You are on page 1of 3

TEACHING INTERNSHIP REPORT

Students

- Active/ Passive

 last sem strating Nov-Jan nahandle ko na po ang Persevernace at Unity , noong 2nd quarter
nila . Nadagdag lang po ang Kindness nitong 3rd quarter... Every week Gmeet po talaga ang
gamit ng grade 7, bibihirang mag messenger. Ang Tuesday class ko po kahit konti lang ang
naattend sa Online Class... active sila sa discussion. Pero ang Friday sched ko ay masyado pong
tahimik , halos isa hanggang tatlo lang ang nagsasalitan sa pagsagot , the rest kahit tawagin mo
ang pangalan .. dedma lang.

- 10- 20 Gmeet participants

 Minsan po dalawa na po kami ng CT ko ang nagreremind na magjoin sa meet, kasi halos sampu
lang mahigit talaga ang napasok . maaga po kasi ang klase 8 -10 am siguro mga inaantok pa. Pag
di parin po umubra sinesend na po ng Ct ko ang screenshot sa Gc ng parents , ayun dumadagsa
umaabot ng 20 plus , close to 30.

- Reading Skills

 Pag nagpapabasa po ako , minsan may mababagal pa pong bumasa , kaya pinapayuhan po
namin silang magsanay magbasa sa bahay sa tulong ng kanilang magulang . Then, tinatake note
din po ni maam ang name para maisama sa remedial .

- Module Activities (Non-Negotiable)

 Sa pagchecheck ng kanilang mga activities sa FB group napansin ko rin po na kinokopya lang po


nila ang answer key sa dulo ng modyul, minsan naman pag part ng sintesis/ pagpapahalaga ...
yung need ng saloobin/ opinyon ng bata , may nakikita rin po akong magkaparehas ang sagot.

Intructional Materials ( PROCESSING )

Interactive Activities

- Online Applications

Quizziz at Mentimeter
- Fun Strategies

 pag may available na template swerte, pag wala po tapos match naman yung naiisip ko sa
content ... mano manong gawa , medyo natatagalan lang po ako kasi di ko gaano gamay ang
PPT.

- Adding some essential Module Contents & Activities

 Minsan po pag bitin ang modyul or parang may kulang , may idinadagdag po si ma'am para mas
mainam na maipaintindi sa bata ang daloy ng talakayan. Minsan rin po ang mga activities sa
modyul ehh pang malakasan na , parang pang PT na ang dating... ex: BLog, Vlog, News Casting,
Sayaw, kaya nagdadagdag po kami ng activity bilang pagsasanay sa natalakay na modyul , kasi
kinokonsider din po talaga ang oras lalo na pag 2 modules in 1 hour.

(Attaching some video contents especially in Literature w/ longer stories)

 next, ang mga bata kahit na paalalahanan na ng magadvance study or reading sa isang
mahabang akda , hindi parin po nila binabasa kaya need talaga ng video clip upang masundan
nila ang kwento o isang estratehiya na matatalakay mo ang buod ng kwento.

REFLECTING PROCESS

- Delivery (Execution of Activities & Lesson)

 Dito naman sa pageexcute ng lesson at kalkip nitong mga pagsasanay... maayos ko namang
naipaliliwanag ang content , nakapagbibigay din ng halimbawa ... Pero aaminin ko rin po na ....
minsan kahit gaano ako kahanda pag kinain ako ng kaba , ayuun medyo nabubulol ako sa
pagsasalita , nanginginig ang boses , at medyo nadedead air. Pero Sinisikap ko namang labanan
yun at makabalik sa discussion na parang walang nangyari .

- Feedback of Cooperating Teacher

 Marami syang mga suggestions at recommendation regarding sa discussion at mga


estratehiyang gagamitin sa bawat activity , kaso minsan nauubusan na ko ng ideas kasi bawat
isang modyul.... 5 mahigit ang activities (Subukin, Balik-aral, Pagtuklas, Pagsasanay, Paglalahat,
Pagpapahalaga, Panapos na pagsusulit) lahat yun dapat malagyan ng estratehiya panu sya
ipepresent sa mga bata . kaya okay lang po sa kanya minsan maulit iyon kahit nagamit ko na sa
ibang week. Pero syempre naghahanap parin po ko ng iba, kasi baka sabihin ng mga bata paulit
ulit .
- Time Frame (Extention)

 Nabanggit ko na kanina 1 hour lang ang alloted time para sa isang section , pagkakasyahin mo
ang Aralin at activities ng 2 modyul. ( 1:5 ) , depende po sa approved WHLP ko , minsan kasi may
pinadadagdag , minsan may pinapabawas... depende sa pangangailangan ng aralin.. Minsan
kinukulang , kinacut nalang po ang ibang mga pagsasanay kasi may next class ang ibang secton.
pero pag wala naman po... nageextend ako ng 15 mins mahigit .

- Mastery of Content

 Eto minsan pag gramatika medyo madali pa naman ang naencounter ko, ( Antas ng Wika , P. A/K
, P/P) pero pag panitikan , syempre bukod sa pagkakaunawa ko .... need ko din magbasa ng mga
pagsusuri para magkaron din ako ng back-up info lalo na sa konteksto at kulturang nakapaloob
sa akdang iyon. ( 2nd q: Bisya , 3rd: Luzon)

- Attitude towards others

 Eto medyo maingat ako sa pagpuri at pagsasabi na mali ang kanilang sagot. ( HMmm.
sumasangayon po ba kayo sa sagot ni Agravante?), ( maari, ngunit mayroon pa akong hinahanap
na mas malapit na salita/ kasagutan)
 Tapos minsan po kahit tapos na kaming magdiscuss ayw parin magsisagot...kahit napakadali
naman ng tanong... madalas po ito pag Friday. Aware naman po ang CT ko doon, kasi ganun din
sila nung nagobserve ako. May times na active, may times na pilit silang sumagot.

- Accountability

 Share ko lang din yung sinabi ng CT ko , nung ineexplain nya ang forms mayroon kasi doon na
makikita ang overall reports kung ilan ang outstanding, pasado, at drop-outs.. mayroong drop-
outs last year sa advisory class ni maam. So, pinaalalahanan nya po ako na.... "Mam ang lahat ng
performances ng students ... passed man o retained , ay magrereflect sayo na teacher... kahit
ginwa mo naman ang lahat para sa kanila at sila nalang talaga ayaw gumalaw. kahit anong
paalala at pangungumbinsi kung ayaw ng bata, babagsak talaga.. " So, lahat daw ay babalik ang
sisi sa teacher na naghandle , laging tanong "anong ginawa mo?" "bakit yan nangyari...

 ayan...kung iisipin natin napakabigat ng accountability o pananagutan ng guro sa kanyang mga


mag-aaral. Yung drive and passion to teach lang talaga ang nagpapanatili sa mga mahal nating
guro, at tayo rin pagdating ng panahon.

You might also like