay na kanyang nakamit. Pagkatapos kumain, sila ay binendisyunan upang
makarating na sa amang naghihintay sa kanila.

Naging masaya sana ang tatlong magkakapatid, kaya lang ay pinag-isipan


ng masama si Don Juan ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid. Ayaw
sanang pumayag ni Don Diego pero dahil sa takot kay Don Pedro ay napasunod na
rin siya.Inggit ang dahilan kung bakit binugbog si Don Juan.

Nang makarating na sa kaharian ang dalawa, ibinigay na ang ibon.Pinaawit


subalit ayaw,sa halip ay ipinakita ang kanyang pangit na anyo.Nais naman ng ibon
na makatulong kaya lang ay hihintayin niya si Don Juan.

Ang sinumang makakikita kay Don Juan ay tiyak na maaawa sa labis na


pasang tinamo ng kanyang katawan. Hindi siya nakalimot tumawag sa Poong
Maykapal.Hindi niya maubos-maisip kung bakit siya’y pinagtaksilan ng kanyang
mga kapatid.Dumating ang isang matanda, siya ay tinulungan at pinagpala.
Nagpasalamat siya sa pagtulong na ginawa sa kanya.Naitanong niya kung paano
siya makakabayad. Nawika ng matanda na ang pagtulong ay may layon, hindi
nangangailangan ng kabayaran.
Mula sa Obra Maestra I pahina 91-104

B. Pagtalakay sa Akda

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa iyong pag-unawa sa

binasang buod.Isulat ang nawawalang letra sa kahon.

1. Ano ang naisipang gawin ni Don Pedro upang makaligtas sa kahihiyang dala ng
pagbabalik sa Berbanya nang talunan, laban kay Don Juan?

P T Y N I D J N

PATAYIN SI DON JUAN


2. Bakit hindi agad pumayag si Don Diego sa balak o plano ni Don Pedro?

K S L N N M R L

KASALANANG MORTAL
3. Ano ang ibinunga ng pagkainggit nina Don Diego at Don Pedro kay Don Juan?

B N G O G A G K P T

BINUGBOG ANG KAPATID

8
4. Kung ikaw si Don Juan, mapapatawad mo ba ang iyong mga kapatid sa
pagtataksil at pananakit na ginawa sa iyo?
O O A M A A A D O I L

OPO, DAHIL MGA KAPATID KO SILA.


5. Kanino tumawag si Don Juan sa kaawa-awa niyang kalagayan?

S M H L A B R I

SA MAHAL NA BIRHEN.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
PANUTO: Sa pamamagitan ng story map, ibigay ang hinihingi ng
sumusunod. "BUNGA NG INGGIT"

D.JUAN
D. PEDRO Gubat
D. DIEGO

NAIWAN kailangan
si Don Juan niyang
makauwi...

Mula sa Pinterest

binugbog si Don Juan Don Juan kailangang makauwi ni Don Juan


Bunga ng Inggit Don Pedro naiwan si Don Juan sa gubat

bundok ermitanyo matandang Leproso

Don Diego gubat Piedras Platas

9
PAGSASANAY 2

PANUTO: Hanapin sa loob ng korona, ang tamang salita upang mabuo ang

pahayag.

A. Diyos B. Don Pedro C. inggit

D.umawit E. makauuwi F. kumain

Mula sa PNGwave

1. Nagtaka si Haring Fernando sa dala-dalang Ibong Adarna ng magkapatid,


dahil ayaw nitong _______________.
d. umawit
2. Umaasa ang Ibong Adarna na si Don Juan ay _______________.
e. makauwi
3. Sa kawalan ng pag-asa, ipinaubaya na ni Don Juan ang
sarili sa _______________.
a. Diyos
4. Sa tatlong magkakapatid, ang nagbalak ng masama
b. Don Pedro
ay si _______________.
5. Nagawa nilang bugbugin at iwan sa gubat ang kanilang bunsong kapatid
dahil sa _______________.
c. inggit

PAGSASANAY 3 NN

PANUTO: Suriin ang mga pahayag, lagyan ng malungkot na mukha ( ) ang

kahon kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng suliraning

panlipunan na tinalakay sa akda at masayang mukha ( ) kung


hindi.

1. Ang paggawa ng masama, upang mapagtakpan ang kahihiyan.

2. Pagiging sunod-sunuran sa iba, kahit na masama ang iniuutos.

3. Paggamit ng dahas o pagiging bayolente sa kapwa.

4. Labis na paghahangad ng kapangyarihan o salapi.

5. Ang pagiging traidor, kapag ang kalaban ay mahina.

10
PAGLALAHAT

PANUTO: Ayusin ang ginulong salita/parirala na nasa tren upang mabuo,

ang mensahe o kaisipan na nais ipabatid ng paksa.

ay sandata sa anumang sa Diyos pagsubok Ang pananalig

Mula sa Pinterest

Ang pananalig sa Diyos ay sandata sa anumang pagsubok.


Kaisipan: _______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Suriin kung TAMA o MALI ang ugaling ipinapakita, lagyan ng hugis

puso ( ) ang kahon kung tama at kalahating puso ( ) kung mali.

H 1. Inaalagaan ko ang aking kapatid na bunso, lalo na kapag wala ang aming
m magulang.
BH 2. Lagi kong inaaway ang aking kuya.

H 3. Tinutulungan ko ang aking ate sa mga gawaing bahay.

BH 4. Naiinggit ako sa kapatid kong bunso.

H 5. Tinuturuan ko sila sa paggawa ng kanilang takdang-aralin.

11
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Pumili ng isa, mula sa mga suliraning panlipunan na nangyayari sa

ating bansa sa kasalukuyan, isulat ang iyong sariling opinyon o

mungkahi upang malutas ang suliranin. Sikapin na makasunod sa

pamantayan.

Kasalukuyang Suliraning Panlipunan ng Bansa

1. Patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19


2. Pagsasamantala ng mga pinuno sa nasasakupan
3. Manggagawang nawalan ng trabaho

Pamantayan sa Pagsulat

5 puntos- Ang solusyon ay makabuluhan at sadyang nakatutulong upang malutas

ang suliranin.

3 puntos- Gumamit ng mga salitang simple at madaling unawain

2 puntos- Maayos at malinis ang pagpapahayag at pagkakasulat.

Suliraning napili ko :
____________________________________________________________

Ang solusyon na maimumungkahi ko para sa suliraning ito ___________________

__________________________________________________________________________________

12
13
MODYUL 5
Ang Bunga ng Inggit Saknong 232-317
Paunang Pagsusulit Balik-aral
1. B 1. A
2. B 2. C
3. D 3. B
4. D 4. D
5. A 5. A
Pagtalakay sa aralin Pagsasanay 1
1. Patayin si Don Juan Pamagat: Bunga ng Inggit
2. Kasalanang mortal Tauhan: Don Juan, Don Pedro at Diego
3. Binugbog ang kapatid Tagpuan: gubat
4. Opo, dahil mga kapatid ko sila. Problema: Naiwan si Don Juan
5. Sa mahal na Birhen Solusyon: kailangan niyang makauwi
Pagsasanay blg. 2 Paglalahat
1. umawit Ang pananalig sa Diyos ay sandata
2. makauuwi sa anumang pagsubok.
3. Diyos
4. Don Pedro
5. inggit
Pagsasanay blg.3 Pagpapahalaga
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Mga aklat

Candelario, Marietta T.et.al Obra Maestra I Rex Book Store 2006

Julian, Ailene B. et al Pinagyamang Pluma Phoenix Publishing House 2014

Mga Ginamit na Larawan

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fpngtree.com%2Ffreepng
%2Fhappy-childrens-sketch-text-
box_4491873.html&psig=AOvVaw1hkiUUHo_yCXJKYotOiRQj&ust=159430570069
5000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOig1s2uveoCFQAAAAAdAAAA
ABAV

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.co.uk%2F
pin%2F849773023418567842%2F&psig=AOvVaw3Pijsb8QjM3CEVNVaJ5REj&ust=
1594308708872000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOCD1PG5veoC
FQAAAAAdAAAAABAY

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pngwave.com%2Fp
ng-clip-art-
fzozm&psig=AOvVaw31TnOj7s8IOY4j5p5aH6xk&ust=1594313082552000&source=
images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPiN2JHKveoCFQAAAAAdAAAAABAI

https://i.pinimg.com/originals/60/df/b4/60dfb49655e36984cf4801e1283969ca.p
ng

14

You might also like